Marx Primer FNL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

SI KARL MARX AT

ANG MARXISMO
Sino si Karl Marx?

Si Karl Marx ay
isa sa mga taong
dakilang nag-ambag
sa pagsusulong ng
sangkatauhan tungo
sa pandaigdigang
lipunang malaya at
maunlad. Isinilang
siya noong Mayo 5, 1818 sa lungsod
ng Trier sa Germany. Bagama’t ang
magulang nya ay isang kilalang abogado,
katamtaman lamang ang kita ng pamilya
bilang mababang panggitnang burgesya.

Nabuhay sya sa panahong lubusang


nahinog na ang kapitalismo at litaw
na litaw na ang mga panlipunang
kontradiksyon sa pagitan ng burgesya
at proletaryado. Nagtatayo ang uring
manggagawa ng iba’t ibang organisasyon
at sinusubukan ang iba’t ibang taktika
sa pakikipaglaban sa burgesya.
Naglilitawan at nagkakahugis ang
mga ideya at teorya, na sumasalamin
sa mabilis na pag-unlad ng syensya,
produksyong pang-ekonomya, at
makauring pakikibaka.

2
Nahasa ang matalas na talino ng batang Marx
nang siya’y nag-aral sa isang unibersidad
sa Bonn at pagkatapos sa Berlin, dahil
napakasigla ang intelektwal na buhay sa
dalawang bantog na sentrong lunsod na ito.

Nagsimula siya sa pag-aaral ng batas,


nagsaliksik sa yaman ng pilosopiya, at sumulat
ng mga tula. Naging gawi niyang halukayin
ang kaalamang natamo ng mga naunang iskolar,
at mula rito binalangkas niya ang sariling
paninindigan. Ngunit hindi lamang libro
ang kanyang pinagkaabalahan, gumugol din
siya ng maraming masasayang panahon kasama
ang mga kaibigan. Dahil sa paggugol ng
kanyang panahon sa pananaliksik, pag-aaral
at pagsusulat, dumanas ang kanyang pamilya
ng mahabang panahon ng kahirapan.

Sa gitna ng kanyang pakikibaka para sa


pandaigdigang pagpapalaya, nakilala ni
Marx si Jenny von Westphalen, anak ng isang

3
mayamang opisyal ng Germany. Ikinasal sila
noong Hunyo 1843. May anim (6) silang anak,
sina Guido, Franziska, Edgar, Jenny, Laura
at Eleanor.

Ano ang Marxismo at


kabuluhan nito sa
manggagawa sa daigdig?

Ang Marxismo ang di magagaping sandata ng


uring proletaryado sa pag-aaral at pagbabago
ng daigdig na nadiskubre ni Karl Marx. Ito
ang teoryang nagpatuloy at nagkumpleto sa
tatlong pangunahing pang-ideolohiyang agos
sa kanyang panahon, ang ika-19 siglo. Ang mga
ito ang pinakasulong na kaisipan na naabot
ng sangkatauhan hanggang sa panahong iyon,
ang pilosopiyang umunlad sa Germany, ang
syensya sa ekonomyang pampulitika na umunlad
sa England, at ang kaisipang sosyalista na
umunlad sa France.

4
Sa kasalukuyan, ang Marxismo ang teoryang
gabay sa pakikibaka ng uring manggagawa
kasama ang iba pang inaaping uri sa buong
daigdig. Sa pamamagitan ng doktrina nito
ng sobrang halaga, natutunan ng uring
manggagawa ang mga batas ng paggalaw ng
lipunang kapitalista, at nalinaw niya na ang
pagbagsak ng kapitalismo at pagpalit dito ng
sosyalismo ay likas na tunguhin ng lipunan,
na tiyak na mangyayari anumang pagpigil ang
gawin ng uring kapitalista.

Tinukoy ng Marxismo ang uring proletaryado


bilang tunay na rebolusyonaryong uri dahil
tanging sila lamang, sa pusisyon at papel nito
sa produksyon, ang may kakayahang pawiin ang
kapitalistang lipunan at magtayo ng isang
lipunang bago, ang sosyalistang lipunan
tungong komunismo. Itinuro ng Marximo sa
uring manggagawa ang pagpoproletaryanisa o
pagiging mulat nito sa uri upang pagkaisahin
ang lahat ng uring pinagsasamantalahan sa
daigdig at magkaisa laban sa burgesya at iba
pang naghaharing-uri.

Higit itong pinagyaman ng mga humanay kila


Marx at Engels bilang mga dakilang guro ng
kilusang Komunistang sila Lenin, Stalin
at Mao at nagbigay-daan sa pag-unlad ng
teorya tungong Marxismo-Leninismo-Maoismo.
Ang inabot na pagsulong ng pakikibaka ng
uring manggagawa sa daigdig sa aral ng
Marxismo ay naghatid sa uring manggagawa at
iba pang inaaping uri sa bansang Rusya at

5
Tsina sa tagumpay ng burges-demokratiko at
sosyalistang rebolusyon.

At sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng uring


manggagawa at inaaping mamamayan sa daigdig
ang katumpakan ng Marxismo sa paglulunsad
ng rebolusyon laban sa imperyalismo at mga
lokal na naghaharing-uri.

6
Sino si Friedrich Engels
at ang naging ambag nya
sa Marxismo?
Si Friedrich Engels
ang naging matalik
na kaibigan ni Karl
Marx at katuwang
sa pagpapaunlad ng
Marxismo. Ipinanganak
sya noong 1820 sa
Barmen, probinsya
ng Rhine sa Germany
at nagmula sa isang
mayamang pamilyang
nagmamay-ari ng pabrika
ng tela sa kanilang
lugar. Sa maagang edad ay napilitan syang
magtrabaho sa pabrika ng pamilya ngunit
hindi lamang sya umupo sa opisina ng kanyang
ama. Nakipamuhay sya sa mga manggagawa at
tumungo sa marumi at masikip na tahanan ng
mga mahihirap.

Mula nang magkakilala, nagkaroon sina Marx


at Engels ng walang-kaparis na pagkakaibigan
at pagtutulungan. Ang kanilang pagtutulungan
ay makikita sa maraming nabuong teorya at
prinsipyo. Magkatulong sila ni Marx na
isinulat at inilathala ang lahat ng kanilang
isinulat at kolektibong pinag-isipan resulta
ng nagpapatuloy at lumalakas na paglaban ng
uring manggagawa sa iba’t ibang bahagi ng
Europa.

7
Ano ang nilalaman at
mga dakilang ambag ng
Marxismo?

Manipesto ng Partido
Komunista
Nailathala ito sa ikalawang
Kongreso ng Liga ng Komunista
noong 1848 kung saan
isinulat nila ang panawagang
“Mga manggagawa ng daigdig,
magkaisa!”. Dito makapangyarihang
isinalarawan nina Marx at Engels ang
lipunang Komunista na nagbigay-sigla
sa lahat ng naghahangad sa pagpawi ng
lahat ng anyo ng pagsasamantala at
pang-aapi sa daigdig. Nilalaman nito
ang batayang konklusyon ng Marxismo –
ang pilosopiya, ekonomyang pampulitika
kabilang ang krisis ng pandaigdigang
sistemang kapitalista at syentipikong
sosyalismo.

Hanggang sa kasalukuyan, 169 taon na ang


nakalilipas ay patuloy na pinatutunayan
ng pag-inog ng kasaysayan ng daigdig
ang katumpakan ng napakahalagang
dokumentong ito nina Marx at Engels.

8
Materyalismong Pilosopiya
Pinasaklaw ng Marxismo ang materyalismo
sa pag-unawa sa lipunan at mga batas na
nagpapasulong dito. Inilahad nito na ang
ultimong dahilan ng lahat ng mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ay nasa pagsulong
ng ekonomya ng lipunan. Ang naging pag-
unlad ng produksyon at palitan ay nagbunga
ng pagkakahati ng mga uri sa lipunan na
walang tigil na nagtutunggali.

Pangunahing tagumpay nito ang dialektika na


ayon kay Engels ay ang pag-aaral sa tunay na
paggalaw at ugnayan ng mga bagay na direktang
kasalungat ng “metapisika” na itinuturing
ang mga bagay na magkakahiwalay at walang
ugnayan sa isa’t isa.

Pinagsanib nina Marx at Engels ang


materyalismong diyalektiko bilang
pangunahing makapangyarihang sandata ng
uring proletaryado upang pag-aralan ang
lipunan at baguhin ito.

Isang dakilang tagumpay rin nito ang


materyalismong istoriko na nagpapakita
kung paano mula sa isang sistema ng buhay
panlipunan umuunlad ang isang mas mataas na
sistema bilang resulta ng pag-unlad ng mga
produktibong pwersa, partikular ang pwersa
sa paggawa – ang mamamayan. Ito ang nagbigay
sa sangkatauhan laluna sa uring manggagawa ng
makapangyarihang instrumento sa kaalaman at
nagpakita ng landas palabas sa pagkaaliping
syang kinasasadlakan ng lahat ng uring api.

9
Ekonomyang
Pampulitika
Sinuri ni Marx ang
pinagmumulan ng labis
na halaga at pagkatapos
ay pinag-aralan nya ang
pagkakahati nito sa
tubo, interes at upa sa
lupa. Ipinakita nya
na ang halaga ng bawat
kalakal ay itinatakda ng
sosyal na kinakailangang
oras paggawang (social
necessary labor time)
nagamit sa produksyon nito. Sinuri rin
ni Marx ang mga relasyon sa produksyon
sa kapitalistang lipunan mula sa simula
hanggang sa pag-unlad at paglalaho ng mga
ito.

Inilahad nito ang makauring paninindigan at


ang tunay na pusisyon ng uring proletaryado
sa pangkalahatang sistemang kapitalista.
Ipinaliwang nito ang pulitikal na
ekspresyon ng paglaya sa pribadong pag-aari
– ang pagpapalaya sa uring manggagawa na
sumasaklaw sa pagpapalaya sa sangkatauhan.
Ilan sa mga isinulat nina Marx at Engels
kaugnay dito ang Das Capital hanggang
Bolyum III at Sahod, Presyo at Tubo.

10
Syentipikong Sosyalismo
Ito ang sinasalamin ng kontradiksyon sa
pagitan ng pwersa sa produksyon at relasyon
sa produksyon ng kapitalismo sa kamalayan
unang-una ng uring manggagawa na pangunahing
pinahihirapan nito. Ito ay may batayang
pilosopikal (philosophical basis) – ang
materyalismong diyalektiko.

Kinatawan ng sosyalismong itinuro nila


Marx at Engels ang paninindigan sa uring
proletaryado bilang pinuno at magpapalaya
sa mga uring inaapi’t pinagsasamantalahan
sa buong daigdig, taliwas sa ipinamamandila
ng iba pang kaisipang sosyalismo na
nagtatanghal sa naman sa uring burgesya.
Kumpara rin sa paninindigan ng iba pang
kaisipang sosyalismo na mapayapang
makatutungo ang lipunan mula kapitalista
tungong sosyalista sa pamamagitan ng
pagkumbinsi sa mga naghahari, itinuturo
ng siyentipikong sosyalismo na makakamit
lamang ito sa pamamagitan ng isang radikal
na paraan na pagbabago ng lipunan – ang
rebolusyong sosyalista.

11
Ano ang kabuluhan ng
Marxismo sa rebolusyong
Pilipino?

Ang Marxismo ang nagsilbing gabay sa


pakikibaka ng mamamayang Pilipino upang
palayain ang sangkatauhan mula sa pang-
aapi’t pagsasamantala ng mga naghaharing-
uri sa bansa at sa daigdig, sa pamumuno
nito sa sarili sa pamamagitan ng Partido
Komunista– ang pinakaabanteng destakamento
ng proletaryado.

12
Ipinatanaw nito ang sosyalismo sa mamamayan
bilang di maiiwasang resulta ng pag-unlad
ng mga produktibong pwersa sa modernong
lipunan. Ipinakita rin nito ang kasaysayan
ng lipunang Pilipino bilang kasaysayan
ng tunggalian ng mga uri, kasaysayan ng
magkakasunod na paghahari at tagumpay ng
isang uri sa iba pang uri, at magpapatuloy
lamang ito hanggang sa ang mga pundasyon
ng tunggalian ng mga uri at ng makauring
paghahari ay maglaho. Ito ang matibay
na salalayang kailanma’y hindi bumigo sa
mamamayang Pilipino upang buong-giting na
isulong at higit pang isulong sa mas mataas na
antas ang demokratikong rebolusyong bayan.
Ipinapakita nito ang katumpakan ng Marxistang
linya at pagiging lapat sa kasalukuyang
kalagayan ng bansa at daigdig simula pa lamang
ng pagsibol nito. Lalo nitong pinatibay
at pinalakas ang diwang rebolusyonaryo
ng uring proletaryado at iba pang aping
mamamayan upang gampanan ang pandaigdigang
makasaysayang rebolusyonaryong tungkulin
nitong lumikha ng isang bagong lipunan, ang
lipunang sosyalista at sa hinaharap, ang
lipunang komunista.

13
Mga Sanggunian:

V.I. Lenin, Si Marx, Si Engels at ang


Marxismo

V.I. Lenin, Si Karl Marx, at ang


pinagmulan at tatlong (3) sangkap ng
Marxismo

CPI-ML, MLM History I

Wage, Labor and Capital

Economic and Philosophic Manuscripts

John Ure, Marx: An Introduction

Marxistang Doktrina

Friedrich Engels, Sosyalismo: Utopyan


at Ssiyentipiko

Inihanda ng:

14

You might also like