Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Kasanayang Pagkatuto

 Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda.


F7PT-IVc-d-19
 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang mga katagian batay sa
napanood na bahagi ng akda.
F7PD-IVc-d-20
 Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa napakinggang
bahagi ng akda.
F7PN-IVe-f-20
 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na
napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan.
F7PS-IVc-d-20

II. Paksa

 Pamagat: Aralin 27 “Ang Paghahanap sa Singsing at ang


Pagsupil sa Kabayong Taksil”
 Sanggunian: Obra Maestra: Ibong Adarna pahina 299-313
 Kagamitan: yeso, pisara, kagamitang biswal, laptop, TV Monitor, speaker

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Aktibiti

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Balik-Aral

a. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod upang mabuo ang
buod ng Aralin 26 Ang Pagtabon sa Maugong na Dagat,.
 Hiniling ng Hari na kung maaari ay itabon ang bundok sa maugong na dagat.
 Gusto niyang maging kastilyo ito at ang mga simboryo ay may anyong bilog.
 Pinatayuan niya ng gulod na may pitong hanay at may kanyon pa.
 Sinabi ito ng binata sa dalaga at nagawa ito dahil sa dunong ni Donya Maria.
 Subalit mukhang hindi nasiyahan ang hari, nagbago ito ng isip at ipinatawag na
muli si Don Juan.

b. Basahin ng sabay-sabay ang buod ng Aralin 26.

5. Pagganyak

Pagpaparinig ng awiting :Pagsubok” ng Orient Pearl

 Ihayag ang sariling damdamin matapos mapakinggan ang awit


6. Paglalahad

a. Talasalitaan

Hanapin sa pira-pirasong larawan angkasingahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


sumusunod na taludtod.

a. paglakuan-linlangin b. mapapaka- mamamatay

c. natigmak- napuno d. tinggo-hagupit

1. Ano yaring mahihintay 3. Hapong natigmak ng luha


kung kayo ay paglakuan? ay biglang napaawa ang dalaga.

2. Ang bilin ng hari pagkagising 4. Upang lubos na manghina ang kabayo


nasaan ang singsing binigyan siya ni Don Juan ng isang tinggo.
at kung wala sa umaga
ang buhay ko’y mapapaka.

b. Presentasyon ng Aralin

Pagpapanood ng video

Aralin 27 “Ang Paghahanap sa Singsing at ang Pagsupil sa Kabayong Taksil”

c. Talakayan

1. Ano ang mga bagong kahilingan ni Haring Salermona iniatang kay Don Juan?
2.Saan dapat ibalik ni Don Juan ang singsing ng hari?
3. Ano ang kabilin-bilinan ni Maria Blanca kay Don Juan habang hinahanap niya ang singsing?
4. Ano-ano ang mga ipinagtapat ni Maria Blanca ukol sa kabayo?
5. Ano ang mga habilin ni Maria Blanca upang matalo niya ang kabayo?

B. Analisis

Pangkatang Gawain
 Don Pedro - Umawit ng awiting Tagalog na nagbabahagi ng sariling damdamin at
saloobin ng tauhan sa akdang binasa.
 Don Diego – Nakagagawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita kung paano
napagtagumpayan ang pagsubok.
 Don Juan - Ibuod ang aralin sa pamamagitan ng pagguhit.

C. Abstraksyon
 Pagbabahaginan ng ginawa
 Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral
 Pagbibigay fidbak at puntos ng guro
PAMANTAYAN
10 puntos 8 puntos 6 na puntos 4 na puntos
Napakahusay. Mahusay. Malinaw di gaanong Hindi malinaw ang
Malinaw at wasto at wasto ang mahusay. pagpapahayag ng
ang pagpapahayag pagpapahayag ng Hindi gaanong kaisipan.
ng mga kaisipan kaisipan mula malinaw ang
mula simula simula hanggang pagpapahayag ng
hanggang wakas. wakas subalit may kaisipan.
mangilan-ngilang
malabong pahayag.

D. Aplikasyon

Kung kayo si Don Juan, anong mga paaraan ang gagawin nyo upang
mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa inyong buhay? Ipaliwanag.

Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa tulong ng mga clue. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Anong S ang nawala kay Haring Salermo at nalaglag sa gitna ng dagat?


2. Saang B lumulan ang magkasintahan upang makarating sa dagat?
3. Anong D ang naputol kay Maria Blanca dahil sa kapabayaan ni Don Juan?
4. Anong K ang alaga ng ama ni Haring Salermo.
5. Anong R ang hinigptan ni Don Juan kaya hindi ito makatakbo?

IV. Takdang Aralin


1. Basahin at unawain ang Aralin 28 “Ang Pagpili kay Donya Maria at ang
Pagtatanan nila ni Don Juan”
2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang binabalak ng hari upang hindi mapakasal ang anak kay Don Juan?
2. Ano ang ginawa ng hari nang malamang tumakas aang magsing-ibig?
3. Ano ang sumpang binitiwan ng ama sa anak sa kataksilang kanyang ginawa?
4. Saan nakarating si Don Juan at Donya Maria?
5. Ano ang mahigpit na pakiusap ni Donya Maria kay Don Juan?

Sanggunian:
Obra Maestra: Ibong Adarna
Pahina 314-329

You might also like