Black Pink

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Eunice Joisse P.

Gallego October 19, 2018


BSBA-MKMGT 1ST –A

Nagbago na ako

Hi , Hello mga simple at madaling bigkasin na mga salita


Ngunit tila parang ang hirap sabihin sa iba
Bakit nga ba pakiramdam ko na ang hirap nitong sabihin?
O baka natatakot lang ako na hindi nila ako pansinin

Oo, inaamin ko na mahiyain at tahimik ako sa una


Pero kapag nakilala niyo na, masasabi niyo na hindi naman pala
Pero sa napapansin ko parang ayaw ako kausap ng ibang tao
Nagsisipilyo at naliligo naman ako

Minsan tuloy nararamdaman ko na para bang ayaw sakin ng mga tao


Na para bang ang lamig-lamig sa akin ng mundo
Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na may mali ba sa sarili ko?
O sadyang ayaw lang ba talaga nila na makasama ako

Hay nako bakit ganito? bakit parang ang hirap pakisamahan ng ibang tao?
Na para bang sa bawat galaw o kilos mo ay may mga matang nakatingin sayo
Mabuti nalang nandyan ang pamilya at mga kaibigan ko
Na tanggap kung sino ba talaga ako

Sa paglipas ng mga araw napansin ko sa sarili ko na para bang may nagbago


Na para bang ang gaan-gaan ng mga araw na ito
Ewan ko ba o pakiramdam ko lang ba ito?
O talaga nga bang may nagbago na sa sarili ko?
Baka naman kasi dahil ito sa asignatura o klase na pinapasukan ko
Dahil sa mga tinuturo ng guro ay nakikinig ako
Hay nako basta pakiramdam ko talaga na may nagbago
Na mas nakilala ko pa ang sarili ko at mas natuto na ako

Natuto na ako na makihalubilo sa mga tao at magpakatotoo


Na hindi na iniisip ang sasabihin ng ibang tao
Basta ang alam ko sa sarili ko na tama ang ginagawa ko
Na wala akong sinasaktan at tinatapakan na ibang tao

You might also like