Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan 5 Grade 7
Lesson Plan 5 Grade 7
Lesson Plan 5 Grade 7
Araling Panlipunan 7
Heograpiya at Kasaysayan ng Asya
I. LAYUNIN
A. Naibibigay ang kahulugan ng pangkat etnolinggwistiko.
B. Natutukoy at nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya.
C. Nakagagawa ng isang news article tungkol sa kahalagahan ng pangkat etnolinggwistiko sa pag-unlad at
pag-hubog ng kabihasnang Asyano.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Pangkat Etnolinggwistiko
B. PANAHON: Tatlong oras
C. KAGAMITAN: DepEd Modyul AP 7
D. PINAGKUHANAN: DepEd Modyul AP 7,
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. PAGGANYAK:
Tunghayan ang pag-uusap ng dalawang bata.
Pasagutan ang IRF Chart sa mga mag-aaral . Isulat sa kolumn ng I – initial ang kasagutan
sa tanong na Paano nakaimpluwensiya ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at
pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Ang dalawang natitirang hanay ay sasagutan mo sa
mga susunod na bahagi ng pag-aaral mo sa paksa.
B. PAGLINANG NG GAWAIN
a. TALAKAYAN/GAWAIN
Ipabasa ang tekstong PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA.
Itanong sa mga mag-aaral:
Batay sa binasa , ano ang iyong sariling pakahulugan sa salitang Etnolinggwistiko
Isulat ang sagot sa kahon sa ibaba?
Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?
Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat etnolinggwistiko?
Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay ng halimbawa.
Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat
etnolinggwistiko?
Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga
Asyano?
Suriin ang talaan ng pangkat etnolinggwistiko sa ibaba at isulat sa pie graph kung saang
rehiyon sa Asya ito kabilang.Gagawin ito sa pamamagitan ng isang laro kung saan mag-
uunahan kayo ng iyong mga kamag-aral na maitala sa pie graph ang mga pangkat
etnolinggwistiko sa bawat rehiyon sa Asya. Ang may marami maitatala ang magwawagi.
Afghan, Ural – Altaic, Eskimo, Indo – Aryan, Sumerian, Turk, , Sino – Tibetan, Austronesian,
Japanese, Javanese, Ainu, Caanite, Arabo, Paleosiberian, Lydian, Armenian, Persia Austro-
Asiatic, Dravidian, Korean, Hittite, Jew,
Pamprosesong Tanong
Naging madali ba para sayong pangkatin ang mga etnolinggwistiko batay sa
rehiyon kung saan sila matatagpuan? Bakit?
Ano ang ginamit mong batayan sa pagpapangkat na iyong ginawa?
Pangatwiranan
Banghay Aralin 4
Araling Panlipunan 7
Heograpiya at Kasaysayan ng Asya
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Bawat pangkat ay pipili ng lider at tagatala. Pipili
ang lider ng isang pangkat etnolinggwistiko sa pamamagitan ng palabunutan. Pag-aaralan
ng bawat pangkat ang pamumuhay at kultura ng nabunot na pangkat etnolinggwistiko.
Pagkatapos nito ay ibabahagi ang impormasyon na kanilang nalaman tungkol sa kanilang
paksa.
Ipabasa ang balitang MILF, ikinatuwa ang bagong kasunduan para sa Bangsamoro.
Gamitin ang tanong na nasa ibaba sa talakayan.
1. Ano ang nilalaman ng “framework agreement” ng gobyerno at Moro Islamic
Liberation Front (MILF)
2. Paano ito nakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?
3. Sa kasunduang ito napangalagaan ba ang pagkakakilanlan o identity ng mga
Muslim bilang isang pangkat etnolinggwistiko?Patunayan.
4. Bakit mahalaga na mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?Makakaapekto ba
ito sa mga pangkat etnolinggwistiko na naninirahan sa nabanggit na lugar?
Patunayan.
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. PAGLALAGOM
Tumawag ng isa o dalawang mag-aaral upang ipalagom ang aralin.
b. PAGLALAPAT/PAGPAPAHALAGA
SYNTHESIS JOURNAL
Sa talahanayan, isulat mo sa unang hanay ang mga gawaing iyong isinagawa at sinagutan. Ang
iyong mga natutunan naman ang iyong ilalagay sa ikalawang hanay .Sa pinakahuling hanay , isulat
mo kung paano mo magagamit sa pang- araw – araw na buhay ang mga ito. Maaari mong simulan
ang pagsasagot.
Ikaw, bilang isang mag –aaral ay inatasang maging isang news writer ng isang pahayagan na
maglalathala ng isang news article tungkol sa mga pangkat etnolinggwistiko ang kanilang mga
tungkulin at gampanin sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano. Kinakailangan ang news
article ay makakahikayat sa mambabasa na mapahalagahan ang mga pangkat
etnolinggwistiko?Alalahanin mo din na ang pagsasagawa ng gawaing ito ay bilang paghahanda sa
multimedia advocy na iyong isasagawa pagkatapos ng ika-apat na aralin. Ang news article ay
tatayain ayon sa : nilalaman, organisasyon , mensahe , pagkamalikhain at kapakinabangan.
c. GAWAIN: Batayan sa pag-unlad.
Muli mong balikan ang IRF Chart. Sa bahaging ito ay isusulat mo na ang iyong pinal ( Final ) na
kasagutan batay sa iyong pag-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan ding malinaw mo nang
masasagot ang katanungang Paano nakatulong ang pangkat etnoliggwistiko sa pagbuo at pag-
unlad ng kabihasnang Asyano? Handa ka na ba? Isulat mo na ang iyong Final na kasagutan.
IV. EBALWASYON
IRF Chart
Banghay Aralin 4
Araling Panlipunan 7
Heograpiya at Kasaysayan ng Asya
Tanong: Paano nakatulong ang pangkat etnoliggwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Handa
ka na ba?
V. TAKDANG ARALIN
Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. Populasyon
2. Population Growth Rate
3. Life Expectancy
4. Unemployment Rate
5. Literacy Rate
6. Migrasyon