Professional Documents
Culture Documents
Pamagat
Pamagat
Inilathala: 1935-1940
Tauhan:
Minang Da Tomasa
Buod:
Dito ikinuwento ni Dodoy na may nangyari sa Puktol nang bumisita rito si Iday kasama
sina Nana Upeng, Da Tomasa at saka isang batang lalaki. Dahil sa ito ang baryo ni
Kadyo, ang manliligaw ng dalaga, hindi malabong may maganap matapos manood ng
moro-moro ang mag-anak ni Iday at tumuloy sa bahay ng amain. Sinamantala ni Kadyo
ang panahong ito kasabwat ng dalawang kaibigan upang dakpin si Iday ngunit siya’y
nanlaban pati ang mag-anak ng dalaga kaya’t hindi nagtagumpay si Kadyo.
Dahil walang pagkukunan nito kundi ang botika sa bayan, hiningi ni Kadyo ang
reseta at nagsadyang suungin ang nangangalit na tubig. Sinundan siya ni Isagani at
naalala nito na baka hindi makatagal si Kadyo sapagkat ilang araw na siyang puyat.
Naalala ni Isagani ang kanyang asawa at anak, ang magkaibang daigdig nila ni
Iday at ang pag-ibig ni Kadyo, pag-ibig na bulag man at baliw ay maaari pa ring
mamulat at magtanaw-silim.
Ang maikling kwentong ito ay isang kwento madulang pangyayari dahil kapansin-
pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kwento. Ang pangyayari ay lubhang
mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga
tauhan sa kwento.
Magandang Pahayag:
Pagsusuri:
a. Bisa sa Isip
Napagtanto namin na ang pag-ibig na bulag man at baliw ay maari rin palang
maging pag-ibig na busilak. Sa kwento, si Kadyo ay baliw na baliw sa pag-ibig niya kay
Iday at handa siyang gumawa ng masama mapasakanya lang si Iday. Siguro nagawa
lang ito ni Kadyo sa labis na pag-ibig niya kay Iday at dahil nga sa nakaw na halik ay
nasira ang pag-iibigan nina Iday at Isagani. Napasakanya nga si Iday ngunit labis
naman siyang naging seloso at brutal kaya hindi naging masaya sa kanyang piling si
Iday ngunit pinanindigan siya ni Kadyo hanggang sa mga sandaling madidilim. Ipinakita
niya kay Isagani na kaya talagang totoo ang kanyang nararamdaman kay Iday at handa
niyang ibuwis ang kanyang sariling buhay maligtas lamaang ang minamahal.
b. Bisa sa Kaasalan