Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Pinoy ako, Kahit Saan sa Mundo”

Habang sakay ng eroplano si Benjie ay nagbalik sa kanyang alaala ang mga


bagay na nagpasaya sa kanya noong siya ay nasa Pilipinas pa. Balikbayan siya
ngayon.
Madalas namamasyal silang magpipinsan sa ilog upang manghuli ng isda at
hipon. Habang niluluto nila ito ay namimitas naman ang kanyang mga kaibigan ng
mangga at bayabas para gawin nilang panghimagas.
Kung minsan nga ay nag- uunahan pa sila sa pag- akyat ng puno ng niyog at
nagpapabilisan bumaba ng bundok.
“Napakasaya talaga sa aming lalawigan. Kumusta na kaya sila?” ang tanong
niya sa sarili.
Sampung taon na buhat nang siya ay umalis sa Pilipinas upang mag- aral at
pagkatapos ay magtrabaho noon. Nasasabik na siyang makita ang kanyang mga
magulang at ang kanyang mga kaibigan. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng
pagkakataon upang makabalik sa bansa dahil sa dami ng trabaho.
“Ano na kaya ang kaibahan ng mga bata noon sa mga bata ngayon? Madalas
parin kaya silang maligo sa ilog o panay computer na lamang ang kanilang
libangan?”
Pagbaba niya ng eroplano ay nakita kaagad niya mga magulang na
masayang kumakaway sa kanya. Naroon din ang ilan niyang kaibigan at pinsan. Bakas
na bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan sa pagdating ni Benjie.
Pagkatapos ng kumustahan ay naghanda na ng pagkain ang kaniyang mga
magulang. Parang pista sa saya at ang daming pagkain.
“Wow, lahat ng paborito kong pagkain ay nasa mesa. Pati ang manggang
hinog at sinigang sa bayabas na dalag. May inihaw na manok pa. kay sarap pa
naman kumain habang naririnig mo ang awit ng mga ibon at ang mga kambing na
nanginginain kasama ng kalabaw at baka. Talagang nasa Pilipinas na ako,” ang
natatawang sambit ni Benjoe.
Ang mga bata ay masayang naglalaro sa ilog tulad namin. Mas nais nila ito
kaysa maglaro ng computer. Hindi pa rin nakakalimutan ang pagsasabi ng
magagalang na pananalita. Makikita na may paggalang sila sa mga matatanda.
Naroon pa rin ang pagdadamayan ng magkakapitbahay na tumulong sa
paghahanda para sa kanyang pagdating. Binibigyan pa rin ng pagpapahalaga ang
mga matatanda sa ipinapakitang pag- aasikaso sa mga ito.
Naisip ni Benjie tama lamang na umuwi siya sa Pilipinas.
“Dito ko nais na manirahan sa aking pagtanda kasama ng mga taong tunay na
nagmamahal sa akin at magpapahalaga,” pangako ni Benjie sa kanyang sarili.

You might also like