Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUOD

Sa loob ng MNHS ay nagsagawa kami ng pananaliksik ukol sa epekto ng online games sa


mga mag-aaral. Limang respondent ang among kinapanayam at ang ilan dito ay naglalaro na ng
"online games" sa murang edad pa lamang. Amin ding nalaman na ang pinaka-paboritong laruin
ng mga kabataan ngayon ay ang "ML" (Mobile Legends) sapagkat isa sa aming katanungan ay
kung anong online games ang kanilang madalas laruin. Ang aming pananaliksik ay tumuon din
sa kung anong epekto ng paglalaro nito sa kanilang academic performances. Bagamat may ilang
nagsabing ito ay may magandang epekto din, marami namang nagsabi na bagamat ito ay
nagsisilbing libangan sapagkat ito ay nakakalibang, nakakaengganyo ngunit aminado naman
silang ito ay hindi nakakatulong sa kanilang pag-aaral, sapagkat ayon din sa karamihang aming
nakapanayam, ang paglalaro nito ay umuubos ng napakaraming oras at ito ay may malaking
epekto din sa behavior o pag-uugali. Kadalasan ding hindi na nila nagagawa pa ang kanilang mga
gawain sa eskwelahan man o sa bahay.

REKOMENDASYON

Totoong lumaganap na sa ating lipunan ang makabagong tekolohiya at ito ay mabilis


nating na adopt lalo na sa makabagong henerasyon, kung kaya't tayo ay tinawag ding "Digital
Natives". Bagamat maraming nalululong sa paggamit nito pangunahin na nga sa paglalaro ng
online games. Aming iminumungkahi na hindi naman masama ang paggamit ng mga ito, siguro'y
maglaan lamang ng sapat na oras at panahon sa paglalaro at sapat ding oras ukol naman sa pag-
aaral. Sa ganitong paraan maiiwasan ang masamang epekto nito sa academic performances ng
mga mag-aaral.

You might also like