Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mga Alamat

Ang mga alamat ay isang uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayanna
karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tunay na mga tao o pook.
Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin mula pa sa ating mga ninuno na
magpasahanggang ngayon ay napag-uusapan

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na


tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama na si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya.


Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat
upang kanilang pagkain.

Samantalang ang ina naman na si Magda siyang nag-aasikaso sa


kanilang bahay at dalawang anak na sina Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga


pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ng pamilya.

At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala


nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi


niya nabantayan ang taniman nito ng ubas, naging dahilan upang
manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya
sa gubat at inatake ng maraming alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa


bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa
pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihim na pagkagusto sina


Magda at Damaso sa isa’t isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at


mamuhay sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.


“Ina, huwag mo po kaming iwan!” ang iyak ni Maria.

“Oo nga po! Mang Damaso, huwag n’yong kunin an gaming ina!” ang
iyak ni Jose.

Ngunit hindi napigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa


rin sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si


Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.

Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa


ilog sina Maria at Jose upang humabol.

Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong


lumangoy ang dalawang bata.

Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas


ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big
ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At


sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa’t hindi na nila
nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

“Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling


pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang
kayong maging kauri ng hayop,” ang wika ng babaeng diwata pala ng
ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang


katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso,
tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang
ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

“Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga’t ikaw Damaso, ay hindi


natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw
Magda, hangga’t hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa
iyong mga magiging aaanak,” at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng


maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa


kanilang mga tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay


tapat sa kanilang mga amo.

Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol


ang mga ito sa mga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng
utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng
diwata.

Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga
tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang
magmahal sa kanilang mga anak.

Kaya’t maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na ang


nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga
taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at
ganun din sa mga taong hindi marunong magmahal na tulad ni Magda.
Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa
Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si
Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay.
Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit
sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa
kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na
si Amparo na ubod na tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at
busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng
halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok.
Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay
sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla
“Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa
knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito
at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at
nakita ni Perla ito na pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si
Perla at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro…!

Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARUPARO.

Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang


bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang
nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan pagka’t siyay’y bugtong na aliw ng
kanyang ama’t ina. Siya ang liwanag ng kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang
puso; anupa’t sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang
buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-
unting nawawalan ng sigla’t lakas.

Si Maria’y hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na


nga ng aking nasabi, nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang mga tao sa
bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa
kanila ang isang nilikhang nasa kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim
sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol ay humihihip ng
subing o plauta habang siya’y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga
binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa’y susulpot nalamang sa kanyang harap ang
isang nimpang lipos ng alindog upang makinig at makihati sa kaligayahan.

Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa


talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya’y nakasuot ng sutlang kung minsa’y may
burdang bulaklak at malalapad ang guhit na siyang kinaugalian nang panahong yaon.
Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay
may pahiyas na sariwang bulaklak-suha. Sa kanyang dibdib ay nakayakap ang
mabangong kuwintas ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang.
Mahinhing kumilos na wari bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha’y salamin ng
kagandahan. Bakit ang kanyang mga mata’y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang
kapwa babae’y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa kanya’y nagyuyuko ng
ulo.

Si Maria’y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing
utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay
maliwanag na mapapansin ang mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang
panahong yao’y walang kuwartang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon,
sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawa’t tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo
ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng
hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa buli’t sa pandang may
kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At
kung anu-ano pang kagamitan sa loob ng bahay ang paninda roon.

May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa


bayan ang maraming tao upang makipamalit. Palibhasa’y hindi luyang talaga ang
ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa
kanya ng iba’t ibang lako. Nagkataon namang sa araw na yao’y namamalit si Gat Dula.
Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasama’y may kasama pa siyang mga
dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng
Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat
ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga
kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.

Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang dala-dalahan. Kasingkapal ng mga


paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng
pamamalitang ukol sa bawat pook. Kaya bukod sa mga sadyang tubo sa Makiling ay
may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang sa mga lipingmahal
na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa
talipapa. Nagkataon namang nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa
kanilang binibiling balat ng hayop na may magagandang balahibo. Sa gayong
pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang
mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa di sinasadya’y
nahawakan ni Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan.
Subalit sa taglay na kayumian ni Maria’y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng
paggalang at paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo’y isang mahiyaing ngiti ang
naitugon ng lakambini sa mapakumbabang ‘patawad po’ ng binata.

Buhat noo’y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali’t mula rin
noo’y hindi na niya napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong
makalipas ang ilang panahonng pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling
napalarang mamasdan sa dating talipapaang luwalhating bumihag sa kanyang pihikang
pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang loob: “Ang tiniis kong
hirap nang nagdaang mga araw, marahil ngayo’y malulunasan na.” Banayad siyang
lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman
sa kanya.

Buhat noo’y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang
pagbibilog ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay
nahiwatigan nilang sa ubod ng puso’y may tinitimpi silang pagmamahal. Ito’y
naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang mga paningin, at hindi
maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay
nagkayakap ang dati’y magkalayong langit at lupa. Nguni’t ang gayong pagsusuyuan,
sa nilakadlakad ng mga araw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong
damdamin ang nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na
anak niya’y may kasuyong taga-lupa. Ang puso ng ina, palibhasa’y kadluan ng awa,
kung kaya di nakatiis na tanungin si Maria. Madali’t salita, dahil sa malabis na
pagmamahal ng magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na
nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa
talipapa. Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging
tunay na kinapal: yaon ang pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng mga bathala at
madlang tao.

Subalit kung umibig si Maria’y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya ma’y
hindi na nakapapanaog sa lupa dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo
sa madlang kinapal, sa alaala ni Gat Dula’y hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw.
Naroong kung minsa’y pamalas siya sa sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, ngunit
pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang naglalaho. Naroong umawit siya nang
lubhang matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutnit pag hinanap nito kung saan
nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupat ang lahat sa binta’y parang
panaginip. Walang kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang
lahat ng pook at nayong niyapakan ni Maria, maging ang tabing-batis na madalas nilang
pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.

Nang panahong yao’y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di


kataka-takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula.
Subali’t kung ilang kaharian na ang nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man
lamang na mapipilan siya o kaya’y masugatan. Ang dahilan ay sapagkat siya’y
tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay nagiging
baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami
na siyang napagtagumpayang tabak, ngunit ang hindi lamang niya napasusuko’t
napagwawagihan ay ang kamandag ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng
kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya’y naputulan ng hininga.

Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng


kanyang irog ay ibigay sa kanya. Noo’y yumao narin ang kanyang mga magulang kaya’t
sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at
lupain. Subali’t hindi nalilimot ni Maria ang pagkamasintahin ng kanyang inang si
Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang pag kamahabagin ni Dayang ay
minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawat bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop,
gaya rin nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya ang mga
luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na magarang kasuutan ay
hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda, ngunit walang magamit na
kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat nang daing at kahilingan ng kanyang
mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili.

Ngunit ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang


karamihan sa tinatangkilik ni Maria’y di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang
sa wakas ay nakaisip ang ibang mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang
ipinahiram sa kanila ni Maria, palibhasa’y pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi
ibinabalik. Bakit ang sama’y hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit
pa sa mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo’y nayamot si
Maria. Tuloy nawika sa sariling, “nag-iba na ang panahon.”

Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng
madlang bungang kahoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao sa
hayop ay ipinagbawal din niya ang pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at
pamamana ng mga ibon. Kung ang kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang
ginagawa ni Maria’y pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na ulan;
pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang
pinawalang mababangis na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat.
Ang mga yao’y panakot lamang naman ni Maria upang ang mga mangangasong
gumagambalang malabis sa katahimikan ng sakop niyang kagubatan ay magsilayo at
umalis.

Aral

 Iwasan ang pagiging makasarili.


 Ibalik ang mga bagay na ipinahiram lamang sa iyo.
 Sumunod sa mga batas upang hindi maparusahan.
 Ang pagiging matulungin sa kapwa ay hindi masama. Ngunit dapat alam
mo kung kaylan dapat maghinay-hinay at tumigil sa pagtulong kung ang
tinutulungan ay umaabuso na.
 Huwag laging umasa sa kapwa. Matutong magbanat ng buto upang
umunlad at umasenso.

You might also like