Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"Ano ang opinyon mo sa paggamit ng Filipino bilang Wikang Panturo?

"

Isa ito sa mga napakahalagang katanungan na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Sa panahon
ngayon, hindi natin maipagkakaila ang malaking impluwensiya ng Wikang Ingles sa iba't ibang parte ng
mundo. Nagagamit ang "universal language" na ito sa iba't ibang larangan ng trabaho, pakikihalubilo at
gayundin sa usaping pampaaralan. Ang mga asignaturang Science, Math at iba pa ay ilan sa mga textong
gumagamit ng Wikang ito. Kung gayon, sa inyong pananaw, nararapat pa bang gamitin ang Filipino bilang
Wikang Panturo? Kung ako tatanungin, Oo.

Alam naman natin na ang wika ay ginagamit upang ipahayag ang ating kaisipan, saloobin at personal na
obserbasyon sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Ang Wikang Filipino ay ang wikang ating nakagisnan
kung kaya't mas madali nating mauunawaan ang isa't-isa kung gagamitin natin ito bilang paraan ng
pakikipagpalitan ng kuro-kuro. Hindi natin maikakaila na kahit sa asignaturang Ingles nagagawa pa rin ng
guro na magsalita ng Filipino sapagkat may mga salita talagang sadyang mahirap maipaliwanag at
maunawaan kung ito'y nakasalin sa Ingles. Ang Wikang Filipino rin ang siyang sumasalamin sa ating
pagkakakilanlan. Kung hindi natin gagamitin ito, ano na lamang ang silbi ng ating wika? Paano na lamang
ang ating mga ninuno at ang mga nakaraang nagbibigkis sa atin at sa kasalukuyan? Kung kaya't maagang
maaga pa lamang kailangang maging mulat na ang mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino upang
malaman nila ang kahalagahan nito.

Samakatuwid, sumasang-ayon ako na gamitin ang Wikang Filipino bilang Wikang Panturo. Sabi nga ng
ibang kabataan ngayon, "Mayroon ka namang sarili, bakit sa iba ka pa tumitingin." Kunbaga, mayroon ka
naman sariling wika bakit yung iba pa ang iyong tinatangkilik at ginagamit. Kung kaya't, sana'y itatak
natin sa ating isipan na payabungin, pagyamanin at gawing buhay ang sariling wika-- ang Wikang Filipino.

Cristine Mae B. Barlizo

11-HUMSS F.

You might also like