Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA SALAWIKAIN

1. Ang taong tamad, kadalasa'y salat


- Ang taong tamad ay madalas na kapos sa buhay

2. Sagana sa puri, dukha sa sarili


- Laging napupuri pero naghihirap sa pansarili.

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat.


- Maginhawa ang pagsasama kung tapat sa isa’t isa.

4. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon.


- Kahit itago ng matagal ang katotohanan, ito ay lalabas pa rin sa takdang panahon.

5. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot.


- Matutong magtipid at magtiis kung kakarampot ang iyong kinikita sa paghahanap buhay.

6. Puri sa harap, sa likod paglibak.


- Puri papauri at pagpaparangal ang sinasabi kapag nakaharap ngunit nililibak at sininisiraan
naman kapag nakatalikod.

7. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili.


- Puri papauri at pagpaparangal ang sinasabi kapag nakaharap ngunit nililibak at sininisiraan
naman kapag nakatalikod.

8. Ang mabigat gumagaan pag pinagtutulungan.


- Ang lahat ng bagay ay nagiging magaan at madali kung nagtutulungan.

9. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan.


- Marami ang nagtatapang tapangan at puro salita ngunit hindi kayang gawin at iilan lang ang
matapang ang kalooban.

10. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang.


- Ang taong habang nasasaktan at naghihirap ay lalong natutong maging matatag at matapang
sa hamon ng buhay.

11. Pag may hirap, may ginhawa.


- Ang lahat ng paghihirap ay aani ng kaginhawaan.

12. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.


- Tinutulungan ng Diyos ang taong tinutulungan ang kanyang sarili.

ANTONIO LUIS TOBIAS GNG. ROMERO


V - PSALM
MGA SALAWIKAIN

13. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.


- Ang lahat ng gagawin at sasabihin ay isipin ng isang libong beses kung ito ay maganda o
masama.

14. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.


- Ang asal mula sa pagkabata ay asal hanggang pagtanda.

15. Pag di ukol, ay di bubukol.


- Ang hindi para sa iyo ay hindi para sa iyo kahit anong gawin mo.

16. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.


- Bili ng bili ng kung anu-ano o gumagastos ng walang pakundangan at kapag naubos na ang
pera ay nakatunganga na.

17. Kung walang tiyaga, walang nilaga.


- Walang magandang bunga o resulta sa mga taong hindi marunong magtyaga o magtiis.

18. Kung may tinanim, may aanihin.


- Kung ano ang iyong ginawa o ibinigay sa iyong kapwa ay sya mo ring matatanggap.

19. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.


- Ang taong hirap na hirap ang lahat ng paraan ay gagawin kahit ito ay masama.

20. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
- Ang buhay ay panapanahon lang, minsan nakakaangat o maalwan at minsan naman ay gipit o
taghirap.

21. Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.


- Lahat ng kaligayahan sa mundo ay pinaghihirapan.

22. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa.


- Ang balita o tsismis ay kusang kumakalat sa mga taong matabil ang dila at tengang kuneho.

23. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.


- Ang pagpapaalala ay kailangan ng mga taong madalas nakakalimot.

24. Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.


- Kahit umiyak ka man at taos ang pagsisi, ang nangyari ay nangyari na.

25. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.


- Kahit ang taong matatalio ay napaglalamangan din.

ANTONIO LUIS TOBIAS GNG. ROMERO


V - PSALM
MGA SALAWIKAIN

26. Batang puso, madaling marahuyo.


- Madaling mahikayat at mapahinuhod ang mga musmos.

27. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.


- Ang kagandahang asal ay katumbas ng kayamanan na hindi nananakaw.

28. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.


- Ang tunay na kaibigan ay maaasahan sa lahat ng oras.

29. Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.


- Ang pagkatao ay nakikilala base sa kung sino ang iyong mga kasama.

30. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.


- Ang taong mapagbigay at matulungin ay lalong pinagpapala.

31. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.


- Ang taong hindi naghirap na makakamit ng anumang bagay ay walang habas kung mag-
aksaya.

32. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.


- Ang iyong kakainin ay iyong pagtatrabahuhan at paghihirapan.

33. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.


- Ang kaginahwaan ay nakikita sa kasiyahan ng isang tao hindi sa karangyaan.

34. Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.


- Ang maniwala sa mga tsismis at haka haka ay hindi marunong mag-isip at walang sariling isip.

35. Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.


- Ang pag-iwas sa kaguluhan ay sagisag ng tunay na katapangan.

36. Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.


- Ang reputasyon at paninindigan ay mas mahalaga kaysa sa buhay.

37. Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.


- Ang taong hindi maiingitin ay hindi marunong makuntento at laging bigo sa buhay.

38. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.


- Tatahi-tahimik ngunit gumagawa ng di mabuti.

39. Anuman ang gawa at dali-dali, ay hindi iigi ang pagkakayari.


- Ang bagay na minamadali ay hindi matibay at maasyos ang pagkakagawa.

ANTONIO LUIS TOBIAS GNG. ROMERO


V - PSALM
MGA SALAWIKAIN

40. Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling.
- Bago mamintas ng iyong kapwa ay tignan muna ang sariling kapintasan.

41. Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.


- Hindi lahat ng nararanasang kahirapan ay tanda ng iyong kasamaan.

42. Gawin mo sa kapuwa mo, ang nais mong gawin nila sa iyo.
- Gumawa ng mabuti sa kapwa at gagawan ka din ng kapwa mo ng kabutihan.

43. Huwag magbilang ng manok, hangga’t hindi napipisa ang itlog.


- Huwag magpakampante sa magandang resulta hanggang hindi pa natatapos ang pagsusulit.

44. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.


- Kung ano angiyong gawin sa kapwa ay sya mo ring dadanasin.

45. Kung gaano kataas ang lipad, gayon din ang lagapak pag bagsak.
- Ang mga taong masyadong mapangmataas at palalo ay maghihirap din ng labis.

46. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.


- Gawan ng kabutihan ang mga taong gumawa sa’yo ng kasamaan.

47. Nagpapakain ma’t masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.


- Kung hindi bukal sa puso ang iyong ginagawa ang lahat ng ito ay wala ring saysay.

48. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.


- Isipin at gawin ang mga mabubuting natutunan at talikdan ang mga masasama.

49. Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.


- Ang taong nasasama sa mga taong gumagawa ng masasama ay natutukso ding gumawa ng
masama.

50. Yaong mapag-alinlangan madalas mapag-iwanan.


- Ang taong madalas mag alinlangan at magduda ay walang napapala.

51. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.


- Ang taong alang alam ay maingay at laging nagbubunganga.

52. Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan.


- Ang pinagdadaanang problema ng isang kapamilya ay dama ng buong pamilya.

53. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.


- Ang taong matuwid at maliis ang konsensya ay walang kinakatakutan.

ANTONIO LUIS TOBIAS GNG. ROMERO


V - PSALM
MGA SALAWIKAIN

54. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.


- Ang isang tao ay nakikilala sa pamamamagitan ng kanyang asal at gawain.

55. Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.


- Ang taong matino ay marunong tumupad sa kanyang salita.

56. Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.


- Ang isip ay lalong nahahasa sa pag-aaral.

57. Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
- Ang pag-aasawa ay hindi biro na maghihiwalay dahil sa konting problema lang.

58. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.


- Ang asal ng bata ay itunuturo ng mga matatanda o magulang.

59. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
- Kahit gaano man ang iyong lakas, kung nag-iisa lang at walang katuwang ay wala ring saysay.

60. Sa taong walang takot walang mataas na bakod.


- Ang taong matapang ay handa humarap sa anumang hamon ng buhay.

61. Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y matamis.


- Hindi man maganda sa paningin ng iba, ngunit maganda at dakila sa paningin ng kanyang
sinisinta.

62. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.


63.
64.

ANTONIO LUIS TOBIAS GNG. ROMERO


V - PSALM

You might also like