Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALAN NG PANGARAP

PAUNANG PAGSUSULIT
FILIPINO- Baytang 9

Pangalan:_______________________________ Pangkat/Antas:_____________________
Marka:____________ Guro:__________________

Pangkalahatang Direksyon: Basahin nang mabuti ang direksyon sa bawat bahagi ng pagsusulit. Piliin Ang
MALAKING letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
A. Mga Datos: Piliin ang angkop na impormasyon mula sa dalawang pagpipilian ukol sa pagkakasulat ng
Noli Me Tangere. Isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Kahulugan ng pamagat A. kanser ng lipunan B. Huwag Mo Akong Salingin


______2.Petsa nang matapos itong sulatin A. Pebrero 21, 1887 B. Marso 18, 1887
______3.Lugar ng Pinaglimbagan A. Gante, Belhika B. Berlin, Alemanya

B.Pagkilala sa mga Tauhan: Tukuyin ang ngalan ng tauhan batay sa kanilang mga pahayag.
______4. “Hayaan n‟yo mga anak titigil na kayo sa pagsasakristan. May awa ang Diyos, maiisip rin ng
inyong ama na magbagong-buhay para sa inyong kinabukasan.”
______5. “Sa kabila ng kalapastanganang ginawa nila sa aking ama ay mas pinili kong manahimik at
magpatayo na lamang ng paaralan. Ngunit ano ang iginanti nila sa akin? Ibulid ako sa isang
marawal na bilangguan at bigyang-dungis ang katipan kong makaisang-dibdib.”
______6. “Pinararangalan ako nang lahat at nag-iintay na lamang akong maging Obispo. At ito ay dahil ako
ang nakapigil sa binalak na pagsalakay ng pangkat ni Crisostomo sa simbahan at kwartel.”
______7.“Sinasabi ng marami na kasundo ko ang Diyos at ang pamahalaan. Marahil totoo nga dahil isa ako
sa mayayaman sa San Diego at ang aking salapi ang nakapananalangin para sa akin. Hindi ako
lumalabag sa batas at walang sino mang nakagagalit.”
______8. “Nagdurusa ako sa mga kasawiang hindi ako ang may kagagawan. Matagal na sanang pinakasalan
ko si Salome at bumuo ng pamilya. Pero dahil ayaw kong danasin ng aking mga anak kasawiang
dinanas naming magkapatid. Pinili kong magkalayo kami ng babaing aking pinakamamahal.”

C.Matalinghagang Pahayag: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
_______9. Ibulid ako sa isang marawal na bilangguan at bigyang-dungis ang katipan kong makaisang-dibdib.
A. sirain ang pangalan B. kunin ang puri C. dumihan ang pagkatao D. siraan sa kapwa
______10. Napag-alaman ni Pari Salvi na si Ibarra ay may maitim na balak laban sa kanilang prayle.
A. matalinong paraan B. mahusay na plano C. masamang hakbang D.mapamuksang paraan
______11. Nawawala ang mga anak ni Sisa, sadyang biktima siya ng malupit na pagkakataon.
A.malas na pangyayari B.masamang pangyayari C. hatol ng makapangyarihan D.mahirap na buhay

D.Kinasapitan ng Tauhan: Tukuyin ang tauhang inilalarawan sa wakas ng nobela.


_______12. Napalipat sa malayong lalawigan at napabalitang namatay sa sakit sa puso.
_______13. Namuhay na lamang nang nag-iisa at walang ginawa kundi ang magsugal at humitit ng opyo.
_______14. Pumasok sa kumbento at tuluyan nang nagmongha.
_______15. Hindi na matatawag upang manggamot at lingguhan na kung mawalan ng pustiso.
_______16. Kasama ni Sisang, sinunog ang bangkay.
II.Basahin at unawain ang bawat talata. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot.

Naging mapalad si Rizal sapagkat nagkaroon siya ng pagkakataong makarating sa Europa na nagbukas sa
kanyang kaisipan tungkol sa prinsipyo ng kalayaan. Ang mga pangyayari sa bansang Francia kung saan
naglunsad ng malawakang rebelyon ang mga tao. Hindi nagsipagbayad ng buwis. Itinigil ang paglilingkod
sa mga mapang-aping panginoon ng lupa. Lumaya sa pagkaalipin ang mga magsasaka. At sa sama-samang
lakas ng mamamayan ay nabuwag ang kapangyarihan ng hari.

______17. Ang mga nabanggit na aksyon ng mga taga-Francia ay nagpapakita ng _______


A.pagmamahal sa kalayaan B. pagtalikod sa tungkulin C. pagsuway sa kautusan D. paglaban sa pamahalaan
_____18. Ang kaisipang ipinahihiwatig ng talata ay
A. Ang lahat ay kayang gawin sa ngalan ng kalayaan.
B. Anumang hangarin ay magiging matagumpay kung nagkakaisa angmamamayan.
C. Mapalad si Rizal dahil nasaksihan niya ang paglaya ng Francia.
D. A at B
Ang lalaki ay kapatid din ni Kain at marunong umiwas at magsinungaling. “Paano ko malilimot,” ganting
tanong, at tintigan ang maiitim na mata ng dalaga, “ang isang wagas na sumpa? Naaalala mo pa nang mamatay
ang aking ina at ako’y umiyak sa tabi ng kaniyang kabaong. Nilapitan mo ako at sinabing “Nawalan ka ng ina,
ngunit ako’y di nagkaroon ng ina kailanman. “Mahal mo ang aking ina at ikaw nama’y itinuring niyang anak.
Noo’y umuulan at kumikidlat. Ngunit parang ngumiti ang aking ina. Hinawakan ko ang iyong kamay at isumpa
sa bangkay ng aking ina na mamahalin ka at paliligayahin, ano man ang kapalarang inilaan ng langit sa akin. Ang
wagas na sumpang iyan ay inuulit ko ngayon.
Kab.VII: Suyuan sa Asotea
______19. Paano ipinakita sa binasa ang kapangyarihan ng pag-ibig sa kasintahan?
A. kahit malayo si Ibarra ay hindi niya nalimot ang dalaga
B. muling pagpapatibay ng binitawang sumpa
C. pag-alala sa binitawang sumpaan
D. pagtupad sa binitawang pangako
______ 20. Malaki ang paniniwala ni Elias na makatutulong ang binata dahil
A. mayaman ito B. may pinag-aralan C. maraming kaibigan sa Madrid D. ABCD
______21. Ano ang kasingkahulugan ng salitang makatutulong na matatagpuan din sa ikatlong pangungusap
buhat sa hulihan? A. pagnanasa B. maipaaabot C. tiniyak D. hinaing
______22. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinamalas ni Elias sa mga tulisan?
A. pagiging mabuti B. pagiging matulungin C. may positibong pananaw D. pagtupad sa pangako

Ipinahayag ni Elias sa matanda na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong ang isang


binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng
isang pari, maraming kaibigan sa Madrid, kabilang na ang Kapitan Heneral. Tiniyak ni Elias sa matanda na
makatutulong ang binatang ito sa kanilang pagnanasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang resulta ng kaniyang
lakad sa binata sa loob ng apat na araw.
-mula sa XLV: Ang mga Pinag-usig
_____23. Ang kasingkahulugan ng salitang halughugin ay ________
A. hanapin B. kapain C. kunin D. siyasatin
_____24. Ang kaisipang maiuugnay sa kabuuan ng talatang binasa ay_________
A. Kung ano ang puno ay siyang bunga.
B. Hindi lahat ng mahirap ay magnanakaw.
C. Sadyang malupit at walang awa ang mga sibil.
D. Walang sinuman ang tutulong sa iyo kundi ang iyong sarili.

Ipinagbilin ni Elias na kung walang taong darating ay humukay sa paanan ng punong baliti at
ang kayamanang makukuha ay gamitin sa pag-aaral. Nang umalis si Basilio upang kumuha ng mga kahoy ay
bumangong paluhod si Elias at humarap sa Silangan at nagsabi:”Mamamatay ako na di nakikita ang
pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong makamamalas sa kaniya, batiin ninyo siya at huwag
ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”
-mula sa LXIII: Ang Nochebuena

______25. Ipinapakita ng mga pangyayari ang __________.


A. kalupitan ng mga sibil B. kapabayaan ng pamahalaan
C. kayamanan at karalitaan D. paniniwala sa Diyos
______26. Ibig sabihin ni Elias sa kaniyang pahayag na
A. Naghihinayang siya na hindi lumaya ang bayan.
B. Pasalamatan lahat ng naghirap para sa bayan.
C. Mapalad ang susunod na henerasyon na may kalayaan.
D. Huwag limutin ang mga nagbuwis ng buhay para sa bayan.
______27. “Ang Talinghaga sa May-ari ng Ubasan ay nagmula sa bagong Tipan ng Bibliya.Ito ay mula sa
ni Mateo _____ A. 20 1:6 B. 20 1:16 C . 20 1:14 D. 20 1:20
______28. Ang “Isang Libo’t Isang Gabi” ay isang orihinal na akda mula sa bansang_____________.
A.Bhutan B.Singapore C.Saudi Arabia D.Israel
______29. Alin sa mga karunungang bayan ang nagpapahiwatig ng mensahe ng pabulang “ Ang Hatol ng
Kuneho”?
A.Daig ng maagap ang masipag. C,Kung ano ang itinanim,siya mong aanihin.
B.Kung may isinuksok,may madurukot. D.Ang di lumingon sa pinanggalingan ay
Di makakarating sa paroroonan.
______30. Habang nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina.
Ang aral na tinutukoy sa pangungusap ay __________________
A. Walang maidudulot ang pagsuway sa magulang C. Habang may buhay,magpakasaya
B. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa anak. D. Umiwas sa kaaway.
______31. ”Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na iniaalay.”Ang unang linya ng tula
ay nagpapahiwatig ng_________________
A.pag-iisa B. paglubog ng araw C. pagpanaw ng isang taoD. panibagong araw na darating

______32. Ang Rama at Sita ay isang______ mula sa bansang India.


A.dula B.alamat C.epiko D.maikling kuwento
III. Piliin sa kahon ang titik ng tinutukoy na elemento ng dula o paggawa ng movie trailer.
A.camera operator B.istorya C.disenyong set D.manonood E.tanghalan F.storyboard

______33. Ito ang sumasaksiE.direktor


B.istorya sa pagtatanghal mula H.sound
sa dula. men K.storyboard
______34. Inilalahad dito ang konsepto ng pelikula.
C. aktor
___ __35. F.manonood
Nakasalalay sa kaniya ang pagiging malikhain I.bisa ng
o pagbibigay interpretasyon ng tunog
dula o pelikula .
______36. Tagakuha ng shooting o eksena batay sa ibat na anggulo at kuha ng kamera.
______37. Tinatawag din disenyong pamproduksyon upang ihanda ang magiging angkop na tagpuan o
kagamitan.

IV.Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.


_____38. A.)Ang mabilis na pagkapawi ng lakas at tuluyan nang nakalbo si Rebo. B.)Pagkukumbida para sa
Nalalapit na kaarawan ni Rebo. C.)Ang pagkamatay at pagkahimlay ni Rebo sa kabaong kasama ang
Beyblade.D.) Dumalo sa kaarawan at nakipaglaro ng Beyblade sa mga pinsan. Alin sa mga ito ang
nasa tamang pagkasunud-sunod ng pangyayari?
A. B, D, A,C B. B , A, D, C C. D, B, A,C D. A, B, C, D
_____ 39. Ang tunggalian sa akdang” Nang Minsan Naligaw si Adrian” –
A. Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid C.Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.
B. Nang mabatid ng ama ang plano ng ni Adrian D.Nais niyang makalaya sa responsibilidad sa ama
_____ 40. Natatandaan ng mga bata ang okasyong sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang –palad nito. Ang
may salungguhit ay nangangahulugan na-
A.mapagbigay B.mapaghiganti C.mapagdamot D.mapagkalinga
_____ 41. Napakahirap manghuli ng kinnaree dahil agad itong lumilipad. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugan na-
A.gansa B.kabilugan ng buwan C.kalahating tao,kalahating sisne D.kulisap
_____42. Kahit noong bata pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon .
A.kaunlaran B.kalayaan C.pamayanan D.sibilisasyon
_____43. Ano ang paniniwala ng mga Javanese sa mga kababaihan?
A. Labag sa kaugaliang pag-aralin ang mga babae C. Ang hindi pag-aasawa ay malaking kasalanan
B. Kailangang ikulong sa pagsapit na 12 taong gulang D. lahat ay tama
_____44.Ito ay maikling tula na nagmula sa Japan, na binubuo ng labimpitong pantig lamang.
A. Tanka B. Tanaga C. Haiku D. Ambahan
_____45.Sa bansang ito nagmula ang unang pabula sa daigdig.
A. Korea B. India C. Gresya D. Tsina
V.GRAMATIKA: A.Isulat ang titik A kung anaphora at K kung katapora batay sa kohesyong
gramatika na ginamit sa pangungusap.
_____46.Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako,pulaan man ako ng mga tao.
_____47.Sa panahong tayo ay nag-aaral,nagsusunog ng kilay ang kailangan upang makamit ng mga mag-aaral
ang inaaasam na diploma.
B.Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional devices upang mabuo ang pahayag.
_____48. (Kaya, Kung, Dahil) hindi mag-aaral nang mabuti ay wala magandang kinabukasan.
_____49. Likas silang masayahin ( saka, kung gayon, subalit) di maipagkakaila na may lungkot na dinadala ang
mga ito.
_____50. Kayo’y mahimasmasan (saka ,sa wakas,samantala ) maisip ninyo ang pag-aaral ay di dapat gawing
biro.

You might also like