Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Maikling Kuwento

-panitikang prosa
-mahalagang pangyayari sa buhay ng tao na nag-iiwan lamang ng isang kakintalan(single
impression)
-6 na katangian: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Tunggalian, Tema, at Panauhan

Tauhan
-karakter na nagpapagalaw sa kuwento
-binibigyang buhay ng mambabasa(pag-iisip, pagkilos at pananalita)

Tagpuan
-pook na pinaggaganapan
-panahong kinapapalooban

Banghay
-pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling kuwento
-antas: Panimula, Saglit na Kasiglahan, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas
-parte rin dito ang suliranin

Panimula
pagpapakilala ng tauhan at tagpuan

Saglit na Kasiglahan
sandaling pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin

Kasukdulan
-pinakamadulang bahagi
-nagpapakita ng pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa suliranin

Kakalasan
-pagbabatid sa kinahinatnan ng pakikipagtunggali
-nagpapababa sa intensidad ng kuwento

Wakas
-nagpapamalas ng panghuling kinahinatnan ng tauhan
-maari ring mag-iwan ng aral

Suliranin
-gusot na kailangang lutasin ng tauhan

Tunggalian
-pagharap ng tauhan sa isang malakas na puwersa
-nagbibigay buhay sa kuwento
-Uri: Tao laban sa Sarili, Tao laban sa Tao, Tao laban sa Lipunan, Tao laban sa Kalikasan

Tema
-kaisipan o damdaming pinapaksa ng kuwento

Panauhan
-perspektiba na gagabay sa pagtanggp ng maikling kuwento
-Uri: Una(persona ay naglalahad ng sariling buhay), Ikalawa(persona ay naglalahad ng sariling
buhay at alam niya na may taong nakakabasa nito kaya para siyang nakikipag-usap),
Ikatlo(persona ay naglalahad ng karanasan ng ibang tao batay sa kaniyang nakikita)

Ang Ating mga Likas na Palatandaan


Marami sa magagandang tanawin ng ating bayan ang mga tangi at kilalang palatandaan. Isa na rito ang
Look ng Maynila. Ipinalalagay na isa ito sa mahuhusay na daungan ng mga sasakyang-dagat sa silangan.
Sa makitid na pasukan nito, naroroon ang Pulo ng Corregidor na naging tagpo ng mga di-malilimot na
pangyayari noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa baybay nito, naroroon naman ang baybayin
ng Cavite, Manila, Bulacan, Pampanga, at Bataan. Ang mga pook na ito ay naging saksi ng mga dakila at
mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan.

Sa Mountain Province, mga tatlundaang milya sa hilaga ng Maynila, naroroon ang rice terraces na
bantog sa buong mundo bilang isa sa Walong Hinahangaan sa Daigdig. Ang mga baytang-baytang na
taniman ng palay na ito ay itinayo ng mga unang-unang ninuno ng mga kasalukuyang Ifugao, noong mga
tatlunlibong taong nakaraan.

Sa lalawigan ng Batangas, naroon ang Lawa ng Taal. Sa gitna ng lawa ay may isang bulkang gising. May
paniniwalang ang lawa ay bunga ng malakas na pagsabog ng bulkan noong nakaraang panahon. Ang abo
at putik na ibinuga ng bulkan ay kumalat sa malawak na lupa sa Greater Manila Area.

Noong ika-28 ng Setyembre 1965, pumutok ang Bulkang Taal. Ang mga baryo sa baybay ng lawa ay
lumubog sa putik at abo. Ang pagputok na iyon ay lumikha ng panibagong butas sa bulkan at nakamatay
sa libu-libong tao. Nawalan ng tahanan ang mga napinsala at inilipat sila sa ibang tirahan. Kumilos nang
sama-sama sa isang kilusang pangkawanggawa ang pamahalaan, ang mga samahang pambayan, mga
bahay-kalakal, at libu-libong mamamayang pribado upang damayan at tulungan ang mga napahamak sa
pinakamalubhang kapahamakang umabot sa ating bansa noong 1965. Mula noon, muling tumahimik ang
Taal upang muling mabigyan ng kariktan ang tanawin.

Ang Bulkang Mayon, bantog din sa buong daigdig, ay nasa lalawigan ng Albay, malapit sa Lungsod ng
Legaspi. Ito ay pitung-libo't siyamnaraang talampakan ang taas at ang taluktok ng bulkan (perfect cone)
ay balita sa buong mundo.

Ang Lawa ng Lanao ay nasa Pulo ng Mindanao. Dalawang libong talampakan ito sa ibabaw na pantayang-
dagat at umaagos sa Ilog Agus. Sa dakong malapit sa Lungsod ng Iligan, ang tubig sa Ilog Agus ay
bumababa ng walumpung talampakan sa ilalim at siyang bumubuo ng Talon ng Maria Cristina. Ito ang
nagpapalakad at nagbibigay ng elektrisidad na ginagamit sa bayan-bayan at sa mga sentro ng kalakalan
at industriya sa Mindanao.

Bukod sa mga nabanggit na palatandaan, marami pang magagandang tanawin at makasaysayang pook
ang bayan, na makapagdudulot sa mga turista ng kawili-wili at kasiya-siyang pagdalaw sa Pilipinas.

You might also like