Lesson Plan Pagkonsumo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Layunin:
Pagkatapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Maunawaan ang kahalagahan ng wastong pagkonsumo bilang batayan o
pangunahin ng tao.
2. Masuri ang mga aspeto ng kulturang Pilipino na nakaaapekto sa pagkonsumo;
3. Makapagmumungkahi kung paano nagiging makatwiran ang pagkkonsumo; at
4. Maipaliwanag ang epekto ng pagaanunsyo sa pagkunsumo.

II. Nilalalman:
A. Paksa: Pagkonsumo
 Mga uri ng Pagkonsumo
 Mga Salik na may kinalaman sa Pagkonsumo
 Epekto ng pag aanunsyo sa Pagkonsumo.

Sanggunian: Ekonomiks, pahina 89-96

Kagamitan: sipi ng mga Pag-aanunsyo sa Pagkonsumo

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban
3. Balik-Aral
a) Ibuod ang tinalakay ng nakalipas na pinag aralan tungkol sa
kagastusan at pangangailangan.
b) Ano ang pag kakaiba ng kagastusan sa pangangailangan.
4. Pagganyak:
Advertisement charade: Pagpangkat-pangkatin ang mga mag-aaral
sa limang grupo at magpakita ng pag aanunsyo na kanilang isasadula o
ilalarawan na hindi ginagamitan ng salita. Huhulaan ng mga mag-aaral
ang ipinakita ng bawat pangkat. Maaari ring gamitin sa pagsasadula ang
mga pag aanunsyo sa mga magasin o pahayagan bilang lunsaran. Iugnay
ang pag aanunsyo sa pag konsumo.

Gawaing Guro Gawaing Mag aaral


Class, ano ang paraan ginawa ninyo
upang maisadula ng maayos ang pag
aanunsyo. Ma’am nagkaroon po kami
ng kooperasyon sa isat-isa.
Kung ganun, magaling! Tungkol saang pag
aanunsyo ang isinadula ng unang pangkat?
Tungkol sa tamang paggamit
ng kuyente po, Ma’am .
Ang paggamit ng kuryente ba
ay isang halimbawa din ng
pag konsumo?
Opo!
Magaling! Ngayon ay dumako na tayo sa
Paksang aralin na tatalakayin natin
sa araw na ito, Ang Pagkonsumo.
Sino ang makapagbibigay
ng halimbawa ng pag konsumo?
Halimbawa po ay pagpaload
ng sa cellphone!
Tama ano pa.
Pagbili ng pagkain.
Ang lahat ng inyong sinabi ay tama.
Ngayon class, mayroon akong inihandang
mga katanungan, at bibigyan natin ito ng
mga kasagutan sa ating pagtatalakayan.

B. Pagtatanong:
1. Ano ang kahulugan ng anunsyo? Pagkonsumo?
2. Ano ang kaugnayan ng anunsyo sa pagkosumo?
3. Isa-isahin ang mga Mabuti at masamang dulot ng pagaanunsyo
4. Ano-ano ang mga uri ng pagkonsumo?
5. Ano ang mga aspetong kultural na nakaaapekto sa pagkonsumo. Suriin at
ipaliwanag kung paano ito nakaaapekto.
6. Paano magiging makatwiran ang uri ng pagkonsumo?

a) Pangkatang gawain:
 Pangkat I - (reporting). Sa pamamagitan ng Venn Diagram ibigay
ang kahulugan ng pagkonsumo at anunsyo at ang pagkakaugnay nito
sa bawat isa.

Anunsyo Pagkonsumo
Kaugna
-yan ng
bawat
isa.

 Pangkat II – (role playing). Sa pamamagitan ng maikling pagsasadula


Ipakita ang Mabuti at masamang dulot ng pag aanunsyo.

 Pangkat III- (repoting). Sa pamamagitan ng pag uulat Ipaliwanag ang


ibat-ibang uri ng pagkonsumo,at ang aspetong cultural na nakaaapekto
sa pagkonsumo.

b) Pag-uulat sa klase ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
 Kailan wasto ang uri ng pagkonsumo ng tao at kailan hindi?
2. Pagpapahalaga
Pumili ng alinmang pangungusap at dugtungan.
a. Ang wastong pagkonsumo ay nakasalalay sa pagtitimpi at ako ay
maniniwala na ______________________.
b. Ang wastong pagkonsumo ay walang pinipiling katayuan sa
buhay_______________________________.

IV. Ebalwasyon:
a. Tseklis: Lagyan ng tsek ang sumusunod ayon sa gawi ng pagkonsumo.

Gawi Madalas Paminsan-minsan Bihira Hindi


I II III IV
Naniniwala sa
anunsyo sa mga
telebisyon,
pahayagan, o
magasin.
Tumatawad sa
presyo ng mga
bilihin
Nanunuod ng
telebisyon habang
Bukas ang radyo
Bumibili ng
maraming produkto
para lamang
maipakita na may
maraming pera
Naglilista ng mga
bilihin sa palengke

b. Pag ugnay-ugnayin ang mga sumusunod:


 Pagkonsumo
 Kasiyahan
 Kultura
 Status symbol

Paghambingin ang mga uri ng pagkonsumo

V. Takdang aralin:
Follow –up:
Pumili ng dalawang paanunsyo sa telebisyon at ipaliwanag kung ano ang mabute
at masamang epekto nito sa mga tao, lalo na sa uri ng pagkonsumo? Isulat sa bond
paper.
Advance:
1. Anu-ano ang suliranin ng mga mamimili?
2. Paano mapapangalagaan ng mga maimili ang kanilang karapatan?
3. Anu-ano ang mga pananagutan ng mga mamimili?

You might also like