Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MICHELLE: Magandang umaga sa ating lahat!

Nandito nanaman tayo sa


pabibagong paksang pag-uusapan dito sa ating programa ngunit ngayong araw,
ang ating pag-uusapan ay hindi tungkol sa kung sino mang artista o ganap sa
showbiz world sa halip tungkol ito sa ating kabataang nagsisimula ng gumawa ng
kanilang hakbang tungo sa pagbabago. Tungkol saan nga ba ito? Para diyan,
tawagin na natin ang mga tinaguriang coordinators ng proyekto at samahang ito.

MICHELLE: Maligayang pagdating sa aming programa!

TRISHA: Salamat sa pag-imbita, ikinalulugod naming maparito.

MICHELLE: Maliit na bagay! Gustong gusto ko namang pinag-uusapan ang mga


ganitong bagay sapagkat ito yung mga nakakagulat na balita para sakin kaya nang
makita ng aking team ang nagtetrending na organisasyon niyo sa Facebook at sa
marami pang social media platforms ay talagang hindi na ako nag-atubaling
imbitahin kayo. Siya nga pala, tungkol saan nga ba talaga ang proyektong ito?

TRISHA: Alam naman nating lahat na hindi tamang magtapon ng basura kung saan
saan. Ito ay isang uri ng maling gawain na patuloy na nangyayari sa ating
komunidad. Isang maling gawin na naging sakit ng iilang mamamayan na kung
saan hindi nila napapatnubayan ang kanilang sarili sa pagtatapon ng basura kung
saan saan. Pagbaha, pagdumi ng mga ilog at paglaganap ng sakit ang iilan lamang
sa mga epekto nito. Upang maiwasan ang anumang mga problema sa sanhi ng
basura kami ay nagsagawa ng isang proyekto na tinatawag na "KABATAANG
NAGKAKAISA KONTRA BASURA".

MICHELLE: Itong proyekto niyong ito, paano at saan ng aba nagsimula ito?

SHEKA: Kami ay magkababata ni Bb. Collantes kaya kami ay laging magkasama at


napansin namin na saan ka man tumungo ay nagkalat ang mga basura kaya
naisipan naming bumuo ng organisasyon na maaaring makatulong sa paglutas ng
problemang ito.

MICHELLE: Nakakamangha na sa muran edad ay naisip niyo iyan. Kaya siguro mga
kabataan rin ang napili niyong mamuno ano? Tama ba ako?

TRISHA: Tama. Kaya’t napagdesisyunan namin na kabataan ang aming kasama


dahil sa palagay namin ay dapat na rin silang mamulat dahil tulad nga ng sabi ni
Dr. Jose Rizal, "kabataan ang pag-asa ng bayan" kaya't pumili kami ng mga lider sa
bawat lalawigan sa buong Piipinas na siyang kasangga namin sa pagpapatupad ng
mga proyekto isa na rito ang "Kabataang Nagkakaisa kontra basura".

MICHELLE: Ang mga lider ba na iyong sinasabi binibini ay itong mga binata a dilag
na kasama niyo?

SHEKA: Oo. Sila ay ilan lamang sa mga napili naming lider. Siya si Marven mula sa
Ilocos, si Ryan mula pa ng Isabela, si Leanne na mula pa sa Sorsogon.

MICHELLE: Wow. Mula pa sa Sorsogon? Napakalayo naman ng nilakbay ng mga


batang ito upang maparito.

TRISHA: Napaka-dedikado ng mga lider na ito sa kanilang tungkulin kaya hindi


hadlang para sa kanila ang distansiya upang maparito at upang magbigay
inspirasyon sa ibang kabataan na tulad nila.

MICHELLE: Kamangha manghang dedikasyon nga talaga. Nais ko lang malaman


kung anong pakiramdam maging isang lider ng isang grupo ng kabataang
kumikilos para sa ikabubuti ng lipunan?
RYAN, MARVEN, LEANNE: *indibidwal na pagsagot*

MICHELLE: Kayo naman mga binibini, anong pakiramdam habang nakikinig sa


kanilang mga sagot?

SHEKA: Nakaka-antig ng puso sapagkat pakiramdam namin ay nagbigay


inspirasyon sa iba upang gumawa ng mabuti lalo na’t kung para ito sa sanlibutan.

MICHELLE: Para sa panghuling katanungan, ano ang masasabi ninyo para sa mga
taong nagtatapon ng basura kung saan saan? ano mga dapat nilang isa-alang
alang at mga kailangan nilang gawin?

TRISHA: Una, dapat tayong matuto na pangalagaan at pahalagahan ang at ating


kapaligiran. Pangalawa, dapat nating paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok
na basura. Pangatlo, maaring gumawa ang mga nangunguna sa komunidad ng
isang proyektong tulong-tulong ang mga mamamayan sa paglilinis ng kanilang
lugar at magsagawa ng seminars na magbibigay impormasyon ukol sa di tamang
pagtatapon ng basura. At para sa panghuli,ang dapat nating taglayin sa ating mga
sarili. Ang pagiging disiplinado at responsable dahil kailangang gawin natin ang
tamang pagtatapon ng basura sa basurahan upang maging isang magandang
halimbawa sa ating mga kababayan. Lagi nating tandaan na, “Ang basurang
itinapon mo kung saan-saan ay babalik sa iyo”.

MICHELLE: Maraming salamat sa para sa iyong kasagutan, binibini. At diyan na


nga po nagtatapos ang aing programa para sa araw na ito. Muli, maraming
salamat sa pagdalo at pagbabahagi. Hanggang sa muli sa susunod na pagbabalik
ng The Buzz PH!

You might also like