Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT

DAILY LEARNING PLAN


AP 10 Ikatong Markahan:
Week 7 Enero 3, 2019
Araw Unang Araw (Day 1)
Pangkat Emerald, Coral
Oras 8:30-9:15, 10:45-11:30
I. LAYUNIN
a. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t
(Content Standard) ibang perspektibo na may kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender
b. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa
(Performance Standard) karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad
c. Kasanayan sa pagkatuto Nasusuri ang epekto ng same sex marriage sa mga bansang pinahihintulutan ito.
(Learning Competencies) AP10IKP-IIIi12
Mga Layunin: 1. Naibibigay ang kahulugan ng same sex marriage.
2. Naiisa-isa ang mga epekto ng same sex marriage.
3. Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa same sex marriage.
II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa PAUNLARIN
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Same Sex Marriage
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian Curriculum Guide
https://www.academia.edu/30348666/Same_Sex_Marriage
https://5sulatinparakayquilantang.wordpress.com/2017/09/30/legalisasyon-ng-same-sex-
marriage-sa-pilipinasposisyong-papel/
B. Iba pang kagamitang panturo Biswal na Kagamitan, mga larawan
GAWAIN NG MAG-
IV. PAMAMARAAN
AARAL
Panimulang Gawain
A. Pagbabalik-aral  Balitaan
 Balik-aral
1. Ano ang ating tinalakay noong nakaraan nating klase? “Ma’am, ang huli po
nating pinag-aralan ay
ang mga probisyon ng
Reproductive Health
Law.”

2. Anu-ano ang probisyon ng Reproductive Health Law? “Isa po sa mga


probisyong ng
Reproductive Health law
ay ang Access to Family
Planning o Section 7.”

B. Paglalahad ng layunin  Ano ba ang epekto ng same sex marriage sa mga bansang
pinahihintulutan ito?
C. Pagganyak Activity: Gamit ang biswal na larawan, huhulaan ng mga mag-aaral
ang magiging paksa sa bagong aralin

“Ma’am, base po sa mga


larawan ay Same Sex
Marriage po iyan.”

Sagot: SAME SEX MARRIAGE


Analisis: “Opo.”
1. Tama ba ang mga naging tugon o kasagutan? “Ito po ay pagpapakasal
2. Ano ang inyong unang naiisip kapag narinig ang mga ng magkaparehong
salitang same sex marriage? kasarian.”
ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT
DAILY LEARNING PLAN
“Ito po ay legal na
pagsasama ng dalawang
taong magkapareho ng
kasarian.”
Paglinang ng Aralin
Abstraksyon:
1. Nasuri na ang mga larawan na siyang nagpapahayag ng
magiging bagong paksa.
2. Ang SAME SEX MARRIAGE ay ang pagpapakasal ng dalawang
tao na may parehong kasarian. Maaaring lalaki sa lalaki o kaya’y
babae sa babae. Ito ay upang maging legal ang pagsasama ng
parehong kasarian, hindi lamang sa mata ng tao ngunit pati narin
sa mata ng batas.

Bakit sa tingin niyo ay nagkakaroon ng same sex marriage sa “Dahil po sa mga LGBT
ating lipunan ngayon? na nagmamahal ng
kapareho nilang kasarian
3. Ang same sex marriage ay madalas nagaganap kung ang na may kagustuhang
isang tao ay hindi nasisiyahan sa pakikipagrelayson sa magkaroon ng asawa at
taong may ibang kasarian sa kanya. Maaaring mayroon bumuo ng pamilya.”
siyang hinahanap sa isang tao na makikita lamang sa
kapareho niyang kasarian.

May nakakaalam ba kung ano ang unang bansa na siyang “Ito po ay ang
kumilala sa same sex marriage? Netherlands.”
4. Noong 20th Century, ang pagpapaligal ng kasalan sa
pagitan ng dalawang taong magkapareho ang sekswalidad
ay lumaganap. Una na ang Netherlands sa mga bansang ito.
Ilan pa sa mga bansang kumikilala sa same sex marriage ay
ang mga nasa larawan:

Anu-ano kaya ang maaaring maging epekto ng same sex


“Maaari pong magbago
marriage sa tao o sa ating lipunan?
ang pananaw ng mga tao
5. Epekto ng Same Sex Marriage:
sa kasal. Dahil ito ay
 Intelektwal sagrado at tanging babae
 Emosyonal at lalaki lamang ang
 Espiritwal nilikha ng Diyos.
 Panlipunan Maaaring maapektuhan
nito ang Intektwal at
Espiritwal ng isang tao.”

“Isa pa pong maaaring


maapektuhan ay ang
lipunan, dahil nagbabago
ang kultura at paniniwala
6. Malaki ang epekto nito sa moral, emosyonal at espiritual na sa usaping kasal.”
kapakanan ng mga tao lalo na sa mga bata at sa mga taong may
mataas na pagpapahalaga sa pamantayan ng Diyos sa pag-
aasawa. Ang layunin ng Diyos sa tao ay mabuhay at
magkapamilya ang isang lalaki at babae sa pamamagitan ng
pag- aasawa.

Sa tingin ninyo, tanggap ba sa ating bansang Pilipinas ang Same “Hindi po. Dahil ang ating
Sex Marriage? Bakit kaya Oo? O Hindi? bansa ay matindi ang
paniniwala na ang lalaki
ay para lamang sa
ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT
DAILY LEARNING PLAN
babae. Sagrado ang
kasal sa mata ng Diyos
at ng batas.”
“Opo. Dahil sa panahon
ngayon, may karapatan
narin ang LGBT na
magmahal kung kaya’t
dapat rin silang hayaan
na magpakasal.”
7. Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang
karapatan ng mga “homosexual” sa bansa kaya malaya ang
lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender
Community) na maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa
bansa ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na
maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan na; maaring
magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at
pagkasira sa kahulugan ng isang tradisyonal na pamilya.
8. Iba’t-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa “same sex
marriage”. May mga sumasang-ayon, dahil para sa kanila, lahat
naman ng tao ay may pantay na karapatan at may karapatan din
silang magmahal. Ngunit karamihan din ay hindi sumasang-ayon
dito dahil imoral ang mga ginagawa ng mga ito.
Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat Kukumpletuhin ng mga mag-aaral ang pahayag:
Ang Same Sex Marriage ay (nakakabuti/hindi nakabubuti) dahil “Ang Same Sex Marriage
___________________ kaya dapat na______________________. ay nakakabuti dahil
binibigyan nito ng
kalayaan at karapatan
ang LGBT na magmahal
kaya dapat na sila’y
hayaan na lamang at
itigal na ang
diskriminasyon.”

“Ang Same Sex Marriage


ay hindi nakakabuti dahil
hindi ito tama sa mata ng
tao, Diyos at batas kaya
dapat na hindi ito
hayaang lumaganap pa
sa iba’t ibang bansa.”
b. Paglalapat Aplikasyon: Pangkatang Gawain: 15 minuto
Magsagawa ng isang debate. Hatiin ang klase sa dalawang
pangkat sa pamamagitan ng pagbibilang o count off.
Ang bilang isa ay ang affirmative side (sang-ayon), at ang bilang
dalawa ang negative side (hing sang-ayon).
Ito ang magiging tuntunin ng debate:
1. Pipili ang bawat grupo ng tatlong speaker na magdedebate.
2. Ang mga natirang miyembro ay magisislbing contributor ng
ideya kung saan sila napapabilang na grupo.
3. Bawat speaker ay bibigyan ng isang minuto sa paglalahad ng
kanillang ideya.
4. Ang pangatlong speaker ng bawat grupo ay magkakaroon ng
rebuttal sa loob ng tatlong minuto.

Ito ang paksa ng debate:


“Ang Legalisasyon ng Same-Sex Marriage sa Pilipinas”
c. Pagtataya Markahan ang kagalingan ng pagbibigay ng kasagutan o
argumento ng bawat pangkat sa ginawang debate.
Ito ang magiging pamantayan:
Organisasyon ng ideya: 3
Nilalaman ng pahayag: 4
Kaugnayan ng mga ideya sa paksa: 3
Kabuuan: 10

d. Pagpapahalaga Anuman ang kasarian na pinili ng isang taong pakasalan, ito’y atin “Ma’am ano man po ang
parin dapat respetuhin at galangin. Dahil sinunod lamang nila ang estado ng tao, siya man
po ay bakla o tomboy ay
ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT
DAILY LEARNING PLAN
kanilang kagustuhan o ang tinitibok ng kanilang puso. Ito ay kailangan parin natin
kanilang karapatan at kalayaan. silang respetuhin.”

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang
Same-sex Marriage sa bansa. Maraming kahaharapin na
pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa
bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang
LGBTQ ngunit hindi nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at
simbahan ang Same-sex Marriage.

e. Karagdagang Gawain
V. MGA TALA
VI. MGA PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
b. Bilang ng mag-aaral
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
d. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like