Ohs Module

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 214

Aral Pan 10

OHSP Learner’s Material


1
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
2
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
3
Quarter 1: Modyul 1

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG
KONTEMPORARYONG ISYU

Sa modyul na ito tatalakayin ang Kontemporaryong Isyu at ang


kahalagahan nito sa kasalukuyan at pangkaunlaran sa Pilipinas. Sisikapin ng
araling ito na suriin ang mga hakbangin ng pamahalaan upang bigyang
solusyon ang mga isyung nagiging balakid sa pagtatamo ng kaunlaran.

Ang araling ito ay tumatalakay sa mga kasalukuyang suliraning


nararanasan sa bansa gayundin ang mga programa sa pag-unlad na
ipinatutupad ng ating pamahalaan. Ilalarawan ang mga programang ito at
susuriin kung ito ba ay tunay na tumutugon sa mga suliraning pangkaunlaran.

Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:

1. Naipaliliwang ang konsepto ng kontemporaryong isyu.


2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

3.

A B

C D

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
4
Gawain Maging Mapanuri!
Blg. 1

Suriin ang mga larawan sa itaas.

1. Ano ang ipinapakita sa larawan? Sumulat ng maikling paglalarawan ukol


dito.

A.______________________ B._____________________

C.______________________ D._____________________

2. Maliban sa mga nakalarawan, anu-ano pang kaugnay na suliranin


ang inyong nararanasan?

3. Maituturing bang pandaigdigan ang mga nakalarawan o nagaganap


lamang sa iilang mga bansa? Pangatwiranan.

4. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang mga suliraning inilarawan sa:

a. Sarili

b. Kapwa

c. Pamilya

d. Bansa

Para sa iyong Kaalaman!

Bukod sa mga nabanggit, ang mga suliraning kinakaharap ng Plipinas


sa kasalukuyan ay maaring mailarawan din sa pamamagitan ng mga
sumusunod na datos:

1. 80% lamang ng mga Pilipino ang may malinis na tubig.


2. 86.1% lamang ang may palikuran.
3. 79% lamang ang may elektrisidad.
4. 76% lamang ang nagmamay-ari ng sariling bahay at lupa; 5
milyong tao ang nangangailangan ng permanenteng tirahan; at
3.4 milyon katao ang iskwater sa Metro Manila.
5. 16% ng populasyon ang hindi kumakain sa isang araw.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
5
6. 20-34% ng populasyon ang hindi malusog o kulang sa tamang
pagkain (malnourished).
7. 4 na milyong bata ang nagtatrabaho na dapat sana ay
nagsisipag-aral.
8. 1.5 milyon ang batang lansangan.
9. Ika-apat ang Pilipinas sa mga bansang bumibili ng bigas sa ibang
bansa sa kabila ng pagiging agrikultural ng ating ekonomiya.
10. 2.8 milyon ang hindi marunong bumasa at sumulat.

Gawain
Pagpapayaman ng Aralin
Blg. 2

Nakalista sa ibaba ang mga suliraning inilalarawan sa Gawain 1. Ihambing ito


sa iyong mga sagot. Tumpak ba ang mga naibigay mong sagot? Binabati kita!

Upang higit na mapalalim ang iyong pagkaunawa sa konsepto ng


Kontemporaryong Isyu, magsagawa ng interbyu sa iyong Lolo o Lola o kung sinuman
na matanda sa iyong lugar. Itanong sa kanila kung ang mga nabanggit bang suliranin
sa ibaba ay nagaganap noong kapanahunan nila. Isulat ang buod ng kanilang sagot
sa loob ng kahon.

A. Masikip na daloy ng B. Climate Change


trapiko

Nagaganap ba ang
mga suliraning ito
noon?

D. Agawan sa
C. Malalang problema teritoryo ng mga
sa basura bansa

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
6
Gawain
Sanhi at Bunga
Blg. 3

Mula sa mga naging sagot sa iyong ginawang interbyu, ano ang iyong
mahihinuha o ideya kung bakit nagaganap sa kasalakuyan ang mga nabanggit
na suliranin.

DAHILAN SULIRANIN

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
7
Para sa iyong Kaalaman!

Kahirapan ang pinakamatinding suliraning pangkaunlaran ng Pilipinas.


Ang kahirapan ay hindi lamang kakulangan sa pagkain. Ito rin ay kakulangan
o kasalatan sa iba’t ibang aspeto ng buhay na dapat tamasahin ng tao tulad ng
edukasyon, kalusugan, pabahay, hustisya, at iba pa.
Ang mabilis na pagtaas ng antas ng teknolohiya ay nagdudulot din ng mga
suliraning lubos na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at kalagayang
pangkaunlaran ng bansa

Gawain
Paglalapat
Blg. 4

Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga nakaraang pagsubok.


Ngayon, atin namang alamin ang antas ng iyong pagkatuto ukol sa paksa.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong pagkakaunawa sa konsepto ng
KONTEMPORARYONG ISYU.

Ang Kontemporaryong Isyu sa aking


pagkakaunawa ay ______________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
8
Gawain
Paglalapat
Blg. 4

Bahagi ng pagiging isang mapanagutang mamamayang tulad mo ang


pagiging mulat sa mga pangyayari sa kanyang lipunan at daigdig. Para sa
iyong huling gawain sa Aralin na ito, gumawa ng islogan na nagpapahayag sa
kahalagahan ng pagiging mulat o maalam sa kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig. Maaaring gumamit ng kahit anong panulat o pangkulay
upang maging epektibo ang islogan na gagawin.

Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka sa kabilang pahina.

Ang aking Islogan tungkol sa kahalagahan ng pagiging


mulat sa mga kontemporaryong Isyu sa lipunan at daigdig

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
9
Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Nilalaman Ang ginawang islogan ay
nagpapahiwatig ng tumpak at
20
malalim na pagkakaunawa sa
paksa
Pagkamalikhain Ang paggamit ng mga angkop
at malalim na salita ay akma
sa disenyo at biswal na 15
presentasyon upang maging
mas maganda ang islogan
Kaangkupan sa Angkop sa tema ang ginawang
Tema 10
islogan
Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng
5
islogan
KABUUANG PUNTOS 50

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
10
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
11
MGA SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN

Ikaw ay nasa ika-2 modyul na. Sa puntong ito ay mayroon ka nang


ganap na kaalaman sa konsepto ng KONTEMPORARYONG ISYU. Bibigyang
pansin sa araling ito ang mga isyung kaugnay ng ating kapaligirang
ginagalawan .

Hindi sapat na alam mo lamang ang mga suliraning pangkapaligiran.


Higit na mahalaga na malaman kung paano ito nakakapekto sa ating lipunan
at kung paano ito mabibigyang solusyon. Mangyayari lamang ito kung ikaw ay
may malalim na pagkaunawa sa mga suliraning pangkapaligiran upang iyong
masuri kung paano mapapangalagaan ang kaligtasang panlahat at pagtatamo
ng Pilipinas ng pambansang kaunlaran.

Sa modyul na ito, iyong masusuri ang pagsisikap ng pamahalaan ng


Pilipinas na tugunan ang mga balakid na dulot ng mga kalamidad na
nararanasan sa bansa upang makamit ang minimithing pag-unlad. Sasagutin
mo rin ang tanong na: Bakit kailangan tugunan ang mga suliraning
pangkapaligiran.

May tatlong paksang naglalarawan ng suliraning pangkapaligiran


sa araling ito.

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Disaster Risk Mitigation


Climate Change (Aspektong Politikal, Pang-ekonomiya, at
Panlipunan)
Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
12
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa
komunidad at sa bansa
2. Maiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng
kalamidad
3. Matutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga
kalamidad
4. Matutukoy ang mga ahensya ng pamahalaan na responsible sa
kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad
5. Mapahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad
6. Maipaliliwanag ang aspektong pulitikal, pang ekonomiya, at panlipunan
ng climate change
7. Matatalakay ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng
pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan tungkol sa climate
change
8. Matataya ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at
kabuhayan ng tao sa bansa at sa daigdig
9. Matutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa
sariling pamayanan
10. Matatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga
suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan
11. Makagawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning
pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
13
Panimulang Pagsusulit
Ano na ba ang alam mo tungkol sa paksa? Sagutan ang panimulang
pagsusulit upang matiyak ng guro ang mga kaalamang dapat ituro at mga
gawain na dapat ibigay. Huwag kang mag-alala, pre-test pa lamang ito at hindi
magiging basehan ng pagmamarka.

1. Sa bansang Pilipinas, alin sa mga ss: na kalamidad o suliranin ang


madalas na nararanasan sa bansa?
A. Tornado
B. Bagyo
C. Lindol
D. El Nino

2. Upang mapangalagaan ang kaligtasan sa panahon ng kalamidad ang


mga tao ay nararapat na
A. Sundin ang mga kautusang ipinatutupad ng pamahalaan
B. Siguruhin ang pansariling kaligtasan
C. Ipaubaya sa mga may katungkulan ang paggawa ng nararapat na
hakbang pangkaligtasan
D. lahat ng nabanggit

3. Ang epektibong programa ng pamahalaan laban sa kalamidad ay


magdudulot ng _______.
A. paglutas sa mga suliranin
B. kaligtasang panlahat
C. hakbangin sa pag-unlad
D. lahat ng nabanggit

4. Ang malawakang paggamit ng mga Greenhouse Gas tulad ng carbon


dioxide, chlorofluorocarbon, nitrogen oxide at sulfur oxide ay nagdudulot
ng __________.
A. El Nino at La Nina
B. Global Warming
C. Pagbaha
D. Lahat ng nabanggit

5. Paano nakakaapekto sa kalagayang pang-ekonomiya ang mga


kalamidad na nararanasan sa bansa.
A. Sumisigla ang sektor ng pagnenegosyo sa bansa

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
14
B. Mabagal na pag-unlad ng ekonomiya
C. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
D. Pagkabutas ng Ozone layer

6. Alin sa mga ss: ang nagdudulot ng matinding init at pagkatuyo ng lupain?


A. Pagkasira ng ekolohiya
B. El Nino
C. Pagkabutas ng Ozone layer
D. Global Warming

7. Ito ang pangunahing tungkulin ng bansa sa kanyang mga mamamayan.


A. Karapatang Pantao
B. Edukasyon
C. Pwersang militar
D. Seguridad

8. Ang sangay ng pamahalaan na responsible sa pagtitiyak ng proteksyon


at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna at kalamida.
A. DSWD
B. NDRRMC
C. DOH
D. DPWH

9. Pagkaranas ng matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang


pangkabuhayan lalo na ng mga bansang agricultural.
A. El Nino
B. Bagyo
C. La Nina
D. Storm Surge

10. Isang Sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng


isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na
inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basing hangin.
A. Flash Flood
B. Volcanic eruption
C. Bagyo
D. Soil erosion

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
15
Gawain 4 Pics 1 Word
Blg. 1

Sa gawaing ito, iyong tutukuyin ang mga kalamidad na karaniwang


nararanasan sa Pilipinas. Sa tulong ng mga larawan, ibiga ang tumpak na salita
sa bawat kahon.

A A I

A GO D BY F E U S L L D E ND A UP

A U L O

R E T H AK Q KE S A SF L OD SH D F
U O

S S R I

A S T L OM SR U A I L N OǸ E S
O

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
16
Wow ang galling, binabati kita! Ang mga salitang nahulaan mo ay ilan
lamang sa mga karaniwang kalamidad na nararanasan sa ating bansa.

Bagyo

Flash Earthquak
Flood e

El Nino
Kalamidad La Nina
sa Pilipinas

Land Volcanic
Slide Eruption

Storm
Surge

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
17
Para sa iyong Kaalaman!

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba upang higit na mapalalim ang


iyong kaalaman ukol sa paksa.

Kalamidad Katangian Naitalang Pangyayari


Kalagayan ng panahon Ang bagyong Yolanda na
na nagdudulot ng itinuturing na pinakamalakas
malakas na pag-uulan na bagyo sa kasaysayan na
Bagyo at di-pangkaraniwang puminsala sa Leyte at
lakas ng hangin na Samar noong Nobyembre 8,
umaabot hanggang 2013. Nag-iwan ito ng
250km/hour mahigit 6000 patay.
Ang magnitude 8.0 na lindol
na tumama sa Mindanao
noong August 17, 1976 na
Matinding pag-uga ng
sinundan ng Tsunami. Nag-
lupa dulot ng mabilis na
iwan ito ng mahigit 8000
paglabas ng enerhiyang
patay at pagkasira ng
seismiko. Kadalasang
Lindol tirahan ng libu-libong
sanhi ay ang paggalaw
pamilya. Pinakabago ang
ng fault sa ibabaw na
magnitude 6.7 na lindol na
bahagi ng ating mundo
tumama sa Surigao noong
o crust
February 10, 2017 na sumira
sa maraming imprastraktura
at kumitil ng 8 buhay
Ang pagsabog ng Mount
Ang mga aktibong
Pinatubo noong June 15,
bulkan ay patuloy na
1991. Nagbuga ito ng
nakakaipon ng pressure
makapal na alikabok na
dulot ng matinding init a
bumaon sa libu-libong
nagmumula sa gitna ng
kabahayan at kabuhayan ng
ating mundo. Ang
Pagputok ng mga tao sa Zambales,
pressure na ito ang
Bulkan Tarlac at Pampanga.
siyang tumutulak sa
Maliban sa Mt. Pinatubo, isa
magma o mga tunaw
pang aktibong bulkan na
na materyales upang
binabantayan ng Philvolcs
lumabas sa bunganga
ay ang Mt. Mayon sa Albay.
ng bulkan kapag ito ay
sumabog.
Ang storm surge o Ang Daluyong na tumama
daluyong ay ang sa Tacloban bunsod ng
Storm Surge abnormal na pagtaas Typhoon Yolanda ay
ng lebel ng dagat dahil nakarehistro ng 5-6 metrong
sa pagtulak ng malakas pagtaas ng tubig. Nag-iwan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
18
na hangin sa tubig ito ng libu-libong patay at
patungo sa higit bilyong halaga ng ari-
dalampasigan. arian.
Ang mabilis na
pagragasa ng tubig
Ang flash flood na tumama
ulan mula sa
sa Ormoc Leyte noong
kabundukan.
Nobyembre 5, 1991 ay nag-
Flash Flood Pangunahing sanhi ang
iwan ng mahigit 8000 patay
malakas at tuluy-tuloy
at pagkawasak ng mga ari-
na pag-ulan at
arian.
pagkakalbo ng
kabundukan
Ang Leyte at Southern Leyte
ang dalawang probinsya sa
Ang pagguho ng lupa Pilipinas na nakararanas ng
dulot ng tuluy-tuloy na matinding land slide.
pag-uulan. Ngdudulot Halimbawa nito ang
Land Slide
ng panganib sa mga insidente sa St. Bernard
bahay na nasa gilid ng Souther Leyte noong
mga bundok. February 17, 2006 ang
bumaon ng buhay sa mahigit
1000 katao.
Ang abnormal na pag-
init ng karagatang
Pasipiko na nagdudulot
Ang El Nino noong 2015
ng tuyong panahon,
kung saan pinakagrabeng
matagal na tag-araw at
naaapektuhan ang
El Nino matagal na pagsisimula
Mindanao. Nagdulot ito ng
ng tag-ulan sa mga
bilyong halaga ng pinsala sa
bansang nakapaligid
agrikultura
dito. Nagdudulot ito ng
matinding pinsala sa
agrikultura.
Kabaligtaran ito ng El
Nino na kung saan Ang di-pangkaraniwang ulan
dahil sa malamig na na bumuhos sa mahigit 25
temperatura sa probinsya s Pilipinas noong
Karagatang Pasipiko, Enero 14, 2011 ay nagdulot
La Nina
nagdudulot ito ng ng pagbabaha na pumatay
malalakas at mahabang sa 42 katao at nagwasak sa
panahon ng tag-ulan na 900 milyong halaga ng ari-
maaaring maging sanhi arian.
ng pagbabaha.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
19
Gawain Paglalapat
Blg. 2

Sa gawaing ito, iyong ilalahad ang personal na karanasan ukol sa mga


nabanggit na kalamidad. Pumili ng 1 sa nabanggit na kalamidad sa itaas na
iyo ng naranasan. Ikuwento ang iyong buong karanasan sa ibaba. Tiyakin na
maisama sa paglalahad ang mga sumusunod: Detalye ng kalamidad,
paghahandang ginawa, epekto nito sayo at pamilya at kung paano kayo
bumangon matapos ang kalamidad.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
20
Gawain
Pagpapalalim ng Aralin
Blg. 3

Kapag tinanong mo ang iyong lolo’t lola, marami sa kalamidad na


nararanasan natin sa ngayon ay wala naman noon. Umusbong na lamang
dahil sa modernong aktibidad ng tao. Ang mga gawaing ito rin ang higit na
nagpapalubha sa epektong dulot ng mga kalamidad.

Maglista ng 3 gawain ng tao sa kasalukuyan at ipaliwanag kung paano


ito nagiging sanhi o nagpapalubha sa epekto ng mga kalamidad.

Gawain ng tao Paliwanag

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
21
Gawain
Pagpapayaman ng Aralin
Blg. 4

May mga kalamidad na sadyang di maiiwasan subali’t sa matalinong


paghahanda maaaring mapagaan ang epektong maaaring idulot nito. Bilang
iyong product sa modyul na ito, ikaw ay gagawa ng Infographics. Gamit ang
template sa ibaba, maglista ng 6 na tips na maaaring gawin bilang
paghahanda sa panahon ng kalamidad. Maaari itong guhitan ng mga
simpleng larawan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka sa kabilang
pahina.

1 2

3 4

5 6

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
22
Rubrik ng Pagmamarka

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Ang mga tip na ibinigay ay
tumpak at ngpapahiwatig ng
Nilalaman 20
lubos na kaalaman sa
paksa.
Ang mga salita, larawan at
mga disenyong ginamit ay
nagpapakita ng sariling
Pagkamalikhain 15
konsepto at pagnanais na
mas lalo pang mapaganda
ang output
Ang lahat ng aspeto ng
Kaangkupan sa output mula sa teksto at
15
Tema disenyo ay naaangkop sa
tema
Organisado at malinis ang
Organisasyon/
pagkakalatag sa lahat ng 10
Kalinisan
aspeto ng infographics
Kabuuang Puntos 60

Para sa iyong Kaalaman!

Ang National Disaster Risk


Reduction and Management
Council o NDRRMC ay sangay
ng pamahalaan sa ilalim ng
Kagawaran ng Tanggulang
Pambansa ng Pilipinas, na
responsable sa pagtitiyak ng
protektsyon at kapakanan ng
mamamayan sa panahon ng
sakuna at krisis.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
23
Mga Gawain at Tungkulin

 Mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng Disaster Risk


Management (DRM) lokal na pamahalaan, mga samahan ng mga
mamamayan, at mga samahan mula sa ibang bansa;
 Pagpapalakas sa sistema ng mas maagang babala at paghahanda,
kasama ang pagtatasa sa panganib at pagsasamapa ng mga peligrosong
lugar;
 Pagdagdag sa pakikipag-ugnayan at pinag-isang proyekto kasama ang
mga samahan mula sa ibang bansa;
 Pagsasaalang-alang sa DRM sa mga planong lokal at sektoral na
pagpapaunlad;
 Paghahanda ng mga plannong pambansa sa DRM at pagbubuo ng mga
batas para mapalakas ang pagpapatupad ng DRM;
 Pagkakaroon ng kapasidad ng mga lokal na pamahalaan at DCC sa DRM
lalo sa pagpigil ng dami ng masasalanta;
 Pagpapaunlad ng database at pagpapalaganap ng impormasyon;
 Pagpapakilala sa DRM sa kurikulum ng sekondarya at kolehiyo; at

Gawain
Maging Mapanuri!
Blg. 5

Ipinapakita ng web ang 4 na pangunahing tungkulin ng NDRRMC.


Suriin kung alin sa mga sumusunod na gawaing nakalista sa ibaba ang
naaangkop sa bawat tungkulin. Isulat ang titik ng naaangkop na gawain sa
loob ng kahon

Pangunahing Tungkulin ng
NDRRMC

Pag-iwas Paghahanda Pagtugon Rehabilitasyon

A. Earthquake Drill B. Pagresponde

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
24
C. Tree Planting D. Muling pagtatayo ng Klasrum

Gawain
Pagpapahalaga
Blg. 6

Balewala ang kahandaan ng pamahalan sa mga sakuna kung walang


pakikiisa ang mamamayan. Isang halimbawa sa mga ito ay ipinapakita ng
cartoon sa ibaba. Ipaliwanag ang mensahe ng cartoon.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bakit mahalaga na sumunod sa pamahalaan sa panahon ng


kalamidad?_____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
25
Para sa iyong Kaalaman!

Ang malalakas na bagyong nararanasan ng maraming bansa sa


kasalukuyan at iba pang kalamidad ay dulot diumano ng global warming o
climate change. Mahalaga na maunawaan na ang dalawang konseptong ito ay
magkaugnay subalit di magkapareho.

Ang Global Warming ay ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng


mundo kaya’t nagdudulot ng pangkalahatang pag-init ng kalawakan, ng
kalupaan at karagatan. Pangunahing epekto nito ay ang pagbabago sa klima o
Climate Change.

Sa syentipikong pag-unawa, ang global warming ay resulta ng


malakihang konsentrasyon o bolyum ng greenhouse gases (GHG) sa
kalawakan. Ang greenhouse gases ang bumubuo sa 1% ng kalawakan ng
daigdig (earth’s atmosphere). Sinasalo at Ikinukulong nito ang infrared
radiation mula sa init ng araw habang tinitiyak na may sapat at katamtamang
init na pumapasok at namamantini sa daigdig para magpatuloy ang buhay dito.
Ang penomenong ito ang tinatawag na ‘greenhouse effect’.
Kahit may malaking papel ang greenhouse gases sa greenhouse effect,
na mahalagang rekisitos sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay sa daigdig,
ang konsentrasyon nito sa kalawakan ay mapanganib. Kapag nagkaroon ng
malakihang bolyum ng GHG sa kalawakan ng daigdig, mangangahulugan ito
na mas maraming infrared radiation ang makukulong at mananatili sa daigdig,
na syang nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura dito at resulta nitong pag-
init.
Mayroong tatlumpu’t anim (36) na elementong nabibilang sa
greenhouse gases – ilan dito ay water vapor, carbon dioxide (CO2), methane
(CH4), nitrous oxide (N2O), hexaflourocarbons (HFCs), perflourocarbon (PFC),
sulfur hexaflouride (SF6). Sa malakihang bolyum nito, ang maituturing na
pinakamapanganib ay ang CO2.

Sa kasalukuyan, ang CO2 ang may kinalaman sa 60% ng paglala ng


greenhouse effect na dinaranas natin dulot ng pagdami ng GHG sa kalawakan.
Ang konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan ay tumaas ng 30% mula pagsisimula
ng industrial age, mula sa bolyum na 280 parts per million (ppm) tungo sa 367
ppm pagdating ng taong 1998.

Sa pinakahuling pagsukat (Setyembre 2009), nasa 384.78 ppm na ito o


2 ppm pagtaas kada taon. Ang maituturing na nasa “safe level” pa ng CO2 sa
kalawakan ay 350 ppm o mas mababa dito.Ayon sa mga siyentista, ang mabilis

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
26
na pagtaas ng konsentrasyon nh CO2 sa kalawakan ay dulot ng mga
Anthropogenic factors o aktibidad na gawa ng tao. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:

 Industriya - polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang


usok nito; hindi tamang pagtatapon ng mga basura nito (waste
disposal practices);
 Agrikultura – kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan
at pastulan at ang paggamit ng slash and burn technique o
pagkakaingin; polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa malawakang
paggamit ng kemikal sa abono’t pestisidyo;
 Pagmimina – pagkawala ng topsoil; polusyon sa tubig dulot ng mine
tailings;
 Konstruksyon – pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil sa
konstruksyon ng mga gusali at iba pang imprastruktura;
 Panirahan – konsentrasyon ng basura sa mga lugar ng panirahan;
pagkasaid ng groundwater

Mga Epekto at Implikasyon ng Global Warming at Climate Change

Nakaaalarma na ang mga epekto na dinaranas ngayon dahil sa global


warming at climate change. Mayor na manipestasyon nito ang dalas at tindi
(frequency at intensity) ng mga kalamidad gaya ng supertyphoons at
hurricanes, matindi at malawakang pagbaha, tsunami, malalakas na lindol,
heatwaves, matinding tagtuyot (drought) at iba pa. Ilan sa malalaking
epekto/implikasyon nito ay ang mga sumusunod:

1. Kalamidad o Natural Disaster


2. Implikasyon sa seguridad sa pagkain
3. Epekto sa suplay at kalidad ng tubig
4. Panlipunang Dislokasyon o pagkawala ng tirahan ng maraming tao.
5. Paglaganap ng mga dati at bagong mga sakit.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
27
Gawain Pagpapalalim ng
Blg. 7 Kaalaman

Epekto ng Climate Change

Mula sa binasang teksto sa itaas, sumulat ng maikling paglalahad sa


epekto ng Climate Change sa : Kapaligiran, Lipunan at Kabuhayan.

Kapaligiran

Lipunan

Climate Change
Kabuhayan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
28
Para sa iyong Kaalaman

Batid ng pamahalaan ang lumulubhang epekto ng climate change sa


ating bansa. Narito ang ilan sa mga batas/alituntuning ipinapatupad ng
pamahalaan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA


NG PINAGKUKUNANG-YAMAN

Republic Act 7586. Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas
System Act of 1992. Ang batas na ito ay kumikilala sa kritikal na
kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal
at pisikal na pagkakaibaiba sa kapaligiran.

Republic Act 9003. Ecological Solid Waste Management Act of 2003. Ang
mga kinauukulan ay nagtakda ng iba’t ibang mga pamamaraan upang
makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid waste sa bawa’t barangay.

Republic Act 8749. Philippine Clean Air Act of 1999. Itinataguyod ng Estado
ang isang patakaran upang makamit ang balance sa pagitan ng kaunlaran
at pangangalaga ng kalikasan. Kinikilala ng Estado ang karapatan ng mga
mamamayang makalanghap ng malinis na hangin at magamit nang kasiya-
siya ang lakas ng yamang likas.

Presidential Decree 1067. Kilala bilang Water Code of the Philippines ang
P.D 1067, Tinutukoy ng batas na ito ang tubig sa karagatan na nasa
hurisdiksiyon ng Pilipinas. Pangunahing layunin ng batas na maitatag ang
batayan sa konserbasyon ng tubig. Hangarin din na matukoy ang mga
karapatan at obligasyon ng mga gumagamit ng tubig gayundin ang
proteksiyon ng mga nasabing karapatan.

Republic Act 9147. Wildlife Resources Conservation and Protection Act.


Ang batas na ito ay naglalaan para sa konserbasyon at proteksiyon ng
maiilap na hayop at ng kanilang tirahan.

Batas Pambansa 7838. Department of Energy Act of 1992. Upang


makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng enerhiya at makatugon sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa, itinatag ang Department of Energy
o DOE. Layunin ng kagawarang ito na isaayos, subaybayan, at
isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, konserbasyon ng enerhiya.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
29
Gawain
Paglalapat
Blg. 8

Maituturing ang tao bilang pangunahing salarin sa pagkakaroon ng


climate change. Pero hindi pa huli ang lahat. Meron pa tayong magagawa
upang malunasan ang problemang pangkapaligiran na kinakaharap natin.

Para sa iyong paglalapat na gawain, punan ng dialogue ang usapan ng


dalawang estudyante sa ibaba. Ang usapan ay nakasentro sa tanong na:
Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang maibsan ang
epektong dulot ng climate change?

Tandaan : Kailangang makapagbigay ng tig-tatlong gawain ang bawat tauhan


sa ibaba. Maaaring gumuhit ng karagdagang dialogue box.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
30
Mga Hakbang na Dapat Gawin

Ang suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng mundo ay masyadong


nakakabahala at kung di-bibigyan ng sapat na pansin, maaaring lumala pa ang
sakit sa isyung ito.

Malaki ang magagawa ng mga inobasyong pangteknolohiya sa


pagbibigay ng solusyon sa mga suliraning ito ngunit sinasabing ang pagpigil sa
patuloy na paglaki ng populasyon ang pinakamainam na remedyo yamang ito
naman ang maituturing na pangunahing ugat ng suliraning ito.

Kung mapipigil ang patuloy na paglaki ng bilang ng tao sa mundo,


malalapatan ng lunas di-lamang ang maraming suliraning pangkapaligiran
kundi maging ang ilan pang suliraning nararanasan sa lipunan.

Gawain
Paglalapat
Blg. 8

Hindi usapin ang edad pagdating sa kung ano ang magagawa para sa
kalikasan. Ikaw, kahit nag-aaral pa lamang ay maaaring makatulong ng Malaki sayong
komunidad. Para saiyong huling gawain sa Yunit 2, gagawa ka ng evacuation plan
para saiyong sitio kung saan ka nakatira.

Una, gumuhit ng lay-out ng inyong sitio. Ikalawa, tukuyin sa lay-out ang mga
delikadong lugar, at ikatlo, tukuyin ang evacuation area o ligtas na lugar kung saan
maaaring lumikas ang mga tao sa panahon ng kalamidad. Mahalaga na maayos ang
pgkakagawa ng evacuation plan upang maintindihan ito ng iyong mga ka-sitio.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
31
Rubrik ng Pagmamarka

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Kumpleto ang nilalaman ng
mga pangunahing
impormasyon na itinakda
Nilalaman 25
tulad ng lay-out ng sitio,
mga delikado at ligtas na
lugar at iba pa.
Ang mga teksto, simbolo at
iba pang disenyong ginamit
Impormatibo 25
ay nakakaganyak at
madaling maunawaan
Ang output na ginawa ay
orihinal at nagpapahiwatig
Pagkamalikhain ng pagnanais na 15
mapaganda ang kabuuan
ng produkto
Orgnisado, malinis at hindi
Organisasyon/ nakakalito ang mga teksto,
15
Kalinisan larawan at iba pang
aspetong ginamit sa output
Kabuuang Puntos

EVACUATION PLAN, SITIO ___________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
32
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
33
MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA

Ikaw ay nasa huling modyul na para sa Unang Markahan. Binabati


kita! Sa nakaraang Modyul masusi mong napag-aralan ang mga suliraning
pangkapaligiran sa kontemporaryong panahon. Dito sa ikatlong modyul, higit
mong mauunawaan ang iba’t-ibang isyung pang-ekonomiya sa Pilipinas at sa
daigdig.

Marahil ay napanood mo sa TV o kaya’y narinig sa radyo ang pagdami


ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho (unemployed) o kaya ang
globalisasyon na isinisigaw ng mga militanteng grupo sa kalsada. Pati na ang
ipinagmamalaki ng ating pamahalaan na paglago sa ating GDP o Gross
Domestic Product.

Iniisip mo siguro ano ba ang pakialam ko sa mga isyung yan? Marahil


hindi pa ngayon,subali’t sa darating na panahon papasanin mo ang mga
suliraning hatid ng mga isyung ito. Kaya’t ngayon pa lamang, mahalaga na
maunawaan mo ito upang maging handa ka sa bagong yugto na tatahakin mo
pagkatapos ng buhay estudyante.

Sa modyul na ito, inaaasahang lubos mong mauunawaan ang Tatlong


Pangunahing Isyung Pang-ekonomiya:

 Suliranin sa Unemployment
 Isyu ng Globalisasyon
 Sustainable Development

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
34
Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Maipaliliwanag ang mga dahilan ng unemployment


2. Matataya ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
3. Makapagmumungkahi ng paraan upang malutas ang suliranin ng
unemployment
4. Maipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon
5. Maipaliliwanag ang pangkasaysayan, pampulitikal, pang-ekonomiya, at
sosyo-kultural na pinagmulan ng globalisasyon
6. Masusuri ang pangunahing institusyon na may bahaging
ginagampanan sa globalisasyon (pamahalaan, paaralan, mass
media,multi-internasyunal na organisasyon)
7. Maipaliliwanag ang sustainable development
8. Matatalakay ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng sustainable
development
9. Maipaliliwanag ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng tao sa
pagbabagong pangkapaligiran
10. Masusuri ang mga kasalukuyang hamon ng pagtatamo ng sustainable
development ( hal. Consumerism, energy sustainability, poverty, at
health inequalities)
11. Maihahambing ang iba’t ibang estratehiya at polisiya na may
kaugnayan sa pagtatamo ng sustainable development na ipinatutupad
sa loob at labas ng bansa
12. Makasusulat ng isang case study na nakatuon sa pagtamo ng
sustainable development ng kinabibilangang pamayanan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
35
Panimulang Pagsusulit
A . Ano na ba ang alam mo tungkol sa paksa. Sagutin ang panimulang
pagsusulit sa ibaba upang matiyak ng guro ang mga nilalaman at
gawain na kakailanganin mo.

1. Ano ang maituturing na pinakamaigting na problemang pang-ekonomiya ng


Pilipinas
a. Problema sa droga
b. Katiwalian sa Pamahalaan
c. Kawalan ng trabaho o unemployment
d. Mabilis na pagdami ng kaso ng HIV

2. Ang labor force o lakas-paggawa ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng


manggagawang may edad _______taon pataas, kabilang ang may trabaho,
walang trabaho at naghahanap ng trabaho.
a. 18 c. 21
b. 15 d. 25

3. Ang sektor ng ekonomiya na pinakamalaking tagapagtustos ng trabaho o


employment.
a. Sektor ng Agrikultura c. Sektor ng paglilingkod
b. Sektor ng Industriya d. Kalakalang Panlabas

4. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbabalangkas at nangangasiwa sa iba’t-


ibang patakaran at programang nauukol sa paggawa.
a. DPWH c. DepED
b. DOLE d. POEA

5. Ahensyang tumutulong sa mga mamamayan na makahanap ng trabaho


sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagsasanay teknikal at bokasyonal.
a. OWWA c. CHED
b. TESDA d. PRC

6. Ang Globalisasyon ay may direktang implikasyon sa mga sumusunod na


aspeto ng bansa MALIBAN sa.
a. Relihiyon c. Ekonomiya
b. Pulitika d. Kultura

7. Tumutukoy sa proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya


sa dayuhang capital (foreign capital) o pamumuhunan (investment).
a. Deregulasyon c. Liberalisasyon
b. Pagsasapribado d. Kolonyalismo

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
36
8. Ano ang pangunahing puna ng mga tumututol sa globalisasyon?
a. Matutulungan ng mauunlad na bansa ang mahihirap na bansa
b. Magiging sunud-sunuran ang mahihirap na bansa sa mauunlad
na bansa.
c. Lulutasin nito ang problema ng kahirapan sa daigdig
d. Higit na magpapalala sa malaking agwat sa pagitan ng mahihirap at
mayayamang bansa

9. Sa Sustainable Human development, palatandaan ng pag-unlad ay ang:


a. Pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao
b. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
c. Pagtaas ng dami ng nag-aaral
d. Pagtaas ng bilang ng mga may-hanapbuhay

10. Ang kasunduang nabuo noong 1992 sa ilalim ng pangangasiwa ng United


Nation na nagsusulong sustainable development o ganap na pag-unlad sa
mahihirap na bansa.
a. Agenda 21 c. Millenium Development Goal
b. Kyoto Protocol d. Paris Agreement

Gawain
Maging Mapanuri
Blg. 1

Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng cartoon sa ibaba?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
37
Para saiyong Kaalaman

Si John ay nakatakdang magtapos ngayong taon sa kursong


Engineering. Nagagalak lalo ang kanyang magulang dahil makakatulong na si
John sa pagpapaaral sa iba pa niyang mga kapatid. Pero nababahala si John,
iniulat kasi ng Department of Labor and Employment na 10 libong Engineering
jobs lamang ang bakante kumpara sa 45 libong magga-graduate ngayong taon.
Ibig sabihin 4 na katulad ni John ang mag-aagawan sa iisang trabaho. Sakaling
hindi palarin, mapapabilang si John sa maraming bilang ng unemployed o
walang trabaho.
Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistic Authority noong 2015,
ang unemployment rate ng bansa ay bumagsak sa 6.4%, katumbas ito ng
mahigit 2.7 milyong Pilipino na kabilang sa lakas paggawa o labor force.
Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga manggagawang
may edad 15 taon pataas.
Ang Unemployment ay isang sitwasyon kung saan ang isang
manggagawa ay walang mapasukang trabaho kahit na siya ay may sapat na
kakayahan at pinag-aralan.
Maliban sa mabilis na paglobo ng populasyon sa bansa, ang mga
sumusunod ay ilan sa pangunahing sanhi ng unemployment:

Cyclical Unemployment Structural Unemployment


-Maliit na pangangailangan ng - Resulta ito ng pagliit ng industriya
ekonomiya sa mga produkto at sanhi ng makabagong teknolohiya at
serbisyo pagbabago sa panlasa ng konsyumer

Dahilan ng Unemployment

Seasonal Unemployment Frictional Unemployment


- Pagkawala ng trabaho bunsod ng - Ito ay nagaganap kapag ang isang
pagbabago ng panahon o paglipas sa indibidwal ay lumipat sa ibang trabaho
pangangailangan mula sa dating trabaho

Maituturing rin na dahilan ng unemployment ang ilang rasong sikolohikal


tulad ng pagiging tamad, kagustuhang kumita sa mabilis na paraan at
kawalan ng self-esteem o tiwala sa sarili.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
38
Kahirapan ang pinakamatinding kakambal ng kawalang hanapbuhay. Habang
pangunahing epekto ng kawalang hanapbuhay ang kahirapan, kahirapan din ang
isa mga dahilan ng kawalang hanapbuhay. Ayon sa IBON Foundation, ang isang
pamilyang Pinoy ay nangangailangan ng P750 upang mabuhay ng maayos sa
isang araw. Malayo ito sa minimum wage na ipinatutupad sa Manila na umaabot
lamang ng P481. Bunsod nito, hindi natutugunan ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng edukasyon na magiging sagabal naman upang
makahanap ng maayos na trabaho.
Sa kabilang banda, ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas ang dahilan ng
pangingibang bansa ng maraming Pilipino. Sa pagtaya, 6,000 Pilipino ang umaalis
ng bansa bawat araw upang magtrabaho sa ibang bansa.

Gawain
Paglinang ng Kaalaman
Blg. 2

Unawain ang bawat sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos ay ikategorya ito


kung alin sa 4 na dahilan ang akma dito. Gumuhit ng linya na mag-uugnay
sa kanila

Sitwasyon 1
Dahil sa papalapit na kapaskuhan, agad
natanggap si Juan sa pagawaan ng Ham.
Subalit hanggang katapusan lamang ng
Disyembre ang kanyang kontrata

Cyclical Sitwasyon 2
Dahil sa pagkalugi, nagbawas ng
trabahador ang pinagtatrabahuhan ni
Alex at napasama siya
Structural

Seasonal Sitwasyon 3
Dating kartero si Roy, nawalan siya ng
trabaho dahil sa mabilis na pagbabago sa
komunikasyon bunsod ng mga
Frictional naiimbentong gadget.

Sitwasyon 4
Nagresign si Ricky sa kanyang pinagta-
trabahuhan upang makipagsapalaran sa
abroad.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
39
Para saiyong Kaalaman
Ng
Ang Department of Labor and Employme (DOLE) ang pangunahing
sangay ng pamahalaan na nagbabalangkas at nangangasiwa sa iba’t-ibang
patakaran at programang nauukol sa paggawa. Ang DOLE ay bumalangkas
ng isang programa na layuning matulungan ang mga Pilipino na makahanap
ng trabaho. Binubuo ito ng 4 na estrayehiya:
1. Support for Employment Generation
 Nakatuon ito sa sektor na tila nakakaligtaab ng lipunan tulad
ng mga kabataan, may kapansanan at mga maralitang
pamayanan.
2. Employment Facilitation
 Nagkakaloob ng tulong upang mapadali ang paghahanap ng
trabaho sa loob o labas man ng bansa sa tulong ng
makabagong teknolohiya.
3. Employment Preservation
 Pagtataguyod ng kapayapaan sa industriya sa pamamagitan
ng edukasyon, mabilis at pantay na resolusyon ng mga usapin
ukol sa paggawa.
4. Human Resource Development Strategy
 Pagkakaloob ng tulog upang mapaunlad ang kakayahan ng
tao o human resource development. Kabahagi ng
estratehiyang ito ang Technical Education and Skills
Development Authoroty (TESDA)

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
40
Gawain
Paglinang ng Kaalaman
Blg. 3

Ikaw, ano naman kaya ang magagawa mo ukol sa problema ng


unemployment? Sa gawaing ito bubuo ka ng mga mungkahi para sa mga taong
walang mahanap na trabaho o kaya’y maghahanap pa lamang ng trabaho. Ang
mungkahi ay hindi manggagaling sayo kundi mula sa iyong pakikipanayam.

Una, maghanap ng 4 na kakilala o kamag-anak na nakaranas


mawalan ng trabaho.
Ikalawa, kapanayamin sila kung ano ang kanilang ginawa upang
makahanap ng trabaho o malampasan ang pagiging unemployed.
Ikatlo, isulat ang buod ng kanilang sagot sa dialogue box sa ibaba at
ang kanilang pangalan (optional)

Paano mo
nalampasan ang
pagiging
unemployed?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
41
Gawain
Pagganyak
Blg. 4

Mahulaan mo kaya ang mga logo sa ibaba kahit hindi sila buo.
Subukan mo!

Mahusay! Ano ang pagkakatulad ng mga logo sa itaas?_

____________________________________________________

____________________________________________________

Saiyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ng mga logong ito sa


paksang iyong pag-aaralan?

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
42
Para saiyong Kaalaman

GLOBALISASYON
Ang pakahulugan sa salitang globalisasyon ay iba-iba, batay sa kung sino
ang gumagamit nito. Sa Timog Korea, ang salitang globalisasyon ay ginagamit
ng mga unyon sa paggawa sa paghingi nila ng karapatang magkatipun-tipon;
sa mga kapitalista, ang termino ay ginagamit upang magkaroon ng
deregulasyon. Ayon sa isang Amerikanong tagapagmasid, ang “globalisasyon”
ay ang El Nino ng agham panlipunan-isang puwersa o lakas na maaaring
pagbuntunan ng sisi sa halos lahat ng bagay; sa paniniwala naman ng isang
mamamayan ng Timog Korea, ang “globalisasyon” ay dapat ihiwalay sa mga
terminong “pagtutulungan” at integrasyon kung ito ay magkakaroon ng
pakahulugan. Sa isang pagpupulong, napagpasiyahan ng mga kalahok na ang
globalisasyon ay isang bagong penomena na may ilang mga pangunahing
katangian:
 Pagtutulungang Pang-ekonomiya bunsod ng mabilis na pagsasailalim
ng teknolohiya at maayos na komunikasyon at pagdaloy ng
impormasyon.
 Pag-usbong ng mga bagong “aktor” na kumakalaban sa estado,
partikular ang mga non-governmental organization (NGO) at mga
grupong sibiko.
 Mga estadong napipilitang makiayon sa mga pandaigdigang kasunduan.
 Paglitaw ng mga kulturang dinodomina ng kanluran na maaaring
magbunga ng unti-unting paglaho ng pambansang pagkakakilanlan at
mga tradisyunal na pagpapahalaga sa maraming bansang Asyano.
 Paglaki ng mga pambansang suliranin gaya ng suliranin sa enerhiya at
kapaligiran, malawakang pandarayuhan at mga organisadong grupo ng
mga kriminal na nangangailangan ng pagtutulungan upang maresolba.

Ang globalisasyon ay mayroong positibo at negatibong mga epekto, at ayon


nga sa isang aklat, ito ay isang sistema na may positibo at negatibong
elemento.
Sa positibong aspeto, malaki ang nagagawa ng globalisasyon kung
pambansang seguridad ang pag-uusapan. Bukod sa katatagang panrehiyon na
dala nito, ang globalisasyon ay nakatutulong rin upang maiwasan ang mga pag-
aawayan sa pagitan ng mga bansa, maging ang di-pagkakasundo-sundo ng
mga ito. Ayon nga sa isang opisyal na Indones, ang kawalan ng digmaan sa
Timog-Silangang Asya sa mga nakalipas na taon ay bunsod ng tinatawag na
globalisasyon.
Kabilang sa globalisasyon ang pagtutulungang pang-ekonomiyang ito ay
maraming mga positibong ibinubunga sapagkat sa pamamagitan nito,

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
43
napapababa ang halaga ng mga bilihin, nagkakaroon ng higit na maraming
bilang ng mga hanapbuhay na maaaring mapasukan at nagkakaroon rin naman
ng kasiya-siyang kompetisyon sa pagitan ng mga gumagawa o nagpoprodyus
ng mga produkto dahilan upang magkaroon ng higit na maraming de-kalidad
na produkto na maaaring bilihin ng mga konsyumer.
Bukod sa mga pagtutulungan sa pagitan ng mga bansa, dala rin ng
globalisasyon ang pag-usbong ng mga grupong may kani-kaniyang mga
ipinaglalaban- karapatan ng mga kababaihan at kabataan at pagkasira ng
kapaligiran. Sa pamamagitan ng mga grupong ito nabibigyang sapat na pansin
ang mga sector sa lipunan na may mga suliraning di-gaanong natutugunan ng
pamahalaan at dahil roon, hindi gaanong naipagwawalang-bahala ang mga ito
kundi naipapaabot pa nga sa mga kinauukulan at maging sa ibang mga bansa,
upang hingan ang tulong ng mga ito kung kinakailangan.
Bagaman maraming mga positibong epekto ang globalisasyon, mayroon rin
itong mga negatibong bahagi. Kasabay ng mga pagtutulungang pang-
ekonomiya sa pagitan ng mga bansa na bahagi ng globalisasyon ay ang
paglagda sa mga kasunduan o mga batas na nagsasaad ng mga taripa at pag-
aalis ng mga balakid para sa mga produktong nagmumula sa ibang bansa.
Dahil mababa na ang taripa, sa mababang halaga lamang ibebenta ang
naturang mga kalakal at dahil mababa lamang ang halaga ng mga ito, ang mga
produktong ito ang higit na tatangkalin ng mga mamimili kaysa mga lokal na
produkto na kadalasang higit na mataas ang presyo. Dahil rito, napipilitan ang
mga negosyante na ibaba ang presyo ng kanilang mga paninda kahit na maaari
nila itong ikalugi upang makipagsabayan lamang sa mga produktong inaangkat
sa bansa.
Ang mga bansang lumagda sa kasunduan ay di-maaaring sumuway mula
sa napag-usapan, isang sitwasyon na nagpapakita na sa globalisasyon, tila
higit ang kapangyarihan ng isang samahan kaysa bansang kasapi nito.
Bukod sa nabanggit, nagdudulot rin ng mga pambansang suliranin ang
globalisasyon. Dahil sa pagtangkilik sa isang produkto, lumalaki ang konsumo
nito at upang tugunan ang pangangilangan nito, higit na maraming mga
produkto ang kinakailangang likhain. Upang makalikha ng mga produkto,
kinakailangan ang mga hilaw na materyales na kadalasang sa kagubatan
kinukuha. Dahil higit na maraming produkto ang nililikha, higit na maraming
hilaw na sangkap ang kinukuha na kadalasang nauuwi sa pagkawasak ng
kapaligiran. Ang pagkawasak na ito ng kapaligiran ay nauuwi sa problema ukol
sa suplay ng tubig at pagkain.
Isa pang suliranin na maaaring dalhin ng globalisasyon ay ang problema
ukol sa kriminalidad. Ang maayos na sistema ng komunikasyon at
transportasyon ay bunsod ng globalisasyon subalit ang mga ito ay
kinakasangkapan ng mga kriminal para sa kanilang maiitim na gawain tulad ng
terorismo’t drug, weapon at human trafficking.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
44
Yinayapos ng maraming mga bansa ang globalisasyon dahil sa pangakong
kaunlaran na kalakip nito. Sa pamamagitan ng globalisasyon, makalilikha ng
mga produktong de-kalidad at may mababang halaga at mapalaganap rin
naman ang demokrasya. Sa mga bansang awtoritaryan, itinataguyod ang
globalisasyon para sa kapakanan ng kanilang ekonomiya- upang mapaunlad
ito- nang sa gayon maging kuntento ang mga mamamayan at maiwasan ang
anumang paglaban sa pamahalaan. Gayunman, ang ganitong hakbangin ay
mayroong kapalit na maaaring di-makabubuti para sa isang bansa.

Tandaan Mo!

Ang globalisasyon ay ang pinabilis na pag-aasahang pang-ekonomiyang


dulot ng makabagong teknolohiya lalo na sa larangan ng komunikasyon at
transportasyon.
Ang globalisasyon ay nagbibigay-daan sa paglitaw ng sinasabing mass
culture o pandaigdigang kultura, sanhi ng sining na itinatransmit ng midya.
Mga polisya sa ilalim ng globalisasyon:
 Liberalisasyon- ang pagluwag ng mga patakaran para sa pagpasok
ng mga produkto mula sa ibang bansa.
 Deregulasyon- ang pag-aalis ng regulasyon ng pamahalaan sa iba’t
ibang gawaing pang-ekonomiya.
 Pribatisasyon- ililipat mula sa pamahalaan patungo sa pribadong
kapitalista’t negosyante, lokal at dayuhan, ang mga batayang
serbisyo (halimbawa, pangkalusugan, edukasyon) at
pangangailangan (tubig, kuryente).

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
45
Gawain
Paglinang ng Aralin
Blg. 5

Mula sa binasang teksto, isulat sa timbangan sa ibaba ang MABUTI


at MASAMANG epekto ng globalisasyon. Susing salita lamang ang
gamitin

MABUTI MASAMA

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano sa palagay mo ang pinakamabuti at pinakamasamang epekto ng


Globalisasyon? ___________________________________________
________________________________________________________
2. Batay saiyong pagtataya, alin ang mas matimbang ang mabuti ba o
ang masamang epekto? Pangatwiranan. _______________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
46
Gawain
Pagpapalalim ng Aralin
Blg. 6

Ayon sa ilan, ang Globalisasyon daw ay maaaring maging kasangkapan


ng mauunlad na bansa upang “sakupin” ang mahihirap na bansa. Subali’t sa
halip na baril at bomba, ibang uri ng armas ang gamit sa pananakop. Ano kaya
ito?
Suriin ang cartoon upang malaman ito. Isulat ang sagot sa patlang.

Magaling! Binabati kita! Ngayon natitiyak kong lubos mo ng


naunawaan ang konsepto ng Globalisasyon. Para sa huling
paksa sa modyul na ito, sagutin ang pagganyak na gawain sa ibaba.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
47
Gawain
Pagganyak ng Aralin
Blg. 8

Kantahin (ng tahimik) ang lyrics ng sikat na kanta ng bandang Asin at


sagutin ang tanong kaugnay nito. Bigyang pansin ang bahagi ng kanta n
naka-highlight.

Masdan Mo ang Kapaligiran


Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.

Hindi na masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman

Mayron lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan ?

Bakit di natin pagisipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
48
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ayon sa kanta, bakit kailangan nating pangalagaan ang ating


kapaligiran? ______________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ang iyong sagot sa Pamprosesong Tanong sa itaas, ang


layunin ng paksang pag-aaralan mo:

Ang Sustainable Development


Ang konsepto ng Sustainable Development at hindi na bago at
maraming pagpapakahulugan. Subali’t ang depinisyong kinikilala ng maraming
bansa ay ang ibinigay ng Bruntdland Report na inilabas ng United Nations
World Commission on Environment and Development noong 1987.
Ang Sustainable Development ay isang uri ng pag-unlad na kung saan
natutugunan ang pangangailangan ng tao sa kasalukuyan subali’t di
nakokompromiso ang pangangailangan ng susunod na henerasyom. Ang
depinisyong ito ay kinapapalooban ng 2 mahalagang konsepto:
Una, ang konsepto ng pangangailangan. Dapat gawing priyoridad ng
lahat ng bansa ang pangangailangan ng mahihirap; at
Ikalawa, ang limitasyon ng ating kalikasan na tugunan ang
kasalukuyang pangangailangan at panghinaharap.
Sa Earth Summit noong 1992 sa Rio de Janeiro, Brazil, binalangkas ng
United Nation ang isang pandaigdigang plano kaugnay ng Sustainable
Development. Tinawag ang planong ito na Agenda 21. Ang “21” ay tumutukoy
sa 21st Century. Kinapapalooban ito ng 17 Goals o Adhikain tungo sa
pagkakamit ng Sustainable Development.
Tingnan ang chart na naglalaman ng mg adhikaing ito.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
49
1. Tapusin ang Kahirapan 10. Inobasyon sa industriya
2. Tuldukan ang kagutuman at imprastraktura
3. Maayos na kalusugan 11. Maunlad na lungsod at
4. De-kalidad na edukasyon komunidad
5. Gender Equality 12. Responsableng
6. Malinis na tubig at pagkonsumo at
sanitasyon produksyon
7. Abot-kaya at malinis na 13. Pagkilos para sa klima
enerhiya 14. Buhay sa katubigan
8. Disenteng trabaho at 15. Buhay sa Kalupaan
maunlad na ekonomiya 16. Kapayapaan, hustisya
9. Ibsan ang di- at matatag na
pagkakapantay-pantay institusyon
17. Pakikipagtulungan

Samakatwid, ang Sustainable Development ay alternatibong konsepto


tungkol sa pag-unlad. Kadalasan, kapag sinabing pambansang kaunlaran, ang
tanging pinagbabatayan ay ang lagay ng ekonomiya. Kaya’t kapag mataas ang
GDP sinasabing maunlad din ang ekonomiya o bansa. Tinatawag itong Growth
Development.

Ang pag-unlad sa pananaw ng Sustainable Development ay isang


prosesonng pagpapalawak sa oportunidad ng tao na makamit kahit man lang
ang minimum na istandard ng kabutihang pantao o well being. Ang pag-unlad
ay para sa tao kaya ang batayan ng pag-unlad ay ang pagtugon sa
pangangailangan ng tao at pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
50
Gawain
Paglinang ng Aralin
Blg. 9

Mula sa binasang teksto sa itaas, sagutin ang 2 tanong sa ibaba,


upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng Growth Development at
Sustainable Development.

Growth Development
Growth Development Sustainable Development

“How is the economy “How are the people


doing?” doing?

Pag-unlad

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
51
Gawain
Paglalapat
Blg. 10

Upang matiyak ang iyong pagkakaunawa sa paksa, sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Sumasang-ayon ka ba sa mga sumusunod na
pangungusap? Lagyan ng ekis ang iyong sagot.

Pangungusap OO HINDI
May pag-unlad kung may nagtataasang gusali at
1
nglalakihang kalsada
May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng
2
bansa
May pag-unlad kung may makabagong
3
teknolohiya at makinarya
4 May pag-unlad kung may demokrasya
May pag-unlad kung napapangalagaan ang
5
kapaligiran
May pag-unlad kung tumataas ang export ng
6
isang bansa
ay pag-unlad kung dumarami ang dayuhang
7
mangangalakal
8 May pag-unlad kung ang baryo ay naging lungsod
9 May pag-unlad kung mataas ang pasahod
May pag-unlad kung may trabaho ang mga
10
mamamayan

Kung ang iyong sagot sa bilang 1-3 at 6-10 ay OO, ikaw ay may pananaw
na Growth Development. Kung ang iyong sagot sa mga bilang na nabanggit
ay HINDI at OO naman sa bilang 4-5, taglay mo ang pananaw ng Sustainable
Development.

Ano ang resulta ng iyong checklist? Binabati kita!

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
52
Para saiyong Kaalaman

Ang Philippine Agenda 21 ang tugon ng Pilipinas sa pandaigidigang plano


na makamit ang pag-unlad sa ika-21 siglo. Nakapaloob dito ang hangarin ng
Pamahalaan na mapaunlad ang iba’t-ibang dimension ng buhay ng bawat
Pilipino tulad ng Pulitikal, ekonomik, spiritwal, sikolohikal, pisikal at sosyo-
kultural.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
53
Gawain
Paglinang ng Aralin
Blg. 11

Sa kabuuan, nagkakaroon ng Sustainable Development kung


natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao. Maliban sa
pagkain at tirahan, anong iba pang pangangailangan ang dapat gawing
priyoridad ng pamahalaan. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon

Mahusay! Patuloy kang gumagaling. Binabati kita!.


Bilang panghuling gawain sa Modyul na ito, ilalapat mo ang lahat ng
iyong natutunan. Gagawa ka ng isang case study bilang pagtataya
(evaluation) sa estado ng Sustainable Development sa inyong
Barangay.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
54
Una, bumuo ng krayteria na iyong gagamitin sa pagmamarka. Nakapaloob
sa krayteria ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa inyong
barangay batay sa konsepto ng Sustainable Development. Magtalaga ng
puntos sa bawar krayteria.

Ikalawa, gumawa ng pananaliksik kung gaano natutugunan ng iyong


kabarangay ang mga inilista mong pangangailangan. Maaari tingnan ang
record sa barangay o kaya’y mag-interview.

Ikatlo, Magbigay ng pagtataya. Maaaring magtalaga ng salita sa bawat


puntos tulad ng Excellent, Very good at Good.

Ikaapat, batay sa resulta ng pagtataya, gumawa ng rekomendasyon na


iyong ipapaabot sa kinauukulan sa barangay.

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos

Kumpleto ang output sa lahat ng


Nilalaman 20
mga datos na hinihingi

Ang mga datos at iba pang


Lalim ng
impormasyon ay bunga ng 20
Pananaliksik
aktwal na pananaliksik
Ang mga datos, krayteria at iba
Kaangkupan ng
pang aspetong ginamit ay 20
mga datos
naaangkop sa tema

Ang mga rekomendasyong


Rekomendasyon ibinigay ay praktikal at naaayon 20
sa resulta ng pagtataya

Organisado at sistematiko ang


Organisasyon/
pagkakalahad ng mga datos at 20
Kalinisan
malinis ang isinumiteng output

Kabuuang Puntos

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
55
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
56
Quarter 2
Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan

Ang Pulitika ay karugtong na ng buhay ng maraming Pilipino. Araw-araw


itong nakahain sa kanyang hapag-kainan mula almusal, tanghalian hanggang
hapunan. Paborito itong paksa sa lahat ng umpukan at iba’t-ibang media
flatform tulad sa TV, radyo at ngayo’y nauuso ang social media.

Tulad ng paborito nilang mga teleserye, ang Pulitika sa Pilipinas ay


kumpleto ng mga sangkap ng nakakaaliw na palabas. Ang girian ng
pamahalaan at simbahan sa maraming isyu tulad ng Death Penalty at EJK, ang
pagtawiran ng maraming pulitiko sa partido ng bagong pangulo, ang mainit na
sagutan sa social media ng mga pro at con sa isyu ng pagpapalibing kay
Marcos sa libingan ng mga bayani, ang hitik sa exposena pandinig ng senado
kay Sen. De Lima kaugnay ng droga at napakarami pang iba.

Nakakalungkot lang isipin na ang pananaw ng maraming Pilipino sa


Pulitika ay kasing-babaw tulad sa teleserye. Kinakaaliwan subali’t di lubusang
nauunawaan.

Sa Yunit na ito, iyong masusing pag-aaralan ang mga isyung pampulitika


at pangkapayapaan. Inaasahan na lubos mo itong mauunawaan upang ikaw,
bilang mapanagutang mag-aaral, ay aktibong mkikilahok sa pagbubuo ng
pangkalahatang opinyon na gagabay sa mga kinauukulan sa pagbubuo ng mga
polisiya para sa komunidad.

May 4 na isyung Politikal at Pangkapayapaan ang iyong pag-aaralan sa


Yunit na ito :

 Migration o Migrasyon ,
 Territorial and Boarder Conflict o Alitan sa mga teritoryo at
hangganan;
 Political Dynasties o Dinastiyang Pulitika ; at
 Graft and Corruption o Katiwalian sa Pamahalaan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
57
Pagkatapos mong mapag-aralan ang 4 na Modyul sa Yunit II,
inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Natukoy ang mga dahilan ng Migrasyon sa loob at labas ng bansa


2. Naipaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan,
pampulitika at pangkabuhayan.
3. Natalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan
(territorial and boarder conflict)
4. Nasuri ang epekto ng suliraning teritoryal at hangganan (territorial and
boarder conflicts) sa aspektong panlipunan, pampulitika,
pangkabuhayan at pangkapayapaan ng mga mamamayan.
5. Naipaliwanag ang konsepto ng political dynasties.
6. Nasuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng
malinis at metatag na pamahalaan
7. Naipaliwanag ang konsepto, uri at pamamaraan ng graft and corruption.
8. Nataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at
partisipasyon ng mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan.
9. Nasuri ang kaugnayan ng graft and corruption sa aspektong
pangkabuhayan at panlipunan.
10. Nakapagmungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang graft and
corruption sa lipunan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
58
PANIMULANG PAGTATAYA
Sagutan ang paunang pagsusulit sa ibaba, upang mataya
ang iyong kaalaman ukol sa paksa.

1. Tumutukoy sa paggalaw at pandarayuhang panloob at panlabas sa


isang lugar o bansa.
a. Turismo
b. Migrasyon
c. Human Trafficking
d. Overseas employment

2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang


maraming Pilipino?
a. Makapaglibang
b. Makapag-aral
c. Makapagtrabaho
d. Makapamasyal

3. Ano sa iyong pananaw ang tunay na dahilan ng mgrasyon?


a. Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod sa
mga manggagawang Pilipino.
b. Kagustuhang makapagpundar ng bahay at mga kagamitan
c. Kagustuhang makarating at makapamasyal sa ibang bansa
d. Kagustuhang mabayaran ang lahat ng pagkakautang.

4. Ano ang pinakaseryosong epekto ng migrasyon sa ekonomiya ng


bansa?
a. Pagkakahiwalay ng pamilyang Pilipino
b. Kakulangan sa lakas paggawa
c. Paghina ng Nasyonalismo
d. Brain Drain

5. Ang mga Pulo sa South China Sea/West Philippine Sea ay pinag-


aagawan ng maraming bansa sa Asya MALIBAN sa.
a. Japan
b. Vietnam
c. Myanmar
d. India

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
59
6. Pangunahing sanhi ng mga alitan sa teritoryo ng mga bansa.
a. Kasaganaan ng likas na yaman
b. Pagtutunggaliang may kinalaman sa kultura at relihiyon
c. Bunga ng di-malinaw na kasunduan
d. Pagnanais na maging makapangyarihan sa ibang bansa

7. Ang mga sumusunod ay wastong paglalarawan sa political dynasty


MALIBAN SA
a. Ang lahat ng anyo ng Political Dynasty ay masama
b. Laganap ang Political Dynasty sa Pilipinas
c. Nagdudulot ito ng pang-aabuso sa kapangyarihan
d. Pinapahina ng Political dynasty ang Sistema ng Checks and
Balances

8. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Political Dynasty at ang


kani-kanilang lugar na pinaghaharian. Alina ng MALI?
a. Marcos - Ilocos
b. Ampatuan - Maguindanao
c. Revilla - Cavite
d. Binay – Quezon City

9. Alin sa mga sumusundo ang TAMANG pahayag ukol sa Graft and


corruption?
a. Ito ay tumutukoy sa maling gawain na may kinalaman sa pera
b. Ang graft and corruption ay nangyayari lamang sa pamahalaan.
c. Ang graft and corruption ay krimen para lamang sa opisyal at
kawani ng pamahalaan.
d. Ang graft and corruption ay suliraning nakakaapekto sa lahat ng
aspekto ng lipunang Pilipino.

10.Ito ay ang pagtanggap ng pera o bagay ng isang public official kapalit


ng pagbibigay ng hinihinging dokumento o pagpapabilis sa proseso.

a. Nepotism
b. Extortion
c. Bribery
d. Tax Evasion

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
60
Quarter 2 – Modyul 4

MIGRASYON
“ Saan mang panig ng mundo, may Pilipino” .Ang kasabihang ito ay kuru-
kuro lamang noon. Subali’t ngayon tiyak na ang katotohanan sa likod nito. Ayon
kasi sa Department of Labor and Employment, 6000 Pinoy ang umaaalis ng
bansa araw-araw upang magtrabaho sa ibang bansa.
Sa araling ito, iyong pag-aaralan ang mga dahilan ng pandarayuhan ng
maraming Pilipino maging ang seryosong implikasyon nito sa Ekonomiya,
Pulitika at lipunan lalo na sa pamilyang Pilipino.

Gawain
Pagganyak ng Aralin
Blg. 1

Upang maihanda ka sa paksang ating pag-aaralan. Sagutan ng may


katotohanan ang mga tanong sa ibaba.
Ipagpalagay natin na isa ka sa mga bagong graduate sa ibaba.
Nabalitaan mong libu-libong trabaho ang binuksan ng Japan at mataas ang
pasweldo. Ikaw sa sarili, gugustuhin mo bang magtrabaho sa ibang bansa?
Anu-anong bagay ang iyong ikokonsidera sa pagpunta sa Japan o pananatili
sa Pilipinas.

Pupunta ako sa Japan Mananatili ako sa Pilipinas

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
61
PAMPROSESONG TANONG:

1. Alin sa dalawang dahilan ang mas matimbang sayo? Bakit?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Sarili ba o ang pamilya mo ang isinaalang-alang mo sa paggawa ng
iyong desisyon?
Ipaliwanag_______________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ang mga inilahad mong dahilan sa itaas ang siya ring maaaring
dahilan ng migrasyon o pandarayuhan ng maraming Pilipino sa
kasalukuyang.

Para saiyong Kaalaman

Ang Migrasyon ay ang tawag a pagpunta o pagdayo ng isang


tao/grupo ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o
isang malayog lugar. Ang mga dahilan ng migrasyon ay nahahati sa
dalawang pangkat: Ang Push at Pull Factors.

Suriin ang chart sa ibaba.

MIGRASYON

 Natural na kalamidad  Magandang oportunida sa


 Giyera o digmaan hanapbuhay
 Kawalan ng hanapbuhay  Maayos na pamumuhay
 Kakulangan sa pagkain  Maayos na Sistema ng
 Hindi masayang pamumuhay transportasyon
 Mahirap na Sistema ng  Maraming pasilidad sa
transportasyon paglilibang
 Koneksyon sa pamilya

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
62
Gawain
Blg. 2 Paglinang ng Aralin

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang pagkakatulad ng mga dahilan sa Push Factors?


______________________________________________________
Sa Pull Factors? ________________________________________
______________________________________________________
2. Isulat ang depinisyon ng 2 dahilan batay saiyong pagkakaunawa.
Ang Push factors migration ay _______________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Ang Pull factos migration naman ay ___________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Balikan mo ang iyong mga sagot sa gawain 1. Alin sa mga ito ang
Push at Pull factors? _______________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Mahusay, binabati kita!

Ngayon ay natitiyak kong lubos mo ng nauunawaan ang


Migrasyon at ang mga dahilan nito. Kaya, punta na sa Gawain 3
upang mas lumalim pa ang pagkaunawa mo sa paksa.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
63
Gawain Maging Mapanuri
Blg. 3

EPEKTO NG MIGRASYON

Suriin at unawain ang cartoon sa ibaba. Isulat ang iyong kuru-kuro dito.

May mabuti at masamangepektoangmigrasyon.Angmasamangepekto ay


maaaringmagkahiwalayangmgapamilya.Lumalakiangmgaanaknawalangmagulang . At
may anak ding napapabayaan at walangsapatnapatnubayngmagulang. MAY MGA

PamprosesongTanong:

1. Anu-
anoangnararapatgawinupangmaiwasanangpangingibangbansangmiyembrongba
2.
3.
4.
5. \
6.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ipinapahiwatig ng cartoon sa itaas ang isa lamang sa


negatibong epekto ng migrasyon partikular ang mga OFW o
Overseas Filipino Workers.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
64
Maliban sa epektong dulot sa lipunan lalo na sa pamilyang

Pilipino ng Migrasyon, naging seryosong usapin na rin ang

tinatawag na “Brain Drain”

Tumutukoy ito sa pangingibang bansa ng


mahuhusay na manggagawa o
propesyunal upang magtrabaho. Brain
Drain dahil hindi napapakinabangan ng
bansa ang talino at kakayahan ng mga
manggagawang ito

Gawain Pagpapalalim ng Aralin


Blg. 4

Isa ang Metro Manila sa pinakamasikip na lungsod sa buong


mundo. Ano ang maaaring dahilan nito. Paghambingin ang dalawang larawan
at sagutin ang pamprosesong tanong.

Lungsod sa Metro Manila Probinsya sa Pilipinas

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
65
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang pangunahing dahilan ng migrasyon ng mga nasa probinsya sa


Metro Manila? _______________________________
_____________________________________________________
2. Saiyong palagay, ano ang positibo at negatibong epekto nito sa
kaunlaran ng isang bansa gaya ng Pilipinas?
_____________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________
3. Ipagpalagay natin na ikaw ay isa sa mga economic adviser ng pangulo,
ano ang maipapayo mo sa kanya upang maiwasan ang ganitong
pangyayari? ____________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________

Gawain Pagtataya
Blg. 5

Bilang pagbubuod sa paksang pinag-aralan, gumawa ng concept web


tungkol sa mahahalagang konsepto kaugnay ng Migrasyon. Gumamit lamang
ng mga susing salita o key words upang magkasya ito sa mga bahagi ng web.
Maaaring dagdagan ang mga bilog o bahagi nito.

Dahilan
Epekto
MIGRASYON

Kahulugan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
66
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
67
Quarter 2 – Modyul 5

Territorial and Boarder Conflict

Sa iyong pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, bansang Asyano


gayundin ang kasaysayan ng daigdig, naging tila pangkaraniwang paksa na
ang pagpapalawak at pananakop ng teritoryo sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Anu’t-anuman ang kanilang dahilan sa pagkamkam ng teritoryo, buo ang
kanilang paniniwala na ito ay tama at ito ang magbibigay katwiran sa kanilang
pamamaraan, marahas man o mapayapa.
Sa kasalukuyan, isa pa ring malaking usapin ang pag-aagawan at pag-
aangkin sa mga teritoryo. Ang pagkakaroon ng kamalayan at matalinong
pagsusuri sa mga isyu ang bibigyang pansin sa modyul na ito. Ang bawat
bansa ay may natatanging dahilan o batayan upang hangarin nila ang
pananakop at pag-angkin sa mga teritoryong itinuturing nilang sakop ng
kanilang bansa. Handa ka na ba?

Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Modyul na ito.


Tiyaking iyong babasahin at balik-balikan dahil ito ang magsisilbi
mong gabay sa iyong pagkatuto.

1. Natalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal hangganan


(territorial and boarder conflict)

2. Nasuri ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan sa


aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan , at
pangkapayapaan ng mga mamamayan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
68
Gawain
Pangganyak
Blg. 1

Bilang panimulang gawain sa modyul na ito, subukan mong isaayos


ang mga ginulong titik sa kabilang pahina upang mabuo ang mga salita o
konsepto na may kaugnayan sa ating paksang pag-aaralan.

N S Y A O A N L S I M O
1
 Damdamin ng masidhing pagmamahal sa bansa

R E T I O R T O Y
2
 Tumutukoy sa kabuuang nasasakupan ng isang bansa
kabilang na ang kalupaan, katubigan at maging
panghihimpawid.
I E D O L O I H Y A
3
 Kalipunan ng mga kaisipan o paniniwala na batayan ng kilos
ng isang indibidwal.
S O B R E A Y N A
4
 Natural na karapatan ng lahat ng estado na maging malaya
sa anumang uri ng panghihimasok ng ibang bansa.

Nakuha mo ba ang mga salita sa itaas? Kung gayu’y binabati


kita! Unawain mo sanang mabuti ang bawat salita sa itaas dahil ito
ay may mahalagang kaugnayan sa ating paksang pag-aaralan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
69
Para saiyong Kaalaman

Ang territorial dispute o alitan sa teritoryo ay mga suliranin na may


kinalaman sa hangganan ng mga bansa. Nagaganap ito kapag may dalawa o
higit pang bansa ang umaangkin sa iisang lupain o katawang tubig.

Halimbawa nito ay ang


mainit na isyu sa
kasalukuyan na
kinasasangkutan ng
ilang bansa sa timog
silangang asya: ANG
AGAWAN NG
TERITORYO SA
SPRATLY ISLAND

Sa mga bansang nag-aagawan sa mga Isla sa Spratly at South China Sea


(ngayo’y tinatawag na ring West Philippines Sea) pinakamainit ang
komprontasyon sa pagitan ng China at Pilipinas

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
70
Gawain Pagpapayaman ng Aralin
Blg. 2

Suriin ang mapa sa itaas. Pansinin ang layo ng Scarborough


Shoal at Spratly Island (dalawa sa pinag-aagawang teritoryo) sa China at
Pilipinas.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Paghambingin ang layo o distansya ng pinag-aagawang teritoryo sa
China at Pilipinas.
Spratly Island Scarborough Shoal

China ___________ ____________


Pilipinas ___________ ____________
2. Kung gayu’y sayong pagtataya, sino ang nararapat na may-ari ng
pinag-aagawang teritoryo? Pangtwiranan. ___________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Saiyong palagay, ano ang dahilan ng pag-angkin ng China sa
dalawang teritoryo? _____________________________________
_____________________________________________________

Para saiyong Kaalaman

Ayon sa mga eksperto, may tatlong pangunahing dahilan kung bakit


pinag-aagawan ang Spratly group of Island:

Una, isa itong katangi-tanging isla na nagtataglay ng mayamang


deposito ng langis at iba pang likas na yaman.
Ikalawa, ang pagiging istratehiko ng lugar ay maaaring magbigay sa
may-aring bansa ng malaking bentahe sa kalakalan, turismo at depensang
pang-militar; at
Ikatlo, ang natural na kagandahan ng isla ay napakalaking potensyal
para sa turismo.

Samakatwid ang tatlong nabanggit na dahilan, ay umiikot sa iisa:


Pang-ekonomikong kapakinabangan.

Ayon sa mga iskolar, ang mga dahilan sa pag-aagawan ng teritoryo ay


nahahati sa dalawa:

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
71
Dahilan ng Pag-aagawan
sa teritoryo
`

Materyal Simbolikal

 Populasyon  Relihiyon
 Likas na yaman  Nasyonalismo
 Strategic value  Kasaysayan

Gawain Paglinang ng Aralin


Blg. 3

Sa ibaba ang ilan sa mahabang listahan ng mga kaso ng alitan sa


teritoryo ng maraming bansa. Meron ka bang natatandaan sa mga ito?

Task: Pumili ng kahit isa sa mga ito at tukuyin kung alin sa mga dahilang
nabanggit sa itaas ang sanhi ng alitang ito. Ipaliwanag ang iyong sagot.

HALIMBAWA NG MGA ALITAN SA TERITORYO SA MAKABAGONG


PANAHON

 Pag-angkin ng Russia sa Crimea, sa timog-silangang bahagi ng


Ukraine
 Isyu ng Kashmir sa pagitan ng India at Pakistan
 Pag-aagawan ng Tsina at Japan sa Senkaku Islands
 Falklands war sa pagitan ng Great Britain at Argentina
 Pagsakop ng Iraq sa Kuwait
 Tensyon sa pagitan ng Sudan at South Sudan
 Alitan ng Armenia at Azerbaijan
 Agawan sa teritoryo ng Thailand at Cambodia

Iyong napili at paliwanag : ________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
72
Gawain
Pagsusuri ng Aralin
Blg. 4

Layunin ng gawaing ito na masuri ang epekto ng mga alitan sa


teritoryo sa aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan at
pangkapayapaan.
Masusing basahin ang kolum opinyon sa ibaba mula sa pahayagang
Philstar.

EDITORYAL - Magkaisa ating idepensa ang sariling pag-aari

Ngayon nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa laban sa


ginagawa ng China na pag-angkin sa teritoryo na hindi na man sa kanila.
Nararapat tumindig ang lahat at ipamalas sa China na buo at nagkakaisa ang
mga Pilipino para idepensa ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal. Kapag
nakita ng China na sama-sama ang mga Pilipino at handing ipaglaban ang
Panatag Shoal, baka hindi na igiit ang kanilang pag-angkin na wala naman sa
katwiran. Baka sakaling matanggap na nila na mali nga sila sa pag-angkin sa
teritoryo ng Pilipinas. Baka mapag-isip-isip nila na napakalayo ng China sa
Panatag Shoal at wala nga silang karapatang makipag-agawan dito. Ang
Panatag Shoal ay 124 nautical miles mula sa Zambales kaya malinaw na pag-
aariitongPilipinas.
Walang matibay na pinanghahawakan ang China na sakop nila ang
Panatag Shoal. Ang pinagbabasehan lamang nila ay historical claim at ang
ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Nations Convention on the
Law of the Sea (UNCLOS). Noong1903, isang mapa ang ginawa ng United
Armed Forces at doon ay kabilang ang Panatag sa mga grupo ng isla na pag-
aari ng Pilipinas. Nakakakuha ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng
kopyang mapa at maaari itong ipresentang ebidensiya na sakop nga ng
Pilipinas ang Panatag.
Lumulubha ang sitwasyon ukol sa pag-aagawan sa Panatag Shoal.
Halata naman ang ginagawa ng Chinese authorities na panggigipit sa
produktong galling sa Pilipinas. Hindi na pinapasok ang 1,500 container vans
ng saging at hinayaan na itong mabulok sa tatlong port. Umano’y may peste
raw ang mga saging. Pinabulaanan naman ng Bureau of Plant Industry ng
Pilipinas na may peste ang saging.
Walang magagawa kung tanggihan ng China ang produktong Pinoy.
Hindi sila mapipilit. Mas mabuti kung huwag nang ipilit sa kanila ang mga
saging at papaya. Maghanap na lang ng ibang bansa na pagdadalhan ng mga
produkto. Hindi lang naman China ang nangangailangan ng saging. Huwag
silang pilitin.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
73
Ang mahalaga, ipakita ng mga Pilipino sa China na idedepensa ang
teritoryo sapagkat nakasisigurong pag-aari ito ng Pilipinas. Magkaisa at
ipaglaban ang karapatan.
http://www.philstar.com/opinyon/807778/editoryal-magkaisa-idepensa-ang-sariling-
pag-aari

Batay sa iyong nabasa, ipangkat ang mga kaalamang natutuhan batay sa:

Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong


Panlipunan Pampulitika Pangkabuhayan Pangkapayapaan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
74
Gawain
Paglalapat
Blg. 5

Ang mga alitan sa teritoryo sa paitan ng mga bansa ay nangangailangan


ng agarang pagesolba upang hindi na umabot sa marahas na komprontasyon
tulad ng digmaan. Ikaw saiyong palagay, ano kaya ang maaaring solusyon
upang maiwasan ang ganitong mga alitan sa teritoryo
Bilang iyong panghuling gawain sa modyul na ito, sundin ang panuto sa
ibaba para saiyong task.

YOUR TASK: Ipagpalagay natin na ikaw ang kasalukuyang pinuno ng


United Nation, ang pandaigdigang samahan na nagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa buong mundo. Gagawa ka ng opisyal na liham na iyong
ipapadala sa mga pinuno ng mga bansang nag-aagawan sa West Philippine
Sea (tulad ng China, Philippines, Vietnam atbp). Pangunahing layunin ng
iyong liham na himukin ang mga pinuno na maging mahinahon at iwasan ang
anumang marahas na aksyon. Laman din ng iyong liham ang ilang suhestiyon
o paalala upang maiwasan ang alitan sa teritoryo.
Gamitin ang template sa ibaba para saiyong liham at sundin ang rubrik
ng pagmamarka .

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
75
RUBRIK NG PAGMAMARKA:

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Ang liham ay naglalaman
ng pagtatangka na
mahimok ang mga pinuno
Nilalaman na umiwas sa anumang 20
marahas na hakbang
kaugnay ng mga sigalot sa
teritoryo

Malikhain ang pagkakasulat


at nasunod ang ilang
Pagkamalikhain pangunahing panuntunan 15
para sa pagsulat ng isang
liham

Ang sulat ay
nagpapahiwatig ng
Kaalaman kaalaman at lubos na 15
pagkaunawa sa isyu o
paksa.
Organisado at malinis ang
Organisasyon/
pagkakalatag ng mga 10
Kalinisan
bahagi ng liham.
Kabuuang Puntos 60

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
76
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
77
Political Dynasty

Sa nakaraang aralin tinalakay ang isyu ng territorial and boarder conflict.


Malinaw nating nasuri ang mga datos, pananaw tungkol sa paksa. Natutunan
ang mga dahilan kung bakit may mga bansang nagnanais manakop ng teritoryo
dahil sa kanilang mga ipinaglalabang prisipyo. Hindi maaring husgahan
sapagkat ito ay naaayon sa kanilang paniniwala at prinsipyo.
Sa modyul na ito bibigyang pansin naman ang suliranin kaugnay
ng Dinastiyang Pulitikal sa ating bansa. Kailangan din ang masusing pagsusuri
sa mga isyung may kaugnayan sa Dinastiyang Pulitikal lalu’t sa kasalukuyan
nagiging malawakan ang pagkakaroon nito at tila walang kabatiran ang
maraming Pilipino hinggil sa negatibong epekto nito sa ating lipunan. Handa ka
na ba? Tara at umpisahan na.

Ang mga sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Modyul


na ito. Tiyaking iyong basahin at balik-balikan dahil ito ang
magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto.

1. Naipaliwanag ang konsepto ng political dynasties


2. Nasuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili
ng malinis at matatag na pamahalaan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
78
Gawain
Pagganyak na Gawain
Blg. 1

Bilang panimula, subukin natin ang iyong kabatiran sa aspetong


pulitikal ng ating bansa.

Makilala mo kaya ang mga sumusunod na nasa larawan? Isulat ang


pangalan at posisyon sa pamahalaan sa ibaba ng larawan.

1. Ano ang pagkakatulad ng mga larawan sa itaas? ______________


_____________________________________________________
2. Saiyong pagtataya, bakit nagaganap ang ganitong kalagayan?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
79
Para saiyong Kaalaman

Ang Political Dynasty ay pamilya o grupong may hawak ng


kapangyarihan sa pamahalaan sa matagal na panahon. Hindi na ito bago sa
atin. At tila sa paglipas ng panahon patuloy na umuusbong ang mga bagong
“kaharian” na itinatatag ng mga dinastiyang ito sa kani-kanilang lugar. Sa ilalim
ng sistemang ito, tila monopolyado ng isang pamilya at namamana ang mga
posisyon sa pamahalaan mula gobernador, kongresman, alkalde, konsehal o
maging kapitan de barangay.
Marahil ay pamilyar ka sa mga apelyidong Marcos, Aquino, Recto,
Estrada, Villar, Cayetano, Roxas, Osmena at Magsaysay. Ito ay dahil sa ang
mga pamilyang ito ang karaniwan ng humahawak ng matataas ng posisyon sa
pamahalaan noon hanggang sa ngayon.
Ayon sa mga eksperto, ang political dynasties ay isang pyudal na
balangkas na naging uso noong unang panahon sa Europa.
Naglaho ito matapos lumaganap ang panahon ng malayang kamulatan o age
of enlightenment. Ang pagkawala ng political dynasties ang nagbigay-raan
upang umunlad at maging makabago ang mga bansa sa kanluran gaya ng
Amerika. Batay sa karanasan ng mga bansang ito, ang pagkontrol ng mga
maimpluwensyang pamilya sa poder ay isang balakid sa tunay na pag-unlad.

BAKIT UMIIRAL ANG POLITICAL DYNASTIES?


May dalawang pangunahing dahilan kung bakit umiiral ang political
dynasties hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming bansa.
Una, pamana ito sa atin ng kasaysayan kaya’t nakanuot na sa ating
kultura. Mula pa sa panahon ng mga Espanol na kinukunsinti ang pananatili sa
kapangyarihan ng iilan upang matiyak ang pagiging sunud-sunuran ng mga
katutubo sa kanila.
Pangalawa, ang dinastiya ay umusbong, lumago at yumayabong sa
isang lipunang may di-pantay na paghahati ng kayamanan at kapangyarihan.
Habang iilan lang ang nakikinabang sa yaman ng bansa, iilan lang ang
magkakaroon ng kakayahan na maupo da kapangyarihan
Sa Pilipinas, oras maupo ang isang tao sa puwesto, tatamasahin niya
ang malaking access sa pondo at resources ng gobyerno na makakatulong sa
kanyang re-election. Kaya mahirap matalo ang isang sino mang nakaupo sa
posisyon o incumbent. Sakali mang matapos na ang kanyang termino,
naihanda niya na ang kanyang anak, apo o sinumang kamag-anak na papalit
sa kanya sa puwesto

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
80
Gawain
Paglalapat
Blg. 2

Gumawa ng sariling pagsusuri at pananaliksik sa kalagayang pulitikal


sa iyong lugar. Gumawa ng listahan ng mga nakaupo sa puwesto na
magkakamag-anak maging ang mga nauna o dati pa sa puwesto. Gawin ito
sa lebel ng lungsod o kaya sa iyong barangay. Isaayos ang listahan mula sa
pinakamataas hanggang pinakamababang katungkulan (hal. mula mayor,
konsehal, kapitan)

Gawain
Paglinang ng Aralin
Blg.3

Mabuti ba o masama ang political dynasty? Basahin ang kolum-opinyon


na hinalaw mula sa pahayagang Remate

Paanong magkakaroon ng tunay na serbisyong bayan o katarungang


panlipunan kung ang nakaupo sa poder ay mga magkaka-mag-anak? Sa
ganitong kaayusan, imbes na magkaroon ng serbisyong bayan ay serbisyong
pampamilya ang nangingibabaw. Tanging interes ng pamilyang dominante ang
mau-una bago interes ng bayan.
Iyan ang dahilan kung bakit napakasama at nakapipigil sa pag-unlad ang
ganitong sistema.
Pansinin na batay sa ating karanasan, ang mga lungsod, rehiyon,
lalawigan o bayan na pinaghaharian ng iilang pamilya lang ang may
pinakamataas na insidente ng pagpatay at massacre ng kalabang pamilya,
pagtatakip o whitewash sa mga anomalya, nakawan sa pondong bayan at iba
pang kahalintulad na pang-aabuso sa kapangyarihan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
81
Ayon sa Center for People Empowerment in Governance, isang non-
government organization, mayroong 178 political dynasties sa Pilipinas at hindi
pa kasama rito ang maliliit na dynasties sa mga ba-rangay o maliliit na
komunidad. May 94% sa kabuuang 80 lalawigan sa ating bayan ang
pinagpapa-sasaan ng mga dynasty.
Kaya sa darating na halalan, kung maaari lamang ay huwag nating iboto
ang mga magkakamag-anak sa poder. Kung ibig natin na tunay na maging
makabago at mayaman ang ating bansa ay da-pat nating gibain ang pyudal na
sistemang ito sa pamamagitan ng pagbasura sa kanila sa darating na eleksyon.

http://www.remate.ph/2013/02/epekto-ng-political-dynasties/

Batay sa binasang kolum, anu-ano ang negatibong epekto ng


Pagkakaroon ng political dynasty sa Pilipinas. Mabuting epekto,
meron kaya?

Political Dynasty

EPEKTO

Negatibo Positibo

Mahusay, binabati kita! Natitiyak kong lubos na ang iyong


pagkaunawa sa paksang ating pinag-aaralan.

Punta kana sa Gawain 4 bilang pinal at panghuling gawain sa


modyul na ito

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
82
Gawain
Pagpapayaman ng Aralin
Blg.4

Mag-interview ng 5 botante o higit pa saiyong barangay, maaaring


kapamilya o kapitbahay mo. Itanong sa kanila ito:

“Kung magkakaroon ng eleksyon sa ngayon,


iboboto mo ba ang pulitikong kabilang sa isang
Political dynasty? Oo o hindi at bakit. “

Isulat ang buod ng bawat sagot sa mga dialogue box sa ibaba at sumulat ng
iyong kongklusyon ukol sa political dynasty.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
83
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
84
Graft and Corruption

Sa nakaraang aralin tinalakay ang isyu ng dinastiyang pulitikal. Malinaw


nating nasuri ang mga datos, pananaw tungkol sa paksa at natutunan ang mga
dahilan kung bakit nabubuo ang dinastiya. Ano nga bang mayroon sa
pamumuno sa pamahalaan at marami ang naakit na pasukin ang mundo ng
pulitika?
Sa modyul na ito bibigyang pansin naman ang karaniwan ng isyu
ng Graft and Corruption. Pamilyar tayong lahat sa korapsyon. Kabi-kabila ang
paglalantad sa diyaryo at telebisyon ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Marami na ang naglalabasang isyu laban sa mga indibidwal na nasangkot sa
isyu ng katiwalian at korapsiyon. Hindi maikakaila ang kaugnayan ng korapsyon
sa laganap na kahirapan at iba pang suliraning panlipunan sa bansa. Kaya sa
modyul na ito, susubukin mong suriin ang iba’t-ibang aspeto at implikasyon ng
korapsyon sa Pilipinas.

Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Modyul na


ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-balikan dahil ito ang
magsisilbi mong gabay saiyong pagkatuto.

Mga inaasahang kakayahan:


1. Naipaliwanag ang konsepto, uri at pamamaraan ng graft and
corruption.
2. Nataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at
partisipasyon ng mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan
3. Nasuri ang kaugnayan ng graft and corruption sa aspekto ng
pangkabuhayan at panlipunan
4. Nakapagmungkahi ng paraan upang maiwasan ang graft and
corruption

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
85
Gawain Pagganyak na Gawain
Blg.1

Bilang panimulang gawain, subukin mong bilugan sa pool of letters ang


mga salita o konsepto na may kaugnayan sa katiwalian at korapsiyon.

K I K I L H P K B C Q P F P
S Q R L N T G V X W R T U A
S A B W A T A N F W L H M G
U V F O T H Q J Z M T E G N
H G H O S T P R O J E C T A
O F C X P H R F D F L M B N
L A A N A B U S O F W C Y A
T H F K L T B N C P E R A K
D N E P O T I S M O H I J A
A A L N V T C N B P E H F W

Ilan ba ang nahanap mo? Bakit sa palagay mo may kaugnayan


ang mga ito sa katiwalian o korapsiyon.
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

Para saiyong Kaalaman

Talamak ng suliranin sa Pilipinas ang korapsiyon. Ayon sa


Ombudsman’s Finance and Management Information Office, noong 2011 ay
may 3,852 kaso ng korapsiyon ang natanggap nila kabilang dito ang
Department of Education (Deped), Armed Forces of the Philippines (AFP)
Bureau of Internal Revenue (BIR), Department o Public Works and Highways
(DPWH) at Department of Justice (DOJ)

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
86
Ano ang korapsiyon?

Ang korapsiyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan sa


kapwa at trabaho. Karaniwang tumutukoy ito sa pampolitikong korpsiyon na
nangyayar kapag ang isang tao na nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ginagamit ang kanyang kapasidad bilang opisyal
ng pamahalaan para sa kanyang kapakinabangan

Mga paraan ng korapsiyon?


1. Pang-aabuso ng kapangyarihan
Ito ang illegal na paggamit ng kapangyarihan at impluwensya
upang bigyan ng pabor ang isang indibidwal o grupo kapalit ng
kabayaran. Kabilang din rito ang pagpapalabas ng mga kautusan o
polisiya na ang makikinabang ay ang sarili, kamag-anak o ilang
indibidwal
2. Pakikipagsabwatan
Ito ay ang ilegal na kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang
partido na ang layunin ay magkamit ng sariling kapakinabangan.
Halimbawa nito ay ang pagmamanipula sa bid o kontrata ng mga
proyekto sa gobyerno upang makakuha ng kickback o ilegal na
komisyon o bayad.
3. Pagnanakaw sa kabang-yaman ng bansa o pandarambong
Ang paglustay ng salapi ng bayan para sa sariling
kapakinabangan.
4. Pagtakas o pandaraya sa pagbabayad ng buwis
Ginagawa ito sa pamamagitan ng maling pagdedeklara ng kinita
ng isang negosyo upang mababa ang maibayad na buwis sa
pamahalaan.
5. Pangingikil
Ito ay ang paghingi ng isang opisyal ng pamahalaan ng pera o
mahalagang bagay sa kanyang kilyente na nakikipag-transaksyon sa
kanila.
6. Nepotismo
Ito ay ang paghirang sa mga kamag-anak at kaibigan sa mga
posisyon sa pamahalaan o pribadong sektor na hindi kuwalipikado.
7. Mga ghost project at employee
Nangyayari ito kapag ang isang hindi umiiral na proyekto ay
pinopondohan ng pmahalaan. Maging ang mga empleyado na hindi
naman aktwal na pumapasok ay nakakatanggap pa rin ng regular na
sahod.
8. Suhol o lagay
Ang sistemang lagay o suhol ay ang pagbibigay ng isang
indibidwal o grupo ng pera o mahalagang bagay sa isang opisyal ng
pamahalaan upang mapunta sa kanila ang kontrata o proyekto ng
pamahalaan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
87
Gawain Paglinang ng Aralin
Blg.2

Basahin ang ilang news clipping o balita na hinalaw mula sa iba’t-ibang


pahayagan. Suriin kung anon anyo o pamamaraan ng korupsiyon ang
nauukol dito.

…kasalukuyang nakakulong
…libu-libong pakete ng
ang kapwa senador na si Bong
sigarilyo ng Mighty Corporation
Revilla at Jinggoy Estrada,
ang natuklasang gumagamit ng
kaugnay ng maanomalyang
pekeng stamp tax sa
paggamit ng kani-kanilan pork
isinagawang raid ng
barrel o pondo sa mga pekeng
pinagsamang ahente ng NBI at
NGO ni Janet Lim Napoles.
BIR. Dahil sa pekeng stamp
Maliban sa paglalaan ng daang
tax, hindi tamang
milyon ng kanilang pondo sa
nakokolektahan ng buwis ng
pekeng NGO, tumanggap din
pamahalaan ang Mghty
diumano ng komisyon ang
Corporation.
dalawa.

News clip no. 1 News clip no. 2


__________________________ __________________________

…Sinampahan ng kasong
…Dumagsa ang reklamo sa
katiwalian ang actor na si
emergency hotline ng Pangulo
Cesar Montano na tumatayong
kaugnay ng paglipana ng mga
chairman ng Tourism nd
fixers sa Land Transportation
Promotion Board ng
Office (LTO). Sa halagang
Department of Tourism.
1000 diumano maaari ka ng
Kabilang sa reklamo ay
makapagrenew ng iyong
pagkuha ni Montano sa
lisensya nang di na kailangan
kanyang kapatid at kaibigan
pumila at dumaan sa
bilang empleyado ng kanyang
mahabang proseso.
opisina

News clip no. 3 News clip no. 4


__________________________ __________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
88
Gawain
Pagsusuri ng Aralin
Blg.3

Paano naapektuhan ng laganap na katiwalian sa pamahalaan ang


tiwala ng publiko sa kanilang mga lingkod-bayan. Suriin ang cartoon sa ibaba
at sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa implikasyon ng korapsiyon sa
pagtitiwala ng mga mamamayan.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
89
Gawain Pagsusuri ng Aralin
Blg. 4

May kumandidatong pangulo ng Pilipinas na ang islogan na ginamit sa


kampanya ay “Kung walang Corrupt walang mahirap”. Nanalo ang kandidatong
ito at naging ika-13 pangulo ng Pilipinas. Patunay ng pagsang-ayon ang
milyung milyong boto na nakuha niya.
Sa gawaing ito susubukin mong himayin ang manipis na puwang na
naghihiwalay sa pagitan ng korapsiyon at kahirapan.

Paano mo maiuugnay ang suliranin ng korapsiyon sa


aspektong pangkabuhayan at panlipunan sa ating bansa?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
90
Para saiyong Kaalaman

Maliban sa mga batas laban sa korapsiyon, may mga ahensya ng


pamahalaan na tumututok sa pagsugpo ng korapsiyon sa Pilipinas.

Mga ahensiya ng pamahalaan na sumusugpo sa korapsiyon


sa Pilipinas
1. Office of the Ombudsman (OMB)
Opisinang nangangasiwa sa pangkalahatan at ispesipikong
pagganap ng mga katungkulang opisyal upang ang mga batas ay
angkop na mailapat. Ito rin ang nag-iimbestiga, naglilitis at nagpaparusa
sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
2. Civil Service Commission (CSC)
Tungkulin nito na magtatag ng mga pamantayang magtataguyod
ng moral, integridad, kasanayan, kagandahang loob sa pagbibigay ng
serbisyong sibil. Mayroon din itong hurisdiksyon sa mga kasong
administratibo kabilang ang katiwalin at korapsiyon.
3. Commission on Audit (COA)
Ito ang ahensiyang nagbabantay sa mga operasyong pansalapi
ng pamahalaan. May kapangyarihan itong siyasatin, tasahin o i-audit
ang lahat ng pinagkakagastusan ng Pilipinas gamit ang mga resibo at
iba pag dokumento.
4. Sandiganbayan
Isang espesyal na hukuman na lumilitis sa mga kaso ng
korapsyon sa Pilipinas. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at
kriminal na kinasasangkutan ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Bukas ang mga ahensiyang ito sa lahat ng reklamo na kinasasangkutan ng


mga kawani at opisyal ng pamahalaan. Tandaan, bahagi ng pagiging
mapanagutang mamamayan ang maging mapagmatyag at makialam sa mga
isyung panlipunan.

Ngayon natitiyak ko na lubos na ang iyong pagkatuto sa paksang ating


pinag-aaralan. Punta na sa gawain 5 para sa iyong huling gawain sa modyul
na ito.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
91
Gawain Paglalapat
Blg. 5

Lagyan ng tsek ang mga gawain na nagpapakita ng katapatan sa


tungkulin at ekis naman kung nagpapahiwatig ng korapsiyon. Pagkatapos
pumili ng 2 na iyong minarkahan ng ekis at magmungkahi ng paraan kung
paano maiiwasan ang ganitong gawain.

______1. Pagbabayad ng buwis ng tama at tapat

______2. Pagbibigay ng pera sa Pulis s oras na mahuli dahil sa paglabag sa


batas trapiko.

______3. Pagdedeklara ng totoong yaman sa SALN

______4. Pagpapatong ng presyo o halaga ng proyekto ng pamahalaan.

______5. Pagbibigay ng regalo sa kawani ng pamahalaan upang mapabilis


ang pagproseso ng business permit.

______6. Pagpapadrino sa empleyado ng pamahalaan upang maipasok sa


tungkulin ang hindi kuwalipikadong aplikante.

______7. Paghingi ng parte o komisyon sa mga kontrata ng pamahalaa,

______8. Paggamit ng sasakyan ng pamahalaan sa excursion ng iyong


pamilya.

______9. Paggamit sa pera ng pamahalaan sa pansariling pangangailangan.

_____10. Pagpila ng maayos at pag-iwas sa mga fixer sa mga transaksiyon


sa pamahalaan.

Ang iyong mungkahi: __________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
92
Binabati kita! Sana’y iyong isaisip at isapuso ang lahat ng mga
natutunan mo sa modyul na ito. Kung meron kang katanungan sa
paksang ating pinag-aralan, maaari mo itong isulat sa susunod na
pahina upang mabigyang pansin ng iyong guro.

------------ Pagtatapos ng Ikalawang Markahan --------------

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
93
MGA ISYU SA KARAPATANG
PANTAO AT GENDER
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Binabati kita! Ikaw ay nasa ikatlong yunit na, ibig sabihin malapit mo
nang matapos ang grado. Ipinapaalam ng modyul na ito ang mga karapatan
mo upang may magamit kang pananggalang sa pang-araw-araw na
pakikipagsapalaran mo sa buhay. Ang mga karapatang pantao ay may
malaking maitutulong upang mabigyan ka ng proteksyon laban sa mga tao o
grupo ng taong nais mang-api at magsamantala. Naitanong mo na ba sa sarili
mo kung papaano pinapahalagahan ang karapatang pantao sa pagsusulong
ng pagkakapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan,
bansa, at daigdig? Kung hindi pa subukin nating talakayin ang mga konsepto
na may kaugnayan sa karapatang pantao.

Sa modyul na ito ay matutuklasan mo kung ano-ano ang anyo, epekto,


at halibawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at
daigdig. Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung
handa ka na, halina’t pag-usapan natin ang mga mahahalagang isyu kung
papaano kinikilala ang karapatang pantao.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang Ang mga mag-aaral ay nakapagpaplano
pag-unawa sa kahalagahan ng ng symposium na tumatalakay sa
karapatang pantao sa pagsusulong ng kaugnayan ng karapatang pantao at
pagkapantay-pantay at respeto sa tao pagtugon sa responsibilidad bilang
bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at mamamayan tungo sa pagpapanatili ng
daidig isang pamayanan at bansa na kumikilala
sa karapatang pantao

Sa araling ito, tatalakayin mo ang sumusunod:

Modyul 8: Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao


Modyul 9: Mga Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Modyul 10: Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Modyul 11: Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Modyul 12: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian: Gender and Sexuality
Modyul 13: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian:
Reproductive Health Law
Modyul 14: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian: Same-Sex Marriage
Modyul 15: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian:
Prostitusyon at Pang-aabuso

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
94
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
95
Modyul
8 Kahulugan at Kahalagahan ng
Karapatang Pantao

ALAMIN

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sagutin ang


mga paunang tanong sa mga aralin ng modyul na ito, sa
isasagawangpagtalakay sa araling ito ay maaaring maitanong mo kung
ano ang kahulugan at kahalagahan ng karapatang pantao?
Simulan mo ang pagtuklas at pagbuo ng mga pang-unang
kasagutan sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng mga sumusunod
na gawain. Handaka na ba? Simulan mo na.

Gawain 1: Pag-Isipan Mo

Gumuhit o gumipit ng mga larawan ng mga kailangan ng isang tao upang


mabuhay. Idikit sa bahagi ng katawan ng tao ang pangangailangang ito. Halimbawa:
idikit ang aklat sa bahaging ulo ng tao, ang pagkain sa tiyan, atbp.
Matapos idikit ang mga larawan ng mga kailangan ng tao, isulat sa paligid ng
drowing ang mga institusyong dapat tumulong upang makamtan ng tao ng kanyang
mga pangangailangan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
96
Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa ginawa mo sa Gawain 1, ano-ano sa mga


pangangailangang ito ang iyong natatamasa?
2. Ano-ano naman sa mga pangangailangang ito ang hindi mo
natatamasa?
3. Para sa iyo, mahalaga ba ang karapatang pantao? Ipaliwanag.

Taglay ang iyong mga paunang kaalaman sa mga aralin ng modyul


naito, aalamin mo ngayon ang wastong sagot sa mga tanong na iyong ibinigay,
sa iyong pagtungo sa susunod na bahagi ng modyul. Dito ayuunawain mo sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga teksto upang magkaroon ka ng sapat na
kaalaman na magagamit mo sa paggawa ng proyekto pagkatapos ng aralin.
Isang panata tungkol sa karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad
bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na
kumikilala sa karapatang pantao ang iyong gagawin na mamarkahan batay sa
nilalaman, pagkamalikhain, hikayat, organisasyon, at kapakinabangan nito.

PAUNLARIN

Pagkatapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang


kalaaman sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga kaisipang ito sa
pamamagitan ng ipapabasang mga teksto at iba pang kagamitan na
mapagkukunan mo ng mga impormasyon. Ang pangunahing layunin
mo sa bahaging ito ay matutuhan at maunawaan ang mahahalagang
impormasyon at kaisipan tungkol sa mga karapatang pantao at
kahalagahan nito. Gamit ang malilikom mong mga kaalaman,
inaasahang magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa pagkilala ng
karapatang pantao bilang responsibilidad ng isang mamamayan ng
bansa. Simulan mo ang paglinang!

Gawain 2. Basa-Suri

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay


mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao
ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang
pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit,
bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na
nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung
hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan
dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay 7 bahagi na ng
pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
97
estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao. Mahalagang malaman natin ang
ating karapatan upang matamasa natin ang mga pangunahing
pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag
as ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling
nahahadlangan ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay
pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay
nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang karapatan ng lahat ng tao. Kung
lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang
posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang
Pilipino.

Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at


pangkatan.

1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-


aari ng mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at
kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan,
ang panlipunan, pangkabuhayan, ay kultural na karapatan.
a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na
malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay
ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay
maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.
b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa
mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng
mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.
c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay
ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa
pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa
buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-
unlad ng pamayanan.

2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao ng


bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at
pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas
na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

Pamprosesong Tanong:

1. Sa mga nabanggit na mga indibidwal na karapatan, alin sa mga


ito ang iyong napapakinabangan o nagagamit? Alin naman ang
hindi pa?
2. Sa iyong pamayanan, anong mga pangkat o grupo ang
nagsusulong ng isang kolektibong karapatan?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
98
Basahin at Unawain

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao


Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga
ginagawang batas sa Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat
ang tao mula sa kanyang pagsilang ay may karapatang dapat na natatamasa
na, mas nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating batas upang
magsilbing sandigan natin kung sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga
karapatan. Ang mga pangunahinh instrumentong legal ay ang Saligang-Batas
ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas


na Kunilala sa Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na naksulat sa


Saligang Batas ng 1987. sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay
nasa Bill of Rights (Art. III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at
Patakaran ng mga Estado (Art II); Katarungang Panlipunan at Karapatang
Pantao (Art XIII); Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii); Edukasyon,
Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art. XIV). Ang mga
karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at patakaran
ng Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod:

• Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at paggarantiya ng buong


respeto sa karapatang pantao;
• Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
• Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal,
intelektwal ay panlipunang kapakanan ng mga kabataan;
• Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at
kalalakihan;
• Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na
kapaligiran ng tao;
• Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at
• Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural.

Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin
ang mga ito. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill
of Rights (Art. II) tulad ng:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian
• Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas
• Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
• Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay
nagsusulong ng karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat
Pilipino. Obligasyon ng pamahalaang Pilipinas na magbigay ng mga
panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at paglilitis ng

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
99
kaso upang ang mga taong walang pambayad ay matulungan nang libre
ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo ng panlipunang katarungan na
ang mga taong mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating
batas at pamahalaan.

Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao


(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)

Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay


nakalagda sa deklarasyong ito kayat ang instrumentong ito’y dapat ipatupad sa
ating bansa. Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang
Pantao na lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na
dignidad. Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at
pagbabawal sa diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at
ang mga pangunahing kalayaan ng tao.
Ang mga sibil na probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao
• Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o
paninilbihan
• Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang-
uri ng pagtrato at kaparusahan
• Pagkilala sa tao sa harap ng batas
• Pantay na proteksyon sa harap ng batas
• Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang
pantao
• Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at
pagpapalayas sa sariling bansa
• Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang
kinikilingang tribunal
• Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hind
napapatunayang maysala
• Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen
noong ito ay ginawa
• Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal,
pamilya bahay at mga sulat
• Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang
lugar
• Mag-asawa at magkaroon ng pamilya
• Magkaroon ng ari-arian

Ang Mga Pulitikal na Karapatan ay:


• Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang
maging mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay
napaalis sa kanyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan
• Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
• Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
100
• Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
• Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon
• Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
• Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa

Ang mga Karapatan sa Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura ay ang


mga sumusunod:

• Karapatan sa panlipunang seguridad


• Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng
empleo
• Pantay na bayad sa pantay na paggawa
• Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa
pamumuhay na may dignidad
• Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal
• Karapatan sa pahinga at paglilibang
• Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang
karapatan sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot)
• Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay,
pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa,
pagtanda ai iba pang pagkakataon na wala sa kontrol ng tao
• Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak
• Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng
edukasyon ng kanilang anak
• Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan
• Magkaroon ng proteksyon sa moral at material na interes na
nagreresulta sa pagiging may akda ng siyentipiko, literari at artistikong
produksyon

Gawain 3: Ikumpara Mo
Gamit ang data retrieval chart, ilista ang mga karapatang parehong nasa
Saligang-Batas ng Pilipinas at UDHR sa kolum A at ang mga karapatan na
nasa UDHR ngunit wala sa ating Saligang-Batas sa kolum B.

A B

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
101
Sa bahaging ito ng modyul ay nilinang mo sa pamamagitan ng
talakayan at iba’t ibang gawain ang tungkol sakahulugan at kahalagahan ng
karapatang pantao. Inaasahang mula rito ay naiwasto mo na ang mga maling
konsepto at nabigyang linaw ang mga katanungang pansamantalang
nakabalam sa iyong pagtuklas ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng
paksa.
Ngayong batid mo na ang mahahalagang ideya tungkol sa aralin,
palalimin pa natin ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng ating mga gawain
na nasa susunod na bahagi ng modyul na ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin mo bilang mag-aaral


ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan at kahalagahan ng
karapatang pantao. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa
konsepto ng karapatang pantao upang makatugon sa responsibilidad
bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at
bansa na kumikilala sa karapatang pantao.

Gawain 4: Karapatan Ko, Kilalanin Mo

Basahin ang hinalawa na artikulo. Suriin ang mga ideya at ang nakapaloob na
opinyon ng may-akda. Gamitin ang pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain.

Pagpapahalaga sa karapatang pantao


NOONG Disyembre 10 ay ginunita ang International Human Rights
Day (IHRD).
Ito ay pag-alala sa pag-adopt ng United Nations General Assembly
noong Disyembre 10, 1948 sa Universal Declaration of Human Rights
(UDHR) na nagtakda ng pagkilala ng lahat ng mga pamahalaan at
lipunan sa buong mundo sa mga karapatan ng bawat tao sa serbisyong
panlipunan, kultura, relihiyon, edukasyon, paggawa, pagpapahayag ng
damdamin, pulitika at iba pang aspeto ng pamumuhay.
Ayon kay Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, “Human rights are the
supreme inherent and inalienable rights to life, to dignity, and to self-
development, encompassing the areas of civil, political, economic, social
and cultural aspects of each person’s existence.”
Ito aniya ay nakadambana mismo sa Konstitusyon ng ating bansa
partikular sa Section 11, Article II (the State values the dignity of every
human person and guarantees full respect for human rights…) at sa
Section 1, Article XIII (Congress shall give priority to the enactment of
measures that protect and enhance the right of all the people…).
Pero sa kabila aniya nito ay laganap pa rin ang “human rights
violation” sa bansa, at napakarami pa ring insidente ng paglabag
sa karapatang pantao kung saan ang karaniwang biktima ay ang

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
102
masa o maralita laluna yung mga nasa malalayo at maliliit na bayan
at komunidad.
Dagdag niya, “Human rights violations in the country is largely
attributed to the lack of operational systems and mechanisms to prevent
such violations, and to the lack of knowledge and information among
many people themselves, especially the masses, on the rights that they
should be enjo-ying - and be fighting for, whenever the need arises for
such.”
Kaugnay nito ay isinusulong niya ang mga panukalang batas para sa
ibayong proteksiyon at promosyon ng karapatang pantao, tulad ng:
Establishment of Barangay Human Rights Action Centers; Human
Rights Resource Center Act; Mandatory Teaching of Human Rights in
all Public and Private Schools; at ang Internal Displacement Act
(Prevention of Occurrence of, and Protection from, the Adverse Effects
of Internal Displacement).
Pinagkunan:DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada (Pilipino Star Ngayon) | Updated December 17, 2013
- 12:00am. http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/12/17/1268941/pagpapahalaga-sa-karapatang-pantao

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng hinalaw na artikulo?
2. Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat?
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada? Ipaliwanag.

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain.

Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang kahulugan at kahalagahan ng karapatang


pantao. Malaki ang papel mo sa pagtaguyod ng karapatang pantao at
pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa
pagpapanitili na kumilala sa karapatang pantao.

Upang lubos na maunawaan ang ilan sa mga kinakaharap na


isyu ng karapatang pantao, ating susunod na titingnan ang anyo at
halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
103
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
104
Modyul
9 Mga Anyo at Halimbawa ng Paglabag sa
Karapatang Pantao
ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng
karapatang pantao, malalaman mo naman sa araling ito ang iba’t ibang
anyo ng paglabag sa karapatang pantao. Hihikayatin ka rin ng araling ito
na magsulong ng iyong karapatan at ng karapatan ng iyong kapwa.
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa anyo ng paglabag sa karapatang pantao. Simulan mo na…

Gawain 1: Picture Analysis


Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung alin dito ang
nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao sa pamamagitan ng paglalagay
ng tsek sa kahon na katabi ng larawan.

https://rolandotolentino.wordpress.com/2012/03/ http://www.projects-abroad.org/volunteer-
projects/care/general-care-projects/volunteer-
philippines/

http://www.arkibongbayan.org/2011/2011- https://stexposure.wordpress.com/2011/07/28/sona-
08Aug30-IntlDD/pix/placards/DSC02548.JPG ng-mamamayan-sa-timog-katagalugan-walang
pagbabago-kay-aquino/

http://www.philstar.com/business/2016/ http://tatess.blogspot.com/2014/03/pilipinas-at-
05/27/1587537/contractualization-pros-and-cons maruming-kapaligiran-is.html

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
105
Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga larawan, ilan ang nagpapakita ng paglabag sa
karapatang pantao?
2. Bakit mo nasabing ito ay mga paglabag?
3. Ito ay napapansin mo sa iyong sariling pamayanan? Ipaliwanag.

Matapos mong masuri at maibigay ang paunang kaalaman


tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, ihanda ang iyong sarili sa
susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas
malalim ang mga anyo nito.

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol


sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa
tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan
mo ng impormasyon. Halina’t umpisahan mo na.

Basahin at Unawain
Ang Paglabag sa Karapatang Pantao

Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay


isang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng
tao ay ang karapatang mabuhay nang may dignidad. Halimbawa, ang
pagkitil ng buhay ay isang pagpigil sa karapatan ng taong mabuhay.
Maging ang pagsikil sa kalayaan ng tao ay isang pagaalis sa karapatan
ng taong mabuhay nang malaya. Sa pangkalahatan, ang paglabag sa
karapatang pantao ay makikita kapag nilabag ng tao at ng estado
Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga Pandaigdigang Instrumento sa
Karapatang Pantao. Iba’t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao
tulad ng pisikal, sikolohikal o emosyonal at istruktural.

• Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag


ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan
ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa
anumang parte ng katawan ay ilan sa halimbawa ng pisikal na
paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng panghahalay
at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang
pantao.

• Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao.


Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito
ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang
isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
106
sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay
nagreresulta sa balisang estado ng isang tao.
• Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may
kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng
hindi pagtatamasa ng karapatan istruktural. Ang istruktural na
paglabag ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa
ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihan
magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa
at sa daigdig.

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa


tahanan, pamayanan, paaralan, trabaho, bansa, at daigdig.
Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga
bata at kababaihan. Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa
bata, hindi pagpapaaral sa mababang paaralan, hindi pagbibigay ng
pangalan at damit ay ilan lamang sa mga paglabag sa karapatang pantao
ng mga tao.
Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita
kapag ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa
tungkuling panatilihing malinis, maayos at mapayapa ang kapaligiran.
Tungkulin din ng lokal na pamahalaan na paratingin ang mga
pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan, kuryente,
tubig, komunikasyon, edukasyon, at iba pa.
Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid
sa mga mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga
mag-aaral ay ay paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral.
Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang
paglabag sa karapatang pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag
ang mga kinatawan ng pamahalaan tulad ng pulis, militar, pinuno at
kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng pamahalaan, ay nanakit sa
mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang pamahalaan ay walang
programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at kultural na
kalagayan ng mga mamamayan.
Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay
madarama kapag ang mga kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga
tao o kaya ay gumawa ng mga kasunduang nakasasama sa tao. Ilan dito
ay ang pakikipagdigmaan, paggawa ng mga armas pandigmaan, at
pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang may pakinabang.
Pinagkunan: Ease Module AP 3 Modyul 24 Karapatang Pantao Bureau of Secondary Education DepEd Pasig City

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
107
Gawain 2: Teks-to-Graph
Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang nilalaman ng graphic
organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Anyo ng
Paglabag

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng paglabag sa karapatang pantao?
2. Ano-anong mga paglabag sa karapatang pantao ang iyong
nararanasan o naranasan at nakikita mo sa iyong pamayanan,
sa bansa at daigdig?
3. Maliban sa mga nabanggit na lugar, saan pa maaaring makita
o mangyari ang paglabag sa karapatang pantao?

Basahin at Unawain
Mga Paglabag sa Karapatang Pantao

Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay
nasa pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-
ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.

1. Pagpatay sa sanggol. Ito ay pagkitil sa buhay ng bagong silang na


sanggol. Tulad ng isang babae na taga-Kenosha, Wisconsin, sa Amerika,
na nahatulan ng sampung taon na pagkakabilanggo sa salang pagpatay sa
kanyang bagong silang na anak. Ipinanganak niya ang sanggol nang buhay
ngunit isinilid niya ito sa isang basurahan sa hindi malamang kadahilanan.
Kinasuhan siya ng first-degree intentional homicide.

2. Pang-aabuso sa bata. Ito ay ang pagmamaltrato sa mga bata pati na ang


sapilitang pagpapagawa sa kanila ng mga krimen. Mayroong mga sindikato
na ginagamit ang mga paslit sa mga gawaing masama tulad ng
pagnanakaw, pagtutulak ng droga at cyber sex.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
108
3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan. Sa larangan ng showbiz at
kahit saang panig ng mundo ang kababaihan ang lumalantad at walang
takot na nagsasabi na sila ay biktima ng pisikal at sekswal na pang-aabuso
ng kanilang mga kabiyak. Ito ay labag sa karapatan ng mga babae.

4. Pagwawalang-bahala sa mga may kapansanan. Ito ay hindi makatwirang


pagtrato sa mga taong may kapansanan. Isa dito ay ang hindi pagbibigay
ng kaukulang pansin sa kanila sa lugar tulad sa loob ng tren o di kaya ang
hindi pagtanggap sa kanila sa larangan ng trabaho.

5. Diskriminasyong pangkasarian. Hanggang sa kasalukuyan, may mga


nangyayari na ang kasarian ang batayan upang matanggap sa trabaho.
Usaping stereotyping sabi nga sa wikang Ingles kung saan binibigyan o
nilalagyan ng ganap na kategorya o kahulagan ang isang tao o bagay. Ito
ay may kinalaman din sa kultura. Halimbawa ay ang mga Tsino sa una. Mas
nanaisin ng ama na magkaroon ng anak na panganay na lalaki sa halip na
babae. Ngunit ayon sa pag-aaral mas nagiging bukas na sa kasalukuyang
panahon ang mga Tsino sa pagbabago o pananaw ukol sa usaping kasarian
ng kanilang mga supling.

6. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao. Laman ng pahayagan, mga


bata at mga kababaihan ay ipinagbibili upang maging kasambahay o hindi
kaya ilagay sa mga bahay aliwan o prostitution den.

7. Pagkamkam ng Lupa. Ang isyung ito ay madalas nangyayari sa mga


probinsiya kung saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga
ninuno ay pilit inaangkin ng mga mayayamang negosyante upang patayuan
ng mga nagtataasang gusali.

8. Galit sa ibang lahi. Tulad ng naranasan ni Mahatma Gandhi nuong nasa


Aprika nang minsang nakasakay siya sa isang tren. Isang malinaw na lahi
ang naging pamantayan ng kawani ng tren ng siya ay pinaalis sa
kinalalagyan niyang first class accommodation kung saan mayroon naman
siyang tiket.

9. Terorismo. Ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon ng mga terorista.


Nariyan(g) nagkaruon ng digmaan sa Zamboanga. Ito daw ay dulot ng mga
terorista na gusto lamang ng gulo laban sa mga sundalo ng pamahalaan.
May mga pagsabog na naganap, at pagbihag sa mga tao at mga turista ay
ilan lamang sa tinatawag natin na terorismo.
Ang mga nabanggit na mga paglabag ay inyong matutunghayan sa mga
pang-araw-araw na balita sa radyo, telebisyon at sa mga social networking site.
Kalunos-lunos isipin ngunit talagang may mga paglabag na nagaganap sa ating
lipunan. Kung ang bawat isang tao ay maisasapuso ang mga karapatang
pantaong kaloob ng mga Banal na Nilalang, wala sanang masasawi at
mamumuhay nang mahirap.
Pinagkunan: EsP 9 Modyul 6 Department of Education

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
109
Gawain 3: Datos-Interpret Ko
Tingnan ang talahanayan at sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Aquino


(Hulyo 2010 – Oktubre 2011)

Pinagkunan:Karapatan 2011 Year-End Report on the Human Rights Situation in the Philippines.
http://www.philippinecollegian.org/paglabag-sa-karapatang-pantao-nagpapatuloy-sa-ilalim-ni-aquino/

Pamprosesong Tanong
1. Aling uri ng paglabag ang pinakamalaki ang bilang? ang
pinakamaliit ang bilang?
2. Ano ang ipinahihiwatig ng datos tungkol sa uri ng paglabag sa
karapatang pantao?
3. Ano ang maaaring implikasyon nito sa mga mamamayan, sa
pamayanan, bansa at daigdig?

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa paglabag


sa karapatang pantao, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi
ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa
sa araling ito.

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ay palalawakin mo bilang mag-aaral ang
mga nabuo mong kaalaman tungkol sa paglabag sa karapatang
pantao. Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa sa mga
pangyayari sa kapaligiran upang mas lalo mong maitaguyod ang
pagkilala sa karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
110
Gawain 4. Editorial Cartoon Analysis

Ipaliwanag ang iyong saloobin tungkol sa editorial cartoon na nasa


ibaba. Ipakita ang kaugnayan ng larawan sa anyo ng paglabag sa
karapatang pantao.

Pinagkunan:http://www.amiananbalitangayon.com/archives/21704

Mahusay! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga iniatang na gawain.

Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang kahulugan at kahalagahan ng karapatang


pantao. Malaki ang papel mo sa pagtaguyod ng karapatang pantao at
pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanitili na
kumilala sa karapatang pantao.

Upang lubos na maunawaan ang ilan sa mga kinakaharap na isyu


ng karapatang pantao, ating susunod na titingnan ang anyo at halimbawa
ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
111
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
112
Modyul
10 Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang
Pantao

ALAMIN

Matapos mong matutuhan ang anyo at halimbawa ng paglabag sa


karapatang pantao, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol
sa epekto ng paglabag nito. Upang higit na maging makabuluhan at
mapukaw ang iyong interes halina’t simulant mo munang gawin at sagutin
ang susunod na gawain.

Gawain 1. Kuwento, Suriin Mo

Ipagpalagay na isa ka sa mga tauhan sa kuwento. Matapos mong basahin ang


kuwento, sagutin mo ang mga pamprosesong tanong.

Inatasan kayo ng iyong guro na magdala ng mga “candy” sa klase


kinabukasan. Sa sunod na araw, ipinalagay ang lahat ng ito sa basket na
nasa ibabaw ng mesa. Matapos ito, ay kinuha ng iyong guro ang basket at
umikot sa klase upang muli itong ibigay sa mga mag-aaral. Ang ilang mga
mag-aaral ay nabigyan ng limang piraso o higit pa, ang ilan naman ay isa
lamang at ikaw kasama ang ibang mga mag-aaral ay hindi nabibigyan ng
candy. Maraming natirang candy sa basket at sinabi sainyo na ito ay para
sa kanya dahil siya ang inyongguro.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang damdamin mo habang ipinamamahagi ang mga candy?
2. Ano ang damdamin ng mga mag-aaral na nakatanggap ng
maraming candy?
3. Ano naman ang damdamin ng nakatanggap ng mas kakaunting
piraso ng candy?
4. Ano naman ang damdamin mo na walang natanggap na candy?
5. Ano ang naging damdamin matapos makita na mas marami pang
candy ang napunta sa guro na hindi naman nagbigay ng kahit na
isang candy?
6. Nasasaksihan ba ninyo na nangyayari ang katulad na pangyayari
sa bansa o sa mundo? Ipaliwanag.

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman


tungkol sa epekto ng paglabag sa karapatang pantao, ihanda ang iyong
sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang
konsepto ng karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
113
PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol


sa aralin, ngayon naman ay lilinangin ang kaalamang ito sa tulong ng mga
teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan
mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya tungkol sa epekto ng
paglabag sa karapatang pantao. Halina’t umpisahan mo na.

Basahin at Unawain

KARAPATANG PANTAO, PARA KANINO?


ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Mula sa Maypagasa magasin ng Sanlakas, Disyembre 1999, pahina 17)

Noong 1948, idineklara ng United Nations ang ika-10 ng Disyembre bilang


Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao o Universal Human Rights Day. Ito’y
bilang tugon sa mga paglabag sa karapatangpantao na umiral noong Ikalawang
Daigdigang Digmaan, kung saan sinakop ng Germany ang Poland, pati mga karatig-
bansa nito upang ubusin ang buong lahing Hudyo. Sinundan ang mga pananakop na
ito ng Fascist Italy at Imperialist Japan. Dahil sa milyun-milyong katao ang namatay sa
mga digmaang ito, nagkaroon ng aral ang sangkatauhan. Mahigit apat na buwan nang
naitatatag ang bansang Israel, na naging tahanan ng mga Hudyo, nang gumawa ng
isang deklarasyon ang mga bansang kasapi ng United Nations upang kilalanin ang
mga karapatan ng tao. Kilala ito ngayon bilang Pandaigdigang Pahayag hinggil sa mga
Karapatang Pantao o Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Ang karapatang pantao ang mga batayang karapatan kung saan kinikilala ang
pagiging tao ng isang tao. Ang kanyang dignidad at karapatang mabuhay ng marangal
at may payapang isipan ang iniingatan ng mga karapatang ito. Dito sa ating bansa,
maraming human rights organizations ang gumugunita sa Universal Human Rights
Day tuwing Disyembre 10 bilang tanda ng paggalang sa mga karapatang ito. Bakit
kailangang gunitain ito? Maraming karapatang pantao ang nalalabag, hindi lang ng
karaniwang mamamayan, kundi ng mismong mga nasa poder.

Pasimplehin na lang natin: isyu ng manggagawa. Ito ang nakasulat sa UDHR, Artikulo
23: “(1) Everyone has the right to work, to free choice of employment, to just and
favourable conditions of work and to protection against employment. (2) Everyone,
without any discrimination, has the right to equal pay for equal work. (3) Everyone who
works has the right to just and favourable remuneration ensuring for himself and his
family an existence worthy of human dignity, and supplemented if necessary, by other
means of social protection. (4) Everyone has the right to form and to join trade unions
for the protection of his interests.”

Ating pansinin, nakikita ba natin kung may mga ginagawa nga ang maraming human
rights organization at advocates dito sa ating bansa laban sa union-busting,
kaswalisasyon, demolisyon, paghahagis ng teargas ng mga pulis, hindi pantay na
pagtingin sa mahihirap at mayayaman, atbp.? Bakit patuloy pa rin ang paglaganap ng
mga paglabag sa karapatang pantao?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
114
Nang sabihin ni Erap Estrada ang nakakainsulto sa mangggawang tanong na
“Nakakain ba ang CBA?” at nang ninais ng taipan na si Lucio Tan na suspindihin ng
sampung taon ang karapatang makipag-CBA ng mga manggagawa ng Philippine
Airlines (PAL), walang boses na narinig mula sa maraming human rights organizations
sa bansa upang ipagtanggol ang batayang karapatan ng mga manggagawa ng PAL.
Maraming human rights organizations at human rights advocates sa ating bansa, pero
hindi naman makita sa totohanang labanan, at hindi man lang magawan ng kaukulang
aksyon ang usaping pangmanggagawa, gaya ng pakikibaka laban sa union-busting,
kaswalisasyon, illegal lock-out, ilegal dismissal, CBA violations, strike ban at marami
pang uri ng karahasan sa mga manggagawa. Ahhh, baka talagang walang alam ang
mga human rights advocates na ito sa batayang karapatan ng mga manggagawa.
Kawawa naman sila.

Ito ang ating hamon. Sa pagsapit ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, ating
subukan kung gaano katotoo ang mga human rights organizations na ito sa pakikibaka
para sa karapatan ng mga manggagawa. Hindi lang marinig kundi makasama mismo
sila sa pakikibaka laban sa mga inhustisyang ito. Pero kami’y nangangamba, baka
magsermon pa ang mga human rights advocates na ito at sabihin sa atin: “Bakit ba
kayo nakikialam sa aming palakad?”

Sa ating Konstitusyon, may nakasaad tungkol sa karapatang pantao. Ito’y nasa


Artikulo III na may pamagat na “Bill of Rights” habang nasa Artikulo XIII naman ay
“Social Justice and Human Rights”. Dito’y nasusulat ang mga batayang karapatan ng
bawat tao at ng mamamayang Pilipino. Kung tutuusin, paboritong pampalubag sa
mamamayan ang mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon. Anuman daw ang
depekto ng Konstitusyon, ginagarantiyahan naman daw nito ang mga demokratikong
karapatan ng mamamayan, di gaya noong panahon ng diktadura ni Marcos. Nakasaad
sa “Bill of Rights” na pantay ang karapatan ng mahirap at mayaman. Ngunit kung
aaraling mabuti ang mga karapatang nakasaad dito, nagsisilbing konswelo-de-bobo
lamang ito sa mahihirap, dahil mga dekorasyon lamang ito sa kasalukuyang burgis na
Konstitusyon.

Anong klaseng demokrasya ng nakapundar sa Konstitusyong itokung palaging


nananaig ang malakas sa mahina? Kahit parehasin mo ang karapatan ng
manggagawa sa kapitalista, ng magsasaka sa asendero, ng makapangyarihan sa
walang kapangyarihan, tiyak na lalampasuhin ng mayaman ang mahirap. Ito ang
reyalidad ng demokrasya sa kasalukuyang Konstitusyon. Kailan ba namayani ang mga
maralita sa maimpluwensiya at makapangyarihan?

Sa sistema ng hustisya sa bansa, agad nabibitay ang nagkasalang mahirap kaysa


nagkasalang masalapi at makapangyarihan. Sino ba si Leo Echegaray kung
ikukumpara kina Lucio Tan at Imelda Marcos? Kahit sa usapin ng repormang elektoral,
ang laging namamayani sa eleksyon ay ang mga pulitikong may kakayanang bumili
ng boto,armas at mga goons. Posible bang lumustay ang mga mahihirap ng milyun-
milyon para lamang manalo sa eleksyon? May magagawa ba ang ilang representante
ng sektor na nakaupo sa pamahalaan para isulong ang mga demokratikong interes ng
mamamayang Pilipino?

Mananatiling huwad ang “human rights” na ito kung ang mismong sistema ng lipunan
ay hindi nagbabago. Hangga’t patuloy na lumalaki ang agwat ng mahirap at mayaman,
ang makikinabang lang sa “human rights” na ito ay ang maykayang maka-afford nito.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
115
Pinagkunan: http://asinsasugat.blogspot.com/2008/04/karapatang-pantao-para-kanino.html

Gawain 2. Teks-to-Graph

Batay sa iyong binasang teksto, kumpletuhin ang nilalaman ng graphic


organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Epekto ng
Paglabag sa
Karapatang
Pantao

PAGNILAYAN

Matapos mong matukoy ang epekto ng paglabag sa karapatang


pantao, sa bahaging ito ay pagtitibayin mo ang iyong kaalaman at
saloobin tungkol dito. Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa
upang mas maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga
natutuhan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
116
Gawain 3. Lights, Camera, EFFECT
Suriin ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao batay sa mga larawan sa
ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

1.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pinagkunan: https://nanjilsubash.blogspot.com/2014/04/sri-
lanka-rape-murder-fear-and-death.html

2.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pinagkunan: http://www.globalpartnership.org/blog/child-labor-
hinders-childrens-education
3.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pinagkunan: http://christianreview.ca/2015/10/18/discrimination/

4.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pinagkunan: http://mabuhaycity.com/photoplog/image-mandaluyong-
squatter-demolition-turned-violent-photos-images-3831/

Mahusay! Naisagawa mo ang mga inihandang gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
117
Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang mga epekto ng paglabag sa karapatang


pantao. Malaki ang papel mo sa pagtaguyod ng karapatang pantao
upang maiwasan ang paglabag at ang epekto nito.

Sa susunod na aralin, uunawain natin ang mga paraan sa


pangangalaga at kung paano ang paglutas sa mga paglabag sa
karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
118
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
119
Modyul
11 Mga Paraan sa Pangangalaga at Paglutas sa
mga Paglabag sa Karapatang Pantao

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman


tungkol sa mga paraan sa pangangalaga at kung paano ang paglutas sa
mga paglabag sa karapatang pantao.

Gawain 1. Picture Analysis

Batay sa mga larawan sa kaliwa, paano mo mapapangalagaan ang


kanilang mga karapatan?
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
________________________

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
________________________

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
________________________
Pinagkunan: Public Education on the Rule of Law First Year to Fourth Year Exemplars Published by Libertas in partnership
with the Department of Education with support from the Supreme Court and the United Nations Development Programme

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
120
PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa paksang aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipang ito
sa tulong ng mga teksto at mga gawaing sadyang inihanda upang maging
sanggunian mo ng impormasyon. Inaasahan na masasagot mo ang mga
paraan ng pangangalaga at paglutas sa paglabag sa karapatang pantao.
Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng babasahing nasa ibaba.

Basahin at Unawain
Maraming paraan upang mabigyan tayo ng proteksyon at hindi malabag ang ating
karapatan bilang tao. Ito ang mga hakbang:
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court
of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao

Pagdulog sa mga lokal na hukuman. Kapag nalabag ang iyong karapatan, maaring
magsimulang dumulog sa katarungang pambarangay lalo na kapag ang uri ng
paglabag ay sakop nito. Kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang
hukuman. May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang
Komisyon sa Karapatang Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong
sa pagsasampa at paglilitis ng kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ang
karaniwang dinidinig ng mga korte sa Pilipinas.

Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring magsampa ng reklamo sa


kanilang mga opisina o sa Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala ay
may malakas na ebidensya, maaari itong idulog sa Sandigang Bayan.

Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo ay tumutulong naman sa mga


manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa
paggawa.

Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney’s Office ng


Kagawaran ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga
Pilipinong mahihirap.

Pagdulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Kapag ang mga kaso


ay patungkol na sa mga alitan ng tao na galing sa iba’t ibang nasyonalidad o alitan
ng mga bansa, ito ay idinudulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan.
Nililitis nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa pagsusulong ng karapatang
pantao.

Edukasyon Para sa Karapatang Pantao. Ito ang isa sa pinakamahusay na paraan


upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba’t ibang
karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging
mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang
magmumulat ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
121
Pagsasabuhay ng Karapatang Pantao. Mahalagang hindi huminto ang pagaaral ng
karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas. Ang
pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang
hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos
upang mapigilan ang paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng iba.

Gawain 2. Magmungkahi Ka Nga


Kumpletuhin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mungkahi kung anong mga pamamaraan sa pangangalaga at paglutas sa mga
paglabag ng karapatang pantao.

MungkahingPamamaraa
MungkahingPamamaraa
nsaPaglutassamgaPagl
nsaPangangalagasaKar
abagsaKarapatangPant
apatangPantao
ao

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa mga


hakbang upang mapangalagaan at malutas ang mga paglabag sa
karapatang pantao, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng
aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng
mga ito.

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang
mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kung paano
pangangalagaan at lulutasin ang mga paglabag sa karapatang pantao.
Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa sa araling ito upang
maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
122
Gawain 3. Balita, Basa-Suri
Basahin at suriin ang balita batay sa mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Diskriminasyon sa mga katutubong guro, nabulgar

Ibinulgar ng isang mataas na opisyal ng Department of


Education (DepEd) ang nagaganap na diskriminasyon sa
pagtanggap ng mga bagong guro sa mga katutubo dahil sa sistema
na pagkunsidera sa pinagtapusang paaralan ng mga ito.
Sinabi ni Education officer-in-charge Dr. Fe Hidalgo na
"discriminatory" ang ipinapatupad na panuntunan ng ahensya sa
pagtanggap ng mga bagong guro kung saan hindi natatanggap ang
mga aplikanteng buhat sa mga katutubong grupo.
Kabilang sa guidelines ang grado nito sa kolehiyo, antas ng
nakuha sa Licensure Examination for Teachers (LET) at uri ng
paaralang pinagtapusan ng aplikante.
Base dito, karamihan sa mga aplikanteng bigo maging guro
ay mga katutubo dahil sa mga pinasukang hindi kilalang kolehiyo
dahil sa pagiging liblib ng kanilang lugar. Nagiging "underdog"
umano ang mga katutubong nais maging guro dahil sa kanilang
paaralan.
Ipinanukala ni Hidalgo na hatiin sa tatlong kategorya ang
mga aplikante-Muslim, katutubo at mayorya. Sa ganitong paraan
umano, hindi maikukumpara ang mga katutubo sa ibang aplikante
buhat sa mga lungsod sa pagkakaroon ng sarili nilang kategorya.
Ipinagmalaki naman ni Hidalgo na naibaba na ng DepEd ang
kanilang kakulangan sa silid-aralan sa 8,684 buhat sa dating
17,873 nitong 2004; 2.4 milyon na upuan na lang ang kulang buhat
sa dating 3.9 milyon; at 26.85 milyong libro na lamang ang kulang
buhat sa 34.7 milyon.
Umaasa naman si Hidalgo na maibababa nila sa 20,874 ang
kakulangan ng ahensya sa guro ngayong taon sa pagtanggap ng
10,000 bagong guro base sa inilaang P1.2 bilyong pondo.

Pinagkunan: http://www.philstar.com/bansa/306336/diskriminasyon-sa-mga-katutubong-guro-nabulgar (Danilo


Garcia)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing isyu ang tinutukoy sa balita?
2. Ano ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng
diskriminasyon?
3. Paano binigyan ng kalutasan ang nasabing isyu?
4. Para sa iyo, ano ang maibibigay mong mungkahi para malutas
ang isyu?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
123
ISABUHAY
Matagumpay mong natapos at naisakatuparan ang lahat ng gawain
para sa karapatang pantao. Sa bahaging ito ng aralin ay ilalapat mo ang
iyong natutuhan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang
kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng pagkakapantay-
pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daigdig?
Upang mabigyan mo ito ng kasagutan, gagawin moa ng isang gawain
upang maisakatuparan ang pinakamahalagang layunin ng araling ito.

Gawain 4. Panata Ko sa Karapatang Pantao


Gumawa ng isang panata na naglalaman ng iyong commitment o pangako
kung paano binibigyang-halaga ang karapatang pantao sa pagsusulong ng
pagkakapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at
daigdig.

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain!

Transisyon sa Susunod na Aralin


Ang mga karapatang pantao ay para sa lahat. Ito ay sumasagi sa
pang-araw-araw na buhay. Kaya marapat lamang na ang bawat isa ay
tumatalima sa paggalang ng karapatang pantao. Bilang isang mamamayan
ay kinakailangang tumutugon tayo sa responsibilidad tungo sa
pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang
pantao.
Kaugnay nito, mas mauunawaan natin ang mga isyu na may
kaugnayan sa kasarian kung alam natin ang mga karapatang pantao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
124
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
125
Modyul
12 Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian at
Sekswalidad (Gender & Sexuality)

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang mga konsepto ng karapatang
pantao, ikaw ay magsisimula na suriin ang mga isyu na may kaugnayan sa
kasarian at sekswalidad. Sa araling ito ay bubuo ka ng kaisipan upang
makabuo o makasuri ka ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang
sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.
Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng iyong mga nalalaman at
maunawaan ang kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
perspektibo na may kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender.
Simulan natin an gating pagtuklas sa pamamagitan ng sumusunod
na gawain.

Gawain 1. Ikaw na ang Magsabi


Kumpletuhin ang cloud call out sa pamamagitan ng pagsusulat ng iyong
reaksyon tungkol sa sekswal na pag-aangkop.

Ang tingin/reaksyon ko sa mga


lalaki ay
______________________________________
babae ay _________________________________
bisexual ay ________________________________
gayay __________________________________
lesbian ay _______________________________
transgender ay ____________________________
transsexual ay _____________________________

---

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
126
Matapos mong maibigay ang iyong paunang reaksyon tungkol sa
sekswal na pag-aangkop, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng
aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng kasarian at
sekswalidad.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay uunawain natin ang konsepto tungkol sa
kasarian at sekswalidad, mga dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon
sa kasarian, mga bahaging ginagampanan ng kasarian sa iba’t ibang
larangan at institusyong panlipunan, at ang iba’t ibang katayuan ng
kababaihan, lesbians, gays at transgenders sa ating lipunan. Inaaasahang
magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang
mga isyu na nabanggit at kung paano maisusulong ang paggalang sa
karapatan ng mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.

Basahin at Unawain

Ang Sekswalidad ng Tao


Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o
lalaki. Hindi ka magiging ganap na tao maliban sa iyong ganap na pagiging babae o
lalaki. Maaari ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at
bukod-tangi kang tao. Halimbawa, may kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki
sa papel na ginagampanan mo sa pamilya at sa lipunan. Sa pamilya, babae lang ang
maaaring maging ina, ate, lola, o tiya; at lalaki lang ang puwedeng maging ama, kuya,
lolo o tiyo. May mga gampanin din na kakaiba sa lalaki o babae ayon sa dikta o
pamantayan ng lipunan o kulturang kinamulatan.

Ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa iyo nang ikaw ay ipanganak – o


noong una kang makita sa ultrasound imaging ng iyong magulang - ay ang iyong
pagiging lalaki o babae. Ito ang unang itinatanong sa doktor ng mga magulang mo at
itinatanong naman sa magulang mo ng ibang tao tungkol sa iyo. Ngunit ang
pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay hindi nakikita lamang sa pisikal o
bayolohikal na kakanyahan niya. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang
mismong katauhan niya. Gayunpaman kailangang tanggapin at igalang natin ang ating
katawan, dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng ating pagkatao.

Bagama’t tiyak na natutukoy sa kapanganakan pa lang ang pagiging lalaki o


babae ng isang tao, ito’y malaya ring tinatanggap at ginagampanan ng tao ayon sa
tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao. Ang seksuwalidad kung gayon
ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong
maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki at
pagpapakababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na gagampanan
mo sa iyong buong buhay.

Ang pagkababae o pagkalalaki na malayang pinili ay hindi mo taglay lang o


katangian, kundi ikaw mismo at kung ano pa ang magiging kaganapan mo bilang tao:

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
127
may pamilya, dalaga o binata, namamasukan o nagnenegosyo, namumuno o
tagasunod, relihiyoso, at iba pa - depende sa iyong potensiyal.

Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng seksuwalidad


at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki. Kung hindi mapag-
iisa ang seksuwalidad at pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata, magkakaroon
ng kakulangan sa kaniyang pagkatao pagsapit ng sapat na gulang (adulthood). Sa
isang taong nasa sapat nang gulang, ang kakulangan na ito ay maaaring magkaroon
ng manipestasyon bilang kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga karamdamang
sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning seksuwal. Sa ngayon nasa
proseso ka ng pag-iisa o pagbubuong ito. Kailangan mo ang masusing pagkilala sa
iyong sariling pagkatao, maingat na pagpapasiya at angkop na pagpili upang
makatugon sa hamong ito.

Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao
bilang tao. May dalawang daan patungo dito – ang pag- aasawa at ang buhay na
walang asawa (celibacy).

“Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang
kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa mundo – ang likas na
nagpapadakila sa tao.” (Banal na Papa Juan Paulo II)

Ayon sa Banal na si Papa Juan Paulo II sa kaniyang akdang “Love and


Responsibility,” upang gawing higit na katangi-tangi ang pagmamahal, at upang ito ay
maging buo at ganap kailangang ito ay magkaroon ng integrasyon. Ibig sabihin,
kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal ayon sa
kung alin ang dapat mangibabaw o mauna. Ilan sa mga elementong ito ang kailangan
nating linawin. Kabilang sa mahahalagang elementong tinutukoy dito ay: ang sex drive
o seksuwal na pagnanasa, ang kilos-loob (will), mga pandama at emosyon,
pakikipagkaibigan at kalinisang puri.

May kamalayan at kalayaan ang seksuwalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili,


may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
Pinagkunan: http://www.slideshare.net/jaredram55/ang-sekswalidad-ng-tao

Sekswal na Pag-aangkop

Ang “sekswal na pag-aangkop” ay isang personal na katangian na bumubuo ng bahagi


ng kung sino ka. Sakop nito ang malawak na sekswalidad ng tao, kasama ang lesbian
at bakla, bisexual at heterosexual.

Kasarian Pagkakilanlan

Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng isang tao tungkol sa sarili,


at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae. Ang kasarian pagkakilanlan ng isang
tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon, na siya rin ay protektado sa
ilalim ng Alintuntunin. Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba
mula sa kanilang kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang
dito ang:

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
128
Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa isang
kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na transsexual, at mga
tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili nasa isang “kasarian isprekto” o nakatira
sa labas ng mga kategoriya ng “lalaki” o “babae.”

Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y ipinanganak,
pero na kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba. Maaaring anaghahanap sila o
nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga medikal na pagpapagamot upang iakma
ang kanilang mga katawan sa nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad
ng hormone therapy, sex-reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan.

Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”, batay sa
kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng pagkababae o
pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang salitang “bakla.”
Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiya kagalingan -- ay
nagbibihis sa mga kasuotankaraniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian,

Trans: Isang pangkalahatang salita na ginagamit upang ilarawan ang mga indibidwal
na, sa iba’t-ibang grado, hindi tumutugma sa karaniwang inalalarawan ng lipunan
bilang isang lalaki o babae.
Pinagkunan:http://www.ohrc.on.ca/tl/sekswal-na-pag-aangkop-mga-karapatang-pantao retrieved on Oct. 20, 2016

Transgender: ginagamit madalas bilang isang pangkalahatang kataga na kasama


ang mga sumusunod: mga kasariang nagpapakilala, pag-uugali, o pagpapahayag na
naiiba mula sa kanilang itinilagang kasarian; na mga pagbabago sa ilang mga panahon
sa kanilang buhay; mga tao na nakikilala bilang isang kasarian sa labas ng babae;
mga taong walang kasarian o maramihang kasarian; mga taong gumaganap ng
kasarian (halimbawa, isang drag); at iba pa.
Pinagkunan: Trans 101 (519 Community Centre at ACAS) www.hbigda.org. retrieved at
http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=54:trans-101-pilipino&catid=47:tagalog Oct. 20, 2016

Bisekswalidad(bisexuality):isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong


pangkasarian na kinasasangkutan ngpangkatawan o maromantikong pagkabighani
ng tao sa kapwa mga lalaki at pati sa mgababae.
Pinagkunan: GLAAD Media Reference Guide. Retrieved at https://tl.wikipedia.org/wiki/Biseksuwalidad on October 20, 2016

Lesbian: isang babaeng homoseksuwal; nangangahulugan ito na ang isang babae ay


seksuwal na naaakit sa kakapwa mga babae, at hindi sa kalalakihan.
Pinagkunan: Lesbian", Oxford English DictionaryRetrieved at https://tl.wikipedia.org/wiki/Lesbiyana on October 20, 2016

Gay:isang lalaking homoseksuwal; nangangahulugan ito na ang isang lalaki ay


seksuwal na naaakit sa kakapwa mga lalaki, at hindi sa kababaihan.

Heterosexual:isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong


pangkasarian na kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani
ng tao sa kabaligtarang kasarian; halimbawa: lalaki sa babae at babae sa lalaki.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
129
Gawain 3. Kilalanin Mo
Tukuyin ang kasariang pagkakakilanlan sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon Kasariang Pagkakakilanlan


1. Si Carlo ay may gusto kay Allan.
2. Magpapakasal na sa Enero sina
Carmen at Ricardo.
3. Inaming may relasyon sina Aiza
Seguerra at Liza Diño.
4. Si Mario ay sumailalim ng sex
reassignment surgery.
5. Si Gerry ay isang lalaki ngunit ang
pag-uugali at kilos ay hango sa
katangian ng babae.

Basahin at Unawain

Diskriminasyon at Panliligalig

Ang diskriminasyon(discrimination) dahil sa kasarian pagkakilanlan ay


anumang kilos batay sa kasarian ng isang tao, may intensyon man o wala, na
nagpapahirap sa isang tao o grupo at hindi sa mga iba, o na hindi nagbibigay o
naglilimit ng pagkuha sa mga benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng
lipunan. Ito’y maaaring madaling makita o pasimple lamang. Ang diskriminasyon ay
maaari rin mangyari sa mas malaking sistematikong antas, tulad ng kung ang isang
patakaran o polisiya ay mukhang walang kinikilingan, pero hindi dinisenyo sa isang
inklusibong paraan. Maaari itong makapinsala sa mga karapatan ng mga tao dahil sa
kanilang kasarian pagkakilanlan.

Ang panliligalig(harassment) ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito


ang mga puna, mga biro, pambabastos, o kilos o pagpapakita ng mga retrato na nag-
iinsulto o nagpapababâ sa iyo dahil sa iyong kasarian pagkakilanlan.

Walang taong dapat tratuhin nang naiiba habang nasa trabaho, sa


eskwelahan, sumusubok na umupa ng isang apartment, habang kumakain sa isang
restawran, o sa anuman ibang panahon dahil sa kanyang kasarian pagkakilanlan.

Halimbawa: Sumagot ang isang transsexual sa isang paanunsyo para sa


isang apartment. Sinabi ng patnugot na walang mga yunit na makukuha kahit
na mayroon.

Halimbawa: Sinabi ng isang empleyado sa kanyang tagapamahala na siya'y


nagko-kross-dress. Sinabi ng kanyang tagapamahala na hindi na siya
magiging bagay para ma-iasenso o para ipagsasanay sa trabaho dahil hindi
magiging komportable sa kanya ang mga mamimili at mga kasamahan sa
trabaho.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
130
Ang mga organisasyon ay hindi maaaring magdiskrimina, dapat tumugon sa
mga reklamo ng panliligalig, at dapat magbigay ng isang hindi nagdidiskriminang
kapaligiran para sa mga trans. Ito’y umaaplay rin sa "mga pangatlong partido” tulad ng
mga taong gumagawa ng kinontratang trabaho o regular na nakikipag-ugnayan sa
organisasyon. Ang mga indibidwal ay dapat kilalanin bilang kasarian na ginagamit nila,
at mabigyan ng paggamit sa mga banyo at lugar kung saan magpapalit ng kasuotan,
maliban kung tiyak nilang hiniling ang ibang pagbigay-tulong (dahil sa kaligtasan o
pagka-pribado).
Pinagkunan: http://www.ohrc.on.ca/tl/pagkakakilanlan-ng-kasarian . Retrieved on October 20, 2016.

Gawain 4. Diskriminasyon o Panliligalig


Lagyan ng tsek ang bawat aytem o sitwasyon kung ito ba ay diskriminasyon o
panliligalig.

Sitwasyon Diskriminasyon Panliligalig


Ang isang empleyado ay hindi iinasenso,
binigyan ng pagsasanay, o nasisante dahil
sa kanyang sekswal na pag-aangkop o
parehong-kasarian na relasyon.
Sinabi ng isang may-ari ng lupa sa isang
lesbian na nangungupahan na “manirahan
ka kasama sa mga taong katulad mo dahil
hindi ka bagay dito.”
Pagpapakita ng mga bastos na palatandaan,
karikatura, kartun, o bandalismo.
Sinasakop ng plano sa pagseseguro ng
kalusugan ng isang kompanya ang mga
pangangailangan ng isang kasarian-na-
kabaliktaran na kasama pero hindi ng isang
parehong-kasarian na kasama.
Sa isang lugar ng trabaho kung saan may
kasaysayan ng mga homophobic na mga
pag-uugali, ang dalawang baklang
empleyado lamang ay paulit-ulit na
pinatatamaan sa lakin at mgapraktikal na
biro. Dati, umalis sa trabaho ang ibang mga
baklang empleyado dahil sa katulad na
pagtrato. Batay sa mga pangyayari,
maaaring sabihin ng mga natitirang
empleyado na sila’y ginugulo dahil sa
kanilang sekswal na pag-aangkop, kahit na
wala namang tuwirang nagbanggit na sila’y
bakla.
Ayaw maglingkod ng isang restawran ang
isang parehong-kasarian na magkasama
dahil iniisip ng tagapamahala na ang ibang
mga mamimili ay hindi gusto ang mga ito
doon.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
131
Gawain 5. Concept Map
Tukuyin ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’t ibang
larangan at institusyong panlipunan. Isulat ang sagot sa loob ng concept man.

TRABAHO

RELIHIYON EDUKASYON

BAHAGING
GINAGAMPANAN NG
KASARIAN (GENDER
ROLES) SA IBA’T
IBANG LARANGAN AT
INSTITUSYONG
PANLIPUNAN

PAMAHALAAN PAMILYA

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ay uunawain mo ang katayuan ng
Kababaihan, Lesbians, Gays, Bisexuals at Transgender sa iba’t
ibang panig ng daigdig.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
132
Gawain 6. Larawan-Datos-Suri
Suriin ang infographic ukol sa LGBT sa buong daigdig. Ilahad ang iyong
saloobin tungkol sa kanilang katayuan sa kasalukuyan.

Pinagkunan: http://infographicworld.com/lgbt-rights-around-world/

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapabatid ng infographic?
2. Naniniwala ka ba na darating ang panahon ay matatanggap ng buong
mundo ang LGBT? Bakit?
3. Bilang isang tao, ano ang iyong tugon sa kasalukuyang katayuan ng mga
LGBT?

Magaling! Natapos mo nang sagutin at gawin ang mga gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
133
Transisyon sa Susunod na Aralin

Sa araling ito ay natutuhan mo ang mga isyu na may kaugnayan


sa kasarian at sekswalidad (gender & sexuality). Ang bawat
mamamayan ay may tungkulin na unawain ang saloobin ng mga tao
ano man ang kasarian at sekswalidad upang makamit natin ang
pagkakapantay-pantay.

Sa susunod na aralin naman ay bibigyang-diin naman ang mga


probisyon ng Reproductive Health Law. Kaya, handa ka na ba?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
134
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
135
Modyul
13 Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian:
Reproductive Health Law

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang tungkol sa kasarian at
sekswalidad, sa bahaging ito ay pag-aaralan mo naman ang tungkol sa
mahahalagang probisyon ng Reproductive Health Law.

Gawain 1. Saloobin, Ipahayag Mo


Tingnan ang poster sa ibaba. Ano ang iyong saloobin ng nasa larawan?

Pinagkunan:A pro-reproductive health ad by Jovert Bantilan Retrieved at


http://creativitywindow.com/2011/10/10-creative-rh-bill-ads on October 20, 2016.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
136
PAUNLARIN
Matapos mong mailahad ang saloobin tungkol sa poster, ngayon
naman ay mas malalim mong uunawain ang mahalagang nilalaman ng
Reproductive Health Law. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto tungkol sa paksang ito.

Halina at ipagpatuloy natin ang pagsagot sa mga gawain.

Basahin at Unawain

Benepisyong Pangkalusugan ng Reproductive Health Law


Matapos ang labinlimang taon ng pakikibaka, sa wakas ay naisabatas na ang
kontrobersyal na Reproductive Health Bill (RH Bill). Matatandaan na ilang beses itong
isinulong sa kongreso mula pa noong taong 1997 ngunit paulit-ulit ding nababasura
dahil sa pagkontra ng ilang mga sektor. Pero nito lamang taong 2012, tuluyan na itong
naisabatas sa bisa ng lagda ni Pangulong Aquino. Ang bagong batas ay pinagtibay pa
ng Korte Suprema noong Abril 2014 nang ideklara itong naaayon sa konstitusyon. Sa
ngayon ay naghihintay na lamang ng sertipikasyon mula sa Food and Drugs Authority
(FDA) na ang mga gagamitin at bibilhing contraceptives para sa mga programa ng
batas na ito ay ligtas at hindi makapagpapalaglag ng bata sa sinapupunan.

Ang RH Law
Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic
Act No. 10354), na mas kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat
ang kaalaman tungkol sa Reproductive Health, tulungang maipaabot nang mas madali
ang mga ligtas at modernong pamamaraan ngcontraception, tulungan ang mga
pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa
kalusugan ng mga ina.

Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan at mga kabataan ang
higit na makikinabang sa mga benepisyo ng RH Law, lalo na ang mga kabilang sa
sektor ng mahihirap. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, 21%
lamang ng mga kababaihan ang may sapat na kaalaman o malayang nakakagamit ng
mga modernong pamamaraan ng kontrasepsyon. Mataas din ang bilang ng mga
kababaihang nanganib ang buhay o kaya ay namamatay dahil sa kakulangan ng sapat
na kalinangan ukol sa reproductive health. Ngunit dahil sa mga probisyon ng bagong
batas, inaasahang mas tataas pa ang bilang ng mga kababaihang makakagamit ng
modern birth control methods, at mapapababa ang bilang ng pagkamatay sa mga
kababaihan.

Malaki ang magiging papel ng batas na ito sa reproductive health ng mga ina,
kabataan at sa pagbuo ng mga pamilya. Narito ang ilan sa mga benepisyong hatid ng
Reproductive Health Law sa bawat pamilyang Pilipino.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
137
1. Mas madaling pagpapaabot ng moderno at ligtas na kontrasepsyon sa lahat,
lalo na sa mahihirap.
Sa pamamagitan ng batas na RH Law, mas madaling maaabot ng mga
pamilyang Pilipino ang mga pamamaraang makatutulong sa pagkontrol ng
panganganak. Ang mga gamot na iniinom (birth control pills), konsultasyon ukol sa
reproductive health, at ilan pang komplikadong pamamaraan gaya ng pagkakabit ng
IUD ay dadalhin sa mga barangay health center upang mas mapalapit sa mga pamilya.
Ang mga serbisyong ito ay tinitiyak na makukuha sa mas murang halaga at abot-kaya
ng lahat kahit pa ang mga pamilyang hirap sa buhay.

2. Pababain ang bilang ng mga kaso ng aborsyon.


Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa reproductive health, marami ang
nakakaranas ng hindi inaasahang pagbubuntis. At dahil dito, marami ang
humahantong sa desiyon ng aborsyon o pagpapalaglag ng bata. Layunin ng RH Law
na pababain ang mga kaso ng hindi inaasahang pagbubuntis, gayundin ang mga kaso
ng aborsyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman at mas
madaling pagpapaabot ng ligtas at modernong kontrasepsyon.

3. Pagpapaigting ng suporta sa mga kumadrona, nars at doktor na


mangangalaga sa kalusugan pamilya.
Dadagdagan ang suporta sa mga taong kumakalinga sa reproductive health
ng bawat pamilya. Dadalhin din ang kanilang mga serbisyo sa mga barangay health
center upang mas mapalapit sa mga pamayanan at siyempre pa, ay abot-kaya ng mga
mahihirap na pamilya.

4. Pangangalaga sa kalusugan at buhay ng mga ina.


Higit ding binibigyang importansya ang kalusugan ng mga ina sa batas na ito.
Layunin ng batas na mapababa ang mga kaso ng komplikasyon ng pagbubuntis at
kamatayan na dahil sa pagbubuntis o panganganak na maaari naman sanang
maagapan. Matutulungan at mabibigyan ng tamang kalinga ang mga ina mula sa
kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak.

5. Pagligtas sa buhay ng mga sanggol.


Hatid din ng batas ang kaligtasan at pagkalinga sa kalusugan ng mga sanggol.
Tumataas ang bilang ng pagkamatay ng mga sanggol (mortality rate) dahil sa maling
pagpaplano ng mga mga magulang sa pagbuo ng mga anak. Tutulungan ng batas na
ito na magabayan ang mga mag-asawa sa tamang pagpaplano ng pag-aanak nang
sa gayon ay mabigyan sila ng mas maayos na kinabukasan.

6. Kabawasan sa mga kaso ng mga STD.


Tutulungan din ng batas na ito na mapababa ang mga bilis ng pagkalat ng mga
sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ang mga sakit gaya ng HIV/AIDS, genital warts,
tulo, at iba pa, na mataas sa mga mahihirap at mga kabataan, ay maaaring maiwasan
kung mabibigyang linaw ang kaalaman tungkol sa ligtas na pakikipagtalik na mas
madali naman maipapahatid ng batas na RH Law.

7. Paggabay sa mga nagnanais ng mas maliit na pamilya.


Ayon sa mga pag-aaral, mas marami na ngayon ang nagnanais ng mas maliit
na pamilya (2 hanggang 3 anak lamang) ngunti marami ang hirap na makamit ang
pagnanais na ito dahil pa rin sa kakulangan ng sapat na suporta sa reproductive health
ng mga pamilya. Ang problemang ito ay higit na mataas sa mga pamilyang kabilang
sa sektor ng mahihirap na lalo pang naghihirap. Upang maiwasan ang ganitong mga

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
138
kaso, binibigyan ng RH Law ng sapat na gabay ang mga nagnanais ng mas maliit na
pamilya.

8. Tiyak at mas malawak na kaalaman tungkol sa Sex Education para sa mga


kabataan.
Maraming kabataan ang maaagang nakabubuo ng pamilya o nagkakaanak ng
wala pa sa hustong edad dahil pa rin sa kakulangan ng tamang kalinangan sa
reproductive health. At bunga nito, marami ang nasisirang plano, pangarap,
kinabukasan, at karera sa buhay. Marami rin ang kaso ng mga kababaihang
nanganganib ang buhay dahil sa maagang pagbubuntis. Ang mga kasong ito ay tiyak
na mapapababa kung mabibigyan lamang ng tama at sapat na kaalaman ang mga
kabataan ukol sa sex education. Ito rin naman ginagarantiya ng batas na RH Law.
Pinagkunan:http://kalusugan.ph/benepisyong-pangkalusugan-ng-reproductive-health-law/ Retrieved on October 20, 2016

Gawain 2. gRapHic organizer


Gamit ang kaalaman sa tekstong binasa, punan ang graphic organizer.

Titulo ng Republic Mga Natatanging Mga Benepisyo ng


Act No. 10354 Layunin ng Batas Batas RH
RH

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
139
PAGNILAYAN
Matapos mong matutuhan ang mga benepisyong dulot ng RH Law,
sa bahaging ito ay pagtitibayin mo ang iyong kaalaman at saloobin tungkol
sa batas na ito. Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa upang mas
maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 3. Sang-Ayon Ka Ba?


Basahin at unawain ang editoryal tungkol sa kabutihan ng RH bill. Sagutin ang
pamprosesong tanong sa ibaba.

Kabutihan ng RH bill
PASADO na ang Reproductive Health (RH) bill. Wala nang
makapipigil sa mag-asawa sa nais gawin para mapabuti ang kanilang
pamilya. Matuturuan na rin sila sa mga gagawin sakalit magkakaroon
na ng bunga ang kanilang pagmamahalan. At ang pinaka-mahalaga,
mabibigyan ng tamang atensiyon ang mga kababaihan sa panahon ng
kanilang pagbubuntis at maiiwasan ang trahedya sa panganganak.

Kapag naipatupad ang nakasaad sa RH bill, makokontrol na


ang paglobo ng populasyon. Sa kasalukuyan nasa mahigit 93 million
na ang mga Pinoy at patuloy pang lumolobo. Ang patuloy na paglobo
ay nangangahulugan nang karagdagang pagkain. At kung hindi
mapipigil ang pagdami, maraming magugutom. Patuloy din ang
kakapusan sa tirahan at malaking sagabal sa paglikha ng mga trabaho.
Sa kasalukuyan, marami ang walang trabaho at kailangan pang
mangibang bansa para lamang kumita.

Hindi napanatili ng Pilipinas ang pagmi-maintain sa tamang


dami ng populasyon. Noong dekada 60, halos nagkakapareho ang
populasyon ng Pilipinas at Thailand. Pero nang sumapit ang dekada
80, nagsimula nang dumami ang mga Pinoy samantalang ang Thailand
ay napanatili ang tamang populasyon. Ipinakita na mahusay sila sa
population management.

Nawala ang Pilipinas sa tinatahak na landas sa katamtamang


dami. Nasira ang mga plano. Nagkaloko-loko ang mga pondo para sa
health centers na nagbibigay ng payo sa mga bagong kasal. Nawala
ang mga pagtuturo kung paano ang tamang pagpaplano at dami ng
mga anak.

Ngayong pasado na ang RH, wala nang pangingilagan, wala


nang magiging sagabal sa anumang inaakalang balak para sa ikabubuti
ng pamilya. Kapag nalagdaan na ang batas, inaasahan ang pag-usad
nito para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Pinagkunan:http://www.philstar.com/punto-mo/2012/12/23/889218/editoryal-kabutihan-ng-rh-bill. Retrieved on Oct. 20, 2016

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
140
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais ipahayag ng editoryal?
2. Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto?
Bakit?
3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong suhestiyon para mas mapabuti ang
batas na ito?

Gawain 4. Ikaw Naman

Ipahayag ang iyong saloobin sa Reproductive Health Law kung ikaw ay sang-
ayon o di-sang-ayon sa naipasang batas. Magbigay ng mga dahilan sa iyong naging
tugon ukol dito.

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain. Maaari ka ng tumungo sa sunod na aralin.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
141
Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang kahulugan at kahalagahan ng


Reproductive Health Law. Responsibilidad natin na siguruhin na
sapat ang impormasyon upang makapagdesisyon tayo ng tama
at nararapat para sa ating sarili at sa pamilya.

Sa susunod na aralin, bibigyang-diin ang isa pang isyu na


may kaugnayan sa kasarian, ang same sex marriage.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
142
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
143
Modyul
14 Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian:
Same-Sex Marriage

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang mga mahahalagang probisyon sa
Reproductive Health Law, sa bahaging ito ay tutuklasin mo ang iyong
kaalaman sa mga isyu sa kasarian na ang binibigyang-pansin ang same-
sex marriage. Halina at simulan natin ang Alamin.

Gawain 1. Larawan Suriin!


Suriin at pag-aralan ang larawan sa ibaba. Tukuyin kung ano ang ibig sabihin
ng mga ito. Kumpletuhin ang mga letra sa kahon.

http://www.gayashevillenc.com/gay-marriage.html http://www.latimes.com/nation/la-na-supreme-court-gay-
marriage-decision-20150626-story.html

A E - S M R A G

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng iyong sagot sa kahon?
2. Ano ang iyong saloobin sa isyu o sitwasyong ito?

PAUNLARIN
Matapos mong maipahayag ang iyong saloobin tungkol sa isyu, sa
bahaging ito ay lilinangin ang iyong kaalaman upang lubos mong
maunawaan kung bakit ito nangyayari at napahintulutan sa ating lipunan.
Inaaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto.

Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
144
Basahin at Unawain

Same Sex Marriage


Isa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang same sex
marriage. Parami na nang parami ang mga gustong magpakasal kahit parehas ang
kanilang kasarian. Ang isyu na ito ay patuloy na pinagdedebatehan hanggang ngayon
dahil marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito at hindi pa rin tumatanggap sa mga
taong LGBT.

Hindi natin masasabi na ang same sex marriage ay hindi katanggap-tanggap


kung wala naman nasasaktan na iba ang mga taong may kaparehong kasarian na
gustong magpakasal. Ngunit, marami pa rin ang sumasalungat sa isyung ito, marahil
dahil sa impluwensya ng relihiyon at/o mga paniniwala sa kultura ukol sa kadalisayan
ng pagpapalagayang-loob (intimacy). Dahil isang Katolikong bansa ang Pilipinas,
marami ang nagsasabi na hindi banal at maka-Diyos ang pagpapakasal ng dalawang
taong magkapareho ng kasarian sapagkat ang pagpapakasal ay isang sagradong
pangyayari sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.

Marami na ring naglalabasang mga siyentipikong paliwanag kung bakit hindi


nararapat na ipatupad ang same sex marriage. Isa na rito ang problema sa kanilang
magiging mga anak. Dahil pareho sila ng kasarian, hindi sila makakagawa ng anak
kaya marahil na sila ay mag-aampon o di kaya gagamit ngin-vitro
fertilization o surrogate mothers. Natural lang sa isang anak na hanapin ang kanyang
ama at ina ngunit ano kaya ang iisipin niya kung nakita niyang dalawa ang ama niya o
di naman kaya dalawa ang kanyang ina? Maaring siya ay malito, lalo na kung makita
niya ang ibang mga pamilya na binubuo ng ama, ina, at mga anak. Magkakaroon siya
ng maraming katanungan at ang kanyang isipan ay maguguluhan. Kung dalawang
lalaki ang mayroong anak, hahanap-hanapin ng anak ang kanyang ina. Magkakaroon
ito ng malaking epekto sa pagpapalaki ng mga anak sapagkat iba ang pag-aaruga ng
isang babae sa lalaki. Ang ina ang nagbibigay ng seguridad sa emosyonal na aspeto
ng kanyang anak. Ano na lang kaya ang mangyayari sa isang bata kung wala siyang
ina? Kung pareho namang babae ang magulang ng isang anak, sigurado ring
maghahanap ang bata ng isang ama. Ang mga ama ang nagbibigay ng proteksyon at
seguridad sa kanilang mga anak at kung walang kinikilalang ama ang isang anak,
paano lalaki ang bata nang maayos? Ayon sa isang pag-aaral, maraming mga
kababaihan na walang kinikilalang mga ama ang nabubuntis sa napakabatang edad.
Napatunayan din na may mga pagkukulang sa pagpapalaki ng bata ang mga mag-
asawang pareho ang kasarian. Mayroon ding mga pag-aaral kung saan nalaman na
maaring magkaroon ng problema sa sekswal na persepsyon ang mga anak na pinalaki
ng mga mag-asawang pareho ang kasarian. Ayon sa pag-aaral na ito, ang mga anak
na lalaking pinalaki ng parehong tomboy ay hindi masyadong lalaki kung kumilos at
ang mga babae namang pinalaki ng mga tomboy ay mas lalaki kung kumilos.

Ayon naman sa mga sang-ayon sa same sex marriage (partikular na ang mga
LGBTs), lahat tayo ay tao. Meron tayong iba’t-ibang karapatan. Sila na gustong
magpakasal sa kaparehas na kasarian, bakit hindi sila mabigyan ng karapatan na
gawin ang gusto nila? Tignan man natin sa iba’t-ibang anggulo, pare-parehas lang
tayo. Tao sila, kaya nilang gawin ang gusto nilang gawin at hindi sila nagpapaapekto
sa pag-tingin ng mga tao sa kanila. Hindi sila nawawalan ng pag-asa na sa bandang

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
145
huli, makukuha natin silang tanggapin. Kung titignan natin, umiibig lamang sila, gaya
natin. Gusto lamang nilang maging opisyal ang kanilang pagmamahal, kung saan kaya
nila itong ipakita at ipagmalaki sa lahat.

Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang opinyon ukol


sa isyung ito. Ang ating lipunan ay unti-unting pa lamang namumulat sa mga iba’t ibang
uri ng mga pagsasama maliban sa ating mga alam at nakagawian. Hindi natin alam
kung kailan matatanggap nang buo ng mga tao ang ganitong mga relasyon ngunit sa
nakikita nating makabagong henerasyon, maari itong maging isang pamantayang
sosyal sa ating pamumuhay.
Pinagkunan: Family Research Council. Ten Arguments from Social Science Against Same Sex Marriage. http://www.frc.org/get.cfm
?i=if04g01. Retrieved at http://allaboutnatality.blogspot.com/2015/03/same-sex-marriage.html on October 22, 2016

Batay sa Time.Com, ang Korte Suprema ng United States of America ay


nagdesisyon sa botong 5-4 noong Hunyo 26, 2015 na dapat lahat ng estado ng
America ay kumilala sa same-sex marriage na isang makasaysayang tagumpay para
sa karapatan ng mga LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender).

Maliban sa United States of America (USA) may 20 pang bansa sa mundo na


legal na pinahihintulutan ang same-sex marriage at ang taong ng pag-apruba (Ang
Mexico ay hindi kabilang dahil ang bansa ay nagpapahintulot lamang sa same-sex
marriage sa mga piling hurisdiksyon):The Netherlands (2000), Belgium (2003),
Canada (2005), Spain (2005), South Africa (2006), Norway (2009), Sweden (2009),
Argentina (2010), Iceland (2010), Portugal (2010), Denmark (2012), Brazil (2013),
England and Wales (2013), France (2013), New Zealand (2013), Uruguay (2013),
Luxembourg (2014), Scotland (2014), Finland: (signed 2015, effective 2017), at
Ireland: (2015).
Pinagkunan:http://time.com/3937766/us-supreme-court-countries-same-sex-gay-marriage-legal/

Basahin ang teksto tungkol sa epekto ng same-sex marriage sa mga bansang


pinahihintulutan ito.

Same-Sex Marriage: 6 Effects of Supreme Court's Decision

The U.S. Supreme Court heard arguments today (April 28) about the
constitutionality of same-sex marriage. Now that the two-and-a-half-hour
session has ended, the nine justices are formulating their thoughts and are
expected to release a decision in June.

The rulings on the four cases heard during today's arguments will have a
monumental impact on the laws regarding same-sex marriage in the United
States. The justices will decide whether states can ban same-sex marriage.
The court will also rule on whether states need to recognize same-sex
marriages lawfully officiated in other states or countries.

"There are literally hundreds and hundreds of rights under state and federal
law that are affected by whether you can marry or not," said Jeffrey
Trachtman, a partner at Kramer Levin Naftalis & Frankel LLP, a law firm with
offices in New York City, Silicon Valley and Paris. "Insurance, Social Security,

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
146
eligibility for certain kinds of housing — the list just goes on and on." [8
Supreme Court Rulings That Changed US Families]

Here are six ways the Supreme Court's ruling could affect the lives of same-
sex couples living in the United States.

1. Adoption
If you're not married, it's generally more complicated to adopt a
child, Trachtman told Live Science.
"Unmarried couples can sometimes adopt together," Trachtman said.
"But it's just easier [if you're married]. You're presumed to have a more stable
home."
In fact, one of the Supreme Court cases involves two women who want
to get married, in part because Michigan laws do not allow unmarried couples
to jointly adopt children, according to SCOTUSblog, a blog that follows
Supreme Court cases.
April DeBoer and Jayne Rowse, two women who have lived together for
10 years and who own a home together, have three adopted children,
according to SCOTUSblog. Because they can't get married in Michigan, and
thus cannot jointly adopt their three children, DeBoer has adopted one child
and Rowse has adopted the other two. But the women cannot share
their health insurance with their nonadopted children. And, if one woman
dies, the other would not get automatic custody of the nonadopted children,
according to SCOTUSblog.
Having marriage rights "certainly makes it easier to adopt, and easier to
be considered as a second parent for your spouse's adopted child,"
Trachtman said.

2. Sponsoring a spouse
Marriage gives U.S. citizens the right to sponsor their foreign
spouse for immigration status, including getting a green card.
Following a 2013 Supreme Court decision, the Obama administration
began allowing married same-sex couples the right to sponsor a foreign
spouse, Trachtman said. But many same-sex couples don't qualify for this
legal option because they can't get married in their home states.
"People who can already get married now have that treatment under the
federal immigration laws," Trachtman said. "But people who can't get married
still can't take advantage of that." [5 Myths About Gay People Debunked]

3. Hospitalization
Nobody likes getting sick on vacation, but it can be especially
dangerous for gay couples if they're traveling in a state that doesn't
recognize same-sex marriage.
"Let's say that somebody has to go to the hospital, and [the hospital
doesn't] treat you as a spouse for purposes of making health care decisions
or access for visits," Trachtman said.
It's now legal for same-sex couples to get married in 37 out of 50 states,
and the District of Columbia. But the remaining 13 states could be a problem
for same-sex couples, even if they are legally married in their home states,
Trachtman said.
Currently, some couples work around this by giving their partners powers
of attorney, so that the partner will be able to make decisions for them in case

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
147
there's a crisis, Trachtman said. The Supreme Court could simplify this
interstate problem by legalizing same-sex marriage or by asking all states to
recognize these unions, even if they're not legal there, he added.

4. Taxes, Social Security and insurance


Married people have a slew of benefits; they can file joint state and
federal taxes, continue to receive their deceased spouse's Social
Security payments through a program called survivor benefits, and take
part in their spouse's work-sponsored health insurance plans.
"Many private employers and businesses use martial status for a basis
for whether they get certain kinds of benefits," Trachtman said. "It could be
putting people on health insurance, or something as silly as a married
discount for a health club."

5. Inheritance and death


Federal tax laws have a big say in inheritance. For someone in a
married couple, "your spouse inherits everything without paying any
taxes," Trachtman said. "You only pay an inheritance tax when the
second spouse dies."
The tax is required if a couple is not married, he said. This issue was
argued in the 2013 Supreme Court case U.S. v. Windsor, which involved two
New York women who had married in Toronto, Canada, in 2007. After one of
them died in 2009, the other was required to pay more than $360,000 in
federal estate taxes because the Internal Revenue Service did not recognize
their marriage.
In U.S. v. Windsor, the Supreme Court struck down the Defense of
Marriage Act, which prohibited lawfully married same-sex couples from
accessing the federal benefits afforded to opposite-sex married couples and
their families. The new ruling could make same-sex unions legal across the
country so that married couples wouldn't have to worry about paying an
inheritance tax.
Also, state laws usually give spouses the automatic right to make burial
decisions — for instance, whether to bury or cremate a person's remains.
Spouses can also typically determine where to bury their husbands or wives.
"If they're not married, the family can overrule them," Trachtman said. "And
they'll have no say even if they were together for 20 years."

6. Dignity
Financial benefits and practicalities aside, marriage can also
deliver equal dignity in a community, Trachtman said.
Marriage "has a lot of power and respect in a lot of communities, and to not
be able to do that is sort of sending a signal that their relationships are second
class," Trachtman said.
Children may also be aware of that dignity (or the lack of it), especially if their
friends' parents are married, he added.
"They feel bad that their family is not considered as good as other families,"
Trachtman said.
Pinagkunan: http://www.livescience.com/50655-supreme-court-same-sex-marriage.html

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
148
Same sex 'marriage' has negative effects,
shows latest evidence

London, 2 March 2013: The experience of legalising marriage for same-sex


couples in Europe and North America shows that such legalisation has
negative effects for real marriage and for families, shows latest evidence.

The evidence was presented to the House of Commons committee


examining the Marriage (Same Sex Couples) Bill, in a written submission by
Dr Patricia Morgan, the British family policy researcher, on behalf of the
Society for the Protection of Unborn Children (SPUC).

Based on research and data from Sweden, Norway, Denmark, the


Netherlands, Spain, Canada and the US, Dr Morgan concluded that:
 As marriage is redefined to accommodate same-sex couples, this
reinforces the idea that marriage is irrelevant to parenthood
 Same-sex marriage leads to the casualisation of heterosexual unions
and separation of marriage and parenthood
 Spain saw a pronounced acceleration in the decline of marriage
following the introduction of same-sex marriage (same-sex marriage
was introduced at the same time as the ‘express divorce bill’)
 Across all countries analysed, no causal link has been established to
support the idea that same-sex marriage prevents marital decline
 In the move to same-sex marriage, opposite-sex relationships have to
conform to gay norms rather than vice-versa
 A publicly-professed, legal, partnership does not prevent homosexual
couples from breaking up more frequently than married heterosexual
couples
 Experience with same-sex partnerships/marriage legislation tends to
suggest that availability is all, and participation more or less irrelevant
to sexual minorities
 Same-sex marriage may be the end-game of long-running anti-
marriage, anti-family policy typified by Sweden
 Same-sex marriage may begin the process of severing marriage from
family in otherwise family-friendly societies such as Spain and the
Netherlands
 Same-sex marriage triggers dismemberment of family structures in
family-friendly societies.

As a pro-life organisation, SPUC campaigns against same-sex marriage


because:
 Marriage - the permanent, exclusive union of one man and one woman
- is the basis of the family, the fundamental group unit of society.
Upholding marriage is therefore in everyone’s interests.
 Marriage as an institution protects children, both born and unborn.
Statistics show that unborn children are much safer within marriage
than outside marriage.
 Same-sex marriage lacks basic elements of true marriage e.g. the
complementary sexual difference between spouses necessary for the
procreation and healthy upbringing of children.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
149
 Same-sex marriage represents an attempt to redefine marriage, thus
undermining marriage. This undermining lessens the protection for
unborn children which true marriage provides.

SPUC is working with the Coalition for Marriage (C4M) to oppose the British
government’s plans to legalise same-sex marriage. SPUC published a
position paper on same-sex marriage following a resolution by SPUC's
Council. SPUC has also made available a background paper to be read in
conjunction with the position paper and which provides some additional
references and reflections.
Pinagkunan: https://www.spuc.org.uk/news/press-releases/2013/March/Same-sex-marriage-has-negative-effects-shows-latest-
evidence

Gawain 2. Kumpletuhin ang Dayagram


Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin ang mga positibo
at negatibong epekto ng same-sex marriage.

EPEKTO NG SAME SEX MARRIAGE

POSITIBO NEGATIBO

Matapos mong malaman at maunawaan ang mga epekto ng same-


sex marriage, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin.
Ihanda moa ng iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng same-
sex marriage.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
150
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang
mga nabuo mong kaalaman ukol sa same-sex marriage. Kinakailangan ang
mas malalim na pagtalakay sa isyu upang maihanda ang iyong sarili sa
pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 3. Anong Desisyon Mo?


Basahin ang editoryal na nasa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong
tanong.

SAME-SEX MARRIAGE, NARARAPAT BA?

Nitong Sabado, nakapasa sa US Supreme Court ang batas na nagli-


legalize sa same-sex marriage sa lahat ng 50 states ng bansang Amerika.
Sinasabing isang landmark decision, kabilang na ang US ngayon sa
listahan ng 20 bansa na nag-legalize ng same-sex marriage:
Netherlands, Belgium, Spain, South Africa, Norway, Sweden, Portugal,
Iceland, Argentina, Denmark, France, Brazil, Uruguay, New Zealand,
Britain, Luxembourg, Finland, Canada at ang kamakailan lang ay Ireland.

May ilang mga bagay na magandang malinawan natin upang mahusay


nating matimbang kung ano ba ang dapat maging saloobin sa naturang
desisyon.

Una, matibay ang pagtataguyod sa Bibliya na ang kasal o pag-iisang


dibdib ay ginaganap sa pagitan ng lalaki at babae. Anumang labas sa
parameter na ito ay mahirap nang bigyan ng malinaw na batayan sa mga
pahina ng Banal na Kasulatan. Si Jesus na din mismo ang nagsabi na sa
pasimula pa’y lalaki at babae ang niloob ng Diyos upang maging mag-
asawa at maging isa (Mateo 19:4-6). Ito ang pangunahing pundasyon sa
pagtanggi ng mga Christians sa pagli-legalize ng same-sex marriage.

Pangalawa, bagamat malaya ang bawat isang Kristiyano na sundin ang


disenyo ng Diyos patungkol sa kasal, hindi necessarily saklaw ng
karapatang ito ang ipataw sa lahat ng tao ang kanilang religious
convictions. May iba naman kasing batayan ng paniniwala at pamumuhay
ang mga non-Christians, lalong-lalo na ang mga anti-Christians. At
kadalasan ay talagang hindi ito tumutugma sa sinasabi ng Bibliya kaya’t
hindi maaaring asahan ang mga tulad nila na gawin pamantayan ang
mga regulations na tanggap ng mga Christians.

Pangatlo, sa isang bansa tulad ng US na sinasabing post-Christian


society na at hindi na tanggap ang authority ng Bibliya upang magdikta
ng pwede at hindi pwede, kagulat-gulat pa ba na mag-iba na din ang
pagtingin ng mga tao sa kasal? Alalahanin natin na isang bansang may
demokrasya, basic na karapatan ang magkaroon ng isang lipunang
sinasalamin ang sentimyento ng mamamayan nito.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
151
Pang-apat, sa kabila ng naging desisyon ng US Supreme Court,
nanatiling malaya ang mga Christians sa America na panghawakan at
isapamuhay ang pinaniniwalaan nilang pamantayan ng Bibliya patungkol
sa kasal. Hindi nawala ang kalayaan ng sinuman na isagawa ang dikta
ng kanyang pananampalataya. Ang nawala, actually, ay ang kalayaan na
idikta ang isang particular na paniniwala sa lahat ng tao sa buong bansa.

Pang-lima, hangga’t ang isang bansa tulad ng US ay nirerespeto ang


kalayaan ng mga Christians na mamuhay ayon sa moral standards ng
kanilang pananampalataya, at the same time, ay kinikilala din ang
kalayaan ng mga non-Christians na mamuhay ayon sa dikta ng sarili
nilang moral standards, nanatiling isang maaayos na democratic
institution ang bansang yaon.

‘Wag natin kalimutan na minsan na din namang ‘hinayaan’ ng Diyos ang


mga tao sa kanilang masamang nais at ‘di tumpak ng asal (basahin ang
Roma 1:24-28). Sa huli, ang pagtanggap sa same-sex marriage bilang
isang legit na karapatan sa lipunan ay hindi nangangahulugan na
sinasang-ayunan na ito ng Bibliya. Tandaan natin, “what is legal is not
always biblical and what is biblical need not always be acknowledged as
legal.”
Pinagkunan:http://www.journal.com.ph/editorial/pananaw-pinoy/same-sex-marriage-nararapat-ba

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe ng may-akda ng editoryal?
2. Sang-ayon ka ba sa isinasaad ng editoryal? Bakit?

Gawain 4. Sa Aking Pananaw


Sa iyong pananaw, nararapat na bang pahintulutan sa Pilipinas ang same sex
marriage? Ipaliwanag.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain!

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
152
Transisyon sa Susunod na Aralin
Ang same-sex marriage ay malaking hamon sa lipunan natin.
Nalaman mo ang iba’t ibang epekto ng isyung ito at naipahayag mo ang
iyong pananaw o saloobin ukol dito.

Kaugnay nito, may iba pang isyu na may kaugnayan sa kasarian


ang kinakailangang bigyang-pansin ng ating lipunan, ang mga ito ay ang
prostitusyon at pang-aabuso. Unawain natin ito sa sunod na aralin.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
153
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
154
Modyul
15 Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian:
Prostitusyon at Pang-aabuso

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa prostitusyon at pang-aabuso na mga mahalagang isyu sa
kasalukuyan.

Gawain 1. Ano Kaya ang Dahilan?


Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay, ano kaya ang dahilan
kung bakit nangyayari ang mga sitwasyong ito?

A.

Pinagkunan: www.prostitutionrecovery.org
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
B.

Pinagkunan: http://www.express.co.uk/life-style/life/454272/How-to-escape-domestic-
abuse-A-survivor-tells-her-story
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
155
Matapos mong maibigay ang iyong kaalaman kung ano ang
dahilan ng mga nasa larawan, ihanda ang iyong sarili sa susunod na
bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang
mga dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso.

PAUNLARIN
Ngayon ay lilinangin ang mga kaalaman sa tulong ng mga
teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Halina’t umpisahan mo na.

Basahin at Unawain

Teksto 1
Prostitusyon

Ang pagtatrabaho sa prostitusyon ay pagbebenta ng pakikipagtalik kapalit ng pera o


iba pang pabor. Akala ng karamihan, lahat ng mga babaeng nasa prostitusyon ay may
katiting na damit, nakikipaglandian sa mga lalaki, at nagtatrabaho sa mga bahay-
aliwan o sa kalsada. Pero magkakaiba ang katangian ng mga babaeng nagbebenta
ng seks. Maaaring batang babae siya, o matandang babae na may 6 na anak sa
bahay. Maaaring nagtatrabaho siya sa bahay-aliwan, sa bar o club, sa kalye na may
bugaw, o sa sariling bahay. Magkatulad ang karamihan sa pagbebenta ng seks dahil
sa desperadong pangangailangan sa pera.
Pinagkunan:hesperian.org/wp-content/uploads/.../fil_wwhnd_2010_20.pdf

Teksto 2
'Prostitusyon, laganap na sa Pilipinas!'

PATULOY sa pagtaas ang kaso ng prostitusyon sa ating bansa.

Karamihan sa mga biktima ay mga menor de edad na pinapasok sa mga bar o kaya
naman sa mga prostitution den. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng mga
napapasok sa prostitusyon.

Sa una ay labag sa kanilang kalooban ang pagbebenta ng laman, subalit sa katagalan,


nakasanayan na nila ito at unti-unti nang natatanggap. Marami nang pugad ng
prostitusyon ang nahulog sa patibong ngBITAG.

Kalimitan ay mga cybersex den na gumagamit ng mga menor de edad bilang


performers. Mayroon namang mga kaso ng mga babaeng ibinabahay o itinitira sa
isang casa.
Ang estilo, tumatawag ang mga parokyano para kumuha ng babae. Nagkakaroon ng
sabwatan sa pagitan ng casa at hotel kaya naman nagiging mas madali ang pagpasok
ng mga inilalakong kababaihan sa kanilang establisyemento.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
156
Sa kabila ng pagbebenta ng laman ng mga kawa- wang biktima, barya-barya lamang
ang kanilang natatanggap. Kalimitan ay napupunta sa mga kolokoy na bugaw ang
kanilang kinikita.

Hindi lamang sa bar o sa mga hotel nauuso ang prostitusyon. Mayroong mga kaso ng
prostitusyon kung saan lantaran ang pagbebenta ng laman.
Isang e-mail ang natanggap ng BITAG mula sa isang tipster.
Isinusumbong niya ang hayagang paglalako ng katawan sa kahabaan ng EDSA,
Cubao, Quezon City.

Mabilis na makakakuha ang sinumang naghahanap ng panandaliang aliw dahil sa


kanilang estilo. Ang paraan ng kanilang pagbebenta ng laman, garapalan. Hinaharang
ang mga kalalakihang dumadaan at saka inaalok ng kanilang serbisyo.
Kapag kumagat sa kanilang patibong, sila na mismo ang magdadala sa kanilang
kliyente sa isang motel malapit sa kanilang pwesto.

Ang prostitusyon ay isa sa mga problema ng bansa. Habang patuloy ang kahirapan,
patuloy na tataas ang kaso ng prostitusyon. Patuloy na dadami ang bilang ng mga
nagiging biktima.

Pinagkunan:http://www.philstar.com/opinyon/811181/prostitusyon-laganap-na-sa-pilipinas Bahala si
Bitag Ben Tulfo Retrieved on October 22, 2016

Teksto 3
Mga lalaking nagbebenta ng aliw

HINDI lang mga anak ni Eva kundi pati maging kalahi ni Adan ang nagbebenta ng
panandaliang-aliw at ilan sa kanila ay mga estudyante. Gaya ng mga counterpart
nilang call girls, sa konting barya ay ibinebenta nila ang katawan na ang dahilan ay
para makapag-aral. Katwiran nila, pansamantala lamang ang pagbebenta ng laman at
kung makapagtapos sila ng pag-aaral ay maiiba na ang takbo ng buhay nila.

Ayon sa aming impormante maraming naglipanang call boy sa Taft Avenue, Maynila.
Gabi hanggang madaling-araw kung pumasada sila. Madalas na tumambay sila sa
Leon Guinto Street at sa Juan Nakpil Street. Sila’y lumalapit sa mga kotse at
sumisilip sa bintana at inaalok ang mga alam nilang gusto ng kanilang serbisyo na
karamihan ay mga bakla at matrona.

Ang mga call boy ay mga bata pa, edad 16 hanggang 25, macho at maporma. May
nagpre-presyo ng P2,000, 1,500, P1,000 at habang lumalalim ang gabi bumababa ang
presyo nila. Iyong mga unang nagturing na P700 ay nagiging P500 at ang P500 ay
nagiging P300.

Maraming reklamo lalo na sa mga bading ang natala sa police blotter. Reklamo nila
na ang ilang call boy na na-pick-up nila ay hindi pala estudyante at ninanakawan sila
ng pera at cellphones.

Makailang beses nang nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis at


maraming call boy ang nahuli. Ilang gabi lang ay balik sa dating gawi sila ang mga

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
157
male prostitutes na umano’y mga working students sa ilang unibersidad sa
Kamaynilaan.
Pinagkunan:http://www.philstar.com/opinyon/234307/mga-lalaking-nagbebenta-ng-aliw batantay kapwa ni cielito mahal del mundo
Retrieved on October 22, 2016

Teksto 4
Ilang bading o transgender, nasasadlak din sa prostitusyon

Hindi katulad ng napapanood sa mga pelikula na ang mga bakla o transgender ang
parokyano o nagbabayad sa lalaking prostitute sa mga gay bar, sa isang ulat ng
GMA news "24 Oras," tinalakay ang reyalidad ng buhay na may mga bakla rin na
nasasadlak sa prostitusyon at nag-aalok ng panandaliang aliw kapalit ng pera.

Sa naturang ulat ni Kristina Son sa "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakita nito ang
mundo ng ilang transgender sa Makati City pagsapit ng dilim upang mag-alok ng
panandaliang aliw sa kanilang mga kliyente.

Sa bahagi ng P. Burgos Street at Makati Avenue, makikitang pumupuwesto ang


ilang transgender sa tabi ng mga poste at nakikipag-usap sa kanilang mga kliyente,
na ang iba ay mga foreigner.

Pagkaraan ng ilang sandaling pag-uusap, umaalis na ito kasama ang kliyente.

Si "Dimple," walong taon na raw sex worker sa lugar, sinabing nasabak sa naturang
uri ng trabaho dahil sa isang kaibigan.

"Yung friend ko sinama niya ko dito ganun tapos 'yon... nakita kong madali ang pera,
" lahad niya.

Sinasabing 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. kinabukasan ang oras na karaniwan silang
pumupuwesto sa bahaging iyon ng Makati.

"Pag mga kotse, 'yon sesenyasan kami, tapos 'pag mga foreigner naman, mag-
uusap kayo, lalapit sila sa'yo...short time lang 'yon," dagdag pa ni Dimple.

Mas lumaki raw ang kita ni Dimple mula nang magpa-sex change siya dalawang taon
na ang nakararaan.

Wala daw siyang pagsisisi dahil nagagawa naman niyang makatulong.

Si "Deborah" na isa ring transgender, apat na taon na raw nagtitiis sa naturang uri ng
trabaho.
Kapalit daw ng malaking kita ang hirap na kailangang pagdaanan ng katulad niyang
gay prostitute.

Kung minsan daw kasi ay nabubugbog sila at nakukulong kahit walang kasalanan.

Ayon kay Naomi Fontanos, ng Gender and Development Advocates o Ganda


Filipinas, may dalawang uri ng gay prostitution sa bansa.

"Yung isa pang uri naman ng direct sex work ay yung nakikita natin sa Makati. Yung
indirect sex work kasama na diyan yung cyber chat," paliwanag niya.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
158
Iligal ang prostitusyon sa Pilipinas alinsunod sa Republic Act 9208 o mas kilala
bilang Anti-trafficking in Persons Act. Pero pagdating sa prostitusyon ng mga bading,
wala umanong ngipin ang batas.

"Base po sa batas natin, women pa lang po ang nakalagay," ayon kay PC/Insp. Jojo
Anaz, sub-station-6, Makati.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Fontanos na hindi pa rin ligtas sa batas ang mga gay
prostitute dahil ibang batas umano ang ginagamit ng mga awtoridad para para i-
prosecute sila.

Kabilang umano dito ang pagpapataw ng mga reklamong acts of lasciviousness, o


public scandal, o vagrancy sa mga gay prostitute.

Batid daw ng mga katulad nina Dimple at Deborah ang peligro ng napili nilang
kabuhayan. At wala daw hindi gugustuhin na makaahon sa naturang kalagayan kung
mabibigyan sila ng magandang oportunidad. -- FRJ, GMA News
Pinagkunan: http://www.gmanetwork.com/news/story/354615/news/ulatfilipino/ilang-bading-o-
transgender-nasasadlak-din-sa-prostitusyon

Teksto 5
Anu-ano ang nagtutulak sa child prostitution?

Pagkawasak ng pamilya at matinding kahirapan ang dalawang pangunahing dahilan


kung bakit nagiging biktima ng prostitution ang kabataan.

Sa sandaling maghiwalay ang isang mag-asawa, malaki ang nagiging epekto nito sa
kanilang mga anak, lalo na kung nagkakaroon ng ibang lalaki ang ina.

Ayon kay Sister Maria Luz, kadalasang nawawalan ng respeto sa magulang ang mga
anak kung nagkakahiwalay ang mag-asawa. Dagdag pa rito, aniya, ang mga pasaring
na naririnig mulsa sa mga kakilala ng pamilya.

"Kadalasan, sasabihin ng makakati ang dila: "Saan ba nagmana 'yan kundi sa ina.
Masakit pakinggan, ngunit ito ang nagging bukambibig ng mga kakilala ng isang
nawasak na pamilya," paliwanag ni Sister Maria Luz.
Sa pananaw ni Sister Maria Luz, hindi pag-bebenta ng panandaliang aliw ang
pangunahing pakay ng kabataan sa sa sandaling napadpad sa lansangan. Nais
lamang ng kabataang biktima ng nawasak na pamilya na matakasan ang kahihiyang
idinulot ng ina at magkanoon ng hiwalay at sarilng buhay.

"Purnapasok bilang hostess o dancer sa mga bahay-aliwan ang kabataang ito upang
matustusan ang mga kapatid, lalo na kung sila ang panganay. Sa mga hindi
matanggap sa ganoong uri ng trabaho, kuntento na siia sa pagiging pickup girls, sabi
ni Sister Maria Luz.

Inamin ni Sister Maria Luz, myembro ng isang organisasyon ng kawanggawa, na hind


nila matugunan ang suliraning ito dahil sa kakapusan ng badyet.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
159
"Nais naming matulungan silang lahat. Ngunit saan kami kukuha ng pondo? Saang
lugar namin sila ititira? Ano ang ipakakain namin sa kanila?" tanong ni Sister Maria
Luz.

Inamin din si Sister Maria Luz na matagalan bago malutas ang suliranin sa child
prostitution sapagkat walang kongkretong programa ang pamahalaan.
Pinagkunan: http://trafficking.org.ph/v5/index.php?option=com_content&task=view&id=202&Itemid=56

Gawain 2. Teks-to-Graph
Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang nilalaman ng graphic
organizer sa ibaba.

TEKSTO 1

TEKSTO 5 TEKSTO 2

MGA DAHILAN
NG
PROSTITUSYON
BATAY SA
TEKSTO 4 TEKSTO TEKSTO 3

Basahin at Unawain
Ano ang Pang-aabuso sa Bata?
Sa malawakang pagkakaunawa, ang pang-aabuso sa bata ay maituturing na paggawa
o hindi paggawa na maaaring magpapahamak o magpahina sa pisikal o psychological
na kalusugan nang mga nasa edad labingwalo pababa. Ang naturang kahulugan ay
sang-ayon sa pamantayan ng komunidad at mga dalubhasa.

1. Mga Uri ng Pang-aabuso:


Pisikal na pang-aabuso ay isang pisikal na pinsala o pisikal na pagpapahirap sa
isang bata (kabilang ang hindi sinasadyang paggamit ng puwersa, intensyonal na
pagkalason, pagsakal, pagkasunog, Munchausen’s Syndrome by Proxy, atbp.), kung

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
160
saan ay may sapat na kaalaman, o isang makatuwirang paratang na ang pinsala ay
hindi sinasadya.

Sekswal na pang-aabuso ay ang pagkakasangkot ng isang bata sa sekswal na


aktibidad (hal., panggagahasa, oral sex) na kung saan ay labag sa batas, o kung ang
bata ay hindi nagawang makapagbigay ng pagpapahintulot. Kabilang dito ang direkta
o hindi direktang sekswal na pananamantala at pag-abuso sa bata (hal.,paggawa ng
pornograpiyang materyal). Maaari itong mangyari sa loob o labas ng tahanan.
Maaaring maisagawa ito ng mga magulang, tagapag-alaga, iba pang mga taong nasa
hustong gulang o batang nag-iisa o isinasagawa sa isang pinagplanuhang paraan.
Ang mang-aabuso ay maaaring gumamit ng mga pabuya o iba pang mga bagay upang
mahikayat ang bata. Maaaring isagawa ito ng kahit sino na kilala o hindi kilala ng bata.
(Ang pag-abusong sekswal sa bata ay naiiba mula sa karaniwang sekswal na
pakikipagrelasyon na hindi kasama ang anumang sekswal na pananamantala, hal., sa
pagitan ng babae at lalaki, bagamat ang lalaki ay maaaring may pananagutan para sa
mga krimen tulad ng malaswang panghahalay o labag sa batas na pakikipagtalik sa
isang babaeng wala pa sa hustong edad.)

Ang Pagpapabaya ay malala o paulit-ulit na nangyayaring kakulangan sa atensyon


sa mga pangunahing pangangailangan ng bata na ilagay sa panganib o pahinain ang
kalusugan o pagbabago ng bata. Ang pagpapabaya ay maaaring maging:
· Pisikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pagkain, damit o
tirahan, kabiguan na pigilan ang pisikal na pagkapinsala o paghihirap,
kakulangan sa naangkop na paggabay o iniiwanang mag-isa)
· Medikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pang-medikal o
paggamot sa kalusugang pangkaisipan)
· Pang-edukasyon (hal., kabiguan sa paglalaan ng edukasyon o pagbabale wala
sa mga kinakailangang pang-edukasyon na kung saan nagmumula ang
kawalang kakayahan ng bata)
· Emosyonal (hal., pagbabale-wala sa mga kinakailangang pang-emosyonal ng
bata o pagkabigo na ilaan ang psychological na pangangalaga)

Sikolohikal na pang-aabuso ay ang paulit-ulit na pangyayari ng pag


uugali at asal ng pakikitungo sa bata o matinding insidente na ilagay sa
panganib o pahinain ang emosyonal o intelektwal na pagbabago ng bata.
Kabilang sa mga halimbawa ang pagtanggi, karahasan at pananakot, pag
iwan, pananamantala/hubugin sa maling gawain, baliwalain ang emosyonal
na nararamdaman, pagsasabi sa bata na siya ay walang halaga, mahina,
hindi gusto o hindi minahal. Agad o matinding na nakakasira ang mga naturang
pagkilos na iyon sa pag-uugali, maaaring pag-aralan, dulot ng
damdamin, o pisikal na paggawa ng bata.

2. Ang pag-abuso sa bata ay hindi limitado sa sitwasyong anak-magulang/


tagapangalaga, subalit kabilang ang lahat kung kanino ipinagkatiwala ang
pangangalaga at pang-kontrol sa bata, hal., tagapag-paalala ng bata, kamag
anak, guro, atbp. Para sa sekswal na pag-abuso sa bata, ang pagkilos ay
maaari ring isagawa ng mga taong hindi kilala ng bata.

3. Ang pag-abuso sa bata ay isang napakahirap na problema at maaari itong


mangyari sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kadahilanan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
161
4. Ang mga magulang o tagapag-alaga na maaaring may kawalan ng tulong
na pangasiwaan ang mga suliranin sa kanilang buhay, tulad ng problemang
mag-asawa, mahinang pakikitungo relationship, pagkabigo sa trabaho,
atbp. Ang ilang mga magulang ay maaaring naibabaling ang kanilang
nararamdaman ng pagkabigo, panlulumo, kawalang pag-asa o galit papunta
sa kanilang mga anak.

5. Minsan, maaaring hindi nalalaman ng mga magulang o tagapag-alaga


ang tamang paraan o kasanayan sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.
Halimbawa, maaaring hindi nila magawang disiplinahin ang kanilang mga
anak o panghawakan ang kanilang gawain sa paaralan o mga emosyon.
Ang ilang mga magulang ay napipilitang gumamit ng labis na pisikal na
puwersa upang kontrolin ang mga sitwasyon o pagbale-wala lamang sa
mga pangangailangan ng bata.

6. Nang walang wastong paggabay o tulong, ang ilang mga magulang o tagapag-
alaga ay maaaring gumamit ng mga maling paraan upang pangasiwaan ang mga
bata na may mga espesyal na pangangailangan, tulad ng ilang mga sobra ang
likot, may kapansanan sa kaisipan o ang mga maling pag-aasal. Maaari rin itong
humantong sa pag-abuso sa bata.

Ang karaniwang pang-aabuso sa mga kababaihan sa tahanan ay ang


mga sumusunod:

1. Abusong Pisikal
Kahit anong pisikal na paraang ginagamit ng asawa upang manakit, manakot at
magtanggal ng karapatan ng babae ay tinutukoy na pisikal na pang-aabuso. Ito ay
ipinapakita sa pamamagitan ng panununtok, pananapak, pananampal o kaya’y
pagsabunot ng buhok at iba pa.

2. Abuso sa Sikolohikal o Emosyonal


Ito ay ang aktong nagbibigay ng gulo sa isipan at damdamin ng biktima nakaligtas
sa
higit pang pang-aabuso – na siyang mas matagal maghilom kaysa pisikal na
pangaabuso. Napabilang sa kategoryang ito ang mga pang-aabuso sa pamamagitan
ng maaanghang na pananalita na siyang ginagamit sa pagsira ng dangalng babae,
pang iinsulto o pananakit ng damdamin upang masaktan ang babae.

3. Abuso sa Seks
Pang-aabusong sekswal ang aktong paggamit ng pwersa o lakas upang mangyari
ang pwersahang pagtatalik. Kabilang dito ay ang pamumuwersa ng lalaki, at
panlilinlang, upang maganap ang labag sa loob na pakikipagtalik.

4. Abuso sa Ekonomiya
Kung may pagtanggi o pagbawi ng suportang pinansyal ito ang abuso sa
ekonomiya. Kadalasan, may kasama itong pagbabawal sa biktima na humawak ng
pera, pagkokontrol ng kita, o ang paghihigpit ng lalaki sa paggamit ng lahat ng mga
ari-arian ng asawa.
Pinagkunan:

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
162
Gawain 3. Venn Diagram Mo Ito!
Lagyan ng wastong mga impormasyon ang bahagi ng Venn diagram. Ano
ang pagakakatulad at pagkakaiba ng pang-aabuso sa bata at kababaihan?

PAGKAKATULAD NG PANG-AABUSO SA BATA AT KABABAIHAN

PAGAKAKAIBA

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
163
Gawain 4. Dahilan at Epekto
Tukuyin ang dahilan at epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao
sa pamayanan at bansa.

Dahilan Epekto

Prostitusyon

Dahilan Epekto

Pang-aabuso

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa


dahilan at epekto ng prostitusyon at pang-aabuso, maaari ka nang
pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda ang iyong sarili sa
mas malalim na pag-unawa sa araling ito.

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ay palalawakin mo bilang mag-aaral ang
mga nabuo mong kaalaman tungkol sa prostitusyon at pang-
aabuso. Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa sa mga
pangyayari sa kapaligiran upang mas lalo mong maitaguyod ang
paglutas sa problema ng prostitusyon at pang-aabuso.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
164
Gawain 5. Kaso-Lutasin

Saan Kami Patutungo?


Halos alas siyete na ng gabi ay naglalaro pa sina Piolo at Paula sa
bakuran ng kanilangbahay malapit sa bahay ni Mang Ric. Bigla na lamang silang
may narinig na mga batang umiiyak sa nasabing bahay. Tumakbo sila at nabigla
sila sa kanilang nakita. Natuklasan nilang pinapalo ng malapad na kahoy ni Mang
Ric ang dalawa nitong anak na si Karen, walong taong gulang, at John, anim na
taong gulang.
Naaresto at naharap sa kaso si Mang Ric.
Lumitaw sa imbestigasyon na hindi na umano mabilang ng magkapatid
ang insidente ng pananakit sa kanila ng ama.
Habang inihahanda ang kaso laban kay Mang Ric, pansamantalang
inilagak sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development
ang mga biktimang mag aaral.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naramdaman mo para kay Karen at John matapos mabasa
ang maikling kuwento? Ipaliwanag.
2. May pananagutan ba sa batas ang kanilang ama? Bakit? Kailan
maituturing na anyo ng pang-aabuso ang paraan na ginagamit sa
pagdidisiplina ng magulang sa anak?
3. Bakit nagaganap ang ganitong klase ng pang-aabuso sa mga
kabataan?
4. Kung ikaw si Karen o John, ano ang iyong gagawin?
5. Ano ang maaari nating magawa upang maiwasan o mawakasan ang
ganitong mga pang-aabuso sa mga kabataan?
6. Paano tinitiyak ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga kabataan laban
sa pang-aabuso?

Gawain 6. Tamang Hakbang


Magmumungkahi ng mga paraan tungo sa ikalulutas ng suliranin ng prostitusyon at
pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa. Isulat ang sagot sa loob ng hakbang
ng paa.

Binabati kita! Naisagawa mo ng buong husay ang iniatang na gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
165
Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang mga dahilan at epekto ng prostitusyon at


pang-aabuso. Malaki ang papel mo upang malabanan ang mga
ganitong suliranin sa ating bansa.

Upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng edukasyon


tungo sa ikabubuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao, pagpapanatili
ng kaayusang panlipunan, at pag-unlad ng bansa, ating nang suriin
ang nilalaman ng sunod na modyul.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
166
MGA ISYUNGPANG-EDUKASYON
aaaaaaaaa AT PANSIBIKO AT
PAGKAMAMAMAYAN
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG
Binabati kita! Ikaw ay nasa ika-apat na yunit na, ibig sabihin huling yunit na ng
grado. Ipinapaalam ng modyul na ito ang kahalagahan ng edukasyon upang mapabuti
ang kalagayan ng tao sa kanyang pamayanan at bansa. Gayundin, ang dahilan at
epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga usapin at gawaing pansibiko at politikal.
Naitanong mo na ba sa sarili mo kung papaano pinapahalagahan ang edukasyon at
ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pampulitika na may magandang epekto
sa buhay ng tao? Kung hindi pa subukin nating talakayin ang mga konsepto na may
kaugnayan sa edukasyon, gawaing pansibiko at political, at kooperasyon ng
mamamayan at pamahalaan.

Sa modyul na ito ay matutuklasan mo kung ano-ano ang access sa at antas ng


kalidad ng edukasyon, dahilan at epekto ng pakikilahok sa iba’tibang usapin at
gawaing pansibiko at pampulitika. Handa kana bang alamin ang kasagutan sa mga
tanong na ito? Kung handa ka na, halina’t pag-usapan natin ang mga mahahalagang
isyung pang-edukasyon, pansibiko at pagkamamamayan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang  Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng
pag-unawa sa kahalagahan ng case study na tumatalakay sa mga
edukasyon tungo sa ikabubuti ng kalidad solusyon tungkol sa mga suliraning
ng pamumuhay ng tao, pagpapanatili ng kinakaharap ng sistema ng edukasyon
kaayusang panlipunan, at pag-unlad ng sa bansa
bansa

 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang  Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng


pag-unawa sa kahalagahan ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pagkamamamayan at pakikilahok sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
mga gawaing pansibiko tungo sa at pulitikal ng mga mamamayan sa
pagkakaroon ng isang pamayanan at kanilang sariling pamayanan
bansang maunlad, mapayapa, at may
pagkakaisa

Sa araling ito, tatalakayin mo ang sumusunod:

Modyul16: Mga Isyung Pang-Edukasyon: Access at Kalidad ng Edukasyon


Modyul 17: Mga Isyung Pang-Edukasyon:Suliranin sa Sektor ng Edukasyon
Modyul 18: Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan: Pakikilahok sa Gawaing
Pansibiko
Modyul 19: Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan: Epekto ng Pakikilahok sa
Gawain at Usaping Pansibiko at Politikal
Modyul 20: Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan: Kahalagahan ng
Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
167
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
168
Modyul
16 Mga Isyung Pang-Edukasyon:
Access at Kalidad ng Edukasyon

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang mga isyung may kaugnayan sa
kasarian, malalaman mo naman sa araling ito ang mga isyung pang-
edukasyon. Hihikayatin ng araling ito na magsulong ng iyong paraan
para sa paglutas ng mga suliranin sa sektor ng edukasyon.
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas saiyong kaalaman
tungkol sa sistema ng edukasyon, access at kalidad ng edukasyon sa
Pilipinas. Simulan mo na.

Gawain 1. Ang Masasabi Ko


Suriin ang larawan sa ibaba at ipaliwanag kung ano ang masasabi mo sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Pinagkunan: http://philippinen.ahk.de/dual-training/?L=0
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
169
Gawain 2. Daan Tungo sa Edukasyon
Lagyan ng tsek ang hagdan kung ang mga bahaging ito ay iyong natamo o
nadaanan para sa kasalukuyang pag-aaral.

Pinagkunan: www.lrmds.gov.ph

PAMPROSESONG TANONG:
1. Anong grado o baiting ka na ngayon?
2. Madali ba ang pag-akyat sa hagdan ng edukasyon? Bakit?
3. Paano ka nakarating sa kasalukuyang grado?
4. Alam mo ba ang programa ng Kagawaran ng Edukasyon na iyong
kinabibilangan sa kasalukuyang pag-aaral? Ano ang tawag dito?

PAUNLARIN
Matapos mong maibigay at malaman ang mga paunang
impormasyon tungkol sa araling ito, ngayon naman ay lilinangin ang
mga kaalamang ito sa pamamagitan ng mga teksto at mga Gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Umpisahan na
natin.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
170
Gawain 2. Basa-Suri
DepEd is committed to enhancing the quality of basic education

The Department of Education (DepEd) continues to make substantial


investments in basic education through various programs for all Filipino
learners.
Secretary of Education Armin Luistro underscored the department’s
commitment to ensure that no learner shall be left behind. “Our mandate is to
provide every Filipino child with access to quality education,” Luistro said. He
added that DepEd’s programs have always been directed at promoting
inclusive and learner-centered education for Filipinos.
In its mission to expand access to quality education, the Philippine
government has enacted the Kinder Basic Education Act and the Enhanced
Basic Education Act in February 2012 and May 2013, respectively. Since the
institutionalization of the K to 12 program, DepEd has made strides in its
implementation.
The introduction of universal kindergarten in 2011 led to the increase of
kindergarten enrolees—from 1.64M in SY 2010-2011 to 2.29M in SY 2013-
2014.
Following the implementation of kindergarten was the roll-out of
enhanced curriculum for Grades 1 & 7 in SY 2012-2013, Grades 2 & 8 in SY
2013-2014, and Grades 3 & 9 in SY 2014-2015. The entire K to 12 curriculum
has been completed in February 2014.
In 2012 and 2013, DepEd rolled out the SHS modeling program in 56
schools in different parts of the country to prepare for its full implementation in
2016. The selected schools offer four main tracks—Academic, Technical-
Vocational, Sports, and Arts and Design. The pioneer batch of the SHS
modeling programhas graduated in May 2014. At present, over 10,000
students are enrolled in DepEd’s senior high school (SHS) modeling program
for SY 2013-2014.
In SY 2013-2014, DepEd also assisted more than 809,000 students in
private schools under the Government Assistance for Students and Teachers
in Private Education (GASTPE), a program wherein the government enables
eligible students to pursue secondary schooling in private schools through the
provision of a fixed annual subsidy to cover tuition and other school fees. The
Department increased the subsidy for students in private schools outside Metro
Manila—from P6,500 to P7,500. DepEd is targeting to increase its coverage
this year with a total projected grantees of 995,000 representing 50% of
students enrolled in private high schools.
DepEd also gives prime importance to Indigenous Peoples (IP) and
Muslim learners. Through the Philippines’ Response to Indigenous Peoples
and Muslim Education (PRIME) program, DepEd expanded access to
education to more than 100,000 IP and Muslim learners in the last three years.
To further advance services for all Filipino learners, DepEd boosted its
Information and Communications Technology (ICT) initiatives which include the
mapping of schools and library hubs nationwide. Of the 46,603 public schools
nationwide, 84% have already been mapped. Of the 9,855 registered public
schools with libraries, around 9,000 have already been mapped while 153 of
the 188 library hubs in the country have also been geolocated.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
171
Together with local and international education partners and public
school teachers, DepEd developed the Learning Resources Management and
Development System (LRMDS), an online library containing downloadable and
free teaching and learning materials. These learning materials are tied in with
the curriculum to ensure relevance and appropriateness.
Luistro stressed that these ICT initiatives will help the Filipino learners
have more access to relevant, up-to-date and quality education materials. “It
also provides a database to our educators where they can derive their lesson
from. These materials will assist them in their lesson plans, and may also give
an array of contextualized classroom discussion,” he said.
To ensure that learner needs are met, DepEd has completely
addressed the 2010 backlogs in textbooks and seats, attaining a 1:1 students
to textbook, and student to school seat ratio in 2012. Moreover, DepEd has
constructed 66,813 classrooms from 2010-2013, closing the 66,800 classroom
backlog.
The Department has also created over 102,600 teacher items from
fiscal year (FY) 2010-2013, which translated to around 25,000 new positions
created every year. With this, DepEd has doubled the average number of
teaching positions created in previous budget years.
Furthermore, DepEd targets to complete the ongoing construction and
procurement of water and sanitation facilities by the end of the year.
Luistro said that DepEd remains steadfast in its commitment to enhance
and transform basic education for all Filipinos.
Pinagkunan: www.deped.gov.ph/pressrelease/July 26, 2014

DepEd widens learners’ access to quality education through


Alternative Delivery Mode

To widen the access of marginalized and disadvantagedlearners to quality basic


education, the Department of Education (DepEd) implemented the Alternative Delivery
Modes (ADMs) in the formal education system in both elementary and secondary
levels.

The ADMs primarily aims to address the problem on classroom congestion and other
situations and circumstances, which prevent children from going to and staying in
school.

DepEd anchored the implementation of ADMs on the following principles: 1) Basic


education is free and shall be accessible to all; 2) Education is a right of every
individual; 3) Education is inclusive and not discriminating; and 4) Stakeholder
participation is integral to total child development.

Some of the ADMs implemented by DepEd are Modified In-School/Off-School


Approach (MISOSA) and Instructional Management by Parents, Community and
Teachers (IMPACT) at the elementary level, and Open High School Program (OHSP)
at the secondary level.

In School Year (SY) 2015-2016, DepEd has recorded a total of 29,454 enrollees in
ADMs—6,013 of whom are at the elementary level and 23,441 at the secondary level.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
172
MISOSA
This alternative modality was developed to address the problems of seasonal absentee
learners and congested classrooms in schools.

Classes under MISOSA are divided into two groups—the in-school group and the off-
school groupwherein the in-school group learns in a typical classroom set-up, while
the off-school group is given the flexibility to learn and do activities independently or
with a learning facilitator. Then, the in-school group will exchange with and experience
the learning intervention of those in the off-school group, and vice versa.

Moreover, both groups will report to school at the same time for enrichment and
assessment of learning.

The off-school group utilizes Self-Instructional Modules, while those inside the
classroom use the Learner’s Materials and textbooks provided by the Department.

IMPACT
It is a technology-enhanced ADM, which aims to address both access and quality
education issues. This enables schools to deliver elementary education despite the
lack of teachers, classrooms, and other concerns.

The IMPACT system uses a peer-led approach to enhance learners’ skills and
capacitate them with relevant lessons to reach their fullest potential. This is a system
in which the parents, community, and even the students themselves collaborate and
cooperate with the school toward an accessible and quality education.

It utilizes Peer Group Learning for Grades 4 to 6, where learners are divided into small
“families” and a student leader from each family leads the group in answering the
modules.

Another approach is the Programmed Teaching where a trained Programmed Teacher


handles a class, with the supervision of the class adviser. Programmed Teachers are
Grade 4, 5 and 6 learners handling Grades 1, 2 and 3 classes, respectively. Materials
for each activity under this program are prepared by the class advisers.

Moreover, this alternative modality also utilizes Individual Study for independent
learners.

Learners have access to various modules and other instructional materials to guide
them in this learning intervention.

OHSP
The OHSP utilizes distance learning as a way for teenagers, especially those who are
differently abled or those with financial difficulties, to still catch up with their lessons. It
is a part of the DepEd’s Drop Out Reduction Program (DORP), which aims to address
the needs of students at risk of dropping out.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
173
This program offers independent, self-paced and flexible study programs using self-
instructional materials. OHSP learners are supported by tutors whom they meet
occasionally.

Most subjects can be learned off-school except for hands-on subjects like Physical
Education and laboratory classes, which shall be held in school.

Furthermore, DepEd also supports other local initiatives or efforts to widen and
improve learners’ access to basic education, aside from the three introduced
alternative modalities. This will better address the access to basic education problems
per region, division, or school.

These efforts are pursuant to the DepEd Order No. 54, series of 2012 or the Policy
Guidelines on the Implementation of Alternative Delivery Modes (ADMs), which is
available at http://www.deped.gov.ph/orders/do-54-s-2012.
Pinagkunan: http://deped.gov.ph/press-releases/deped-widens-learners%E2%80%99-access-quality-
education-through-alternative-delivery-mode

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang pangako ng DepEd sa sambayanang Pilipino?
2. Ano-ano ang mga programa ng DepEd upang ang lahat ng mga
Pilipino ay mabigyan ng oportunidad na makapag-aral?
3. Naniniwala ka ba na abot-kamay lamang ang pag-aaral sa
Pilipinas? Bakit?

Gawain 3. Programa ng DepEd, Panalo Ako!


Gumawa ng islogan na nagpapaliwanag ng programa ng DepEd na iyong
napapakinabangan sa kasalukuyan at kung ano ang kahalagahan nito saiyong buhay.
Isulat ito sa loob ng larawan sa ibaba.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa access


at kalidad ng edukasyon, maaari ka nang pumunta sa susunod na
bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na
pag-unawa sa araling ito.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
174
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ay susuriin mo ang kalidad ng edukasyon sa
Pilipinas. Kinakailangan ang mas malalim na pagsusuri sa mga
impormasyon upang mas maibigay ang tamang paliwanag.

Gawain 4. Datos-Suri
Suriin ang datos sa ibaba at magbigay ng saloobin tungkol sa National
Achievement Test bilang panukat sa kalidad ng edukasyon.

Pinagkunan: unesdoc.unesco.org/images/0023/002303/230331e.pdf

Mahusay! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga inihandang gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
175
Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas lalo


na ang access sa at kalidad ng edukasyon. Malaki ang papel mo sa
pagatataguyod ng mataas na kalidad ng edukasyon upang mapabuti
ang pamumuhay ng mga tao sa bansa.

Upang maunawaan ang iba pang isyu na may kaugnayan sa


edukasyon, ating susunod na titingnan ang mga suliraning kinakaharap
ng sektor ng edukasyon sa bansa.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
176
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
177
Modyul
17 Mga Isyung Pang-Edukasyon:
Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Edukasyon

ALAMIN

Matapos mong maunawaan ang tungkol sa access at kalidad


ng edukasyon, sa bahaging ito ay pag-aaralan mo naman ang mga
suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon.

Gawain 1. Problema sa Edukasyon, Ililista Ko

Batay sa iyong karanasan o obserbasyon, maglista ng mga suliranin o


problema sa sektor ng edukasyon. Isulat mo ito sa chalkboard sa ibaba.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
178
PAUNLARIN
Matapos mong mailista ang mga problema o suliranin sa sektor
ng edukasyon, ngayon naman ay mas malalim mong uunawain ang
mahahalagang nilalaman ng mga teksto ukol sa problema sa
edukasyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain
at teksto ukol sa araling ito.

Halina at ipagpatuloy natin ang pagsagot sa mga gawain.

Gawain 2. Basa-Suri

Problema sa edukasyon
AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche
MALAPIT na naman ang pagbubukas ng klase at ang laging
nagsusumigaw na isyu ay ang lumulubhang kamangmangan ng maraming
Pilipino. Ano kaya ang dahilan?
Sabi ng iba, mababa ang kalidad ng edukasyon dahil mababa ang sahod
ng mga guro sa mga pampublikong pamahalaan. Kesyo hindi maasikaso
ng mga guro ang pagtuturo dahil nakatutok sa pagtitinda ng tusino sa klase
bilang sideline.
Tinaasan at patuloy pang tumataas ang sahod ng mga guro.
Katunayan, mas mataas na ang suweldo ng mga guro sa public schools
kaysa kanilang mga private counterparts. Naririyan pa rin ang problema sa
lumulubhang kamangmangan.Ang isa pang sinasabing dahilan ay ang
overcrowded na mga paaralan na dito’y nagsisiksikan sa isang maliit na
kuwarto ang mga mang-aaral kaya hindi natuturuang mabuti. Maganda ang
approach ng gobyerno sa problemang ito. Inililipat ang ibang mag-aaral sa
mga pribadong paaralan at gobyerno ang sumasagot sa matrikula. Bukod
pa riyan ang paglalaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) ng ma-laking budget para sa pagtatayo ng mga paaralan.
Ngunit hirap pa ring makaagapay ito sa patuloy na pagdami ng tao lalu na
yung mga nagsisipag-aral.
Pero para sa akin, ang pinakamatinding dahilan kung bakit
dumarami ang mangmang na Pilipino ay hindi na maabot ng mga
mamamayan ang napakataas na halaga ng matrikula sa mga paaralan lalu
na sa kolehiyo.
Kagaya ngayon. Pinahintulutan na naman ng Commission on
Higher Education (CHED) ang pagtataas ng matrikula ng may 313 na
paaralan. Halos taun-taon na lang ay pinapayagang magtaas ng singil ang
mga paaralang ito.
Nakakaawa ang mga Pilipino na mapagkakaitan ng pribilehiyong
makapag-aral. Paano kung dumating ang panahon na maubos na ang mga
edukadong Pilipino, sino ang mga mamumuno sa ating pamahalaan?
Kung sa ngayon pa lang ay namumroblema na tayo sa matinong
leader, paano pa kaya kung dumating ang panahon na iyon?

http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/05/23/1457688/problema-sa-edukasyon

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
179
Ang problema sa edukasyon - Pat A. Sto Tomas
Kung inyong nasubaybayan ang pagbukas ng klase noong nakaraang Martes
marahil ay inyong nabasa sa mga pahayagan o narinig sa radyo at napanood sa
telebisyon ang ilan sa mga problema na kinakaharap ng bansa sa larangan ng
edukasyon. Ang mga problemang ito ay ang mga sagabal sa maayos na pag-aaral ng
mga kabataan maging ito man ay sa elementarya, sa high school o sa kolehiyo.

Ang tatlong pinakamabigat dito ay ang pagtaas ng tuition lalo na sa mga pribadong
paaralan at ang paniningil ng kung anong mga kabayaran sa public schools na
ipinagbabawal naman ng Department of Education; ang kakulangan ng mga guro lalo
na sa mga public schools; at ang kakulangan o di kaya’y mga sirang classrooms sa
ating public school system. Sa dalawang panghuling problema sa tingin ko ay may
magagawa ang ating mga OFWs.

Ang pagtaas ng mga tuition lalo na sa mga pribadong eskwelahan ay marahil mahirap
maiwasan sapagkat ito ay dala naman ng pagtaas ng maintenance and operating
costs ng mga paaralan katulad ng bayad sa elektrisidad at pasuweldo sa faculty at iba
pang mga empleyado.

Ang pagmantini ng maayos na pasahod sa mga guro at iba pang staff ay mahalaga
otherwise, ang eskwelahan ay magkakaroon naman ng shortage of good faculty and
staff members dahil sa ang mga ito ay mahihikayat na lumipat sakaling may magbigay
ng magagandang offer sa ibang schools.

Marahil sa ating mga OFWs ay hindi gaanong problema ang bagay na ito dahil sa may
sapat tayong budget sa education ng mga bata subalit sa mga mahihirap na mga
pamilya ito ay isang pabigat na kailangang harapin.

Kaya ang pamahalaan ay dapat ipagpatuloy ang pag-impose ng limit sa pagtaas ng


tuition at tingnan ang maigi nitong pangungulekta ng mga public schools ng kung anu-
anong fees sa kabila ng maliwanag na abiso ng DepEd na ipingababawal ang
anumang pagsingil o pangungulekta sa mga estudyante. Dapat bigyan ang mga ito ng
ibayong atensyon ng mga kinauukulan at ang mga school principals ay totoong
disiplinahin ng DepEd sakaling mapatotohanan ang mga alegasyong ang kanyang
eskwelahan ay nangongolekta ng kung anu-anong fees.

Ang kakulangan ng mga guro sa elementarya at kahit na sa high school lalo na sa mga
eskwelahan sa mga liblib na lugar at may kalayuan sa bayan o lungsod ay lagi na
lamang bumubulaga sa atin tuwing nagbubukas ang klase.

Kasi nga naman kung ikaw ay isang guro na may posibilidad naman na makapagturo
sa bayan o sa lungsod at malapit sa iyong tirahan, bakit mo pa nanaisin na ma-assign
sa isang barrio school. Maliban sa ikaw ay kailangang magbigay ng sapat na oras sa
pagbibiyahe ikaw ay mamamasahe pa din ng malaki sa jeepney o sa habal-habal
papunta doon at posibleng maglalakad ka pa sa rice paddies sa ilalim ng init ng araw
o sa ulan.

Of course, mayroong opsyon na lumipat ng tirahang malapit doon sa eskwelahang


pagtuturuan subalit posibleng ito ay hindi magiging kaaya-aya sapagkat maliban sa
mapalayo sa pamilya at sa pagsubaybay sa mga anak na nag-aaral din posibleng
mayroon ding problema sa seguridad na kaharapin. Kaya bakit nanaisin pa ng isang

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
180
guro ang magpakahirap na magturo sa isang malayong baryo kung mayroon namang
posibilidad na makakuha ng pagtuturuan na malapit sa tirahan at nasa sentro pa ng
sibilisasyon, wika nga.

Maliban marahil kung may additional compensation o allowance na ibibigay ang


pamahalaan para doon sa mga nagpapakahirap na manatili sa mga liblib na mga baryo
upang gampanan ang pagtuturo sa ating mga kabataan. Marahil ito ay dapat tingnan
ng ating mga bagong halal na mga pulitiko sa Kongreso at bigyan ng nararapat na
atensyon kung talagang nasa puso nila ang pagmamahal sa bayan at sa kinabukasan
ng ating mga kabataan.

Subalit kahit sa mga bayan at lungsod, problema pa rin ang kakulangan ng mga guro.
Kaya parang normal na lang na ang isang klase ay mayroong mga 60 hanggang 80
na mga estudyante. Sa ganito kadaming mga bata na i-manage at turuan sa
classroom, we can imagine kung ano ang epekto nito sa kalidad ng edukasyon at kung
gaano kabigat ang challenge sa isang guro na maaaring mag-isip na lamang na huwag
na magturo. Ang tanong tuloy ng marami, nasaaan ang ating mga guro at kinukulang
ang dami nila?

Well, kung ating titingnan mukhang sapat naman ang dami ng mga nagtatapos sa
pagtuturo at pumapasa sa Teachers Board Examination. Ang problema, mukhang
marami sa mga ito ang nae-engganyo na pumasok sa ibang trabaho katulad
halimbawa sa mga Call Centers o di kaya ay sa office work. Kasi nga naman, maliban
sa pareho lang naman ang suweldo o di kaya ay baka mas mataas pa, lesser ang
challenges sa oras at sa kaisipan na dapat ibubuhos sa mga ganitong trabaho kaysa
pagtuturo.

Bilang teacher, ang responsibilidad ay hindi nagtatapos sa paglabas ng classroom


sapagkat nandiyan lagi ang pressure bilang modelo ng tama at maayos na
pamumuhay na dapat ipakita sa komunidad. Kaya nararapat lamang na ating bigyan
ng tamang kabayaran ang ating mga guro sa pamamagitan ng pagbigay ng mas
mataas na pasuweldo na angkop sa level ng paghihirap na ibinibigay ng mga ito bilang
isang teacher.

Nabanggit natin ang pagtaas ng suweldo bilang solusyon sa kakulangan ng mga guro.
Nararapat lamang kung ating ninanais pigilan ang marami nating mga teacher na
umalis ng bansa upang maging OFWs.

Sa akin okay lang ang pagiging OFWs ng mga teachers kung sila ay mangingibang
bansa upang magturo din. Subalit ang mangibang bansa upang maging isang
domestic helper - at marami tayong kaso ng mga teachers na nagre-resign sa
pagtuturo upang maging domestic helper sa ilang bansa - ay isang napaka-demeaning
na desisyon.

Of course, malaki ang kikitain kung ikukumpara sa sahod ng isang public teacher dito
sa atin subalit malaki din naman ang risgo na magkaproblema. Mahirap tanggapin na
ikaw na nagsi-sigaw-sigaw sa mga estudyante ay siyang sinisigaw-sigawan ng iyong
dayuhang amo at lalo na kung ikaw ay gawing laruan sa kama ng mapagsamantalang
head of the family.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
181
Sa records ng DOLE the vast majority ng mga OFWs na nagkakaroon ng problema
overseas lalo na iyong mga naglalayas sa trabaho at na-stranded ng matagal na
panahon na hindi kanais-nais na mga sitwasyon ay mga domestic helpers. Kaya sa
ating mga teachers, pwede ang mag-OFW, but please huwag naman bilang isang
domestic helper. Hindi lang naman pera ang nagbibigay kahulugan sa ating buhay.
Ang pangatlong mabigat na problema sa edukasyon ay ang kakulangan ng mga
classrooms o ang pagpapaayos ng mga nasirang classrooms dahil sa mga kalamidad.
Mahirap ang mag-aral sa ilalim ng puno ng kahoy o sa mga tent at ni walang
blackboard. Kulang na nga sa mga libro at ilang pang mga pasilidad ay lalo pang
pinasisidhi ng kawalan ng maayos na classrooms.
Lagi na lamang, taon-taon ang problemang ito na nagbibigay ng hindi magandang
impression sa ating bayan at sa uri ng ating pamamahala. Sana ang mga pulitiko ay
bigyan ng tunay na pagpapahalaga ang problemang ito at ang kanilang mga CDFs at
iba pang mga pondong hawak ay ilaan sa pagpapatayo ng mga classrooms lalo na sa
mga rural areas.

At sana ay huwag ng pagkaperahan pa ang pagpapatayo ng mga classrooms at nang


marami ang maipatayo kahit na ba limitado ang pondo.
Noong ako ay nasa Department of Labor and Employment pa, nagkaroon kami ng
classroom-building program sa tulong ng ating mga OFWs at ilang mga local
organizations ng mga businessmen. Kami ay nakapagpatayo ng marami-rami ding
classrooms sa mga probinsya and at a cost lower than what the government normally
spends per classroom. At ang aming mga naipatayo ay may mga toilets pa.

Marahil, ang ating mga tagasubaybay na mga OFWs ay maisipang mag-umpisa ng


classroom-improvement o building programs sa kanilang mga probinsya. After all,
mayroon naman tayong mga overseas organizations o mga samahan habang nasa
ibang bansa na kadalasan ay base sa ating lengguwahe o dialect o di kaya ay sa
probinsyang ating pinanggalingan.
Other than just the social activities we go into, pag tayo ay nagi-get together, bakit
hindi natin bigyang emphasis ang ating komunidad sa Pilipinas at ang mga
pangangailangan nito katulad ng kakulangan ng mga classrooms.
We know our kids are in good schools because we can afford the tuition, subalit
papaano naman iyong mga bata na walang classrooms at hindi nakakapag-aral ng
maayos. At ang ilan dito ay mga anak ng ating mga kamag-anak at mga kaibigan. Let’s
think how we can help improve the classrooms in our respective towns and barrios.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.

Pinagkunan: http://news.abs-cbn.com/insights/06/21/10/ang-problema-sa-edukasyon-pat-sto-tomas

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
182
A. Batay sa tekstong binasa, punan mo ang talahanayan.

Mga Problema sa Edukasyon Ayon Kay


Al Pedroche Pat Sto. Tomas

B. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ng 2 may-akda ng artikulo? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGNILAYAN
Matapos mong malaman ang mga problema sa edukasyon,
sa bahaging ito ay pagtitibayin mo ang iyong kaalaman at saloobin
tungkol sa isyung ito. Kinakailangan ng mas malalim na pag-unawa
upang mas maihanda ang iyong sarili sa pagbibigay ng mungkahi
upang mapataas ang antas ng kalidad ng edukasyon at kung
papaano masosolusyunan ang problema sa edukasyon lalo na sa
iyong lebel o sitwasyon.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
183
Basahin at Unawain

Bakit di mapapaunlad ng K-to-12


ang edukasyon sa Pilipinas
by Pher Pasion
Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mga
mamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay
sa pangangailangan at mithiin ng bansa.
Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ng
administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang
programang K-to-12 na nagpabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Mula dating
sampung taon sa basic education curriculum, dinagdagan ito ng dalawang taon.
Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon sa
elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7
hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12).
Pero para sa mga kritiko ng K-to-12, hindi ang nasabing programa ang
magpapaunlad sa pangkalahatang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.

Kolonyal na disenyo
Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa daigdig ang hindi pa noon nagpapatupad ng
K-to-12 na kurikulum. Isa itong dahilan umano kung bakit mababa ang kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas. Hindi daw ito “nakaangkop” sa internasyunal na mga
pamantayan kaya kailangang ipatupad ang reporma sa porma ng K-to-12, ayon sa
gobyerno.
Malaking hakbang umano ang K-to-12 para maging globally competitive ang
edukasyon sa Pilipinas.
Naniniwala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), pambansang alyansa ng mga
asosasyon ng mga guro sa bansa, na itinutuon ang programang K-to-12 para sa
internasyunal na pamantayan at pangangailangan. Pero hindi ito ang siyang
makakatulong sa edukasyon sa partikular at sa bayan sa pangkalahatan sa
kasalukuyan.
Batay umano sa kurikulum na mayroon ang programa, makikita ang mga kurso
osubjects na nakatuon sa teknikal na mga kasanayan tulad ng kasanayan
sa welding,housekeeping, care giving, pagmamasahe, pananahi, at iba pa na
pagsasanay na nakatuon sa pagluwal ng semi-skilled na mga manggagawa.
“Pag tinignan mo talaga ang nilalaman ng K-to-12, makikita mo ang katangian
ngcolonial education para sa mga estudyante na nakapokus sa pagluwal ng skilled
labor lang,” ani Mabel Caboboy, guro sa Manuel Roxas High School sa Quezon City.
Sa panahon na makakapagtapos ang isang mag-aaral sa senior high school,
inaasahan na nasa 18-taong gulang na ito – ang legal na edad para makapagtrabaho.
Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng makakapagtapos ngsenior
high school sa loob at labas ng bansa. Maagang mapakinabangan ng estado ang
kabataan para magtrabaho sa halip na gastusan ng gobyerno sa kolehiyo.
Ito ang isa sa malinaw na inamin mismo ng Department of Education (DepEd)
na “makatutulong” di umano na makapagtrabaho agad ang mga kabataan pagkatapos
nila ng senior high school.
Pero inaasahan na mas magpapalaki ito ng bilang ng mga walang trabaho sa
bansa dahil sa hindi sapat ang nalilikhang trabaho ng gobyerno taun-taon.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
184
Sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa 4.3
milyong Pilipino ang bilang ng unemployed at nasa 6.9 milyon
ang underemployed noong 2014.
Sa ganitong balangkas na inaasahang tataas ang bilang ng walang trabaho,
mas higit na makakapagdikta ang mga kapitalista o negosyante nang mas mababang
sahod, wala o kulang na benepisyo, at sistemang kontraktuwal.
Dahil sa pag-aagawan sa limitadong trabaho, pikit-matang tatanggapin ng
isang manggagawang may binubuhay na pamilya — kahit ang mga pinakamasahol na
kondisyon sa paggawa.
Ito rin ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan para roon
makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng isang gobyernong walang malikhang
trabaho sa kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito sa porma ng
mga remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod sa labor export
policy nito.
Ayon sa Ibon, mas marami ang inilabas na manggagawa (4,500) ang gobyerno
kada araw kaysa sa naidaragdag nitong bilang na nagkatrabaho (2,800) kada araw sa
bansa noong 2014.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014, umabot sa $26.924
Bilyon angcash at non-cash remittances sa bansa mula sa $25.351 noong 2013.
Dahil din dito, lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay
ng dahilan sa gobyerno na bawasan ang pagpondo sa mga state universities and
colleges (SUCs). Magdudulot ito ng mas mataas na matrikula sa kolehiyo sa parehong
pribado at publikong unibersidad.
Ganito ang balangkas na layunin ng Roadmap for Public Higher Education o
RPHER ng administrasyong Aquino. Isa sa mga layunin nito ang pagbabawas ng
badyet sa edukasyon para itulak ang mga ito na maging self-sufficient o umasa sa
sarili. Layunin din nitong itransporma ang SUCs para pagkunan ng murang laka-
paggawa ng pandaigdigang merkado.
“Sa panahong nagtataas ng matrikula ang SUCs, nagbibigay ito ng higit na
dahilan para sa mga private higher education institutions na magtaas ng matrikula,”
ani Sarah Jane Elago, tagapangulo ng National Union of Students of the Philippines
(NUSP).
Ngayong taon, nasa 313 ang mga pribadong pamantasan ang pinayagan ng
Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng matrikula. Halos taun-taon
kung payagan ng CHED ang pagtataas ng matrikula. Hindi ito ma-regulate mismo ng
gobyerno dahil sa Education Act of 1982 na nagbibigay pahintulot dito.
Nasa P60,000 hanggang P80,000 ang tinatayang halaga kada semestre sa kolehiyo
sa kasalukuyan.
Maging ang calendar shift sa academic year ay bahagi din ng pagpili na
lamang ng mga kursong “marketable” o madaling mabenta sa mga mag-aaral.
Sinimulan ito ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na nagtulak sa UP Los Banos na
magkaroon ng“marketability assessment” sa kanilang subjects. Sa UP Manila ang
pagkakaroon naman ng program review na magbibigay daan sa pagra-rationalize at
pagre-realignng kanila umanong limitadong badyet para sa “competitive subjects”.
Nangangahulugan ito na ang edukasyong nilikha, ang kasanayang natutunan
ng mga Pilipino na dapat sana ay pakikinabangan ng bansa, ay mapupunta sa
pakinabang ng mga dayuhang bansa base sa pangangailangan ng dayuhan.
“Ang isang curriculum na walang history subjects, walang Filipino subjects,
walang panitikan, walang Philippine Government and Constitution, ay magluluwal ng
mga estudyanteng may colonial mentality. Sila ay masunurin sa mga amo, sa
dayuhan, walang identidad, walang pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas, kung
gayon hindi sila mapapakinabangan ng Pilipinas,” ayon kay David Michael San Juan,

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
185
doktor mula sa De La Salle University-Manila at tagapagsalita ng Tanggol Wika (isang
alyansa na nais panatilihin ang Wikang Filipino sa kolehiyo).
Kaya maapektuhan nito ang potensiyal ng bansa para umunlad dahil hindi ito
nakaangkla o nakabatay sa pangangailangan ng bansa kundi sa dayuhan. Nakabase
ito sa pandaigdigang disenyo ng kapitalismo para pagkunan ng murang lakas-
paggawa para sa mas malalaking tubo at manatiling pagkukunan ng hilaw na
materyales ang Pilipinas, dagdag niya.
Sa ganitong balangkas, walang signipikanteng babaguhin ang K-to-12 sa
sitwasyon ng bansa. Bagkus, paiigtingin nito na bansot ang kaisipan ng mga Pilipino
at maging ang ekonomiya ng bansa; manatiling nakaasa sa dayuhan imbes na linangin
ang sariling potensyal ng Pilipinas.

Binuburang identidad
Katangian ng pagiging makadayuhan ng K-to-12 ang pagbura sa pagiging
makabayan ng mga Pilipino. Tulad ito ng ginawa ng mga Amerikano nang sakupin nila
ang bansa at atakihin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino sa pagbabawal ng
mga makabayang simbolo tulad ng watawat mismo ng Pilipinas.
Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon para likhain ang katangiang
pagiging sunud-sunuran at tanggapin ang mga mananakop.
Sa kurikulum ng K-to-12, ganito ang katulad na layunin – ang higit pang
bawasan ang mga asignaturang nakatuon sa pagbibigay ng makabayang identidad sa
mga Pilipino para tanggapin ang mga dayuhang interes at programa.
Inatake ng K-to-12 ang general education curriculum sa bansa para sa
layuning ito, ayon kay Jonathan Geronimo, guro mula sa University of Santo Tomas
at secretary-general ng ACT-private schools.
“Sa disenyo ng ating Batas Pambansa para sa tertiary education inililinaw ang
papel ng general education curriculum sa paghubog ng kasanayan ng ating mga mag-
aaral. Inililinaw din nito ang paghubog sa kanila bilang makataong mga mamamayan
ng Pilipinas na mag-aambag sa pambansang kaunlaran,” ayon kay Geronimo.
Dagdag pa niya, unang inatake sa bagong general education
curriculum ang social sciences at humanities dahil dito nahuhubog ang kritikal na pag-
iisip ng mga mag-aaral.
Ayon kay Louie Zabala, guro ng social studies sa FG Calderon High School sa
Tondo, Manila, kulang na kulang ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa
kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Lubha itong nakakabahala dahil mahalaga ito sa
isang tao na magkaroon ng identidad.
“Nakakalungkot kapag tinanong mo sa mga mag-aaral kung sino si (Andres)
Bonifacio. Ang sagot nila’y siya daw ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa
Cavite. Sadyang kulang na kulang ang panahon para sa pagtuturo ng napakahalagang
yugto ng kanilang pagka-Pilipino. (Tapos) babawasan o tatanggalin pa sa K-to-12,”
paliwanag ni Zabala.
Tinatanggal din ng gobyerno maging ang mga asignaturang Wikang Filipino,
Philippine Constitution and Government, at Philippine Literature sa kolehiyo.
Kasalukuyan namang naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining
order(TRO) sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.
Para kay San Juan, malinaw ang layunin ng pagtatanggal na ito: Palabnawin
ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.
“Kung walang pagpapahalaga ang isang mamamayan sa kanyang pagiging
Pilipino, hindi mo siya aasahang makakatulong para mapaunlad hindi lamang sa
ekonomiya ng bansa kundi maging sa kultural at politikal na aspeto nito,” paliwanag ni
San Juan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
186
Dalawang klasrum sa Batasan National High School. Ang isa ay may bentilasyon, ang isa ay wala.

Layunin nito na tanggalin ang kritikal na pag-iisip at magkaroon lang ng sapat


na kaalaman para sa pangangailangan ng mga negosyante. Magkakaroon ng mga
manggagawang hindi tututol sa kontra-manggagawang polisiya ng mababang
pasahod, wala o kulang na benepisyo, kontraktuwal, at walang unyon.
Pagbansot ito sa kaalaman at paliitin ang pagtingin sa kakayahan ng Pilipino
para manatiling nakaasa sa dayuhan. Sa ganitong balangkas, hindi iisipin ng mga
Pilipino na paunlarin ang sariling ekonomiya at linangin ang sarili nitong likas na
yaman.

Kumikitang sistema
Nangangahulugan na dagdag-gastusin ang dagdag na dalawang taon sa K-to-
12 para sa mga magulang. Pero para sa pribadong mga paaralan, dagdag na kita o
tubo ito para sa kanila.
Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sektor ng edukasyon, hindi pa rin
natutugunan ng gobyerno ang mga kakulangan sa batayang mga pangangailangan sa
edukasyon.
Tinatayang nasa 23,928,335 ang kulang na mga libro at modules, nasa 57,167
guro, nasa 112,942 klasrum, at maging ng mga paaralan.
Sa ulat mismo ng DepEd sa Kamara, nasa 800,000 hanggang 1.1 milyong
mag-aaral sa senior high school ang kayang tanggapin ng mga publikong paaralan sa
susunod na taon kahit na iaasahan pang lumaki ang bilang ng papasok sa senior high
schoolsa 1.6 milyon sa taong iyon.
Dahil sa walang pasilidad ang gobyerno para sa mga papasok sa senior high
school, sa pribadong mga paaralan sila itutulak ng K-to-12 at hindi ito magiging libre.
Katunayan, nasa 60 porsiyento lang sa mga mag-aaral ang kayang tanggapin ng
pamublikong mga paaralan ngayong taon. Sa pribadong paaralan inaasahang
mapupunta ang 40 porsiyento sa kanila. Ang iba, tiyak na dimakakapag-aral o o
magiging magdrop-out.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
187
“Kaya nga sa pampublikong mga paaralan dinadala ng mga magulang ang
kanilang mga anak dahil hindi nila kaya ang pribadong paaralan. Bakit ipagpipilitan ng
gobyerno na ipasok sila sa pribadong mga paaralan? Iba ang antas ng gastusin doon,
halimbawa sa uniporme, mga libro, projects, at iba pa ay sadyang malayung-malayo
sa gastusin sa publikong paaralan,” ayon kay Aries Gupit, tagapagsalita ng League of
Filipino Students.
Ayon sa Anakbayan, aabot sa 800,000 hanggang 1.4 milyong kabataan ang
magigingdrop-out dahil sa K-to-12.
Sa National Capital Region pa lang, siyam sa sampung (o 287 sa 330) paaralan
na inaprubahan na magbigay ng senior high school ay pribadong mga paaralan. Nasa
dalawa lamang sa sampung (o 43 sa 247) pampublikong hayskul sa rehiyon ang
makakapagbigay ng senior high school. Sa Caloocan, Makati, Parañaque, at San
Juan, walang pampublikong hayskul ang magbibigay ng senior high school, ayon sa
League of Filipino Students.
Kasabay ito ng pagpayag ng DepEd sa 1,245 na pribadong paaralan na
magtaas ng matrikula mula 1.25 porsiyento hanggang 29 porsiyento ngayong
pasukan.
“Hindi papayag ang pribadong mga paaralan na ipagamit ang kanilang mga
pasilidad nang libre. Malinaw na may bayad ito. Ibig sabihin, hindi ka makakapag-aral
na wala kang pera,” ani Benjie Valbuena, tagapangulo ng ACT.
Bilang “solusyon,” voucher system ang pinatutupad ng gobyerno. Tutugunan
umano ng gobyerno ang bayarin sa pribadong mga paaralan. Pero hindi nito
matutugunan ang buong bayarin.
Sa ilalim ng voucher system nasa P16,500 hanggang P22,500 lang ang
sasagutin ng gobyerno. Nasa P25,000 hanggang P70,000 ang nasa average na
matrikula sa pribadong mga paaralan.
Taliwas ito kung sa nakasaad sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas na
dapat libre ang batayang edukasyon at nasisiguro ito ng gobyerno sa kanyang
mamamayan.
“At kung saka-sakaling matugunan man ng gobyerno ang buong matrikula ng
isang bata, kung sakali lang, sa pribado pa rin ito mapupunta. Ang private schools pa
rin ang tiyak na panalo rito. Sa halip na naglalaan ng sapat na pondo para sa
pampublikong mga paaralan dinadala ito ng gobyerno sa pribadong mga paaralan,”
ayon kay Valbuena.
Maliban pa rito, aabot sa P100,000 hanggang P200,000 ang magiging dagdag-
na-gastos ng isang mag-aaral sa dagdag na dalawang taon, ayon sa Anakbayan.
Kung gayon, hindi pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa ilalim ng K-to-12, kundi
kung paano mapapaigting ang negosyo sa edukasyon mula sa gastusin sa mga
paaralan hanggang sa kikitain ng mga nagmamay-ari ng paaralan, ayon sa ACT.
“Mas pinalala pa ito ng katotohanang mismong gobyerno ang siyang
nagtutulak sa ganitong sistema sa halip na hatakin ng gobyerno ang mga kabataan sa
paaralan,” ayon kay Valbuena.

Tanggalan, kontraktuwalisasyon
Paglikha ng trabaho ang isa sa layunin umano ng programang K-to-12 ayon sa
gobyerno. Pero sa pagtahak sa daan ng K-to-12, nasa 100,000 guro at kawani ang
inaasahang mawawalan ng trabaho dito lalo’t higit ang mga kontraktuwal.
Wala umanong konsultasyon, partikular sa mga guro, ang naganap bago ipinatupad
ang programa, ayon kay Geronimo.
“Binalewala ng gobyerno ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagbuo
ng ganito kalalaki na batas, na makakaapekto din sa sektor-paggawa at siyempre sa
mga guro. Sa kalakhan ay kalakaran ng edukasyon ng Pilipinas,” ayon kay Geronimo.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
188
Inaasahan kasi na maaapektuhan ang mga guro sa kolehiyo dahil magkakaroon ng
tigil na enrolment sa unang taon sa kolehiyo. At dahil nakadisenyo din ang K-to-12
para itulak na lang magtrabaho ang magtatapos ng senior high school, inaasahang
bababa ang mga papasok sa kolehiyo.
Gayundin, inaasahang tatanggalin nito ang iba pang asignatura sa kolehiyo.
Bagama’t may TRO ang Korte Suprema sa Wikang Filipino, nagpapatuloy pa rin ang
laban para dito.
“Wala ring malinaw o kongkretong plano ang gobyerno sa mga mawawalan ng
trabaho sa dahil sa K-to-12,” ayon Geronimo.
Pinapangambahan din na gawing porma ng union-busting ang hakbang na
pagbabawas ng mga guro sa kolehiyo lalo na ang mga organisado at mga miyembro
ng unyon.
“Marami sa mga unyon natin ang inaatake dahil sa pagsasagawa nila ng
mga forumat mga pagkilos laban sa K to 12. Dahil alam nilang gaganansya sila, tutubo
sila ng malaki sa K to 12 na ito,” dagdag ni Geronimo.
Halimbawa umano nito ang nangyari sa presidente ng unyon ng Adamson University.
Tinanggal diumano siya dahil sa nalamang nakikiisa siya sa laban sa K to 12 at
aktibong lumalahok sa ACT.
Para naman sa pribadong mga paaralan, hindi ito nangangahulugan ng
kasiguraduhan sa trabaho. Tiyak na inaasahang mas iigting ang kontraktuwalisasyon
dahil sa negosyong katangian ng mga ito para kumita nang mas malaki.
Dahil sa inaaasahang mamawalan ng trabaho ang mga nasa kolehiyo, itutulak sila ng
K to 12 sa senior high school o basic education. Pero hindi ito magiging madaling
transisyon.
“Kapag nag-apply ka sa senior high school, kinakailangan na mag-re-apply ka.
Somay reapplication na magaganap. At kung ano ang mga kondisyon ang ipapataw
ngsenior high school na ito ay walang magagawa ang ating mga kaguruan kundi
tanggapin dahil may mga taong walang estudyante ang kolehiyo,” ayon kay Geronimo,
kabilang na dito ang sistema ng kontraktuwalisasyon.
Kakaharapin din ng mga guro sa teriary education ang freeze promotion dahil
sa paparating na transisyon ng K-to -12 sa 2016.
“Dahil nga sa programang ito na walang kahandaan at basta na lang
sasagasaan ang mga karapatan at prebilehiyo ng isang karaniwang guro, sa pribado
man o publikong sektor ng edukasyon,” ayon kay Gernonimo.

Hindi totoong handa


Isa sa mga katangian ng K-to-12 ang multi-media approach nito. Ibig sabihin,
kakailanganin ang mga kagamitan o gadgets gaya ng projector, computer, at iba pang
teknolohiya.
Pero sa kalagayan na nananatiling kulang-kulang maging ang batayang mga
pangangailangan sa sektor ng edukasyon taun-taon, tila magiging dagdag na
problema ang K-to-12.
Ang mga naitalang kakulangan ng ACT ngayong pasukan; nasa 112,942 na
klasrum (59,671 ma klasrum ang nakabadyet ang hindi naipatayo ng DepEd noong
2014), hindi bababa sa 23,928,335 na textbooks (12,775,823 ang dapat naitapos na
noong nakaraang taon), at 57, 167 guro.
Gayundin, nasa 4,281 paaralan ang walang suplay ng tubig (16,920 water
supply project ang hindi nagawa ng DepEd noong 2014) at nasa 10,514 ang walang
serbisyon ng kuryente, ayon sa ACT.
Hindi rin umano natupad ang 34,935 na mga equipment sa siyensiya at
matematika at 10,383 ICT (information and communications

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
189
technology) packages noong 2014. Nasa 395 internet connectivity projects ang hindi
rin naipatupad.
Ayon sa ACT, ilan lamang ang mga ito sa bigong matugunan ng DepEd para
sa implementasyon ng badyet na ibinigay noong 2014. Hindi lamang ito isyu
ngmismanagement, isa umano itong tahasang pagpapabaya sa responsabilidad ng
DepEd.
“Kung ang batayang mga pangangailangan na ito ay hindi pa rin matugunan
ng gobyerno, paano pa ang pangangailangan para sa K-to-12? Paano ang mga nasa
malalayong lugar na walang kuryente o, sa malala, walang klasrum? Hindi alamat ang
mga nagkaklase sa ilalim ng puno sa Pilipinas. Reyalidad ito hanggang ngayon,” ayon
kay Joy Martinez, bise-presidente ng ACT.
Upang maisakatuparan ang layunin ng K-to-12, kakailangang ilaan ang 6-8
porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Pero nasa dalawang
porsiyento lang ng GDP ang kasalukuyang inilalaan ng gobyerno.
Problema pa rin mula noong unang taon (2012) na ipinatupad ang K-to-12
angmodules na gagamitin dapat ng mga guro sa pagtuturo ng bagong kurikulum.
“Magmula pa lang sa Grade 7 ng K-to-12, kulang na kulang na ang materyales.
Darating ang materyales fourth grading na, ano ang mangyayari sa
unang lessonsnila?” ani Solita Daz, guro mula sa Raja Soliman Science and
Technology High School.
Dagdag pa ni Daz, dahil sa kulang ang mga modules at libro, ang mga guro
ang natutulak na magpa-xerox. Kaya naman maging ang mga mag-aaral, dumudukot
sa kanilang sariling mga bulsa.
Maliban pa rito, minadali ang pagsasanay ng mga guro na isasabak sa K-to-
12. Ang iba nga, ikinamatay ang trainings na ito, ayon sa ACT.
“Paanong naging handa kung minamadali? Paanong handa kung kulang-
kulang pa rin? Wala pa rin tayong sapat na badyet? Isinasakripisyo ang kalidad at
karapatan sa edukasyon ng henerasyong ito dahil sa pilit na pagpapatupad ng K to
12,” ayon kay Valbuena.

Layunin at tungkulin
Tila maganda ang layunin ng K-to-12 para paunlarin ang edukasyon sa
Pilipinas. Pero laging maiiwan na tanong sa programa nito, para kanino papaunlarin
ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas?
Ang pagkakaroon ng edukasyon ang inaasahan ng maraming pamilyang
Pilipino para makaahon sa kahirapan. Kaya naman isa ito sa pangunahing
pinaglalaanang gastusin ng pamilyang Pilipino. Ang makapagtapos ang kanilang mga
anak at magkaroon ng magandang buhay.
Laging tungkulin ng mga mamamayan na hingin mula sa kanilang gobyerno,
hindi lamang ang pagkakaroon ng edukasyon, kundi ang edukasyong tunay na para
sa kanila at tunay na para sa bayan.
Batay sa nakikita natin ngayon, hindi ganito ang edukasyong mayroon ang
Pilipino sa kasalukuyan.

Pinagkunan:http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang-
edukasyon-sa-pilipinas/

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais ipahayag ng artikulo?
2. Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng
artikulo? Bakit?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
190
Gawain 3. Magmungkahi Ka
Bilang mag-aaral, magmungkahi ka nga ng mga pamamaraan na
makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa. Isulat
ang iyong sagot sa dalawang pahina ng aklat na nasa ibaba.

Magaling! Natapos mo na ang mga gawain!

Transisyon sa Susunod na Aralin

Naunawaan mo ang mga problema o suliraning kinakaharap


ng sektor ng edukasyon. Malaki ang papel mo sa pagpapataas ng
kalidad ng edukasyon sa bansa lalo na kapag ang mga mungkahi mo
ay nagampanan mo sa iyong lebel o sitwasyon.

Sa susunod na aralin naman ay pagtuunan natin ang


kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko tungo sa pagkakaroon ng isang pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
191
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
192
Modyul
18 Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan:
Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko
(Civic Engagement)

ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman
tungkol sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko (civic engagement).
Hihikayatin ka ng araling ito upang maging aktibo mamamayan sa
pakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.

Gawain. May Magagawa Ako


Basahin ang teksto at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Ang Magagawa Ko Upang Maging


Halimbawa Sa Aming Barangay
Ang ating Barangay,ay isang lugar kung saan nahuhubog ang ating
pagkatao,sa ating Barangay matatagpuan ang mga tao na una natin
makakasalamuha,gaya ng mga kalaro,kaibigan at mga taong maging parte
sa ating buhay.Dapat din nating gampanan ang ating tungkulin bilang isang
mamamayan.
Bilang isang kabataan at miyembro ng ating Barangay marami akong
bagay na magagawa upang mapabuti ang aking Barangay.Una ay ang
sumunod sa mga batas na pinnaiiral sa aming Barangay.Pangalawa ay
sumunod sa mga gawaing moral dahil nakabubuti ito sa ating
kapwa.Tutulong ako sa mga gawain sa Barangay at makikialan ako sa mga
nangyayari sa Barangay.Kinakailangan mapabuti ko ang relasyon ng bawat
tao sa aming Barangay.At ang pagsuporta sa mga batas at pakikilahok sa
mga gawaing sa Barangay na nagdudulot ng kapayapaan,pagkakaisa at
kaayusan ng aming Barangay.
Bilang isang mabuting mamamayan ng ating Barangay,dapat maging
alisto tayo.Huwag tayong maging bulag sa mga nangyayari sa ating
paligid.Dapat tayong makialam sapagkat malaki ang ating maitutulong sa
pag-unlad ng ating Barangay.

Pinagkunan:http://www.millionmiler.com/philippines/20Project/Learning_Center_Project/Doc
ument_by_teacher/tinago%20Learning%20center/A&E/ang_magagawa_ko_upang_maging_
hal.htm

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe ng artikulo?
2. Ano-anong magagandang katangian ng mamamayan ang
inilahad?
3. Sang-ayon ka ba sa nabanggit sa artikulo? Bakit?
PAUNLARIN

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
193
Matapos mong mailahad ang iyong saloobin sa mga katangian
ng isang aktibong mamamayan, ngayon naman ay iyong lilinangin ang
mga kaalaman sa tulong teksto at gawain na inihanda upang maging
batayan mo ng impormasyon. Halina’t umpisahan na natin.

Basahin at Unawain

Sibiko
Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
Noong unang panahon sa lipunang Pranses, tinatawag na civique ang isang
mamamayang nakapagbuwis ng buhay para sa kaniyang kapuwa. Naipagpapalit ito sa
salitang civil o ‘sibilyan’ na isang indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi
nanunungkulan bilang sundalo subalit nakatutulong nang malaki sa kaniyang bayan.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang sibiko upang pormal na tukuyin ang mga
mamamayang bumubuo ng lipunan. Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga
katagang “kagalingan” o welfare.

Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang


makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabu- tihang ito ay natatamasa
sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapuwa
mamamayan.

Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang may kamalayang


pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan.

Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa


kaniyang kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang
lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan.

Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang walang inaasahang kapalit, at bayanihan ay


mga susing katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko.

Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang pagsasama-sama ng


mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang pamumuhay lalo na ang
pinakamahihirap.

Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa


edukasyon, kalikasan, kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan

Mula sa maliliit na bagay tulad ng pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalye


hanggang sa malalaking bagay tulad ng pagpaplano para sa pagtatayo ng kabuhayan sa
isang komunidad ay maituturing na kagalingang panlipunan na nag-uugat sa gawaing
pansibiko.

Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang


paraan ng pagtiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya,
nagsasarili, at kontento sa kanilang pamunuan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
194
Malaya nilang naipapahayag ang sarili at nagagawa ang gusto nang di lumalabis sa
itinakda ng batas. Nagsasarili sila at kayang sustentuhan ang sarili at pamilya. Kontento
sila sa pamamalakad ng pamahalaan at sinusuportahan nila ito

Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapuwa.


Dahil dito, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Nagkukusang- loob
silang mapagling- kuran lalo na ang mahi- hirap at nakabababa.

Kumikilos sila at tumutugon sa pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan o


walang kumpas ng pamahalaan. May sarili silang motibo at ito ay ang masidhing
pagnanasang makapaglingkod sa kapuwa kahit walang posisyon at kabayaran.

Mahalaga ang kagalingang pansibiko:


- Dahil tinitiyak nitong ang bawat mamamayan ay nabubuhay nang matiwasay at
payapa.
- Higit na mapadadali ang serbisyo publiko kung ang bawat isa ay handa sa
paglilingkod at pagtulong.
- Mas malawak ang maaabot ng mga ahensiyang pampamahalaan kung
magsasama-sama ang mga institusyong binubuo ng mga indibidwal na ang motibo
ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/EDITHAHONRADEZ1/yunit-iv-aralin-5-kahulugan-at-
kahalagahan-ng-gawaing-pansibiko-72304237

Pakikilahok
Narinig mo na ba ang kasabihang “ang dalawang utak ay mas mabuti kaysa
isa?” Natatandaan mo pa ba kung paano natin maaabot ang pag-unlad sa ating
komunidad?

Sinabi nating ang napaunlad na komunidad ay isang komunidad na nagsasarili


at kayang tugunan ang mga sariling pangangailan nito. Sinabi rin natin sa naunang
bahagi ng modyul na ang anumang proyekto o aktibidad na pangkomunidad ay dapat
na nakabatay sa pangangailangan ng mga tao sa komunidad.

Ang pakikilahok ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga proyekto o aktibidad


sa komunidad dahil ang mga tao ay natututo kung paano haharapin ang mga
pangangailangang pangkomunidad. Ang mga proyekto o aktibidad na ito ay
nangangailangan ng tulong ng lahat sa komunidad at kinakailangan din maipagpatuloy
ang mga ito. Mula sa pakikilahok, natututong magsarili ang mga tao. Natutunan din
nila kung papaano gagamitin ang yamang (resources) pangkomunidad at maging
yaong galing sa labas. Mayroong konsepto ng pagaari (sense of ownership) para sa
mga residente sa mga proyekto o aktibidad para sa kaunlaran. Ang pakikilahok ng
mga tao ay maaaring tumungo sa pagkakaisa at pagkilos nila. Ang pagkakaisa at
pagkilos ay maaaring tumungo sa mas maraming pamimilian (options) sa pag-iisip ng
mas mabubuting proyekto o aktibidad na maaaring makatulong sa komunidad.

Bilang isang nakikilahok na kasapi ng iyong komunidad, mayroon kang papel


na dapat gampanan sa pagtugon sa mga problema ng iyong komunidad. Isa sa mga
papel na ito ay ang iyong pagiging instrumento o ahente ng pagbabago (agent of
change).

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
195
Ang isang taong instrumento o ahente ng pagbabago ay maaaring magpadaloy
ng pagbabago sa komunidad batay sa kayang mga obserbasyon hinggil sa
komunidad. Isang halimbawa nito ay ang isang tao na maaaring magpakilala ng mga
panibagong pamamaraan o teknolohiya sa pangingisda. Ang taong ito ay maaaring
may kakilalang tao o institusyon na maaaring makapagturo sa mga kapwa
mangingisda ukol sa mga makabagong paraan at teknolohiya sa pangingisda.

Maaari ka ring maging boluntaryo sa alinmang proyektong pangkaunlaran ng


komunidad. Bilang residente ng iyong komunidad, inaasahang kumuha ka ng aktibong
bahagi at ibigay ang iyong buong suporta sa mga proyekto.

Liban dito, ikaw ay maaari ding magsilbing linya sa mga iba’t ibang eksperto
sa anumang larangan ng pag-aaral na maaaring makatulong sa inyong komunidad sa
pagharap sa mga problema nito. Ito ay maaaring doktor, ekolohista, enhinyero,
manananggol o sinumang maaaring makatulong upang harapin ang mga suliranin ng
komunidad.

Narito ang ilan sa mga programa at proyekto na maaaring lahukan ng mga ordinaryong
Pilipino tulad mo:

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
196
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
197
Karamihan sa mga proyekto ng nakalista ay pinangungunahan ng iba’t ibang
ahensiya ng gobyerno tulad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Kagawaran ng
Panlipunang Kagalingan at Pagpapa-unlad (DSWD), Kagawaran ng Kalusugan
(DOH), at Kagawaran ng Agrikultura (DA). 37 May ilang proyekto ang
pinangungunahan at ipinapatupad ng pribadong sektor at mga non-government
organizations.

Mayroon ding ilang proyektong ipinapatupad ng mga grupong naka-base sa


komunidad, tulad ng Sangguniang Barangay, Parent-Teachers Association, grupo ng
mga magsasaka at mangingisda, organisasyon ng kabataan, at asosasyon ng mga
nanay.

Pinagkunan: https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/pakikilahok-sa-pagpapaunlad-ng-kumunidad.pdf

Gawain 2. Ang Programa sa Aming Barangay


Sa mga nabanggit na proyekto at programang naglalayong mapabuti ang
pamayanan, ang mga kadalasang programa sa aming barangay ay ang sumusunod:

Mga Programa sa Aming Barangay:

Batay sa mga nakalista sa taas, ako ay lumahok sa sumusunod na programa:

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
198
Matapos mong matukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping publiko
at ang iba’t ibang mga gawaing pansibiko sa pamayanan, maaari ka
nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin.

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ay palalawakin mo bilang mag-aaral ang mga
nabuo mong kaalaman tungkol sa paglahok sa gawaing pansibiko.
Kinakailangan ang mas malalim na pag-unawa sa mga gawaing
pansibiko upang masuri ang kahalagahan nito sa buhay ng isang
mamamayan.

Gawain 3. Halina, Magtulungan Tayo!


Basahin ang kuwento sa ibaba at tulungan si Mang Pepe at ang kanyang mga
kapitbahay sa pagharap sa mga suliranin ng kanilang komunidad.

Limang taon nang nakatira si Mang Pepe sa Barangay Lumang Lipunan. Sa


limang taon niyang paninirahan sa komunidad ay marami nang suliranin ang
kanyang napansin. Ang kanilang komunidad ay may problema sa basura, kawalan
ng mga pasilidad sa kalusugan, malubhang pagsusugal ng mga kabataan, at
malnutrisyon sa mga bata. Gusto niyang makatulong upang maresolba ang mga
suliraning ito.
Bandang huli ay nag-desisyon si Mang Pepe na kausapin ang kanilang Punong
Barangay. Inilatag at tinalakay niya ang kanyang mga oberbasyon sa kanilang
komunidad. Si Ka Siso, ang bagong halal na Punong Barangay, ay mayroon ding
katulad na mga obserbasyon. Dahil dito ay siniguro niya kay Mang Pepe na
tatalakayin niya ito sa mga konsehal ng komunidad.
Matapos ang dalawang linggo, nagpasya ang mga lider-komunidad na
magdaos ng pagpupulong at konsultasyon sa mga residente. Ang bawat opisyal
ng komunidad ay naging masigasig sa pag-imbita sa bawat residente upang
dumalo sa mga pulong. Ang kanilang mga pulong ay tumutok sa mga problema at
pangangailangan ng komunidad. Ang lahat ng residente ay nakadalo sa mga
pulong.
Tinalakay nila sa pulong ang mga obserbasyon ni Mang Pepe. Ang karamihan
sa mga residente ay mayroon ding ganoong mga obserbasyon at nagnanais na
ang mga obserbasyong ito sa kanilang komunidad ay mabigyang solusyon.
Napagtanto nilang lahat na ang mga ito ay suliranin ng kanilang komunidad at
nakaaapekto rin sa kanila at sa kanilang mga pamilya.
Nagpasyang kumilos ang mga lider at residente, kasama na si Mang Pepe
upang harapin ang kanilang mga problemang pangkomunidad. Nagpasya silang
magbuo ng mga komite na siyang mangangasiwa para sa bawat problemang
natukoy ng mga tao.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
199
Pamprosesong Tanong:
1. Si Mang Pepe ay isang ahente ng pagbabago sa Barangay Lumang
Lipunan. Ano ang kanyang ginawa upang siya ay maging ahente
ng pagbabago?
2. Kung ikaw si Mang Pepe, paano mo hihikayatin ang pakikilahok ng
iyong mga kapitbahay upang sumali sila sa mga aktibidad at
proyektong pangkomunidad?
3. Sa iyong pagtingin, magtatagumpay ba si Mang Pepe, ang
pamunuan at mga residente ng Barangay Lumang Lipunan sa
pagharap sa kanilang mga problemang pangkomunidad? Bakit?

Gawain 4. Makialam, Makiisa, Makilahok


Gumawa ng isang maikli ngunit makabuluhang kasabihan tungkol sa
pakikipagtulungan o pakikilahok sa mga gawain sa pamayanan.

Mahusay! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga inihandang gawain.

Transisyon sa Susunod na Aralin


Naunawaan mo na ang iba’t ibang gawaing pansibiko at nailahad mo na rin
ang mga programa sa iyong barangay. Sa sunod na aralin, naman ay bibigyang
tuon ang epekto ng pakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko at
pampulitika.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
200
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
201
Modyul
19 Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan:
Epekto ng Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko
at Politikal

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang katangian na dapat taglayin ng
isang mamamayan na nakikilahok sa iba’t-ibang gawain at usaping
pansibiko, sa bahaging ito ay pag-aaralan mo naman ang mga epekto
ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko at
pampulitika.

Gawain 1. May Epekto Ba? Ano Kaya?


Tukuyin ang epekto ng sumusunod na larawan. Isulat ang sagot sa patlang.

1.

Pinagkunan:
http://sanjoaquin.weebly.c
om/clean-and-green-
program.html

2.

Pinagkunan:
http://contestantno3.blogs
pot.com/2013/09/yes-to-
green-program-ynares-
eco-system.html

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
202
3.

Pinagkunan:
https://lainerz.wordpress
.com/2010/06/08/observ
ing-the-2010-philippine-
elections/

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4.

Pinagkunan:
http://newsinfo.inquir
er.net/573288/groups
-protest-power-rate-
hike-at-meralco-
branches

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAUNLARIN

Matapos mong mailahad ang iyong saloobin ukol sa epekto ng


pakikilahok sa gawaing pansibiko at pampulitika, ngayon naman ay
uunawain mo ang iba pang impormasyon tungkol sa gawaing
pampulitika at epekto ng pakikilahok dito. Inaaasahang magagabayan
ka ng inihandang teksto at gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
203
Gawain 2. MakibalitaTayo!
Kabataan hinimok na maging aktibo sa mga usaping pulitikal
Published November 21, 2008 5:46pm

MANILA – Hinimok ng isang lider ng Simbahang Katoliko nitong Biyernes


ang mga kabataan na aktibong lumahok sa mga pulitikal na aktibidad
particular sa gaganaping halalan sa 2010.

Sa naging panayam ng radio Veritas kay Masbate Bishop Joel Baylon,


pinuna nito na hindi lubos na nabibigyan ng pagkakataon ang mga
kabataan na makibahagi sa usaping politikal.

Mahalaga umano ang partisipasyon at boses ng mga kabataan sa mga


mahahalagang usapin na kinakaharap ng lipunan dahil sa kanila
manggagaling ang susunod na lider ng bansa, ayon kay Baylon,
tagapangulo ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishop
Conference of the Philippines.

Ngunit maliban umano sa Sangguniang Kabataan ay wala ng ibang


nilalahukan ang mga kabataan para magkaroon ng partisipasyon sa
pulitika.

Ikinalungkot din ng Obispo na maging sa halalan sa SK ay napasok narin


ito ng maruming sistema ng pulitika dahil sa mga nagaganap na bilihan ng
boto at iba pang pagmamaniobra.

Umaasa si Baylon na hahayaan ng mga magulang, pulitiko at iba pang may


pansariling interes, na makapagdesisyon ng Malaya ang mga kabataan
para sa kapakanan ng higit na nakararami.

Malaki umano ang dapat na gampanang papel ng mga kabataan upang


maging kapani-paniwala, malinis at tahimik ang gaganaping halalan sa
2010. – GMANews.TV

Pinagkunan: http://www.gmanetwork.com/news/story/134934/news/ulatfilipino/kabataan-
hinimok-na-maging-aktibo-sa-mga-usaping-pulitikal

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng balita?
2. Ayon sa balita, ano ang epekto ng pagiging aktibo sa usaping
pulitikal?
3. Sang-ayon ka ba sa sinasabi ni Obispo Baylon? Bakit?

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
204
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo
bilang mag-aaral ang nabuo mong kaalaman ukol sa epekto ng
pakikilahok sa usapin at gawaing pulitikal.

Basahin at Unawain

Pakikilahok sa barangay
Posted on September 20, 2016 Anton Pascual
Mga Kapanalig, napagpasiyahan kamakailan ng ating mga mambabatas na
ipagpaliban sa susunod na taon ang halalan ng barangay na dapat sana’y idaraos sa
katapusan ng Oktubre. Isang dahilang ibinigay ng mga mambabatas ay upang
maisabay na lang daw ang halalang ito sa pagpili ng mga delegado sa constitutional
convention kung sakaling ito ang magiging paraang mapagpapasiyahan para sa
pagbabago ng ating Saligang Batas. Sang-ayon sa pagpapaliban ang ating pangulo
sapagka’t maari rin daw bumaha ng pera mula sa droga sa nasabing halalan, lalo na’t
nagiging mainit ang kampanya ng pamahalaan laban dito.

Gaano nga ba kahalaga ang barangay bilang bahagi ng pamamahala sa ating lipunan?
Marahil marami sa atin ay ni hindi man lamang nakabisita pa sa opisina ng ating
barangay, o kaya naman ay hindi kilala ang ating kapitan o punong-barangay at mga
kagawad. Marahil ay napupunta lamang tayo sa barangay kapag kailangan natin ng
barangay clearance at sedula, o kung may gusto tayong ireklamong kapitbahay o
taong may nagawang masama sa atin; o kaya naman kung tayo ang ipinatawag dahil
may nagreklamo laban sa atin.

Totoong ang isang mahalagang gampanin ng barangay ang panatilihing maayos at


mapayapa ang kinasasakupan nitong mga pamayanan, kung kaya namamagitan ang
ating mga barangay officials sa mga nag-aalitan. Ito rin ang isa sa mga pinakikilos ng
kasalukuyang pamahalaan sa kampanya nito laban sa droga dahil higit na kilala ng
mga namumuno sa barangay ang mga tao. Pinapamagitan sa mga kagawad ng
barangay ang mga alitan at sigalot sapagka’t kung kayang maayos ang mga ito sa
mababang antas ng barangay, hindi na kailangang humantong pa ang mga hindi
pagkakaintindihan sa korte kung saan lalong tatagal ang pagresolba ng alitan.

Ang ating Simbahan ay kinakatigan ang ganitong prinsipyo sa kanyang mga katuruang
panlipunan. Tinatawag po itong prinsipyo ng subsidiarity. Sa ilalim ng prinsipyong ito,
kung may mga gampaning maaring isagawa ng mas mababang institusyon, hindi
makatarungang sakupin pa ito ng mga nakatataas na institutsyon. Batay sa prinsipyo
ng subsidiarity, makikita nating napakahalaga ng barangay. Sa kaisipan ng ating
Simbahan, sa pamamagitan ng mga institusyong nasa ibaba tulad ng mga barangay,
higit na maaring maging kabahagi ang mga tao sa buhay pulitikal at panlipunan ng
kanilang bansa.

Kung gayon, mga Kapanalig, ano naman kaya ang ibig sabihin nito para sa ating mga
mamamayan? Ayon sa ating Simbahan, ang maliwanag na implikasyon ng prinsipyo
ng subsidiarity ay ang ating aktibong partisipasyon o pakikilahok. Sa maikling salita,

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
205
may pakialam dapat tayo. Bilang indibidwal man o sa pamamagitan ng mga
organisasyon natin, tayo ay dapat nag-aambag sa pangkalahatang buhay ng
pamayanan at lipunan. Sinasabi pa ng Simbahan na dapat ay hindi limitado ang
pakikilahok na ito sa iilang larangan ng buhay ng pamayanan. Sa katunayan,
napakahalaga, ayon sa ating Simbahan, ang pakikilahok sa buhay panlipunan at
pampulitika.

Samakatuwid, napakahalagang ang mga mamamayan ay may tuwirang pakikilahok


sa kanilang barangay. Pinakasimpleng paraan na marahil ang dumalo sa mga
pinapatawag na asembliya o mga pagpupulong ng barangay. Halimbawa, inaalam ba
natin kung saan ginagastos ang pera ng barangay? Ikalawa, iparating natin sa
barangay ang mga suliranin ng ating pamayanan o kaya ay magbigay ng mga
mungkahi sa maaring gawing mga solusyon. Ikatlo, seryosohin at pagbutihin ang
pamimili ng mga pinuno ng barangay. Gamitin natin angpanahon ng pagpapaliban ng
barangay elections upang higit nating makilatis ang mga ginagawa ng ating barangay
at ang mga nagpapalakad nito.

Mga Kapanalig, ang mga mungkahing nabanggit hindi lamang upang tayo ay maging
mga mabuting mamamayan. Mga paraan ito ng ating pagtalima sa turo ng ating
Simbahan na makilahok sa pamamahala ng ating mga pamayanan upang maitaguyod
ang pangkalahatang kapakanan.

Sumainyoangkatotohanan.

Gawain 3. Pakikilahok, Epekto Mo!


Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa tekstong
binasa.

MGA PARAAN MGA EPEKTO

PAKIKILAHO
K SA USAPIN
AT GAWAING
PAMPULITIK
A

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
206
Gawain 4. Gra-EFFECT Organizer
Batay sa mga napag-aralang programa o gawaing pansibiko, magbigay ng
isang programa o gawaing pansibiko at suriin ang epekto ng pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing ito sa kabuhayan, pulitika, at lipunan.

Programa o Gawaing
Pansibiko:

___________________
__
Epekto ng pakikilahok ng mamamayan

Kabuhayan Pulitika Lipunan

Binabati Kita! Napaghusayan mong gawin ang mga gawain.

Transisyon sa Susunod na Aralin

Ang pakikilahok sa usapin at gawaing pansibiko at pampulitika


ay may positibong epekto sa kabuhayan, pulitika at lipunan. Ito ay
mahalaga sa buhay ng isang tao bilang bahagi ng pamayanan at bansa.
Dapat na mapanatili at mapalakas ng pakikilahok ng mamamayan
upang magkaroon ng isang pamayanan at bansang maunlad,
mapayapa at may pagkakaisa.

Kaugnaynito, isa pang mahalagang dapat bigyang-diin ay ang


kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan upang maging
magkatuwang sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ito ang pag-
aaralan natin sa susunod na modyul.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
207
Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
208
Modyul
20 Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan:
Kahalagahan ng Kooperasyon ng Mamamayan at
Pamahalaan

ALAMIN
Matapos mong maunawaan ang kahalagahan at epekto ng
pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pansibiko at
pampulitika, sa araling ito naman ay bibigyang-diin ang kahalagahan
ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan.

Gawain 1. ARALin Natin


Basahin ang maikling kuwento at ipahayag ang aral na maaari mong
matutunan sa kuwentong ito.

Isang araw, si Kamay, Bibig, at Ngipin ay nagsimulang magtalo.


Nagrereklamo sila sapagkat nakikita nila na walang ginagawa si Tiyan,
samantalang sila ay hirap na hirap magtrabaho. Ang nakikita nila ay ang
kani-kanilang paghihirap samantalang si Tiyan ay nagpapahinga lamang at
tanggap ng tanggap ng lahat ng kanilang pinagpaguran. Dahil sa kanilang
paniniwalang ito, nagkasundo sila Kamay, Bibig at Ngipin na titigil sila sa
kanilang Gawain. Kinabukasan, hindi na dinala ni Kamay ang pagkain kay
Bibig, wala ng ipinasang pagkain si Bibig kay Ngipin, at wala ng nginuyang
pagkain si Ngipin.

Hindi nagbilang araw, dahan-dahan nanghina ang buong katawan


at naramdaman ni Kamay, Bibig at Ngipin na sila man ay nanghihina na rin.
Dahil sa walang tinunaw na pagkain si Tiyan, walang enerhiyang
maipamahagi sa buong katawan kung kaya’t nakaramdan ang buong
katawan ng panghihina. Ito ang naging daan upang magbago ang dating
pananaw nila Kamay, bibig at Ngipin. Napagtanto nila na si Tiyan man pala
ay may mahalagang gawain bagaman di nila napapansin. Mahalagang
magkaisa ang bawat isa upang mapanatiling malusog hindi lamang ang
mga bahagi kundi maging ang buong katawan. (Halaw mula sa 500 Stories,
ni Frank Mihalic)

Pinagkunan: http://www.pagusapan.com/kooperasyon-%E2%80%93-isang-kwento/

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
209
Gawain 2. Picture Analysis
Suriin ang editorial cartoon na nasa ibaba. Ano ang iyong saloobin ng
ipinapahayag ng larawan?

Pinagkunan: http://pinoynewsmagazine.com/June2016index.html

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAUNLARIN
Matapos mong mailahad ang saloobin ukol sa editorial cartoon,
ngayon naman ay mas malalim mong uunawain ang mahalagang
konsepto ng kooperasyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto tungkol sa paksang ito.

Halina at umpisahan natin ang pagsagot sa mga gawain.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
210
Basahin at Unawain

Editoryal - Kooperasyon ng bawat isa ay kailangan


NIYAYANIG ng pagsabog ang maraming bahagi ng bansa. Mula nang
magkaroon ng pagsabog sa Bali, Indonesia, sinundan iyon ng pagsabog
sa isang shopping center sa Zamboanga City noong Huwebes kung saan
limang katao ang namatay at mahigit 140 ang nasugatan.

Ang pangyayari sa Zamboanga ay mabilis na kumalat dito sa Metro Manila.


Kamakalawa ng gabi, dakong alas-diyes, isang pampasaherong bus ang
sumabog sa Royal St. corner EDSA sa Balintawak at tatlo katao ang
kumpirmadong namatay. Bago ang pangyayaring iyon, isang granada ang
sumabog sa Makati flyover. Inulan ng bomb threat ang maraming
tanggapan ng pamahalaan, City Hall at maging ang Quiapo Church ay
nabulabog dahil sa bomba. Nabalot ng pangamba ang mamamayan.
Walang ipinagkaiba sa mga naganap na pambobomba noong Dec. 30,
2000 kung saan limang sunud-sunod na pagsabog ang naganap at marami
ang namatay. Ano pa ang susunod na mangyayari?

Bumagsak sa pinakamababang halaga ang peso, 53.29 laban sa dollar


dahil sa mga pambobomba. Nagbabala ang Britain at Australia sa kanilang
mamamayan na mag-ingat sa pagbisita sa Pilipinas.

Itinuturo ang mga bandidong Abu Sayyaf, Moro Islamic Liberation Front,
Jemaah Islamiya at mga komunista na may kagagawan sa mga sunud-
sunod na pambobomba. Hindi rin makaligtas sa paghihinala na ang mga
government troops ay nasa likod ng mga pambobomba. Lahat ay maaaring
paghinalaan sa pagkakataong ito.

Nakaharap sa mabigat na problema ang bansa. Mas nakatatakot ang


nangyayaring pagsabog na walang pinipili at sa isang iglap ay maraming
buhay na masasayang. Sa pagkakataong ito, ang kooperasyon ng bawat
mamamayan ay kailangan. Hindi dapat iasa sa gobyerno ang lahat para
maproteksiyunan ang mamamayan. Kinakailangang magtulung-tulong
para mapigilan ang mga naghahasik ng karahasan. Sa mga barangay ay
nararapat magkaroon ng paghahanda at maging alerto. Ireport ang mga
kahina-hinalang tao, ang mga walang lisensiyang sasakyan ay ipagbigay-
alam sa mga awtoridad at maging maingat sa mga mataong lugar gaya ng
malls. Maging matalas ang pakiramdam sa mga kahina-hinalang packages
upang maiwasan ang trahedya.

Lahat ay may papel para matulungan ang pamahalaan na gapiin ang mga
nagsasabog ng karahasan. Sa pagkakaisa, madudurog ang sumasaklot na
pangamba sa bansa dulot ng pambobomba.

Pinagkunan: http://www.philstar.com/opinyon/180657/editoryal-kooperasyon-ng-bawat-isa-
ay-kailangan

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
211
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nais ipahayag ng editoryal?
2. Sumasang-ayon ka bas a mensahe ng editoryal? Bakit?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maimumungkahi mo upang
mabigyan ng solusyon ang mga suliranin sa lipunan?

PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo
bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahalagahan
ng kooperasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa
aralin upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga
natutuhan.

Gawain 3. Makibalita Tayo


Pamahalaan, hiniling sa mga mamamayan ang kooperasyon sa panahon ng
kagipitan

Magtiwala at sumunod sa bilin ng mga lokal na pamahalaan tuwing nagsusungit ang


panahon.

Ito ang mga magkakahiwalay ngunit nagkakaisang panawagan nina Interior and local
Government Secretary Mar Roxas, Executive Secretary Jojo Ochoa at National
Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Alexander
Pama sa mga mamamayan bago pa man pagtulungan bayuhin ng Bagyong Mario at
ng hanging habagat ang halos buong Luzon.

Isa na rito ang paglikas sa mga ligtas na lugar o evacuation center kung ang tinitirahan
ay mababa o madaling bahain.

Sa MIMAROPA, naka-alerto ang mga ahensiyang kabilang sa Regional Disaster Risk


Reduction and Management Council, mga Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Council at mga katulad nitong mga organisasyon gaya ng City Disaster
Risk Reduction and Management Office at Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office sa posibleng epekto ng habagat sa rehiyon.

Agad naglabas ng mga babala ang mga substation ng Coast Guard District Southern
Luzon at Coast Guard District – Palawan sa mga sasakyan-dagat, maliit man o malaki
matapos makakuha ng abiso mmula sa Pagasa-DOST.

Naka-antabay naman ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP-Mimaropa)


sa lahat ng police provincial offices at Bureau of Fire Protection (BFP-Mimaropa) sa
posibleng suportang kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.

Nakababad naman pagbabantay ang Department of Health – Mimaropa samantalang


naghanda sa pagpoposisyon ng mga relief supply ang Department of Social Welfare
and Development para sa mga lugar at islang malalayo at mahirap mapuntahan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
212
Binuhay naman ng Department of Public Works and Highways – Mimaropa ang
kanilang mga Motor Vehicle User Charge teams at maintenance crew para sumugod
at magkumpuni ng mga masisirang kalsada at mababarahang lansangan.

Tulad ng Coast Guard, PNP at BFP, ang Red Cross ng Calapan at ang 4th Infantry
Battalion ng Philippine Army ay naghanda ng mga emergency - rescue unit para
sumagip ng mga taong masusugatan, maiipit sa kanilang binahang bahay at ibang
suportang kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.

Tuloy-tuloy naman ang pagdaloy ng impormasyon mula sa Office of Civil Defense –


Mimaropa (OCD-Mimaropa) na walang tigil na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na
pamahalaan at pang-rehiyong ahensiya.

At sa abot ng kanilang makakaya, sinikap ng Philippine Information Agency –


Mimaropa makatulong sa paghahatid ng mga impormasyong galing sa OCD-
Mimaropa, mga substation ng Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard
District Palawan at mga lokal na pamahalaan ng Romblon at Marinduque.

Kasama ng PIA-Mimaropa ang ilang mga kasamahan sa Philippine Broadcasting


Service-Radyo ng Bayan, People's Television Network-4 at mga kaibigan sa iba pang
media organization sa paghahatid ng mga balitang nangyayari sa rehiyon habang
binubuhusan ng ulan ng habagat. (Lyndon Plantilla)

Pinagkunan: http://opspia2004.blogspot.com/2014/09/pamahalaan-hiniling-sa-mga-mamamayan.html

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing impormasyon ang ipinahahatid ng balita?
2. Ano ang iyong reaksyon matapos mong basahin ang balita?
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka at ang iyong pamayanan ay
naaapektuhan ng isyung tinalakay? Patunayan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
213
Gawain 4. Sama-Sama Tayo
Matapos ang pagtalakay sa konsepto at kahalagahan ng kooperasyon ng
mamamayan at pamahalaan, inaasahang naunawaan mo kung paano ito nakaaapekto
sa buhay ng tao. Ang bawat isa ay may bahagi sa pagpapaunlad ng bansa. Ipahayag
ang saloobin sa mahahalagang isyung pampulitika na kinakaharap ng sariling
pamayanan at bansa. Gamit ang facebook status box, isulat mo dito ang iyong
saloobin.

Pinagkunan: http://homejobs-chandrasekar.blogspot.com/2015/12/blank-wall.html

ISABUHAY
Magsaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at
pulitikal ng mga mamamayan sa iyong sariling barangay.

Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay upang makakuha ng datos,


larawan at impormasyon tungkol sa pakikilahok ng mamamayan lalo na sa mga Clean
and Green Program o Rabus Activity at Barangay Assembly.

Binabati kita! Napagtagumpayan mong isagawa ang lahat ng gawain


sa araling ito. Nawa’y ang iyong mga natamong kaalaman at kasanayan ay
magamit mo upang maging mapanagutang mamamayan kasabay ng iyong
pagtamasa ng karapatan at kayamanan ng ating kapaligiran at pamayanan.

Aral Pan 10
OHSP Learner’s Material
214

You might also like