Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bansa

 Pinakakahulugan bilang kalupaang pinamumunuan ng isang pamahalaan.


 Isa itong yunit pampolitika na tinutukoy din bilang isang estado.

Apat na element ng isang Estado

1. Mamamayan
2. Teritoryo
3. Pamahalaan
4. Soberanya

Mamamayan

 Ang pinakapangunahing element ng isang estado.


 Sila ang mga tao na namumuno at pinamumunuan sa isang estado.
 Sila rin ang bumubuo ng lakas-paggawa na nagsusulong sa kaunlaran ng estado.

Teritoryo

 Tumutukoy sa mga katubigay, kalupaan at himpapawirin na saklaw ng


kapangyarihan ng isang bansa.

Pamahalaan

 Binubuo ang pangkat ng tao na may kapangyarihang pamunuan ang bansa.


 Tagapagpatupad ng mga mithiin ng mga mamamayan sa isang estado.

Soberanya

 Ang kataas-taasan at ganap na kapangyarihan ng estado na pamahalaan ang


sariling nasasakupan nang hindi panghihimasukan ng dayuhang kapangyarihan.
 Ang pagkakaroon ng soberanya ay isang katangian ng isang malaya at nagsasariling
bansa.

Ang Pilipinas ay isang bansa at estado dahil:

 Ayon sa Philippine Statistics Authority ang bilang ng mamamayan sa Pilipinas ay nasa


100 981 000 katao.
 Itinakda sa Artikulo I ng 1987 Philippine Constitution na may kabuoang sukat na 300
000 kilometro kuwadrado ang teritoryo ng Pilipinas.
 Ang pamahalaan ng Pilipinas ay binubuo ng mga opisyal na halal ng mga
mamamayang Pilipino.
 Nakamit ng Pilipinas ang soberanya noong Hulyo 4, 1946 matapos mapasakamay ng
mga Pilipino ang minimithing kasarinlan nito mula sa mga dayuhang mananakop.

You might also like