Professional Documents
Culture Documents
LP Demo Ms Garcia
LP Demo Ms Garcia
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at
mga pantulong na tauhan; F7PB-IVg-h-23
III. Pamamaraan
Panimulang gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Pagbabalik-aral
A. Aktibiti
Pagganyak
Panuto: May isang mag-aaral na gagawa ng mga pagsubok kalakip ang
tauhan na kailangang suriin ang katangian at papel na ginampanan sa
akda bago humakbang sa susunod na baitang ng hagdan hanggang
makarating sa minimithing tagumpay na may kaukulang gantimpala.
“Hag-Done ”
nagpakita
kinalimutan nagtago
tamlay
Di nakaayos
nagbilin
makagayak
mangubli
liyag
tumambad
C. Abstraksyon
Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain: “Beat-to-win”
Panuto: Bubuo ng tatlong pangkat ang klase. Magkakaroon ng mga tanong na
kailangan nilang sagutin ng tama. Malalaman kung sino ang nauna sa pamamagitan ng
pagpindot sa alarm. Kung kaninong grupo man ang makasagot ng tama ay magkakamit
ng bituin at ang pinaka maraming maipon ay siyang mananalo.
Mga tanong:
1. Saan ang pakay na puntahan ni Don Juan?
2. Sino ang balak niyang puntahan?
3. Siya ang nag-utos sa ibon na dalahin si Don Juan sa kahariang ninanais?
4. Anong uri ng ibon ang nakakaalam kung saan ang daan patungo sa sinasabing
kaharian?
5. Gaano katagal ang gagawin nilang paglalakbay upang makarating sa naturang
kaharian?
6. Ano-ano ang ginawa nilang paghahanda sa gagawing paglalakbay?
7. Ilang magkakapatid sina Maria Blanca?
8. Sino-sino ang kanyang mga kapatid?
9. Sino ang kanilang ama?
10. Saan inilapag o dinala ng agila si Don Juan pagdating sa kaharian?
11. Bakit doon siya nito dinala?
12. Sa paliguan ng mga prinsesa, anong mayroon sila kung kaya’t hindi sila sama-
samang naliligo?
13. Anong salita ang maaaring maiugnay kay Don Juan pagkatapos makamit ang
hirap at dusa?
14. Ano ang ibinilin kay Don Juan ng ibon?
15. Pagkatapos na maihatid at mapagbilinan si Don Juan, ano ang ginawa ng agila?
16. Pinaghandaan ni Don Juan at ng agila ang ginawa nilang paglalakbay. Gaano ba
kahalaga ang paghahanda sa paglalakbay?
17. Ang pakikipagsapalaran sa buhay ay isang paglalakbay. Ano-ano ang dapat
ihanda sa pakikipagsapalaran sa buhay? Bakit?
18. Sa tingin ninyo, madali ba ninyong makamit ang tagumpay kung
makikipagsapalaran?
D. Aplikasyon
Panuto: Isulat sa isang papel ang mga dapat tandaan upang tiyak na makamit
ang minimithing tagumpay.
IV. Ebalwasyon
V. Takdang Aralin:
Inihanda ni: