Hardinerong Tipaklong

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Kilalang-kilala si Mang Anton

sa nayon ng Palong-Palong. Siya


ang may pinakamagandang
halamanan doon. Berdeng-
berde ang kanyang gulayan. Sari-
sari naman ang mga bulaklak sa
kanyang bakuran.
Isang umaga, natigil sa
pagdidilig si Mang Atong.
“Ano ang nangyari rito? Bakit
kayo nagkakagulo? Tanong ni
Mang Atong.
“Dumating po si Tipaklong na
gutom na gutom. Kasama niya
ang tropa at dito sila lumusong,”
sagot ni Ilang-Ilang.
Lumalim ang mga kunot sa
noo ni Mang Atong. Madaling-
araw lumulusob ang mga iyon
habang masarap ang kaniyang
tulog. Pinaalala niya kay Aling
Bebang na gisingin siya nang
mas maaga kinabukasan.
Inakala ni Mang Atong na mas
maaga na siyang gumising
ngayon. Tiyak na aabutan niya
ang tropa ng mga Tipaklong na
gutom na gutom. Tahimik at
malalim ang idlip ng mga
pananim. Dahan-dahan siyang
naglakad papuntang gulayan
habang nagmamanman.
Maingay at nagkakagulo roon.
“Dito naman pala nagpista
ang mga tamad!”
Umaalon ang kanyang dibdib.
Malalim ang iniisip.
Hindi natulog si Mang Atong
nang gabing iyon. Walang
mintis ang kanyang patibong.
Habang kumakain ng sariwang
kangkong, nahuli si Tipaklong.
Takbuhan naman ang mga
kasamang kampon.
“Huwag kang mag-alala,
pakakawalan din kita,” sabi ng
Mang Atong.
“Maawa ka na, magugutom ako
dito. Huwag mo akong
ikulong.”
Talagang gugutumin kita.
Itatali ko pa ang iyong mga paa.
Mula ngayon ay hindi ka na
makatatalon,” pananakot ni
Mang Atong.
Kung papayag ka, pakakainin
kita. Kakalagin ko na rin ang tali
ng iyong mga paa. Pero
magtrabaho ka, kapalit ng
pagkain at pagtira.”
Bumilis ang takbo ng dugo ni
Tipaklong.
“Kahit ano, gagawin ko,”
malakas ang kanyang tugon
Pinakain siya ni Mang Atong
ng kanin at galunggong. Isinama
siya sa gulayan pagkatapos.
Binungkal niya ang lupa at
dinilig ang mga halaman.
Tumutulong si Tipaklong kay
Mang Atong araw-araw mula
noon. Naging kaibigan niya si
Petsay,Talong, Sigarilyas at
Okra. Kapag oras ng pahinga’y
nagkakantahan sila habang
naggigitara siya.
Minsan silang inabutang
ganoon ni Mang Atong. Sa isang
kumpas, huminto ang lahat.
Nakahanda sila sa galit na akala.
Ngunit, ngumiti iyon at
nagsabing “Magaling ka palang
tumugtog. Kung magtatagal ka
pa, ibibili kita ng gitara.”
Ngumiti ang mga mata ni
Tipaklong. Mula noo’y sumipag
pa siyang lalo. Amoy ng
pambihira niyang ilong ang mga
kulisap, malapit man o malayo.
Kita ng pambihira niyang mga
mata ang mga nagtatago, sa mga
dahon man o sa puno. Kaya, lalo
pang bumilog at lumusog ang
mga alaga niya.
Laging nakatawa si
Gumamela. Madalas kumakanta
si Okra. Tuwi-tuwina’y patalun-
talon si Talong. Kaagad-agad
namang napapasayaw sina
Petsay at Sigarilyas.
Isang umaga, nagtataka si
Tipaklong. Sinalubong siya ni
Talong na nagsusumbong.
Inabutan niya si Ampalaya na
nagdadadamba.
Kinain ng isang dosenang
higad ang murang mga dahon ni
Ampalaya. Nagtatago pala sila
sa puno ng akasya. Nangako si
Tipaklong. “Mahuhulog sila sa
aking patibong.”
Naghukay si Tipaklong sa di
kalayuan sa malagong baging ni
Ampalaya. Nilagyan niya ito ng
murang mga talbos. Paborito ito
ng masisibang higad. Naamoy
nila agad ang katakam-takam na
bango.
Nagmamadali silang bumaba
sa puno ng akasya at nag-
uunahan sa pagkain. Hindi nila
napapansin ang nagyayari sa
paligid nila. Binubuhusan na ng
tubig ni Tipaklong ang hukay na
palibot.
Nang maubos na ang mga
talbos at mabusog ay dahan-
dahan silang kumilos. Nakita
nilang paligid na sila ng tubig at
hindi makatawid.
Nagmamakaawa sila kay
Tipaklong. Nangako silang hindi
na muling babalik doon kung
tutulungan silang makaalis.
“Kapag hindi kayo tumupad sa
usapan, hinding-hindi na kayo
makakawala,” sabi ni
Tipaklong.
Una-unahan ang mga higad na
tumawid sa tulay na siit. Isang
yarda ang ngiti ni Ampalaya
nang makita niya ang huling
higad na pausad-usad.
Nagpasalamat siya kay
Tipaklong.Mula noon, lalong
dumami ang mga bulaklak
niyang dilaw at bumilog ang
kanyang mga bunga.
Lalong gumanda ang
halamanan at gulayan nina
Mang Atong at Aling Bebang.
Napansin ito ng mga taganayon
ng Palong-Palong. Nagtataka rin
sila kung bakit lalo pang
sumipag at lumakas ang mag-
asawa.
Naging bukambibig tuloy sa
nayon. Gamot sa panghihina at
pagtanda ang pag-aalaga ng
halaman.
Isang araw, kinausap ng mag-
asawa si Tipaklong.
“Labis-labis na ang pagsisilbi
mo sa aming hardin. Maaari ka
nang umuwi kung ibig mo,”

malungkot ang tinig ni Mang


Atong. “At hindi sapat ang
pasasalamat namin sa pambihira
mong sipag,” dagdag ni Aling
Bebang.
“Hindi ko gustong umuwi. Ito
lang ang aking tahanan,”
malungkot ang tinig ni
Tipaklong. “Huhusayan ko pa
ang pag-aalaga sa mga halaman.
Pagkain ko’y sige bawasan.”
Nalungkot ang mga nakikinig na
halaman.
“Ito na ang tahanan mo, kung
gayon,” masayang tugon ng
mag-asawa. Pareho rin ang
pagkain ni Tipaklong.
Dadagdagan pa ang oras ng
pahinga kung kailangan niya.
Tumalon nang tumalon sa tuwa
si Tipaklong.
Mula noon kapag may
nagtatanong, “Ano hong abono
ang ipinaiinom ninyo sa
halaman, Mang Atong?”
Nakangiti siyang tutugon:“Kayo
na ang magkaroon ng
hardinerong Tipaklong!”
THE END

You might also like