Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad.

Ito ay nakatutulong sa pagbibigay linaw sa isang paksa sa


pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

May dalawang uri ng paghahambing:

1. Pahambing na magkatulad – sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-
, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.

2. Pahambing na Di-magkatulad

a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo,
mas, di-, hamak.

b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang di-gaano, di-kasino,
di-masyado.

Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang. Isulat ang titik S kung ito ay
pasahol.

1. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre. ____

2. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan. ___

3. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko. ___

4. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious. ___

5. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya. ___

6. Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose. ___

7. Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa bayan ng Sto. Tomas. ___

8. Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing ito sa Matematika. ___

9. Mas marami ang kinakain ko sa ahagan kaysa hapunan. ___

10. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi. ___

b.

You might also like