Professional Documents
Culture Documents
Significance of Literature in The 21st Century
Significance of Literature in The 21st Century
BSBA FM 2-PETITION
Ang panahon ay mabilis na lumilipas at marami ang pagbabago sa mundong ating ginagalawan. Ang
panibagong siglo na mas kilalang 21st century ay masasabing panahon kung saan higit na umusbong
ang teknolohiya o whole new digital world. Ang bawat tao ay namulat sa iba't-ibang kasangkapang
makabago at mabilis o tinatawag ding convenient na paraan ng pamumuhay. Malaki ang hamon sa
panitikan kung paano ito makasasabay sa pagbabagong hatid ng mundong bihasa na sa paggamit ng
mga makabagong teknolohiya. Ngunit bago ang pagtalakay sa kahalagahan ng panitikan sa modernong
panahon ay malimit na itanong kung ano nga ba ang panitikan. Ang panitikan ay mula sa salitang "pang-
titik-an" kung saan ang unlaping "pang" at hulaping "an" ay ikinabit sa salitang-ugat na "titik" na
nangangahulugang literatura. Ang literatura o literature sa ingles ay nanggaling naman sa Latin na
"litterana" na ang ibig sabihin ay titik. Mula sa sulatin ni Estefanio (2013), binigyang kahulugan ang
panitikan bilang nagsasalaysay ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Ang panitikan rin ang nagbibigay ng pinakapayak na paglalarawan sa paraang tuwiran o tuluyan at
patula. Malawak ang sakop ng panitikan sapagkat hindi ito nalilimitahan sa paksang maaaring talakayin.
Ang panitikan bilang nagsasalaysay ay maaaring magpahayag tungkol sa pamumuhay, sa pamahalaan,
lipunan, paniniwala o pananampalataya, karanasan at mga damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
pagkapoot, kaligayahan at samu't-saring emosyon ng tao. May ibat-ibang teoryang pampanitikan na
sumasaklaw sa mga sulating mayroong iba't-ibang anyo. Ang mga ito ay ang Arkitayp, Feminismo,
Formalism, Sosyolohikal, Eksistensiyalismo, Dekonstraksyon, Romantisismo, Marksismo, Historikal,
Bayograpikal, Kultural, Realismo, Imahismo, Humanismo at Klasismo. Ang mga ito ang teoryang
pampanitikan na nagpapahayag ng kaisipan, karanasan, damdamin, pamumuhay at makulay na
imahinasyon ng tao.
Sa ating kasalukuyan mahalaga na malaman ang kahalagahan ng panitikan. Ito ang siyang patuloy na
magtataguyod sa kalikasan ng panitikan at magbibigay ng kaalaman sa susunod pang henerasyon. Kahit
laganap na ang teknolohiya ay hindi maiaalis ang panitikan bilang malaking taga-impluwensiya sa kung
ano ang katangian at paniniwala ng mga tao sa kasalukuyan. Sa pag-aaral ng panitikan ay nagkakaroon
ng malalim na pagkilala at pagka-unawa ang tao sa kung ano ang kanyang katangian, paniniwala at
nararamdaman. Sa makulay na pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng tula sa social media ay
nagagamit ang panitikan bilang tagapaghatid ng nararamdaman at iniisip ng isang tao. Ang paggawa ng
mga sanaysay at pagbuo ng mga journal at editoryal sa iba't-ibang ibang aplikasyon sa internet ay
nagpapakita lamang na maging ang panitikan ay sumasabay sa pagbabago. Maging ang mga bugtong na
dati ay nasusulat lamang sa mga maliliit na libro ay ginagawa ng mga larong makabuluhan. Laganap din
ang tulang pagbigkas sa social media na kinagigiliwan ng mga kabataaan.