Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo
El Filibusterismo
TAUHAN:
Jay Resane- Simoun Ijenn Ejem- Pecson/Kawani
Aaron Villarta- Basilio Fleuramor Dela Calzada- Macaraig
Harriett Villaflor- Huli Jussy Mejias- Ginoong Pasta
Ruelson Navales- Isagani Intsik Quiroga- Jessa Reroma
Precious Gomez- Paulita Gomez Don Tiburcio/ Ginoong Gonzales- Bernadeth
Hamiel Fernandez- Juanito Pelaez Quimada
Kurt Acuña- Placido Penitente Ginoong Timoteo Pelaez- Scarlett Geonzon
Jericho Cenita- Kapitan ng bapor/ Alperes Mr. Leeds- Shannen Reroma
Kimwell Nalugon- Ben-Zayb Christian Rivamonte- Pari Fernandez/Irene
Japhet Lasola- Kapitan Basilio Kabesang Andang- Marian Doria
Tandang Selo- Karen Sanoy Jeber Escoreal- Nora
Yugyn Guingguing- Pari Salvi Kristel- Mag-aaral/ Kapitan Heneral
Anthony Pacamarra- Pari Camorra Christine Monsanto- Hermana Bali
Kheisa Selma- Donya Victorina Brams Albarote- Pari Florentino
Shantal Bastida- Sandoval/Hukom Pamayapa
UNANG TAGPO: KABANATA I, II AT III
Noo’y isang umaga ng Disyembre. Ang bapor tabo na maraming sakay ay patungo sa Laguna ay
naghihirap sa pagsalunga sa matuling agos ng Ilog- Pasig. Siya’y kinagigiliwan ng mga tagaroon lalo
na ng mga nasa ibabaw ng cubierta. Ayon sa kasindak- sindak na si Donya Victorina, bubuti daw ang
lakad ng bapor tabo kung walang mga indiyong nakasakay. Lalo siyang naiinis sa tuwing sisigaw ang
kapitan ng bapor at bubunutin ng mga marino ang tikin upang isaksak sa maburak na gilid ng ilog.
Kung hindi lang dahil sa asawa nitong nagtatago sa Laguna ay hindi sana siya sasakay dito.
Kheisa: Kapitan, bakit hindi sa dakong iyan tumungo ang iyong mga mangmang na timonel!?
Upang hindi makapagpulong si Aling Victorina, ang mga sakay ng bapor tabo ay hindi tumigil sa pag-
uusap. Sa kabilang banda,kasalukuyang pinag-uusapan ang mga Obras del Puerto na siyang dahilan
ng pagtatalo nina Ben-Zayb at isang paring mukhang artilyero. Inip na inip ang payat na pareng
Pransiskano sa kanilang pinag-uusapan kaya’t nakisali narin ito upang maputol ang usapan.
Yugyn: Ang tunay na mga marurunong Ben-Zayb ay ang katulad ng aming kapatid, ang mismong
gumawa ng Puente del Capricho. Hindi man ito natapos ngunit hanggang ngayon ay matibay parin ito
kahit na maraming mga bagyo na ang dumaraan. Hindi ko naman sinasabing wala kayong katwiran,
Ben-Zayb o kayo man Padre Camorra”
Jay: Madaling lutasin iyon. Hindi ko malaman kung bakit ang kautusan ay hindi naiisip ng sinuman.
Jay: Kailangang gumawa ng isang kanal mula sa pagpasok ng ilog hanggang sa paglabas nito
patungo Manila. Sa gayon ay hindi maaksaya ang lupa at iikli ang paglalakbay.
Kahanga-hanga ang panukala ni Simoun kaya’t nagtangu- tango ang lahat. Tanging si Don Custudio
lang ang sumasalungat sa panukala sapagka’t hindi sa kanya nagbuhat.
Karl: Paumanhin, Ginoong Simoun subalit maraming salapi ang mauubos at may mga bayan tayong
sisirain. Hindi ako sumasang-ayon.
Jay: Kung hindi sasapat ay pagawin ang mga mamamayan. Mga binata’t matanda. Sa halip na
labinlimang araw sa pamahalaan ay gawin itong tatlo, apat, o limang buwan. Sila’y padadalhin ng
sariling kasangkapan at pagkain.
Nasindak si Don Custodio sa tinuran ni Simoun. Lumingon siya upang tingnan muna kung may mga
indiyong nakakarinig sa kanila habang sa pagpatuloy ni Simoun, ang paraang ito ay ginamit noong
unang panahon ng Roma at Ehipto.
Jay: Himagsikan? Naghimagsik ba ang mga taga- Ehipto’t bilanggong Hudyo laban kay Tito? Mahina
pala kayo sa kasaysayan!
Itinugon ni Simoun na lipas na ang panahong yaon, na ang kapulua’y hindi na maghihimagsik.
Naglatin naman si Padre Sibyla.
Jay: Padre Sibyla, huwag ka nang magsalita ng Latin. Bakit naririto kayong mga prayle kung
makapaghihimagsik ang bayan?
Pagka alis ni Simoun ay nag uusap-usap ang mga tao tungkol sa kanya. Sinabi ni Don Custodio kay
Ben- Zayb ang kanyang sariling panukala.
Karl: Ang kinakain ng mga maamong itik na inaalagaan ng taga- Pateros at taga- Pasig ay maliliit na
suso. Ito’y nakukuha sa lawa na kahalo ng maraming buhangin kaya pilitin ang lahat na mag alaga ng
itik upang mapalalim ang lawa kung sila’y humuhukay ng suso.
Kimwell: Pinahihintulutan ba ninyo akong sulat ng lathala tungkol diyan? Lubhang kakaunti ang nag-
iisip sa lupaing ito!
Kheisa: Ngunit kung mag aalaga ng itik ang lahat ay darami ang balot. Puwe! Nakakapandiri!
Tabunan na sana ang lawa!
Ang lalong maraming sakay na bapor ay nasa ilalim ng kubyerta. Naroroon ang mga indyo na
nakaupo malapit sa makina kaya’t halo-halo na ang singaw nila at ng langis ng makina. Sa dakong
daong ng bapor ay nag-uusap ang binatang sina Basilio at Isagani kasama si Kapitan Basilio.
Aaron: Opo, mabuti- buti na po si Kapitan Tiyago. Ayaw niyang magpa alaga at pinatungo ako sa San
diego upang dalawin ko ang bahay roon ngunit ang totoo’y upang makahithit siya ng apyan.
Japhet: Ang apyan ay isa sa mga salot sa panahong ito. Kilala ito ng mga tao noong una ngunit hindi
sila nagmalabis at ginamit na gamot lamang. Tanging mga Intsik lang ang humihithit ng apyan.
Bakas sa mukha ni kapitan Basilio na siya’y hindi nasisiyahan nang siya’y pinag-masdan ni Isagani.
Japhet: Ngunit pag-usapan natin ang ukol sa Akademiya ng wikang kastila. Tinitiyak kong hindi niyo
maisasakatuparan iyan.
Ruelson: Maisasakatuparan po. Hinihintay na nga po namin ang pahintulot. Si Padre Irene na aming
hinandungan ay nangako na sa amin. Makikipagkita siya sa Kapitan Heneral.
Aaron: E ano kung sumalungat man siya. Bahala na sa Los Banyos sa harap ng Heneral.
Natawa si Kapitan Basilio. Itinanong kay Basilio kung saan kukuha ng salapi sakaling matamo ang
pahintulot. Ipinaliwanag ni Basiliong bawat mag-aaral ay may maaambag ng sikapat.
Napapaniwala si Kapitan Basilio dahil ang lahat ay naihanda na ng mga mag-aaral. Sinabi ni
Isaganing tao sa una si Kapitan Basilio kaya walang nakikitang kabutihan sa isang bagay kundi
panay na salabad.
Aaron: Ang amain moa ng kasundo niya. Ano nga pala ang sabi ng amain mo tungkol kay Paulita?
Ruelson: Pinangaralan ako ng tungkol sa pag-aasawa. Pinuri ko si Paulita, na siya’y walang katulad
sa buong Maynila, maganda’t may pinag-aralan, ulila…. Mayamang- mayaman, makisig at masaya.
Ang tanging kapintasan lamang ay ang kaniyang Aling tiwali sa langit at lupa.
Patawang sabi ni Isagani at pati si Basilio ay natawa na rin. Sinabi ni Isagani na ang kanyang amain
ang nangingilag kay Aling Victorina. Papanaog si Simoun at binati nito si Basilio at pinakilala naman
ni Basilio si Isagani kay Simoun.
Jay: Napakamaralita na yata ng lalawaigan ano? Kaya ang mga tao’y hindi makabili ng alahas.
Napangiti si Simoun. Sinabi niyang wala siyang masamang layunin sa pagtatanong na iyon. Inaya pa
niya ang dalawa na uminom ng serbes pero ito’y kanilang tinanggihan. Tila nagdamdam si Simoun
kaya’t sinabi niya sa kanila na ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom ng maraming tubig ang sanhi
ng pagkatamad ng mga Pilipino.
Ruelson: Sabihin ninyo kay Padre Camorra na ikabubuti ng lahat ang pag-inom ng tubig at di-alak.
Sa gayon ay di pa siya magiging sanhi ng bulung- bulungan.
Ruelson: sabihin ninyo sa kanya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay ng apoy.
Sumusulak kapag pinainit at nagiging karagatang malawak na minsan nang lumunod sa
sangkatauhan at nagpapayanig ng daigdig.
Aaron: Sabihin ninyo sa padre ang tulang sinulat ni Isagani tungkol sa apoy at tubig.
Umalis nang walang paalam si Simoun upang tunggain ang kanyang serbesa.
Aaron: Hindi mo ba alam na siya ang Cardinal Moreno o ang Eminencia Negra?
Aaron: Oo, siya niyang unang dinalaw noong siya’y dumating. Pinaghinalan tuloy siyang kaagaw sa
pagmamana. Sa palagay ko’y makikipagkita sa Heneral tungkol sa pagtuturo ng wikang kastila.
Isang utusan ang lumapit kay Isagani at sinabi ritong siya’y pinapatawag ng kaniyang amain na si
Pari Florentino. Inaruga niya ang isang pamangking lalaki, si Isagani nga. Ipinatwag niya si Isagani
uoang sabihing siya’y aakyat at ang pamangkin ay pinagbilinang huwag pakikita sa kapitan para
siya’y hindi na aanyahin pa.
Tapos na ang pagtatalo at nagtatawanan na ang mga nasa kamara ng bapor. Dumating doon si Pari
Florentino.
Don Custodio: Mahal na kura, saan na ba si Ginoong Simoun? Hindi nya tuloy nakita ang
magandang tanawin ng paglalayag.
Jay: Maraming ilog at tanawin akong nasaksihan. Wala nang may kabuluhan sa akin kundi ang iyong
may mga alamat
Sa tinuran niyang iyon ay sinabi ng kapitan na may ilang alamat ang ilog Pasig. Ikinuwento niya ang
alamat ng malapad na bato at ang alamat ng yungi ni Donya Jeronima na siya namang kinuwento ni
Padre Florentino habang ikinuwento naman ni Padre Salvi ang alamat ng Buwayang Bato at
nagpahayag din ng kahanga-hangang alamat si Ben-Zayb.
Kimwell: Maalaala ko nga pala, Kapitan, batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nangangalang
Guevarra, Navarra o Ibarra?
Kheisa: Ah, siya nga! Saan, kapitan? Nakaiwan ba siya ng bakas sa tubig?
Jericho: Tumingin kayo roon. Ayon sa nangulo sa pagtugis, si Ibarra ay tumalon sa tubig malapit sa
kinabutasan nang makita niyang siya’y nakukulong. Lumangoy siya ng lumangoy sa ilalim ng tubig at
sa tuwing siya’y aahon upang huminga ay pinapuputukan siya. Hindi na siya nakita at tanging ang
kulay-dugo lang. Ngayon ang ika labingtatlong taon ng nangyari
Anthony: Ay nakisama rin sa bangkay ng kanyang ama. Hindi ba sya’y pilibustero, Pari Salvi?
Anthony: Palagi kong sinasabing pilibustero ang mga bumabayad ng mahal na libing
Kimwell: Ano ang nangyaro sa iyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo sa iang patak na tubig na
katulad nito? Kayong matanda nang manlalakbay!
Jay: Huwag ninyong tawaging isang patak ng tubig ang lawing ito. Ito’y malaki kaysa alin mang lawa
sa Suwisa at sa pinagpisan-;isang mga lawa sa buong Espanya. Nakakita na ako ng matandang
mandaragat na nahihilo rito.
Buhay pa si Tandang Selo. Ang kanyang anak na si Telesforo o Tales ay isa nang Kabesa de
Baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang
makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, at ginawa
niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na
kasintahan nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang
Tales na ikinagagalit nito.
Karen: Magtiis ka na. Baka malaki pa ang magugol mo kung makikipag-usapin ka ng isang taon
kaysa makasampung hiniling ng mga pari. Ipalagay mong tatlumpung piso ay natalo sa sugal o hindi
kaya’y kinain ng buwaya.
Dumaan ang isang taon at si Tales ay nag-ani na naman ng masagana. Ang upa sa lupa’y ginawang
limampung piso ng mga prayle.
Gerard: Sa susunod na taon ay tutungo ka sa Maynila para mag-aral na gaya ng mga dalaga sa
bayan at tulad narin kay Basilio na iyong kasintahan.
Sa susunod na taon ay hindi na naman natupad ang pangako ni Tales kay Huli bagkus ay tumaas
ang buwis ng kanilang lupang inangkin. Kaya ito’y ikinagalit na namanan ni Tales at hindi na sinabi ni
tandang Selo ang tungkol sa buwaya.
Gerard: Sa alabok ang uwi natin ama, sapagkat tayo’y isinilang na walang damit!
Humingi ng kasulatan, katibayan o titulo base sa lupang kanyang sinasakahan ngunit walang
maipapakita ang mga prayle. Huminhingi siya ng tulong sa gobernador ngunit wala rin itong ginawa.
Tila pangarap ang buhay ni Talos noon pero ito’y nawala sa kanya ng dahil sa mga prayle. Napilitan
ring ipagbili ni Huli ang kanyang mga hiyas at pinayohan rin siya ni Hermana na isanla muna ang
bahay. Nag-iiyak si Tandang Selo nang mabatid ang ginawa ng apo at si Huli’y dinalaw rin ng di
maulatang kalungkutan.
Japhet: Puntahan natin ang tiyani upang tingnan ang mga alahas.
Jericho: Tama, ibig ko rin magkaroon ng isang tanikala ng relos ngunit marami akong gawain. Maari
bang ikaw muna ang bumili para sa’kin Kapitan Basilio?
Japhet: Yaong mabuti ang ibig ko. Saka na tayo magkwenta. Huwag kayong mabahala.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating sa bahay ni Kapitan Tiyago. Naratnan niya ang
isang katiwalang naghihintay sa kay Basilio upang siya’y balitaan.
Katiwala: Katandaan!
Natigilan si Basilio at hindi na siya nakakain. Nang tumugtog na ang mga kampana dahil sa misa sa
hatinggabi ay nagtungo siya sa kagubatang dati’y pagmamay-ari ni Ibarra upang bisitahin ang puntod
ng kanyang ina. Hindi parin niya makakalimutan ang mga nangyayari bago lumipas ang labingtatlong
taon. Pagkatapos niyang magbalik-tanaw ay babalik na sana siya sa bayan ngunit nakarinig siya ng
alatiit ng sanga na parang inaapakan. Nakita siya ng binata at agad rin napansin ni Basilio ang taong
iyon.
Aaron:Isa pong taong aking iginagalang at itinatangi, taong ipinalalagay ng lahat na patay na, taong
may mga kasawiang dinaramdam kong palagi.
Jay: Basilio, alam mo na ang lihim na maari kong ikasawi at ngayo’y maari ko kayong patayin upang
manatili ang lihim ng aking pagkatao ngunit tayo’y magkatulad na may kailangang singilin sa
lipunan………. Nabalitaan ko ring kayong mga mag-aaral ay nagpaplanong magtayo ng paaralang
nagtuturo ng Kastila…….. May apatnapu’t kung ilang wika na ang Pilipinas upang lalo kayong hindi
magkawatasan!
Jay: Kay laking kamalian! Ang wikang Kastila kailanman ay hindi magiging wika rito! Bawat bayan ay
may kanyang sarili gaya ng pagkaroon ng sariling pagdaramdam.
Aaron: Malaking karangalan po, Ginoo, ang inyong ibinigay sa aking sa pagtatapat ng iyong mga
balak ngunit hindi ako nakikialam sa pulitika.
Jay:….. Sa araw na kayo’y maaaring iligpit ay ililigpit kayong gaya ng nangyari sa akin. Hindi kayo
pababayaang lumaki pagka’t kayo’y pangingilagan at kamumuhian.
Jay: Likas na sa tao ang mamuhi sa inaapi niya…………. Hindi ko hinihiling na itago ninyo ang aking
lihim. Ako, isang sikat na mag-aalahas na kaibigan ng mga makapangyarihan at mga prayle. Ako,
ang Cardinal Moreno, kahit sabihin ninyo sa lahat ang aking pagkatao ay hindi nila kayo
paniniwalaan.
Nagising si Huli. Nagtitilaukan na ang mga manok ngunit madilim pa ang bahay. Matapos magdasal
ay nagtungo siya sa batalan. Inayos ni Huli ang kanyang tampipi. Nasalat niya ang agnos na handog
ni Basilio ngunit dali-dali rin niyang kinuskos ang kanyang labi.
Harriett: Baka mapagkamalan pa akong ketongin nito. Hindi makakapangasawa ang may ketong at
ayaw kong mangyari iyon.
Kinuha ng dalaga ang kanyang tampipi. Binasbasan siya ng matandang hindi umiimik.
Juli: Pagdating ni tatay ay ipakisabi ninyong napasok din ako sa pinakamurang kolehiyo. Ang
panginoon ko’y marunong ng wikang kastila.
Mhaye: Kaya tayo pinarurusahan ng diyos ay sapagkat makasalanan tayo o di kaya’y may mga
kamag- anak tayong makasalanan na dapat nating turuan ng kabaitan ngunit hindi natin tinuruan.
Sa kabilang banda, dumating si Kabesang Tales sa sariling tahanan. Utos sa kanya ng tininti na alisin
ang lahat ng laman ng bahay at iwan ito sa loob ng tatlng araw. Siya’y naupo sa tabi ng kanyang ama
at hindi nagsalita sa buong maghapon.
Ang buong nayon ay namangha nang kinabukasa’y makituloy sa bahay ni Kabesang Tales ang mag-
aalahas na si Simoun kasama ang dalawang utusang may pasang malaking takbang nababalot ng
lona.
Jay: Sana’y hayaan mo akong makituloy dito ng isang gabi’t isang araw pagka’t ito’y pinakamalaking
bahay sa nayon at nagpapagitna pa sa San Diego. Sapat ba ang rebolber na ito laban sa mga
tulisan?
Jay: Hindi marahil na pahuhuli ang rebolber na ito. Kaya nitong tamaan ang isang punong may
dalawang daang hakbang ang layo.
Nahulog nga ang ilang bunga. Hindi kumibo si Kabesang Tales. Nag-isip siya. Mga ilang minutong
nakalipas ay nagsidatingan na ang mga taong bibili sa mga alahas ni Simoun. Napahanga ang mga
tao sa mga alahas ni Simoun at nag- umpisang pumili. Mga alahas na sinasabing galing kina
Cleopatra, Prinsesa Lamballe, Maria Antonieta at iba pang mga importanteng tao sa kasaysayan.
Napapikit na lang si Tales at napansin naman ito ni Simoun.
Jay: Dahil sa maliit na batong bughaw na ito, maaring ipatapon ng isang tao ang kanyang kagalit, ang
isang ama na binuhatang mapangulo sa bayan. Dahil sa batong ito ay nakakauwi ang isang tao sa
kanyang tahanan……. Kabesang Tales, baka sakaling may ipagbibili kang alahas?
Gerard: Naipagbili na ni Julia ng kanyang mga alahas ginoo, maliban na lamang sa agnos ni Maria
Clara.
Jay: Naiibigan ko ang agnos na ito. Ipagbibili ba ninyo sa isang daan…. Sa limang daang piso?
Hindi nakaimik si Kabesang Tales. Pinagmasadan niya si Simoun na tila nag-aalinlangan sa sinabi
nito.
Nang nasa labas na ng nayon si Kabesang Tales ay natanaw niya ang pari at ang lalaki na
nagtatawanan, mga tagapangasiwa ng kaniyang lupain. Nagngitngit ang paningin ni Kabesang Tales
at sinundan ang dalawa. Kinabuksan nang magising si Simoun na nakatulog sa kahihintay kay Tales
nung gabing iyon. Nakita na lamang niya ang agnos na kinatitikan at isang sulat galing kay Tales na
nanghihingi ng paumanhin sa pagnakaw ng kanyang rebolber at sumali na daw ito sa mga tulisan.
Nang gabing yaoy tatlong patayan ang naganap. ang paring tagapangasiwa at ang lalaking
pinagbigyan ng bukirin ni Tales ay natagpuang patay. Basag ang kanilang ulo, may sampal na lupa
sa bibig. Natagpuan ding patay ang mag-asawang nagmamay-ari ng lupa. May sampal ding lupa sa
bibig, pugot ang ulo at sa tabi’y may kapilas na papel na sinulatan ng daliring isinawsaw sa dugo ng
salitang “Tales”
Mabigat ang loob at nangingiligid ang luha sa mga mata ni Placido Penitente samantalang lumalakad
sa Escolta patungo sa pamantasan ng Santo Tomas. Siya ang pinakamatalinong naturuan ni Pari
Valerio sa tanawan. Malapit na siya sa siwang ng dating pinto ng Santo Domingo nang may tumapik
nang malakas sa kanyang balikat.
Ang bumati ay si Juanito Pelaez, ang kinagigiliwan ng mga propesor. Siya ay anak ng isang
mestisong mangangalakal.
Hamiel: Nakapag-aliw ka bang mabuti, Penitente? (muling tinampal ang likod ni Placido)
Hamiel: Napaka-inam! Akalain mo bang anyayahan ako ng kura sa Tiyani na doon mamahinga. Aba,
kilala mo siya marahil, si Pari Camorra! Lubha siyang mapagbigay at matapat. Siya’y umaawit at
naggigitara. Ako naman ay nagbibiyulin!
May ibinulong siya kay Placido at pagkuwa’y bumulalas ng tawa, ayaw maniwala ni Placido sa narinig
kaya’t nagpatuloy si Juanito.
Hamiel: Nakatagpo rin kami ng isang hangal. Ulol iyang si Basilio! Akalain mo ngang kasintahan ay
isang hindi marunong ng kastila, bukod pa sa isang mahirap at naging alila! Siya’y mahiyain ngunit
maganda. Balang araw ay matutulad siya sa ibang dalaga, makikita mo.
Buong kagalakang tumatawa si Juanito na animo’y siyang –siya sa pangyayari samantalang tinitigan
lang siya ni Placido
Hamiel: Oo nga pala. Nagiging hayop ako, ano Placido? E noong, miyerkules?
Kurt: Aywan ko, ngunit ibinigay sa kanya ang talaan ng mga naghandog.
Kurt: Sapagkat unang araw ng pagpasok ay binasa niya ang talaan at ibinigay ang takda, ang ukol sa
salamin.
Dumaraan sila sa siwang ng Santo Domingo nang makita ni Juanito ang buhay- aduwana sa harap
ng liwasan. Sa umpukang iyon ay makikita si Isagani na may isinalaysay sa ibang kasama nito. Sa
dako pa roon ay pinagkakatuwaan naman ng mga binata ang mga nagdaraang masimbahin. Isang
matanda na may kasamang magandang dalaga na walang iba kundi si Paulita Gomez. Napatigil si
Isagani sa pagsasalita at namutla. Pagkatapos noon, ay nasitunguhan na sila kanilang mga silid-
aralan.
Ang tahanan ni Macaraig ay karapat-dapat na dalawin dahil sa lawak at ganda nito. Sa isang silid
nito, naglalaro ng rebisino ang apat na binate. Isang binata ang dumating na tila mangang-mangha.
Hamiel: Naku! Umagang- umaga’y nagsisipagsugal kayo! Teka, hoy, hangal, kunin mo iyong espada!
Makalipas ang ilang oras ay dumating sina Isagani at Sandoval. Ang mga mag-aaral na ito ay
ipinapatwag ni Macaraig ngunit wala pa ito. Nagtanung- tanungan sila sa isa’t-isa na tanging si
Macaraig lamang ang makakasagot.
Shantal: Puwes, iya’y isang masamang hinala laban sa heneral! Oo nga’t magiliw sa mga pari ngunit
hindi nila ipahihintulot na ang mga ito’y lumahok sa bagay na iyan. Maari bang turan mo, Pecson,
kung ang paniniwala mo bang walang sariling pasya ang heneral?
Ijenn: Hindi iyan ang sabi ko, Sandoval. Para sa’kin ang heneral ay may sariling pasya, alalaong
baga’y ang pasiya ng lahat ng kabig niya. Iya’y maiwanag
Shantal: Ah, umiilag kayo. Magbigay kayo ng isang pangyayari! Iwan natin ang walang kabuluhang
pagtatalo, walang katuturang pananalita. Pangyayari, mga kasama. Ang iba pa riya’y mga pagkamuhi
na hindi ko tatawaging pilibusterismo.
Isang masigarbong palakpakan ang bumati sa gayong patalastas. Ang lahat ay nasisiyahang
nagyakapan. Sa wakas ay mapapatayo na nila ang academyang nagtuturo ng wikang kastila.
Ikinuwento ni Macaraig ang nangyari sa Los Banyos, kung paano nila napanalonan nina Pari Irene at
Don Custodio laban sa mga prayleng nandoon, sa heneral at Ginoon Simoun ngunit may kulang pa
para tulyan silang makapagturo ng wikang Kastila kaya’t pinuntahan ni Isagani si Ginoong Pasta.
Jussy: Ah, binate, kayo pala! Maupo kayo at patawarin ninyo ako, hindi ko alam na kayo pala.
Kumusta ang inyong amain?
Natapos na rin kasi sa pagsusulat ang abugado, dahilan na hindi niya agad nabuksan ng pinto si
Isagani. Lumakas ang loob ni Isagani at umaasang magtatagumpay siya. Isinalaysay niya ang mga
pangyayari at pinakinggan naman siya ni Ginoong Pasta nang mahinusay.
Ruelson: Ito’y lupain ng mga panukala. Hindi naming hangad na kayo’y ilagay sa kagipitan. Hangarin
naming makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan, magkaiba nga ang aming pamamaraan pero
iisa lamang ang aming layunin.
Jussy:Nariyan nga ang kid. Kapuri-puri nga ang tumulong sa pamahalaan kung ang pagtulong ay sa
pamamagitan ng pangangayupapa at hindi sa pagsalungat sa mga paraan at pagkukuro ng mga
mamamahala.
Ruelson: Ang mga pamahalaa’y itinatag sa ikabubuti ng mga mamamayan. Marapat nitong dinggin
ang kahilingan ng mga tao sapagkat sila at di iba ang higit na nakatatalos ng kanilang kailangan.
Jussy: ang humahawak sa pamahalaan ay mga mamamayan din at lalo pang marurunong
Ruelson: at sapagkat mga tao nga’y mangyayari ring magkamali, kaya’t di dapat magbingi-bingihan
sa suhestiyon ng iba
Jussy:Kailangang magtiwala sa kanya dahil hinaharap niya ang lahat ng bagay. Pasensya kana
Isagani pero hindi ko kayo matutulungan diyan.
Jussy: Kaawa-awang binate! Kung lahat sana’y mag-iisip at kikilos ng tulad niya, ay hindi ko
sinasabing hindi….. kaawa-awang binate! Kaawa-awang Florentino!
Sa kabilang banda, may isang piging noong gabi ng sabadong iyon. Naroon ang mga prayle, mga
military, mga mangangalakal, mga kasama’t mga ninong. Kabilang sa mga mangangalakal si
Ginoong Gonzales na umaayon sa pagtayo ng Konsulado ng Tsina sa Pilipinas pero hindi ito
sinasang-ayunan ni Ginoong Timoteo Pelaez, ama ni Juanito Pelaez. Si Simoun ay nakakain na nang
dumating sa handaan kaya’t nakikipag-usap narin ito sa ibang mangangalakal.
Scarlett: Tunay nga ngunit alagatain naman ninyo ang nagugol ko sa kapasiyahang iyan! Ang
pagpapagiba’y sa isang buwan pasisimulan at saka ang mga may-ari ng mga bahay ay mahihirap.
Ano ang ipamimili nila sa akin?
Bernadeth: Bilhin ninyo sa murang halaga ang kanilang mga bahay at pagkatapos ay muli ninyong
lakarin na pawalang bisa ang kautusan. Sa gayo’y maari ninyong ipagbiling muli ang mga bahay sa
ibayong halaga.
Jay: Kung kayo’y lugi at hughog ay bakit ganyan karami ang botelya ninyo ng tsampan at mga
panauhin?
Jessa: Kahit ako Insiyak, akien tao! Bo Hiya! Sigulo hini alal sinyola. Sigalela melon konti hiya!
Jessa: At malami gawa utang sa akiyen, pelo hini mayad. Impelyado, opisyal, tinente, sunalo:
malami, Sinyol Simoun. AKiyen lugi; akiyen huwapay!
Jay: Kung gayon tanggapin mo muna itong salapi. Buo ang pag-asa kong mababayaran ninyo ako.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto, dala niya ang isang kahong kahoy na may lilok na mga ibon,
hayop, bulaklak, ulo at iba pa. Ang kaha ay maitin at bukbukin.
Shannen: Ang kahang ito’y natagpuan ko sa isang liblib na sili ng piramide ni Khufu, ikaapat na lipi ng
mga Faraon.
Shannen: Ang kahang ito ay may lamang isang dakot na abo at paputol na papirong kinatatalaan ng
ilang sulat. Tingnan ninyo ang abo, ngunit ipinamamanhik kong huwag lamang kayong hihinga nang
malakas sapagkat kapag natapon kahit kaunti ay magiging sira-sira ang ating espinghe. Sa loob nito
ay merong papiro na may dalawang salita ngunit hindi ko alam ang kahulugan, ng bigkasin ko ito ng
malakas ay biglang naging ulo ang abo. Hayaan kong ipakita ito sa inyo!
Maingat na lumapit sa mesa ang Amerikano at ipinatong dito ang mahiwagang kaha.
Shannen: Mga ginoo, sa pamamagitan ng isang salita’y bubuhayin ko ang sandakot na abong iyan
upang makausap kayo. Deremof!
Kusang nabuksan ang kaha at isang ulo nga ang nakikita na may mahaba’t makapal na buhok na
itim.
Nagpakilala ang ulo na nagngangalang Imuthis. Isinalaysay ni Imuthis ang kanyang pinagmulan
hanggang sa mga pagdaraya ng mga saserdote. Nanginginig si Pari Salvi na sinusundan ang tinig ng
Espinghe na mandi’y nakahahalina sa kanya.
Shannen: Anong paraan ang ginawa sa iyo ng mga pari sa inyong bayan?
Ikinuwento ni Imuthis na dati siya’y may iniibig. Isang magandang dalaga ngunit may batang pari sa
Abidos na nagkakagusto rin sa kanya na nagdudulot ng matinding kaguluhan sa kanila. “Mamatay,
mapagparatang, at lapastangan sa diyos”, ang sabi ng ulo.
Anthony: Anong nangyari sa inyo Pari Salvi? Masama pa baa ng inyong katawan?
Tuluyang nahimatay si Pari Salvi. Nagsilabasan na ang mga manonood at pagkatapos ng tanghalang
iyon ay tuluyan nang naka-alis ng Pilipinas si Mr. Leeds.
Luhaan na naman ang mga mata ni Placido nang siya’y umalis sa klase. Hindi akalain ni Placidong
datnan niya sa bahay ang kanyang ina. Naghinagpis nang katakut-takot si Kabesang Andang nang
makitang buo na sa sarili ni Placido nang makitang buo na sa sarili ni Placido ang di pag-aaral.
Marian: Ipinangako ka sa iyong ama na ikaw ay aarugain ko, pag-aaralin at gagawing abugado.
Katakut-takot na hirap ang tiniis ko mapag-aral ka lamang. Ano ang sasabihin ng ama mo sa akin
pagkikita naming sa kabilang buhay? Ay!
Patuloy siya sa pangangaral sa anak ukol sa pagtitiis at pagbabata. Hindi na ito matiis ni Placido
kaya’t siya’y umalis umalis upang lumaboy sa mga lansangan.
Ang dulaa’y punong-puno ng mga taong sabik makapanood ng palabas ngunit ilang oras na silang
nag-aantay ay wala paring nangyari. Lumalalo ang ingay. Si Makaraig ay tumingin kay Pepay at
gumanti naman ito ng ngiting may ibig siyang sabihin. Dumating rin ang ibang mga mag-aaral na
nasisiyahan nang makita nila si Pepay na isinawasiwas ang munting liham, tanging si Isangani ang
malamig at walang ngiti. Nakita niya kasi si Paulita na kapiling ni Juanito Pelaez. Maya- maya ay
nagsimula na ang palabas.
Kheisa: May anyo nga silang tila bago pa lamang napaaamo. Tingnan natin ang mga taong gubat.
Hamiel: Oo
Hamiel: *Napa-ubo*
Nang gabing iyon ay naging bayani siya sa paningin ni Aling Victoria at nagpasiya itong ipakasal ang
binate kay Paulita sa sandaling wala pa sa landas si Don Tiburcio. Nalungkot nang husto si Paulita,
naisip niyang ang mga babaing cochers ay makaaakit kay Isagani.
Kimwell: Bah! Walang tinig si Serpolette, walang kiyas si Germaine! Hindi musika iyan, ni sining o
ano pa mang makabuluhan!
Tumugtog ang orchestra upang pasimulan ang ikalawang yugto ng palabas. Ang mga binata’y
nagtindigan at nilisa ang dulaan sa gitna ng pagkamangha ng lahat. Si Simoun ay hindi na nagtungo
sa dulaan. Si Basilio rin ay hindi nagtungo sa dulaan dahil minamabuti nito ang pag-aaral habang
ginagamot ang kanyang amain. Sa gitna ng katahimikang yaon, na maminsan-minsang pinupukaw
ng paghihilik ng maysakit, ay nakarinig ng mga yabag sa hagdanan si Basilio.
Aaron: Halos hindi na tumitibok ang puso, mahina na ang pulso, at ayaw nang kumain. Nakakalatan
na ng lason ang buong katawan niya. Maaring mamatay siya sa ano mang oras. Ang munting sanhi,
sulak ng kalooban o pagkainis ay makamamatay sa kanya.
Aaron: Kagabi, ay gumising siya at hiningi ang sasabungin yaong may tatlong taon nang namatay.
Ang ibinigay ko’y isang inahin. Pinuri niya ako at pinangakuan ng libo-libong…..
Jay: Basilio, making ka sapagkat mahalaga ang bawat sandal. Nakita kong hindi mo nabubuksa ang
mumunting aklat na iyan. Wala kang malasakit sa iyong bayan!
Jay: Hindi ko kailanga. Sa loob ng isang oras ay sisiklab ang himagsikan sa isang hudyat ko. Bukas
ay wala na ang pag-aaral. Ang pamantasan ay wala na rin. Wala kundi dugo at patayan! Nakahanda
kami at tiyak ang tagumpay. Kapag kami’y magwagi, lahat na hindi ng tumulong sa amin ay
ipalalagay naming kalaban. Basilio, naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan o isang
kinabukasan!
Jay: Kasama ko si Kabesang Tales, nasa ibaba siya at naghihintay! Muli kita tinatanong: sasama ka
sa amin o hahayaan mong kaming kakalabanin ka na rin? Magpasiya ka!
Jay: Isang bagay na napakadali. Sapagka’t ako ang mamumuno sa kilusan ay hindi ako makalalayo
sa gitna ng labanan. Nasi kong iguho ninyo ang pintuan ng Santa Clara kung saan ninyo kunin ang
isang taong liban sa akin at kay Kapitan Tiyago, ay kayo lamang ang nakakakilala. Hindi ako
manganganib munti man.
Jay: Oo, si Maria Clara. Nais kong iligtas siya sapagkat iyon ang dahilan ng aking buhay.
Pagsisiklabin ko ang himagsikan pagkat iyon lamang ang makapagbukas sa pintuan ng mga
kumbento.
Jay: At bakit?
Jay: Iya’y isang kasinungalingan! Hindi totoo! Buhay si Maria Clara. Dapat siyang mabuhay! Iya’y
isang duwag na pagdadahilan! Hindi siya patay at ngayong gabi’y ililigtas ko siya o bukas ay
masasawi kayo!
Aaron:……. May ilang araw pa lamang na naglulubha siya. Nagtungo ako sa kumbento upang
makibalita, narito ang liham ni Pari Salvi na dala ni Pari Irene. Magdamag na nanangis si Kapitan
Tiyago at hiningang- tawad ang larawan ng anak hanggang sa mahimbing sa apyan. Ngayong gabi’y
tungtog ang kanyang agunyas.
Naalaala ni Simoun, nakarinig nga siya ng tugtog ng agunyas noong siya’y naglalakad sa may
kumbento.
Jay: Namatay! Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabuhay
ako para sa kanya…… namatay!!!
Napatindig na namumutla si Basilio, ngunit narinig niyang muli ang mga yabag na lumalayo
hanggang sa mawala.
Hindi naalaala ng binate ang pag-aaral. Pinagala niya ang kanyang paningin sa malayo at ginunita
ang kapalaran ng dalawang nilalang na yaon. Kaawa-awa ang nangyari sa dalawang
nagmamahalan. Sa kabilang banda, nang gabing yao’y labing-apat na binata ang nakatipon sa loob
ng Panciteria Macanista de Buen Gusto upang ipadiwang ang kinhinatnan ng salitaan ukol sa
pagtuturo ng wika kastila upang maibsan ang lungkot ng kanilang pagkatalo, huling dumating si
Isagani. Biglang dumating ang mga taga- guwardiya sibil at nagkaroon ng gulo.
Sa loob ng Maynila, ay isang tindahang malapit sa pamantasan na lagin dinarayo ng mga nag-aaral
ay pinag-uusapan ang pagkakahulihan.
Jeber: Nabaril! Naku, hindi pa man nakababayad sa akin ng utang! Kung bakit pa kasi nila
kinamumuhian ang mga prayle nung gabing iyon, tingnan tuloy ang nangyari sa kanila!
Kristel: Huwag kayong magsalita ng malakas Nora, baka kayo mapagbintangang kasabwat. Kaya
sinunog kong lahat ang mga aklat na ipinahiram niya sa akin ay baka kung magsiyasat ay
matagpuan. Humanda ka, Nora!
Kristel: Luku-luko iyang si Isagani. Hindi sana siya mahuhuli kung hindi nagprisinta. Mabuti nga sa
kanya! Marahil ay nabaril na.
Kristel: Hindi siya mawawalan ng nobyo. Marahil ay iiyak nang sandali, ngunit hindi malalaunan at
pakakasal sa isang kastila.
Naging napakalungkot ng gabing iyon. Sa mga bahay- bahay ay nagdarasal ng rosary at ikawalo pa
lamang ng gabi’y bahagya nang makakita ng mangisa-ngisang naglalakad.
Madaling nabatid sa lalawigan ang pagkamatay ni Kapita Tiyago at ang pagkabilanggo ni Basilio na
nadamay sa ginagaw ng mga mag-aaral sa Panciteria.
(Panaginip ni Huli)
Aaron: *Huli! Huli! Tulungan mo ako. Mahal na mahal kita huli!(Nagising si Huli)
Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa
kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorraay tinaguriang Si Kabayo- sadyang
malikot sa babae.
Christine: Huwag kang mag-alala Huli. Sasamahan kita.
Harriett: Maraming salamat po Hermana Bali. Iwanan po ninyomuna ako. Gusto kong mapag-isa.
Christine: Osige. Maiwan na kita.
Balisang balisa si Huli dahil hindi na niya alam kung anong gagawin.Pagkalipas ng ilang oras.
Christine:Huli! Magmadali ka! Kelangan na nating puntahan si Padre Camorra. Ipapatapon na daw sa
Carolinas ang si Basilio!
Harriett: Ha? Ayoko! Ayoko! Ayokong pumunta kay Padre camorra! Natatakot ako.
Christine: Pababayaan mo na lamang ipatapon si Basilio? Huwag kang mag-alala. Hindi gagawa ng
masama sa harap ko si Padre Camorra. Halos pinagtulakan ni Hermana Bali papasok sa kumbento si
huli. Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong tumalon si Huli sa
ibabaw na bintana ng kumbento na sanhi ng kanyang pagkamatay. Hinanap siya ni Tandang Selo
ngunit hindi na nya ito nakikita kailanman.
Jay: Tuloy!
Pumasok si Basilio. Kaylaki ng ipinagbago niya. Kung malaki man ang ipinagbago ni Simoun ay
lalong malaki ang ipinagbago ni Basilio.
Aaron: Ginoong Simoun, naging masama akong anak at walang budhing kapatid. Hindi ko pinansin
ang aking ina at ang pagkakapahirap sa aking kapatid…. Pinarurusahan na ako ng diyos! Ngayo’y
nais kong gantihan ng sama ang kasamaan, ng poo tang poot at ng dugo ang dugo!
Aaron: Tumaggi akong tumulong sa inyo. Nagkamali ako at naging makatuwiran kayo. Utang ko sa
inyo ang aking paglaya. May katwiran kayo at naparito ako upang sabihin sa inyong bigyan ako ng
sandata at pasiklabin na ang himagsikan! Handa akong tumulong sa inyo at sa iba pang naaapi!
Nakatayo na si Simoun. Nagliliwanag ang mukha , para siyang isang taong nakatagpo ng hinahanap.
Jay: May katwiran ako, oo, may katwiran ako! Oo, ang kilusa’y di nagtagumpay, pagka’t nilayuan ako
ng marami dahil sa panlalamig ko sa kanila nung nalaman kong patay na ang aking minamahal. Pero
ngayong kailangan ninyo ako. Sana’y magtagumapay ito.
Hinawakan ng mag-aalahas ang bisig ng nalilitong si Basilio at dinala niya ito sa kanyang laboratory.
Inilabas ni Simoun ang lampara mula sa kinalalagyan at inalis ang ilawan.
Jay: Nitro-gliserina, ngunit ito’y higit pa ron. Ito’y mga luhang tinipon, mga poot na tinimpi, mga
kasamaan. Ito’y kahuli-hulihang sandata ng mga mahihina, lakas laban sa lakas, at bayo laban sa
kapwa bayo.
Nang mapuna niyang tila nagtatanong at naghihinala ang tingin ng binata’y nilapitan ito.
Jay: Ngayong gabi’y magdaraos ng isang pista at ang lamparang ito’y ilalagay sa kiyoskong ipinagaw
para roon. Pagkaraan ng dalampung minute ay lalamlam ang kanyang liwanag at kapag may nag
tangkang gumalaw sa mitsa ay puputok ang isang kapusla sa loob. Sasabog ang Granada at
kasabay nito ang pagsabog ng silid-kainan na ang bawat panig ay pinagtaguan ko ng pulbura upang
walang makaligtas
Jay: Hindi, may iba kang gagawin. Hindi nagtagumpay ang pag-aaklas ng mga artilyerong inudyukan
ko dahil sa kakulangan ng pagbalak at panahon at sapagkat wala silang sandata ni pinuno ay dalhin
mo ninyo sila sa tindahan ni Quiroga kung saan nakatago ang aking mga sandata at punlo.
Aaron: Lahat..
Jay: Lahat. Lahat, maging indiyo, mistiso, intsik o kastila, lahat ng walang tapang at sigabo. Ang
lahing ito ay kailangang palitan! Ang ibubunga ng mga amang duwag ay mga anak na duwag. Hindi
magiging wasto ang sumira at bumuo pagkatapos kung ang gagamiti’y mga bulok ding kasangkapan.
Ano, natatakot kayo.
Jay: Papalakpak ang daigdig gaya ng dati at pupurihin ang malakas, ang lalong marahas. Gawin
mong malinis ang kabuktutan at pupurihin ka pa nang higit kaysa gumawa ng kabutihang kimi ang
sarili.
Aaron: Siya nga. Anong mayroon sa akin kung purihin man ako o dustain? Hindi kinahahabagan ng
daigdig na ito ang inaapi, ang mahihirap, ang mga babaing mahihina. Ano ang tatanawin kong utang
sa sangkatauhan gayong siya nama’y walang tinatanaw sa akin?
Kumuha ng isang rebolber ang mag-aalahas mula sa isang lalagyan at iniabot sa binate
Jay: Sa ganap na ikasampu ay hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Sebastian upang
tumanggap ng mga huling utos at sa ikasiyam ay lumayo kayo, lubhang malayo, sa daang Anluwagi.
Sinipat ni Basilio ang rebolber at matapos lagyan ng mga punlo’y isinilid sa lukbutan. Pagkatapos ay
nagtungo si Basilio sa dating bahay ni Kapitan Tiyago bilang pampalipas muna ng oras ngunit
nagbago ang tahanan at nakita niya mismong ikinasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Aaron: Si Paulita! Kaawa-awang Isagani! Ano kaya ang nangyayari sa kanya? Ano mayroon sa akin?
Hayaang sama-samang mamatay ang mga may kasalanan at wala. Hindi ko dapat pagtaksilan si
Simoun! Pinagkakautangan ko siya ng higit sa kanila! Tama! Mukhang tutungom rin dito si Simoun!
Namataan niyang bumaba sa sinasakyan si Simoun. Tumungo sa hagdanan ang mag aalahas na
yuko ang ulong manda’y may iniisip. Pagdating ng heneral ay walang anu-ano’y nanaog si Simoun
Nangangatal sa takot na lumayo si Basilio sa isinumpang tahanan. Nang malayu-layo na siya’y nakita
niyang matamang nakamasid sa tahanang kanyang nilisan si Isagani.
Aaron: Isagani, ano ang ginagawa mo rito? (Hindi umimik ang binata.) Halika, Isagani, lumayo tayo
sa bahay na iyan. Halika!
Marahang kumalas si Isagani at patuloy na pinagmasdan ang tahanan. Isang ngiting malungkot ang
nasa labi niya.
Ruelson: Hindi! Nais kong tumigil dito. Nais ko siyang masilayan sa huling sandal. Bukas ay iba na
siya.
Nilingon ni Isagani ang kaibigan at nakitang sadyang takot na takot ang binate at dahil doon ay isang
bagay lang ang gumiit sa kanyang isipan:
Samantalang nagaganap ang mga pangyayaring ito sa lansangan, ay isang kalatas na may titik na
tintang pula ang nagpalipat-lipat sa kamay ng mga panauhin ng kiyosko. “Mene, Tekel, Phares; Juan
Crisostomo Ibarra”
Karl: Isang napakasamang biro! Ilagda ang ngalan ng isang pilibusterong mahigit nang sampung
taong namamatay!
Kristel: Pilibustero?
Bakas sa mukha ni Pari Salvi ang takot habang binasa nito ang kalatas.
Christian: Ano ang nangyari sa inyo, Pari Salvi? Nakikilala baga ninyo ang lagda ng iyong kaibigan?
(Hindi tumugon ang prayle) Ano ang nangyari sa inyo, Reverendo?
Yugyn: Ito nga ang sulat- kamay niya! Ito nga ang lagda ni Ibarra!
Sa gayo’y nabigo ang balak ni Simoun. Naging takas siyang inuusig ng mga makapangyarihan.
“Mahal kong kapelyan: Katatanggap ko lamang ng isang telegram mula sa aming kwartel. Español
Escondido casa Padre Florentino cojera remitira vivo muerto.Pagkat maliwanag ang telegram,
pagsabihan niyo an gating kaibigan na huwag na siyang paabot sa akin. Tutungo ako riyan sa ganap
na ika-8 ng gabi upang hulihin siya. Lubos na sumasainyo, Perez
Bernadeth:A… Ang Victorinang ito, ang Victorinang ito. Maaari niya akong ipabaril!
Brams: Sandali lamang Don Tiburcio?! Hindi ikaw ang tinutukoy ng liham kundi si Simoun!
Nang mabalitaan ni Simoung siya’y darakpi’y ngumit siya nang malungkot at pakutya lalo na nung
nalamang ito’y mangyari sa ikawalo ng gabi. Tumingin ang pari sa maysakit at lumapit ito kay
Simoun.
Humanap ang pari ng isang botelya upang malunasan ang paglalason ng mag-aalahas.
Jay: Wala nang lunas!Huwag kayong mag-aksaya ng panahon! Mamamatay akong taglay ang aking
lihim!
Unti- unting naghingalo si Simoun hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng buhay. Kinuha ng Pari
ang kaha ni Simoun na puno ng kanyang mga yaman at tinungo ang banging inupuan ni Isagani
upang masdan ang kalaliman ng dagat.