Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: TSISMISAN AT UMPUKAN

 Nailalarawan ang tsismisan at umpukan bilang gawing


pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
LAYUNIN  Naibabahagi sa mga mag-aaral ang mga konsepto ng tsismisan
at umpukan bilang isa sa mga gawing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino.

Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino:

I. TSISMISAN

Pinagkunan ng larawan: Google Images

A. KASAYSAYAN NG TSISMIS
 Ayon kay Faris (1958) ang isang tao ay madaling makasagap ng tsismis sa isang
konteksto ng paninibago, kawalan ng katiyakan at pangangailangan ng
impormasyon.
 Kung ito ay laganap, ang tsismis ay higit na mabilis kumalat.
 Ayon kay Tiongson (1959) iniuugnay niya ang tsismis sa pagkabagabag, ang
taong ligalig at biktima ng pagkabagabag ay siyang madaling maniwala at
magkalat ng tsismis.
 Ang tao ay nagkakalat ng tsismis dahil sa matinding pagnanais na ibahagi sa iba
ang istorya at matamo ang paghanga ng iba bilang isang nakakaalam.

B. Legal na aksyon kontra Tsismis


 Ayon sa Article 353 ng Revised Penal Code: Libelo ay isang pampubliko at
malisyosong pagbibintang ng isang krimen, o dipekto, katotohanan man o haka-
kaka, o anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan o kalagayan na
nagging sanhi ng kasiraang puri, kasiraan ng pangalan o pag-upasala ng isang
natural o judicial na tao, o upang manira nang memorya ng isang patay.

C. Mga Patakaran
 Ipinagmumulta ng P300, P500, at P1000 para sa una, pangalawa at pangatlong
pagkakasala.
 Sila rin ay kinakailangan na mag community service.

D. Tsismis: Paboritong libangan ng mga Pilipino


 Ayon kay RICO BLANCO sa kanta niyang “CHISMIS”:

“Chismis…
Talent ng Pilipino
Chismis…
Tungo sa pag-asenso
Chismis…
Ako mag-isang marijuana
Chismis…
Sumampalataya”

 Parte na ng kulturang Pilipino, at bawat barangay ay mayroong grupo na


kadalsang binubuo ng mga nagtsitsismis.

1. Kadalasang nag Tsitsismis:


a. Mga Misis
b. Mga tambay o walang magawa sa buhay

E. Epekto ng tsismis sa aspektong moral ng tao


 Mapaminsala sa mga reputasyon at pagpapahalaga sa sarili at maaring maging
sanhi ng emosyonal na pagkakabalisa.
 Ang negatibong tsismis tungkol sa isang tao ay lubhang nakakapinsala sa
pagpapahalaga sa sarili at kalusugan ng isip.
 Maaring humantong sa pagkagalit at pagkamuhi ang negatibong tsismis.
II. UMPUKAN

Kahulugan ng Umpukan:

 Mga taong nag sasama


 Katipunan
 Bunton ng tao
 Pulutong
 Kulumpon
 Isang grupo o pangkat

Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng


Umpukan:
May nangyaring aksidente, nagkasalpukan ang
dalawang jeep kaya nagkaroon ng kulumpon ng tao
para maki balita o makiusyoso sa nangyari.
Ang Umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng
mga tao para sa isang okasyon o pangyayari, o sa anong kadahilanan. Ginagamit din ang
Umpukan para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat.
Maari rin na ang Umpukan ay mangangahulugang buhol.

Mga Gawaing Kasanayan: Indibidwal

https://www.youtube.com/watch?v=vp4_C-1Ei_U

Pakinggan ang kantang “CHISMIS” ni Rico Blanco at tukuyin ang


mga konseptong naitalakay sa kanta patungkol sa tsismis.

https://www.youtube.com/watch?v=eOZRl04vgtc

Ilarawan ang sumusunod na mga lirikong maririnig sa kantang


“PITONG GATANG” ni Fred Panopio. Bigyan ng pansariling
kahulugan ang mga konseptong maririnig sa kanta patungkol sa
tsismis at umpukan.
Mga Gawaing Kasanayan: Pangkat (Dula-dulaan)

 Ito ay pangkatang Gawain at nangangailangan ng pagtutulungan ng bawat miyembro.


 Gumawa ng script na nagpapatungkol sa tsismis at umpukan bilang gawing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
 Ang mga eksenang isasadula ay dapat sumasalamin sa tsismis at umpukan.
 Bigyang diin ang paglalarawan ng epekto ng tsismis at umpukan sa aspetong
sosyolohikal at moral ng tao.
 Ito ang pamantayan sa pagtataya ng dula-dulaan:

Kriterya Bahagdan
1. May kahandaan sa kasuotan, props at musika. 10%
2. Maganda ang ekspresyon ng mukha. 30%
3. Malakas ang dating sa mga manunuod. (Audience
15%
Impact)
4. Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit. 20%
5. Makitaan ng pagiging malikhain sa presentasyon. 25%
https://www.scribd.com/doc/150263854/Dula-Rubrics-docx

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: TALAKAYAN

 Natutukoy ang mga alituntunin ng talakayan at kung paano


ang pagsasagawa nito.
LAYUNIN  Naibabatid ang kahalagahan ng Talakayan bilang isang gawing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

I. Kahulugan ng Talakayan:

Ang “talakayan” ay isang


sitwasyong pagsasalita na ang
layunin ay magpalitan ng
opinion o ideya sa dalwang
nagsasalita. Ito ay isang
pangkatang pagpapahayag ng
matalinong palagay o haka-
haka tungkol sa isang bagay.
Uri ng talakayan:

Pormal na pagtatalakay – punong tagatalakay; nakahanda ang mga tatalakay sa


pagpapaliwanag at pagpapahayag ng sariling opinion.

Di-Pormal – Laging ginagamit sa loob ng paaralan; walalng pormal na hakbang na


sinusunod sa uring ito.

Panel Discussion – paksang pampubliko na isinasagawa ng isang pangkat ng mga eksperto


na ipinepresenta sa madla.

Sampaksaan – may tiyak na paksang tinatalakay gaya na lamang ng panel discussion

Forum – marami ang maaring tumatalakay sa maraming paksa

II. Sangkap at Proseso ng Talakayan


1. Unahin ang paksang inaasahan.
2. Ilantad ng maayos ang mga patunay
3. Siguraduhin na may basehan ang tinatalakay.

Mga Gawaing Kasanayan: Pangkatan

https://youtu.be/WSsEaBA06-0

Panoorin ang video clip na ito tungkol sa Estado ng Wikang


Filipino sa ating bansa. Talakayin ang mga sumusunod na
katanungan:
a. Nabibigyang pagpapahalaga ba ang Wikang Filipino?
b. Napapayaman at napapaunlad ba natin ang ating sariling wika?
c. Nalilinang ba ng mabuti ang pagtuturo ng wikang Filipino?
d. Naisaalang-alang ba ang paghihinuha sa patuloy na pag gamit na ating wikang pambansa?
e. Nasa anong estado na baa ng ating Wikang Pambansa?

Pamantayan sa Pagtataya ng Talakayan

4 3 2 1
Angkop na angkop Angkop ang volyum, Hindi masyadong Hindi angkop
Tinig ang volyum,ganap na ganap ang pagkabuo angkop ang ang volyum,
ganap ang pagkabuo at malinaw ang tinig volyum, hindi hindi buo ang
at malinaw na ng mga kasapi. ganap ang tinig at
malinaw ang tinig ng pagkakabuo ng malabo ang
mga kasapi. tinig at hindi tinig ng mga
masyadong kasapi.
malinaw ang tinig
ng mga kasapi.
Higit na organisadong Sapat organisadong Hindi gaanong Hindi
Organisasyon daloy at daloy at organisadong organisadong
ng Talakayan pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod daloy at daloy at
ng mahahalagang ng mahahalagang pagkakasunod- pagkakasunod
bahagi ng talakayan. bahagi ng talakayan. sunod ng -sunod ng
mahahalagang mahahalagang
bahagi ng bahagi ng
talakayan. talakayan.
Matalas at kritikal na May sapat na talino Kulang sa talas atWalang talas
Pagtalakay bahagian at ng bahagian at kritikalidad ang at kritikalidad
pamamaraan ng pamamaraan ng bahagian at ang bahagian
pagtalakay sa paksa pagtalakay sa paksa pamamaraan ng at
ng bawat kasapi. ng bawat kasapi. pagtalakay sa pamamaraan
paksa ng bawat ng pagtalakay
kasapi. sa paksa ng
bawat kasapi.
Makabuluhan at tiyak Karaniwan at tiyak Kulang sa kalidad Walang
Kalidad ng ang paraan ng ang paraan ng at maligoy ang kalidad at
Pagsagot pagsagot sa mga pagsagot sa mga paraan ng hindi
tanong. tanong. pagsagot sa mga nasasagot ang
tanong mga tanong.
Higit na Karaniwang Hindi gaanong Hindi
Pangkalahatang nakapanghikayat at nakapanghikayat at nakapanghikayat nakapanghika
Dating nakagpataas sa sapat na nakagpataas at bahagyang yat at
kawilihan at sa kawilihan at nakapagpataas sa nakapagpataa
kritikalidad ng madla kritikalidad ng kawilihan at s sa kawilihan
madla kritikalidad ng at kritikalidad
madla ng madla
https://www.scribd.com/doc/315984393/Rubric-Ng-Round-Table-Discussion
Iskala sa Pagmamarka:
20 – 17 – Kahanga-hanga
(Natatangi ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at
pagtatalumpati nito)
16 – 14 - Mahusay
(Karaniwan lamang ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at
pagtatalumpati nito)
13 – 10 – Hindi gaanong mahusay
(May kahinaan ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at ang
pagtatalumpati nito)
9 - 1 – Nangangailangan ng pagsasanay
(Mahinang-mahina sa pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at ang
pagtatalumpati nito)

Pormula ng Kompyutasyon sa Iskor: Iskor ng Guro (20x2) +Sariling Pagtataya (20x1) = 100pts
Buod ng Iskor: Guro _____ + Kritiko _____ + Sariling Pagtataya _____ = _______
Ebalweytor at Lagda: ____________________________
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: PAGBAHAY-BAHAYAN

 Naipapakita ang gawing pangkomunikasyon sa pamamagitan


ng pagbahay-bahay.
LAYUNIN  Naibabahagi ang importansya ng pagbahay-bahay sa aspetong
sosyolohikal bilang gawing pangkomunikasyon ng mga
Filipino.

Katuturan ng pagbahay-bahayan:

Ang pagbahay-bahayan ay isang Gawain


na nagpupunta sa iba’t-ibang lugar at
tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-
bagay na maaring makakuha ng
impormasyon.

Mga Layunin ng Pagbahay-bahayan:

 Magbigay impormasyon o
kaalaman sa mga tao.
 Nakakatulong din ito upang puksain ang mga illegal na gawain ng mga tao.
 Maipapabatid ng maayos ang mensahe sa tao
 Mahikayat ang mga kliyente na tanggapin ang alok o bilhin ang produktong
binebenta.

Mga paraang ginagamit sa pagbahay-bahayan:

 Survey  Solicit
 Interview  Product Sellers
 Delivery  House Tour
 Postman  Pagbebenta ng mga Santo

Paglalapat tungkol sa konseptong Pagbabahay-bahayan

Gumawa ng maikling palabas tungkol sa gawing pangkomunikasyon ng mg Pilipino na


pagbabahay-bahayan. Bigyang diin sa inyong maikling palabas ang mga sumusunod na
konsepto:

1. Kahalagahan ng pagbabahay-bahayan sa komunikasyon.


2. Pagbibigay pokus sa sosyolohikal na aspeto ng pagbabahay-bahayan.
3. Importansya sa aspeto ng pagbibigay impormasyon at kaalaman sa mga tao.
Kriterya Bahagdan
1. May kahandaan sa kasuotan, props at musika. 10%
2. Maganda ang ekspresyon ng mukha. 30%
3. Malakas ang dating sa mga manunuod. (Audience
15%
Impact)
4. Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit. 20%
5. Makitaan ng pagiging malikhain sa presentasyon. 25%
https://www.scribd.com/doc/150263854/Dula-Rubrics-docx

Mga Gawaing Kasanayan: Pangkatan

Gumawa ng pagsiyasat patungkol sa Estado ng Wikang Filipino sa ating bansa. Magbahay-


bahay sa bawat silid aralan at magtanong ng (3) tatlong estudyante. Gamitin ang survey
questionnaire na ito; (Baldon, Joemar. et. (2014). Wikang Pilipino sa Makabagong Panahon.
Filipino 2, pahina 10. Retrieved from https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-
wikang-filipino-sa-makabagong-panahon)
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: PULONG-BAYAN

 Naipapakita ang gawing pangkomunikasyon sa pamamagitan


ng pulong-bayan.
LAYUNIN  Nailalahad ang kahalagahan ng konsepto ng pulong-bayan
bilang gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

Ang pag-oorganisa ng pulong bayan ay mahalaga


upang ito ay maging epektibo at mabisa. Kailangang
alam din natin ang mga element sa pagbuo ng
organisadong pulong upang maging maayos ang
daloy nito.

Apat na Elemento ng isang Organisadong Pulong

1. Pagpaplano o Planning
a. Pag paplano para sa organisasyon
b. Pagbibigay ng impormasyon, agenda o
mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi.
c. Konsultasyon sa mga bagay na dapat
isangguni sa mga miyembro.
d. Paglulutas ng problema o solusyon.
2. Paghahanda o Arranging
Ang paghahanda ay nakadepende sa mga tao sa
pulong:
a. Tagapangulo o Pangulo (Presiding Officer) – Kailangan alam niya ang agenda at
kung paano patatakbuhin ang pulong.
b. Kalihim (Secretary) – Kailangan alam niyang ihanda ang katitikan (minutes of
meeting) o talaan sa nakaraang pulong.
c. Mga Kasapi sa Pulong – Kailangan nilang pag-aralan ang agenda.
3. Pagproseso o Processing
Ang pulong ay dapat mayroong rules, procedure, o standing order kung paano ito
patakbuhin.
a. Consensus
b. Quorum
c. Simpleng Mayorya
4. Pagtatala o Recording
a. Ang pagsulat ng minutes o tala sa pulong.

Mga may mahahalagang papel sa pulong:


 Pinuno o Chairperson
 Secretary
 Mga Kasapi sa pulong
Mga dapat iwasan sa Pulong:
1. Pagtatalakay sa napakaraming bagay
2. Pag-iwas sa problema
3. Malabong ayunin sa pulong
4. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t-isa.
5. Masamang kapaligiran sa pulong
6. Hindi tamang oras sa pulong

Layunin ng Pulong-Bayan:

Ipakita o ipabatid sa mga tagapakinig ang paksa o agenda na tatalakayin sa pagpupulong na


magaganap para sa kaalaman at kaayusan ng lahat:

 Ang mga pulong bayan ay walang partikular na lugar kung saan talaga sinimulan ito.
 Ang mga recordable na mga pulong bayan ay nagsimula mahigit 300 taon na ang
nakakaraan.
 Si William Bradford ay isa sa mga pinakamalaking tagapamahala ng pinakamaagang
pulong bayan sa Plathfort sa plantasyon noong 1962
 Ang pulong bayan ay mas sikat sa nakaraan kesa ngayon. Ito ay nagsimula sa
kanluran at tinukoy sa mga distrito.
 Nagsimula ang pulong bayan sa maaga bago ang ika-19 na siglo.
 Ang iba’t-ibang mga pulong bayan ay may magkakaibang istruktura at nakaayos ng
magkakaiba.

Mga Gawaing Kasanayan

Gumawa ng maikling palabas tungkol sa gawing pangkomunikasyon ng mg Pilipino na pulong


bayan. Bigyang diin sa inyong maikling palabas ang mga sumusunod na konsepto:

1. Kahalagahan ng Pulong-Bayan sa komunikasyon.


2. Pagbibigay pokus sa sosyolohikal at intelektwal na aspeto ng Pulong-bayan.
3. Importansya sa aspeto ng pagbibigay impormasyon at kaalaman sa mga tao.

Kriterya Bahagdan
1. May kahandaan sa kasuotan, props at musika. 10%
2. Maganda ang ekspresyon ng mukha. 30%
3. Malakas ang dating sa mga manunuod. (Audience
15%
Impact)
4. Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit. 20%
5. Makitaan ng pagiging malikhain sa presentasyon. 25%
https://www.scribd.com/doc/150263854/Dula-Rubrics-docx
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

 Nakakahinuha sa mga aktong di-berbal at naipapaliwanag ang


kahalagahan nito.
LAYUNIN  Naipapakita ang kahalagahan ng komunikasyong di-berbal
bilang gawing pang komunikasyon ng mga Pilipino.

Ayon kay E. Sapir, “ang


di-berbal na
komunikasyon ay isang
detalyado at lihim na
kodigo na hindi
nakasulat ngunit
nauunawaan ng lahat.”

Ayon kay Albert


Mehrabian (1971),
“93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di-berbal na komunikasyon.”

Iba’t-ibang Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics) – pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.


a. Ekspresyon ng mukha – nagpapakita ng emosyon.
b. Galaw ng mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao.
c. Kumpas – galaw ng katawan
d. Tindig o postura – tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng
hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (proxemics) – pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.


3. Oras o panahon (Chronemics) – pag-aaral ng pag gamit ng oras ng tao.
4. Pandama o paghawak (Haptics) – isa sa primitibong anyo ng komunikasyon.
5. Paralanguage – mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
6. Katahimikan/Hindi pag-imik – inihahanda ng tagapagtanggap ang mahalagang
mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
Paglalapat tungkol sa konseptong komunikasyong di-berbal

CHARADES
Hulaan ang mga pamagat ng sumusunod na pelikulang Pilipino. Iaarte ng bawat miyembro
ang mga salitang bumubuo sa pamagat ng isang pelikula at huhulaan naman ito ng iba pang
mga miyembro. Bawal sabihin o isulat ang pamagat ng taga arte.

1. “Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape” (1994)


2. “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?” (1998)
3. Kita kita (2017)
4. 100 tula para kay Stella (2017)
5. Petrang kabayo (2010)
6. Bukas luluhod ang mga tala (1984)
7. Bituing walang ningning (1985)

Mga Gawaing Kasanayan

Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Ayon kay _______________, “ang di-berbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na


kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.”
2. Ito ay itinuturing na isa sa primitibong anyo ng komunikasyon.
3. Anyo ng Di-berbal na komunikasyon na nakatuon sa pag-aaral ng pag gamit ng oras ng tao.
4. Ito ay ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
5. Paghahanda ng tagapagtanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng
tagapagsalita
6. Uri ng mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
7. Ito ay ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
8-10. Magbigay ng tatlong pangngusap na naglalahad ng kahalagahan ng komunikasyong di-
berbal.

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO: EKSPRESYONG LOKAL

 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga ekspresyong local.


 Naibabahagi ang pagka arbitraryo ng wikang Filipino at
LAYUNIN naipapamalas ang masining na aspeto nito sa iba’t-ibang
dayalekto.
Ito ay ekspresyon ng isang tao na nagpapahayag ng kanyang sariling emosyon o damdamin
sa isang particular na lugar o lokasyon.

EKSPRESYON:
Pagpapahayag Pangungusap
Pananalita Kasabihan
Pagpapahiwatig Pagpapakita
LOKAL:
Pampook Pampurok
Pambayan Panglungsod
Pambansa Nasyunal

Halimbawa ng mga Ekspresyong local:


 Patola – isang ekspresyon ngayon ng mga millennial na tumutukoy sa parating
pagpatol ng isang tao sa mga isyu.

 I Kennat – Ginagamit ang ekspresyong ito kapag hindi maipaliwanag ang


nararamdaman o sobrang emosyon tulad ng galit, pagkamangha, kilig o iba pa.

 Shookt – Ito ay isang ekspresyon kapag na shocked ka sa isang pangyayari o


impormasyon.

 Charot/Char – Madalas itong ginagamit sa dulo ng pangungusap na intension mong


maging biro lamang.

 Petmalu – Mula sa binaligtad na salitang ‘malupit’ na nangangahulugang cool o


amazing.

 Lodi – galling ito sa binaligtad na ‘idol’ na tawag natin sa mga petmalu o kaya
hinahangaang tao.

 Edi Wow – Ito ay isang ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mon a ‘edi
ikaw na’ kaya manahimik kana. Ganern.

Ilan lamang ito sa mga salita na madalas na maririnig sa mga kabataan ngayon, pwedeng
ikaw ang mag adjust para maunawaan at mapalapit sa kanila at hayaan ang wika ay
umunlad sa ganitong paraan o ikaw mismo ay gumawa o umimbento rin ng sariling salita
na pasisikatin.
Paglalapat tungkol sa konseptong Mga Ekspresyong Lokal

 Magtala ng mga talasalitaan batay mga nakalap ng ekspresyong lokl ng iba’t-ibang


wika sa Pilipinas.

 Halimbawa: Cebuano, Hiligaynon, Manileño, Ilokano, atbp…

Mga Gawaing Kasanayan

 Gumawa ng pamanahong papel ukol sa komparatibong analisis sa mga barayti ng isa


sa mga wika sa Pilipinas.

 Halimbawa: ‘Ekspresyong local ng wikang Hiligaynon’


Pamantayan sa pamanahong papel tungkol sa konseptong Mga Ekspresyong Lokal

https://www.scribd.com/doc/262888626/Rubrik-Sa-Pananaliksik
Mga Sanggunian

 https://www.youtube.com/watch?v=vp4_C-1Ei_U
 https://www.youtube.com/watch?v=eOZRl04vgtc
 https://www.scribd.com/doc/150263854/Dula-Rubrics-docx
 https://youtu.be/WSsEaBA06-0
 https://www.scribd.com/doc/315984393/Rubric-Ng-Round-Table-Discussion
 https://www.scribd.com/doc/262888626/Rubrik-Sa-Pananaliksik

 (Baldon, Joemar. et. (2014). Wikang Pilipino sa Makabagong Panahon. Filipino 2,


pahina 10. Retrieved from https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-
wikang-filipino-sa-makabagong-panahon)

You might also like