Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bantugan

(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.


Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang
naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit
sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman
kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe
ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y
nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa
Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa
Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng
pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano
ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang
bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita
naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit


upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali,
dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na
dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni
Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian
pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay


si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga
kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga
kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya
ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag.
Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni
Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga
kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng
Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang
inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga
prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa
Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong
galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

You might also like