3rd Prelim Exam in Filipino-9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GREEN ADVANCED KEST AND ARTS ACADEMY, INC.

FILIPINO-9 3RD PRELIMINARY EXAM

Pangalan: Iskor:
Seksyon: Petsa:

I. PAGPIPILIAN

PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang wastong sagot at isulat ang
titik sa patlang bago ang bilang.

1. Siya ay isinilang sa Bengal na lalawigan ng India. Naipakilala niya sa buong daigdig ang panitikang
Indian sa pamamagitan ng pagsalin sa Ingles ng kanyang akdang Gitanjali “Mga Awit na Pag-aalay”.
A. Rumi ng Persiya C. N.J. Dawood
B. Rabindranath Tagore D. Saadi ng Persiya
2. Ito ang pinakabantog na kathang prosa sa Arabe. Ito ay kilala rin sa pamagat na “Mga Gabing
Arabe”.
A. Pag-akda C. Ang Gawi ng mga Hari
B. Ang Mangingisda at ang Genie D. Sanlibo’t Isang Gabi
3. Siya ay itinuturing na pinakamahusay na makata sa buong daigdig at sinusunod ng mga Muslim sa
iba’t ibang panig ng mundo ang mga aral niyang nakapaloob sa kanyang mga tula at parabula.

A. Rumi ng Persiya C. N.J. Dawood


B. Rabindranath Tagore D. Saadi ng Persiya
4. Ang panitikang ito ay naghahatid ng mga aral sa pamamagitan ng mga payak na kuwento. May
layunin itong magpakilala ng mga pagpapahalagang panlipunan.

A. Prosa C. Didaktiko
B. Tuluyan D. Pagsasalaysay

5. Ito ay isang uri ng tayutay na tahasang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay at hindi
gumagamit ng mga salitang panghambing na anaki, animo, gaya, mistula, mukha, para, tila, tulad, wangis, o
wari.

A. Talinghaga C. Simile
B. Metapora D. Metonymy

6. Ito ay nagmula sa griyegong salita na “elegeia” na nangangahulugang “panangis”. Ito’y isang anyo
ng tula na mapagluksa, tigib ng melankolya at pangungulila, at karaniwang iniaalay sa isang yumao.

A. Elehiya C. Epiko
B. Parabula D. Dalit

7. Pangunahing dahilan ng paghanga nila kay ay ang tatlo niyang aklat: ang “Fihi ma
Fihi”, “Diwan-e-Shams-e” at ang “Masnavi”.
A. Rumi ng Persiya C. N.J. Dawood
B. Rabindranath Tagore D. Saadi ng Persiya
8. Sa pangungusap na: “Ang galit ay ang apoy na sumusunog sa aking puso” ano ang ginamit na
tayutay?

A. Pagsasatao C. Simile
B. Metapora D. Metonymy

9. Ito ang awit ng mga Ilokano para sa mga yumao.

A. Kumintang C. Dalit
B. Kundiman D. Dung-aw

10. Sino ang haring kinukuwentuhan gabi-gabi ni Prinsesa Scheherazade upang hindi siya paslangin
nito kinaumagahan?

A. Haring Emir C. Haring Rumi


B. Haring Shahriyar D. Haring Antenor

11. Ito ang pagkilala sa kasaysayan ng pinagmulan ng salita at ng kahulugan nito.


A. Talinghaga C. Pagkiklino
B. Etimolohiya o Palaugatan D. Pagkukuwento

12. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay katangian sa isang pangngalan o


panghalip.

A. Pang-abay C. Pang-uri
B. Pandiwa D. Pangngalan

13. Dito nangyayari ang pakikipagtuos ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili o sa isa pang tauhan
na sumasalungat sa kanya.

A. Tauhan C. Kakalasan
B. Tunggalian D. Kasukdulan

14. Ito ay pang-abay na nagsasaad kung kalian naganap, nagaganap, o magaganap angkilos na
ipinahahayag ng pandiwa.

A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon


B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Panggaano

15. Ito ang kaantasan ng pang-uri na tumutukoy sa katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na
binibigyang turing.

A. Pahambing C. Pasukdol
B. Lantay D. Pang-abay

II. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ano ang
tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay Simile, Metapora,
Personipikasyon, Hayperbole, Metonymy o Alusyon.
1. Sa taglay niyang kakisigan ay hindi maitatanggi na siya ang Florante ng kanyang sitio.

2. Ang kanyang mga ngiti ay kasintamis ng tsokolate.

3. Gumuho ang mundo ni ana nang iwan siya ni Randy.

4. Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

5. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

6. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

7. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.

8. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

9. Susungkitin ko ang mga bituin, makuha lamang ang matamis mong oo.

10. Ibinigay sa kanya ang korona ng pagka-pangulo.

11. Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mapang-
aliping nais sakupin ang kanilang bayan.

12. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

13. Kasimputi ng labanos ang kutis ni Lois.

14. Namuti na ang aking buhok sa kahihintay sa iyo.

15. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo ng langit sa itaas na tinitingala ko.

III. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ano ang uri ng tunggalian
ang nangibabaw sa bawat pahayag. Isulat ang TT kung ito ay Tao laban sa Tao, TK kung ito ay Tao
laban sa Kalikasan, TL kung Tao laban sa Lipunan, at TS kung Tao laban sa Sarili.

1. Pilit na nilalabanan ni Roy ang selos na nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Ana na may
kasamang iba.

2. Adhikain ng grupong Vendetta na labanan ang kurapsiyon sa Pilipinas.


3. Ang pakikipagtalo ni Jessy kay Alex sa tuwing hindi nasusunod ang gusto niya.

4. Sinuong ni Itay ang malakas na bagyo makarating lamang sa bayan.

5. Palaging ipinipilit ni Andy ang kanyang mga prinsipyo sa tuwing sila ay nag-aalitan ni Jerome.

6. Marami ang namatay dahil sa malakas na pagsabog ng bulkan.

7. Sa kabila ng kahirapan ng buhay ay nagsusumikap pa ring mag-aral ang magkakapatid.

8. Nag-aalinlangan si Ralph kung papasok ba siya sa paaralan o hindi.

9. Hindi pa rin mapatawad ni Pedro ang kanyang sarili.

10. Palaging nakikipagbasag-ulo si Lando sa mga taong tambay.

11. Hindi pa rin tumitigil si Pangulong Duterte sa pagsugpo sa ilegal na droga.

12.Maraming namatay, nasugatan, at nawala dahil sa bagyo na halos umabot sa signal #4.

13. Hindi pa rin malimutan ni Alyana ang kanyang malagim na nakaraan.

14. Palaging minamaltrato ni Aling Rosita ang kanyang ampon na si Rowena.

15. Ang tatay ni Anna ay nasuri na may kanser. Ngunit dahil sa kahirapan, kailangang gumawa ng
paraan si Anna para maipagamot ang kanyang tatay.

IV. PANUTO: Gamitin sa pangungusap na nagpapahayag ng pagsidhi ng damdamin ang sumusunod


na pang-uri.

1. Maganda

Lantay

Pahambing

Pasukdol

2. Matapang

Lantay

Pahambing

Pasukdol

3. Tahimik

Lantay

Pahambing

Pasukdol

You might also like