Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KASAYSAYANG NG WIKANG PAMBANSA

(IKALAWANG BAHAGI)
Pangulong Sergio Osmena- lumagda sa proklamasyong nakasulat sa Ingles noong
Ika-26 Marso,1946 na may pamagat na “Designating the period from March 27 to
April 2 of each year ‘National Language Week’”.
Francisco”balagtas” Baltazar- haligi ng panitikang Pilipino
Ramon Magsaysay (Pangulo ng Pilipinas)-inilipat ang panahon ng linggo ng wika
sa bisa ng Blg. 186 noong Ika-28 Setyembre,1995 na may pamagat na “Na
nagsususog sa proklamasyong 12 na may petsang Marso 26, 1954 sa
pamamagitan ng paglilipat ng pagdiriwang ng linggo ng wika ng pambansang
buhat sa Marso 29- Abril 4 sa Agosto 13-19 bawat taon.
Saklaw rin ng linggo ng wika ang kaarawan ng dating Pangulo na si Manuel L.
Quezon na siyang ama ng wikang Pambansa.
Pangulong Fidel V. Ramos- nag talaga ng muling paglipat ng pagdiriwang ng
buwan ng wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 sa pamamagitan ng
proklamasyong Blg. 1041 noong Hulyo 1997.

Panahon ng Amerikano
Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman angmga Amerikano
sa pamumuno ni Almirante Dewey. Nagsimula na nanaman ang pakikibaka ng
mga Pilipino. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag
ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
Jacob Schurman-naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya.
Marso 21, 1901- nagtakda ang komisyon ng batas Blg. 74 na nagtatag ng mga
paaralang pambayan
Noong 1906- pinagtibay ang isang kurso sa wikang tagalog para sa mga gurong
Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyonng mga mag aaral.
Nang mapalitan ang direktor ng kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang
pamamalakad at patakaran. Ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles
lamang ang gagamiting wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular.
Ayon sa Service Manual ng kawanihan ng Edukasyon “Tanging Ingles lamang ang
dapat na gamitin sa pag aaral, sa bakuran ng paaralan, at sa gusali ng paaralan.
Ang pag gamit ng Ingles sa paaralan ay nararapat bigyang sigla”.
Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala
sa tawag na Thomasites.
Noong taong 1931,ang Bise Gobernador Heneral George Butte na siyang kalihim
ng pambayang pagtuturo , ay nagsabing hindi kailanman magiging wikang
Pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan.
Sumang-ayon sakanya sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw.Ngunit matibay ang
ang pananalig ng kawanihang pambayang paaralan na nararapat lamang na Ingles
ang ituro sa pambayang paaralan.
Mga dahilang nagtataguyod ng pag gamit ng Ingles:
1) Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa
suliraning administratibo.
2) Ang pag gamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot
lamang ng rehiyonalismosa halip na nasyonalismo.
3) Hindi magandang pakinggang ang magkahalong wikang Ingles at
Bernakular.
4) Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan
at pagglinang ng Ingles upang maging wiksang Pambansa.
5) Ingles ang nakikitang pag asa upang magkaroon ng pambansang
Pagkakaisa.
6) Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7) Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pangsining at pang-agham.
8) Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain na ang pag gamit
nito.
Mga dahilang nagtataguyod ng pag gamit ng Bernakular:
1) Walumpung porsiyento ng mag aaral ang naka abot ng ikalimang
grado lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang
pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal
at praktikal na pamumuhay.
2) Kung Bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang
pagtuturo sa primarya.
3) Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas,
nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang porsiyento lamang
ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
4) Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang
gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag aaral kung
paano nila malulutas ang mga problemang kahaharap nila sa
kanilang pang araw arawna pamumuhay.
5) Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang Pambansa ay hindi
nagpapakita ng nasyonalismo.
6) Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng
lahat katulad ng pag gamit ng Bernakular.
7) Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga
Pilipino.
8) Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang
magamit ang bernakular. Kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
Mga alituntuning dapat sundin upang maitaguyod ang wikang Ingles:
 Paghahanap ng mga gurong Amerikano lamang.
 Pagsasanay sa mga pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang
aralin.
 Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asiganturang Ingles sa kurikulumsa
lahat ng antas ng edukasyon.
 Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan.
 Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles
 Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan.
 Pag alis at pag bawal ng wikang Espanyol sa paaralan.
Henry Jones Ford- iniulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng
milyon milyon para maisulong ang pag gamit ng Ingles upang mabisang mapalitan
nito ang at mga dayalek sa ordinaryong usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay
hirap makilala na Ingles na nga. “ Ganito rin ang obserbasyon nina Propesor
Nelson at Dean Fansler (1923) na maging ang mga kumukuha ng mataas na
edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.
Educational survey commission na pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe at
Najeeb Mitri Saleeby- ayon sa kanilang sarbey natuklasan nila na ang kakayahang
maka intindi ng mga kabataang Pilipino ay napaka hirap tayahin kung ito ba ay
hindi nila malilimutan paglabas nilang paaralan.
Joseph Ralston Hayden(Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933 hanggang
1935)- suportado ang sistemang Amerikano ng edukasyon,ngunit tinanggap din
niyang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag hindi kailangan mag
Ingles.
Lope K. Santos- Iminungkahi na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na
maging wikang Pambansa.Ang panukala ay sinusugan naman ni Pangulong
Manuel L. Quezon na siyang Pangulo ng pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
Artikulo XIV seksiyon 3 ng saligang batas ng 1935- Nakasaad ang probisyong
pangwika.
Ika-13 ng Nobyembre,1936- nilikha ng batasang Pambansa ang batas komonwelt
Blg. 184 na nagsasaad ng opisyalna paglikha sa surian ng wikang Pambansa.
Noong 1937- ipinalabas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kautusang
tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng
wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa.

You might also like