Forbidden Kiss

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 206

Forbidden Kiss

Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 1
Pangarap ni Micco

Ang sarap talagang mamisikleta tuwing sabado nang


umaga. Sa bawat pagpidal mo ay pahuni-huni ka pa habang
iniikot ang buong baranggay. Sarap langhapin ng sariwang
hanging nasa paligid mo, ang ginintuang bukid tuwing anihan,
ang huni ng mga ibon, at ang ingay ng mga batang patakbo-takbo
at naglalaro sa daan. Ayos na sana ang umaga ni Micco, subalit
makikita na naman niya ang halimaw niyang pinsan, inutusan kasi
siya ng nanay niyang bumili sa tindahan ng mga ito na tatlong
kanto pa ang layo mula sa kanila.

Si Micco o si Michael Ceasar Caleon delas Nieves, ang


lalaking may tatlong ang lahi: Kastila, Intsik at Pilipino. Galing sa
isang masayang pamilya. Sa side ng tatay ni Micco ay isang
saksakan ng plastic na lahi, este isang magandang makisamang
lahi. Bitterness – sa totoo lang bitter si Micco sa mga tyahin niya
na nuknukan ng babait. Sa side naman ng nanay ni Micco ay lahi
ng mayayabang, ay mali, mayayaman pala. Ang kanyang mga lolo
at mga lola naman ay sobrang mababait, maalalahanin at
malalambing – tanging kay Micco lang ganito ang mga ito, siya
kasi ang bunso ng kanilang mga bunso. Kaya nga lagi na lang
siyang pinag-iinitan ng mga pinsan niyang inggitero at inggitera.
Laging hinuhubuan nuong siya ay bata pa. Maglaway sila
hanggang gusto nila, mainggit sila hanggang kaya nila – linyang
tumatak na sa isip ni Micco.

Dalawampung-taong gulang, bagong graduate sa


kolehiyo at higit sa lahat ay sisimulan na ni Micco ang pagtupad
sa kanyang mga pangarap. Isa lang naman ang pangarap niya
buhay, ang maging performer. Sa katunayan, malapit na ang
kanyang lipad papuntang Italy, kinakabahan na dahil tatlong araw
na lang at aalis na siya at iiwan na ang minamahal niyang
probinsya.

“Micco” tawag kay Micco nang tyahin niya “dahan-dahan


lang sa pagpipidal, baka mabangga ka.” sigaw sa kanya nito.

1
Emmanuel R. Caleon

“Opo” sagot ni Micco “salamat po.” nakangiting wika pa


nito.

Iyan si Shawie, este si Tita Eka pala, tinatawag na Shawie


kasi siya lang naman ang nag-iisang megastar ng lahi nila Micco.
Linggo-linggo, iba-iba at nadadagdagan ang kaaway niyan. Pati
nga ang nanay at tatay ni Micco inaway na din nito, buti nga
nagkabati pa, sayang, sana hindi na, isang sumpa pa ang naging
pagkakabati ng mga ito. Matagal na ngang isinusuka ni Micco ang
tita Shawie niya. Asawa iyan ng kapatid ng tatay ni Micco, ung
kapitan ng barangay nila na under de saya, kaya si Tita Shawie
ang talagang kapitana. Reyna yan ng buong baranggay, hindi
pwedeng makakalamang ka, kasi siguradong aawayin ka –
insecure kasi. Sa katotohanan, matagal ng crush ni Micco ang Ate
Melissa niya, ung bunsong anak nila Shawie.

Kalimutan muna si Tita Shawie, kwento muna ni Micco


ang atupagin natin. Ang nanay niya ay titser, titser sa eskwelahang
pag-aari naman ng pamilya nito. Humble kasi ang nanay ni Micco
kaya ayaw niya na tawaging administrator. Sikat sa buong bayan
dahil karamihan ay naging estudyante niya. Ang tatay naman ni
Micco ay isang pulitiko, mana sa lolo niya. Tatlong eleksyon nang
tumatakbong mayor pero laging talo – babaero kasi. Haciendero
at pagmamay-ari niya ang pangatlo sa pinakamalaking lupang
agraryo sa buong San Tadeo.

“Ahhh” pamaya-maya ay sigaw ni Micco sabay pihit


pakaliwa sa manibela ng bisikleta niya, diretso pa din ang takbo
sabay sigaw ng “Sorry.”

Sabay hinto ng kotse at baba ang drayber. “Fuck you!”


sigaw nito.

“Kinikilig ako” sabi ng utak ni Micco “Fuck me daw” –


“Fuck you too!” ang gusto niya sanang isagot – “Sorry” ulit niyang
sigaw sabay tingin sa lalaki at isang ngiti.

“Stupid! Idiot” pahabol na mura pa ng drayber kay Micco


na halata ang lalong pagkainis sa kanya.

“Cute ka sana” sabi ni Micco sa sarili “kaso magaspang


ugali mo” dugtong pa nito “pero pwede ka na, yummy ka naman
tingnan” kasunod nun ang mahinang tawa na ikinatumba niya sa
bisikleta.

2
“Hoy Micco” bati kay Micco nang pinsan niya “para kang
abnormal” sabay tulong sa kanya para tumayo.

“Kay agang karma” sabi ni Micco sa sarili “salamat kuya


Glenn” sabi ni Micco “kaya kita mahal” dugtong naman ng isip
niya. Pagkatayo ay pinagpatuloy na niya ang pagbibisikleta.

Iyan naman si Kuya Glenn, para kay Micco ay pangatlo


ang Kuya Glenn niya sa pinakayummy niyang mga pinsan sa side
ng ama. Oo na, alam ko may tanong ka – tama silahis si Micco,
bisexual, bading, bakla, bayot o kung ano man ang gusto ninyong
itawag, pero secret lang natin iyon, ako na narrator at si Micco
lang ang nakakaalam nun.

May tatlong kapatid si Micco, puro mga babae at mas


matatanda ito sa kanya, pero walo silang magkakapatid. Magulo
ba ang Math? Eto ang dahilan: Apat silang pare-pareho nang
nanay at tatay, at walo naman silang pare-pareho lang ng tatay.
Tama! Apat ang kapatid nila sa labas na mas matatanda din kay
Micco – puro sila lalaki at kagaya daw ni Micco, mga gwapo din.
– By request, kwento naman ito ni Micco kaya dapat gwapo siya,
pagbigyan na lang natin. Stop muna ang echos, malapit nang
huminto si Micco sa pagbisikleta kasi malapit na siya sa tindahan
ng halimaw.

Biglang hininto ni Micco ang bisikleta at bumaba sa


tindahan.

“Pagbilan po” tawag ni Micco “pabili” lalong lakas pa ng


sigaw niya dito.

“Anong bibilin mo?” tanong sa kanya ng nakasimangot na


tindera.

“Ate pabili po ng asukal at toothpaste, ung pepsodent”


sabi ni Micco sa tindera.

“Ilang kilong asukal saka anung colgate? Ung pepsodent


ba?” tanong nito.

“Isang kilo lang po na asukal. Opo pepsodent po na


colgate” sagot ni Micco – “ayos un, generic name na ang colgate”
buyo ng utak ni Micco na nagpipigil sa pagtawa “pagbigyan na,
makiride na lang tayo, colgate na pepsodent.”

3
Emmanuel R. Caleon

“Eto na” sabay abot sa kay Micco at inabot din naman


nito ang bayad. Dagling sumakay sa bisikleta niya si Micco at
pumidal ulit para makauwi na.

Iyon naman ang pinsan niyang si Ate Trish. Maganda,


seksi at... Matalino? Basta maganda yun. Mabait? Seksi talaga,
perfect curves. Tawa ka naman diyan, punchline kaya ‘yun.
Madaming naiinis dun, bukod kasi sa katarayan at kasungitan,
bulaklak din ng San Tadeo iyon, bulaklak ng bayan nila Micco.
Kung kani-kanino kasi kumakabit at pumapatol. Wala naman
tayong pakialam sa kanya dahil hindi niya kwento ito. Ituloy na
ang narration ng buhay ni Micco.

Lovelife? Zero lovelife si Micco ngayon, pero nagkaroon


ng girlfriend nung grade 4 at isa nung third year high school.
Dalawa lang naman, pero kailan ba niya narealize na silahis pala
siya? Nuong college iyon. super yummy kasi mga kaklase niyang
lalaki, ‘tas sabay-sabay pa silang maliligo after ng P.E. aba, bigla
na lang nagladlad ang Micco – tumataas si junior niya.

Habang nagpipidal si Micco ay “Ahhhh” biglang niyang


sigaw nahulog sa pinitak. Napuno nang putik ang puting-puti
niyang damit at ang bike niyang bagong linis ay dumagan na halos
sa kanya.

“Tilapiang bilasa naman” usal ni Micco habang pinipilit


na tumayo.

Mainam na lang at may huminto sa tapat niya para


tulungan siya. Agad naman niyang inabot ang mga palad nito at
hindi nga naglaon ay naitayo na siya at naiahon mula sa pinitak.

“Salamat” sabi niya dito. Pagtingin niya ay bigla na


lamang siyang natulala dahil sa pamilyar nitong anyo.

“Tatanga-tanga ka kasi” anas ng lalaki na madiin ang


boses “Di ba ikaw ung kanina?” tanong pa nito “tanga ka nga
talaga” sabi pa din ng lalaki.

“Aba!” sangga ni Micco “tutulong ka na lang din,


nagagalit ka pa” sabi ni Micco.

“Tanga ka naman kasi” sabi ng lalaki.

4
“Mabuti nang maging tanga kesa naman maging
magaspang ang ugali na kagaya mo” depensa ni Micco. “Bakit
close ba tayo para gumanyan ka?” pahabol pa niya “feeling close”
mahina niyang usal.

“Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang


gumaganyan” sabi naman ng lalaki.

“Kasi kung lumait ka kala mo close tayo” sabay sakay ni


Micco sa bike at pedal ulit “salamat na lang ulit” pahabol niyang
sigaw dito.

“Matumba ka ulit sana” ganting sigaw ng lalaki.

“Akala mo kung sino” sabi ni Micco habang nagpipidal


pauwi.

“Kung gaano kagwapo ganun naman kapangit ang ugali”


anas pa niya.

Natural, pagdating sa bahay inulan siya nang pangaral


mula sa ina. Pero sa bandang huli, labas at pasok lang sa tenga
niya. Naglinis nang katawan sa pinakamabilis na paraan at muling
bumili nang asukal at colgate na pepsodent. Isang mabilis na byahe
lang ang ginawa ni Micco at hindi pa nagtatagal ay nasa bahay na
ulit siya.

“Micco” tawag sa kanya ng pinsan niya “bilisan mo at


pumarini ka.”

“Ano po iyon Ate Jhell?” tanong niya agad sa pinsan


“may problema po ba?” kasunod niyang tanong.

“Si LJ, si LJ” natatarantang sabi nito

“May masamang nangyari po ba kay Ate LJ?” tanong pa


ni Micco na agad kinabahan.

“Si LJ may manliligaw.” sagot sa kanya ng pinsan.

“Tilapiang bilasa ni San Andres” wika ni Micco sabay


palatak “iyon lang pala, akala ko emergency.”

“Bilis puntahan natin” sabi ng Ate Jhell niya sabay hatak


sa kanya.
5
Emmanuel R. Caleon

Iyan si Ate Jhell ni Micco, kung tutuusin siya na ang


pinakamalapit kay Micco sa lahat ng pinsan niya. Siya naman ang
Cristy Fermin ng baranggay. Chismosa, lahat ng balita sa kanya
galing, at ang sikreto, di uso iyon sa kanya, wala siyang konsepto
ng sikreto. Ang balitang simple, pag siya na ang nagkwento, sobra
ang adlib. Matalas din ang dila, walang preno ang bibig at kayang
magsalita nang 10 words per second.

“Kelan kaya nababawasan ang pagkachismosa ni Ate


Jhell?” sa isip-isip ni Micco habang hatak pa din siya nito papunta
kila LJ.

6
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 2
Ang Lipad ni Adrian

“Manong, sarado po ninyo agad ang gate pagkalabas ko”


utos ni Adrian sa security guard nila.

Carlos Adriano Silvestre Guillemas o Adrian, pangalang


bininyag sa isang taong nukunukan ng yabang, suplado at
saksakan ng taas ang tingin sa sarili. Anak ng public official at
businesswoman. Pangatlo sa apat na magkakapatid at panganay
naman na lalaki. Dalawampu’t limang taong gulang at
kasalukuyang nagmamay-ari ng isang fine dining restaurant at
limang travel agency. Successful na negosyante at dahil sa isang
trahedya, naging masama ang tingin niya sa mundo.

“Tito” bati nang mga pamangkin ni Adrian “mag-iingat


ka tito” pagkasabi nito ay humalik ang mga ito kay Adrian.

“Papakabait kayo” bilin ni Adrian sa mga ito.

“Yes tito” sabay-sabay na sagot ng mga pamangkin ni


Adrian.

Pagkasabi nito ay sumakay na si Adrian sa kotse niya at


pinaandar ito. “Manong ung gate!” utos ulit ni Adrian “salamat
po.”

Si Adrian na ang tumayong tatay sa mga pamangkin niya


pagkatapos ang trahedya na nangyari sa kanyang mga kapatid.
Pabalik na ang mga kapatid niya ng Maynila galing bakasyon
nang harangin ang sinasakyan nilang kotse. Pinagnakawan at
binaril silang lima – ang dalawa niyang ate at ang mga asawa nila
pati ang bunso niyang kapatid. Malapit na ang eleksyon nang
maganap iyon, sa hinala nila ay pulitika ang totoong motibo,
inuulan na kasi sila ng mga death threat para wag tumakbo ang
kanyang ama sa pagkagobernador, dahil dito, sigurado silang
hindi ito simpleng pagnanakaw lang. Oo, masakit man pero unti-
unti niyang natatanggap na wala na sila at ang hustisya? Nabuo
na ang paniniwala ni Adrian: Hustisya? Oo, walang pinapanigan
7
Emmanuel R. Caleon

ang hustisya. Kaya nga nakapiring ang mata nito. Dahil nga sa
nakapiring at kadalasan ay bulag pa nga daw, hindi na nila makita
kung sino ang tunay na may kasalanan. Nagtya-tyaga sa pakapa-
kapa at gabay ang anino ninuman. Manong alisin ang piring at
tumimbang ng tama.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian –

“Hello Pa” sabi ni Adrian.


“Nasaan ka ba ngayon?” tanong ng Papa ni Adrian.
“Papunta po ako ng San Tadeo” sabi ni Adrian.
“Manliligaw ka na naman?” wika ng papa ni Adrian
“umuwi ka kaagad at pumunta ka sa opisina”
“Yes Pa!” malungkot na sagot ni Adrian sabay pindot sa
end call.

Iyon naman ang Papa ni Adrian, lagi at lagi siya kung


ipatawag nito sa opisina. Lagi at lagi siya kung papuntahin sa
kapitolyo para sa kung anu-anong bagay – kahit na sa Maynila
nakatira si Adrian ay pilit pa din siyang pinapauwi nang San
Carlos para lang i-train daw na maging pulitiko – sa gawaing
pangkapitolyo. Pati nga lovelife ni Adrian ay kanya nang
napabayaan, higit pa at ayaw niyang biguin ang ama sa kung ano
ang nais nito para sa kanya.

Hindi naman kasi kami masyadong close nitong suplado


na’to, sa pagkakaalam ko, nakakalimang girlfriends pa lang siya,
at limang taon ang pinakamatagal. Kawawa nga si Adrian, kasi
minahal niya nang sobra-sobra pero niloloko na pala siya. Sa
ngayon ay may bagong tinatarget ang gwapo, mayaman,
antipatiko at mayabang na si Adrian. Ito nga ang pupuntahan niya
ngayon, at kahit hindi niya alam kung saan ito nakatira, basta
desidido siyang hanapin at makita ito.

Pagkalabas ng NLEX ay agad na nagtanong si Adrian.


“Bata saan ang San Tadeo?”

“San Tadeo na ito” sagot ng batang pinagtanungan niya.

“Saan ang Poblacion?” tanong ulit ni Adrian.

“Poblacion po ba?” sagot ng bata “diretsuhin n‟yo lang po


iyan at may makikita na kayong palatandaan na Poblacion na,
pagkulay yellow na ang mga poste” sagot ulit ng bata.

8
“Salamat” pagkasabi nito ay pinaandar na ni Adrian ang
kotse. Hindi nga naglaon ay narating na niya ang binigay na
palatandaan ng bata. Nakikita na niya ang mga kulay dilaw na
poste. Pinaharurot niya ang kanyang kotse at sa isang iglap –

“Putcha” bigla niyang preno.

“Sorry” sigaw ng nagbibisikleta na tuloy sa pagpipidal.

Lumabas si Adrian ng kotse at sumigaw “Fuck you!” –


“bwisit na iyon, muntikan pa akong mapagastos ng hindi oras” sabi
niya sa sarili.

“Sorry” sigaw ulit ng nagbibisikleta at saka nag-iwan ng


ngiti.

“Tarantadong iyon” wika niya ulit sa sarili – “Stupid!


Idiot” muli niyang sigaw dito – “ngingiti-ngiti pa kala mo naman
kay gwapo. Bakla siguro iyon” dugtong pa ng isip ni Adrian.

Muli siyang sumakay ng kotse – “he is not worthy for


anything” sabi ni Adrian sa sarili.

Wow! Kabigla iyong expression niya para sa isang


pinalaki ng isang koserbatibong pamilya – bawal magmura,
magsabi ng hindi magaganda. Dahil sobrang higpit sa kanilang na
bahay daig pa si Ms. Minchin, sa labas lang niya nagagawang
ipakita lahat ng kagaguhan at katarantaduhan niya sa buhay.
Kung tutuusin, mabait ito pagkaharap ang mga magulang, subalit
may sungay pag nakalabas na. Animo’y isang aso na mabait sa
amo, subalit saksakan ng tapang sa mga hindi kilala

Maya-maya pa ay muli siyang huminto ay nagtanong sa


mga nakaparadang tricyle – “Manong saan po dito nakatira ang
mga Pascual?” tanong ni Adrian.

“Ahh! Kila pareng Toto ba?” tanong ng mamang


pinagtanungan niya.

Hindi man sigurado ay – “Opo” sabay na napakamot ito


ng ulo at mahinang “yata.”

“Diretsuhin mo iyang kanto na iyan, pagkatapos


kumaliwa ka, pagkadating mo sa may patubig, lumiko ka ulit,

9
Emmanuel R. Caleon

diretsuhin mo na iyong bukid na iyon at anduon na ang hinahanap


mo” pagbibigay direksyon ng mama.

“Salamat po” nagpanggap si Adrian na naintidihan niya si


manong – “hindi bali, magtatanong na lang ulit ako” sabi niya ulit
sa sarili.

Marahan siyang nagmamaneho nang makita niyang may


nagbibisikletang tumumba sa may pinitak. Binilisan niya ang takbo
ng kotse para tulungan ito at iyon nga ang nangyari, nakita niyang
pilit itong tumatayo. Hindi niya masyadong makita ang mukha
dahil sa putik na nasa mukha nito ngunit pamilyar ang lalaki sa
tingin niya.

“Salamat” wika ng lalaki na bigla namang natulala.

Umakyat sa ulo ang dugo ni Adrian nang makilala kung


sino itong tinulungan niya – “Tatanga-tanga ka kasi” mariing wika
ni Adrian “di ba ikaw ung kanina?” tanong pa niya dito.

“Aba!” sabi ng lalaking tinulungan niya “tutulong ka na


lang din, nagagalit ka pa” dugtong pa ng lalaki.

Lalong uminit ang dugo ni Adrian sa ginawang pagsagot


ng lalaki – “Tanga ka naman kasi” bigla niyang sagot.

“Mabuti nang maging tanga kesa naman maging


magaspang ang ugali na kagaya mo” depensa nig lalaki sa sarili.
“Bakit close ba tayo para gumanyan ka?” pahabol pa nito “feeling
close” mahina nitong usal.

“Ikaw na nga lang ang tinutulungan, ikaw pa ang


gumaganyan” sabi naman ni Adrian na biglang natauhang hindi
nga pala niya kilala ito at kung anu-ano ang pinagsasabi niya.

“Kasi kung lumait ka kala mo close tayo” sabay sakay ng


lalaki sa bike at nagpedal ulit “salamat na lang ulit” pahabol nitong
sigaw kay Adrian.

“Matumba ka ulit sana” ganting sigaw ng lalaki.

Pagkasabi ni Adrian nito ay agad naman siyang sumakay


sa kotse at muling pinaandar.

10
Bakit ba galit na galit si Adrian sa tatanga-tangang lalaki
na’to? Pinakakinaiinisan kasi niya ang mga taong patanga-tanga.
Suplado man at mayabang, hindi naman talaga madaling uminit
ang kanyang ulo, may mga piling tao lang talagang kahit sa unang
kita palang ay kinaiinisan na.

Pahabol, huwag na huwag ninyong huhusgahan si Adrian


base sa ginawa niya sa tangang lalaking iyon. Maiintindihan ninyo
din sa susunod pang mga kabanata. Kalimutan na natin siya at
kwento ito ni Adrian, hanapin na lang natin ang bahay ng
liligawan niya.

Muling bumaba si Adrian at nagtanong – “Miss” tawag


niya sa babae “saan po ang bahay ng mga Pascual?” tanong niya sa
babae ng lingunin siya nito.

“Sinong Pascual ba ang hinahanap mo?” tanong ng babae.

“Kila LJ Pascual po” sagot niya, ngunit imbes na sagutin


ay –

“Bakit ano ang kailangan mo kay LJ?” sabi ng babae


“umamin ka?” tanong pa ulit nito.

Tila nahiya naman si Adrian – “kaibigan lang po” sagot


nito.

“Umamin ka” sabi ulit ng babae na walang preno sa


pagsasalita “manliligaw ka ano?” diretsang tanong nito.

Napakamot na lang sa ulo si Adrian at – “opo, sana.”

Tila kinilig ang babae – “si pinsan talaga, laging


mayayaman ang natutuhog, matatabang isda ang nahuhuli” sabi
nito.

“Duon un sa kabilang bahay.” sabi nito sabay turo sa


katabing bahay.

Nagulat na lang si Adrian nang marinig niya ang babae –


“may bagong boyfriend na si LJ nasa bahay nila ngayon” sigaw
nito at nang lingunin niya ay nakita niya itong tumatakbo.

“Patay” tanging sambit ni Adrian at tinuloy na ang


pagpunta sa bahay na itinuro sa kanya.
11
Emmanuel R. Caleon

Ano na kaya ang mangyayari kay Adrian? Hala! Sige na


nga, abangan na lang at sana sa next chapter huwag nang maging
trying hard ang humor.

12
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 3
Biyahe Papuntang Pangarap

“Sir Adrian!” gulat na bati ni LJ kay Adrian at taranta


dahil sa ingay na ginawa ng kanyang Ate Jhell.

“Good Morning LJ” nakangiting bati ni Adrian “kamusta


ka na?”

“Pasok po muna kayo” nahihiyang paanyaya ni LJ


“pagpasensyahan na po ninyo si Ate Jhell, ganuon lang po talaga
iyon.” pahabol pa nito.

“Wala iyon” sagot naman ni Adrian.

Hindi pa man nagtatagal ay unti-unting nagkakatao sa


labas ng bahay nila LJ at sumisilip-silip pa sa loob ng bahay.

“Sir Adrian” si LJ ulit “nahihiya po talaga ako sa inyo.


Talagang ganyan lang po ang mga kamag-anak ko.” wika pa nito.

“Sinabi ngang wala iyon” sagot ni Adrian – “pesteng


kamag-anak naman „to, paano ako didiskarte, mga nakabantay”
bulong ni Adrian sa sarili.

“Wala pala iyan” sabi ng isa “walang dila.” tila nang-


uuyam nitong turan sa naging sanhi nang tawanan.

“Magsalita ka naman!” sigaw pa ng isa.

“Ah LJ” bulong ni Adrian kay LJ “talaga bang ganito


dito?” tanong pa ni Adrian.

“Opo Sir” sagot ni LJ “pagpasensyahan n‟yo na lang po


sila.”

“Tabi-tabi, tumabi kayo” sigaw ng isang pamilyar na


boses “papasok si the best pinsan.” wika pa nito.

13
Emmanuel R. Caleon

----------------------------------------------------

“Hay Ate Jhell, kahit kelan ka talaga” wika ni Micco.

“Wag ka nang magreklamo” kontra naman ni Jhell at


patuloy pa din nitong kinakaladkad si Micco.

“Mabubusog ba ako pag nakita ko „yang lalaki na yan?”


sabi ni Micco.

“Siyempre naman pinsan” sagot ni Jhell “at maglalaway


ka pa” kasunod ang mahinang tawa.

“Tabi-tabi, tumabi kayo” sigaw ni Jhell “papasok si the


best pinsan” wika pa nito habang hinahawi ang mga kamag-anak
nilang nasa harap ng bahay nila LJ.

Pagkapasok sa loob – “ikaw” halos sabay na naibulalas


nila Micco at Adrian.

Handa namang pakitunguhan ng maayos ni Micco ang


lalaking magaspang ang ugali kahit na nga ba naiinis siya dito,
kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang sarili at ayusin ang
timbre nang kanyang boses – “Micco” pakilala nito.

Sa kabilang banda naman ay biglang umakyat sa ulo ang


dugo ni Adrian at nakita na naman niya ang lalaking tatanga-tanga.
“Pagka naman minamalas ka” sarkastikong saad ni Adrian “Micco
pala pangalan mo.” – “Pangalan ng tatanga-tanga” mahina nitong
usal.

Nagpanting ang mga tenga ni Micco sa narinig mula dito


– “Aba‟t ikaw na magaspang ang ugali ka” simula ni Micco. “Kay
yabang mo wah” sabi ni Micco. “Kala mo kung sinong Pontio
Pilato kung umasta!” sarkastiko na din ang tinig ni Micco.

“Magkakilala kayo?” awat sa kanila ni LJ.

“Hindi” sabay nilang sagot.

“Huh, away na „yan” sigaw ng mga usiserong kamag-


anak.

“Pustahan tayo” sabi ng isa “talo si Micco diyan” kasunod


ang isang mapang-asar na tawa.
14
“Lampa naman kasi si Micco” pang-aasar pa ng isa “hindi
marunong sumuntok iyan” dugtong pa nito.

Biglang nakaramdam ng hiya si Micco at naalalang hindi


nga pala siya marunong sumuntok – “Mga kamag-anak ko ba
talaga kayo?” sigaw ni Micco sa mga usiserong nasa labas.

Bigla din namang napangiti si Adrian sa sinabing ito ng


mga kamag-anak ni Micco – “Lakas ng loob maghamon ng away
bakla naman pala. Puro yabang lang pala ito.”

“Tigil na yan Micco” awat kay Micco ng Kuya Glenn


niya.

“At ikaw naman, huwag masyadong mayabang” sabi ni


Glenn kay Adrian.

Sasagot pa sana si Adrian subalit si LJ na ang pumigil sa


kanya.

“Para kayong mga bata” pangaral ni Jhell nang makitang


kalmado na ang dalawa.

“Pasensya na Ate LJ, Ate Jhell at Kuya Glenn” paghingi


ng dispensa ni Micco “buti na lang wala sila Tita dito nakakahiya
at may nakapasok na magaspang ang ugali” tirada ni Micco.

“Aba‟t” singhal ni Adrian.

“Micco, tumigil ka na” madiing awat ni Glenn.

“Una na po ako” paalam ni Micco sabay labas ng pinto.

“Micco, sandali lang” habol sa kanya ni Ate Jhell niya.

“Sige LJ, nagulo pa tuloy kita. Una na ako, nakakahiya na


sa sobrang abala.” mahinahong wika ni Adrian.

“Sige po Sir mag-iingat kayo” paalam ni LJ.

Sa bahay nila Micco.

“Pinsan” sabi ni Jhell “pasensya na” sabi nito kay Micco.

15
Emmanuel R. Caleon

“Ano ka ba Ate Jhell, ayos lang iyon.” nakangiting wika


ni Micco.

“Hindi ka galit?” tanong pa nito.

“Bakit naman ako magagalit? Sanayan lang yan” sabi pa


ni Micco “lagi mo naman akong pinapahamak.” habol ni Micco
kasunod ang isang matamis na ngiti.

“Ikaw talaga Micco” sabay batok ni Jhell kay Micco


“kaya ka the best pinsan.”

“Sa talaga naman, kaya nga pag nakikita kita kinakabahan


na ako” kasunod ang isang tawa “parang nakakakita ang ng
lumalakad na delubyo.” pahabol pa ni Micco.

“Ganuon pala?” nakataas ang kilay na sinabi ni Jhell


sabay pingot kay Micco.

“Aray” birong sabi ni Micco.

“Micco” madiing tawag kay Micco mula sa labas.

“Patay na!” mahinang usal ni Micco.

“Ayan na ang guardian devil mo” sabi ni Jhell “change


character na, bilis.” komento pa ni Jhell.

At nakapasok na nga sa loob ang may-ari ng tinig na ito.

“Bakit Kuya Glenn?” nakayuko at malungkot na sabi ni


Micco. “sige maawa ka sa akin, tingnan ko lang kung pagagalitan
mo pa ako” – sigaw ng isip ni Micco.

Pagtingin ni Micco ay agad niyang nakita ang matiim na


tingin ni Glenn sa kanya. “Patay na! Lagot kang Micco ka” sabi
niya sa sarili “wa epek, pacute na lang kaya ako para kumalma si
kuya Glenn?” habol na komento pa ng kaniyang utak.

Palibasa ay bunso sa lahat ng magpipinsan sa side ng


tatay kaya naman alagang-alaga ng kanyang mga pinsang sila
Kuya Glenn, Ate Jhell at Ate LJ.

“Ikaw na bata ka” sabi ni Glenn “kahit kailan ka,


pinapairal mo pagiging tanga mo” sabi pa ni Glenn “lakas nang
16
loob mong maghamon ng away. Bakit marunong kang
sumuntok?”tanong nito kay Micco.

“Hindi” sagot ni Micco “andiyan ka naman para


sumuntok weh” sagot ni Micco.

“Loko” sigaw sa kanya ni Glenn.

“Naku kuya Glenn, kahit galit ka cute ka pa rin at ang


gwapo mo pa rin” sabi ni Micco sa sarili “yummy ka pa din, kahit
magpinsan tayo papatulan kita.” sabi ni Micco sa sarili na naging
sanhi para mapangiti siya nang lihim.

“Anong nginingiti-ngiti mo d‟yan?” tanong sa kanya ni


Glenn.

“Wala po” sagot ni Micco “kasi iniisip ko po na


pinagtanggol mo ko dun sa mokong na iyon” palusot ni Micco.

Nagbago namang bigla ang aura ni Glenn. “Ikaw na bata


ka bente ka na, isip bata ka pa din. Sa susunod, huwag ka ng
makikipag-away kahit kanino.” saad ni Glenn.

“Opo” isang maamong tupa na ang salita si Micco.

At lumabas na si Glenn sa bahay nila Micco. “Kuya


Glenn, nasan na ung kiss ko?” sabi ng utak ni Micco.

“Huh” isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan


ni Jhell – “best actor ka talaga pinsan” sabi ni Jhell “sige na pinsan,
uwi na ako, alam mo na chichismis pa ako kila LJ.” paalam ni Jhell
kay Micco.

“Ikaw talaga pinsan, kahit kelan ka” nakangiting paalam


ni Micco.

“Angelica is my name and chismis is my game” sabi ni


Jhell habang palabas ng bahay sabay kaway kay Micco.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na ang araw


nang pag-alis ni Micco papuntang Italy. Inihatid siya ng pamilya
niya sa airport, kasama ang tatlo niyang pinsang sila Glenn, Jhell at
LJ.

17
Emmanuel R. Caleon

“Micco” paalam ng nanay niya “mag-email ka madalas


ah” bilin nito “saka tuwing gabi mag-online ka, chat tayo sa ym at
facebook” pahabol pa nito.

“Si nanay naman, kala mo marunong magfacebook at


ym” birong sagot ni Micco na pinipigilang mapaluha.

“Bro” sabi ng isa sa mga ate niya “ingat ka dun.”

“Sure” sagot ni Micco.

“Pinsan, pag may umaway sa‟yo dun sabihin mo agad sa


akin, uupakan ko kaagad” paalam ni Glenn.

“Bakit may pamasahe ka papunta?” birong tanong ni


Micco na pinipilit gawing masaya ang lahat.

“Micco, sorry sa mga kasalanan ko sa‟yo, sa mga


kinasangkutan mong panganib, sa mga gulong ginawa ko” itutuloy
pa sana ni Jhell ang sasabihin pero –

“Ano ako? Mamamatay na?” sabi niya sa dito “Ikaw


talaga ate Jhell, baka pagbalik ko ang chismis na pinaglalamayan
na ako” kasunod ang mahinang tawa.

“Micco” putol na sabi ni Lj “tinatawag na ata iyong flight


mo” singit ni LJ.

“Oo nga „no” sang-ayon ni Micco “sige po, alis na ako”


paalam nito sa mga iiwanan sa Pilipinas.

Ilang sandali nga at narinig na nila ang eroplano, sigurado


silang kasama na duon si Micco at umalis na ang mga naghatid sa
kanya. Bumalik na ng San Tadeo para ituloy ang buhay at hintayin
si Micco na magawa na ang pangarap sa buhay.

18
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 4
Nang Mapadpad sa Ampunan

“Pesteng buhay naman „to” palatak ni Micco habang


naglalakad at hindi alam kung saan pupunta. “Anduon na,
lumelevel na „tas biglang kablog pa.”

“Pag nakita ko ung mandurugas na‟yon kakalbuhin ko


iyon at tatadtarin pa ng pinung-pino.” naghuhurumentadong wika
ni Micco.

Ano nga ba ang nangyari at palaboy-laboy si Micco


ngayon?

“Sorry Sir” sabi ng station crew “but we can‟t recognize


your passport.”

“How come that you can‟t recognize it?” nagtatakang


tanong ni Micco.

“I think you were a victim.” sabi pa nito.

“Victim of what?” tanong ulit ni Micco, bagamat tila alam


na niya ang kasagutan ay gusto pa din niyang makasigurado.

“A victim of a fixer” sagot nito “your passport is fake


sir.” sabi ng babae.

Gustuhin mang magreklamo ni Micco ay wala na siyang


magagawa pa, hindi naman kasi siya ang personal na umayos ng
mga papeles niya.

Walang pag-aalinlangan at puno ng galit at


panghihinayang ang nararamdaman niya ay umalis siya ng airport.
Hinintay na muna niyang makaalis ang kanyang pamilya at mga
naghatid sa kanya bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

“Hindi ako pwedeng bumalik sa amin nang ganito” sabi


ni Micco sa sarili “kailangang umisip nang paraan.”
19
Emmanuel R. Caleon

Umupo sa isang sulok si Micco at ilang sandali pa –


“tama!” sigaw ng isip niya “pwede ngang ganuon na lang ang
gawin ko, norte ang San Tadeo at sa south naman iyon.” at agad
naman niyang isinakatuparan ang plano.

Agad siyang kumuha ng bus biyaheng south para


puntahan ang naiisip niyang lugar na pamalagian. Habang
nakasakay sa bus ay inuunti-unti niya ang mga detalye ng plano
niya at kung paano palalabasin na natuloy siya sa Italy.

“Siguradong mag-aalala iyong mga iyon pag nalaman


nilang hindi ako natuloy” mahinang usal ni Micco “basta, bahala
na si SanRio.” dugtong pa nito.

Pamaya-maya pa at – “Manong! Para na po” sigaw niya


sa drayber ng bus.

Pagkababa niya ay binagtas niya ang isang hindi gaanong


pamilyar na daan. Kung tutuusin ay isang beses pa lang siyang
nakakapunta duon at ngayon pa lang ang pangalawa. Matagal-tagal
din siyang nagpapaikot-ikot bago niya pagpasyahang magtanong.

“Magandang tanghali po nanang” may pilit na ngiting


tanong ni Micco sa matandang babae na nagbabantay sa isang
tindahan.

“Ano iyon?” sagot na tanong ng babae kay Micco.

“Tanong ko po sana kung saan dito ung Fortitude?” wika


ni Micco.

“Fortune ba kamo?” sagot ng babae “dalawang piso isang


stick.” sabay abot kay Micco ng sigarilyo.

“Hindi po nanang” tanggi niya sa sigarilyo “Fortitude


po.” giit ni Micco.

“Ah” sabi ng babae “hindi ako prostitute, saka wala


ditong nakatira na prostitute” tila naimbyernang wika nito.

“Sige po!” dispensa ni Micco na napakunot ang noo –


“hay, wala akong mapapala kay nanang” – sabi ng utak niya
kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. Palinga-linga at
patuloy sa paglalakad, naghahanap nang pwedeng pagtanungan.
20
“Bampira ba mga tao dito at tanghaling tapat ay wala
kahit isa akong makita?” inis na wika ni Micco. Patuloy pa din sa
paglalakad at paghahanap kung saan ang Fortitude.

“Ang tanga mo Micco!” malakas na usal ni Micco, saglit


siyang napahinto at kinuha ang cellphone “pwede naman kasing
itext bakit hindi pa kanina ginawa. Bobo!” dugtong pa niya.

“Liz, pano b pmnta sa fortitude?” tanong n‟ya sa


kaibigang nasa Fortitude.
“Bsta hanapn mo un cmbhan, taps hanpn mo ung Sitio
Lazo, taps hanpn mo un pulang g8 tpos hnpin mo un yellow na g8,
tpos ung pink na building, tas ung red na bubong” reply ni Liz kay
Micco.

“Tilapiang bilasa naman ni San Andres” mahinang anas ni


Micco “saang lupalop ko makikita „to?” inis na sabi ni Micco nang
biglang may magtext ulit sa kanya.

“Joke lang friend! Nasa gate na nga ako para sunduin ka”
sabi ni Liz.

Pagkabasa nito ni Micco ay –

“Hoy! Naligaw ka” bati ni Liz buhat sa likuran at sabay


na din ang batok nito kay Micco.

“Mamaya ko na ikwento” sabi ni Micco “basta friend dito


muna ako sa inyo.” pakiusap ni Micco.

“Halika muna sa loob” anyaya sa kanya nito “mainit na sa


labas, baka mangitim ako” biro pa nito.

“Matagal ka nang maitim” pambasag ni Micco.

Si Liz – iyan si Lariza Fabian, kaklase ni Micco sa


highschool. Valedictorian nila Micco at magna cum laude sa
Philippine University. Katulad ni Micco, bagong graduate din
siya, kaso mas pinili niyang maging social worker at ngayon nga
ay tatlong taon na siyang tumutulong sa Fortitude Refuge of the
Forgotten Children. Kahit nag-aaral ay tumutulong na siya sa
pag-aalaga sa mga batang ulila hanggang sa tuluyan nang
lumipat ang pamilya nila dito sa San Ildefonso. Siya din ang unang
nagdala kay Micco dito sa Fortitude, last Christmas ata iyon at
21
Emmanuel R. Caleon

nag-adopt sila Micco para mag-celebrate nang pasko sa bahay


nila.

“Sister, si Micco po” bati ni Liz kay Sis. Meding “naalala


pa po ba ninyo siya?”

“Oo naman Liz” sagot ni Sis. Meing “lagi nga siyang


hinahanap ni Matthew.” sabay na nalungkot ang mukha ng
matanda.

Napangiti naman si Micco sa sinabing iyon ng matanda.


“Nasaan na po si Matthew?” tanong ni Micco.

“May umampon na sa kanya” balita ni Liz kay Micco.

“Ganuon po ba? Sayang naman.” nalungkot man ay


naging masaya na din si Micco para sa kapalaran ni Matthew.

Nagtataka kayo kung sino si Matthew at si Sis. Meding. Si


Sis. Meding ang head, puno, superyora, reyna, beauty queen,
dyosa at diwata nang Fortitude. May katandaan pero sobrang
bait. Si Matthew naman iyong in-adopt nila Micco para
magcelebrate nang pasko sa kanila.

“Mainam at napadalaw ka” sabi pa ni Sis. Meding kay


Micco na sinagot naman ni Micco ng ngiti.

“Oh sige, kayo na muna ni Liz ang mag-usap!” paalam


naman ng superyora.

Inaya ni Liz si Micco sa may terrace ng ampunan para


duon kausapin.

“Akala ko ba pupunta ka ng Italy?” tanong ni Liz kay


Micco.

“Oo nga, ngayon nga ang flight ko.” sagot ni Micco.

“Bakit nandito ka?” nagtatakang tanong ni Liz.

“Iyon nga friend ang problema ko” sagot ni Micco,


nahihiya man ay ikinuwento niya kay Liz ang lahat.

Pinipigilang tumawa ni Liz habang nagkukwento si


Micco. – “Friend, tatanga-tanga ka talaga” wika ni Liz.
22
“Lahat naman pwedeng mangyari ang ganun” kontra ni
Micco sa kaibigan.

“Lahat nga potensyal na nagkaganun pero iilan lang ang


kagaya mong nabibikitima” sagot ni Liz “pero seryoso, anong
balak mo?” tanong ni Liz.

“Liz, sana makisama ka” pakiusap ni Micco.

“Naman! Di ba best friend tayo?” tila pangangalma ni Liz


kay Micco “Ano na plano mo?” tanong ni Liz.

Si Liz nga pala ay ang bestfriend turned girlfriend turned


bestfriend ulit ni Micco nuong high school. Lingid sa kaalaman ni
Micco ay may gusto pa din sa kanya si Liz kaya hindi pa din ito
nagkaka-boyfriend matapos nilang maghiwalay.

“Liz” seryoso ang mukha ni Micco “dito muna ako, kung


pwede lang” tanong ni Micco.

“Naman” masayang sabi ni Liz “ikaw pa!” dugtong pa


nito. “Eh, ano ba talaga ang balak mo?” tanong pa ni Liz.

“Nahihiya ako kila nanay at tatay pag-nalaman nilang


napeke ako” sagot ni Micco “pati mga tyuhin at tyahin ko hindi
ako tatantanan ng mga „yun, lam mo namang panghabang-buhay
na nila akong pagtatawanan dahil sa katangahan ko.” malungkot na
wika ni Micco kay Liz.

“Pero friend” tila may pagkontra kay Liz “mas mainam


nga na malalaman na nila kaagad kesa naman magtago ka o
gumawa pa nang kasinungalingan.” sabi pa ni Liz.

“Liz naman!” may tampo sa himig ni Micco “ayaw mo


ata ako dito. Aalis na nga lang ako.” sabi ni Micco “Tatalon na
lang ako sa ilog, pag namatay ako konsensiya mo iyon.”

“Nagtampo pa kunwari” sabi ni Liz “sige, dito ka muna,


basta ipangako mong aayusin mo agad ito.” pangungundisyon ni
Liz.

“Friend, un naman talaga ang balak ko, umamin sa kanila


pag nakatyempo na” sabi ni Micco “saka, wala namang sikretong
hindi nabubunyag di ba?” dugtong pa ni Micco “saka ayokong
23
Emmanuel R. Caleon

mag-alala sila ngayon, saka na pag in good-condition na ang


lahat.”

“Ayan, sa susunod kasi, wag nang tatanga-tanga” sabi ni


Liz “ako na ang bahalang kumausap kay Sis. Meding.” sabi pa
nito.

“Opo” sagot ni Micco “salamat talaga Liz.” Pagkasabi


nito ay pumasok na sila sa loob at kinausap na nga ni Liz si Sis.
Meding.

Pinaghintay muna si Micco sa sala ng ampunan at


nakikipaglaro sa mga bata duon. Hindi pa man nagtatagal ay
muling lumabas si Liz sa opisina ng superyora na lukot ang mukha,
malungkot at tila may hindi magandang balita. Malumanay itong
nagsalita –

“Friend, may bad news ako sa‟yo” simula ni Liz “hindi


pumayag si Sis. Meding.”

Sa pagkarinig pa lang ng mga salitang bad news ay tila


alam na ni Micco ang kasunod niyon. Ang saya ay napalitan na ng
lungkot – “ganun ba?” tila paninigurado nito “Sige alis na ako.”
sabay kuha sa mga gamit niya at lalakad na palabas.

“Sira” sabi ni Liz “hindi pumayag si Sis. Meding na mag-


stay ka dito na wala kang gagawing maganda.” sabi ni Liz sabay
akbay kay Micco.

Biglang tingin si Micco kay Liz – “talaga?” masayang


wika ni Micco “sige ba.” sabay yakap kay Liz na wari bang hindi
na niya ito pakakawalan sa sobrang tuwa.

Bumalik kaya ang dating pagtitinginan nila Micco at Liz?


Ano kaya ang magiging buhay ngayon ni Micco?

24
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 5
Aso at Pusa: Adrian at Micco

“Kamusta ang unang buwan mo dito?” tanong ni Sis.


Meding kay Micco.

“Masaya po” sagot ni Micco na nakangiti.

“Mainam kung ganuon” sagot ng superyora “nga pala


may darating tayo na bisita sa susunod na linggo” sabi pa nito
“kung pwede sana ikaw na ang maghanda sa mga bata para sa araw
na iyon.” tila pakiusap nito kay Micco.

“Naku Sis. Meding, wala pong problema” nakangiting


saad ni Micco “kung gusto po ninyo ay maghahanda pa kami ng
intermission number.” pahabol pa ni Micco.

“Maganda kung gayon” tila umaliwalas na lalo ang


mukha ng superyora “aasahan ko iyan.” pahabol pa ng superyora.

Si Micco ay mahilig sa mga pagtatanghal, presentations


at intermission numbers. Lampa man nga daw at hindi marunong
sa sports ay may likas namang kakayahan at talento sa pagsayaw,
pagkanta, pag-arte at pagdidirect ng mga productions. High
School ng mahilig si Micco sa ganito, sa isang school program
nagsimula ang pagkahilig niyang magtanghal sa harap ng mga
tao.

Agad na umisip ng konsepto sa gagawing intermission,


pinagtagni-tagni ang bawat detalye at nang handa na ay ikinunsulta
kay Liz at nang aprubahan na ni Liz ay dagli niyang tinawag ang
mga bata matapos nitong magsipag-aral. Tulong sila ni Liz para
maiayos ang intermission na iyon, habol sa mga bata, takbo dito,
hanap duon. Saway dito, pigil duon, iyak mamaya, iiyak ulit
pamaya-maya. Nahirapan ang dalawa ngunit, magbubunga naman
kaya?

Oras na – dumating na ang araw nang pagdating ng mga


bisita. Naghanda ang mga bisita ng mga pagkain, nagbigay ng mga
25
Emmanuel R. Caleon

supplies and materials at nag-abot ng konting halaga para


makatulong. Habang nagkakagulo ang mga bata sa labas ay
nanatili na nakatago si Micco at inaayos ang lahat ng props na
gagamitin nila. Eto na ang oras, papakilala na sila ni Liz –

“To our beloved guests, we are proudly giving you our


deepest gratitude that will be expressed though a special
intermission number, so without any further adieu, here are the
children of Fortitude Refuge of the Forgotten Children” sabi ni Liz
at pumalakpak naman ang mga guest ng Fortitude.

Nagsimula nang tumugtog ang background music nila,


paunti-unti lumabas ang mga bata. Isang musical role play ang
ginawa at pinagtulungan nila Micco at Liz. May pakanta-kanta pa
ang mga bata, pasayaw-sayaw at may pag-arte din. Kwento nang
Batang May Pangarap ang ginawa nilang title dito, tungkol sa
batang inulila ngunit patuloy na nangangarap at umaasam na
makamit ito. Sa katotohanan lang, kwento talaga ito ni Matthew,
ang batang inampon nila Micco para magpasko sa kanila.

Pinasalubungan naman ng masigabong palakpakan ang


mga bata, madami ang natuwa at madami ang napaluha sa kwento
ng ginawa ng mga bata.

“Son, bakit ngayon ka lang?” bati at tanong ng mama ni


Adrian “sayang, you haven‟t watched the presentation.” dagdag pa
nito.

“You‟ve missed the chance to see such a nice short


story” komento pa ng ama niya.

“Sorry ma, pa” nahirapan kasi akong mag-excuse sa isa


kong travel agency, nagka-aberya kasi kami sa isa naming client.”
pagdadahilan ni Adrian “Sayang nga, sana isasama ko ang mga
bata, kaso hindi na ako nakadaan sa bahay” dagdag pa nito na may
panghihinayang.

“Anyways son, hope you will enjoy the day.” sabi pa ng


mama ni Adrian.

Sinuklian naman ng ngiti ni Adrian ang sinabi ng kanyang


mama. Agad na nagpalinga-linga at tila may hinahanap sa
umpukan ng mga tao na binubuo ng mga volunteers ng kapitolyo
na kasama ng papa niya at ng mga batang ulila at mga volunteers
na nag-aalaga sa mga ito.
26
“Sir Adrian kayo pala!” bati ni Liz kay Adrian.

“Hi Liz” sabi naman ni Adrian “kamusta ka na?” tanong


pa nito.

Si Adrian ay minsan sa isang buwan kung bumisita sa


ampunan, laging tumutulong at kilala na siya ng mga bata.
Matapos ang kamustahan ay agad namang nagpaalam si Adrian
kay Liz para puntahan ang superyora ng ampunan.

Sa kabilang banda naman ay binati ni Sis. Meding si


Micco dahil sa magandang pagtatanghal na ginawa ng mga bata.
Ang kwento, ang presentation, props at ang kabuuan nito. Hindi
nagtagal ay umalis na din siya sa opisina nito para naman puntahan
si Liz at pasalamatan. Tumatakbo siyang palabas nang –

“Arayyy” mahinang usal ni Micco habang pinipilit niyang


tumayo sa pagkakabuwal.

“Ayos ka lang ba?” tanong ng nakabangaan niyang


kapareho niyang pinipilit tumayo mula sa pagkakabagsak.

“Wow! Boses pa lang ulam na” buyo ng isip ni Micco.

“Salamat, ayos lang ako” sagot ni Micco saka pinintahan


ng isang ubod tamis na ngiti ang mga labi bago i-angat ang mukha
sa nakabangga niya.

“Ikaw” sabay nilang sigaw.

Ang mga ngiting nilagay ni Micco sa labi ay muling


naalis sa pagkadismaya sa nakitang ang lalaking magaspang na
ugali pala ang nakabangaan niya.

Sa kabilang banda ay muli na namang umakyat sa ulo ang


dugo ni Adrian sa nakitang ang lalaking tatanga-tanga pala ang
bumangga sa kanya.

“Kaya naman pala” simula ni Adrian “ang tatanga-tanga


pala ang bumunggo, no doubt, tanga nga.” inis na wika ni Adrian.

Muli na namang uminit ang tenga ni Micco sa narinig na


sinabi ng lalaking magaspang ang ugali. “Kaya pala nasaktan ako

27
Emmanuel R. Caleon

kasi kasinggaspang ng sahig ang ugali ng bumangga sa akin”


ganting banat ni Micco.

“Magaspang man ang ugali ko pero hindi naman kasing


gaspang ng utak mo ang utak ko” sabi ni Adrian sunod ang
mapang-asar na ngiti.

“Careless lang ako! Okay!” sagot ni Micco “hindi ako


tanga!” dugtong pa niya na may diin sa salitang tanga.

“Stupid!” mariing wika ni Adrian sabay ang tayo.

“Adrian, ikaw ba iyan” wika ng superyora.

Agad namang gumawa ng aksyon si Adrian para hindi


mahalata ang sagutan at away nila ni Micco – “Sorry ulit” sabi ni
Adrian sabay lahad ng kamay “tulungan na kitang tumayo” sabay
ngiti nito kay Micco.

“Echoserong palaka” sabi ng isip ni Micco nang


maramdaman ang bait-baitan ng lalaking magaspang ang ugali
“Orocan, Tupperware or White Horse?” dugtong pa nito. Kahit na
naasar sa ngiti nito at paglalahad ng kamay ay inabot pa din niya
ang kamay ng lalaking magaspang ang ugali dahil nahihiya siya
kay Sis. Meding na bastusin ang bisita nila.

Sa pagkahawak nila ng kamay ay tila huminto ang mundo


nila pareho. Dumaloy sa mga kamay nila ang milyong boltahe ng
kuryenteng ngayon ay tumutunaw sa asar at inis na nararamdaman
nila. Nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso si Micco
samantalang si Adrian ay labis na nakaramdam ng ligaya sa
pagkakahawak nila ng kamay ni Micco.

“Arayy” muling sigaw ni Micco at muling napasalampak


sa sahig.

“Ikaw kasi” sabi ni Adrian sabay upo sa tabi ni Micco at


tinulungan ulit itong itayo “careless ka kasi!” dugtong pa nito.

“Aba at ang demonyito” sigaw ng utak ni Micco at nag-


aalsa na ang damdamin niya sa galit. Gusto na niyang bugbugin si
Adrian kahit pa hindi siya marunong sumuntok. Sa utak niya ay
isang bugbog saradong Adrian na ang nakikita at pinagtatawanan
niya.

28
“Salamat!” sabi niya kay Adrian pagkatayo sabay tapak sa
paa nito at idiniin pang lalo.

“Ouch” sabi ni Adrian.

“Sorry” sagot ni Micco “hindi ko sinasadya,


napakacareless ko kasi.” dugtong ni Micco na may diin sa careless.

“It‟s okay!” sagot ni Adrian.

Agad naman silang nilapitan ng superyora.

“Ayos lang ba kayo?” tanong nito sa dalawa.

“Opo Sister” sagot ni Micco “huwag na po ninyo akong


alalahanin.”

“Mukang sanay ka nang maaksidente” nakangiting wika


ni Adrian “siguro lagi kang napapahamak” dugtong na biro pa ni
Adrian kasunod ang isang makahulugang tingin kay Micco.

Alam ni Micco na inaasar siya ni Adrian at hindi


simpleng biro lang kaya naman agad siyang sumagot – “Oo nga eh,
sa sobrang bait ko kasi lagi akong pinagtitripan” kasunod ang isang
ngiting itinapon kay Adrian.

Naguguluhan man ang superyora sa kinikilos ng dalawa


ay binalewala na lang niya iyon. Tuluyan nang nagpaalam ni
Micco at pumasok na sa opisina ng superyora si Adrian.

“Pesteng lalaki iyon” anas ni Micco habang palabas na


hawak ang beywang “nanadya, mauntog sana. Para naman siyang
dininig ng langit dahil sa pagyuko ni Adrian ay nauntog nga ito sa
lamesang nasa opisina ni Sis. Meding.

May isang palaisipang naglalaro kay Adrian – hindi niya


maintindihan kung bakit ganuon ang naramdaman niya sa
pagkakahawak ng kamay ni Micco. Hindi niya maipaliwanag kung
bakit kakaibang saya ang naramdaman niya habang hawak ang
mga iyon. Isa lang ang sigurado niya, bago ang ganuong
pakiramdam para sa kanya at sa tuwing maalala ang nangyaring
iyon ay napapangiti na lang siya ng hindi niya alam.

Sa kabilang banda – “Micco, kalimutan mo na nga ang


lalaking iyon” buyo ng isip niya. katulad ni Adrian ay naguguluhan
29
Emmanuel R. Caleon

si Micco kung bakit ganuon ang naramdaman niya sa


pagkakahawak ng kamay ng lalaking magaspang ang ugali. Tila ba
sa tuwing maiisip niya iyon ay nawawala ang inis na
nararamdaman niya para dito. “Micco, kaya ka lang kinabahan kasi
naramdaman mong may masamang balak ang lalaking magaspang
na ugali na iyon.” kontra ng isipan ni Micco.

“Huwag ko na sana siyang makita” sabay na pumasok sa


kukote ng tatanga-tanga at ng lalaking magaspang ang ugali.

Tila nanadya ang langit dahil –

“Micco, halika bilisan mo.” aya kay Micco ni Liz sabay


hatak dito.

“Micco” nakangiting wika ni Liz “this is Sir Adrian, he


visits us regularly.” sabi pa ni Liz.

Pinilit na lang itago ni Micco ang pagkainis sa lalaking


kaharap na ipinakilala sa kanya ni Liz. Nilagyan na lang niya ng
ngiti ang mga labi para naman hindi nito masabing napikon siya sa
ginawa nito kanina. “Adrian pala ang pangalan mo, bagay na
bagay sa masamang ugali mo” wika ng utak ni Micco “Liz, ingat
kayo, may demonyitong nakakapasok pala dito.” paalalang nais
niyang sabihin kay Liz.

“Sir Adrian, this is Micco” pakilala naman ni Liz kay


Micco “a new volunteer.”

“Yeah, we‟ve met several times” sabi naman ni Adrian na


may ngiting tila inaasar si Micco “naku mag-iingat kayo, Mr.
Careless yan di ba?” pahabol pa ni Adrian.

Biglang naiba ang itsura ni Micco, tinitigan si Adrian.


Sugatan, lupaypay, mahinang-mahina na, bugbog sarado at
naghihingalo na ito sa isipan niya. Tadtad ng pasa at
nagmamakaawa sa kanya at humihingi na ng tawad. “Lagot kang
Adrian ka, may araw ka din sa akin.” sigaw naman ng utak ni
Micco.

“Sige na Liz” paalam ni Adrian “Mr. Careless, mag-iingat


ka next time.” paalala pa nito kay Micco.

Nang mga oras na iyon ay hindi naramdaman ni Adrian


ang pag-init ng ulo hindi gaya ng mga una nilang pagkikita, mas
30
nais niyang makitang mapikon si Micco, makita ang mukha nitong
asar na asar sa kanya at ang makitang ekspresyon ng inis mula
dito. Sa tingin niya ay mas magiging masaya siya pag ganitong
ekspresyon ang makikita niya kay Micco.

Ang pagkikita nila ay muling naulit, galing si Micco sa


may kusina at palabas na siyang may dalang tray na may lamang
tinapay at inumin. Sa may pintuan sa kusina ay muli niyang
makasalubong si Adrian na papasok naman sa pintuan na lalabasan
niya.

Tumabi si Micco para paunahing makadaan si Adrian


dahil sa masikip ang pintuan nang kusina. Imbes na maunang
lumakad ay tila humarang pa ito at nang-aasar na ibinalandra ang
katawan sa gilid ng pintuan.

“Aba, tilapiang bilasa ni San Andres, nang-iinis ba ang


lalaking ito” sabi ni Micco sa sarili.

“Excuse me Sir Adrian!” pasintabi ni Micco kay Adrian


“na magaspang at masama ang ugali” singit naman ng utak niya.

Nginitian lang si Micco ni Adrian at humakbang ito


patalikod na tila nagbibigay daan kay Micco para makalabas ng
kusina. Sa may kanang gawi lalabas si Micco at walang anu-ano
nang palabas na siya ay muli siyang hinarangan ni Adrian. Dahil sa
humarang si Adrian ay lumipat si Micco sa gawing kaliwa, subalit
tila nang-iinis si Adrian na humarang din pakaliwa. Muling pihit si
Micco sa pakanan at muling harang ni Adrian sa gawing kanan.
Lilipat sa kaliwa, at ganuon din si Adrian na lilipat sa kaliwa.

“Anak ka ng” mahinang usal ni Micco na nakakaramdam


na ng inis, mas lalong pagkainis pala. Agad siyang tumalikod at
pumasok na lang sa loob ng kusina – “magsawa ka ngang mang-
asar di‟yan” inis niyang anas.

Tila naman nang-iinis si Adrian at agad itong pumasok sa


loob ng kusina – “Mr. Careless sige na dumaan ka na” at nagtapon
kay Micco nang isang napakatamis na ngiti. Ngiting lalong nagpa-
inis kay Micco.

“Pwede ba, wag mo akong tawaging Mr. Careless!” sabi


ni Micco at walang pagdadalawang isip na umalis agad palabas ng
kusina.

31
Emmanuel R. Caleon

“Sige Mr. Tatanga-tanga na lang” sigaw namang pahabol


ni Adrian. “Ayaw tawaging tatanga-tanga, ngayong tinatawag na
Mr. Careless ayaw din. Siya na nga ang nagsabing careless siya.”
saad ng utak ni Adrian.

“May pangalan ako, Micco” madiin na sigaw ni Micco


bago tuluyang makalabas sa kusina.

Lingid sa kaalaman ni Micco ay sinadya talaga ni Adrian


na harangin siya sa pintuan, kahit walang dahilan ay agad itong
pumunta sa kusina nang makitang palabas naman siya. Labis na
tuwa ang nadarama ngayon ni Adrian sa nakikitang ekspresyon ni
Micco. Ang inis, asar at halos pagsusumpa na sa kanya nito.

“May topak yatang talaga ang lalaking iyon!” sabi ni


Micco sa mahinang tinig.

“Micco” tawag sa kanya ng superyora “bilisan mo at nais


kang makilala ng gobernador.” pagbabalita ng superyora kay
Micco.

“Talaga po?” nakaramdam ng kaba at ngiti si Micco sa


narinig at agad naman siyang sumama kay Sis. Meding.

“Governor” sabi ni Sis. Meding “eto po si Micco, siya po


ang nagturo sa mga bata.” sabi pa nito.

“Congratulations” bati sa kanya nang asawa ng


gobernador “maganda ang presentation ninyo. Natutuwa ako.”
saad pa din nito.

“Salamat po” nahihiya man si Micco ay natutuwa siya at


nagustuhan ito ng gobernador at ng asawa nito.

“Maganda ang concept at maganda din ang kwento” sabi


pa ng gobernador.

“Inspiration ko po iyong batang inampon namin para


magcelebrate ng pasko sa bahay two or three years ago” sabi ni
Micco.

“How wonderful!” sabi naman ng asawa ng gobernador


“this proves na kahit simpleng pangarap ng mga bata ay may
makukuha tayong aral.” nakangiting wika pa nito.

32
“Ma, Pa” bati ng isang tinig sa gobernador at sa asawa
nito.

“Patay na!” sabi ni Micco sa sarili na tila ba alam na niya


kung kanino at sino itong tumatawag na ito.

“Adrian” bati ng asawa ng gobernador na mama din ni


Adrian “glad you‟re here.”

“Napadaan lang po, naglilibot kasi ako” nakangiting sagot


ni Adrian.

“If I know may masama ka na namang balak sa akin”


buyo ng utak ni Micco.

“Actually Ma, I saw you here kaya pinuntahan ko na


kayo” sabi ulit ni Adrian. “Actually Ma, I saw Mr. Careless here.”
sabi pa ng isipan ni Adrian.

“This is Micco” pakilala ng mama ni Adrian sa kanya


“siya iyong nagturo sa mga bata nung musical presentation na
ginawa kanina.”

“Sorry, I‟m late and I didn‟t watched it.” sabi naman niya
kay Micco sunod ang isang ngiti.

Kinabahang bigla si Micco sa ngiti na iyon ni Adrian,


pakiramdma niya ay mapapasubo na naman siya sa isang gulo na
gagawin ng lalaking nasa harapan niya. Sa kabilang banda ay tila
nagliwanag ang isipan ni Adrian.

“Musical? Meaning music?” tanong ni Adrian.

“Yes my son, beautiful harmony indeed” sagot naman ng


mama niya.

“I‟m planning na bigyan ng music teacher ang mga bata”


sabi naman ni Adrian “ayos pala at nakakita na ko dito, good thing
at galing din siya sa ampunan mas maganda iyon para kay
Matthew.” pahabol pa ni Adrian.

“It‟s beautiful plan Adrian” bati niya kay Adrian “ano


Micco, ayos lang ba sa‟yo? Para mas maging kumportable si
Matthew, alam mo na, galing din kasi dito ang bata.”

33
Emmanuel R. Caleon

“Depende po kay Sis. Meding kung papayagan niya ako.”


sagot ni Micco. Wala naman talagang balak si Micco na maging
music teacher, lalo pa at ang amo niya ay si Adrian, subalit nang
marinig ang pangalang Matthew at malamang galing ito sa
ampunan ay tila ito na lang ang dahilan niya para pumayag sa kung
anuman ang tumatakbo sa isipan ni Adrian.

“Walang problema sa akin iyon Micco” sagot ng


superyora.

“Ayun naman pala” sabi ni Adrian “so next week, I‟ll


pick you up here.” dugtong pa ni Adrian. – “Lagot kang Micco ka,
ihanda mo na ang sarili mo” pahabol pa ng isip ni Adrian.

Isang ngiti lang ang sinagot ni Micco. – “Humanda ka ng


Micco ka at makakasama mo na ng mas matagal ang Adrian
na‟yan.” sabi naman ng utak ni Micco.

Sa katotohanan ay wala namang balak kumuha ng music


teacher si Adrian, ngunit dahil sa naisip niyang plano ay agad na
tumakbo sa kanya na kuhanin si Micco para sa posisyong ni
minsan ay hindi sumagi sa utak niya. Ang gusto lang niya ay
makita si Micco na naiinis at naasar sa kanya at mas magagawa
niya ito pag naging madalas ang pagkikita nila, isang paraan dito
ay magsama sila sa iisang bahay.

34
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 6
Do – Re – Mi: Musika at Musika

“Bye Liz” paalam ni Micco kay Liz.

“Mag-iingat ka duon bestfriend” maluha-luhang paalam


ni Liz kay Micco.

“Oo naman Liz” sagot ni Micco. “Mga bata, papakabait


kayo dito, wag masyadong papasakitin ang ulo ni Ate Liz.”
pamamaalam ni Micco sa mga bata ng Fortitude.

“Bumalik ka kaagad kuya Micco” sabi ni Cherry


“mamimiss ka ni Ate Liz, este namin pala.” pahabol nito.

Si Cherry, ang batang ulila na naging pinakamalapit kay


Micco. Anak si Cherry ng mga dating volunteer sa Fortitude,
galing sa Mindanao ang mga ito, subalit ng mamatay ang mga
magulang niya sa isang aksidente ay wala ni isa sa mga kamag-
anak niya ang kumupkop sa kanya. Alam na alam ni Cherry na
may gusto si Liz kay Micco at gusto din naman ni Cherry si Micco
para kay Liz.

“Ikaw talaga Cherry!” sabi ni Liz na namula bigla ang


pisngi.

“Naku Liz, I will miss you din naman.” sabay ngiti ni


Micco kay Liz.

Sa sinabing iyon ni Micco ay lalong namula si Liz at


nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

“Ikaw talaga bestfriend.” sabay pisil sa ilong ni Micco.

“Sige na Micco” sabi ni Sis. Meding “nakakahiya kay


Adrian, naghihintay.”

“Sige po sister” sabi ni Micco sabay ang pagmamano


tanda ng pagpapaalam niya dito.
35
Emmanuel R. Caleon

“Sige po Sis. Meding, akin na po muna si Micco.”


nakangiting sabi ni Adrian sabay ang tingin nito kay Micco na may
isang mapang-asar na ngiti. – “Humanda ka Micco” sabi ng isipan
ni Adrian.

“Hulong, lumakad na kayo.” sabi ng madre.

Sa sasakyan ay tahimik ang pagitan ng dalawa. Ilang oras


din ang biyahe para makarating sa bahay ni Adrian sa Maynila.
Pagpasok nila ng SLEX ay agad na bumanat si Adrian –

“Baka nag-iwan ka pa ng katangahan virus sa ampunan”


birong saad ni Adrian na may himig ng pang-aasar.

“Bahala ka nga diyan at magsalita ka ng magsalita!” sa


loob-loob ni Micco. Tila wala itong narinig na pang-aasar kay
Adrian.

Tila napahiya naman si Adrian sa hindi pagkibo ni Micco.


“Aba, at hindi ka namamansin” sa loob-loob ni Adrian. Agad
namang nakaisip nang bagong pang-asar si Adrian kay Micco nang
mapansing hindi na ito tinatablan sa biro niyang tatanga-tanga ito.

“Lampa ka pala.” sabi ni Adrian.

“Wala kang pakialam!” wika ng isipan ni Micco.

“Puro ka lang pala yabang, lakas ng loob makipag-away


hindi naman pala marunong makipagsuntukan.” sabi ulit ni Adrian.

Tulad kanina ay patay malisya si Micco na tila walang


naririnig.

“Paano kaya kung pinatulan kita?” tanong ni Adrian


“siguro makikipagsabunutan ka sa akin saka mo ako sasampalin at
kukurutin.” wika ni Adrian kasunod ang isang mahinang tawa.

Agad namang napatingin si Micco kay Adrian sa mga


sinabi nito, may matitiim na titig na tila kakain ng buong-buo.

“Sa wakas!” sabi ng utak ni Adrian. “Tama ako! Bakla ka


nga.” kasunod ang isang mapang-asar na tawa.

36
“Wala kang pakialam kung bakla ako at lalong wala kang
karapatang tawanan ang pagiging bakla ko!” sigaw ng isipan ni
Micco.

“Kung bakla ako, siguro bakla ka din kasi pinapatulan mo


pa ako at binubwisit.” sabi ni Micco kasunod ang isang ngiti, isang
ngiti nang paghihiganti.

“Sinong bakla?” tila tinamaan ang pride ni Adrian.

“Ikaw!” walang kagatol-gatol na sabi ni Micco.


“Hahahaha, kawawang Adrian, nabaliktad na ang nangyayari” tila
may pagbubunyi sa kalooban ni Micco.

“Letseng Micco ka!” sabi ni Adrian sa sarili. “Hindi ako


bakla, ikaw nga ang bakla di‟yan kasi hindi ka marunong
sumuntok.” sabi ni Adrian kay Micco.

Nagsimula na paunti-unting uminit ang tenga ni Micco –


“Bakit, basehan ba ng pagiging lalaki ang pagsuntok? Bakit may
gay boxing? Saka hindi naman lahat ng tunay na lalaki marunong
sumuntok ah.” sabi ni Micco na nagsisimula ng mahalata ang
pagkainis.

“Basta bakla ka!” sabi ni Adrian.

“Bakla ka din!” ganti naman ni Micco.

“Bakla bakla bakla, bakla si Adrian” tila pakantang


pinaulit-ulit ni Micco kasunod ang mga pigil na tawa.

Biglang hininto ni Adrian ang kotse sa gitna ng SLEX


sabay suntok sa may headboard ng upuan ni Micco. Sapat na ang
suntok na iyon para matahimik si Micco sa kinauupuan niya.
Nanginig, nataranta at natakot si Micco sa ginawang iyon ni
Adrian. Muli ay pinaandar ni Adrian ang kotse niya at matulin na
pinatakbo. Nagsimula ng matahimik ang pagitan ng dalawa,
walang kibuan at imikan.

“Pikon pala si Adrian, hahaha” wika ni Micco sa sarili.

Ilang oras ding tahimik ang pagitan ng dalawa, at


nakalabas na sila ng SLEX at tumawid sa kahabaan ng EDSA
hanggang sa sapitin nila ang isang subdivision sa may Quezon
City. Pagkapasok nila sa loob ng gate –
37
Emmanuel R. Caleon

“Baba” mariing utos ni Adrian ka Micco.

“Bakit na naman?” tanong ni Micco.

“Basta bumaba ka!” pamimilit ni Adrian na mas madiin


ang boses at mas matitiim ang titig.

Sa takot ay agad na bumaba si Micco. “Anong gagawin


ko dito?” tanong ni Micco pagkababa ng kotse. Lalong bumilis ang
tibok ng puso niya na hindi niya maintindihan at maipaliwanag ang
kabang nararamdaman.

“Diyan ako nakatira, hanapin mo iyan.” sabi ni Adrian


sabay bigay ng calling card niya na may kasamang address.

Agad na nilapitan ni Micco ang kotse at binuksan ang


pinto subalit nakalock na ito. Mabilis namang pinatakbo ni Adrian
ang kotse at iniwanan si Micco na nag-iisa.

Hindi pa man nakakalayo ay huminto ang kotse ni Adrian


at bumukas ang pinto. Napangiti naman si Micco at agad niyang
tinakbo ang kotse – “matino ka naman pala wika ni Micco sa sarili.

Nang malapit na siya sa kotse ay nakita niyang inihagis


palabas ang dalawang travel bag niya, kasunod ang pagsasara ng
pinto ng kotse.

“Binabawi ko na pala, masama talaga ang ugali mo” saad


ng isipan ni Micco kasunod ang pagkalukot ng mukha niya.

Hindi na nga nagtagal ay nakarating na si Adrian sa bahay


nila. – “Magdusa ka Micco” mahina niyang usal.

“Sir Adrian, nasaan na po ang music teacher nang mga


bata?” tanong ng mayordoma nila Adrian.

“Darating din iyon pamaya-maya” sagot ni Adrian


kasunod ang isang makahulugang ngiti.

Samantala ay hirap na hirap si Micco sa paghahanap ng


bahay nila Adrian. Naglalakad siya sa gitna ng mataas na sikat ng
araw, na may bitbit at hatak na mabibigat na bagahe.

38
“Tilapiang bilasa naman oh! Ang daming kanto at
pasikut-sikot.” mahinang usal ni Micco “ni wala namang
mapagtanungan.”

Diretso sa paglalakad ni Micco, para na siyang mukhang


tanga na pabalik-balik at paikot-ikot sa loob ng subdivion at
hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan na siya. Malapit
na ding magtatlong-oras siyang tila basang sisiw na walang
kasiguraduhan sa bawat kilos.

Isang pasasalamat at paglalakas loob niyang pinara ang


isang kotseng papadaan. Naging mabait naman ang nagmamaneho
at hinituan siya nito at nagbaba ng bintana.

“Good Morning Sir, do you know this address?” wika ni


Micco. “Gwapo at mukhang over rich, dapat magpacute ako at
makipagsosyalan” buyo ng isipan ni Micco na naging dahilan para
mapintahan niya ang mukha ng isang napakatamis na ngiti.

“Yes, I know this address” sagot ng cute na


pinagtanungan ni Micco “C‟mon, I‟ll take you there.” anyaya sa
kanya.

Nakaramdam ng kakaibang saya si Micco nang marinig


na sa wakas ay mararating na niya ang bahay ni Adrian at
napapahinga na din ang mga binti at paa niyang ngawit na ngawit
na.

“Lagot na, baka miyembro ito ng sindikato o kaya ay


hold-upper, baka naman kidnapper” sabi ni Micco sa sarili ng
maalalang madaming ganuon sa Maynila. “Hindi naman siguro
kidnapper ito o kaya ay miyembro ng sindikato. Gwapo naman at
saka wala sa itsura” sagot niya sa sariling katanungan “saka wala
naman sigurong makakapasok sa isang exclusive subdivision ng
mga ganuon” tila pagpapakalma niya sa sarili.

Sa kabilang banda ay nakaramdam ng pag-aalala si


Adrian dahil mahigit isang oras na ay hindi pa din nakakadating si
Micco sa kanila. Ngayon ngang magtatalong oras na ay lalong
nadodoble ang kaba niya na baka may masamang nangyari kay
Micco.

“Dapat lang sa kanya iyon” wika ng isipan ni Adrian.


“Hindi, baka mapano iyon” kontra ng kabila.

39
Emmanuel R. Caleon

Sa ganitong mga isipin ay lalong gumugulo ang


nararamdaman ni Adrian.

“Tatanga-tanga kasi” mahinang usal ni Adrian at pasakay


na siya ng kotse para hanapin ito nang biglang may bumusina sa
bahay nila.

“Sir, si Sir Alex po” sabi ng security guard.

“Sige pagbuksan mo na” sabi ni Adrian “ngayon pa


dumating si Alex!” wika ni Adrian sa sarili na lalo namang
kinabahan para kay Micco.

“Kilala mo pala si Adrian” sabi ni Micco sa taong


nagpasakay sa kanya.

“Oo naman, sa kanila nga ako pupunta ngayon.” sagot


naman nito “Alex nga pala.” pakilala ng lalaki sa kanya.

“Micco” kasunod ang isang ngiti.

Ngayon nga ay papasok na sila ng gate nila Adrian.


“Akala mo Adrian” sabi ni Micco sa sarili “nakaisa ka man
ngayon, hindi na mauulit pa!” dugtong pa ng isip niya ng tila may
paghahamon.

Pagkababa ni Micco sa kotse ni Alex at sa pagkakita sa


kanya ni Adrian ay agad namang nawala ang pag-aalala niya para
dito. Agad niyang nilapitan ito at pinasalubungan ng isang
malutong na batok.

“Tatanga-tanga ka kasi!” sabi ni Adrian.

Hindi nalang kumibo si Micco at mas minabuti niyang


harapin si Alex at magpasalamat.

“Salamat Sir Alex!” sabi ni Micco.

“Wala iyon.” sagot naman ni Alex.

“Aba, huwag daw ba akong pansinin.” wika ni Adrian sa


sarili.

“Buti ka pa may magandang kalooban, kakaunti na lang


ang mga kagaya mo sa mundo at hindi ka katulad ng iba diyan”
40
sabi ni Micco, bagamat naikwento niya kay Alex ang mga
pinaggagawa sa kanya ni Adrian at kung bakit siya naglalakad sa
gitna ng sikat ng araw.

Isang ngiti lang ang sinagot ni Alex sa kanya.

Nakaramdam si Adrian na siya ang pinapatamaan ni


Micco. “Pumasok ka na sa loob at kumain ka na muna” sabi niya
kay Micco. “Manang, andito na po si Micco” sigaw niya sa
mayordoma nila.

Pagkalabas ng mayordoma nila ay agad niya itong


inutusan para ipaghanda ng pagkain si Micco. Masaya naman
nitong sinalubong si Micco at gayundin naman si Micco.

“Maya-maya darating na ang mga bata” sabi naman ni


Adrian.

Bago kumain ng hapunan ay ipinakilala muna ni Adrian si


Micco sa mga bata.

“I want you to meet your music teacher” sabay tingin kay


Micco “here is your Tito Micco.”

“Good Evening Tito Micco” sabay-sabay na bati sa kanya


ng mga bata.

“Please to meet you” sagot ni Micco at isang ngiti ang


pinahabol nito.

“Introduce yourself one by one” tila utos ni Adrian sa


mga pamangkin.

“I‟m Melissa” tila suplada nitong pakilala kay Micco.

“Nice to meet you Melissa, you‟re very beautiful,


especially when you smile” sagot ni Micco na tila nang-uuto.

Irap lang ang sinagot ni Melissa kay Micco.

“I am the cutest here, as cute as my tito Adrian. I‟m


James” pakilala ng pangalawa.

41
Emmanuel R. Caleon

“Nice to meet you James” sagot ni Micco – “Pero hindi


sana kasing sama ng ugali mo ang ugali ni Adrian” tila bulong niya
sa sarili.

“I‟m pretty Nicole, the ultimate lovable and huggable


young girl” pakilala ng pangatlo sabay yakap kay Adrian.

“Nice meeting you Nicole” sagot ulit ni Micco na may


ngiti. “Alis diyan bata baka mahawa ka sa ugali niyan” komento
ulit ni Micco sa sarili.

“Margareth” sabi ng pang-apat sabay takbo para yakapin


si Micco.

“You‟re so sweet Margareth” sabi ni Micco.

“Charles” sabi ng ikalima sabay din ang takbo para


yakapin si Micco.

“Another sweet kid” sabi ulit ni Micco.

Tumakbo muna ang ito at yumakap kay Micco na naging


sanhi para mapaupo ito at kamuntikan nang tumumba.

“Eugene, be careful next time” sabi ni Adrian at


tinulungang tumayo si Micco sabay bulong – “ayan, hindi pa man
nahahawa na sa katangahan mo.” sabi ni Adrian.

“I‟m Eugene” sabi ng ika-anim.

“Another sweet kid” sagot ni Micco na pilit itinago ang


asar kay Adrian.

“Where‟s Matthew?” tanong ni Adrian sa mga bata.

“He‟s upstairs” sagot ni Melissa.

“Tito Adrian” sigaw ng isang bata mula sa taas.

Agad namang napalingon si Micco sa gawing iyon ng


bata.

“Matthew” sabay na sabi ni Adrian at Micco.

42
Agad namang napalingon si Matthew sa gawi ni Micco –
“Kuya Micco” sabi nito at mabilis na tinakbo ang lugar ni Micco.

Agad namang niyakap ni Matthew si Micco – “I missed


you so much Kuya Micco” sabi nito kay Micco.

“I missed you too Matthew” sabi ni Micco.

Nagtataka man ay inaya na ni Adrian ang lahat para


sabay-sabay silang kumain. Wala sa mga plano ni Micco na
sabayan ang mga ito. Subalit pinilit siya ni Adrian para maksabay
na sa kanila.

Nagulat man si Micco dahil nakita niyang maging ang


mga maids at iba pang katiwala sa bahay ay kasabay nilang kakain.
Hindi ito ang karaniwan niyang nakikita sa mga kaibigang
mayayaman at sa mga kaibigan ng mga magulang na mayayaman.

“Mabait naman pala itong mokong na ito” wika ng isipan


ni Micco.

“”Tomorrow is Saturday, so bukas na magsisimula ang


music lesson ninyo kay Tito Micco” sabi ni Adrian sa mga bata.

“I hope to learn more in singing” sabi ni Margareth.

“Hindi ka naman marunong kumanta ah” kontra ni James.

“Who told you that?” sagot ni Margareth.

“Tigil na iyan, baka mag-away pa kayo” saway ni Adrian.

“Sorry po Tito Adrian” sabay na sabi ni Margareth at


James.

Natapos na ang araw, at dumating na ang kinabukasan.


Masayang sinalubong ni Micco ang mga bata, hinintay sa may
terrace para duong simulang ang kanilang gagawin sa araw na
iyon. Kaharap ang isang organ ay sinimulan na muna nila ang
basic exercise para maayos ang vocal strands ng mga bata.
Dinaanan muna sa breathing exercise, pagkatapos ay ang basic na
Do – Re – Mi at itinuro ang kantang Do – Re – Mi.

“Sandali lang, may kukuhanin lang ako” paalam ni Micco


sa mga bata.
43
Emmanuel R. Caleon

“Sige po Tito Micco” sagot ng mga bata.

“He should be out” sabi ni Melissa pagkaalis ni Micco “I


hate him.” sabi pa nito.

“I want Tito Micco, I want him to stay.” sabi naman ni


Margareth.

“Tama, I also like Tito Micco” sang-ayon ni James.

“I want him out, out of the house and out of our life” sabi
ni Melissa “he is annoying.” dugtong pa nito.

“Hindi naman kaya annoying si Tito Micco” sabi naman


ni Charles.

“Tama, kakatuwa nga si Tito Micco” kontra ni Eugene


kay Melissa at sang-ayon kay Charles.

“Tito Micco is the second bestest to Tito Alex” sabi


naman ni Nicole.

“I agree” sabi nilang lahat.

“He is not, I don‟t want to call him Tito neither any


names. I hate him so much” sabi ni Melisa “If you don‟t want to,
then, I will do it my way just to keep him away.” sabi ni Melissa.

“Don‟t be like that” sabi naman ni Matthew “Kuya Micco


is a good person, he is caring and loving. Give more time to know
him and I‟m sure you will love Kuya Micco” dugtong naman ni
Matthew na inayunan ng lahat.

“Shut up stupid orphan” sigaw ni Melissa kay Matthew.

Si Melissa ay masyadong na-trauma sa pagkamatay ng


mga magulang niya. Ang tingin niya sa lahat ng mga tao ay
masasama at hindi pwedeng pagkatiwalaan. Para sa kanya ay ang
Tito Adrian lang niya at ang Tita Joan niya pati ang mga lolo at
lola lang ang pwedeng pagkatiwalaan. Galit na galit siya kay
Matthew at sa pag-aampon dito.

44
“What‟s that noise all about?” tanong ni Micco nang
makabalik sa mga bata dala ang ilang lyrics ng mga kantang pwede
nilang kantahin.

“Nothing” sagot agad ni Melissa habang nakatahimik ang


lahat.

“Ayos pala, kahit hindi ako natuloy sa Italy magagamit ko


din pala ito” sabi ni Micco habang ibinibigay sa mga bata ang mga
kopya.

Natapos na ang maghapon, ngayon ng ay nasa terrace si


Micco at nag-iisip. Malalim na malalim ang iniisip, ang pamilya
niya ang pagsisinungaling niya sa kanila at ang mga bata. Nilapitan
naman siya ni Adrian.

“Kamusta ang mga bata?” tanong sa kanya ni Adrian


“nahawa mo ba ng katangahan?” tanong na pahabol nito.

“Ayon, madadaling turuan.” sabi naman ni Micco.

“Good, mainam kung ganun” sabi ni Adrian sabay gulo sa


buhok ni Micco.

“Buti pa ang mga bata, mababait” sabi ni Micco “hindi


katulad ng iba diyan.” sabay ang isang buntong-hininga.

“Ako na naman ba ang pinaparinggan mo?” tanong ni


Adrian kay Micco.

“Bakit tinatamaan ka?” sabi ni Micco “iilag ka kasi.”


kasunod ang isang tawa at sabay na pumasok sa loob ng bahay.

“Bakla” sigaw ni Adrian.

Imbes na sagutin ay lumingon lang ito kay Adrian at


dinilaan kasunod ang isang ngiting mapang-asar.

“May araw ka din!” mahinang usal ni Adrian.

45
Emmanuel R. Caleon

Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 7
Status: In a Relationship

“Sobra naman” reaksyon ni Micco sa pagbukas niya ng


Facebook. Isang buwan at dalawang linggo nadin niyang hindi
nagagalaw ang kanyang facebook account o kahit anong online
social networks. Isang buwan at dalawang linggo na din siyang
pinapaniwalaang nasa Italy, kung kayat hindi na nakakapagtaka
kung umabot man ng 200messages at flooded na ang wall niya.
Ngayon lang siya nakalabas mag-isa sa bahay nila Adrian at
sinamantala na niya ang pagkakataon para makapag-internet sa
labas.

“Micco, bakit hindi ka nagrereply sa mga messages


namin. Ano na ba ang balita sa‟yo? Pahingi daw ng picture mo si
Tita. Sobrang miss ka na. ” sabi ni Ate Jhell niya sa isang
message nito.

“Pasabi po sa kanila na sorry. Ayos lang po ako dito,


medyo pikon lang ang amo ko, mayabang, masama ang ugali pero
mabait. Huwag na po kayo mag-alala sa akin, masaya po ako dito,
sana maging masaya din kayo diyan. Iyong picture po next time na
lang.” reply ni Micco sa message ng ate Jhell niya habang ang
iniisip ay ang kanyang Sir Adrian.

“Micco, kailangan mo nang mag-isip ng paraan.” sabi ni


Micco sa sarili. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ni Micco.

“Hello” bati ni Micco.


“Micco, nasaan ka ba?” tanong sa kanya ni Adrian.
“Secret, walang clue” sagot nito.
“Pasecret-secret ka pa” sabi ni Adrian “lumabas ka na
diyan sa internet café at umuwi ka na” tila utos nito kay Micco.
“Kung makapag-utos” sa loob-loob ni Micco “sige po”
sagot ni Micco.

Pagkabayad sa counter ay agad na lumabas si Micco at


nakita nga niya duon ang kotse ni Adrian.

46
“Paano mo nalamang nasa internet café ako?” may tila
asar na tanong ni Micco.

“Nakita kasi kitang pumasok diyan” sagot ni Adrian


“siyempre, lahat ng gusto mong gawin dapat pigilan ko” dugtong
pa nito.

“Naku, sobra ka na. Patatawarin kita ngayon kasi may


hihingin akong pabor sa‟yo.” sigaw ng isipan ni Micco.
Nagdadalawang isip man ay desidido at desperado na siyang
humingi ng tulong kay Adrian.

“Sir Adrian” simula ni Micco “pwede po bang humingi


ng pabor?” tanong ni Micco na may paawa effect.

“Aba, para kang isang anghel” tila pang-aasar ni Adrian.

“Seryoso ako Sir” pilit ni Micco “kung ayaw mo eh di


huwag na lang.” sabi ni Micco.

“Sige, ano ba iyon?” tanong ni Adrian na may ngiti –


“Tigil ka muna Adrian, mukhang kailangan talaga ng tulong nito”
buyo at pagsaway ng isip niya.

“Pwede po bang magset-up tayo na kunwari Italy ang


setting „tas nagpeperform ako?” pakiusap ni Micco.

“Bakit?” tila naguluhan si Adrian.

Nahihiya man ay nagsimula na itong magkwento. Bawat


detalye nang nangyari sa kanya at bawat pasikut-sikot. “Naku
Micco, kailangan mo ang tulong niya kaya tiisin mo na lang muna
ang lait niya sa‟yo. Pagkatapos ng pabor saka ka na lang gumanti”
sigaw ng isipan ni Micco.

“Tatanga-tanga ka nga kasi” sabi ni Adrian. Taliwas sa


inaasahang reaksyon ni Micco na pagtatawanan siya nito ay tila ba
nabubwisit ito sa kanya dahil sa nangyari at sa ginawa niya.

“Sabi ko na nga ba tatanga-tanga ka talaga” galit na sinabi


ni Adrian “bakit ba ganyan ka? Careless mo, parang wala kang
pakialam sa pwedeng mangyari.” sabi ulit ni Adrian na tila
nangangaral kay Micco.

“Hindi ko naman gusto iyong nangyari” sagot ni Micco.


47
Emmanuel R. Caleon

“Iyon na nga, kung nag-iisip ka ba naman,


kunggumagamit ka ng utak.” sagot ni Adrian.

“Oo, alam ko namang tatanga-tanga ako” nasaktan si


Micco sa narinig kay Adrian at pinilit niyang pigilin ang luhang
gustong umagos sa mga mata niya. “hindi mo na kailangang ulit-
ulitin na tanga ako, hindi mo na kailangang ipamukha sa akin
iyon.” Hindi na napigilan ni Micco ang sariling mga luha kung
kayat ito na ang kusang kumawala sa mga mata niya – “Salamat na
lang, kaya ko nang gumawa ng paraan sa problema ko.” wika ni
Micco sabay bukas sa pinto ng kotse para lumabas.

Naging maagap naman si Adrian at walang anu-ano ay


hawak na niya ang braso ni Micco. “Don‟t go” sabi ni Adrian sa
malumanay na tinig “I‟m sorry” dugtong pa nito at hinatak na niya
ulit papasok si Micco. Agad naman niyang pinaandar ang kotse at
dali-daling umuwi na.

May pasok ang lahat ng mga pamangkin ni Adrian kung


kayat pahinga din ito ni Micco. Pagkarating sa bahay ay dali-
daling pumasok si Micco sa kwarto niya at maagap pa din si
Adrian na sinundan ito hanggang sa loob.

“Micco” malungkot na wika ni Adrian.

“Bakit nandito ka?” tanong ni Micco.

“I‟m sorry” tila nagsusumamo si Adrian kay Micco “I


know that I hurt you.” dugtong pa nito sabay lapit kay Micco.

“Sige” si Adrian ulit “I‟ll do everything just to help you


solve your problem” tila pangungumbinsi naman ni Adrian kay
Micco.

“Wag na, I can do this on my own” sagot ni Micco.

“Hindi” sagot ni Adrian “I will help you” giit pa nito.

“Bukas na bukas din, I promise to give you nice shots”


sabi ni Adrian.

Nanatiling nakatahimik alng si Micco.

48
“I‟ll propose to Sarah and please sing for us” sabi ni
Adrian “that way you can have pictures as if you were in Italy.”

Tila nakaramdam ng saya si Micco sa sinabi ni Adrian at


nakita niyang sincere ito sa pagtulong at paghingi ng tawad. Isang
bagay lang ang hindi niya maintindihan, bakit tila kumirot ang
puso niya ng marinig na magpopropose ito. Ang ganitong
pakiramdam ay pinilit niyang kalimutan, mas mahalaga sa kanya
ang magkaroon ng pruweba na siya ay natuloy sa Italy.

“Sir Adrian” sabi ni Micco “salamat po.”

Ngiti lang ang sinagot dito ni Adrian. Ilang minuto ding


tahimik ang pagitan ng dalawa nang magpaalam si Adrian –

“Sige Micco, aalis na ako” paalam ni Adrian kay Micco.

“Sir” tawag ni Micco kay Adrian.

“Ano iyon?” tanong nito kay Micco.

“Kung pwede po wala sanang makaalam nito at huwag po


sana ninyong sabihin kahit kanino, kahit kay Ate LJ.” pakiusap ni
Micco.

“I‟m giving you my word” sagot ni Adrian kasunod ang


isang ngiti.

“Salamat po” tanging nasabi ni Adrian.

Hindi maintindihan ni Adrian kung bakit ganuon agad ang


naging reaksyon niya sa nangyari kay Micco, hindi niya alam kung
bakit siya apektado sa naging damdamin nito. Hindi niya
maintindihan ang sarili kung bakit sa tingin niya ay apektado siya
sa mga luha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang
magpopropose kay Sarah kahit wala naman talaga siyang gusto
dito kung hindi pormahan lang. Para sa kanya ay mahalagang
matulungan niya si Micco at mahalaga sa kanya ang nadarama
nito.

Dumating na nga ang kinabukasan, namangha si Micco sa


nakita. Oo, mukhang Italya talaga ang settings nang lugar. Tinupad
ni Adrian ang pangako niyang dadalin ang Italya sa Pilipinas para
lang makakuha siya ng magandang pangkumbinse sa mga

49
Emmanuel R. Caleon

magulang niya sa San Tadeo. Biglang nagring ang cellphone niya


“Are you there?” tanong ni Adrian sa kabilang linya.


“Yes Sir” sagot ni Micco.
“Good, malapit na kami” sabi naman ni Adrian.
“Sir” tila nahihiya si Micco kay Adrian.
“Ano iyon?” tanong naman ni Adrian.
“Salamat po” sabi ni Micco.
“You‟re welcome” sagot ni Adrian.
Halos sabay nilang pinindot ang end call.

Ito na ang oras, dumating na sila Adrian – “In fairness,


maganda ang taste ni Sir Adrian, kaso mas maganda pa din si Ate
LJ” saad ng isipan ni Micco.

Nagsimula nang kumanta si Micco, mga lovesongs na


paborito ni Sarah ang kakantahin niya. Muling naramdaman ni
Micco ang musika at saya na naibibigay sa kanya pag nasa itaas na
siya ng stage, ang saya ng pakiramdam kapag kumakanta na siya at
nagpeperform. Nabubuhay sa kaibuturan niya ang hindi
maipaliwanag na ligaya.

Sa kabilang banda naman ay hindi inaasahan ni Adrian na


ganuon pala kagaling si Micco – narinig niya itong tinuturuan ang
mga pamangkin niya pero iba pala talaga pag siya na mismo ang
kumakanta. Masarap pakinggan, masarap sa tenga at masarap sa
pakiramdam at nakakagaan.

“Galing ng singer” komento ni Sarah.

“He is the music teacher of my pamangkins” wika naman


ni Adrian na may pagmamalaki.

“He is great” kita ang paghanga kay Sarah.

“Sarah” simula ni Adrian sa pagbabago ng usapan.

“Ano iyon?” tanong ni Sarah.

“Can you be my girlfriend?” tanong ni Adrian.

Sa nakaka-in-love na boses ni Micco at sa version nito ng


mga kanta ay napasagot ni Adrian ng oo si Sarah. Matapos ang

50
dinner na iyon ay namasyal pa ang dalawa samantalang si Micco
ay nauna nang umuwi.

Pagkarating ni Adrian sa bahay ay agad niyang hinanap si


Micco. Dagli niya itong niyakap at nagpasalamat.

“Salamat Micco” sabi ni Adrian.

“Ako nga ang dapat magpasalamat” sagot naman ni


Micco.

“Salamat talaga” giit ni Adrian.

“Bahala ka nga, basta ako ang dapat na magpasalamat


dahil sa pabor mo” giit naman ni Micco.

“Kala ko ba si Ate LJ ang liligawan mo?” tanong ni


Micco kay Adrian.

“Si LJ, may boyfriend na pala ang pinsan mo” sabi ni


Adrian “kaya ayun, si Sarah na lang ang niligawan ko.”

“Sinong boyfriend” tila may pagtataka kay Micco “ayos


ka din ano, lahat na lang ata liligawan mo.”

“Migs daw ang pangalan” sabi ni Adrian “namimili


naman ako ng liligawan ko, target ko talaga si Sarah pag binasted
ako ni LJ.”

“Si Kuya Migs? Pinsan kaya namin iyon” sabi ni Micco


“ayaw lang talaga sa‟yo ni Ate LJ.” komento ni Micco.

“Sige mang-asar ka, tandaan mo dahil sa akin may picture


ka na ipapakita sa inyo.” tila may pananakot kay Adrian.

“Sorry naman” paghingi ulit ng dispensa ni Micco.

“Sige na, maghahating-gabi na pala, matulog ka na at


tuturuan mo pa ang mga pamangkin ko bukas.” sabi ni Adrian.

“Salamat po talaga Sir” sabi ni Micco sabay lakad


papunta sa kwarto nito.

Kinabukasan –

51
Emmanuel R. Caleon

“Mga bata, dito tayo ngayon sa pool mag-aaral.” sabi ni


Micco.

Pinalusong ni Micco ang mga bata sa swimming pool na


nasa likuran ng bahay nila Adrian. Ngayon nga ay tanging ulo na
lang ang nakikita sa mga ito. Sinimulan niya sa breathing exercise
at sinundan ng Do – Re – Mi at pinakanta ang Do – Re – Mi.
maya-maya pa ay pinaahon na niya ang mga ito para
makapagmeryanda muna.

Habang kumakain ang mga bata ay pumunta muna siya sa


may gilid ng pool. Nakatanaw sa malayo at malalim ang iniisip.
Hindi pa man nagtatagal at –

“Ahhh” sigaw ni Micco “Tulong, tulungan ninyo ako”


dugtong pa nito.

“Micco” sabi ni Adrian na nasa may hindi kalayuan. Agad


nitong tinakbo ang kinaroroonan nila Micco at nang makitang
nalulunod ito ay agad niyang tinalon ang pool para iligtas si Micco.
Nakaramdam siya nang pag-aalala para kay Micco, pakiramdam na
ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.

Agad na niyakap ni Adrian ang pipisag-pisag na si Micco


na patuloy sa pagkampay ng mga kamay at mga paa. Biglang
huminto ang mundo nila Micco at Adrian. Kakaiba ang naging
pkairamdam ni Adrian sa nangyaring iyon, tila may kakaibang
tuwa ang naidulot sa kanya ng pagkakayakap kay Micco. Hindi
niya maipaliwanag ngunit sa tingin niya ay ayaw na niyang bitiwan
pa si Micco, ayaw na niyang pakawalan ito. Matindi ang naging
pagnanais niyang yakapin ito hanggang sa mawala ang takot
nannadarama ni Micco.

Sa kabilang banda ay tila lumundag ang puso ni Micco


nang yakapin siya ni Adrian. Pakiramdam niya ay naging
napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Naramdaman niya ang
kaligtasan sa mga bisig nitong ngayon nga ay nakaikot sa kanyang
katawan. Tila nanginig ang buo niyang katawan sa kakaibang
pakiramdam na naidulot nito sa kanya, ang pakiramdam na
nakatagpo siya ng taong nakahandang magligtas sa kanya, ng
taong may kayang pagaanin ang loob niya.

Ngayon nga ay nagtama ang kanilang mga paningin, may


bilyong boltahe ng kuryente ang nanulay sa mga titig na iyon. Tila
nawili ang dalawa at hinayaang mapako ang mga mata nila sa
52
isa‟t-isa. Lalong nakaramdam ng ligaya sila Adrian at Micco,
kakaiba – oo kakaibang damdamin ang unti-unting nabubuksan sa
kanilang mga puso. Ayaw nang pakawalan pa ni Adrian ang mga
mata ni Micco, nawiwili na siyang titigan ito. Hindi niya
namamalayang may isang damdaming unti-unti nang umusbong sa
kanyang kaibuturan. Si Micco man ay tila ayaw nang matapos ang
oras na iyon, gusto niyang titigan ang mga mata ni Adrian habang-
buhay. Hindi din niya pansin ang isang bagong damdaming ngayon
lang niya naramdaman at mararamdaman.

“Tito” sabay-sabay na sigaw ng mga bata.

Sa tawag na ito natauhan ang dalawa. Inunat ni Micco ang


mga paa at nakaramdam ng hiya para sa sarili. Abot ng mga paa
niya ang sahig ng pool na iyon at lalo siyang nahiya ng
maramdamang kabalikat lang pala niya ang tubig sa gawing iyon
ng pool. Agad siyang bumitiw sa pagkakayakap ni Adrian at
mabilis na umahon sa pool. Nangiti naman si Adrian sa naging
reaksyon ni Micco kayat agad niyang hinabol ito.

“Micco” tawag ni Adrian “sandali lang Micco.”

Nahihiya man ay nilingon ni Micco si Adrian


“Nakakahiya naman po Sir.” sabi ni Micco.

“Sorry po Tito Micco” paghingi ng tawad ni Melissa –


“buti nga sa‟yo” sa loob-loob ng bata.

“Ayos lang iyon Melissa” sagot ni Micco kasunod ang


isang ngiti.

“Tara muna sa loob, magpalit ka muna ng damit” aya ni


Adrian kay Micco sabay abot ng tuwalya para ibalot sa katawan ni
Micco.

“Salamat po Sir Adrian” wika ni Micco.

Pagkapalit ng damit ni Adrian ay kinatok niya si Micco sa


kwarto nito at pinagbuksan naman siya ni Micco. Matiim ang mga
titig ni Adrian kay Micco – tipong lalamunin siya ng buhay.

“Pinagana mo na naman iyang katangahan mo” simula ni


Adrian.

“Sorry po Sir” sagot ni Micco.


53
Emmanuel R. Caleon

“Wala ka bang utak?” tila nang-aasar si Adrian “kita mo


na at hanggang balikat mo lang pala iyong tubig, pipisag-pisag ka
pa. Hindi ka ba nahihiya?” tanong pa ni Adrian.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na hanggang balikat ko


lang pala iyon? Bakit tumalon ka pa?” balik na tanong ni Micco.

“Ah, eh” basta wala lang” sagot ni Adrian. Hindi niya


malaman kung bakit ganuon din ang naging reaksyon niya sa
pagkakahulog ni Micco sa tubig.

“Hindi mo ba alam na nag-alala ako sa‟yo” dire-diretsong


saad ni Adrian. “Gago kang Adrian ka, bakit iyon ang sinabi mo?”
sabi ni Adrian sa sarili.

“Aba, type mo ako?” sabi naman ni Micco sa sarili na tila


nakaramdam ng kilig. “Ikaw? Nag-aalala?” sagot ni Micco.

“Oo, wala kasi akong aasarin kapag may nangyaring


masama sa‟yo” putol-putol na wika ni Adrian. “Bakit ba
nagkakaganyan ka Adrian” pangaral ni Adrian sa sarili.

“Basta, ihanda mo ang mga bata, darating dito si Sarah


mamaya” sabi ni Adrian kay Micco at sabay labas sa kwarto nito.

“Ewan ko sa‟yo” singhal ni Micco.

Sa totoo lang ay hindi maintindihan ni Adrian ang sarili


kung bakit naging ganuon siya sa pakikipag-usap kay Micco. Tila
may isang damdaming kumikiliti sa kanya para buksan ang isang
pintuan sa puso niya para sa isang bagay. Sa kabilang banda, kahit
na may inis ay tila kinilig si Micco sa reaksyon mula kay Adrian.
Paano kaya nila haharapin ang bagong yugto na ito sa buhay nila.

54
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 8
Last Bout: Tahan na Micco

“Sarah” sabi ni Adrian “I want you to meet my nieces and


nephews.”

“Kids” sabi ulit ni Adrian “this is your Tita Sarah.


Introduce yourself.”

“I‟m Melissa” pakilala ng una na may kasunod na irap.

“I‟m James” masayang pakilala ng pangalawa.

“I‟m Nicole” sabi ng pangatlo.

“I‟m Margareth” sabi ng sumunod.

“I‟m Charles” ang panglima.

“I‟m Eugene” pakilala ng pang-anim.

“I‟m Matthew” sabi ng huli.

“Nice metting you” sabi ni Sarah kasunod ang isang


maasim na ngiti.

“Tita Sarah we prepared something for you” sabi ni


Nicole.

“What is that?” tanong ni Sarah.

“Kuya Micco” sabi ni Matthew sabay takbo papunta kay


Micco.

“Tito Micco teaches us a folk lovesong to sing for you”


sabi ni Margareth.

“I‟ll be glad to hear that” sabi naman ni Sarah sabay ang


tingin kay Adrian.
55
Emmanuel R. Caleon

“Sige na Micco, pakita mo na iyong ginawa ninyo” sabi


ni Adrian na tila excited na marinig ang kung anuman ang gagawin
ng mga bata.

Nagsimula na ngang kumanta ang mga bata –

“Bituing marikit, sa gabi ng buhay


Ang bawat kislap mo‟y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako‟y bahaginan.”

“Nice blending and beautiful harmony” komento ni Sarah.

Tila natulala si Adrian sa naririnig niya, may kung anung


bumabalik sa alaala niya. masasayang alaala kung saan ay muli
niyang nararamdaman dahil sa kantang iyon. Mga alaalang akala
niya ay hindi na dadaan ulit sa isipan niya.

“Natanim sa puso ko ang isang pag-ibig


Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, ako‟y nasasabik
Ikaw ang pangarap ko, bituing marikit.”

Tila ba dinala na si Adrian ng nakaraan, ang nakaraan


kung saan ay masaya niyang kasama ang mga kapatid, ang
nakaraan kung saan ang kantang iyon ay unang tinuro sa kanya ng
mga kapatid na nagpakita ng pagmamahal sa kanya. Ang kantang
iyon na muling nagpapakilala sa kung sino ba talaga siya. Ang
kantang bumubura sa lahat ng galit niya sa mundo.

“Lapitan mo ako, halina bituin


Ating pag-isahin, ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa‟y, huwag mong uhawin
Sa tamis ng iyong pag-ibig.”

Natapos ang kantang punung-puno ng mga alaala ng


nakaraan si Adrian. Wari niya‟y nabuksan ang isang katauhang
matagal nang nakakulong at nakakandado na pilit niyang binago,
na binago ng isang malagim na trahedya na dumaan sa pamilya
nila.

“I really hate songs like that” sabi ni Sarah “It‟s so


boring.” dugtong pa nito.

56
Hindi na lang umimik pa si Adrian.

“I really appreciate your effort Micco as well as with you,


kids” sabi ulti ni Sarah “but I really don‟t appreciate songs like
that.”

Hindi na lang din nagsalita pa si Micco bilang paggalang


kahit na nga ba gustong-gusto na niyang sagutin si Sarah.

“That song is beautiful” sabi naman ni Melissa “it‟s


classic.” dugtong pa nito.

“We hate you” sabi naman ni Margareth.

“Kids, tama na iyan” pag-awat ni Micco at inaya na niya


ito palabas sa kinaroroonan nila Adrian at Sarah.

“I thought that they will sing nice song” sabi ni Sarah kay
Adrian pagkaalis nila Micco.

“That is a beautiful song” pagkontra ni Adrian. Hindi din


matanggap ni Adrian na laitin ang kantang nagpapaalala sa kanya
sa mga kapatid na pinatay. Minabuti na lang niyang ihatid pauwi si
Sarah kaysa sa magsimula sila ng away dahil lang sa kantang iyon.

Nagtataka man ay pumayag si Sarah na umuwi din


kaagad.

Ngayon nga ay isang linggo na ang nakakalipas nang


mangyari ito. Sa tingin naman ni Micco ay masaya si Adrian kay
Sarah dahil nakita niya ang pagbabago sa ugali nito. Hindi na sila
madalas kung magbanggaan at magsagutan o inisan.

Nang umagang iyon ay tuturuan ni Micco ang mga bata


kung paano nagkakaiba-iba ang genre ng mga kanta at kung paano
ang technique para maayos, maging maganda at tama ang
breathing pag mabibilis na kanta. Tulad ng nakagawian ay basic
exercises ang pinagawa niya sa mga ito. Hindi marunong bumasa
ng chords si Micco kung kaya‟t tiyaga lang siya sa pakikinig sa
original para maisalin sa piano at maisabay sa mga bata. Nasa
bahay din si Adrian ng mga araw na iyon, hindi ito lumakad o
pupunta sa kung saan mang lupalop.

“Sandali lang, may nakalimutan ako sa taas” paalam ni


Micco sa mga bata.
57
Emmanuel R. Caleon

Walang anu-ano ay napasigaw ito – “ahhh” at unti-unting


bumagsak ito na patihaya sa sahig ngayon naman ay pabagsak na
sa gawi niya ang dala-dalang bag na umitsalo sa taas.

Sakto namang palabas na si Adrian ng mga oras na iyon


para kamustahin ang mga bata at si Micco. Kitang-kita niya kung
paano nadulas si Micco at kung paano ito babagsakan ng bag na
ngayon ay pabagsak sa sahig. Dali-dali niya itong tinakbo subalit
sa kamalasan ay – “ahhhhh” sigaw nito at padapa siyang bumagsak
sa papatayong si Micco.

Hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Muli,


tila huminto ang mundo ng dalawa sa nangyaring iyon. Ang
kanilang mga labi ay magkahinang at ang mga mata ay nagtatama
at napako sa isa‟t-isa. Pakiramdam ni Micco ay nanginginig ang
bawat himaymay ng kanyang laman, nanunuot sa kanyang
katauhan ang malalambot na labi ni Adrian. Pakiramdam niya ay
tumatagos sa kaloob-looban niya ang halik nito sa sapat na para
magwala ang kanyang nakataling puso.

Sa kabilang banda ay muling may kumiliti sa katauhan ni


Adrian sa kung anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni
Micco. Pakiramdam niya ay may milyong maliliit na boltahe ng
kuryente ang nagiging sanhi para mas lasapin ang batang-batang
labi ni Micco. Ang mainit, mapula at malambot na labi ni Micco.
Milyong boltahe ng kuryente upang maramdamang ang halik na
iyon ay nanunuot sa kanyang buong pagkatao. Tila nawalan siya
ng lakas para tumayo o alisin ang mga labi sa labi ni Micco. Ayaw
na niyang maalis ito mula sa pagkakahinang sa pakiramdam niya.

Walang anu-ano ay bumagsak ang bag sa ulo ni Adrian na


naging sanhi para lalong madiin ang mga labi niya sa labi ni
Micco. Sa pagkakataong ito ay imbes na masaktan ay lalong
natuwa si Adrian dahil higit pa niyang nanamnam ang labi ni
Micco. Nagising na lamang ang diwa ni Adrian nang tawagin sila
ng mga pamangkin niya.

“Are you okay Tito Adrian?” tanong ni Melissa na labis


na nag-aalala.

Biglang tumayo si Adrian at napansing ang lahat ng ito ay


nakatitig sa kanila ni Micco. Si Micco naman ay natulala sa
nangyari at ngayon naman ay nakakaramdam ng hiya nang

58
mapansin din ang mga mata ng mga bata ay nasa kanila ni Adrian
at nakita ang kung anumang aksidente na naganap sa kanila.

“Sana wala na lang ang mga bata” tudyo ng isipan ni


Micco “sana, sana, sana, ayiee nakakakilig” bulong pa ng isipan
niya na naging sanhi para mangiti siya.

“Kasi naman hindi ka nag-iingat. Stupid! Stupid! Stupid!”


biglang bulyaw sa kanya ni Adrian. Hindi alam ni Adrian kung
bakit bigla niya iyong ginawa kay Micco kahit hindi naman siya
galit dito.

“Kayong mga bata kayo, bakit kasi nag-iiwan kayo ng


mga balat ng saging sa sahig” pangaral ni Adrian sa mga bata.

“Adrian” tawag ni Micco “walang kasalanan ang mga


bata, ako ang nakalaglag niyan diyan” pagtatanggol ni Micco sa
mga bata.

“Kaya naman pala” sabi ni Adrian “hindi ka na naman


gumamit ng utak.”

“Paano kung ang mga bata ang nadulas d‟yan?” sabi ulit
ni Adrian. Iba ang nais gawin ni Adrian, ang gusto niyang gawin
ay lapitan si Micco para tanungin kung ayos ba ito o may
masamang nangyari ba sa kanya.

“Puro na lang kapahamakan ang dinadala mo dito” sabi


pa nito “pinapairal kasi ang katangahan.”

“Okay sige” sagot ni Micco “aalis na lang ako para wala


ka ng nakikita pa.” sabay takbo paakyat ni Micco.

Gusto sana siyang habulin ni Adrian subalit yumakap na


sa kanya ang mga bata. Nabakas sa mukha ng bata ang takot.
Natakot sila sa ginawa ni Adrian kay Micco. Samantalang si
Melissa naman ay nakangiti at tila ba nagbubunyi dahil sa wakas
ay aalis na si Micco.

Labis man na nasaktan ni Micco sa kung ano ang sinabi ni


Adrian ay higit pa ang naramdaman niya ng ipahiya siya nito
misma sa harap ng mga bata. Ayos lang sa kanya ang pagsabihan,
pero ang ulit-uliting ipamukha sa kanya na tanga siya at ulit-ulitin
ito sa harap ng mga bata. Matagal din niyang inayos ang mga
gamit, sa tatlong linggo niyang pamamalagi sa bahay na iyon ay
59
Emmanuel R. Caleon

napamahal na sa kanya ang buong lugar. mabigat man sa loob


dahil sa ganuong paraan niya lilisanin ang lugar na iyon ay wala
siyang magagawa.

Pagdaan niya sa silid ni Melissa ay narinig niya ang


mahihinang hikbi mula dito. Walang pag-aalinlangan niyang
pinasok ito kahit na nga ba alam niyang ito talaga ang naglagay ng
balat ng saging sa sahig na naging sanhi nang pagkakadulas nila.

“Anong problema?” tanong niya kay Melissa.

Irap lang ang sinagot sa kanya ng bata.

“Hay! Aalis na nga ako ganyan ka pa sa akin” sabi naman


ni Micco “sabihin mo na ang problema mo para naman bago ako
umalis matulungan kita” wika ni Micco.

“Wala!” madiing wika ni Melissa.

“Sabi mo wala” sabi ni Micco “ikaw din, „pag umiyak ka


lang ng umiyak diyan kawawa ka, papangit ka” sabi naman ni
Micco.

“Gusto mo sigurong pumangit” tila pamimilit niya sa bata


para sabihin na ang problema nito.

“Kita mo kumukulubot na ang mukha mo kakaiyak” sabi


ni Micco sabay hawak sa pisngi ni Melissa.

Agad namang napahawak si Melissa sa pisngi niya –


“Talaga Tito Micco? Kumulubot na mukha ko?” tanong ni Melissa
na napahinto sa pag-iyak.

“Oo” sagot ni Micco “iyak ka kasi ng iyak. Ano ba kasi


ang dahilan ng pag-iyak mo?” tanong pa ni Micco.

“Kasi” tila alangan si Melissa kung sasabihin ba ang


problema kay Micco.

“Kung sikreto man iyan, hindi ko na naman masasabi kay


Tito Adrian mo iyan, kasi aalis na ako.” wika ni Micco.

“Kasi Tito Micco nakipaghiwalay na ang boyfriend ko sa


akin.” sabi ni Melissa sabay yakap kay Micco.

60
“Aysus, iyon lang ba?” sagot ni Micco “hindi dapat
iniiyakan ang mga ganyang bagay. The greates revenge you can do
is to be beautiful and happy” sabi ni Micco.

“I love him so much” sabi ni Melissa.

“Bata ka pa, madaming dadaan sa buhay mo, mas matindi


pa diyan. Kung iyan iniiyakan mo na paano pa kaya pag mas
malala diyan” wika ni Micco “saka bata ka pa, hindi mo dapat
masyadong dibdibin ang boyfriend-boyfriend na yan” dugtong pa
ni Micco.

“Tito Micco!” iyak ni Melissa.

“Kung ayaw niya sa‟yo bahala si‟ya” sabi ni Micco at


tuluyan na ngang tumahimik ang pagitan ng dalawa.

Samantala, si Adrian naman ay dumiretso sa kwarto niya


at hindi alam kung paano pakikiharapan si Micco. Alam niyang
masyadong nasaktan si Micco sa ginawa niya at alam din niyang
malamang ay hindi pa din ito handang makipag-usap sa kanya.
Labis na pag-aalala ang nadarama niya, hindi niya alam kung ano
ang gagawin kung sakaling totohanin man nito ang gagawing pag-
alis sa kanila. Sa ganitong pag-iisip siya ng may kumatok sa
pintuan ng kwarto niya.

“Tito Adrian” tawag ng mga bata sa labas.

“Pasok kayo” sagot ni Adrian.

“Tito Adrian” nanginginig ang mga bata na bakas pa din


ang takot.

“Sorry sa nangyari kanina” paghingi ng tawad ni Adrian


sa mga bata.

“Tito, may sasabihin po kami” sabi ni Nicole.

“Ano iyon?” tanong ni Adrian.

Nagturu-turuan ang mga bata kung sino ang dapat na


magsabi. Lalo namang naguluhan si Adrian sa naging reaksyon ng
mga ito.

61
Emmanuel R. Caleon

“Matthew, ano iyong sasabihin ninyo?” tanong niya kay


Matthew para matapos lang ang turuan ng mga bata.

“Kasi po” nanginginig ang boses ni Matthew “si Ate


Melissa po ang naglagay ng mga balat ng saging sa sahig kanina”
pagatol-gatol na wika ni Matthew.

“Akala ko si Tito Micco ninyo?” tanong ni Adrian sa mga


bata “bakit naman gagawin ni Melissa iyon?”

“Kasi po tito ayaw niya kay Tito Micco kaya niya ginawa
iyon” sabi naman ni James.

“Pati nga po ung sa pool si Ate Melissa din ang nagtulak


kay Tito Micco” pagsusumbong ni Charles.

Bigla namang nagbago ang aura ni Adrian kung kayat


dagli siyang tumayo at mabilis na tinungo ang kwarto ni Melissa.

Mararahas na katok ang ginawa niya sa kwarto ni Melissa


– “Melissa” madiin niyang wika “Melissa!” sunod pa nito.

Nagulat naman sila Micco at Melissa, tila nakaramdam ng


kaba si Melissa dahil unang beses siyang tinawag ng tito Adrian
niya ng ganito. Natatakot man ay sumagot ito – Bakit po Tito?”
tanong niya sabay pihit sa pinto.

Pagkapasok ay agad na hinila ni Adrian si Melissa sa


loob ng silid nito at inihagis sa higaan niya. Umiiyak ngayon si
Melissa. Tila nagulat si Micco sa nakita nito na tila nagwawalang
hayop si Adrian. Nakita din niyang nakasunod ang mga bata na
ikinatakot niyang lalo na baka ma-trauma ito sa Tito Adrian nila.
Agad niyang nilabas ang mga bata at kinausap.

“Sa baba na muna kayo” pakiusap ni Micco sa mga bata.

“Tito Micco anong gagawin ni Tito Adrian kay Ate


Melissa?” tanong ni Margareth.

“Pagsasabihan lang siguro” palusot ni Micco.

“Bakit po umiiyak si Ate Melissa?” tanong pa ng isa.

“Baka nagulat lang kay Tito Adrian n‟yo” palusot ulit


nito.
62
“Sige na, sa baba na muna kayo, pipigilin ko lang ang
Tito Alex ninyo. Tawagin na din ninyo si Manang” sabi pa ni
Micco.

Agad na pumasok si Micco sa loob ng kwarto at nakita


niyang may hawak na sinturon si Adrian at ihahampas kay Melissa
ang gawi na may buckle.

“Ikaw na bata ka, bakit mo ginawa iyon?” tanong ni


Adrian na tila hindi na naghihintay pa ng kasagutan. Sabay bigay
ng isang palo dito.

Muling itinaas ni Adrian ang sinturon subalit naging


maagap naman si Micco at nahawakan niya ang kamay ni Adrian.
Sa lakas si Adrian ay nagawa siya nitong maihagis papunta sa
sahig kasama ang sinturon na inaagaw niya.

“Lumayas ka dito!” sigaw ni Adrian kay Micco.

Muling hinarap ni Adrian si Melissa at gamit ang kamay


muli nitong papaluin ang bata. Tulad nang kanina at naging
maagap si Micco, sinuggaban niya si Adrian para awatin sa
gagawin kay Melissa. Tulad nang una ay naitulak siya ni Adrian
palayo at ngayon nga ay humagis siya sa may upuan na naging
sanhi para makaramdam siya ng dobleng sakit at magtamo ng
sugat.

Natigilan naman si Adrian sa ginagawa kay Melissa at


nakaramdam ng pangamba at pag-aalala para kay Micco. Dagli
niyang nilapitan si Micco para tulungan, imbes na pahawak kay
Adrian ay agad nitong pinuntahan si Melissa.

“I‟m sorry” sabi ni Adrian.

“Anong nangyayari dito?” tanong ng mayordoma


pagpasok sa loob ng kwarto.

“Melissa, pakabait ka” pagkasabi nito ay agad na kinuha


ni Micco ang mga gamit niya at mabilis na umalis.

Hinabol ito ni Adrian ngunit sadyang mabilis si Micco.


Tila ito lumilipad na sobrang bilis. Tanging nasa isip lang ni Micco
nang mga oras na iyon ay mailigtas si Melissa at makaalis na agad

63
Emmanuel R. Caleon

sa bahay na iyon. Ayaw na niyang makipag-usap pa kay Adrian at


ayaw na niyang makipagtalo pa dito ulit.

“Tito Micco” umiiyak na sabi ng mga bata pagkasalubong


sa kanya sa baba ng bahay.

“Papakabait kayo” sabi ni Micco sa mga ito.

“Huwag ka nang umalis Tito Micco” pakiusap ng mga


bata kay Micco.

“Micco, sandali” tawag ni Adrian buhat sa taas.

Nagmamadali namang inalis ni Micco ang pagkakayakap


sa kanya ng mga bata at mabilis na lumakad palabas.

“Manong isara ninyo ang gate, huwag papalabasin si


Micco” utos ni Adrian sa gwardiya.

“Ano ba kasing kailangan mo?” sabi ni Micco at hinarap


na si Adrian.

“Micco please” sabi ni Adrian.

“Tatawagin mo na naman ba akong tanga?” sabi ni


Micco.

“I‟m sorry Micco” sabi ni Adrian.

“Sorry Sir, pero hindi ko na kaya, suko na ako” sabi ni


Micco “kung ang balak mo na maging miserable ang buhay ko, oo,
miserable na nga” sabi ulit ni Micco.

“Micco, hindi ganuon” kontra ni Adrian “I‟m sorry, I‟m


really sorry.”

“Sorry” sabi ni Micco “tapos ano? Uulitin mo naman.”


habol pa ni Micco. “Masakit, sobrang sakit, pakiramdam ko
nadudurog na ang pagkatao ko sa tuwing ipapahiya ninyo ako”
wika ni Micco. Kasunod nito na lumakad na siya palayo kay
Adrian.

“Manong pagbuksan na po ninyo ako” pakiusap ni Micco


sa gwardiya.

64
“Pero, Sir Micco” tututol pa sana ang gwardiya.

“Huwag, huwag mong bubuksan” sabi ni Adrian “I-lock


mo ang gate para hindi makalabas si Micco.

Pero lubhang desidido si Micco at hindi siya mapipigilan,


kaya naman ng kuhanin ng gwardiya ang susi sa may pwesto niya
ay naging maagap si Micco para mabuksan ang maliit na gate.
Subalit naging mas maagap si Adrian at nahawakan nito ang mga
kamay ni Micco.

“Aalis ka lang dito pag sinabi ko” tila pag-uutos ni


Adrian. Hindi ma intindihan ni Adrian ang sarili kung bakit ayaw
na niyang mawala sa kanya si Micco. Pakiramdam niya ay unti-
unti siyang malalagutan ng hininga sa oras na mawala ito sa
paningin niya. Matinding pangamba ang nadarama niya ngayon
dahil aalis si Micco at mas lalong naging masakit sa kanya ang
pagtatangka at pagkadesidido nitong iwanan na sila.

Tinalikuran naman ni Adrian si Micco kaagad, hindi na


niya kaya pang makita ito nahihirapan higit pa na siya ang dahilan.
Gusto niyang yakapin ito at pigilan subalit may bahagi sa kanya na
tumututol at kumokontra. Walang anu-ano at –

Sabay na inihagis ni Micco ang dalawang bag niya sa


labas ng gate at mabilis na inakyat ito. Nakalayo na si Adrian
samantalang ang gwardiya ay umalis muna para gumamit ng
banyo.

“Micco” biglang kilos si Adrian para mapigilan si Micco.

Naging mas maliksi si Micco, pagkabagsak niya sa kabila


ay agad nitong kinuha ang mga gamit at saka kumaripas ng takbo
palayo sa lugar na iyon.

Si Adrian naman ay agad na kinuha ang kotse at


pinabuksan ang gate para habulin si Micco. Lubhang mabilis ata si
Micco at hindi na niya nakita pa sa loob ng subdivion. Ilang oras
din siyang iikot-ikot nang mapagdesiyunan niyang magtanong sa
guard ng subdivision kung nakalabas na ba si Micco at sa
pagkadismaya niya ay – oo nakalabas na ito.

Si Micco naman ay agad na nagtago sa isang sulok nang


makitang padaan ang kotse ni Adrian. Nang masiguradong
nakalayo na ito ay mabilis niyang tinakbo ang gate palabas ng
65
Emmanuel R. Caleon

subdivision at agad na sumakay ng taxi para makasakay ng bus


papuntang ampunan.

Ilang oras din ang byahe niya, pagkababa niya ay agad


niyang dineretso ang papunta sa Fortitude. Hindi pa man siya
nakakakatok sa gate ng ampunan ay biglang may nagtakip sa ilong
at bibig niya ay hinatak siya sa kung saan at isinakay sa kotse.
Nakaramdam siya nang antok at kahit na anong pigil niya ay hindi
niya magawang labanan at tuluyan na siyang pinanawan ng malay.

Pagkagising niya –

“Good Morning Micco” nakangiti at masayang bati kay


Micco.

“Anong ginagawa ko dito?” tanong ni Micco.

“Ibinabalik ka kung saan ka dapat.” sagot naman ni


Adrian.

“Pwede ba, tumigil na tayo” anas ni Micco “tanggap ko


na, natalo ako sa‟yo” dugtong ni Micco.

“Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sa‟yo” sagot ni


Adrian “I‟m sorry” sabi ni Adrian sabay hawak sa kamay ni
Micco.

Nakaramdam ng kakaibang ligaya si Micco sa ginawang


ito ni Adrian sa kanya. Ang mainit na palad ni Adrian ay sapat na
para pawiin ang galti niya para sa binata at ang inis niya dito ay
napalitang ng bago at kakaibang pagtingin. Naramdaman niyang
sincere ito sa pagsosorry.

“May magagawa pa ba ako?” sabi ni Micco “nandirito


lang din naman ako” tila biting wika ni Micco.

“Ayos na tayo?” tila may pagtatanong kay Adrian.

Isang ngiti lang ang sinagot ni Micco dito.

Agad na tumayo si Adrian sa tabi ni Micco at agad na


tinawag ang mga bata. Pinapasok niya ang mga bata sa loob ng
kwarto at ang mga ito ay isa-isang yumakap sa kanya, kahit si
Melissa na ayaw sa kanya ay mukhang nakuha na din niya ang
loob.
66
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 9
Tumitibok na ang Puso

“Tara na Micco” sabi ni Adrian sabay akbay kay Micco.

“Saan tayo pupunta?” tila may pagtataka kay Micco.

“Papasyal kita dito sa Maynila” sagot ni Adrian “Hindi ka


pa nakakalibot dito mula ng mag-stay ka sa amin.” nakangiting
wika pa nito.

“Oo nga pala, masyado akong nakulong dito.” sagot


naman ni Micco. “Kinikilig ako! Magdadate kami!” tudyo kay
Micco nang utak niya.

“Tara na!” wika ni Adrian sabay hila kay Micco


papuntang kotse nito.

Nagpatugtog si Adrian nang mga paborito niyang kanta


habang nasa biyahe sila ni Micco.

“Wow!” sabi naman ni Micco “My favorite” sabi pa nito


ng marinig ang kanta ni Michael Jackson.

“Talaga?” tila umaliwalas ang mukha ni Adrian “I also


like that song.” sabi niya ulit.

“Ows?” tila may pagtataka kay Micco.

“Talaga, hindi ako nagbibiro” pagkasabi ni Adrian ay


sinabayan niya ang kanta.

“Maganda pala ang boses mo.” komento ni Micco. Ngunit


tila hindi siya narinig ni Adriann at tuloy lang ito sa pagkanta.

Sinabayan na din ni Micco si Adrian –

“You are not alone


I am here with you
67
Emmanuel R. Caleon

Thou you‟re far away


I am here to stay”

Biglang huminto si Adrian sa pagkanta at mas nais niyang


marinig lang si Micco na inaawit ang kantang gusto niya. maya-
maya pa at –

“Micco, I think I like you!” walang preno at walang itulak


kabigin niyang sinabi. “Pero hindi iyon tulad ng iniisip mo”
biglang bawi ni Adrian. – “Stupid Adrian, ano ba yang sinasabi
mo? Bakla ka ba? Hindi naman di ba?” – pangaral niya sa sarili.

“I like you kasi ikaw mahal na mahal ka na ng mga


pamangkin ko, Tito ka na nga nila at parang kadugo na.” tila
depensa ni Adrian sa sarili.

Nabigla si Micco sa sinabing iyon ni Adrian at napahinto


siya sa pagkanta. “I also like you” – iyan na ang isasagot niya pero
laking panghihinayang nang bawiin din ito kaagad ni Adrian. –
“palusot ka pa, bekimon ka din pala.” sabi ng utak ni Micco.

“Bakit defensive ka?” sagot ni Micco.

“Ah, eh, hindi naman kaya” saad ni Adrian na tila nasukol


ni Micco.

“Alam mo Sir” sabi ni Micco “I also like you.” sabi ni


Micco.

“Talaga Micco” bulong kay Adrian ng isang bahagi ng


katauhan niya “eh di tayo na!” komento pa din nito. “Hindi, hindi,
hindi pwede Adrian, hindi ka bakla” kontra naman ng kabila.

“Natahimik ka?” tanong ni Micco “I like you kasi naging


mabait ka na sa akin” sabi ni Micco “at mahal na mahal mo ang
mga pamangkin mo” pahabol pa nito “maswete nga si Sarah sa‟yo
kasi you will be a good father someday.”

Tila umasim ang mukha ni Adrian sa sinabing iyon ni


Micco – “We broke up” diretsang sinabi ni Adrian.

“Huh?” nagulat naman si Micco “bakit?” tanong pa nito.

“Basta it‟s a long story” sabi ni Adrian.

68
“Wala pa kayong isang buwan „tas hiwalay na?” komento
ni Micco na nagiging sarkastiko ang pagsasalita.

“Gusto mo na naman sigurong mag-away tayo?” sabi ni


Adrian na may kasunod na isang pilyong ngiti. Kahit na nga ba
ungkatin ni Micco ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Sarah ay
tingin niyang hindi na niya magagawang magalit dito. Natatakot
siyang muling magtangka itong iwanan siya at baka hindi na niya
ito nahabol pa at mas natatakot siyang maiwan ni Micco kasama
ang isang hindi maipaliwanag na damdamin.

“Siyempre ayaw ko” mabilis na sagot ni Micco.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian dahil ngayon ay lalo


siyang naguluhan sa damdaming dinala sa kanya ni Micco.

Nakaakbay si Adrian kay Micco habang naglalakad sa


loob ng mall. Naghaharutan na tila ba sila lang ang namamasyal.
Kung minsan nga ay pinapatid kunwari ni Micco si Adrian at
gaganti naman si Adrian kay Micco. Dahil mas malaki si Adrian
kay Micco ay madali na sa kanyang gulu-guluhin ang buhok nito.
Gaganti naman ng tapak sa paa si Micco. Para silang mga batang
naglalaro at naghaharutan – mas maigi kung, para silang mag-
syotang naglalabingan habang naglalakad. Namili sila nang namili,
mga pampasalubong sa mga bata at sa iba pang mga kasama nila sa
bahay.

Kumain sila sa isang fastfood chain at magkatabing


naupo. Tila wala silang hiya at patay malisya na nagsusubuan ng
pagkain. Inorder ni Adrian ang lahat ng pwedeng kainin sa
fastfood na iyon at lahat ay pinatikim niya kay Micco. Tuwang-
tuwa naman ang dalawa na parang sila lang ang nasa paligid.
Walang pagsidlan ang kaligayahan nilang magkasama.

“Grabe” sabi ni Micco “ang dami mong kinain” biro niya


kay Adrian sabay lipat sa upuang nakaharap dito.

“Anong ako?” tila kontra ni Adrian “ikaw nga diyan,


tingnan mo may dumi ka pa sa bibig” at isang ngiti naman ang
kasunod nito.

Kumuha ng tissue si Adrian at pinunasan ang bibig ni


Micco. Nagtama ang kanilang mga paningin at sa pagtatamang
iyon ay muling napako ang mga mata nila sa isa‟t-isa. Muling may
nanulay na mga boltahe ng kuryente sa titig nila para sa isa‟t-isa na
69
Emmanuel R. Caleon

naging sanhi para para kawilihan nilang titigan at huwag nang


bumitiw pa. Hanggang sa –

“You are such a nice bi-couple” bati sa kanila ng


dalawang lalaki na sa tingin nila ay may relasyon.

Agad naman silang bawi ng mga mata dahil sa bati na


iyon at tila nakaramdam ng hiya.

“Tara na” aya ni Micco sa napansing sentro na pala sila


ng atensyon. Higit pa ay nahihiya siya kay Adrian dahil sa
nangyari.

Ganuon din naman si Adrian, nahihiya kay Micco dahil sa


nangyari sa kanila. Ngunit hindi niya matiis ang katahimikan sa
pagitan nila.

“Huwag mo ng isipin iyon” sabi ni Adrian.

“Ang alin?” tanong ni Micco na kunwari ay hindi niya


alam ang sinasabi ni Adrian.

“Iyong sinabi sa atin kanina” sagot ni Adrian.

“Ah, iyon ba” sagot ni Micco – “kinikilig kaya ako bakit


ko hindi iisipin” buyo ng utak ni Micco.

“Ayaw mo nun, pinagkakamalan tayong magsyota kasi


close na tayo” tila pangangalma ni Adrian.

“Asa” sabi ni Micco “saka hindi naman iyon ang iniisip


ko” sagot ni Micco.

“Sabi mo, eh di hindi” sabi ni Adrian sabay busina sa gate


ng bahay nila.

Sinalubong sila kaagad ng mga bata at isang grupo itong


yumakap sa kanilang dalawa.

“Parang mga anak namin ni Adrian na sinasalubong


kami” sabi ni Micco sa sarili na naging dahilan para mapangiti ito
at magdulot sa kanya ng kakaibang kilig.

70
“Eto pasalubong namin” sabi ni Adrian sabay abot ng tig-
iisang paperbag sa mga bata. Ganuon din sa mayordoma at sa
dalawang katulong, sa isang hardinero at sa isang security guard.

“Mabait naman pala talaga itong mokong na ito” wika ni


Micco sa sarili.

“Sige na Micco, iakyat mo na sa kwarto mo iyang lahat”


sabi ni Adrian kay Micco.

Tila may pagtatakang tiningnan ni Micco si Adrian subalit


ngiti lang ang sinagot nito.

Hindi pa man ay pinasok ni Adrian si Micco sa loob ng


kwarto at –

“Padala mo sa inyo, kunwari package” sabi ni Adrian


sabay ngiti at gulo sa buhok ni Micco.

Natuwa naman si Micco sa ginawang iyon ni Adrian


“mahal na ata kita at tumitibok na ang puso ko para sa‟yo” – sabi
ng isipan ni Micco. “Salamat po Sir” sigaw niya bago umalis si
Adrian.

Biglang lingon naman sa kanya si Adrian.

“Ano ka mo? Sir?” tanong ni Adrian na may matitiim na


titig.

“Opo Sir” sagot ni Micco na may pagtataka.

Mabilis na nilapitan ni Adrian si Micco at kiniliti sa


tagiliran. Malakas ang kiliti ni Micco sa gawing iyon at ang ginawa
ni Adrian ay sapat na para magwala siya at tumawa.

“Sir pa din ?” tanong ni Adrian habang kinikiliti si Micco.

“Ano naman ang itatawag ko sa‟yo?” pilit na sagot ni


Micco habang tumatawa.

“Kuya” sabi ni Adrian “o kaya Adrian na lang” tila


pamimilit niya kay Micco at tuloy pa din ang kiliti.

“Sige Kuya Adrian” sagot ni Micco habang tumatawa.

71
Emmanuel R. Caleon

“Good at tinigil na niya ang pagkiliti kay Micco na


ngayon ay naghahabol ng hininga.

“Malakas pala ang kiliti mo diyan” sabi ni Adrian.

Tango lang ang sinagot ni Micco.

“Sige lalabas na ako” paalam ni Adrian kay Micco


“ngayon alam ko na kahinaan mo.” pahabol pa nito bago lumabas
at nag-iwan kay Micco nang hindi maipaliwanag at
napakahiwagang ngiti.

72
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 10
Status: Single, It’s Complicated Pala

“Pare, aminin mo, may relasyon ba kayo ni Micco?”


tanong ni Jules.

“Oo nga pare, para kayong magsyota” gatong pa ni


Miguel.

“Hindi naman” sagot ni Adrian “bakit n‟yo naitanong?”

“Sobrang close kasi kayo sa isa‟t-isa” sabi ni Miguel.

“Akala ko kasi pare bakla ka” sabi ni Jules kasunod ang


isang ipit na tawa.

“Hindi pare, hinding-hindi” sagot ni Adrian “magkapatid


lang ang turingan namin nuon.”

Ito ang nasa isipan ni Adrian habang nagmamaneho


pauwi sa bahay, kagagaling lang niya sa birthday party ni Jules na
kabarkada niya. Naging isang malaking palaisipan sa kanya kung
ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Micco.

“Hinatinggabi ka na kuya Adrian” bati ni Micco sa kanya


na halatang hinintay niya ito.

“Ang bait naman ni Micco, hinihintay ako” sabi ni Adrian


sabay himas sa ulo nito.

“Siyempre, para kunwari mag-asawa tayo” – bulong ni


Micco sa sarili. “Hindi kaya, inaaral ko kasi iyong ituturo ko sa
mga bata” sagot ni Micco.

“Bakit hindi ka mag-aral magbasa ng chords para hindi ka


na nahihirapan sa pakikinig at pagtatranslate niyan sa piano” tila
pag-aalala ni Adrian.

73
Emmanuel R. Caleon

“Huwag na, maguguluhan lang ako” sagot ni Micco


“nung inaral ko iyon dati lagi na akong nawawala sa tono” pahabol
pa ni Micco.

“Micco” tila pag-iiba ni Adrian ng usapan.

“Ano po iyon?” nakangiting wika ni Micco.

“May itatanong sana ako sa‟yo.” sabi ni Adrian.

“Ano nga iyon” pilit ni Micco.

“Ano sa tingin mo iyong sa tuwing makikita mo ang isang


tao bigla kang sumasaya? Ung sa bawat pagtatama ng paningin mo
eh humihinto ang mundo, tipong hindi mo maipaliwanag ang
nararamdaman mo?” tanong ni Adrian kay Micco.

“Ui” buyo ni Micco kay Adrian “si Kuya Adrian in-love.”


sabi pa nito.

“Seryoso, ano nga iyon” tanong nito kay Micco.

“Love nga iyon” giit ni Micco.

“Ibig sabihin love na pala kita” biglang nasabi ni Adrian.

“Love na din naman kita” biglang sagot ni Micco.

Kapwa nakaramdam ng hiya ang dalawa, subalit higit pa


sa hiya ay tumalon ang puso ni Micco sa nalamang mahal din siya
ni Adrian.

“Love na pala iyon kasi sa tuwing nakikita kita sumasaya


ako kasi may aasarin na naman ako, humihinto ang mundo ko kasi
nakakaisip ako ng bagong pang-asar at hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman ko kasi nakakakita ako ng lumalakad na careless
boy” palusot ni Adrian na may kabuntot pa na tawa.

“Stupid Adrian! Hindi ka nag-iisip” sabi ni Adrian sa


sarili.

“Sabi ko na nga ba pamumuwisit na naman iyan” sabi ni


Micco “buti na lang kunwari um-oo ako” palusot naman ni Micco.

74
“Tilapiang bilasa ni San Andres, bakit mo sinabi iyon
Micco” pangaral naman ni Micco sa sarili.

“Sige, matulog na tayo careless boy” aya ni Adrian kay


Micco.

“Sige na lalaking masama ang ugali, matulog na tayo”


ganti ni Micco.

-------------------------------------------------

“Micco? Nasaan ka Micco?” sigaw ni Adrian.

“Kuya Adrian!” bati ni Micco. Kasunod nito ang


pagtakbo ni Micco palayo sa kanya.

“Micco, hintayin mo ako” sigaw ni Adrian saka hinabol si


Micco.

Hindi inaasahan ni Adrian ang nakikita niya. Si Micco,


masaya, tumatawa, nakangiti habang yakap ito ng isang lalaki –
isang lalaking hindi na niya nakuha pang tingnan ang mukha.
Nakaramdam ng galit at poot si Adrian sa kung anuman ang
nakikita niya. Nagdilim ang paningin niya, nais niyang patayin ang
kung sinuman itong lalaking ito na may yakap sa Micco niya.
Mabilis niyang nilakad ang kinaroroonan ni Micco – ubod ng lakas
siyang sumigaw –

“Miccoo” mariin at punung-puno ng galit.

“Kuya Adrian” sabi ni Micco at nakangiting tumingin kay


Adrian.

Walang anu-ano ay hinatak niya si Micco – “Walang


ibang pwedeng yumakap kay Micco kung hindi ako” biglang
naibulalas ni Adrian. Pagkasabi nito ay kinaladkad niya si Micco
palayo at pagkahinto, walang pagdadalawang-isip ay –

Hinalikan ni Adrian si Micco, inangkin ang mga labi.


Muling nag-alab ang isang kumukubling damdamin kay Adrian.
Nakawala ang isang damdaming matagal nang nagtatago sa
kanyang kaibuturan. Ninanamnam niya ang bawat sandaling
magkahinang ang kanilang mga labi ni Micco. Masayang-masaya
ang pakiramdam niya habang ang kanyang mga labi ay nakalapat
sa malambot at mapupulang labi ni Micco.
75
Emmanuel R. Caleon

Nasa ganito silang sitwasyon ng biglang may humablot


kay Micco. Hinablot ng isang hindi kilalang lalaki at inilayo sa
kanya. Hinabol ni Adrian ang lalaki subalit hindi niya ito naabutan.

“Micccooo” sigaw ni Adrian.

--------------------------------------------------

Biglang napabangon si Adrian. Butil-butil ang pawis sa


noo, mabilis ang tibok ng puso at rumaragasa ang damdamin ng
kaba na nanunulay sa kanyang kaibuturan. Matapos ang panaginip
na iyon ay pinilit ulit na makatulog ni Adrian subalit ayaw siyang
patahimikin ng panaginip niya. Inabot na siya ng umaga at
pagsikat ng araw subalit iisa pa din ang laman ng diwa niya.

“Manang” bati niya sa mayordoma pagkababa.

“Magandang umaga po Sir Adrian” bati din naman ng


mayordoma sa kanya.

“May itatanong po sana ako” simula ni Adrian.

“Ano iyon?” tanong ng mayordoma.

“Ano po sa palagay ninyo kapag sa tuwing nakikita mo


ang isang tao ay bigla ka nalang nakakadama ng saya. Iyong tipong
kahit gaano ang pagod mo, agad na nawawala pag nakita mo na
itong tao na ito. Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata ninyo ay
humihinto ang mundo?” tanong ni Adrian.

“Ay naku Sir” sabi ng mayordoma “pag-ibig na iyan”


masayang sabi nito.

“Talaga?” tila ayaw tanggapin ni Adrian ang sagot na ito.

“May napanaginipan po ako, na may hinalikan daw ako


tas nung nakita kong iba ang kasama bigla akong nagalit, ano po
kaya ang ibig sabihin nun?” tanong ni Adrian.

“Naku, si Sir, umiibig nga kayo Sir” masaya na wika ng


mayordoma “sino po ba iyon sir?” usisa pa nito.

“Ah, wala iyon” tila hindi kuntento si Adrian sa sagot na


ito kung kayat ipinagtanong niya sa iba pa ding kakilala. Sa
76
opisina, sa mga empleyado at sa mga kaibigan. Lahat sila ay iisa
ang sagot.

Sa pagbabasa niya ng libro ay may umagaw sa atensyon


niya – isang artikulo tungkol sa mga panaginip. Naging interesado
siya at binasa ito. Nalaman niyang ang panaginip ayon kay Freud
at Jacques Lacan ay isang ekspresyon lang ng kung ano ang gusto
mong mangyari.

“This theory lied” sabi ni Adrian sa sarili “never kong


aasamin o papangarapin si Micco” giit niya sa utak at pilit na
isiniksik dito.

Ipinasya niyang umuwi ng maaga, sa loob ng subdivision


ay hindi niya inaasahan ang makikita. Nakasalubong niya si Micco
na naglalakad at may nakaakbay dito. Masaya silang naghaharutan
habang nasa daan na animo‟y nagsyotang naglalampungan sa gitna
ng kalye.

Agad na nag-alsa ang damdamin ni Adrian at nabuhay


ang isang damdamin na lalong nagpagulo sa kanyang
pinaniniwalaan. Nabuhay ang damdaming naramdaman niya sa
panaginip. Biglang sumikip ang dibdib ni Adrian sa nakikita. Hindi
niya matatagalan pa ang ganuong eksena. Agad niyang pinaharurot
ang kotse nang sa ganuon ay hindi niya ito makita pa sa ganuong
ayos.

“Saan ka galing?” matigas na tanong ni Adrian kay Micco


pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa pinto.

“Sinamahan lang po si Carl para bumili sa labas” sagot ni


Micco.

“Sino si Carl?” tanong ni Adrian.

“Bagong kaibigan po” sagot ni Micco sabay lapit at upo


sa tabi ni Adrian.

Kahit pinilit niyang pakalmahin ang sarili ay tila hindi


niya kaya, kaya naman minabuti niyang umakyat na sa kwarto.

“Adrian, bakit ganyan ang nararamdaman mo? Hindi


pwede ang ganyan.” sulsol ng utak niya.

77
Emmanuel R. Caleon

“Hindi ka bakla, hindi mo pwedeng mahalin si Micco,


pareho kayong lalaki.” kontra at pilit na pagpipigil niya sa tunay na
laman ng puso.

“Okay Adrian” mahina niyang usal “inhale – exhale”


ilang ulit din niyang ginawa ito para ipanatag ang sarili at
pakalmahin ang galit na nararamdaman niya.

“Magkapatid lang kayo ni Micco” tila pangungumbinsi


niya sa sarili. “Nothing more or any extraordinary feelings aside
from being brothers” pagpipilit niyang ito ang paniwalaan.

“Hindi pwedeng ibigin mo si Micco” sabi niya sa sarili


“at imposible iyon kasi pareho kayong lalaki.” usal ulit ni Adrian.

“Hindi ka bakla at hinding-hindi ka magiging bakla” saad


pa din ni Adrian.

“Masyado ka lang naging attached kay Micco kaya


ganuon” sabi ulit ni Adrian sa sarili.

“Hindi ka bakla” pilit ulit ni Adrian “ano na lang ang


sasabihin ng pamilya mo sa‟yo, ng barkada mo, hindi ka bakla
Adrian” pangungumbinsi parin ni Adrian sa sarili.

Nasa ganitong pag-iisip si Adrian nang marinig ang


takbuhan ng mga bata at ang mga masasayang tawanan nito, higit
pa ang marinig ang isang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.
Agad na lumabas si Adrian sa kwarto at agad na bumaba para
silipin kung sino ang may-ari ng tinig na ito.

Napuno nang hindi maipaliwanag na ekspresyon si


Adrian sa kung ano ang nakikita ng kanyang dalawang mga mata –
si Micco, masayang-masaya habang nakikipagharutan sa mga bata.
Higit pa, hawak si Micco ng lalaki at tipong pinipigilan sa
pagwawala habang kinikiliti at hinaharot ito ng mga bata. Hindi
maipaliwanag ni Adrian kung bakit biglang nag-alsa ang
damdamin niya at tila nais niyang sugurin ang dalawa dahil sa
nakikita. Sa pakiramdam niya ay umiinit ang kanyang mga kamao
na nakahanda para salubungan ng mabibigat na suntok ang
lalaking ito.

“Ako lang ang may karapatang humawak kay Micco” giit


ng kanyang isipan.

78
“Micco, bakit mo nagawa sa akin ang ganito” sabi ni
Adrian sa sarili. Sa ganitong isipin ay tila nais na niyang lumuha
dahil sa pakiramdam na nakikita niyang nagtataksil ang kanyang
minamahal. Maingat na inihakbang ni Adrian at mga paa at higit
pang nagdilim ang paningin niya. Desidido siyang sugurin ang
lalaki at lumpuhin dahil sa ginagawa nitong pang-aagaw kay
Micco.

“Adrian, hindi ka bakla” sulsol ng kabilang bahagi ng


kanyang isipan.

Sapat na ito para muling luminaw ang kaisipan ni Adrian


ngunit ganuon pa din ang kanyang nadarama sa nakikita. Ang
pagtutol na ito ng kabilang bahagi nang utak niya ay sapat na para
pigilin ang sarili sa planong sugurin ang lalaking may hawak at
yakap kay Micco. Ang pasugod na mga hakbang ay naging
patalikod at ang galit ay nahaluan na ng magulong damdamin.
Mabilis siyang umakyat paitaas at pabalik sa kanyang kwarto.

“Micco, bakit ba naguguluhan ako?” tanong ni Adrian sa


sarili.

“Kuya Adrian” tawag ni Micco kay Adrian nang


mapansin ito at nagmamadaling umakyat.

Narinig man ni Adrian ang tawag na ito ay tila bingi siya


at hindi na pinansin at nilingon man lang si Micco. Ayaw niyang
mabakas sa mukha niya ang kaguluhang nadarama niya ng mga
sandaling iyon.

Oo, hiwalay na sila ni Sarah at hindi niya masabi kung


bakit. Ngayon ay sigurado na siya, nakipaghiwalay siya sa dalaga
dahil sa damdaming kinutingting at hindi sinasadyang nabuksan ni
Micco. Si Micco ang dahilan kung bakit nawalan siya ng interes na
maghanap ng liligawan muli. Si Micco ang dahilan kung bakit agn
ligayang dala ni Micco sa kanya ay naging kakaiba kung
ihahambing sa iba. Si Micco ang salarin kung bakit nagiging
kumplikado ang lahat ng tungkol sa kanya at si Micco din ang
dahilan kung bakit siya ngayon ay nahihirapan. Higit pa, si Micco
ang damdaming kailangan niyang supilin at iwasan. Si Micco ang
damdaming dapat niyang layuan.

79
Emmanuel R. Caleon

Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 11
The Return of Monster Adrian

“Micco” bati ni Adrian kay Micco kinabukasan “kailan ba


matatapos ang pagtuturo mo sa mga bata?” tanong niya dito.

“May katagalan pa nang kaunti.” sagot naman ni Micco.

“Pwede mo bang bilisan ang pagtuturo sa mga bata?”


suhestiyon ni Adrian kay Micco.

“Bakit?” biglang tanong ni Micco. “Ayaw mo na ba


akong makasama” tanong ng isip ni Micco kay Adrian nang
maramdaman niyang sa tono ng pananalita nito ay para bang
pinapaalis na siya nito sa bahay nila. Biglang lumungkot ang mga
mata ni Micco sa ganitong isipin. Gayunpaman ay pinilit niyang
itago ito sa pamamagitan ng mga ngiti.

“Suggestion ko lang naman para makabalik ka na kaagad


sa ampunan.” maikling sagot ni Adrian.

“Si Kuya Adrian naman, parang pinapaalis na ako.” tila


may tampo sa himig ni Micco.

“Hindi, baka kasi gusto mo nang bumalik sa ampunan.”


kontra ni Adrian.

Nanatiling tahimik si Micco at walang imik. “Ayaw ko


pang bumalik sa ampunan, gusto pa kitang makasama.” sabi ni
Micco sa sarili.

“Aalis na ako, huwag na huwag kayong lalabas ng


bahay.” sabi ni Adrian kay Micco.

“Tito Adrian” biglang pigil ng mga bata.

“Bakit?” tanong ni Adrian.

80
“You promised us last night that we will go to Tagaytay.”
tampong sagot ni Nicole.

“Sorry my dear” sagot ni Adrian “may emergency lang


kasi sa opisina” pahabol ni Adrian.

“But you promised us” kontra naman ni James.

“Tomorrow” sagot ni Adrian “promise!” pangako ni


Adrian sa mga bata.

“Tito Adrian” sabi ni Margareth “you said it‟s today.”

“Kids” putol ni Micco sa usapan “hayaan na natin si Tito


Adrian n‟yo, nagpromise naman siya na bukas di ba?”

“Pero Tito Micco!” sabi ni Melissa.

“Sigurado namang bukas matutuloy na kayo” nakangiting


wika ni Micco sa mga bata.

“Sige na” paalam ni Adrian “aalis na ako, baka malate pa


ako.” paalam ni Adrian at tuluyan na nga itong umalis.

“Micco, bakit ba sa tuwing nakikita kita gumagaan ang


loob ko, bakit ba nawiwili akong masdan ang mga mata mo, ang
mga labi mo, ang ilong mo, lagi akong dinadalaw ng maamo mong
mukha sa mga panginip ko. Ang mga ngiti mong sapat na para
alisin ang pagod ko sa araw-araw. Micco, bakit sa dinami-dami ng
tao, ikaw lang ang may kayang gumawa sa akin nito.” sabi ni
Adrian sa sarili habang nagmamaneho papasok sa opisina.

“Micco, bakit ba sa pakiramdam ko, mahal na kita na


hindi. Parang ewan, at ayokong mahalin ka Micco, ayoko.” patuloy
pa din na iniisip ni Adrian si Micco.

“Hindi ako bakla, at hinding-hindi magiging bakla.” giit


ni Adrian sa sarili “Si Micco ang may kasalanan nito, kung bakit
ako naguguluhan ngayon, kung bakit nagulo ang buhay ko
ngayon.” patuloy pa din si Adrian at may halong paninisi na kay
Micco.

“Micco bakit ba dumating ka pa sa buhay ko?” saad ulit


ng isipan ni Adrian.

81
Emmanuel R. Caleon

Samantalang sa bahay na iniwan ni Adrian ay ganito ang


naging takbo ng usapan.

“Tito Micco” sabi ni Melissa “nakakainis naman si Tito


Adrian.” reklamo nito.

“Oo nga tito Micco” sang-ayon ni Eugene “nangako siya


kagabi, tas hindi niya tutupadin.” dugtong pa nito.

“Tama na iyan” saway ni Micco “baka importante lang


talaga iyon.” pagtatanggol ni Micco kay Adrian.

“Mas importante sa amin?” tanong ni Charles.

“Siyempre, hindi” sabi ni Micco “wala ng mas importante


sa Tito Adrian ninyo kung hindi kayo. Malay ninyo malaking
problema pala ang nangyari kaya kailangan niyang pumasok.”
pagtatanggol pa din ni Micco.

“Pero excited na kami, sana hindi na lang siya nangako.”


pangangatwiran ni Melissa.

“Alam ko na” sabi ni Micco “tayo na lang kaya ang


mamasyal?” suhestiyon ni Micco.

“Pero di ba sabi ni Tito Adrian huwag daw tayo lalabas?”


tila may pagtutol kay Margareth.

“Oo nga, baka mapagalitan tayo nuon.” sang-ayon ni


James.

“Huwag na lang natin sasabihin.” komento ni Melissa.

“Oo nga!” sang-ayon naman ni Eugene.

“Isikreto na lang natin.” pahabol pa ni Charles.

“Pero kinakabahan ako.” sabi ni Margareth.

“Ayaw mo bang mamasyal?” tanong ni Melissa kay


Margareth.

“Gusto!” dagling sagot ni Margareth.

“Ayon naman pala!” saad ni Nicole.


82
“Ano na?” sabi ni Eugene.

“Tito Micco, tara na.” aya ni Melissa kay Micco.

Naghanda na nga ang mga bata at si Micco. Nagpahatid


sila sa driver nila Adrian papuntang Zoo.

“Pasensya na kayo” simula ni Micco sa mga bata “ito lang


kasi ang alam kong pasyalan dito sa Maynila na pambata.”

“Ayos lang Tito Micco” sabi naman ni Nicole “buti ka


nga nadala mo kami dito.” may himig ng pagtatampo sa boses nito.

“Tampururot ka na naman.” sabi ni Micco “kaya ko nga


kayo dinala dito para magsaya tayo, saka siguradong matutuloy na
kayo bukas.” nakangiting saad ni Micco.

“Tara na sa loob.” aya sa kanila ni Melissa.

Pakanta-kanta pa sila habang lumalakad sa loob ng zoo,


takbo dito, takbo duon. Si Micco naman ay ang dakilang taga-
habol ng mga bata. Animo ay mga batang paslit na matagal na
hindi nakalabas ng bahay. Maghapon silang ganuon, hindi nila
namalayan ang oras, kahit ang magutom ay hindi nila
naramdaman.

“Mga bata” awat ni Micco sa mga ito “umuwi na tayo,


alas-kwatro na ng hapon.” Aya niya dito.

“Ayaw pa namin” halos sabay-sabay nilang kontra.

“Pag dumating ang tito Adrian ninyo at wala pa tayo sa


bahay ay tiyak na magagalit sa atin iyon.” paalala ni Micco sa mga
bata.

“Pero” putol ni James.

“Oo nga James, mapapagalitan tayo, lalo na si Tito


Micco.” sabi ni Melissa.

Nagpaalam na ang mga bata sa mga bagong kalaro na


nakilala nila. Agad din naman silang lumabas ng Zoo at sumakay
na sa kotse para umuwi.

83
Emmanuel R. Caleon

Samantalang inabot ng hanggang hapon si Adrian bago


makauwi. Pinilit niyang makauwi sana ng maaga upang kahit
paano ay maipasyal niya ang mga bata sa kahit saan na pwede
pang puntahan nila. Laking gulat niya nang wala ni isang bata man
lang ang sumalubong sa kanya.

“Manang, nasaan po ang mga bata?” tanong niya agad sa


mayordoma nila.

“Ah, eh, ano po kasi Sir.” pautal-utal itong nagsalita.


Bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

“Nasaan po kako ang mga bata?” mahinahong ulit niya sa


tanong.

“Ano po kasi Sir Adrian” tila putol na sagot ng


mayordoma.

Tila nainis si Adrian dahil alam niyang may itinatago ang


babae sa kanya – “Nasaan po ang mga bata?” mariin na niyang
tanong.

“Do, a deer, a female deer


Re, a drop of golden sun
Me, a name, I called myself
Fa, a long long way to run
So, a needle pulling train”

Agad niyang narinig ang mga batang nagkakantahan na


kita ang kasiyahan. Tulad ng mayordoma at nakita agad sa mga ito
ang pagkabigla nang makita siya.

“Sige po Sir Adrian.” paalam ng mayordoma kay Adrian.

“Good Evening Tito Adrian.” bati ni Margareth na


halatang kinakabahan.

“Saan kayo galing?” tanong ni Adrian kay Margareth.

“Sa kabilang bahay po.” sabi ni James.

“Kila Kuya Carl po.” sagot naman ni Nicole.

“Sa labas lang po kami.” sagot naman Charles.

84
Sabay-sabay at iba-ibang sagot ng mga bata sa
katanungan ni Adrian. Biglang napakunot ang noo ni Adrian at sa
isang matigas na tinig at sarkastikong tono ay hinarap niya si
Micco na kita ang panginginig sa takot.

“Saan kayo galing ng mga bata?” madiing tanong ni


Adrian kay Micco.

“Kila kuya Carl nga po.” sagot ni Melissa.

“Shut up Melissa” sabi niya sa pamangkin “hindi ikaw


ang kausap ko.” sabay tapon ng titig kay Melissa.

“Sa” simula ni Micco na paputol-putol at pilit na


pinalalakas ang loob “zoo po Kuya.”

“Hindi ba sabi ko huwag kayong lalabas?” singhal niya


kay Micco. “Napakatigas naman pala ng kukote mo. Nakakaintindi
ka ba?” sigaw pa ni Adrian kay Micco.

Nanatiling tahimik si Micco at tanggap na lang ng


tanggap sa kung anuman ang sabihin ni Adrian. Inaya naman ni
Melissa ang mga kapatid at pinsan para umakyat sa taas dahil tulad
niya ay nakaramdam ito ng takot na bumakas sa kanilang mga
murang mukha.

“Gaano ka ba katanga para hindi mo maunawaan iyon?”


sabi pa ni Adrian “paano kung may mangyaring masama sa mga
bata?” sabi ni Adrian “Ha, sige nga, paano?!” bulyaw pa ni Adrian
kay Micco.

“Sorry po Kuya Adrian.” mangiyak-ngiyak na turan ni


Micco.

“Huwag mo akong tatawaging kuya, dahil nandidiri ako.


Wala akong kapatid na tanga at bobo na kagaya mo.” wika ni
Adrian sabay duro sa ulo ni Micco.

“Pati pagsisinungaling itinuro mo sa mga bata?” paninisi


ni Adrian “ano pa bang masamang ugali ang tinuro mo sa kanila?”
tanong pa nito.

“Magsalita ka!” galit na anas ni Adrian.

85
Emmanuel R. Caleon

Pahikbi-hikbi pa at ang mga pigil na luha ay unti-unti


nang umagos mula sa mga mata ni Micco.

“Tito, kami po ang pumilit kay Tito Micco para


mamasyal.” singit ni Melissa pagkababa.

“I told you to shut up Melissa!” galit niyang saway kay


Melissa.

“Pati ba iyang ugali na iyan si Micco ang nagturo?”


tanong ni Adrian kay Melissa.

Natahimik si Melissa at mabilis na umakyat sa kwarto


niya.

“Sige” simula ni Micco at pinalakas niya ang loob para


makapagsalita “ako na ang may kasalanan. Oo Sir, sorry na po.”
sabi ni Micco.

“Tingin mo ba sapat na ang sorry?” tanong ni Adrian kay


Micco.

“Sige Sir, aalis na lang po ako dito para umayos na ang


lahat.” lakas loob na sinabi ni Adrian.

Nagulat si Adrian sa sinabi ni Micco. Hindi niya


inaasahan ang ganitong suhestiyon mula kay Micco. Biglang takot
ang naramdaman niya nang malamang iiwanan na siya si Micco.
Ngayon nga ay nararamdaman niya sa sariling damdaming tila
binuhusan ng malamig na tubig na sapat na para bumalik sa dati
ang tino ng kanyang pag-iisip. Pahakbang na siya para yakapin si
Micco ngunit – “Huwag Adrian, pagkakataon na para malayo
sa‟yo si Micco at pagkakataon na din para mawala ang
pagmamahal mo sa kanya.” saway ng kabilang bahagi ng kanyang
isipan.

“Sige, umalis kana, dapat nuon mo pa ginawa.” sabi ni


Adrian na may lumbay sa tinig nito.

Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Micco


papunta sa kwarto niya. agad na inimpake ang mga damit at iba
pang gamit niya. – “Napakasama mo Adrian, napakasama mo!”
sigaw ng damdamin ni Micco “bakit mo naatim na ganituhin ako?”
dugtong pa ng isipan niya.

86
Sandali lang siyang nag-impake, agad din naman siyang
bumaba at nakita niya Adrian na nakaupo sa sopa na tila hinihintay
ang pag-alis niya. Nakita din niya ang mga batang nakasilip at
takot na takot na nasa pinto ng kanilang mga silid. Nginitian lang
niya ang mga ito at mabilis na tinakbo ang hagdan at palabas ng
pinto.

“Micco, huwag mo akong iwan.” sigaw ng pilit na


pinuputol na damdamin ni Adrian. Ang pinipilit nyang pigilin ang
mga luhang papatak na mula sa kanyang mga mata.

“Hindi ka bakla Adrian – hayaan mo nang umalis ang


lalaking may kasalanan kung bakit ka naguguluhan.” saway naman
ng kabilang bahagi ng utak niya.

“Aalis na ako” paalam ni Micco kay Adrian at mabilis na


lumabas ng pinto.

“Tito Micco” sigaw ng mga bata sabay habol kay Micco.

“Pabayaan na ninyo iyan.” saway ni Adrian sa mga bata.

Isang ngiti at kaway ng kamay na lang ang ginawa ni


Micco at mabilis na niyang nilisan ang lugar na iyon. Ang bahay
na kung saan ay naranasan niyang magmahal nang lihim. Isang
tunay na pagmamahal na kanyang tinatago hanggang ngayon at
kailangan na siyang patayin dahil alam niyang sa simula‟t sapul ay
wala ng pag-asa.

“Bobo, tanga” sisi ni Micco sa sarili “bakit kay Adrian ka


pa tumibok. Sa isang halimaw ka pa umibig at nagmahal.” laman
ng isip niya habang nasa biyahe papuntang Fortitude.

Ilang oras pa at nasa harap na siya ng ampunan, umaasa


ang puso niyang anduon si Adrian para pigilin ang gagawin niyang
pagbabalik sa Fortitude, na hihingi ito nang tawad at susuyuin
siyang bumalik sa Maynila kagaya nung una silang mag-away.
Hindi siya mapakali sa labas ng Fortitude at hinihintay ang
pagdating ni Adrian, iniisip kung paano magpapaliwanag sa
superyora at nang marami pang bagay. Hindi nga naglaon at
pinagpasyahan niyang pumasok na sa loob at ang pag-asang
susundan siya ni Adrian ay unti-unti na niyang kinalimutan.

Madami mang naging tanong sa kanya ay naging maagap


naman ang mga dahilan niya. Kalahati sa mga sagot niya ay totoo
87
Emmanuel R. Caleon

at ang iba ay gawa na lang niyang dahilan. Pinilit niyang maging


masaya at pinili niyang maging masaya sa pagbabalik sa ampunan.
Mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano haharapin ang isang
problemang dapat sa simula pa lang ay sinolusyunan na niya ng
tama – iyon ay ang pagsasabi ng totoo sa pamilya niya nang
nangyari sa kanyang kamalasan.

88
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 12
Sorry Micco

Isang linggo at mahigit na din mula nang maghiwalay


sina Micco at Adrian. Isang linggo at mahigit na ding pilit
kinakalimutan ni Micco si Adrian at ang pag-ibig niya dito at isang
linggo at mahigit na din mula ng simulan niyang unti-unting
tanggapin na walang mangyayari sa pagmamahal niya kay Adrian
o kung anumang damdamin ang nabuo sa puso niya sa loob ng
maikling panahon.

“Liz” simula ni Micco nang usapan “tulungan mo naman


ako.”

“Paano?” seryosong sagot ni Liz.

“Wala!” sagot ni Micco “kalimutan mo na lang iyon.”


saad pa ni Micco kasunod ang isang matipid na ngiti.

Naguguluhan man ay sinuklian ni Liz si Micco nang ngiti


din.

“Micco” sabi ng superyora “may bisita ka.”

“Ako?” tila hindi makapaniwala si Micco na


magkakaroon siya ng bisita, higit pa ay nakaramdam siya ng kaba
dahil baka ang mga magulang niya iyon at sinabi ni Adrian sa mga
ito ang nangyari sa kanya at ang mga pagsisinungaling niya.

“Tito Micco” sabay-sabay na bati sa kanya ng mga bata.


Ang mga batang napamahal na sa kanya, ang mga batang
pamangkin nang lalaking magaspang ang ugali na nagpatibok sa
puso niya.

“Anong ginagawa ninyo dito?” gulat na tanong ni Micco


at tila nakaramdam ng ligaya sa pag-asang anduon din si Adrian.

“Tito Micco bumalik ka na sa bahay.” sabi ni Melissa.

89
Emmanuel R. Caleon

“Oo nga Tito Micco, malungkot na sa bahay nung nawala


ka.” sabi naman ni Nicole.

“Please Tito Micco, bumalik ka na sa bahay.” pamimilit


ni Margareth.

“Ang Tito Adrian ninyo?” tila tanong ni Micco sa mga


bata.

“Nag-out-of-town po” sagot ni James “kaaalis lang po


kanina at sa isang linggo pa ang uwi kaya po sige na sumama ka na
sa bahay.”

Nakaramdam ng lungkot ang puso ni Micco dahil bigo


siya sa pag-asang magkikita sila ni Adrian at ito na mismo ang
susundo sa kanya.

“Hindi talaga pwede.” sagot ni Micco.

“Aya” sabay-sabay na reaksyon ng mga bata.

“Pero dadalawin ko kayo paminsan-minsan pag wala ang


Tito Adrian ninyo.” tila pampalubag-loob na suhestiyon ni Micco.

“Pero Tito Micco.” sabi ni Melissa.

“Wala nang pero-pero, baka magalit ang Tito Adrian


ninyo sa inyo pagnakita niya ako sa bahay.” sabi ni Micco “Gusto
ba ninyong mapagalitan ng Tito Adrian ninyo?”

“Ayaw po.” malungkot na sagot ng mga bata.

“Ayun naman pala eh!” nakangiting wika ni Micco


“dadalaw na lang ako pagwala ang Tito Adrian ninyo sa bahay.”

“Pero Tito Micco, pwede po bang dito na kami matulog?”


tanong naman ni Nicole.

“Naku, kinakabahan ako.” may pagtutol sa sagot ni


Micco.

“Sige na Tito Micco.” pangungulit ni Matthew.

“Sige na naman Micco.” biglang sabat ng mayordoma


nila Adrian mula sa likuran.
90
“Kasama pala kayo manang!” gulat na wika ni Micco.

“Mga bata kasi, naging malulungkutin nang mawala ka sa


bahay” kwento ng mayordoma “kaya ngayong wala ang Tito
Adrian nila nagpapasama na pumunta dito.”

“Naku” sabi ni Micco “tanong po ninyo kay Sis.


Meding.” sagot ni Micco.

“Naku Micco, bago pa man sila makapunta dito ay


nagpaalam na sila na dito sila matutulog.” agad na sagot ng
mayordoma.

“Planado na pala ang lahat” nakangiting wika ni Micco


“sige na, mainam ito ng makilala ninyo ang mga bata dito sa
Fortitude.”

“Yehey!” sabay na reaksyon mula sa mga bata.

Sama-sama nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing dala


ng mga pamangkin ni Adrian. Matapos kumain ay nagturo sina
Micco at Liz sa mga bata at saka nakipaglaro sa mga ito. Bakas na
bakas sa mga bata sa ampunan ang kasiyahan maging sa mga
pamangkin ni Adrian na tuwang-tuwa sa mga bagong kaibigan.
Higit na masaya sa kanila ay si Matthew – si Matthew na dating
galing ng Fortitude at inampon ni Adrian nang makita nitong bibo
ngunit tila may lungkot sa mga mata nito.

“I‟m Melissa” pakilala ni Melissa sa isang bata na


nakaupo lang sa isang tabi at ngingiti-ngiti.

“I‟m Cherry” sagot naman nito na tila nahihiya.

“Bakit ka nahihiya?” tanong naman ni Melissa.

Nanatiling tahimik lang si Cherry. Walang imik na tila ba


may dinadala. Napaluha na lang ito nang bigla.

“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Melissa.

“Namimiss ko kasi nanay at tatay ko.” saad ni Cherry.

“Bakit, ano ba ang nagyari sa kanila?” tanong ni Melissa.

91
Emmanuel R. Caleon

“Naaksidente kasi sila, namatay, iniwan nila ako.” sagot


naman ni Cherry. “Dati ang saya-saya namin, si nanay
ipinaghahanda ako sa umaga, si tatay naman lagi akong
kinakarga.” kwento ni Cherry.

“Mahal na mahal nila ako, lagi nilang pinaparamdam sa


akin iyon. Pero ngayon” tila biting pagpapatuloy ni Cherry sa
kwento niya kasunod ang mga hikbi “pero ngayon, wala na sila,
hanggang alaala na lang ako. Wala nang magmamahal sa akin ng
tulad ng sa kanila.”

Niyakap na lang ni Melissa si Cherry at tila inaamo-amo.


Naalala din niya ang mga magulang bago maganap ang karumal-
dumal na aksidenteng iyon. Mahal na mahal din siya ng mga ito,
inaalagaan at laging inaasikaso. Naisip niyang pareho sila ni
Cherry, iyon nga lang, siya ay may Tito Adrian na kumalinga sa
kanya samantalang si Cherry ay sa ampunan na hindi naman niya
kaanu-ano. Maswerte siya dahil alam niyang may lolo at lola pa
siyang nag-aalaga sa kanya, may Tito Adrian na naging tatay na
niya, pero si Cherry, naghihintay sa walang kasiguraduhan.
Naalala niya si Matthew na nasa parehong sitwasyon ni Cherry,
naghihintay sa wala bago sila dumating. Agad na nakaramdam
nang pagsisisi si Melissa sa naging trato niya dito, sa
pagmamaldita, pagsusungit at pagsusuplada niya kay Matthew.
Ngayon ay mas natuto siyang pahalagahan na maswerte siya kaysa
sa iba na nawalan ng mga magulang. Natutunan niyang
ipagpasalamat dahil may kamag-anak pa siyang minamahal siya.

“Cherry” bati ni Matthew pagkalapit niya sa dalawa.

“Matthew” nakangiting bati naman ni Cherry “akala ko


hindi mo na ako naaalala.”

“Pwede ba naman iyon, ikaw kaya ang bestfriend ko.”


sagot ni Matthew.

“I‟m sorry Matthew.” sabi ni Melissa sabay yakap sa


ampon nilang si Matthew.

“Bakit Ate Melissa?” nagtatakang tanong ni Matthew.

“I‟m sorry, kasi hindi naging maganda ang trato ko sa


iyo.” sagot ni Melissa.

“Wala iyon Ate Melissa.” sabi ni Matthew.


92
“Basta sorry.” giit ni Melissa.

“Si Ate Melissa naman, pinapaiyak ako.” sagot ni


Matthew.

Kumalas sa pagkakayakap si Melissa at pinahiran ang


mga luhang tutulo mula sa mga mata ni Matthew.

“Nga pala Ate Melissa, nagkakilala na pala kayo ni


Cherry.” pag-iiba ni Matthew sa usapan.

“Salamat kay Cherry at nakita ko ang pagkakamali ko sa


iyo.” sabi ni Melissa.

“Si Ate Melissa naman” saad ni Matthew “Si Cherry po


ang bestfriend ko dito. Ang nanay po niya ang dating nag-aalaga sa
amin. Lagi ko po din siyang kalaro.” sabi ni Matthew.

“Ganuon ba.” wika ni Melissa. “Sige maglaro na kayo.”


sabi ni Melissa sabay alis at lapit sa iba pang mga bata,

Nilapitan naman ni Micco sina Matthew at Cherry.

“Matthew, kamusta ka naman, ang trato nila sa‟yo?”


tanong ni Micco.

“Mabait po sila sa akin, parang kadugo nga po ang turing


nila sa akin.” sagot ni Matthew.

“Buti naman” sagot ni Micco. “Pasensiya ka na, kasi


hindi ko natupad ang pangako ko sa‟yo na aampunin kita.” sabi ni
Micco.

“Kuya Micco talaga, wala iyon.” sagot ni Matthew.

Isang ngiti lang ang sinukli ni Micco dito. Sa katotohanan


ay gusto nilang ampunin si Matthew, iyon nga lang ay mas gusto
talaga ni Micco sa siya ang gagastos para kay Matthew at hindi na
ipapaintindi pa sa mga magulang kung kayat hindi natuloy ang
pag-aampon nila dito.

“Nakilala ko na din si Cherry” nakangiting wika ni Micco


“iyong madalas mong ikwento sa akin dati.”

93
Emmanuel R. Caleon

“Kuya Micco” sabi ni Matthew na agad na namula ang


mga pisngi.

“Huwag kang mag-alala, wala akong kinukwento kay


Cherry.” wika ni Micco.

“Di ba Cherry?” sabay lingon kay Cherry na agad namang


namula.

“Nandiyan pala kayo” bati naman ni Liz buhat sa likuran.

“Ayiee” sabay na tukso nang dalawang bata nang


makalapit na si Liz.

“Ayiee kayo diyan.” sabi ni Liz na agad na namula ang


pisngi.

“Di ba ate Liz sabi mo crush mo si Kuya Micco.” sabi ni


Matthew.

“Hindi, wala akong sinabing ganuon.” tutol at depensa ni


Liz sa sarili.

“Sabi mo pa nga namimiss mo na si Kuya Micco.” sabi


naman ni Cherry.

“Kayo talagang mga bata kayo.” sabi ni Liz.

“Naku Micco, huwag kang maniwala sa mga iyan.” sabi


ni Liz.

Bumakas naman ang ngiti sa mukha ni Micco sa nalaman


niyang ito. “Aba Liz, pinagpapantasyahan mo pa pala ako.” saad
nang utak ni Micco.

“Naku Micco, wag kang maniwala sa mga ito.” sabi ni


Liz.

“Mga pilyo lang talaga iyan.” sabi ni Micco kasunod ang


isang makahulugan at mapang-akit na ngiti.

---------------------------------------------------

94
Isang linggo na ang nakalilipas buhat ng magkahiwalay
sina Micco at Adrian. Isang linggo na ding pilit kinakalimutan ni
Adrian si Micco at

“Pare” sabi ni Alex kay Adrian “bakit ba halos isang


linggo ka nang badtrip?”

“Badtrip? Sino? Ako?” tila paglilinaw ni Adrian sa


kaibigan.

“Oo” sagot ni Alex “bakit may iba pa ba akong kausap?”


tanong pa nito.

“Hindi ako badtrip.” sagot ni Adrian “stress lang sa


trabaho.” sagot pa nito.

“Kamusta na nga pala kayo ni Micco?” tanong ni Alex.

“Ayun, pinabalik ko na sa ampunan.” sagot ni Adrian


“Saka bakit ba naisali mo sa usapan iyon?”

“Kaya pala lagi kang bad mood.” sabi ni Alex na tila alam
na niya ang sagot sa sariling katanungan.

“Ano naman ang koneksyon nang pagkawala ni Micco sa


pagiging bad mood ko?” tanong ni Adrian kay Alex.

“Alam mo pare” simula ni Alex “sa simula pa lang na


makilala ko si Micco at makita ko ang reaksyon mo nung kasama
ko siya sa inyo naramdaman ko nang papausbong na ang
pagmamahal mo para sa kanya.”

“Di nga?” tila pambabara ni Adrian kay Alex.

“Kita ko din kung paano ka nagbago, working attitudes


mo, pakikisama mo sa mga empleyado mo, mga tawa mo pag
magkakasama tayo, buong barkada napansin kung paano ka
nagbago. Kung paano ka nagbago simula nang dumating si
Micco.” sabi ni Alex.

“Pare” sagot ni Adrian “hinding-hindi ako iibig sa isang


kagaya ni Micco.” sabi pa ni Adrian.

“Bakit? Dahil pareho kayong lalaki?” tanong ni Alex kay


Adrian.
95
Emmanuel R. Caleon

Nanatiling tahimik lang si Adrian at walang sagot sa


huling tanong na ito ni Alex.

“Bakit natahimik ka?” tanong ni Alex “Dahil totoo iyong


sinabi ko di ba?”

“Bakit naman kasi sa dinami-dami nang tao diyan, sa


isang tulad pa niya titibok ang puso ko, sa isang kapwa ko pa
lalaki.” simula ni Adrian. “Ano na lang ang sasabihin sa aking nila
mama at papa? Nang mga pamangkin ko? Nang mga kamag-anak
natin? Nang mga kaibigan ko?” tila pagtatanong pa ni Adrian.

“Ano ba ang mas mahalaga para sa iyo? Kaligayahan ng


puso mo at pagkabuo ng buong pagkatao mo o ang sasabihin ng
ibang tao?” isang makahulugang tanong ni Alex sa pinsan niyang
si Adrian. “Ang puso mo lang ang nakakaalam kung kanino ito
titibok at tanging ang utak mo lang ang nagdidikta kung
tatanggapin mo ba ito.” sabi pa ni Alex.

“Bakit ka maduduwag na ipaglaban ang tunay na laman


ng puso mo sa isang kapaligirang puno nang kasalanan at sa isang
lipunang nabubulok na? Habang nilalabanan mo ang tunay na
laman niyan, lalo ka lang masasaktan, lalo ka lang mahihirapan.
Habang pinapatay mo iyan, para mo ding pinapatay ang
kaligayahan mo, ang tunay mong kaligayahan. Ipinagkait mo sa
sarili mo ang makalasap nang tunay na ligaya.” tila sermon ni Alex
kay Adrian.

“Madaling magsalita pare dahil wala ka sa kalagayan ko.”


sabi naman ni Adrian.

“Kaya nga ako nakakapagsalita nang ganito dahil


pinagdaanan ko na din iyang sitwasyon mo.” sagot ni Alex.

“Anong ibig mong sabihin?” nahihiwagaang tanong ni


Adrian.

“Panahon na para malaman mong kagaya mo ako.” sabi ni


Alex. “Nang hinayaan kong kumawala ang tunay na laman nang
puso ko at natutunan ko siyang ipaglaban, kakaibang saya ang
nadarama ko. Ang bawat umaga ko ay siya lang ang dahilan. Ang
bawat pagpintig nitong puso ko ay dahil sa kanya.”

“Pero” pagtutol pa ni Adrian.


96
“Bago mahuli ang lahat, dapat matutunan mo nang
tanggapin kung sino ka. Dahil baka pagnagtagal, huli na ang lahat
at mas malaking pagsisisi ang mangyari sa iyo.” mabilis na pag-
awat ni Alex sa sasabihin pa ng pinsan.

“Salamat pare” tanging nasambit ni Adrian. Hanggang


ngayon ay patuloy niyang pinag-iisipan ang sinabing iyon nang
pinsan. Ayaw siyang patulugin at hangggang sa mga oras na iyon
ay iisa pa din ang laman nang kanyang isipan at ito ay si Micco.
Tama nga ang pinsan niya, bakit siya magpapatali na lang habang
buhay sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao, ang ibang tao akala
mo kung sinong malinis ngunit mas madumi pa pala sa inaasahan.
Bakit siya magpapakaduwag sa kung ano ang pilit na isinisigaw sa
kanya ng lipunan at bakit siya magpapadala sa agos kung kaya
naman niyang labanan ito at lumangoy para iligtas ang sarili sa
pagkalunod. Bakit niya hahayaang mawala ang isang pagmamahal
na susi sa kanyang habang-buhay na kaligayahan.

Kahit kararating lang nang Baguio ay desidido na siyang


bumalik nang Maynila at nang San Carlos para muling bawiin ang
isang pagmamahal na pilit niyang itinaboy. Wala siyang pakialam
sa kung kahit limang oras man ang biyahe niya sa mas mahalaga
na mabawi niya si Micco, kulungin ito sa kanyang mga braso at sa
unang pagkakataon ay ihayag dito ang laman nang kanyang puso.

“Pare mag-iingat ka” paalam ni Alex kay Adrian.

“Oo pare” sagot ni Adrian “salamat.”

---------------------------------------------------

“Buti naman at napatulog na natin ang mga bata.”


komento ni Liz kadugtong ang isang buntong-hininga.

“Ang kukulit ng mga bata ngayon. Mas makulit sa dati.”


sabi naman ni Micco na may pagsang-ayon sa sinabi ni Liz.

“Tara na” aya ni Liz kay Micco “matulog na din tayo.”


suhestiyon nito.

“Mabuti pa nga, inabot na din tayo ng ala-una.” sagot


naman ni Micco.

97
Emmanuel R. Caleon

“Ahh” pahabol ni Liz “may sasabihin sana ako.” dugtong


pa ng dalaga.

Sa katotohanan lang ay nanginginig si Liz nang mga oras


na iyon. Kinakabahan, kakaibang kaba ang nararamdaman niya. Sa
pakiramdam niya ay tila ba bibigay ang mga tuhod niya.
nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang binabalak at sabihin kay
Micco ang katotohanan o itatago na lang niya ito. Naguguluhan si
Liz, alam niyang hindi tama ang gagawain, ngunit tila ba iba ang
lakas ng loob niya ng mga oras na iyon kung kayat sa pakiramdam
niya ay may kakayahan siyang magsalita sa kung ano ang laman
ng kalooban niya.

“Ano iyon?” nakangiting tanong ni Micco.

Sa kabilang banda ay biglang naging mabilis ang pagtibok


ng puso ni Micco nang sabihin ni Liz na may sasabihin ito sa
kanya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman higit pa sa
nakikita niya mula kay Liz, ang seryosong aura nito, hindi siya
sanay sa ganitong mga usapan. Kahit na kinakabahan ay pilit pa
din niyang pinakalma ang sarili at kumilos nang normal.

“Mahal pa din kita Micco.” walang kaabog-abog na


pagtatapat ni Liz.

Nagulat si Micco, hindi niya alam kung papaano


sasagutin ang mga sinabing ito ni Liz.

“Alam ko hindi tama na ako pa ang magsabi sa iyo nito.


Pero wala namang masama kung malalaman mo di ba?” tila may
pagtatanong mula sa dalaga.

“Alam mo Liz, hindi na uso na laging lalaki lang ang


nagtatapat ng pagmamahal.” nakangiting wika ni Micco. “Pero – ”
biting wika ni Micco.

“Hindi naman ako humihingi nang sagot mula sa iyo. Ang


sa akin lang ay sana malaman mo na mula pa nang maghiwalay
tayo, naingatan ko pa din ang pagmamahal ko sa iyo.” sabi naman
ni Liz.

“Sorry ha,” paghingi nang tawad ni Micco “kasi parang


nakalimutan ka na nito.” sabay turo sa puso niya.

98
“Alam ko naman iyon.” wika ni Liz. “Gusto ko lang na
bago mahuli ang lahat ay masabi ko sa iyo ang mga bagay na ito.
Tipong wala akong tinatago mula sa‟yo. Sa mga oras na nag-uusap
tayo wala akong nililihim.” saad pa ni Liz.

“Kita mo ngayon, pakiramdam ko ang gaan nang


pakiramdam ko. Pakiramdam ko nabawasan nang mabigat na
dinadala ko. Kasi nasabi ko na sa iyo ang bagay na dapat kong
sabihin.” nakangiting pagpapatuloy ni Liz.

“Salamat sa pagmamahal mo.” pasasalamat ni Micco.


“Pero sa tingin ko, dapat ibaling mo na sa iba iyan. Turuan mo ang
puso mong kalimutan na ang pagmamahal mo sa akin, turuan mo
na ang puso mong magmahal nang iba. Hindi kita kayang alagaan
Liz, nasisigurado kong lagi ka lang iiyak at masasaktan sa akin.”
saad pa ni Micco.

“Slow ka ba talaga?” sabi ni Liz sabay ang batok kay


Micco.

“Bakit may kasama pang batok?” tanong ni Micco. “Alam


mo namang hindi ako sanay sa usapang ganito.” dugtong pa ni
Micco.

“Alam mo, sa tingin ko, turuan ko man ang puso kong


kalimutan ka o magmahal nang iba, hindi ko magagawa iyon kung
hindi ko masasabi ang tunay na laman nito ngayon. Dahil kung
nagawa kong lokohin ang puso ko, ang puso ko naman ay hindi
ako kayang lokohin dahil sa pangalan mo pa din ang nakatagong
sinisigaw nito.” sabi ulit ni Liz.

“May topak ka talaga, palibhasa kasi papasikat na ang


araw kaya nagtatransform ka na naman.” biro ni Micco.

“Loko ka talaga.” sabi ni Liz.

“Matulog ka na at magugulo na naman ang mundo mo


mamaya.” sabi ni Micco kasunod ang isang ngiti.

“Opo” sagot ni Liz “pero wala sanang magbago sa


pagkakaibigan natin.” pahabol pa ni Liz.

“Siyempre wala” mabilis na sagot ni Micco. “Baka ikaw


nga diyan ang magbago.” pahabol pa ni Micco.

99
Emmanuel R. Caleon

“Hinding-hindi.” sagot ni Liz sabay punta sa silid nito.

Dahil nga sa ampunan matutulog ang mga pamangkin ni


Adrian at ang mayordoma at driver nito ay napagdesiyunan niyang
maglatag na lamang sa sala at duon matulog. Dalawang oras na
ding tila ayaw dalawin ng antok si Micco. Papalit-palit na din siya
nang posisyon sa pagtulog subalit lagi at lagi siyang dinadapuan
nang pagkabalisa. Walang anu-ano‟y unti-unti nang bumibigay ang
kanyang mga mata at napapapikit na nang may biglang kumatok sa
pinto.

“Walanju naman” mahinang usal niya sabay bangon at


lapit sa pinto. “Bampira ba itong kumakatok na ito.”

“Micco” nakangiting bati nang hindi inaasahang


panauhin.

“Kamusta” bati din niya dito na pupungas-pungas pa at


tila wala sa katinuan. “Pasok ka muna Sir Adrian.” sabi pa niya.

“Sir Adrian” ulit niya na tila ba nakakita na nang multo.


Isang reaksyong sapat na para gisingin ang buong ampunan.

Hindi malaman ni Micco ang gagawin nang mga oras na


iyon. Nataranta siya at hindi matuwid-tuwid ang pagsasalita. Halos
magkandabuwal siya sa paglakad at nangangatog ang mga tuhod.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso at tila ayaw gumana nang
kanyang utak. Walang anu-ano‟y bigla na lamang siyang binawian
nang balanse at mapasubsob sa sahig.

“Anong nangyayari sa‟yo Micco?” tanong ni Adrian kay


Micco habang salu-salo niya ito.

Ang mukha ni Micco ay nasa malapad na dibdib ni


Adrian at habang ang isang kamay ni Adrian ay hawak at naka-
alalay sa likuran ni Micco. Ang isa namang kamay ni Adrian ay
nakahawak sa ulo ni Micco na tila lalong dinidiin ang ulo nito sa
kanyang dibdib. Unti-unting inangat ni Micco ang mga kamay
patungo sa balikat ni Adrian at dahan-dahang umayos nang
pagkakatayo. Ngayon nga ay ganap na nilang yakap ang isa‟t-isa,
ang kanilang mga mata ay nagtatama. Tila may milyong boltaheng
nanulay sa mga titig na iyon na nagpawala sa kanilang mga puso.

Nanginginig si Micco at ngayon nga ay dobleng kaba ang


nadarama niya. Hindi na niya magawang igapos pa ang
100
nagwawalang puso dahil sa nakita na niyang muli ang lalaking
inaasam-asam. Higit pa niyang ikinabaliw ang ayos nilang dalawa
ngayon, tila ba buong-buo ang pakiramdam niya.

Si Adrian naman ay masayang-masaya na muling


masilayan si Micco, higit pa ay mas masaya siya dahil magagawa
na niyang pakawalan ang nadarama niya para sa binata. May lakas
na siya nang loob para harapin ang katotohanan at ipagtapat ito sa
taong handa niyang paglaanan nang habang-buhay. Masayang-
masaya si Adrian dahil ngayon nga ay kayakap niya ang taong
magpapaligaya sa kanya at bubuo sa isang Adrian.

Unti-unti at dahan-dahang inilalapit ni Adrian ang


kanyang mukha sa mukha ni Micco. Kinakabahan man ay desidido
siyang angkinin muli ang mga labi nito. Sa kabilang banda ay tila
panaginip kay Micco ang nagaganap. Alam na niya ang binabalak
na gawin ni Adrian kaya naman ay ipinikit na lamang niya ang
mga mata at hayaang ipaubaya kay Adrian ang lahat.

“Micco” tawag kay Micco buhat sa di kalayuan.

“Sayang! Pagkakataon na binawi pa” saad ng isipan ni


Micco.

“Micco, gising” sabi ni Adrian nang muling manlupaypay


si Micco na tila nakatulog na.

“Bahala ka sa buhay mo, basta ako magkukunwaring


nahimatay para hindi ako mapagalitan.” wika ni Micco sa sarili.

Kinaumagahan.

Biglang nagising si Micco sa ingay nang mga bata. Agad


siyang napabangon na naging sanhi sa pagkakahulog niya sa sofa
na hinihigaan niya.

“Good Morning Tito Micco!” sabay-sabay na bati sa


kanya ng mga pamangkin ni Adrian, lahat ay nakangiti at nakaikot
sa kanya.

“Good Morning Micco!” wika naman ng isang pamilyar


na tinig.

101
Emmanuel R. Caleon

Laking gulat ni Micco nang makita kung sino ang may-ari


ng boses na iyon. Halos hindi siya makapagsalita at tila walang
lumalabas sa kanyang boses.

“Patay kang Micco ka!” sabi ni Micco sa sarili.

“Tara na, uwi na tayo!” sabi ni Adrian kay Micco.

“Ano daw? Uwi? Ako? Kasama?” sunod-sunod na tanong


ni Micco sa sarili naging dahilan para kumunot ang noo niya.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Adrian “Bilisan


mo at babalik na tayo ang Maynila.”

“Ha!?” naguguluhang wika ni Micco. “Hindi kasi


maabsorb nang utak ko eh, pakilinaw nga.” bulong ni Micco sa
sarili.

Tila narinig naman ito ni Adrian – “Sabi ko bilisan mo at


babalik na tayo sa Maynila, isasama ka ulit namin. Ikaw na ulit ang
music teacher ng mga bata.” masayang pagbabalita ni Adrian.
“Siyempre, may bago kang trabaho, ang maging boyfriend ko.”
pahabol naman nang isipan ni Adrian.

“Ayoko nga!” sagot ni Micco. “Pilitin mo ako Adrian,


papahirapan muna kita.” sabi ni Micco sa sarili.

“Usap muna tayo!” sabi ni Adrian sabay tayo. “Duon tayo


sa may labas.” aya pa niya kay Micco.

Pagkalabas.

“Magpapapilit ka pa ba?” simula ni Adrian. “Madali


naman akong kausap.” dugtong pa nito.

“Sir Adrian, hindi ba natatakot kang mahawa nang


katangahan ang mga pamangkin mo?” sarkastikong tanong ni
Micco. “Magsorry ka muna. Wahahaha.” buyo nang isipan ni
Micco.

“Sige, ganito na lang” sabi ni Adrian na tila gagawa nang


isang kasunduan “iiwan kita dito at didiretso ako nang San Tadeo
para ang mga magulang mo na ang sumundo sa‟yo dito o sasama
ka sa akin sa Maynila.” tila pangungundisyon ni Adrian.

102
Nanatiling tahimik si Micco sa sinabing iyon ni Adrian.
Napalunok na lang ng laway at nataranta sa nangyayari.

“Anong sagot mo?” tanong ni Adrian.

“Ah, eh, ano.” tila naguguluhang sagot ni Micco.

“Bilisan mo, baka magbago ang isip ko at dumiretso na


ako sa San Tadeo.” sabi ni Adrian kasunod ang isang mapang-asar
na ngiti.

“Sama na ako sa inyo!” agad na sagot ni Micco. “I-black-


mail ba ako? May araw ka ding Adrian ka.” sigaw nang damdamin
ni Micco.

Wala nang patumpik-tumpik pa at naghanda na sila para


lisanin ang Fortitude. Nakipaglaro muna ang mga pamangkin ni
Adrian sa mga bata sa Fortitude. Mahaba-habang paghahanda din
ang ginawa ni Micco, kaunting sermon muna sa mga madre at
kaunting paalala. Pagkatapos makaligo at makakain ng hapunan ay
diretso na sila pabalik nang Maynila. Sa harapan naupo si Micco at
nanatiling tahimik sa buong biyahe. Alas-diyes na ng gabi nang
marating nila ang bahay ni Adrian, agad namang kinausap nang
masinsinan ni Adrian si Micco.

“Micco” simula ni Adrian “I‟m so sorry.”

“Tama iyan, sige na luhod na, luhod.” sigaw nang


damdamin ni Micco na tila nakakalasap na ng tagumpay. Hindi
pinansin ni Micco ang mga sinabing iyon ni Adrian.

“Sorry din sa ginawa ko kaninang madaling araw. I can‟t


control myself.” pagpapaumanhin ulit ni Adrian.

Bigla na namang nagflashback kay Micco ang sinasabing


iyon ni Adrian. Tila ba nakaramdam siya nang hiya nang
masiguradong hindi iyon panaginip lang. “Patay kang Micco ka,
hindi, panaginip lang iyon.” sigaw nang isipan ni Micco.

“Ano iyon?” maang na tanong ni Micco para na din


makasigurado.

“Iyong kanina” tila nahihiya din si Adrian kay Micco.

“Ano nga iyon?” pilit ni Micco.


103
Emmanuel R. Caleon

“Iyong muntikan na kitang halikan.” sagot ni Adrian.

“Ayieee, nakakakilig, totoo pala iyon, akala ko panaginip


lang.” sigaw nang isipan ni Micco.

“I love you Micco” pag-iiba ni Adrian sa usapan.

“Hah!?” sabi ni Micco.

“I love you Micco” sabay kuha ni Adrian sa mga kamay


ni Micco at lumuhod ito pagkatapos ay binigyan nang isang halik
sa kamay.

“Nangtitrip ka na naman” sabi ni Micco bagamat nagulat


man ay mas lamang ang tuwang nadarama niya.

“Hindi ako nagbibiro” sabi ni Adrian na buong-buo ang


sincerity nito sa mukha. “I really mean it and I really feel it.”
dugtong pa ni Adrian.

Walang sagot mula kay Micco.

“Tara, sumama ka sa akin.” sabi ni Adrian sabay hatak


kay Micco.

Dagli silang sumakay nang kotse at agad itong


pinaharurot ni Adrian. Wala pang labing limang minuto ay nasa
loob na sila nang isang bar. Hindi maikakailang madalas duon si
Adrian dahil kilala siya nang mga empleyado at ng ilang customer.

Hinatak ni Adrian si Micco sa gitna nang dance floor.


Agad namang tumutok ang spotlight sa kanilang dalawa. Ang
mabibilis na awitin ay biglang napalitan ng mga lovesongs.
Nakaramdam man ng hiya ay mas lamang pa din ang ligayang
dulot nuon. May nag-abot kay Adrian nang microphone at –

“Ladies and gentlemen, I want you to meet the only


person that causes me so much happiness.” simula ni Adrian.

Napayuko na lang si Micco sa hiya. Pakiramdam niya ay


matutunaw siya sa kung anuman ang nagaganap. Ang mga tingin
nang tao sa paligid na anino‟y tinatalupan siya ng buhay.

104
“Ayaw niyang maniwalang seryoso ako sa kanya, so,
andito ako sa harap ninyong lahat para patunayang totoo ko siyang
mahal.” sabi ni Adrian sa lahat ng mga tao.

“Michael Ceasar Caleon delas Nieves, naniniwala ka na


bang seryoso ako?” sabi ni Adrian sabay luhod sa harapan ni
Micco.

“Ano ba Sir Adrian, nakakahiya” sabi ni Micco na pilit


itinatayo si Adrian. “Tumayo ka na nga diyan.”

“I love you Micco” wika ulit ni Adrian na tila hindi


narinig ang pakiusap ni Micco. “I won‟t last a day without you. I
really love you, more than my life, more than anything. I love you
and it won‟t end.” panunuyo ni Adrian.

“Bibigay na yan!” kantiyaw ng mga tao sa paligid.

“Sige na mahal na din kita basta tumayo ka na diyan.”


mabilis na sabi ni Micco.

“Ano nga ulit iyon?” tanong ni Adrian.

“Mahal na din kita.” sabi ni Micco kasunod ang isang


ngiti.

“Ano? Hindi ko marinig?” sabi ulit ni Adrian sabay tapat


ng microphone kay Micco.

“I love you too!” ulit ni Micco.

“Hindi ko kasi narinig, pakiulit nga.” pamimilit ni Adrian


kay Micco.

“Kung hindi mo narinig, wag na lang.” asar na sabi ni


Micco.

“Eto naman, siyempre narinig ko.” sabi ni Adrian sabay


tayo at yakap nang mahigpit kay Micco.

Dumagundong nang palakpakan sa buong bar na iyon.

“I love you Micco” bulong ni Adrian sa tenga ni Micco


habang yakap niya ito.

105
Emmanuel R. Caleon

“Ang swerte mo Micco kay Adrian.” sabi ng isang


lalaking lumapit sa kanila.

“Tama! Ngayon pa lang ginawa ni Adrian ang ganito sa


buong buhay niya.” sang-ayon nang isa.

Ngiti lang ang tanging sagot ni Micco sa mga ito.

“Congrats pare!” bati ng isa kay Adrian.

“Salamat mga pare sa pagtanggap pa din ninyo sa akin.”


pasasalamat naman ni Adrian.

“Wala iyon pare, makikitid lang ang utak nang hindi kayo
kayang tanggapin.” Wika nang isa na may kalakip na ngiti.

Ipinakilala ni Adrian si Micco sa mga kaibigan niya,


kaunting usapan at sa unang pagkakataon ay nakatikim ng alak si
Micco. Isang shot lang ang ginawa niya dahil hindi niya talaga
kaya, gayundin si Adrian na isang shot lang din ang ininom para
mas malasap niya ang kaligayahan na walang espiritu ng alak.
Hindi na nga nagtagal at bumalik na ang dalawa sa bahay nila
Adrian. Masaya ang dalawa dahil sa wakas ay alam nilang may
patutunguhan ang kung anumang damdaming mayroon sila. Alam
nilang may sumusuporta sa mga kagaya nila at patuloy na
tatanggap sa kanila. Higit pa, masaya sila dahil alam nilang
magsisimula sila nang bagong buhay sa piling ng isa‟t-isa.

106
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 13
Si Michelle at Si Pinsang Glenn sa Mall

“Tabi tayo?” suhestiyon ni Adrian pagkauwi nila galing


sa bar.

“Ayoko nga!” sabi ni Micco.

“Sige na.” pamimilit ni Adrian “Please!” kasunod ang


isang pilyong ngiti.

“Ayoko!” nakangiting wika ni Micco sabay sara sa pinto


ng kwarto niya.

Agad na hinabol ni Adrian ang paglolock ni Micco sa


pinto, kaya naman ay napasok din niya si Micco sa loob.
Pagkapasok ay agad na isinara at ini-lock ni Adrian ang pinto at
agad na sinunggaban si Micco.

“Kay arte ah!” wika ni Adrian kay Micco.

Ngiti lang ang tanging sagot ni Micco sa sinabing ito ni


Adrian.

Ngayon nga ay nakapatong na si Adrian kay Micco sa


ibabaw ng kama. Hawak ni Adrian ang dalawang kamay ni Micco
habang nakadagan siya sa katawan nito. Agad namang nagtama
ang kanilang mga paningin, muli ay gumapang ang milyong
boltahe ng kuryente sa kanilang katauhan at ang mga titig na iyon
ay waring may nanunulay na mumunting mga bagay na
nakakapagbigay sa kanila ng kakaibang kiliti. /walang anu-ano ay
magkahinang na ang kanilang mga labi.

Bagamat masasabing eksperto na si Adrian sa gawaing ito


ay tila ba iba ang pakiramdma niyang sa mga labi ni Micco niya ito
ginagawa. Ibang kaligayahan ang taglay niya na sa wakas ay hindi
na niya kailangan pang lokohin ang sarili para ikubli ang tunay na
laman nito. Alam niyang ang halik na ito ang makakapagsabi na
tunay niyang mahal ang taong ngayon ay nasa harapan niya.
107
Emmanuel R. Caleon

Kakaibang kasiyahan ang nadarama niya sapagkat sa pagkakatong


ito ay alam niyang nasa tamang labi na mga labi niya.

Si Micco na nakaranas na ng halik ay tila ba kakaiba ang


nadarama niya ng mga oras na iyon. Sa wari niya ay iyon na ang
pinakamasarap na nangyari sa buhay niya. Ang halik ni Adriuan na
sapat na para mawala siya sa katinuan. Ang malambot nitong labi
na ngayon nga ay inaangkin ang kanyang mga labi. Pakiramdam
niya ay buo na ang pagkatao niya, dumating na taong matagal na
niyang hinihintay. Ang isang kwneto ng pag-ibig na muntikan na
niyang kalimutan at itaboy palayo. Ang isang damdaming akala
niya ay walang pag-asa.

Ang mahinay na halik ay wari bang natututunan ang


bagong ritmo at hindi naglaon ay natutunan nilang maging
mapusok. Ang mga kamay ni Micco ay unti-unting nakawala sa
pagkakahawak ni Adrian at ngayon nga ay yapos na niya ang
katawan ng binata. Ilang minuto din sila sa ganuong posisyon nang
si Micco na ang unang bumitiw. Hihingal-hingal itong kumawala
sa isang halik na wari‟y wala nang katapusan.

“I‟m sorry.” paumanhin ni Adrian.

“Loko” sagot ni Micco “bakit ka nagsosorry?”

“Kasi napagod kita.” sagot ni Adrian.

“Enjoy nga eh!” pilyong sagot ni Micco na may pilyong


ngiti.

“Ah ganuon pala, ulitin natin.” sabi naman ni Adrian.

“Ayoko nga.” dagling sagot ni Micco. “Saka tumayo ka


nga, ang bigat mo kaya. Hindi ako makahinga” dugtong ni Micco.

Imbes na tumayo ay humilig lang sa pagkakahiga si


Adrian at ngayon nga ay yapos naman niya si Micco. Ramdam na
ramdam niya ang mainit na katawan ni Micco ang malambot
nitong mga palad at ang makinis nitong balat. Gayundin si Micco
na bagamat nakatalikod kay Adrian ay ramdam niya ang katawan
nito. Ang mainit nitong palad na nakahawak sa kamay niya na
yumayakap naman sa katawan niya. Ang braso nito kung saan ay
ito ang unan niya at ang mag mumunting halik na iginagawad nito
sa kanyang batok na sumasapat na para nagwala ang kanyang
puso.
108
Sandaling tumayo si Adrian, hinubad ang kanyang polo
shirt at pantalon. Naiwan namang nakatulala si Micco at
kinakabahan, kinakabahan sa kung ano ang maaring mangyari sa
kanila.

“Lintek naman” wika ni Micco sa sarili “kaya away kong


tumabi iyang gwapong mokong na iyan dito, macho pa pala.
Rereypin lang ako niyan.” bulong ni Micco sa sarili ngunit kahit na
ganuon ay nakaramdam ng kakaibang kilig si Micco lalo na‟t
iisipin ang posibleng mangyari.

“Hubad na!” wika ni Adrian na naging sanhi para maputol


ang pagpapantasya ni Micco.

“Hah?!” tanging sambit ni Micco.

“Sabing hubad na.” wika ni Adrian sabay lapit kay Micco


at ito na ang nag-alis ng damit ng binata.

Ngayon nga ay naka-sando shirt na lang si Micco at boxer


short na tipikal niyang ipinanloloob sa mga panlakad niyang damit.
Samantalang si Adrian ay topless at fit na boxer shorts at kita
naman ang katawan nitong parang nililok nang isang magaling na
iskultor. Ngayon nga ay doble na ang kaba ni Micco. Hindi pa siya
handa sa kung anuman ang iniisip niya nang mga oras na iyon.

“Tulog na tayo.” aya ni Adrian.

Tila nakahinga ng maluwag si Micco sa sinabing iyon ni


Adrian. “Tara” sagot niya. “Pangarap na naging bato pa.” sigaw
naman nang isipan ni Micco.

Naunang humiga si Adrian, pagkahiga naman ni Micco ay


agad itong niyakap ni Adrian. Tulad kanina ay inuunan ni Micco
ang bisig ni Adrian na nakayakap din naman sa kanya. Ang isang
kamay ni Micco ay nakapatong sa dibdid ni Adrian habang ang isa
ay pilit na inaabot ang mukha ng binata. Kakaibang proteksyon
ang nararamdaman ni Micco ng mga oras na iyon. Hindi
pagnanasa o pagpapantasya, isang pakiramdam na sa tingin niya ay
ligtas siya sa kung anuman mang bagay at protektado siya ng isang
taong may hawak sa puso niya.

“I love you Micco ko!” wika ni Adrian na may pahabol na


hindi maipaliwanag na ngiti.
109
Emmanuel R. Caleon

“I love you too Sir Adrian!” sagot ni Micco na nahihiya


sa bagong sitwasyon nila ngayon.

“I love you Micco ko!” ulit ni Adrian.

Ngiti lang ang ginawang sagot ni Micco.

“I love you ulit Micco ko!” ulit ni Adrian at kagaya nang


nauna ay ngiti lang ang ginawang sagot ni Micco.

“Nakakatampo naman!” sabi ni Adrian “napakamanhid


mo naman.”

“Hala! Ano ang ginawa ko Sir Adrian?” nagtatakang


tanong ni Micco.

“Kita mo na” sagot naman ni Adrian “di ba tayo na? Bakit


Sir ang tawag mo?”

“Sorry po Kuya Adrian!” sagot ni Micco.

“Ayoko din ng kuya” sabi naman ni Adrian “madami


kang tinatawag na Kuya.”

“Baby na lang?” tanong ni Micco kasunod ang isang


mahinang tawa “kaso hindi bagay, kay laki mo na para maging
baby.”

“Tapos ikaw ang daddy!” tila pagsang-ayon ni Adrian.

“Eew naman, mas damulag pa ang baby kaysa kay


daddy?” sabi ni Micco.

“Ayos lang iyon daddy!” sagot ni Adrian “all is fair in


love naman.”

“Anong connect?” sabi ni Micco “ikaw na lang ang


daddy!” tila pag-uutos na ni Micco kay Adrian.

“Ikaw ang bahala Micco ko.” sagot ni Adrian.

“Ayan, malinaw na” sabi ni Micco “I love you daddy


Adrian.”

110
“I love you too Micco ko.” sagot ni Adrian kasunod ang
isang ngiti sa noo ni Micco.

At hindi nga nagtagal ay nakatulog ang dalawa sa


ganuong ayos at posisyon nang mahimbing.

Kinaumagahan ay walang nakitang Adrian si Micco sa


tabi niya. Tanging note lang ang nakuha niya na nakadikit pa sa
noo niya.

“Walanju naman ang daddy Adrian ko.” sabi ni Micco na


imbes na makadami nang inis ay napangiti pa.

Micco ko, sarap na sarap ka kasi sa tulog mo kaya hindi


na kita ginising. I love you and I will miss you. I miss you na pala
kasi nasa office na ako ngayon habang binabasa mo ito. Breakfast
ka na saka wag magpapakagutom o magpapakapagod. Sarap mo
pa lang yakapin baby Micco.

Love lots your Daddy Adrian.

“Corny naman” wika ni Micco ngunit sa totoo lang ay


kinikilig siya sa ginawa ni Adrian.

Agad namang lumabas si Micco sa kwarto niya at


masayang binati ang mayordoma at iba pang katulong nila Adrian.

“Masaya ka ata ngayon Micco?” bati sa kanya ng


mayordoma.

“Si manang talaga, lagi naman po akong masaya.” sabi


naman ni Micco.

“Parang si Sir Adrian lang kanina.” komento naman ni


Connie na isa sa mga katulong nila Adrian.

“Talaga?!” tila lalong umaliwalas ang mukha ni Micco


“masaya din si dad – rian.” tila bumaba nang bahagya ang tono ni
Micco at nakaramdam ng kaba. – “Tilapiang bilasa ni San Andres,
muntikan na” sisi ni Micco sa sarili kasunod an gisang malalim na
buntong-hininga.

“Oo naman” sagot ni Connie.

111
Emmanuel R. Caleon

“Anung oras ba kayo umuwi kagabi?” tila tanong ng


mayordoma kay Micco. “Saka saan ba kayo galing?” kasunod pa
nito.

“Ipinakilala lang po ako sa mga kaibigan niya. Ala-una na


po ata nang makauwi kami.” nakangiting wika ni Micco.

“Kaya pala kagigising mo lang.” sabi nang mayordoma.

Huntahan lang ang ginawa nila habang kumakain siya at


kahit na nagtatrabaho sila sa loob ng bahay ay todo pa din ang
kwentuhan. Ang daming itinanong kay Micco, kung ano ang
nangyari sa kanya nung nasa ampunan siya at kung ano ang
nangyari nung gabi.

“Micco, nagriring ung cellphone mo” tawag sa kanya ng


mayordoma. Palibhasa ay may tiwala siya sa mga kasamahan sa
bahay kayat kung saan saan lang nakakalat ang mga gamit niya.

Nagulat siya sa pangalang nakarehistro. – “A Daddy


Adrian. Nagalaw pa pala ang cellphone ko bago umalis.” sabi ni
Micco sa sarili kasunod ang isang mahiwagang ngiti.

“Hello” sagot ni Micco saka siya lumabas na malayo sa


lahat.
“Good Morning Micco ko. Nagustuhan mo ba ang name
entry ko sa cellphone mo?” tanong ni Adrian kay Micco.
“Loko ka talaga. Mamaya mabasa nila dito iyon.” sabi ni
Micco.
“Ayaw mo nun? Alam na nilang pagmamay-ari na kita
kaya kahit yakapin kita o halikan sa harap nila ayos na.” sagot
naman ni Adrian.
“Ang daddy Adrian talaga.” malambing na wika ni
Micco.
“Pumunta ka dito sa office ko mamayang 5pm.” sabi ni
Adrian.
“Ha? Malay ko bang pumunta diyan.” sabi ni Micco.
“Pahatid ka kay Mang Teban pagkauwi ng mga bata.”
sabi ni Adrian.
“Hala!” kontra ni Micco.
“Basta pumunta ka.” tila utos ni Adrian kay Micco sabay
pindot sa end call.

“Lokong mokong iyon.” asar na wika ni Micco.

112
“I love you!” pahabol na text naman ni Adrian kay
Micco.
“Huwag ka nang magreply, inubos ko na ang load mo
kanina.” sunod na text ni Adrian.

Sinubukan ni Micco kung totoo ang sinabi ni Adrian at


totoo nga, wala na siyang load. “Hay, ang lokong iyon talaga.
Kung hindi ko lang talaga mahal magagalit ako.” wika ni Micco.

Pagkarating ng mga bata ay nagpahatid na siya kay Mang


Teban para puntahan sa opisina si Adrian. Nagpaalam na siya sa
mga bata at sa ibang tao sa bahay. Tahimik na tao lang si Micco
kaya naman walang usapang naganap sa pagitan nila ni Mang
Teban.

“Micco” masayang bati ni Adrian.

“Sir Adrian” bati naman ni Micco.

“Kamusta na ang baby ko?” tanong ni Adrian kay Micco.

Nagulat naman si Micco sa sinabing iyon ni Adrian. Higit


pa ay nahiya siya dahil lang sila ang nasa opisina nito. Anduon ang
sekretarya nito at dalawang lalaki ding sa tingin niya ay mga
empleyado din ni Adrian.

“Bakit ganyan ang reaksyon mo? Kinakahiya mo ba


ako?” tanong ni Adrian kay Micco.

“Adik ka ba? Ano ba ang tinira mo? Gulong o tsinelas?”


pabulong na tanong ni Micco.

“Nothing to worry Micco ko” sabi ni Adrian “alam nila


ang tungkol sa atin. Kasasabi ko nga lang bago ka dumating.”

“Oo nga naman” sagot ng isang lalaki na katulad ni


Adrian ay matipuno at gwapo din.

“Sige pare mauna na kami” sabi ng isa at lumabas na ang


dalawang lalaki.

“Michelle” tawag ni Adrian sa babae “this is Micco.”

“Micco” sabi naman ni Adrian kay Micco “this is


Michelle.”
113
Emmanuel R. Caleon

Nagngitian lang ang dalawa.

“Sa tingin mo kaya mong imake-over si Micco?” tanong


ni Adrian kay Michelle.

“Sir, mukhang mahirap po” sagot ni Michelle.

“Antipatikang babae „to, kala mo kung sinong maganda.


Ano gusto niyang palabasin? Pangit ako?” nagngingitngit sa galit
na wika ni Micco sa sarili.

“Kasi Sir gwapo na po si Sir Micco.” sabi pa nito.

“Iyon naman pala, lilinawin kasi sa susunod.” wika ulit ni


Micco sa sarili.

“Basta, ikaw na ang bahala sa kanya basta before 8:30


nandito na kayo.” sabi ni Adrian sa babae.

“Micco ko, siya na ang bahala sa‟yo.” sabi ni Adrian


sabay hawak sa kamay ni Micco. “Baka pag may nakita kang
gwapo lingunin mo pa, akin ka na Micco kaya huwag nang
ambisyunin ang iba.” dagdag pa nito na may pilyong mga ngiti.

“Sira” nakangiting wika ni Micco sabay batok kay


Adrian.

“Sweet naman nila.” tila buyo ni Michelle sa dalawa.

“Sige na Michelle, kay Mang Teban na kayo sumakay.”


sabi ni Adrian.

“Sige po Sir Adrian.” mapang-asar na paalam ni Micco


kay Adrian.

Pagkarating nila sa mall ay tila ba isang galing sa bundok


si Micco na tingin dito, at tingin dun. Ang reaksyuon niya ay
katulad sa kung ano ang naging reaksyon niya nang isama siya ni
Adrian sa isa ding mall. Tila isa siyang bata na aya kay Michelle sa
kung saan-saan.

“Kaya pala three hours ang ang binigay sa aking ni Sir


Adrian para ayusin ka. Daig mo pa pala ang bata.” wika ni
Michelle kay Micco.
114
“Pasensiya na taong-gubat ako.” sagot ni Micco.

“Naku, tara na.” aya ni Michelle kay Micco habang


nakatingin sa mga display na laruan. Hinatak pa niya si Micco para
lang naalis ang tila nakaglue na nitong paa sa sahig.

“Bakit ba nagmamadali ka?” tanong ni Micco.

“Mamaya ka na tumingin-tingin Sir Micco.” sabi ni


Michelle.

“Aba!” sabi ni Micco “dahil sa sinabi mo kukulitin kita.”


nakangiting saad ni Micco.

“Huwag naman Sir Micco baka makagalitan ako ni Sir


Adrian.” dagling sagot ni Michelle.

“Basta huwag mo akong tatawaging Sir Micco para


sumunod ako sa‟yo.” Saad ni Micco.

“Iyon lang pala.” tila nakahinga nang maluwag si


Michelle sa sinabing iyon ni Micco.

Apat na fashion boutique ang pinagdalan ni Michelle kay


Micco at sa lahat na iyon ay may binili para sa kanya. Kahit na
anung tanggi niya ay hindi naman niya kontrolado ang pera kaya
laging nabibili ni Michelle ang mga ito. Limang pares din ng mga
damit ang nabili sa kanya. Palabas na sila ng salon nang may
makitang pamilyar na mukha si Micco. Dali-dali naman niyang
kinaladkad si Michelle papasok ulit ng mall sa takot na
makasalubong ito. Nagtago sila sa likuran ng estante nang tinapay
na nasa entrance lang ng mall. Sa buong akala ni Micco ay
nakaligtas na siya kaya naman subalit iyon din ang tinungo ng
taong pinagtataguan niya.

“Michelle” sabi ni Micco “dahan-dahan lang ang hakbang


palayo.”

Naguguluhan man ay sinunod ni Michelle ang sinabi ni


Micco. Para silang may sira sa ulo base sa ginagawa nila. Walang
anu-ano at –

“Ooops” sabi ng lalaki.

115
Emmanuel R. Caleon

“Sorry” sabay lingon ni Micco sa nabunggong lalaki.


“Patay na!” mahina niyang usal.

“Micco?” tanong ng lalaki.

Isang alanganing ngiti ang pinawalan niya at isang kaway


kasunod ang – “Kuya Glenn.”

“Oo nga, ikaw nga Micco.” sabi ni Glenn.

“Bakit ka nandito? Di ba nasa Italy ka?” tila nagugluhang


tanong ni Glenn kay Micco.

“Kuya saka na ako magkwento.” tila paalam ni Micco kay


Glenn sabay hila kay Michelle.

Imbes na hayaang maka-alis si Micco ay agad na


hinawakan ni Glenn ang mga braso ni Micco. – “Hindi, ngayon ka
magkwento.” madiing wika ni Glenn.

Sa isang fasfood chain sila pumasok, hindi alam ni Micco


kung paano sisimulan ang kwento. Kinakabahan man ay lakas loob
pa din siyang nagsimula. Oo, mahirap at madaming tanong sa
kanya si Glenn, pero higit pa ang hiningi niya ay pang-unawa at
ang maintindihan siya.

“Di ba sinabi ko sa‟yo na sa susunod gagamitin mo iyang


utak mo.” tila sermon ni Glenn kay Micco. “Wala na, nangyari na.
Bakit hindi ka bumalik sa atin?” tanong ni Glenn.

“Ayoko kasing mag-alala pa kayo sa akin.” sabi ni Micco.


“Saka gusto ko pag alam kong less reaction na ang magiging
impact ako magpapakita.”

“Hindi mo ba alam na mas nag-alala ako ngayon? Sa


nalaman ko, na habang naniniwala kaming natuloy ka sa Italy ay
nandito ka lang pala sa Pilipinas at hindi naman namin alam.” sabi
ulit ni Glenn.

“Sorry po.” tanging naging sagot ni Micco.

“Sorry” si Glenn ulit “the damage has been done.” wika


pa nito.

116
“But it can be fixed and sorry will never be late, but
regrets are.” gusto sanang sabihin ni Micco subalit dahil alam
niyang nakasalalay sa pinsan niya ang kung mananatiling lihim
ang sikreto niya ay pinili na lang niyang manahimik.

“Paano mo kami natiis?” tanong ulit ni Glenn.

“Wala naman po talaga akong balak na lokohin kayo


habang-buhay.” sagot ni Micco.

“Excuse me!” paalam ni Glenn “sasagutin ko lang itong


tawag. Kanina pa ito eh.” sabi ni Glenn.

“Sige, ano na ang bago mong number?” tanong ni Glenn


kay Micco.

Agad naman niyang itinype ito sa cellphone ni Glenn –


“09086286919”.

“Sige, text na lang kita. Nagmamadali kasi ako, pag sinabi


kong magkita tayo pumunta ka kaagad.” sabi ni Glenn.

“Opo” tila maamong tupang sagot ni Micco.

“Huwag kang mag-aalala, hahayaan kitang ikaw ang


magsabi sa kanila ng lahat.” wika ni Glenn pagkatayo.

“Salamat kuya Glenn.” biglang umaliwalas ang mukha ni


Micco.

Habang nasa sasakyan na sila papunta sa salon ay


tinanong ni Michelle kung sino iyong kausap niya kanina. Bagamat
nakalayo ito mula sa table nila ay alam ni Micco na dapat na ding
malaman ni Michelle ang lahat. Kaya naman ikunuwento niya
kung sino iyong lalaki na iyon at kung bakit ganuon ito kung
makipag-usap sa kanya kanina. Hindi naman niya isinalaysay ang
kabuuan pero sinigurado niyang mauunawaan ni Michelle ang
kwento niya.

Pagkadating sa salon ay agad na pinaupo si Micco at agad


na inayusan. Ang buhok niyang may kahabaan na ay tinabas at
nilagyan ng korte at ayos. Hindi tipikal na gupit barbero at hindi
simpleng ayos. Ayos na babagay sa damit na ipinasusuot sa kanya
ni Michelle. Hindi na nga nagtagal pa at tapos nang ayusan si
Micco. Ang kaninang simple at gwapong binata ay mas naging
117
Emmanuel R. Caleon

gwapo at matikas tingnan. Bumata din ang itsura ni Micco, lalong


nagmukang inosente at lalong naging isang unconscious flirt na
Micco.

“Akala ko walang masyadong mababago sa ayos mo.”


sabi ni Michelle. “Look, malaki din ang naging improvement mo.”
sabi pa nito.

“Salamat Michelle.” pasasalamat ni Micco kay Michelle.

“You‟re welcome.” sagot ni Michelle na kitang naging


masaya din sa itsura niya.

Hindi pa man nagtatagal at nasa opisina na ulit sila ni


Adrian. Kinakabahan siya at walang ideya sa kung ano ang
mangyayari. Tanging ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang
kapalaran.

118
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 14
Time – Out: Paalam muna Adrian

“Sige po Mang Teban, mauna na po kayong umuwi.” sabi


ni Adrian sa matandang tsuper.

“Sige po Sir Adrian.” sagot ng matanda “Micco, una na


ako, gwapo mo talaga ngayon.” sabi pa ng matanda.

“Naku salamat po Mang Teban.” nahihiyang sagot ni


Micco. “Nambobola pa kayo.” pahabol pa nito.

“Michelle” sabi ulit ni Adrian “salamat sa pag-aalaga kay


Micco.” sabi ni Adrian.

“Wala po iyon Sir.” sagot ni Michelle.

“Sige na, makakauwi ka na.” wika ni Adrian “sa isang


araw ka na din bumalik.” tila pagbabalita ni Adrian.

“Talaga Sir?” hindi makapaniwalang saad ni Michelle.

“Oo” simpatikong pagkumpirma ni Adrian “I‟m giving


you a break.”

“Salamat Sir Adrian.” sabi ni Michelle “Sige Micco,


mauna na ako.” tila paalam ni Michelle.

“Salamat Ate Michelle.” sabi ni Micco bago makaalis si


Michelle.

“At ngayon” sabi ni Adrian sabay harap kay Micco “wala


na sila, tayo naman.”

Agad na inakbayan ni Adrian si Micco. Tulad ni Micco ay


nagpalit din ng bihis si Adrian, bagong tabas din ng buhok at
kitang inayos ng maiigi. Kung kanina ay pormal na pormal ang
bikas, tila nag-iba ang aura at casual wear na ang suot nito kagaya
niya. Mas lumutang ang kagwapuhan ni Adrian sa itsura nito
119
Emmanuel R. Caleon

ngayon. Mas lingunin at agaw pansin sa lahat ang kagwapuhan,


iyong tipong nakakapaglaway.

“Gwapo naman ng Micco ko.” bati ni Adrian kay Micco.

“Mas gwapo kaya ang daddy Adrian ko.” ganti ni Micco.

“I love you!” wika ni Adrian.

“I love you too!” sagot ni Micco.

“I miss you!” si Adrian ulit.

Ngiti lang ang sinagot ni Micco.

“Ikaw na-miss mo ba ako?” tanong ni Adrian kay Micco.

“Secret” sabi ni Micco “hulaan mo.” kasunod ang pilyong


ngiti.

“Secret pang nalalaman. If I know, kanina mo pa ako


gustong yakapin.” sabi ni Adrian.

Tila nakaramdam ng hiya si Micco dahil sukol ni Adrian


ang nais niyang mangyari. “Hindi kaya.” sabi na lang ni Micco.

Kulitan sila habang nasa loob ng kotse at bumibyahe.


Hindi man lang nagawang itanong ni Micco kung saan sila
pupunta. May isang oras at mahigit din ata silang nasa byahe nang
marating nila ang isang animo‟y isang resort. Agad na inaya ni
Adrian si Micco sa loob, nagcheck-in at pagkatapos ay dinala ni
Adrian si Micco sa likod. Isang beach resort iyon, ramdam ng balat
ni Micco ang lamig nang hangin. Naririnig ang mga alon, ang
ingay na gawa ng mga kuliglig, ang ihip nang hangin, ang
malamyos na tinig nang dagat na tila ba umaawit sa kanila.

Tama lang ang suot nilang damit para sa isang lugar na


kagaya niyon. Agad na naghubad nang sapatos si Adrian na ginaya
din naman ni Micco. Bitbit nila ito habang naglalakad sa may
buhanginan na inaabot naman ng tubig ang kanilang mga paa.
Kakaibang ligaya ang nasa puso ni Micco, kakaibang saya dahil
ang taong pinakamamahal niya ay kasama niya sa ganuong uri ng
lugar. Walang pakundangang binuhat ni Adrian si Micco.

“Pasanin mo na lang ako.” suhestiyon ni Micco.


120
“Akala ko kasi hindi ka papayag kaya binuhat na lang
kita.” pagdadahilan ni Adrian.

“Dapat kasi nagtatanong ka muna.” sagot ni Micco.

“Aba at sumasagot na ang baby sa daddy.” malambing na


saad ni Adrian.

“Talagang ganun.” sagot ni Micco.

Ngayon nga ay nakapasan si Micco sa likod ni Adrian.


Mas lalong natuwa si Micco sa ayos nilang pareho. Pakiramdam
niya ay siya na ang isa sa pinakamaligayang tao sa mundo.

“This is my yacht.” sabi ni Adrian.

“Ariel” tila kinakausap ni Adrian ang yate niya “This is


my husband and your new owner, Micco.”

“Parang timang lang.” mahinang usal ni Micco.

“May sinasabi ka Micco ko?” tanong ni Adrian.

“Wala po.” maang na sagot ni Micco.

Sumakay sila nang yate at laking gulat ni Micco sa nakita


– may maliit na lamesa sa may pinakaunahan nang yate, may
lampara sa gitna at mga puti at pulang rosas din sa ibabaw ng
lamesa. Pagkaupo nila sa dalawang dulo nang lamesa ay biglang
nagliwanag ang ibabang bahagi ng yate. Pinakinang nito ang
paligid at lalong nagbigay nang tingkad sa mga pula at puting rosas
na nakaayos sa kabuuan nang yate. Higit pa ay nagulat si Micco sa
nakitang may larawan siya na kasinglaki niya at ganuon din si
Adrian. May nakasulat sa larawan ni Adrian –

“This guy is deeply in-love with him ” at may arrow na


nakaturo sa larawan ni Micco.

“Cute talaga nang mahal ko.” sabi ni Adrian.

“Salamat.” sagot ni Micco.

121
Emmanuel R. Caleon

“Sandali lang.” paalam ni Adrian kay Micco at pumasok


ito sa loob ng yate. Pagkalabas ay may dala-dala itong tray nang
mga pagkain.

“Wala kasing waiter kaya ako na ang kumuha.” sabi ni


Adrian.

“Ayos lang sa akin.” sambit ni Micco.

Masayang kumain ang dalawa. Nagkwentuhan, inisan at


asaran sila na parang mga bata. Maya-maya pa ay inaya ni Adrian
na tumayo si Micco.

“Tungtong ka diyan.” aya ni Adrian kay Micco na


tumuntong sa may elevated floorboard sa pinakdulo nang yate.

“Ayoko baka malaglag ako.” sabi ni Micco.

“Hindi ka malalaglag, kay taas kaya ng bakal sa harapan.”


pamimilit ni Adrian.

“Ayoko nga, natatakot ako.” sabi ni Micco na kitang


nanginginig na din.

“Please” tila pamimilit ni Adrian “saka andito naman


ako.” saad pa nito kasunod ang isang ngiti.

“Kung hindi lang talaga kita mahal.” sabi ni Micco.


“Basta aalalayan mo ako.”

“Mahal kita kaya hindi kita papabayaan.” sagot ni Adrian.

Inalalayan ni Adrian na tumuntong si Micco sa floorboard


at nang nang makapanik na ay siya naman ang sumunod. Walang
takot niyang hinawakan ang mga kamay ni Micco. Yinakap niya
ito nang mahigpit. Pinilit pakalmahin at papanatagin si Micco.
Nang maramdamang kalmado na ay dahan-dahan niyang itinaas
ang mga kamay nilang padipa.

“Wala man tayo sa Titanic, at least kahit dito maiparanas


ko sa‟yo ang kaluluwa nang dagat.” bulong ni Adrian kay Micco.

Pakiramdam ni Micco ay ligtas siya kay Adrian kaya


ipinaubaya na niya sa binata ang lahat. Ramdam niya ang hangin

122
na dumadampi sa katawan niya at ang init nang katawan ni Adrian
at ang init nang pagmamahal nito sa kanya.

“Mahal na mahal kita Micco at isinusumpa ko sa puso


nang karagatang tinatahak natin ngayon na habang-buhay na ikaw
lang ang magiging laman nang puso ko. Ipinapangako ko sa Diyos
na ikaw lang ang mamahalin ko, na aalagaan kita at hindi iiwanan.
Ipaglalaban sa kung anumang mga bagay na mananakit sa iyo at
ipaglalaban ko din ang pagmamahalan natin. Iaalay ko ang buong
buhay ko para sa iyo Michael Ceasar Caleon delas Nieves.” sabi ni
Adrian na tila sumusumpa sa gitna nang dagat.

“Mahal na mahal din kita Carlos Adriano Silvestre


Guillemas. Isinusumpa ko sa gitna nang karagatang ito na habang-
buhay at maging sa kabilang buhay, iisang tao lang ang lalamanin
ng puso ko. Sa iisang tao lang ako iibig at magmamahal, walang
kapantay, walang katulad at wala nang iba pa. Ipinapangako ko sa
Dakilang Maylikha na aalagaan at iingatan kita nang higit sa sarili
ko. Ikaw na ang buhay ko, ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin
laban sa lahat ng pipilit humadlang. Iaalay ko sa‟yo nang buong-
buo ang buhay ko.” tila pagsagot ni Micco sa sumpa ni Adrian.

Kahit mahirap man ay pinilit ni Adrian na humarap kay


Micco, tig-isang sulok sila sa dulo nang floorboard.

“Ayan, mag-asawa na tayo.” sabi ni Adrian at ginawaran


niya nang isang halik si Micco.

Natapos ang magdamag na punung-puno nang ligaya at


saya ang mga puso nila. Pinagpasyahan nilang sa resort nalang
matulog at kinabukasan na umuwi. Gaya nang tulog nila nang
nakaraan gabi ay magkayakap silang nakahiga sa kama.

Pagsikat nang araw ay mabilis na kumilos ang dalawa.


Dalawang oras din ang bubunuin nila sa biyahe. Hindi na sila
nakakain nang maayos kung kayat bago pumasok ng SCTEX ay
dumaan muna sila sa isang 24hour fastfood chain. Inihatid muna ni
Adrian si Micco sa bahay niya sa Maynila at nagpalit na din siya
nang damit. Kakaalis lang nang mga pamangkin ni Adrian nang
makarating sila sa bahay. Hindi na nga nagtagal ay muling
bumiyahe si Adrian papasok naman sa opisina at si Micco ay tila
isang asawa na naiwan sa bahay.

Masaya ang dalawa, walang alam gawin kung hindi isipin


ang bawat isa. Inspiradong gumawa at magkikilos. Maaga ding
123
Emmanuel R. Caleon

umuwi si Adrian sa bahay, mya pasalubong para sa lahat. Nagulat


man at naninibago ay natuwa si Micco dahil sa pakiramdam niya
ay sobra niyang namiss ang binata.

Nasa gitna sila nang kasiyahan nang tumawag ang Kuya


Glenn niya.

“Kuya Adrian” paalam ni Micco “tumatawag po si Kuya


Glenn, sagutin ko muna.”

Tumango lang si Adrian bagamat nagtataka kung bakit


alam ni Glenn ang bagong numero niya.

“Kuya Adrian” sabi ni Micco kay Adrian matapos ang


tawag ni Glenn. Ikinuwento ni Micco ang nangyaring pagkikita
nila ni Glenn sa mall. Ang naging usapan nila at ang dahilang kung
bakit ito tumawag ngayon.

“Ayos lang iyon.” sagot ni Adrian na tila kinakalma si


Micco.

“Ayos lang po ba kung pupunta siya dito?” tanong ni


Micco kay Adrian.

“Walang problema sa akin.” sagot naman ni Adrian.

Itinawag ni Adrian sa guard nang entrance ng subdivision


nila na may darating silang bisita para papasukin ito sa loob. Isang
oras din ang lumilipas at heto na nga ang kotse ng Kuya Glenn
niya sa harapan ng bahay nila Adrian. Bunuksan naman ang gate at
mas ikinagulat ni Micco ang nakita. Unang bumaba ang Ate Jhell
niya, kasunod ang Ate LJ niya saka pa lang ang Kuya Glenn niya
na siyang driver.

“Micco” bati nang isang pamilyar na tinig at saka ito


lumabas nang kotse.

“Mano po nanay!” tila nabubulunang wika ni Micco.


Nakaramdam ng kaba at pagkabalisa.

Imbes na iabot ang kamay ay isang malutong na sampal


ang ginawad nito kay Micco. “Kailan pa kita tinuruang lokohin
kami?” tanong nito kay Micco.

“Sorry po nanay.” paumanhin ni Micco sa ina.


124
“Tigil na iyan” tila awat naman nang tatay ni Micco.

Natigilan man ay pinilit maging pormal ni Adrian. Alam


niyang nasaktan si Micco kaya naman nais niyang yakapin ito at
pagilin ang mga luhang sa tingin niya ay unti-unting dadaloy sa
mga mata nito. Nakaramdam si Adrian nang kaba, isang kakaibang
kaba. Hindi niya maipalinawag kung para saan ba itong kaba na ito
ngunit mas nangibabaw sa kanya ang takot nab aka bawiin sa
kanya si Micco, takot na mawala ang buhay niya at kalahati nang
magkatao niya.

“Pasok po muna kayo.” anyaya ni Adrian sa mga bisita.

“Salamat hijo.” pasalamat nang ama ni Micco.

Nang mahimasmasan ang nanay ni Micco ay agad na


itong nakipag-usap nang matino.

“Pinaniwala mo kaming lahat na natuloy ang lakad mo sa


Italy. Ngayon, masama ang loob ko kasi pakiramdam ko
napakawalang-silbi kong ina dahil hindi ka lumapit sa amin.”
malungkot na litanya nang nanay ni Micco. Pinipigilan nitong
umiyak at tumulo ang luha subalit lubhang mahirap pigilin ang
sariling emosyon.

“Ayoko po kasing mag-alala kayo saka nahihiya din ako


sa inyo.” putol-putol na paliwanag ni Micco na pinipigilan ding
mapaluha.

“Bakit ka mahihiya?” tanong nang nanay ni Micco “bakit


mo nasabing pamilyan tayo kung mahihiya ka pa.?” sunod ulit
nito.

“Basta po, sorry po.” paghingi nang tawad ni Micco sa ina


at nilapitan niya ito para yakapin.

“Sa susunod huwag mo nang uulitin ito.” sabi nang nanay


ni Micco.

“Opo” maamong sagot ni Micco.

“Hijo” baling naman ng ama ni Micco kay Adrian


“salamat sa pag-aalaga kay Micco, pasensiya na din sa abala.”
paghingi pa nito nang tawad.
125
Emmanuel R. Caleon

“Wala po iyon.” sagot ni Adrian.

“Tito Micco, Tito Adrian” bati sa kanila ng mga bata


galing sa itaas.

“Mga bata, I want you to meet your Tito Micco‟s family.”


pakilala ni Adrian sa mga bata.

“Mga pamangkin ko po na tinuturuan ni Micco.” sabi


naman ni Adrian sa mga magulang ni Micco.

“Matthew? Ikaw ba yan?” agad na umagaw nang


atensiyon nila si Matthew na nakakubli sa likod ni James.

“Opo” nahihiyang sagot ni Matthew.

“Pumunta kami nang Fortitude para kuhanin ka na pero


wala ka na duon.” sabi ng nanay ni Micco kay Matthew sabay
yakap dito.

“Duon nga din namin nalaman na hindi natuloy si Micco


sa Italy.” dugtong pa ng ama ni Micco.

Agad namang napatingin si Micco kay Glenn sa nalaman


niyang iyon. Sinagot lang ito ni Glenn nang ngiti at inosenteng
mukha.

“Paano po?” tanong ni Micco.

“Si Sis. Meding, sabi niya pumunta ka nga daw duon at


siya din ang nagsabing music teacher ka dito.” sabi naman ng
nanay ni Micco.

“Hala, sige na isama na natin si Micco sa San Tadeo at


makauwi na.” sabi ng ama ni Micco.

Tila nalungkot si Adrian sa nalamang iyon, pakiramdam


niya ay guguho ang munod niya dahil sa dalawang araw pa lang
sila ni Micco at dalawang araw pa lang niyang natatanggap ang
tunay na katauhan niya ay agad namang tila binabawi na ang
kaligayahan niya.

“Pero – “ tutol ni Micco.

126
“Wala nang pero pero, sasama ka sa amin.” tila utos nang
nanay ni Micco.

“Kuhanin ko lang po ang mga gamit ko sa taas.” paalam


ni Micco. Nalungkot si Micco sa desisyon na iyon nang kanyang
mga magulang subalit kailangan na lang niya itong intindihin at
unawain. Umakyat siya nang hagdan at bawat tapak nang paa niya
ay waring kay bigat. Ayaw niyang iwan ang mga bata, ang bahay
at higit sa lahat ang isang tunay na pagmamahal na kay Adrian
lang niya natagpuan. Ayaw niyang umalis sa mga bisig nito,
pakiramdam niya ay unti-unting nahihirapan siyang makahinga sa
isiping magkakalayo na ulit ang mundo nila.

“Sige po kain na po muna kayo.” aya ni Adrian sa mga


magulang at sa tatlong pinsan ni Micco.

“Nag-abala ka pa.” sabi ng ama ni Micco.

“Hindi po.” sagot ni Adrian. “Halina na po bago lumamig


ang pinahanda ko.” sabi ni Adrian.

“Oo nga naman Tito, nagugutom na din ako.” sabi naman


ni Jhell.

“Sige na nga.” sabi naman nang ama ni Micco.

Pagkaupo nila sa hapag-kainan ay dagling umakyat si


Adrian, tinungo ang silid ni Micco. Hindi pa siya handang
magpaalam dito pero dahil alam niyang mas mabuti ito sa ngayon
ay hahayaan na lang niyang makauwi muna ito sa San Tadeo at
magtitiis na bisitahin na lang ito duon. Pagkapasok nang silid ay
agad niyang niyakap si Micco.

“Mahal na mahal kita.” naluluhang wika ni Adrian.

“Mahal na mahal din po kita.” sagot ni Micco.

“Huwag mong kakalimutang iyong sumpaan natin


kagabi.” nakangiting wika ni Adrian na pinapahiran ang mga luha
ni Micco.

“Opo” sagot ni Micco “habang-buhay na iyon sa puso


ko.”

“Tama iyan.” saad ni Adrian.


127
Emmanuel R. Caleon

“Ikaw naman, huwag kung sinu-sino ang kakalantariin


mo.” sabi ni Micco kay Adrian.

“Si Michael Ceasar dels Nieves ba pwede kong


kalantariin?” tanong pa ni Adrian.

“Kahit kailan, pwedeng pwede basta iyon lang na gwapo


na iyon.” sambit ni Micco.

“Hindi naman gwapo iyon.” dagling sagot ni Adrian.

“Ganun ba? Hindi pala gwapo iyon.” saad ni Micco na


nakangiti nga nakataas naman ang kilay.

“Siyempre, pinakagwapo na iyon sa buong mundo. Mahal


na mahal ko nga iyon.” sagot ni Adrian at ginawaran nang halik si
Micco.

“Huwag kang mag-alala, gagawa po ako nang paraan para


makabalik dito.” saad ni Micco.

“Aasahan ko po iyan.” sagot ni Adrian.

“Hala, tulungan mo na muna akong makapag-ayos nang


gamit at nang makauwi na ako sa San Tadeo.” sabi ni Micco.

Ilang minuto pa matapos makapagpaalam sa mga bata ay


umalis na sina Micco pabalik nang San Tadeo. May tampo man sa
kanya ang dalawang pinsang babae ay nakuha naman niya ulit ang
loob ng mga ito para mawala ang tampo at mapatawad na siya.
Kaya naman bago pa makarating nang San Tadeo ay balik na sa
normal ang lahat at ang dating samahan nilang magpipinsan.
Sinalubong siya nang mga kapatid at pamangkin pagdating sa
bahay nila. Higit pa ay pinagpapasalamat niya at wala ni isang
kapitbahay nila ang nakikichisimis at nakikiusyoso.

Malungkot man si Adrian sa pag-alis ni Micco ay


pinanghahawakan naman niya ang salita nitong magkakasama
silang muli sa iisang bubong, magkatabing matulog habang dinig
ang tibok ng puso nang bawat isa. Gayundin naman si Micco na
handang tuparin ang pangako niyang pagbabalik kay Adrian.

Kapwa man malungkot at nahihirapang makatulog,


maisip lang nilang magkikita silang ulit ay sapat na para
128
pakalmahin at itaboy ang anumang pangamba. Isa pa, mainam at
maganda na ding kahit minsan ay magkalayo kayo nang taong
mahal mo.

129
Emmanuel R. Caleon

Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 15
Ituloy ang Pagmamahalan

Taliwas sa inaasahan ni Micco ang nadatnan niya sa San


Tadeo. Oo, nagulat lahat ng mga ito sa naging pagbabalik niya
ngunit mayroon pa ding humanga sa katangahang ginawa niya.
Mga taong pinilit siyang unawain at intindihin sa kabila nang
pagkakamaling ginawa niyang solusyon sa isa pang pagkakamali.

“Micco” sabi ng Tita Eka niya “sana hindi ka na


nagpanggap pa na natuloy ka sa Italy. Sana bumalik ka na lang
dito.” wika pa nito.

“Oo nga Micco, alam mo bang tuwing sabado malungkot


si mama kasi hindi ka niya nakikitang nagbibisikleta.” sabi naman
nang Ate Melissa niya na anak ng Tita Eka niya.

“Oo nga Micco, wala nang bumubulahaw sa mahimbing


naming tulog sa tanghali. Mamiss namin iyong pagkalakas lakas na
kanta mong wala sa tono.” sibat nang isa na nasa himig nang
pagbibiro.

“Huwag mong intindihin ang Tito mo, pinapasaya lang


niyan kayo.” sibat pa nang isa.

“Madeng” tawag ng isa sa ama ni Micco “ang swerte mo


talaga sa mga anak mo lalo na kay Micco.” sabi pa ng isa.

“Oo nga naman” sang-ayon pa naman nang isang


nakikitsismis din.

“Andeng” sa nanay naman ni Micco “patawarin mo na.


Kayo lang naman ang iniisip niyang bata.” sulsol pa nito.

“Aba, ang mga kamag-anak ko, mababait naman pala.”


wika ni Micco sa sarili.

“Pinatawad na namin kanina pa.” sagot ni Andeng.

130
“Kayo naman kasi makikisitsit na lang kayo hindi pa
ninyo iniintindi.” tila pang-aasar nang Tita Eka niya.

“Saka hindi pa ba kayo sanay kay Micco?” tila


pagtatanong din ng isang nakikitsismis lang “lagi namang
pumapalpak iyang bata na iyan.”

“Tama iyon. Lahat nang plano niyan puro semplang.”


sang-ayon nang isa pa na naging sanhi para magkatawanan ang
lahat nang nakikitsismis sa bahay nila Micco.

“Aba! Masasama talaga ugali ng mga kamag-anak ko.”


pagbawi ng isipan ni Micco sa papuri niya kanina dito.

“Nanay! Tatay!” tawag ni July na humahangos sa pag-


akyat nang bahay nila Micco.

“July” sati ng nanay ni Micco “bakit ka pa pumunta


dito?”

“Si Micco, nasaan na?” tanong ni July na panganay sa


magkakapatid.

“Ayan Ate July” sabi ni Jhell sabay turo sa nakaupong si


Micco sa nasa harapan lang niya.

“Ayan kasi ayaw dumilat.” birong sabi ni Micco.

“Anak ka ng tinapay ni San Felipe” sabi ni July sabay ang


batok nito kay Micco. “Napakasira-ulo mo talaga.” dugtong pa
nito.

“Tilapiang bilasa naman ni San Andres oh!” mahinang


usal ni Micco. “Paliwanagan na naman ito. Dapat kasi isang forum
na lang para isang paliwanagan na lang.” wika naman ng isipan ni
Micco.

“Magpaliwanag ka ngayon!” tila pag-uutos ni July.

“Palibahasa kasi malapit nang malosyang.” bulong ni


Micco sa sarili.

“Kasi Ate July ganito iyon.” simula ni Micco sa kwento


niya na limampu‟t-limang beses na niyang ulitin. Malapit nang

131
Emmanuel R. Caleon

umabot sa kalagitnaan ang kwento ni Micco nang walang anu-ano


“Nay! Tay!” tulad nang Ate July ni Micco ay


nagmamadali ding umakyat si September sa bahay nila. “Si Micco
po nasaan na?” tanong nito na hindi pa man nakakapasok nang
pinto.

“Dahan-dahan lang Ate Sep.” sabi ni Micco sabay tayo.

“Kabayong pilay ka ni Santiago” pambungad ni Sep kay


Micco “loko-loko ka na rin ngayon” dugtong pa nito kasunod ang
isang tadyak mula dito.

“Arayy” sabi ni Micco at napatalon naman siya sa sakit


dahil sa ginawa nang kapatid niyang naka-high-hills pa man din at
matulis ang dulo nang sapatos nito.

“Tama na ang pag-iinarte” sabi pa ni Sep “hindi ako


maawa sa‟yo. Magkwento ka!” tila pag-uutos din nito.

“Naman! Fifty-six na ulit na ito.” tila asar na wika ni


Micco. “In fairness nakakasawa nang magkwento.” sabi ni Micco
sa mga kapatid niya.

“Kasalanan mo iyan kaya magkwento ka na.” sagot nang


Ate July niya.

“Tama.” sang-ayon naman nang Ate Sep niya.

“Mamaya na, hintayin na natin si Ate March. Darating na


din iyon.” suhestiyon ni Micco.

“Ay hindi.” madiing sagot nang mga kapatid niya na


matitiim ang titig.

“Patay na!” usal ni Micco at sinimulan din niya ang


pagkukwento. Tulad nang eksena kanina ay pasagot-sagot din ang
mga kapit-bahay nila ay komento nang komento. Halos hindi
nababawasan ang mga tao dahil na din siguro sa pagkaing inaabot
ng nanay niya sa mga ito. Malapit na siyang mangalahati nang –

“Miccccooooooo” napakalakas na sigaw mula sa labas.


Hindi nga nagtagal pa at iniluwa na ang pinto ang Ate March ni
Micco. Agad nitong niyakap nang pagkahigpit-higpit si Micco.
132
Nakaramdam nang tuwa si Micco dahil sa wakas ay
dumating na ang kapatid niyang kakampi niya sa lahat. Hindi pa
man nagtatagal sa pagkakayakap at –

“Araayy” biglang napabitiw si Micco sa pagkakayakap at


namimilipit sa sakit na hawak ang sikmura.

“Tinalupang San Bartolome ka!” usal nito kay Micco.

“Ang sakit!” maluha-luhang wika ni Micco. Kung


nasaktan na siya sa batok nang Ate July at mas masakit na tadyak
nang Ate Sep niya, di hamak na pinakamasakit ang suntok nang
Ate March niya.

“Kulang pa iyan.” wika nito. “Magkwento ka na.” utos


din nito kay Micco.

Sa pang-limampu‟t pitong beses ay isasalaysay na naman


niya ang kwentong kabisado na nang mga tsismosong kapit-bahay
nila.

Ang pamilya ni Micco ay sarado konserbatibo tulad nang


karaniwang maykayang/ mayamang probinsyano. Kumpleto ang
pagsisimba sa isang taon at laging nagdadasal. Hindi marunong
magmura at pilit na iniiwasang magmura. Kanya-kanya na sila
nang naging ekspresyon sa pagmumura – mga apostol ni Kristo.
Ang panganay na si July o Ma. July Anne delas Nieves-Mitra ay
isang teacher kagaya nang nanay nila. Nakatira limang bayan ang
layo mula sa San Tadeo. May apat na anak at puro babaeng kilos
lalaki. Ang Ate Sep naman niya o September Marie Lee delas
Nieves-Pascual ay isang doctor turned fashion designer turned
businesswoman turned doctor turned fashion designer. May
tatlong anak, dalawang babae at bunsong lalaki. Dalawang bayan
lang ang layo ng tinitirhan nito mula sa San Tadeo. Panghuli ay si
Joyful Mary March delas Nieves-Alcantara na isang maton at
man-hater pero may pinakagwapong asawa sa tatlo. Columnist
nang isang local newspaper at business woman turned business
woman turned business woman – lagi kasing palpak ang mga
pinapasok na business. Siga at maton sa pamilya na pinakamalapit
kay Micco. May dalawang anak na lalaki at pitong bayan ang layo
ng bahay nito mula sa San Tadeo.

“Ang plano ko ay bumalik nang Maynila para maging


music teacher ulit na mga Guillemas and I will live happily ever
133
Emmanuel R. Caleon

after. At dyan nagtatapos ang kwento ko.” pagtatapos ni Micco sa


kwento na tila may pasaring na sa balak niyang mangyari.

“Itigil mo na iyang planong iyan.” agad na tutol nang


nanay ni Micco.

“Pero nanay naman” tila paglalambing ni Micco “sige na


naman.” pamimilit ni Micco sa nanay niya.

“Mamaya na natin pag-usapan iyan. Kumain muna tayo.”


aya pa ni Aling Andeng sa mga anak.

Ang mga tsismosang kamag-anak niya ay tila napurga na


sa kwento niya kaya naman isa-isa na itong nabawasan at unti-
unting nawala. Tanging natira na lamang sa mga pinsan niya ay
sina Jhell, LJ at Glenn. Tulad nang pagbisita nang mga kapatid
niya sa kanila ay hakot nito ang buong pamilya, ang asawa at mga
anak. Tila ba isang family reunion ang nagaganap dahil kumpleto
silang lahat.

“Kayong tatlo” sabi naman ni Mang Madeng “sumalo na


din kayo sa amin.” anyaya nito sa tatlong matitibay na pamangkin.

“Sige po ba!” walang pagtutol kay Jhell.

“Hindi na po!” sabay na pagtanggi nila Glenn at LJ.

“Kayo talaga, inaaya na nga tayo tatanggi pa kayo.”


kontra ni Jhell sa dalawa.

“Mahiya ka nga, kita mong seryosohan na silang lahat


sasawsaw ka pa.” bulong ni Glenn sabay hatak kay Jhell palabas.

“Kayo talagang mga bata kayo.” nakangiting wika ni


Mang Madeng.

Sa hapag-kainan ay muling bumanat si Micco – “Kita na


ninyo, kung hindi dahil sa akin hindi tayo makukumpleto.” birong
wika nito.

“At kung hindi din dahil sa‟yo hindi ka masasaktan.”


seryosong pangkontra ni July.

“Tumigil ka muna Micco at may kasalanan ka pa.” wika


ng ina ni Micco.
134
“Opo!” maamong tupang sagot ni Micco.

Nakatapos na silang makakain lahat. Tulad nang dati at


ang nararapat, kailangan ni Micco na gumawa nang mga bagay
para magpagood-shot sa lahat. Siya na ang nagligpit nang pinag-
kainan, nag-urong nang mga plato at nag-ayos nang kusina
pagkakain.

“Naku, kung hindi lang talaga!” sabi ni Micco sa sarili


“Hindi ako gagawa nitong lahat.” sulsol pa ng isipan niya.

“Micco” tawag sa kanya nang ama.

“Hala, may iuutos na naman ito.” wika ni Micco sa sarili


na kahit tapos na sa kusina ay hindi pa din lumalabas para
makaiwas sa mga utos.

“Bakit po?” tanong ni Micco.

“Pumarini ka muna.” saad nang kanyang ama.

“Opo, sandali na lang po.” sagot ni Micco.

“Ano po iyon?” tanong ni Micco pagkapasok sa sala.

“Maupo ka muna.” sabi nang tatay niya.

“Hindi ka na namin pangangaralan kasi alam naming


nalunod ka na sa pangaral.” simula nang Ate July niya.

“Tama!” nakangiting wika niya sa sarili.

“Talaga bang gusto mong bumalik nang Maynila?”


tanong naman nang Ate March niya.

Tango lang ang sagot ni Micco na malungkot ang mukha


na tila nagpapaawa – “Haha! Magagamit ko na naman ang
pagiging artista ko.” wika niya sa sarili. “Alang-alang kay Daddy
Adrian ko dapat kong gawin ito.” dagdag pa nito.

“Bakit mo naman gustong bumalik duon?” tanong ng Ate


Sep niya.

135
Emmanuel R. Caleon

“Kasi po – “ at isang malalim na buntong-hininga ang


pinawalan niya “napamahal na din po sa akin ang mga bata. Alam
ko din po na dahil nasa Maynila ako mas madali kong
maisasakatuparan ang mga pangarap ko. Hanggang ngayon po ay
hindi ako bumibitiw para makuha ko ang kung anumang pangarap
ko.” maikling sagot ni Micco. “Siyempre para makasama ko si
Daddy Adrian.” dagdag naman nang isip ni Micco.

Sa ganitong prinsipyo naiinggit ang mga kapatid ni


Micco sa kanya. Ito lang kasi ang talagang naging masikap para
makamit ang pangarap niya. Hindi kagaya nilang tatlong babae
na kung ano ang gusto nang ama’t ina nila ay iyon ang pinasok
nila. Huli na para gawin kung anumang nais nila sa buhay. Ang
panganay na pinilit kumuha nang law na hindi naman na tinapos
ang law school, ang pangalawang pinagduktor na dahil nga sa
hindi niya hilig ay sa kung saan-saan pa sumideline at nag-asawa
nang maaga para mamuhay at gawin ang gusto niya at ang
pangatlo na pinagmamadre kaya naging man-hater na lumabas
din sa kumbento nang makilala ang asawa nito ngayon.

“Sa aming mga ate mo ay ayos lang na bumalik ka sa


Maynila.” sabi na Ate July niya.

“Basta ba sisiguraduhin mong tutuparin mo ang pangako


na matutupad mo ang pangarap mo.” dugtong pa nang Ate Sep
niya.

“At hindi muna uulitin pa ang ginawa mo ngayon.”


pahabol nang Ate March niya.

“Pero ewan namin kila nanay at tatay.” paalala naman ni


July.

Ayaw nang mga magulang ni Micco ang gusto nitong


mangyari sa buhay niya. Ang gusto talaga nila ay magkaanak
nang pari. Iyon ang pangarap nila para kay Micco – pasado ito sa
labing-dalawang seminaryong kinuhanan niya nang exam, na
laging pasok sa top 5 examinees at madaming benefits na
makukuha subalit naging mapilit at sa labas nakapag-aral.

“Matagal ko nang tanggap na hindi ka magiging pari”


simula nang ama niya “kaya naman ayos lang sa akin kung ano
man ang gusto mong gawin.” nakangiting sabi nang ama niya.

Napangiting lalo si Micco sa sinabing iyon ng ama.


136
“Sa isang kondisyon.” singit nang nanay niya.

“Ano po iyon?” tanong ni Micco.

“Basta ba ipapangako mo na lagi kang uuwi dito sa atin.”


sagot ng nanay ni Micco.

“Iyon lang po pala.” sabi ni Micco sabay ang yakap nito


sa lahat.

“Salamat po!” naluluhang wika ni Micco sa pamilya niya.


“Maraming salamat po at naintindihan ninyo ako.”

“Mahirap anak, ayokong magaya ka sa mga ate mo.


Ayokong ang pagkakamali namin, pagkakamali ko sa mga ate mo
ay magawa ko din sa iyo.” wika ni Aling Andeng.

“Nanay naman!” wika nang tatlong babae na napaluha sa


sinabing ito ng ina.

Natapos ang usapang nang mahigit alas-dose na nang


gabi. Imbes na umuwi ang mga kapatid niya ay sa bahay na ito
mga nagsipagtulog. Tila handa naman ang lahat at may dala-dalang
damit na pamasok kinabukasan. May sari-sariling kwarto ang apat
kaya naman hindi na problema kung saan matutulog at may mga
damit din naman ito sa bahay kaya hindi na din kailanganing
intindihin ang isusuot.

--------------------------------------------------

Sa kabilang banda naman ay hindi mapalagay si Adrian


nang umalis na si Micco. Kakaibang kaba at lungkot ang
nararamdaman niya. Hindi niya kayang isipin na iyon na ang
huling pagkakataong makikita si Micco. Pansin nang lahat ang
pag-iiba nang aura nito at ang labis na pag-aalala. Nakailang ulit na
niyang tinext si Micco subalit walang reply. Binigyan nang load
para nakareply at tinawagan ng ilang ulit. Subalit walang Micco na
sumasagot sa tawag niya at nagrereply sa mga text niya.

Higit pa ang takot at pangamba ang nadarama ni Adrian –


takot sa kung ano ang nangyari kay Micco, takot nab aka iyon na
ang huling beses na masisilayan si Micco. Pinilit man niyang
pakalmahin ang sarili subalit hindi nga niya ata kaya. Tawag at text
ang ginagawa niya at uymaasang may Micco na magrereply.
137
Emmanuel R. Caleon

Mahigit alas-dose na nga nang gabi at walang Micco na


nagtetext sa kanya. Dumating na ang oras para tanggapin niyang
hindi na ito magtetext sa kanya at mas malala pa ay hindi na ito
makipagkita sa kanya habang-buhay. Umiisip na siya nang plano
kung paano mababwi si Micco sa San Tadeo.

“Kung sabihin ko kayang may nangyari na sa min?”


suhestiyon ng isip ni Adrian.
“Gago! Walang mabubuntis sa inyo.” kontra nang kabila.
“Kung sabihin mo na lang na mahal na mahal n‟yo ang
isa‟t-isa?” wika ulit niya sa isip.
“Tama! Pwede iyon.” pagsang-ayon niya sa sariling
plano.
“Baka ikulong si Micco at hindi na palabasin o kaya ay
ipatapon sa malayo.” tutol naman ng kabila.
“Itanan mo na lang kaya?” suhestiyon ulit ng utak niya.
“Baka makasuhan ka nang kidnapping.” tutol ulit ng
kabila.
“Ayos na iyon at least magkasama naman kami.” sabi
nang kabila.

“Hay! Ang gulo!” biglang naibulalas ni Adrian kasunod


ang pagring ng phone niya. Biglang nakaramdam ng tuwa si
Adrian sa pangalang nakarehistro at agad niyang tinawagan ito.
Walang basa-basa sa kung ano ang laman nang text, agad niyang
denial para tawagan ang numerong nagtext sa kanya. Pakiramdam
niya ay nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag.
Biglaang gaan ang naramdaman niya at tila ba lumulutang na siya
sa ikapitong langit.

---------------------------------------------------

Buhat nang umalis si Micco kila Adrian ay hindi pa nito


nagagawang tingnan ang cellphone niya. Tanging ang pangaral
nang ama at ina ang kaharap niya at mga tanong nang chismosang
kapit-bahay at pakielamerang mga kamang-anak na mahal na
mahal naman niya.

Hindi na siya nagulat nang makitang may 145 text


messages siya at 54 missed calls na galing sa iisang tao. Pinili
niyang itext muna si Adrian bago basahin ang mga text nito. Ayaw
niyang madagdagan ang oras na mag-alala ito sa kanya.

138
“Daddy Adrian: sori po sa nangyri knina. Xncia na din po
at hnd na kita natxt. SORRY PO!!!” text ni Micco kay Adrian.

Hindi pa man nagtatagal at wala pang isang minuto ay


nag-ring na agad ang cellphone ni Micco.

“Hello po Daddy Adrian!” malungkot na wika ni Micco.


“Bakit malungkot ang baby Micco ko?” tanong ni Adrian
na nakaramdmam nang kaba.
“Wala lang po.” sagot ni Micco.
“Ano nga iyon?” tanong ni Adrian.
“Basta, huwag na lang po ninyo akong intindihin.” sagot
ni Micco.
“Ay! Naging Daddy mo pa ako kung may ililihim ka sa
akin?” pamimilit ni Adrian.
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ni Micco.
“Siyempre naman, basta lahat ng tungkol sa mahal ko.”
dagling sagot ni Adrian.
“Babalik po ako sa inyo sa susunod na linggo.” wika ni
Micco na masaya na ang tono.
“Talaga?” paninigurado ni Adrian na ngayon ay
nagbubunyi ang puso niya sa isiping muli niyang makakasam si
Micco.
“Opo!” sambit ni Micco.
“Bakit sa isang linggo pa?” tanong ni Adrian “Bakit hindi
ngayon o kaya ay bukas?”
“Sabi kasi nila nanay gusto pa nila akong makasama kaya
pumayag ako na sa isang linggo na lang.” sagot ni Micco.
“Hindi bali, maiksi lang ang isang linggo kung
ikukumpara sa kasiyahang mararamdaman ko kapag nakasama na
ulit kita.” wika ni Adrian.
“Ang Daddy ko talaga.” sagot naman ni Micco na
nakaramdam nang kilig sa kalooban niya.
“I love you Micco ko!” sabi ni Adrian.
“Akala ko talaga iiwan mo na ako.” sabi ulit ni Adrian.
“Hindi ba sumumpa tayo sa dagat? Bakit naman kita
iiwan? Siyempre tutuparin ko iyon kasi mahal kita.” sagot ni
Micco.
“I love you Micco ko!” sabi ni Adrian ulit.
“Pinagalitan ka ba di‟yan?” tanong pa nito.
“Siyempre naman” sagot ni Micco.

At naging mahaba pa ang usapan nilang dalawa. Hindi


nila alintana ang oras dahil pakiramdam nila ay masaya sila na
kahit sa cellphone lang sila magkausap. Unang nakatulog si Micco
139
Emmanuel R. Caleon

na kausap pa niya sa cellphone si Adrian at nang maramdmam


naman ni Adrian na tulog na ang mahal na si Micco ay pinindot na
niya ang end call at natulog nadin dahil may pasok ito
kinabukasan.

Masaya ang dalawa dahil alam nilang ang lahat ay


magiging maayos at magiging maganda ang takbo. Alam nilang
ang pagsasama nilang muli ay isang senyales galing sa langit na
ang pagmamahalan nila ay may pag-asang matanggap nang mga
tao. Ang inaakalang Forbidden Kiss nila ay magiging katanggap-
tanggap sa kapaligiran nilang sakdal mapanghusga.

140
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 16
Si Ex-Girlfriend Sarah at si Pinsang Glenn

“Micco may bisita ka.” tawag ni Jhell kay Micco.

Nagtataka man ay binaba ito ni Micco. Kahit sa hinagap


ay hindi niya inaasahang makikita ang isang mukhang gustung-
gusto na niyang makita kagabi pa.

“Kuya Adrian!” pormal na bati ni Micco kahit na nga ba


ang katotohanan ay gusto na niya itong takbuhin para yakapin.

“Micco!” bati din ni Adrian na pinipigil ang sarili na


huwag yakapin si Micco dahil alam niyang mas malaking
problema ang pwedeng idulot nuon.

Kahit na nga ba sabihing wala pang bente-kwatro oras


silang hindi nagkikita ay tila ba isang dekada silang hindi nagkikita
na. Kapwa nila gustong yapusin ang isa‟t-isa at kulungin sa
kanilang mga bisig, siilin nang halik ang kanilang mga labi subalit
dahil sa isang lihim ang pagsasama nila ay kailangan nilang
magpanggap na ibang tao.

“Salamat po Ate Jhell!” pasasalamat ni Micco kay Jhell.

“Walang anuman the best pinsan.” sagot ng dalaga kay


Micco at may pahabol na ngiti.

“Ate Jhell!” tawag ni Micco sa pinsan bago umalis.

“Bakit?” dagling sagot ni Jhell.

“Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino na may bisita


ako.” tila pakiusap ni Micco dahil sa pangambang ipagsigawan
nito sa buong baranggay na nasa bahay nila si Adrian.

“Loko” sabi ni Jhell saka lumapit kay Micco at binatukan.


“Nagbago na ako. Palibhasa kasi matagal na nagtago kaya wala

141
Emmanuel R. Caleon

nang alam. Saka malalate na ako sa trabaho ko alangan namang


magsisisgaw pa ako dito.” sabi pa ni Jhell.

“Pasensiya naman!” paumanhin ni Micco.

“Saka malamang nagsawa nang pumunta sa inyo mga


kapit-bahay natin, kulang na lang sa inyo na matulog kagabi ah.”
sabi pa ni Jhell saka lumakad palayo.

“Salamat po Ate Jhell.” pasasalamat ni Micco.

“Tara muna sa taas.” aya ni Micco kay Adrian.

“I love you!” wika ni Adrian habang papasok na sila nang


bahay nila Micco.

“Adik ka!” usal ni Micco. “Mamaya may makarinig


sa‟yo.” dugtong pa ni Micco na sa totoo lang ay nakaramdam ng
kiliti dahil sa sinabing iyon ni Adrian.

“Ano naman kung marinig nila?” tila tanong ni Adrian


kay Micco. “May masama ba dun? Lahat naman nang mag-asawa
nagsasabi nun di ba?” dugtong pa ni Adrian.

“Ewan ko sa‟yo” tanging nasabi ni Micco. “Oo may


masama duon, dahil kasalanan sa paningin nila ang pagiging
pareho nating lalaki.” – sulsol nang isipan ni Micco.

“Micco” sabi ni Mang Madeng na maagang nakabalik


galing bukid “may bisita ka pala.” bati nang matanda.

“Magandang umaga po Sir.” sabi ni Adrian sabay ang


pagmamano sa tatay ni Micco.

“Magandang umaga din naman.” ganting bati nito. “Saka


huwag mo akong sinasabihan nang Sir, kinikilabutan ako.”
dugtong pa ng matanda.

“Pasensiya na po Tito.” paumanhin ni Adrian.

“Tatay na lang ang itawag mo.” suhestiyon ni Micco.

“Oo nga, tutal naman pamangkin mo na si Matthew


ngayon at sa inyo tumuloy si Micco at sa bahay mo ulit tutuloy ang
bunso namin.” sabi ni Mang Madeng kay Adrian.
142
“Kung iyan po ang gusto ninyo.” sabi naman ni Adrian.

“Hala!” sabi ulit nang matanda “Pupunta muna ako sa


kapatid ko at aayusin namin iyong para sa susunod na eleksyon.”
paalam nang ama ni Micco sa dalawa.

“Mag-iingat po kayo!” tila pasikat na pahabol ni Adrian.

“Tatakbo ka na naman?” sabi ni Micco “baka may


sumulpot na naman ang mga bago kong kapatid.” birong saad ni
Micco dahil sa tuwing malapit na ang eleksyon ay may kakatok sa
bahay at magpapakilalang anak nang kanyang ama.

“Wala na!” sagot naman ng tatay niya “nakilala na


ninyong lahat.” habol pa nito.

“Basta mas matanda sa akin ayos lang, huwag lang mas


bata.” ganti ni Micco.

“Ikaw na bata ka talaga.” sabi ulit ni Mang Madeng.


“Hala, sige, ako‟y aalis na.” paalam nito at saka tuluyang lumabas
nang pinto.

Agad na hinatak ni Micco si Adrian papasok sa kanyang


silid. Pagkasara nang pinto ay walang pagdadalawang-isip niyang
niyakap ang binata. Ganuon din si Adrian na siniil naman nang
halik ang mga labi ni Micco.

“I love you Micco ko!” wika ni Adrian.

“I love you more than you love me!” sagot ni Micco.

“Paano na yan eh I love you more than you love me din.”


pagkontra ni Adrian.

“Edi imagine mo na lang kung hanggang saan ang


pagmamahal ko sa‟yo.” sabi ni Micco.

“Ang baby Micco ko talaga.” sabi ni Adrian sabay yakap


nang mahigpit kay Micco.

“Tara na sa labas.” aya ni Micco kay Adrian.

143
Emmanuel R. Caleon

“Dito muna tayo.” tutol ni Adrian. “Gusto pa kitang


yakapin.” sabi pa ng binata.

“Pagbalik ko na lang sa bahay mo.” sabi ni Micco.

“Bahay natin!” giit ni Adrian na biglang umasim ang


mukha.

“Bakit natin?” biglang tanong ni Micco.

“Lahat nang pag-aari ko, pag-aari mo na din.” sagot ni


Adrian na may isang simpatikong ngiti.

“Ang daddy Adrian ko talaga.” malambing na sabi ni


Micco. “Siyempre, pinaghirapan mo iyon kaya sa iyo lang iyon.”
sagot ni Micco bagamat nakaramdam nang kasiyahan sa sinabing
iyon ni Adrian.

“Wag ka nang tumutol!” tila pag-aalsa ni Adrian. “Lahat


nang sa akin ay sa iyo na din. Ganuon naman pag mag-asawa. Pati
ang puso ko iyo na nang buung-buo. Wala kang kahati, kasalo,
kaagaw o kaaway. Higit pa, si Carlos Adriano Silvestrre Guillemas
ay iyong-iyo.” tila pagtatapos ni Adrian sa usapan at saka binigyan
nang halik si Micco sa noo.

“I love you Micco ko!” pahabol pa ni Adrian.

“I love you too Adrian ko!” sagot ni Micco.

Sinadya ni Adrian na huwag pumasok sa opisina nang


araw na iyon. Nais niyang makita si Micco at makasama na muli.
Makita at matitigan ang maamong mukha ni Micco sa buong araw.
Para sa kanya, higit pa ang ligaya sa ganuong eksena kung
ikukumpara sa ibang mga bagay.

Sa buong isang linggo na iyon ay tila ba isang kilometro


lang ang San Tadeo mula sa Maynila. Pupuntahan ni Adrian si
Micco sa bahay nito at pag malapit nang mag-alas nueve, ang oras
nang tulog nila Micco, ay saka lamang ito aalis pabalik nang
Maynila.

“Tay, Nay, alis na po ako!” paalam ni Micco sa mga


magulang.

144
“Mag-iingat ka sa Maynila.” bilin sa kanya nang kanyang
ina.

“Ako pa!” bibong sagot ni Micco.

“Lagi kang tatawag dito at saka umuwi ka sa linggo.”


bilin pa ng ama ni Micco.

“Sabado at Linggo ko na nga lang po matuturuann ang


mga bata.” tila reklamo ni Micco. “Lunes na po ako uuwi.” sagot
ni Micco.

“May pasok ako nun, paano ko pa makikita ang bunso


ko?” may tampong wika nang kanyang ina.

“Nanay talaga!” malambing na sambit ni Micco.


“Siyempre hanggang Miyerkules ako dito.” tila pang-aamo niya sa
ina.

“Salamat bunso!” tila naging masaya naman ang nanay ni


Micco sa sinabing iyon ng bata.

“Sulong! Lumakad ka na!” tila pag-papaalis sa kanya


nang kanyang ina.

Ang alam ni Adrian ay kinabukasan pa siya babalik nang


Maynila. Ang siste nga nila ay duon ito matutulog sa bahay nila
para kinabukasan ay kasama na ito sa paghahatid sa kanya. Binalak
niyang huwag ipaalam na ngayon ang balik niya sa Maynila para
surpresahin ang mahal niya. Pinilit niyang gayahin ang ayos nang
buhok niya na ginawa ng mga stylist sa salon na pinagdalahan sa
kanya ni Michelle. Isinuot ang isa sa mga binili nila sa mall at nag-
ayos nang husto. Nais ni Micco na makita siya ni Adrian sa
pinakagwapo niyang itsura nang sa ganuon ay lalo itong
mahumaling sa kanya.

Sa loob nang bus ay hindi niya inaasahan na makakasabay


niya ang kuya Glenn niya na sa Maynila nagtatrabaho.

“Kuya Glenn!” bati ni Micco sa papasakay na si Glenn.


Palibhasa ay maagang nakarating sa terminal nang bus kaya sa
pinaka-unahan naupo. Ngayon nga ay wala pa din siyang katabi sa
upuan.

145
Emmanuel R. Caleon

“Ang gwapo naman ngayon nang pinsan ko.” nakangiting


wika ni Glenn.

“Tabi na tayo.” sabi ni Micco saka inayos ang katabing


upuan at inalis ang ilan niyang gamit na nakalagay duon.

“Salamat!” saad ni Glenn. “Akala ko ba bukas ka pa


babalik nang Maynila?” tanong ni Glenn kay Micco pagkaupo.

“Nakakahiya kasi kila Kuya Adrian kung susunduin pa


ako.” pagsisinungaling ni Micco.

“Ganuon ba iyon?” tanong ni Glenn na may himig nang


paghihinala.

“Ikaw, bakit ngayon ka lang papasok? Hapon na.” pag-


iiba ni Micco nang usapan.

“Umuwi ako kagabi kasi naman nag-leave ako ngayon.


Bali bukas pa ang pasok ko.” sagot ni Glenn.

“Ganuon ba? Buti na lang nakasabay kita.” pilyong wika


ni Micco. “May manlilibre na sa akin nang pamasahe.” sabi ni
Micco.

“Ano ka sinuswerte?” sagot ni Glenn.

“Oo naman kasi nakasabay kita para ilibre ako.” sagot ni


Micco.

Madami pang pinag-usapan ang dalawa, kung anu-anong


mga bagay. Hindi batid ni Micco na may ibang dahilan ang kuya
Glenn niya kung bakit ito nag-leave nang araw na iyon at kung
bakit sila nagkasabay sa parehong bus.

“Micco” bulong ni Glenn sa sarili “kung hindi lang kita


pinsan malamang ay hindi ako nahihirapan ngayon.” kasunod ang
isang malalim buntong-hininga nito na napansin naman ni Micco.

“Bakit?” tanong ni Micco. “Ayaw mo ata talaga akong


ilibre, sige wag na lang.” sabi ni Micco na biglang kumunot ang
noo. Normal na kay Micco ang ganitong mga reaksyon, ang
pagiging isip bata niya at alanganing mga kilos na hindi
tumutugma sa edad nitong bente anyos.

146
“Buti naman!” sabi ni Glenn. “Nakaligtas ang sisenta
pesos ko.”

“Ayaaa!” usal ni Micco.

“Micco! Mahal kita alam mo ba iyon?” sabi ni Glenn sa


sarili. “Hindi ko maintindihan pero simula‟t sapul pa ayaw na
kitang nakikitang nasasaktan. Ayaw kong may napupuna sa iyo
ang iba. Pakiramdam ko ako ang mas nasasaktan. Pero mali itong
damdamin ko! Magpinsan tayo at higit pa, pareho tayong lalaki.”
dugtong ulit ng isipan ni Glenn.

“Bakit ba napakalaking issue ang pagiging pareho ng


kasarian?” wika ulit ni Glenn sa sarili.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Micco na may


napakatamis na ngiti sa kanyang labi. “Hindi na nga ako
nagpapalibre parang biyernes santo pa ang itsura mo.” biro pa ni
Micco.

“May iniisip lang ako.” sagot ni Glenn.

“Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa ako.” ganting


sagot na pabiro ni Micco.

“Kung alam mo lang Micco, ikaw nga ang iniisip ko. Pero
heto ka nga, malapit tayo sa isa‟t-isa subalit alam kong kailanman
ay hindi kita pwedeng angkinin.” bulong ni Glenn sa sarili.

“Ang mga ngiti mong iyan na nagpapagaan sa kalooban


ko. Ang mga mata mong kakaiba ang kuryenteng inihahatid sa
akin, ang lahat sa iyo Micco. Pero alam kong hindi talaga tayo
pwede.” malungkot na pagtanggap ni Glenn sa katotohanan.

“May relasyon ba kayo ni Adrian?” biglang naibulalas ni


Glenn. Walang pagdadalawang-isip niyang naitanong iyon at
walang pagsisisi niyang itinanong iyon.

Biglang nanginig si Micco at tila nilamon siya nang kaba.


Hindi niya alam kung paano sasaguting nang “oo” ang tanong na
iyon.

“Oo” sagot ni Micco “boss ko siya at ako ay empleyado.


Workplace relationship!” pahabol pa nito. – “Ayos iyon Micco at
least oo ang sagot mo at half-truth.” buyo ni Micco sa sarili. Hindi
147
Emmanuel R. Caleon

na niya nakuha pang itanong kung bakit dahil ayaw na niyang pag-
usapan nila ang mga bagay na iyon at baka magkamali siya nang
sagot sa pinsang si Glenn.

“Nga naman!” tanging sambit ni Glenn. “Micco, kahit


itago mo sa akin alam ko na may namamagitan sa inyo ni Adrian,
higit pa sa pagiging magbossing o kaya ay magkaibigan. Alam
kong siya na ngayon ang nasa pwestong dapat ay matagal ko nang
ipinaglaban.” – wika ni Glenn sa sarili na tila sinagot ang sariling
katanungan.

Si Glenn na ang nagabayad sa pamasahe ni Micco. Buong


biyahe silang nakatahimik lang at miminsanang magbiruan. Isang
oras din ang naging biyahe nila at sa parehong sa terminal sila
bumaba, duon na sila naghiwalay nang daan. Didiretso na si Micco
sa opisina ni Adrian para magpakita sa kanyang mahal. Sakto
naman niyang nakasalubong si Mang Teban na tila papaalis na sa
opisina ni Adrian kaya naman agad niya itong hinarang.

“Micco” bati nang matanda “gwapo natin ngayon!”


dagdag pa nito. “Akala ko ba bukas pa ang balik mo?” tanong pa
nang matanda.

“Napaaga nga po” pagdadahilan ni Micco na walang


sinagot sa tanong nang matanda dahil gusto na niyang makita ang
reaksyon ni Adrian pag nakita siya. “Didiretso na po ba kayong
umuwi?” tanong ni Micco sa matanda.

“Oo!” sagot ni Mang Teban. “Akin na iyang mga dala mo


at ihahatid ko na sa bahay.” nakangiting wika pa nito. “Tiyak na
matutuwa si Sir Adrian.” mahinang usal nang matanda.

“Ano po iyon?” tanong ni Micco.

“Tiyak na matutuwa ka ko ang mga bata.”


pagsisinungaling ng matanda.

Pagkalagay nang mga gamit niya sa loob ng kotse ay agad


siyang pumasok sa loob nang building at dali-daling inakyat ang
papunta sa opisina ni Adrian. Kinakabahan siya – naging mas
mabilis ang pagtibok nang puso niya.

“Inhale – exhale” wika ni Micco bago tuluyang buksan


ang seradura nang pinto. Tatlong ulit niyang ginawa ito. Kinuha

148
ang panyo at pinunasan ang pawis at dahan-dahang binuksan ang
pinto –

“Wait Micco!” awat niya sa sarili. “Practice muna nang


smile. Sweet smile.”

Ngingiti nga si Micco – “Hindi ganyan, mali! Super sweet


smile pa.”

“Kulang pa, more super sweet smile.” saad pa ng isipan


niya.

“Tigil na nga „to mukha na akong tanga.” mahina niyang


wika.

“Go Micco! Moment na!” saad ulit ni Micco sabay bukas


nang pinto.

Biglang natigilan si Micco – isang eksenang hindi niya


inaasahan ang makikita. Mali – isang eksenang hindi niya naisip na
pwede pa lang mangyari.

Agad niyang sinarado ang pinto – mahinahon at dahan-


dahan. Kung sa akala niya ay magugulat niya si Adrian ay
nagkakamali siya, siya ang nagulat nito. Nagulat siya sa isang
pagmamahalang akala niya ay may katuparan na ngunit iba ang
sinasabi nang mga pangyayari.

Si Adrian – ang taong nagpangako sa kanya nang


pagmamahal at ng kasiyahan ay heto‟t may kahalikan na iba. May
kahalikan na isang babae na sa tingin niya ay si Sarah. Hindi alam
ni Micco kung ano ang unang mararamdaman, galit, sakit, lungkot
pait, poot, suklam at pighati. Isa lang ang sigurado niya – gusto na
niyang lisanin ang lugar na iyon at sa pinakamabilis na
pagkakataon ay makalimutan ang nakita.

“Ang tanga mo Micco!” sisi niya sa sarili habang


tumatakbo. “Sino ba ang may sabing pwedeng magkaroon nang
magandang ending ang dalawang lalaki? Dapat sa simula pa alam
mo na iyan.”

Nagmamadaling tumakbo pababa si Micco. Wala siyang


pakialam sa kung sino ang nakakasalubong sa daan, takbo lang ang
alam niyang gawin nang mga oras na iyon – takbo na sa

149
Emmanuel R. Caleon

pinakamabilis na paraan ay matakasan ang kung anumang sakit na


nadarama niya.

Madilim na ang paligid – gayunpaman ay pinipigilan pa


din niya ang mga luha mula sa pagpatak nito sa kanyang mga
mata.

“Micco” pang-aalo niya sa sarili habang nilalakbay ang


kahabaan nang daang hindi niya alam kung saan papunta “life is
beautiful. Don‟t be discouraged.”

“Life is beautiful pero ruined naman ngayon.” sigaw nang


isa sa nadaan niyang mag-syotang nag-aaway.

“Epal ka!” sigaw niya sa mga ito. “Life is beautiful nga.


Kokontra ka pa.”

“Gago ka pala!” sabi nang lalaki at aktong susugurin na


siya. “Nakikialam ka.”

“Patay kang Micco ka!” mahina niyang usal kasunod ang


karipas nang takbo. “Sige lang mag-away na kayo.” sigaw niya sa
dalawa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya


nang makitang nakalayo sa siya sa mga ito. Panandalian niyang
nalimutan ang sariling problema at ang sakit na nasa kanya dahil sa
katangahang ginawa at ngayon nga ay unti-unting nanunumbalik
na tila tinitikis siya at sinasakal nang walang pakundangan. Sinapit
na niya ang pamosong Manila Bay na sa unang pagkakataon ay
nakita niya.

“Adriaaann” sigaw niya nang pagkalakas-lakas habang


nakatingin sa may baybayin nang Maynila. Dito na nagsimulang
tumulo ang mga luha niya. Wala siyang pakialam sa kung sinuman
ang nakakakita at nakarinig sa kanya. Gusto lang niyang mailabas
ang lahat nang sama ng loob – ipaaanod at ipatangay sa tubig.

---------------------------------------------------

“Sarah, will you please stop!” tila pag-uutos ni Adrian.

“I love you Adrian!” sabi ni Sarah sabay yakap kay


Adrian. “I really love you.” pagsusumamo ni Sarah.

150
“Tapos na tayo! Kung sa laro, gameover na. Kung sa
novel, the end. Kung sa fairytale - ” naputol ang sasabihin ni
Adrian nang magsalita si Sarah.

“Sa fairytale and we live happily ever after.” sibat ni


Sarah.

“Tama! Tumpak! Kaya nga you deserve to be happy with


other man out there.” pangangatwiran ni Adrian at pagtutol sa
kung anuman ang nasa isipan ni Sarah.

“Kinapalan ko na ang mukha ko Adrian, kinapalan ko na


para magawa ko ito.” sabi pa ni Sarah.

“You don‟t deserve me. You deserve someone better.” tila


pang-aamo ni Adrian.

“Wala nang iba pa bukod sa iyo.” sabi ni Sarah sabay


yakap kay Adrian.

“Stop this insanity Sarah. It‟s not working.” sabi ni


Adrian.

Walang anu-ano ay hinalikan ni Sarah si Adrian. Sa labi –


mariin, magaslaw at punung-puno nang emosyon. Lalaki si Adrian
– nadala din ito sa halik ni Sarah, nakaramdam nang kahinaan.
Malapit na siyang bumigay ngunit sa isiping si Micco – oo, si
Micco na buhay niya ay mawawala sa isang pagkakamaling
magagawa niya. Mas nangibabaw ang pagmamahal niya kay
Micco kung ikukumpara sa tangka ni Sarah at sa mga balak nito.

“I‟m sorry Sarah.” wika ni Adrian sabay hawak sa mukha


ni Sarah na tila pinakakalma ito.

“I guessed, I need to quit.” sabi ni Sarah. “Mas mahal mo


nga talaga siguro iyong pinalit mo sa akin.” malungkot na wika
nito.

“Makakahanap ka din nang para sa‟yo. Huwag kang mag-


alala.” sabi ni Adrian at muli at sa huling pagkakataon ay
ginawaran niya nang halik si Sarah sa noo.

“Pasensiya ka na at naging makulit ako. I‟m wishing for


your happiness.” tila pagwawakas ni Sarah at nagmamadaling
lumabas.
151
Emmanuel R. Caleon

Sa paglabas naman ni Sarah ay siyang pagpasok ni


Michelle sa opisina. May pinulot ito sa sahig na saka ipinatong sa
ibabaw nang kanyang lamesa.

“Nagkita na po ba kayo ni Micco?” tanong ni Michelle


kay Adrian.

“Micco?” tila pagtataka ni Adrian. “Mamaya ko pa


susunduin si Micco.” pagsasaad pa nito.

“Siguro kamukha lang ni Micco iyong kanina.” wika ni


Michelle.

“Anong kamukha ni Micco?” tanong ni Adrian na biglang


nakaramdam nang kakaibang pangamba.

“Sir” simula ni Michelle sa kwento “may nakasalubong


ako kanina, akala ko si Micco. Magmamadali nga po, tinawag
kong Micco pero hindi lumingon.” sagot ni Michelle.

“Sir, naiwan mo ata ni Ms. Sarah.” saad ulit ni Michelle


sabay abot sa panyong napulot niya sa sahig.

Agad naman kinuha ni Adrian ang panyo – “Sige bibigay


ko na lang.”

Pagkasabi ay saka lang pinagmasdan ni Adrian ang


panyo. Bumilis sa pagpintig ang puso niya, kilala niya ang
kakaibang amoy na nasa panyong puti na iyon. Kahit na nga ba
simpleng puti na panyo iyon ay alam niyang pagmamay-ari iyon
nang taong pinaglalaanan niya nang habang-buhay. Oo, kay Micco
ang panyong iyon.

Agad na binukadkad ni Adrian ang panyo para mas


makasiguradong si Micco nga ang may-ari nito. “Light of my Life”
– mga katagang siya mismo ang nagpaburda bago ibigay kay
Micco ang panyong iyon. Tila nanghina ang mga tuhod ni Adrian
at agad itong napaupo sa may sofa.

“Sasasaaaan mo nakuha „tong panyo?” putol-putol na


tanong ni Adrian kay Michelle.

“Sa may pintuan po.” agad na sagot ni Michelle.

152
Nanatiling nakatahimik na lang si Adrian at nanatiling
walang imik at tila may malalim na iniisip.

“Micco” usal niya sa sarili “Nakita kaya niya kung ano


ang nangyari?” tanong ni Adrian sa sarili.

“Sige na Michelle, pwede ka nang umuwi.” sabi ni Adrian


sa sekretarya nito.

“Maaga pa po!” tila tutol ni Michelle.

“Ayos lang iyon.” sabi ni Adrian. “Wala ka na namang


gagawin na dito.”

“Sige po Sir” paalam ni Michelle “salamat po, ingat kayo


pagsundo kay Micco.” sabi pa nito saka inayos ang gamit.

Pagkaalis ni Michelle ay agad na tinawagan ni Adrian si


Micco. Una ay nagriring ito subalit walang sumasagot. Nakailang
beses niyang sinubukang tawagan si Micco hanggang sa –

“The number you have dialed is either unattended or our


of coverage area. Please try your call later.” – sabi nang operator
na wala nang ring pa mula sa cellphone ni Micco.

“Micco” mahina niyang usal.

Muli niyang idinial ang cellphone, magbabakasakali


siyang nasa San Tadeo pa si Micco.

“Jhell” wika ni Adrian.


“Adrian napatawag ka.” sagot ni Jhell.
“Nasa bahay ba si Micco?” tanong ng binata.
“Alam ko kanina pa siya nakaalis dito.” sagot ni Jhell.
“Teka tingnan ko!” pahabol pa ni Jhell.
“Salamat po.” maikling sagot ni Adrian na puno nang
pangamba.

Ilang saglit pa at –
“Wala na daw dito.” sabi ni Jhell.
“Ganuon ba” malungkot na saad ni Adrian “Sige baka
nasa bahay na iyon. Salamat po ulit.”
“Walang anuman.” sabi ni Jhell.
Sabay pindot ni Adrian sa end call.

153
Emmanuel R. Caleon

Hinarap naman niya ang wireless na telepono sa opisina,


idinial ang numero nila sa bahay.

“Hello manang!” simula ni Adrian.


“Sir, napatawag ka po.” sagot nang matanda.
“Nandiyan na po ba si Micco?” tanong ni Adrian.
“Wala pa, pero inihatid na ni Mang Teba iyong gamit
niya.” sagot nang matanda.
“Ganuon po ba?” malungkot na namang wika ni Adrian.
Lalong tumindi ang pag-aalala niya para dito. Hindi niya alam
kung saan sisimulan o paano sisismulan ang paghahanap kay
Micco.
“Sabi ni Mang Teban dinaanan ka daw diyan at diyan
niya nakasalubong si Micco.” pagbabalita ng mayordoma nila
Adrian.
“Saka ko na lang po sasabihin. Salamat po.” sagot ni
Adrian sabay baba sa telepono.

“Micco ko, nasaan ka na.” tanong niya sa sarili saka


nagmamadaling umalis nang opisina para hanapin ang alam niyang
nagtatampong si Micco.

Umuulan sa labas, malakas na malakas. “Micco ko, paano


ako magsisimula.” tila kumakausap siya sa hangin. Labis at doble
ang pag-aalala niya para kay Micco.

---------------------------------------------------

Nasa gitna nang pag-iisip si Micco nang biglang pumatak


ang ulan. Kasabay niyon ang pagvibrate nang cellphone niya.
Alam niya kung sino ang tumatawag na iyon ngunit imbes na
sagutin ay mas pinili niyang humanap nang pwedeng masilungan.
Wala siyang mahanap na masilungan at ang madalang na patak ng
ulan ay naging mas mabilis at mas mabigat. Nabasa si Micco –
basang-basa, dito na niya isinabay ang pagtulo nang mga luha na
kakatigil lang sa pagdaloy. Tumuntong sa harang na naka-ikot sa
Manila Bay at tumayo na nakatingin sa dagat, ibinuka ang mga
kamay, ninamnam ang lamig na sa tingin niya ay may kakayahang
pagyelohin ang sakit at nang hindi na niya maramdaman pa. Pinilit
ngumiti – isang ngiti na puno nang pait at hinanakit. Tuluyan pa
ding nagriring ang cellphone niya, kanya itong inilabas sa gitna
nang ulan at tinitigan niya ito at nag-iisip kung sasagutin ba o
hindi. Walang anu-ano ay namatay na ito at ngayon nga ay nasira
na ito dahil sa tubig ulan.

154
“Nabasa ka na lang din naman, bakit hindi ka pa
magpakabasa nang tuluyan at baka sakaling unti-unting mawala at
mahugasan nang ulan ang sakit na nadarama ko.” wika ni Micco sa
sarili. Ilang minuto din siyang nasa ganitong ayos at nasa ganitong
anyo.

Ang ulan, tila walang balak tumigil, si Micco na ngayon


ay naglalakad at walang kasiguraduhan sa pupuntahan. Pinipilit
isipin ang magagandang alaala nila ni Adrian, subalit doble ang
sakit na nararamdaman niya sa oras na sumagi sa isipan niya ang
nakita kanina. Sa gitna nang paglalakad ay naisipan niyang
tumakbo nang mabilis at biglang tumawid sa kalsada, wala siyang
pakialam kung masagasaan man siya o mahuli nang pulis.

“At least may tutuluyan at tutulugan ako pag nahuli ako


nang pulis.” sabi ni Micco sa sarili na pinipilit sumaya.

May nakita siyang tila abandonadong bahay, may


kadiliman sa gawing iyon subalit sapat na para maisilong niya
panadalian ang basang-basang katawan at namamanhid na katawan
subalit imbalido at namamagang damdamin kumikirot na puso.
Umupo siya sa gilid niyon at pinapanuod ang pagpatak nang ulan
sa paligid at ang pagdaloy nang tubig mula sa yero nang
kinasisilungan niya. Iniyuko niya ang ulo at inipit nang dalawang
tuhod ang kanyang ulo. Ang mga luhang tila wala nang ilalabas at
iiyak pa ay isa-isang dumaloy mula sa kanyang mga mata.
Nanginginig na siya sa ginaw subalit ganuon pa din ang nadaram
ng kalooban niya.

Sa gitna nang paglalakad ay hindi alam ni Micco na may


nakasunod na sa kanya. Agad na nilapitan ng lalaki si Micco –

“Mukhang may problema ka!” tanong kay Micco nang


lalaki sabay na ibinalot sa nakayukong si Micco ang jacket nito.

Agad na iniangat ni Micco ang ulo niya “Kuya Glenn.”


wika nito.

“Ayos ka lang ba pinsan?” tanong nito.

“Paano ka napunta dito?” tanong ni Micco. “Paano mo


nalamang nandito ako?” sunod na tanong nito.

“Secret, walang clue.” biro ni Glenn. “Napadaan lang


ako.” wika ni Glenn na tila isinagot sa tanong ni Micco.
155
Emmanuel R. Caleon

Sa katotohanan ay naisipan lang naman ni Glenn na


sundan si Micco. Gusto lang makasigurado ni Glenn sa iniisip
tungkol sa pinsan at kay Adrian, higit pa ay gusto niyang makitang
nakangiti ito kapiling ang taong mahal na mahal niya. Gusto lang
niyang makita ang taong mahal niya na masaya kasama at nasa
piling nang ibang tao. Ang pagkakasabay nila sa bus, at parehong
binabaan, ang pagsunod sa opisina ni Adrian at ang pagsunod sa
Manila Bay at ang pagsunod sa paglalakad-lakad nito hanggang sa
marating ang abandonading bahay na iyon, lahat iyon ay sinadya ni
Glenn. Gusto niyang sa oras na gaya nito ay may malalapitan si
Micco at may isang taong tutulong para pagaanin ang loob nang
mahal niyang pinsan.

“Alam ko na ang lahat Micco kaya hindi ka na dapat pang


magkwento.” wika ni Glenn sabay upo sa tabi ni Micco.

“Kuya Glenn.” tanging nasambit ni Micco.

“Hindi ko man alam ang nangyari sa inyo, alam ko


namang pwede ninyong maayos iyon. pag-usapan ninyo nang
masinsinan.” tila suhestiyon ni Glenn.

“Sa simula pa lang dapat alam ko nang wala kaming


patutunguhan. Hindi naman talaga ang lipunan lang ang
makakahadlang sa amin, maging kami din ay may kasalanan para
sa mga ganitong mga bagay.” simula nang litanya ni Micco.

“Hindi nga lang ang lipunan, kayo mismo. Paano kayo


lalaban sa mas malaking lipunan kung sa pagitan na ninyo may
pagkukulang na at may hadlang na?” makahulugang payo na
ibinigay ni Glenn kay Micco.

“Ako, sigurado ako sa pagmamahal ko sa kanya, sigurado


akong hindi ko siya iiwanan. Alam kong kakayanin kong lumaban
para sa kanya, alam ko sa sarili ko at tantyado kong sarili kong
kakayahan para humarap sa mundo, ang manatiling tapat sa kanya,
ang manatiling nagmamahal. Pero siya?” sagot ni Micco na may
iniwanang malaking katanungan. “Pero siya ba kaya din iyon para
sa akin?”

“Makulit kang bata ka!” sabi ni Glenn. “Kaya nga pag-


usapan ninyo.” giit ni Glenn.

156
“Pag-usapan para madala sa mabulaklak niyang dila? Sa
mga retorikang binibigkas niyang galing sa utak. Mga salitang
nangungumbinsi kahit wala naman sa puso?” tutol ni Micco.

“Kayang alamin nang puso ang laman nang isang puso.”


makahulugang pahayag ni Glenn. “Ang sinasabi nang puso ay
tanging ang puso lang ang makakaunawa, kahit gaano kabulag ang
isipan.”

Nanatiling pipi si Micco, nakikinig sa anumang sasabihin


ni Glenn sa kanya. Nagbubuo nang repleksyon sa sinasabi nang
pinsan.

“Mahalaga ka sa akin!” sabi ni Glenn. “Mahal kita


Micco” ang nais niyang sabihin na tunay na laman nang puso niya
ngunit dahil sa ayaw niyang maguluhan si Micco o kaya ay sa
takot na masira ang samahan nilang dalawa ay sa ibang paraan
niya ito ipinahayag.

“Alam mo namang simula pagkabata mo lagi na akong


nandiyan para sa‟yo.” dugtong pa ni Glenn. “Alam mo namang
ayaw na ayaw kitang nakikitang ganyan, nandito naman ako para
masabihan mo nang lahat.” tila pang-aamo ni Glenn kay Micco.

“Basta pinsan, kahit na anong mangyari ay nandito lang


ako.” sabi ni Glenn sabay halik sa mga labi ni Micco.

Hindi alam ni Glenn kung bakit yino ang ginawa niya,


ngunit hindi na niya pwede bang bawiin ang ginawa kaya naman
sa pinakamabilis na paraan ay pinilit niyang ibahin ang usapan.

“Basta pinsan pag hindi ninyo naayos iyan at pina-iyak ka


pa ni Adrian ako ang reresbak para sa‟yo.” wika ni Glenn.

“Kuya Glenn talaga.” tanging nasambit ni Micco.


Naguguluhan man kung para saan ang halik na iyon ay pinilit
niyang baliwalain. Tama ang Kuya Glenn niya na dapat nilang
pag-usapan ang lahat, kung ano ang nakita niya at baka mamaya ay
mali ang pagkakaintindi niya. Nagkaroon nang pag-asa ang puso ni
Micco na maayos ang lahat sa pagitan nila. Nasa kanilang dalawa
na lang iyon kung paano aayusin ang lahat.

“Tumigil ka na! Hindi bagay sa iyo ang emo!” wika ni


glenn.

157
Emmanuel R. Caleon

“Oo na! Biruin mo isa ka pa lang propeta.” wika naman ni


Micco na ganti sa pinsan.

--------------------------------------------------

Hindi nga alam ni Adrian kung saan pupunta at ang


masama pa niyon ay mahirap aninagin ang daanan dahil sa mga
patak nang ulan. Binalak ni Adrian na una niyang puntahan ang
tanging mga lugar sa Maynila na alam niyang alam ni Micco at
tatlo lang naman iyon – ang Trinoma Mall, SM Manila at Manila
Zoo. Sarado na ang Manila Zoo nang mga oras na iyon kaya
naman sa SM Manila siya unang naghanap. Ipinagtanong sa
gwardiya at sa kung kani-kanino pa, sa mga sales clerk at sa ibang
napapadaan subalit laging iling lang ang sagot sa kanya. Papunta
naman siya ngayon nang Trinoma nang maisipan niyang tumawag
muna sa bahay at nagbabakasakaling nakauwi na si Micco subalit
gaya pa din nang kanina ay wala pa din ito sa bahay.

Agad namang sumagi sa isipan ni Adrian na baka nasa


malapit lang ito sa opisina niya at isang lugar na magandang
iyakan ay ang Manila Bay. Nagbabaka-sakaling nasa paligid lang
si Micco at naglalakad-lakad. Nanatiling sagabal ang mga patak ng
ulan at sa pagmamanaeho niya ay may nakita siyang bukod tanging
lalaking naglalakad sa gilid nang dagat na basang-basa. Malakas
ang pakiramdam niyang si Micco iyon kaya naman agad niyang
hinintuan subalit agad itong nawala na ito sa paningin niya. Hindi
naging mailap si Micco sa mga mata niya at nakita niya ito sa
kabilang bahagi na nang kalsada. Pinaharurot ni Adrian ang kotse
at agad na nag-U-turn sa pinakamalapit na U-turn slot.

Nakaramdam nang kakaibang saya si Adrian nang


makitang si Micco nga ito. Muling nagliwanag ang mundo niya at
inulan siya nang positibong enerhiya. Nakita naman niya si Micco
na papunta sa isang abandonadong bahay. Sinundan niya ito at
nang makitang nakaupo lang ito sa sulok ay agad siyang bumaba
sa kotse para sundan ito at lapitan. Hindi pa man siya nakakalapit
nang lubusan ay agad niyang nakitang may lalaking nakatayo sa
harap nito at kita niya na binalabalan nito si Micco nang jacket at
tinabihan sa pagkakaupo. Nanatili siya sa ganuong ayos na tila ba
nagsisilyab ang damdamin niya sa pagkakataong siya dapat ang
nasa lugar na iyon na kasama ni Micco. Muli niyang inihakbang
ang mga paa papunta sa dalawa nang makitang hinalikan nang
lalaki si Micco. Muling napako ang mga paa niya at tila hindi siya
makagalaw. Hindi niya namalayang unti-unting pumatak ang luha
niya sa isiping malapit nang mawala sa kanya si Micco. Ang sakit
158
na makita itong hinalikan nang iba at ang inggit sa lalaking iyon na
kasama ni Micco ngayon.

Tumayo ang dalawa sa pagkakaupo at dito natauhan si


Adrian at mabilis na kumilos para lisanin ang lugar na iyon.

“Micco” wika ni Adrian sa sarili “ito ba ang ganti mo sa


akin?” tanong pa niya.

“Kahit na anong ganti ang gawin mo basta ba masigurado


kong babalik ka sa akin handa akong tanggapin.” usal ulit ni
Adrian sa sarili. “Mahal na mahal kita Micco at handa akong
mamatay alang-alang sa‟yo. Mawawalan nang silbi ang buhay ko
kung hindi ka mapapasaakin at kung hindi ikaw ang mamahalin.”

Agad na hininto ni Adrian ang kotse at buong lakas na


sumigaw – “Mahal na mahal kita Micco” kasunod ang pagpatak
nang mga luha niya at ang pagdukdok sa manibela nang kotse.

Puro busina at mura ang nagpanumbalik sa kanyang


katinuan para muling magdrive at ilang minuto din naman ay
nakapasok na siya sa loob ng subdivision nila at halos pilit na mga
ngiting pasalubong sa mga pamangkin niyang ayaw ipahalata ang
kalungkutan. Pinilit niyang ibahin ang usapan at ignorahin ang
kahit na anong tanong o detalyeng may kinalaman kay Micco.
Ayaw niyang masaktan at maramdaman ang sakit sa isiping
mawawala na ito sa kanya.

---------------------------------------------------

“Salamat Kuya Glenn.” pasasalamat ni Micco kay Glenn


matapos siyang ihatid nito sa harap nang subdivision nila Adrian.
Pinilit niyang sumama ito sa loob subalit tanggi lang ang ginawa
nito at dahilan.

“Basta tawagan mo lang ako pag hindi kayo nagkaayos


ah.” wika ni Glenn saka umalis.

“Good Evening Sir!” bati kay Micco nang guard. “Sino


po ang pupuntahan ninyo sa loob?” dugtong pa nito. Bagamat bago
ang guard kaya hindi nito kilala si Micco.

“Kay Mr. Adrian Guillemas po.” sagot ni Micco na may


pahabol na ngiti.

159
Emmanuel R. Caleon

“Sandali lang po Sir, itatawag ko po sa kanila.” wika nito.


“Ano po ang pangalan ninyo?” tanong pa nito.

“Micco” sagot ni Micco “Micco delas Nieves.”

Ilang sandali ding naghintay si Micco sa sagot ng guard.

“OA ang security. Sa gwapo kong ito, paghihinalaan


ako.” wika niya sa sarili na tila hindi na alintana ang katangahan
niya sa pagpapaulan.

“Sorry Sir pero huwag daw po kayong papasukin.” sagot


nang gwardiya.

“Huh?” naibulalas ni Micco sabay nakaramdam nang


lungkot. “Tawagan ninyo ulit, ako ang kakausap.” pamimilit ni
Micco. Nakaramdam nang pangamba si Micco na baka tuluyan na
siyang iiwanan ni Adrian dahil kay Sarah at ngayon nga ay isang
bigo na naman siyang babalik sa San Tadeo. Walang maiuuwing
kahit na ano sa mga gamit niya. Agad naman siyang naglakad
papalayo sa lugar na iyon at nag-aabang nang masasakyan.

“Tilapiang bilasa ni San Andres, kakatahan ko nga lang


papaiyakin na naman ninyo sa ako. Dehydrated na ako.” saad ni
Micco.

Walang anu-ano ay bigla na lang nagliwanag ang


nilalakaran niya.

Sa kabilang banda naman ay –

“Sino po? Si Micco?” naibulalas nang matanda. “Sige


papasukin ninyo.”

Nakaramdam naman nang saya si Adrian nang marinig na


nasa may entrance na nang subdivision si Micco. Umaliwalas ang
mukha niya at tila napakalaking tinik ang nabunot sa kanya.
“Huwag kamong papasukin” biglang nasabi ni Adrian sabay tayo.

“Bakit po?” nagtatakang tanong nang mayordoma.

“Basta!” madiing sagot ni Micco.

“Opo Sir.” nagtatakang pagsunod nang mayordoma.

160
“Huwag daw pong papasukin sabi ni Sir Adrian.” wika
nito sa guard na kausap.

“Manang ipasok ninyo sa kwarto ko lahat nang gamit ni


Micco.” nakangiting utos nito sa mayordoma.

Agad na lumabas si Adrian at sumakay ng kotse,


pinabuksan ang gate at nagmamadaling pinuntahan ang entrance
nang subdivision.

“Lagot kang loko ka!” wika ni Adrian sa sarili.

“Nasaan na si Micco delas Nieves?” tanong ni Adrian sa


guard.

“Iyong gwapong mukhang tanga?” sabi nang guard na tila


naninigurado.

“Gwapo pero hindi iyon tanga.” madiing wika ni Adrian


sabay titig nang matiim sa guard na tila nakaramdam nang asar.
“Ako lang ang may karapatang tumawag nang tanga sa Micco ko.”
– sulsol nang isipan niya.

“Sorry po Sir.” paumanhin ng guard. “Kakaalis lang po.


Duon po pumunta.” sagot nito sabay turo sa gawing kaliwa.

“Ganuon ba.” tila walang pag-aalalang nilabas niya ito.


Hindi pa man nakakalayo ay nakita na niya ang isang mukha
ngang tangang si Micco na naglalakad. Agad niyang tinapatan
nang ilaw nang kanyang kotse at binusinahan nang malakas.

“Anak nang tipaklong na buntis.” wika ni Micco na kita


ang pagkagulat.

“Sakay ka na Micco ko!” nakangiting wika ni Adrian saka


bumaba sa kotse.

“Ayoko nga!” sagot ni Micco na nakaramdam nang


walang pagsidlan na kaligayahan. Kaligayahan sa muli nilang
pagkikita ni Adrian.

“Pakipot pa” wika ni Adrian sabay na binuhat si Micco


papasok sa kotse.

161
Emmanuel R. Caleon

Kakaibang ligaya na sapat na para alisin ang kung


anumang sakit na mayroon sila kani-kanina lang.

Mabagal na pagpapatakbo ang ginawa ni Adrian, mas


mabilis pa nga ang naglalakad, sinadya niya ito para maayos ang
lahat sa pagitan nila. Habang nasa daan ay pinag-usapan na nila
ang lahat at ang mga bagay-bagay. Wala silang inilihim, walang
itinago. Naniniwala si Adrian sa sinabi ni Micco subalit may mas
malalim siyang naramdaman at sigurado niyang may lihim na
pagtingin si Glenn sa Micco niya. Madaling naayos ang gusot sa
pagitan nila, tila ba walang nangyari at heto‟t bumabalik na naman
sila sa dati.

“Sorry talaga Daddy Adrian ko.” sabi ni Micco. “Sana


pinagpaliwanag muna kita.,”

“Wala iyon baby Micco ko.” sagot ni Adrian na may


simpatikong ngiti. “Basta tandaan mo lang na mahal na mahal
kita.” wika nito.

“Echos mo.” tanging sambit ni Micco na sa totoo lang ay


nakaramdam nang kilig.

“Dahil di‟yan sa kwarto ko na ikaw matutulog.” wika ni


Adrian.

“Huh?” gulat na wika ni Micco.

“Walang nang angal pa. Saka mag-asawa na naman tayo


kaya dapat magkasama tayo sa iisang kwarto.” wika ni Adrian.

“Ikaw talaga.” sambit ni Micco na hindi alam kung paano


itatago ang kaligayahang mayroon siya ngayon.

Pagkarating sa bahay ay bakas sa mukha ni Adrian ang


kakaibang ligaya na wala kaninang wala pa si Micco. Ang
ligayang si Micco lang ang may kakayahang magbigay sa kanya.
Maging ang mga bata ay natuwa sa pagdating na uli ni Micco at
agad itnog niyakap kahit basang-basa pa din sa ulan. Agad namang
nagbihis si Micco at tulad nga na ng utos sa kanya nang daddy
Adrian niya, magkasama na sila sa iisang kwarto.

Tunay nga, ang pag-ibig ay hindi mo lang makikita sa


opposite sex, dahil ito ay isang uri nang damdamin at pakiramdam
na maaring ibigay o maramdaman kahit kanino. Isang abstraktong
162
salita na sapat na naglalarawan sa napakadaming mga bagay at
reaksyong tila ba kakaiba sa normal at nakasanayan.

163
Emmanuel R. Caleon

Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 17
Ang Pag-amin at Pagkakahuli

Isang linggo na din ang nakalilipas buhat nang makabalik


si Micco sa bahay nila Adrian. Tulad nang pangako sa mga
magulang niya ay umuwi ito ng San Tadeo nang Lunes at nanatili
duon hanggang Miyerkules. Gaya nang nakagawian, dadaanan ni
Adrian si Micco sa bahay nila pagkagaling nang opisina at saka
lamang ito uuwi ng Maynila makalipas ang dalawa o tatlong oras.
Sa pakiramdam kasi ni Adrian ay kulang na kulang ang araw niya
pagwalang Micco siyang nakikita at nakakausap. Pag hindi niya
nakikita ang mga ngiti nito o kaya ay naririnig ang maganda at
malambing na tinig nang minamahal na si Micco.

“Kamusta na kayo ni Sir Adrian?” tanong ng mayordoma


kay Micco isang Sabado nang pumasok ito sa kusina para ikuha
nang pagkain ang mga bata at si Adrian na piniling manatili sa
bahay at makasama ang mga pamangkin at higit pa ay si Micco.

“Manang talaga!” sagot ni Micco na hindi maipaliwanag


ang naging biglaang reaksyon niya. “Gumagawa nang tsismis.”
Pahabol pa nito.

“Huli ka! Ikaw na bata ka, magkakaila pa.” sagot naman


nang mayordoma kay Micco.

“Anong huli ka?” tanong ni Micco.

“Alam mo hijo, panahon na para malaman mo ang


katotohanan.” simula nito. “Nuong araw na naging kayo ni Sir
Adrian ay agad niyang sinabi iyon sa amin. Alam mo na, lahat
kaming nandito sa bahay ay alam na may namamagitan sa inyo.”
nakangiting wika pa nito.

“Weh! Di nga?” tila may pagtataka kay Micco ngunit sa


totoo lang ay masaya siya at natutuwa siya kay Adrian dahil sa
ginawa nito.

164
“Kita mo nang bata ka!” sabi pa nang matanda.
“Nangingiti ka. Natutuwa ka sa ginawa ni Adrian no.” tanong nito
kay Micco na may himig pa nang panunudyo. “Alam ko sasabihan
na din niya ang mga bata tungkol sa inyo.” dagdag pa nito.

“Aysus! Para iyon lang.” palusot ni Micco na agad


namang namula ang mga pisngi.

“Magdadahilan ka pa! Kita naman sa mukha mo ang


pruweba.” tudyo nang matanda na animo ay kinikilig din sa
reaksyon ni Micco.

“Hindi kaya!” sagot ni Micco sabay hawak sa pisngi niya.

“Basta hijo, hindi ako tutol sa inyo. Kita ko kung paano


nagbago si Adrian mula nang araw na iyon. Madami siyang naging
girlfriends at ikaw lang ang bukod tanging nakapagbigay sa kanya
nang ganyang ligaya. Pagkagising sa umaga laging nakangiti at
siya na mismo ang nagluluto nang kakainin natin, nang kakainin
mo. Makikita mo na ang sigla sa mga mata niya, at naniniwala
akong dahil din sa‟yo kung bakit nakukuha na niyang ngumiti sa
bawat araw at sa bawat sandali kahit na nga ba mapag-usapan ang
mga kapatid niya.” sabi pa nang matanda.

Nakangiti lang si Micco sa sinasabing iyon nang matanda.


May kung anung mumunting mga langgam ang ngayon
nagkakagulo sa kanyang puso na naging sanhi para sa kakaibang
pakiramdam at kasiyahan na iyon. Tila nakikiliti siya na hindi niya
mawari kung ano ba talaga iyon. Ang alam lang niya ay tumatalon
ang puso niya at masasabi niyang mahal talaga siya ni Adrian dahil
nagawa niyang ipagtapat sa lahat ang pagmamahalan nila at kaya
siya nitong ipaglaban sa lahat o sa kung anumang banta sa kanila.

“Basta Micco, lagi ninyong aalalayan ang isa‟t-isa.”


paalala pa nang matanda.

“Opo!” sagot ni Micco at saka bumalik sa mga


pamangkin ni Adrian na dala-dala ang meryenda ng mga ito.

“Ayan na si Tito Micco ninyo.” awat ni Adrian sa mga


pamangking nagkakagulo.

“Ikaw ah!” agad na bati ni Micco kay Adrian pagkabalik


sa mga bata at kay Adrian.

165
Emmanuel R. Caleon

“Anong ako?” may pagtataka sa mukha nang binata.

“Bakit hindi mo sinabing alam na pala nila manang?”


tanong ni Micco kay Adrian matapos ibaba ang pagkaing dala.

“Wala!” sagot ni Adrian na may kasamang ngiti at tila


nagpapacute pa kay Micco.

“Anong wala!” sagot ni Micco na may matamis na mga


ngiti.

“Mga bata!” agad na tumayo si Adrian.

“Bakit Tito Adrian?” halos sabay-sabay na winika nang


mga bata.

“Hoy! Sagutin mo nga ako.” sabi ni Micco kay Adrian


sabay hatak dito paupo.

Imbes na padala sa ginawa ni Micco ay tila lumaban pa si


Adrian at nanatiling nakatayo.

“Paano kung malaman ninyong mahal ni Tito Adrian si


Tito Micco?” tanong ni Adrian sa mga bata.

Bigla namang nakaramdam nang kabang may kahalong


ligaya at saya ang kalooban ni Micco. – “Ano ba yang sinasabi
mo.” wika ni Micco sabay awat pa din kay Adrian. Naging mabilis
ang mga kilos niya para pigilin si Adrian sa nararamdaman niyang
binabalak nito. Isang automatikong reaksyon na tila ba may isang
lihim na ipagtatapat, isang reaksyong mula sa isang bagay na
gustong-gusto niyang mangyari ngunit dala nang pagkabigla ay
itinatangging bigla ngunit sa kalooban niya ay pabor siya at sang-
ayon dito. Pakipot si Micco, kumbaga nagmumurang kamatis.

“Magtigil ka nga Micco, para kang tanga!” madiing wika


ni Adrian na tila ba sinasaway ang tila inihiang pusang si Micco.

“Mahal mo naman talaga si Tito Micco di ba?” sagot ni


Margareth.

“Oo nga, saka di ba sinabi ni Papa Jesus na dapat love


natin ang isa‟t-isa.” sang-ayon naman ni Charles.

166
“Love din naman namin si Tito Micco.” wika naman ni
Eugene.

Napangiti na lang si Adrian sa sagot na ito nang mga bata.


Sa katotohanan lang ay balak na niyang ipagtapat ang lahat sa mga
pamangkin niya. Alam naman niyang mauunawaan siya nang mga
bata, mauunawaan sila nang mga bata at sa kung anumang
namamagitan sa kanila ni Micco. Alam niyang matatalino ang mga
pamangkin at magagawa nang mga itong maintindihan sila.

Samantalang si Micco ay patuloy pa ding nilalamon nang


kaba ang buong kalooban niya. Natutuwa siya at sa tingin niya ay
malalim na ang pagmamahal sa kanya ni Adrian, may mga nag-
uunahang mga daga sa kanyang dibdib, daga nag kasiyahan at daga
nang pangambang baka dahil dito ay biglang magbago ang tingin
sa kanila, sa kanya nang mga bata.

“Oo nga, saka love ka din ni Tito Micco.” sabi pa ni


James.

“Like his love for us!” sabi pa ni Nicole.

“I mean, hindi ganuong klase nang love.” sagot ni Adrian


sa mga bata.

“Eh anong love?” tanong ni Melissa na tila naguluhan.

“Iyong love na gusto mo siyang makasama habang-buhay.


Iyong love na hindi kayang i-explain nang mga salita. Iyong love
na handa kang ibigay ang buong buhay mo para sa kanya. Iyong
love na sa bawat umaga ay siya ang gusto mong unang makita.
Iyong love na nagbibigay sa‟yo nang inspirasyon, ligaya at
kakaibang saya. Iyong love na gusto mong mabuhay dahil sa
kanya. Iyong love na pagnawala siya sa‟yo ikakamatay mo.” tila
pagpapaliwanag ni Adrian sa mga bata.

“Ah” tila naliwanagang reaksyon ni Melissa.

“Gets mo na?” tanong naman ni Adrian.

“Opo!” sagot ni Melissa. “Pero hindi ba Tito Adrian sa


lalaki at babae lang iyon pwede?” nagtatakang tanong ni Melissa.

“Oo nga Tito, sabi ni teacher kaya daw may man at


woman para sila sa love na ganuon.” sabat pa ni James.
167
Emmanuel R. Caleon

“Alam ninyo mga bata” simula ni Adrian “ito” sabay turo


sa puso niya “ay kailanman hindi papasa-ilalim sa dikta nito”
sabay turo sa ulo niya pagkasabi nang nito.

“Ano iyon?” naguguluhang tanong ni Melissa.

“Ang nagmamahal ay ang puso, hindi ang utak o ang


isipan. Ang isipan natin ay may mga standards nang sinusunod.
Wala nang laya para sa kung paano tayo gagalaw o kung paano
tayo mag-iisip. Dahil nga sa standards na „to na ginawa nang
lipunan ay nakukulong na tayo, na-iisolate na tayo sa isang
mundong pinapagalaw na ng mga maling paniniwala. Ang puso
naman ay buong layang nakakakilos at nakakapili sa kung paano
gagalaw o sa kung sino ang mamahalin niya. Ang puso ay walang
basehang sinusunod, walang batas na niyayakap. Malayang
magmamahal at makakaramdam nang ligaya sa kahit na sino.
Malayang titibok sa isang tao, lalaki man o babae. Sa akin, kay
Tito Micco ninyo tumibok ang puso ko at ayokong magpadala sa
lipunan o sa utak ko para pigilin ang ligayang sa kanya ko lang
makukuha.” paliwanag ni Adrian sa mga bata.

“50% Tito hindi ko nagets.” sabi ni Melissa.

“Maiintindihan mo din iyan paglumaki ka na.” sagot no


Adrian sabay hawak sa ulo ni Melissa.

“Pero Tito, nakikita ko po na malaki talaga ang nagawa ni


Tito Micco sa inyo, kaya ayos lang po iyon sa akin.” nakangiting
wika ni Melissa. “Saka mas gusto ko na si Tito Micco kahit kanino
di‟yan saka alam kong masaya ka kay Tito Micco at masaya na ako
pag masaya ang Tito Adrian ko.” sabi ni Melissa.

“Oo nga. Oo nga!” sang-ayon nang mga bata kay Melissa.

“Basta masaya si Tito Adrian, duon kami.” sagot ni James


na ginaya ni Nicole.

“Salamat.” tanging nasabi ni Adrian sabay yakap sa mga


bata.

Tila napakalaking tinik ang nabunot kay Adrian. Hindi


niya pinagsisihan ang ginawang pagsasabi sa mga pamangkin.
Masaya siya para sa kanila ni Micco dahil hindi na nila kailangan

168
pang maging maingat sa mga kilos dahil wala na silang
aalalahaning mga taong hindi nakakaintindi sa kanila.

“I love you Micco!” sigaw ni Adrian kay Micco.

Ang sigaw ni Adrian na iyon ang nagpanumbalik kay


Micco sa mundo. Tila lumulutang siya sa kasiyahan sa ginawang
iyon ni Adrian. Nawala ang pangambang baka mabago ang tingin
sa kanila nang mga bata. Higit pa ay nawala ang pangamba niyang
iiwan din naman siya ni Adrian sa bandang huli. Nawala na ang
pag-aalala niyang baka paiiyakin lang siya nito. Naalala niya ang
sinabi nang Kuya Glenn niya – tanging ang puso lamang ang
makakaintindi sa sinasabi nang puso. Oo retorikal ang sinabi ni
Adrian, subalit ramdam naman niyang ang puso nang binata ang
nagsasalita at nararamdaman nang puso niya.

“I love you daw!” sabi ni Matthew kay Micco sabay


yakap sa kanyang kuya-kuyahan.

“Ui Tito Micco! Anong sagot mo!” wika ni Melissa na


lumapit din kay Micco at yumakap.

Ngiti lang ang sinagot ni Micco sa kanila.

“Nahihiya si Tito Micco!” paulit-ulit na buyo at tukso ng


mga bata.

“Promise Tito Adrian that you will not tell anyone about
this.” paalala ni Adrian sa mga bata.

“Only if Tito Micco will answer your I love you.” wika ni


Melissa.

“I agree!” segunda ni Nicole.

“Paano ba iyan Micco.” wika ni Adrian kay Micco sabay


lapit dito at akbay.

“Ayiee!” tukso pa nang mga bata.

“Sige na nga!” sagot ni Micco na sa unang pagkakataon


ay makakapagsalita na. “I love you too!” sagot ni Micco na
bagamat nahihiya ay masayang-masaya naman dahil sa bagong
sitwasyon nila sa bahay.

169
Emmanuel R. Caleon

“Ulitin mo, mahina kasi!” sabi ni Adrian.

“Malakas na kaya iyon.” sagot ni Micco.

“Mahina kaya!” giit ni Adrian. “Di ba mga bata? Marinig


ba ninyo?” tanong naman niya sa mga bata kasunod ang isang
lihim na kindat.

“Opo, hindi namin narinig.” sagot nilang sabay-sabay.

“I love you Micco ko!” sabi ulit ni Adrian.

“I love you too Adrian ko.” sagot ni Micco na nahihiya


ngunit masaya at maligaya.

----------------------------------------------------

“Lunes na naman.” malungkot na wika ni Adrian.

“Asus, ang Adrian ko mag-iinarte pa.” sagot ni Micco sa


pahayag ni Adrian.

“Kasi naman hindi na naman kita makikita pag-uwi ko.


Wala na naman akong yayakapin mamayang gabi.” tila reklamo ni
Adrian kay Micco.

“Sa bahay ka na lang kasi matulog.” suhestiyon ni Micco.

“Gusto ko nga iyon, kaso - ” bitin na wika ni Adrian.

“Ang mga bata, baka hanapin ang Tito Adrian nila.”


sabay nilang wika kasunod ang mga tawa.

“Ayun naman pala.” tila pagresolba ni Micco sa problema


nila. “Kaya magtiis ka muna, dalawang gabi lang naman.”
nakangiting wika pa nito.

“May magagawa pa ba ako.” sabi ni Adrian kasunod ang


isang malalim na buntong-hininga.

Maagang pumasok si Adrian para sa trabaho samantalang


mag-isang bimiyahe si Micco pabalik nang San Tadeo pagkaalis
nang mga bata. Pilitin man ni Adrian na siya ang maghatid kay
Micco ay puro tanggi lang ang ginagawa ni Micco at pagbabanta
na magagalit pa ito kay Adrian. Malapit nang umabot nang isang
170
buwan ang relasyon nang dalawa, mga sampung araw na lang din
siguro ang nalalabi at isang buwan na silang nagsimula para sa
sinasabing Forbidden Kiss.

Maagang nakarating nang San Tadeo si Micco, gaya nang


inaasahan ay wala siyang naabutang tao sa bahay. Tanging ang
mga pagkain lang na nakahandan ang nakita niya. Alam niyang
para iyon sa kanya. Agad naman niyang nilantakan ang lahat nang
iyon, tinikman at nang manawa at mabusog ay tinigilan at natulog.

“ADRIAN ko, sori po qng neun lng kita natxt na nsa


bahay na q. umandar po ksi katkwan ko kya inupakn ko muna ung
nkhandang pagkain.” text niya kay Adrian.
“Ayus lng iyon Micco ko. Mas mahlaga skin na nakauwi
k ng lgtas.” reply ni Adrian.
“I LOVE YOU and I MISS YOU SO MUCH” pahabol pa
ni Adrian.
“I love you too! I miss you miss you miss you miss you.
Labyu labyu labyu.” reply ni Micco.
“Tulog na po mna q.” paalam ni Micco.
“Sige Micco ko. Pahinga ka mna ng maiigi. Nga pala,
uuwi ako sa San Carlos mamaya, hindi na muna kta mapupunthan
diyan.” tila paalala ni Adrian.
“Bkt nmn?” tanong ni Micco.
“Secret!” reply ni Adrian.
“Secret ka pang nlalmn. Bakit nga?” pamimilit ni Adrian.
“Kakauspn daw aq ni papa.” pagdadahilang ni Adrian.
“Ganuon! Ayus lng po.” sabi ni Micco.
“Ma2log kna. Wag nang mgreply.” sabi ni Adrian.
“Opo. Labyu ulit.” makulit na reply ni Micco.
“Kulit talga nang asawa ko.” sagot ni Adrian.
“Mana sa‟yo. Sige na 2log npo ako.” reply ni Micco.
“Sweetdreams.” reply ni Adrian.
“Sweet lang ang dreams ko pag nanduon ka.” reply na
makulit ni Micco.
“Asus! May ganun? Wag nang reply.” sabi ni Adrian.

“Sabi mo.” wika ni Micco sa sarili at saka tuluyang


nakatulog. Tanghali nang magising si Micco, pagkatext kay Adrian
ay agad na itong nagluto nang kakainin naman nila. Naghanda
nang pagkain at saka lumabas nang bahay. Nagbisikleta sa gitna
nang bukid. Bagamat kahit tanghali na ay tila nagtatago ang araw.
Makulimlim ang panahon at nagbabadya nang pag-ulan.
Nakipaghutahan sa mga pinsan niyang nakikita at nakakasalubong.
Inabot siya nang hapon sa pamimisikleta at pakikipaghuntahan.
171
Emmanuel R. Caleon

Pagkatapos mamisikleta ay muling bumalik sa bahay at naghanda


naman para sa hapunan. Gaya nang normal na buhay, sa gabi na
dumarating ang kanyang mga magulang. Bukod kasi sa pagiging
pulitiko magsasaka nang kanyang ama ay may maliit din itong
negosyo na nasa may kapitolyo na malapit naman sa pinapasukang
eskwelahan nang kanyang ina na pagmamay-ari nang pamilya nila.
Sabay na ang mga ito kung pumasok at kung makauwi.

Sa gabing iyon ay nagluto siya nang Calderetang baka at


chopseuy. Nagluto din nang sabaw para may mahihigop ang mga
magulang pagka-uwi.

“Mano pa nay!” sabi ni Micco sabay abot sa kamay nang


kanyang nanay.

“Mano po tay!” sabi naman niya ulti sabay abot sa kamay


nang kanyang tatay.

“Kamusta ka na?” agad na tanong sa kanya nang nanay


niya.

“Ayos naman po.” sagot ni Micco.

“Mainam naman.” komento nang kanyang nanay.

“Mamaya na po tayo magkwnetuhan. Nakahain na po.”


wika ni Micco.

“Sige.” aya naman nang kanyang ina.

Habang kumakain ay saka sila nagkwnetuhan. Masaya


silang nag-uusap. Pagkakain ay agad na dumiretso sa sala ang
dalawang matanda samantalang naiwan si Micco para mag-urong,
o maghugas nang pinagkainan.

Matapos makahugas ay agad na siyang lumabas nang


kusina at tumuloy sa sala. Laking gulat niya nang makita ang
nanay niyang hawak ang cellphone niya at matalas ang titig sa
kanya. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Micco at hindi
alam kung ano ang unang papasok sa isipan niya.

“Anong ibig sabihin nito?” madiing tanong sa kanya nang


kanyang ama na ramdam niya ang galit mula dito.

172
“Aaanoo poo kkasii.” Putol-putol at hindi maituwid na
wika ni Micco. Ang tibok nang kanyang puso ay naging sa
pinakamabilis na, ang takot na nararamdman niya ay tila nilalamon
na ang buong pagkatao niya. Lahat nang alam niyang pagdadahilan
ay tila natunaw sa kawalan. Natatakot na siya, nanginginig,
nanlalamig, hindi alam kung paano haharapin ang bagong
problemang kinasangkutan. Nais niyang mawalan nang malay
subalit ayaw makisama nang kanyang katawan.

“Sumagot ka!” buong lakas at buong galit na wika nang


kanyang nanay.

“Kasi naman Micco, hindi ka marunong magbura nang


text.” sisi niya sa sarili subalit nanantiling tikom ang kanyang bibig
at hindi alam kung paano sisismulan ang paliwanag.

---------------------------------------------------

“Micco ko, papunta na po ako sa San Carlos.” text ni


Adrian kay Micco habang binabagtas ang daan papuntang San
Carlos.

Nagtataka man dahil sa walang reply galing dito ay inisip


na lang niyang baka may ginagawa o kaya ay baka wala nang load.
Hindi naman niya magawang tawagan dahil nagmamaneho na siya
at alam niyang magagalit ito sa kanya pag ginawa niya iyon.

“Ma, Pa!” bati niya sa mga magulang.

“Wala ka man lang na pasabi?” wika nang Donya na kita


ang pagkagulat.

“Balak ko po talagang surpresahin kayo.” sagot ni Adrian.

“Halika na at sabayan mo na kaming kumain.” anyaya


naman nang Don.

“Salamat po.” sagot ni Adrian.

Nagkaroon nang maikling kwentuhan habang nag-uusap


silang mag-iina. Ngunit habang kumakain ay patuloy pa ding
pinag-iisipan ni Adrian kung itutuloy ba ang balak niya o hindi nba
muna. Sa tingin niya ay tama na ang oras subalit maaga pa para sa
ganuong bagay. Matagal na niyang pinlano ito subalit ngayon lang

173
Emmanuel R. Caleon

siya naka-ipon nang sapat na lakas nang loob para gawin itong
bagay na ito.

Matapos kumain ay agad niyang tinungo ang kwarto nang


mga magulang dahil duon ang mga ito agad na pumunta. Nag-ipon
nang lakas nang loob at buong tapang na haharapin ang isang
desiyong maaring baguhin ang lahat.

“Ma, Pa” simula ni Adrian “I have something to tell you.”

“Ano iyon hijo.” tanong nang Don kay Adrian.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan


niya at saka muling nagsalita. – “I love really love someone and I
am willing to take him with me for the rest of my life.” wika ni
Adrian.

“Does this mean you are asking for our blessings?”


tanong naman nang Donya.

“Not necessarily.” sagot ni Adrian.

“Anything just to make you happy.” sagot naman nang


Don.

“Who is she?” tanong pa nang Donya.

“Micco!” walang pagdadalawang-isip niyang sinagot.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nang mga magulang at


ang hindi maipintang reaksyon mula sa mga ito. Walang anu-ano
ay isang suntok ang dumampi sa kanyang mukha na binigay nang
kanyang ama.

---------------------------------------------------

Paano haharapin nang dalawang nagmamahalan kung ang


mga magulang na nila ang tututol sa relasyon nila. Hanggang saan
sila kayang dalin nang pag-ibig nila para sa isa-t‟isa? Ito na ba ang
kabanatang dapat nilang itigil ang Forbidden Kiss na nasimulan na
nila? Hanggang saan ba ang kayang lundagin ng relasyong
mayroon sila. Ito na ba ang wakas o ang simula para sa mas
matibay na Adrian at Micco?

174
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 18
Ayaw nila Ermats at Erpats

“Anong ibig sabihin nito?” madiing tanong sa kanya nang


kanyang ama na ramdam niya ang galit mula dito.

“Aaanoo poo kkasii.” Putol-putol at hindi maituwid na


wika ni Micco. Ang tibok nang kanyang puso ay naging sa
pinakamabilis na, ang takot na nararamdman niya ay tila nilalamon
na ang buong pagkatao niya. lahat nang alam niyang pagdadahilan
ay tila natunaw sa kawalan. Natatakot na siya, nanginginig,
nanlalamig, hindi alam kung paano haharapin ang bagong
problemang kinasangkutan. Nais niyang mawalan nang malay
subalit ayaw makisama nang kanyang katawan.

“Sumagot ka!” buong lakas at buong galit na wika nang


kanyang nanay.

“Hoy Micco! Tinatanong ka namin.” sabi nang galit na


galit niyang ama sabay tumayo at hinawakan siya sa damit.

Dala nang takot ay unti-unting dumaloy ang luha sa


kanyang mga mata. Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang
katanungang hindi niya pinaghandaan.

“Micco naman!” wika nang kanyang ina na higit pa sa


galit ang nararamdaman “hindi ka namin pinalaki para pumatol sa
kapwa mo lalaki. Hindi ka namin pinalaki para mapariwara ang
buhay mo.” saad pa nito.

“Mapapariwara ba ang buhay ko dahil nagmahal ako nang


kapwa ko lalaki? Napakababaw namang dahilan iyon.” sagot nang
isipan ni Micco. Patuloy pa din sa paghikbi ang piping si Micco.
Walang lakas nang loob para magsalita o depensahan ang sarili.
Awa ang nararamdaman niya para sa sarili, lungkot para sa
kanyang mga magulang, ngunit higit pa ay ang takot na maaaring
magwakas na ang kaligayahan niya sa piling ni Adrian.

175
Emmanuel R. Caleon

“Wala kang silbi, ikaw na bata ka.” sigaw ni Mang


Madeng sabay hagis kay Micco na naging sanhi para humapas si
Micco sa dingding at mapaupo sa sahig.

“Ano na lang ang sasabihin nang lolo at lola mo? Ang


mga tito at tita mo? Ang mga pinsan mo? Ang mga pamangkin
mo? Ang mga kapatid mo? Anong kahihiyan ang dinadala mo
ngayon?” wika ulit ni Aling Andeng.

“Bakit mas mahalaga ba sila kaysa sa sarili kong


kaligayahan? Bakit ko kailangang isipin na lang sila lagi?” tila may
pagtutol sa isipan ni Micco. “Kahihiyan? Kahihiyan na ba ang
tingin ninyo sa akin? Kahihiyan na ba ang ipaglaban ang tunay na
nararamdaman nang puso ko? Kahihiyan na bang maituturing ang
ginawa kong paglabag sa pamantayan ninyo nang tama at mali?”
kaisipang nais isigaw ni Micco.

“Ano na lang ang sasabihin nila, ako na Principal, ako na


teacher, ako na may reputasyon, may anak na lalaking pumatol sa
kapawa lalaki?” sambit pa nang nanay niya.

“Paano na lang ang sasabihin nang mga kumpare ko?”


ang tatay naman ni Micco. “Lagi at laging ikaw ang pag-uusapan
ng mga iyon. Kukutyain, at habang buhay na mamaliitin at
pagtatawanan.”

“Paano na lang ako sa eleksyon?” wika pa nito.

“Bakit ba hindi ninyo ako maintindihan?” sa wakas ay


naibulalas ni Micco.

“At sasagot ka pa!” wika nang ama niya kasunod ang


isang malakas na suntok na nagpabiling sa mukha niya.

Ang kawawang si Micco ay patuloy pa din sa pag-iyak at


patuloy sa pagkontrol sa damdaming nais nang kumawala sa
kanya. Nakakuyom ang mga kamao na tila handang manugod at
labis na pagtikom nang kanyang bibig para sa isang pilisopong
sagot.

“Magsilayas kayo dito!” sigaw nang tatay ni Micco sa


mga usiserong kapitbahay na unti-unting dumadami.

Samantalang ang kanyang ina ay tila nahihirapang pigilin


ang sama nang loob na naging sanhi para patuloy ito sa pag-iyak.
176
Ang kanyang ama naman ay isa-isang sinarado ang mga bintana at
pintuan para huwag nang makiusyoso pa ang mga kapitbahay.

“Hinay lang Madeng baka mapatay mo si Micco.”


suhestiyon nang kapatid ni Madeng na babakasan nang awa para
kay Micco.

Hindi makapaniwala ang lahat na si Micco na laging


bukambibig nang mag-asawa ay ngayong halos patayin na at
naging sanhi nang iyakan.

“Mabuti nang mamatay itong bata na ito kaysa


makapagdala pa nang kahihiyan.” sagot ni Madeng na bakas pa din
ang walang pagsidlan nang galit.

Ang luhaang si Micco, heto at pinipilit pakalmahin ang


sarili. Mahal niya ang mga magu;lang, ayaw niyang masaktan ang
mga ito. Ayaw niya sanang sagutin ito nang pabal;ang kaya naman
buong lakas siyang nagsalita.

“Patawarin po ninyo ako!” simula ni Micco. “Sorry po at


sa maraming pagkakataon ay binigo ko kayo. Kung sa tingin po
ninyo ay binigo ko din kayo dahil minamahal ko si Adrian, sorry
po kasi hinding-hindi ko iyon pagsisisihan.”

“Miccoooo!” sigaw nang nanay ni Micco.

“Walanghiyang bata ka!” sigaw ulit nang ama ni Micco


kasunod ang isa pang suntok sa sikmura naman nito na naging
sanhi para mamilipit sa sakit ang kawawang bata.

“Hindi ka namin pinalaki para ganyanin mo kami!” sabi


pa nang ama niya. “Walang utang na loob kang hayop ka!” buong
lakas pa nitong dugtong.

“Tay! Nay!” pangangatwiran ulit ni Micco “hindi ko


kayang lokohin ang puso ko kung sino ang mamahalin ko.”
umiiyak nitong pahayag.

“Hindi mo kaya pero kaya mo namang turuan.” pagkontra


nang ama niya.

“Kaya ko ngang turuan pero hindi magiging katulad nang


kaligayahan ang maibibgay nuon.” sagot ni Micco.

177
Emmanuel R. Caleon

“Pag-aralan mo! Matalino ka! Kay among pag-aralan


iyan.” sagot nang ama ni Micco.

“Walang matalino pag pagmamahal na. hindi kayang pag-


aralan ang tunay na ligaya.” wika ni Micco.

“Micco please!” ang nanay naman niya ang nagsalita


“Micco please stop this.”

“I‟m sorry nay, but I can‟t. I can‟t stop myself from


loving Adrian and will never it happened to stop.” pahayag ni
Micco.

Ibinalibag ng ama ni Micco ang cellphone nang binata na


naging sanhi para magkalagas-lagas ito sabay hila kay Micco
papunta sa kwarto nito at saka pinagkandaduhan sa loob.

“Diyan ka lang na hayop ka!” wika nang ama ni Micco


sabay na kumuha nang pako at martilyo at kahoy saka pinakuan
ang pintuan para hindi makalabas si Micco.

“Hindi ka lalabas diyan hanggang hindi ka natatauhan.”


wika pa nito.

“Madeng wag na, hayaan mo na si Micco sa labas.” tila


pag-aawat naman ng nanay niya sa tatay niya.

Walang nagawa si Micco kung hindi umupo na lang sa


kama niya at duon ibuhos ang lahat lahat.

“Sorry nanay at tatay! Hindi ko naman gusto ang


nangyari. Umaasa na lang naman ako na mauunawaan din ninyo
ako. Mahal na mahal ko kayo at hindi ko kayang makitang
nasasaktan kayo. Pero alam ko naman, baling araw maiintidihan
ninyo ako. Alam ko na balang araw maiintidihan ninyo ako.” wika
ni Micco sa sarili.

Labis din ang pag-aalala niya kay Adrian, na baka magalit


sa kanya ang binata dahil hindi siya nagtetext o hindi siya
matawagan o kaya naman ay maging labis ang pag-aalala nito
dahil hindi na siya nagpaparamdam. Nag-aalala pa siyang lalo
kung papaano nila haharapin ang bagong problemang nasa haparan
nila.

------------------------------------------------
178
“Ma, Pa” simula ni Adrian “I have something to tell you.”

“Ano iyon hijo.” tanong nang Don kay Adrian.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan


niya at saka muling nagsalita. – “I love really love someone and I
am willing to take him with me for the rest of my life.” wika ni
Adrian.

“Does this mean you are asking for our blessings?”


tanong naman nang Donya.

“Not necessarily.” sagot ni Adrian.

“Anything just to make you happy.” sagot naman nang


Don.

“Who is she?” tanong pa nang Donya.

“Micco!” walang pagdadalawang-isip niyang sinagot.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nang mga magulang at


ang hindi maipintang reaksyon mula sa mga ito. Walang anu-ano
ay isang suntok ang dumampi sa kanyang mukha na binigay nang
kanyang ama.

“Stupid!” agad na simula nang kanyang ama.

“What‟s stupid with that?” tanong ni Adrian.

“What crosses your mind to think about loving that stupid


Micco?” tanong nang ama niya.

“Love!” sagot ni Adrian. “It is because of love.” ulit nito.

“Love?” tila pagtatakang naitanong nang ama niya sa


kanya.

“He changed me, Micco teaches me how to be happy and


how to smile the world again.” depensa ni Adrian.

“Alam mo bang walang patutunguhan ang relasyon


ninyo?” sumbat nang ama niya sa kanya.

179
Emmanuel R. Caleon

“Tama kayo! Walang patutunguhan lalo na kung ganyan


ang kaisipan nang mga taong nakapalibot sa amin. Pero kaya nga
namin itinuloy para patunayan sa inyo, sa inyong hindi
nakakaintindi na ang pagmamahal namin ay kayang manatili
habang-buhay. Higit pa sa kaya nang iba di‟yan.” Pangangatwiran
ni Adrian na tila may paghahamon sa ama nito.

“Pero anak” wika nang donya na hindi na nito naituloy


dahil sa pagsasalita na din ni Adrian.

“I don‟t wanna live in mediocrity. This mediocre world


needs people who can stand by their own feet proving that what is
normal is not always good but instead, what is to be immoral is
actually the good.” sabi ni Adrian.

“If that what you believe then go!” galit na wika nang
ama niya. “Don‟t expect to gewt naything from me if you will
continue this foolishness.”

“I don‟t need your money. I can earn it on my own. Kaya


kong kumita nang pera pero ang pagmamahal ko sa gay ni Micco
ay walang katumbas. Ang kasiyahan nang pera ay panadilan lang,
pero ang kasiyahang may Micco sa tabi ko ay hindi mapapantayan
nang kahit na ano.” sagot ni Adrian.

“How could you!” sagot nang ama ni Adrian.

“By the way, I‟m not here to ask for your permission. I
am here just to let you know how much I love Micco that I am
ready to face everyone and face troubles as long as I have him with
me.” sagot ni Adrian.

“Lumayas ka dito!” utos nang ama niya.

Ayaw sanang umalis ni Adrian sa bahay nila nang hindi


sila nagkakaayos nang pamilya ngunit ang nanay na niya ang
nagsabing tutulong ito para maayos muli ang relasyon niya sa ama.
Umaasa siyang balang araw ay magkakaintindihan sila at mas
naging positibo ito nang malamang kakampi niya ang ina.

“Adrian, anak!” wika nang ina niya. “Ako na ang bahala


sa papa mo. Just continue loving Micco and be happy with him. I
know, you deserve him and you deserve to be happy.” wika pa
nito.

180
“Thank you ma!” pasasalamat ni Adrian sa ina sabay
yakap dito.

Mag-uumaga na din nang makauwi si Adrian sa kanila.


Pagkauwi sa bahay ay agad niyang itinext si Micco.

“Micco ko, sory qng neun lng kta ntxt. 2log kna po ba?
switdrims. Ilabyu. Imishu. 2log na wg ng reply.” sabi ni Adrian sa
text at pinilit nang makatulog.

-------------------------------------------------

“Micco” katok nang nanay ni Micco sa pinto nang kwarto


ng anak sabay bukas. Pinalitan na din nang kandado ang tablang
pinako sa pinto ni Micco.

“Kumain ka muna.” wika nito sabay gising sa tulog na


tulog na si Micco.

Bagamat naalimpungatan ay pinili niyang huwag na lang


pansinin ang tawag na iyon nang ina. May naisip siyang
magandang plano para mapilit ang mga ito na intindihin sila ni
Adrian at kasama dito ang ginagawa niya ngayon. Sa kabila nang
lahat nang plano niya ay hindi niya maiwasang maluha sa
ginagawang paninikis sa nanay niya at sa isiping may malaking
pagsubok siyang pinagdadaanan.

“Sige, kung ayaw mo iiwan ko na lang muna ito dito.”


sabi nang nanay niya sabay na lumabas sa kwarto nito.

Alam niyang aalis na ang mga ito at sigurado siyang


hanggang tanghalian na ang iniwanang pagkain sa kanya.

“Madeng, hayaan mo nang hindi nakakandado sa labas.”


wika nang nanay niya.

“Edi nakalandi na naman iyang anak mong bakla.” sagot


naman nang ama niya.

Matapos nito ay ang huli niyang narinig ay ang


pagkakalock nang kandado sa pintuan niya at ang mahinang
pagkakasara nang pinto.

181
Emmanuel R. Caleon

“Ano naman kung nakakandado sa labas. May PC naman


ako saka TV sa kwarto.” bulong ni Micco sa sarili.

Agad na bumangon si Micco at dali-daling binuksan ang


computer. Balak niyang sabihan si Adrian sa kung ano ang
nangyari dahil natitiyak niyang nag-aalala ito sa kanya at nais din
niyang balaan ang mahal na huwag na muna siyang puntahan sa
bahay. Kahit na anong pindot ang gawin niya sa power button ay
ayaw mabuhay-buhay ang computer. Sinubukan niyang buksan
ang TV subalit gaya nang computer ay ayaw ding mabuhay.
Sinubuykang bukasan ang ilaw subalit gaya nang mga nauna ay
hindi din mabuksan.

“Tilapiang bilasa naman ni San Andres” sambit ni Micco


“pinutol pa ata ang kuryente ko.” agad na naupo si Micco sa gilid
nang higaan niya at pinagmasdan ang mga pagkaing inihanda para
sa kanya. Masasarap, lahat paborito niya at lahat ay sapat na para
makaramdam siya nang gutom.

“Micco Micco Micco!” awat niya sa sarili. “Temptation


lahat iyan. Masisira ang plano mo pag kumain ka.” saka huminga
nang malalim.

Agad na binuksan ang drawer sa study table niya at may


kinuhang lata nang biscuit.

“Buti na lang talaga at may naitatago pa akong biscuit


dito.” pasasalamat ni Micco. “Okay Micco! Isipin mo na lang na
hamonado yang kakainin mo.” saka pumikit ang pobreng si Micco
at sinimulan na ngang pangaraping hamonado ang kinakain niyang
biscuit.

“Nakaraos din!” wika niya matapos kumain. Agad na


kumuha nang tubig sa kanyang sikretong taguan kung saan
naglalaman nang madaming stock nang pagkain at mineral water.

“Ano naman ang gagawin ko dito maghapon?” tanong ni


Micco sa sarili.

Agad na tumanaw sa bintana at ang tanging nakikita ay


ang bakod nilang napakataas na wala namang gate. Dahil wala
naman siyang mapapala ay agad na nahiga si Micco at pinilit na
makatulog. Dahil hindi din makatulog ay kumanta kanta na lang
siya at inaaliw ang sarili sa kung anumang makita niya sa loob
nang kwarto.
182
-------------------------------------------------

“Good Morning my Micco!” maagang text ni Adrian kay


Micco.

Sa buong araw ay pinilit na maging normal ni Adrian ang


takbo nang buhay niya. kahit na may pangamba sa puso niya at
pag-aalala sa walng paramdam na si Micco.

“Galit ka ba sa akin Micco ko?” tanong ni Adrian sa text


subalit makalipas ang ilang minuto ay wala pa ding reply mula sa
binata. Agad niyang tinawagan ang numero ni Micco subalit hindi
niya ito ma-contact. Ayaw nag-ring nang cellphone ni Micco.
Agad na nakaramdam nang kaba si Adrian dahil dito. Kahit na
anong pilit ang gawin niya para kumalma ay hindi niya maitago
ang pagkabalisa. Nasa akto na siya na pupuntahan niya ito sa San
Tadeo nang tumawag ang mayordoma nila at sinabing mataas ang
lagnat ni Matthew. Inuna na niyang puntahan si Matthew at
binalak na ito muna ang asikasuhin.

“Maiintindihan naman siguro ako ni Micco.” usal niya sa


sarili.

Buong araw na walang konsentrasyon ang kawawang si


Adrian na walang kamalay-malay sa kinatnan ni Micco. Wala sa
kundisyon para magtrabaho at kumilos at higit pa ay may labis na
pag-aalala sa puso niya at pangamba sa walang paramdam na si
Micco. Hindi nakatiis si Adrian kaya naman nang nasiguradong
ayos na ang lagay ni Matthew ay pinuntahan niya sa San Tadeo si
Micco kahit pasado alas-onse na ng gabi.

------------------------------------------------------

Narinig niyang bumukas na ang pintuan nang bahay nila


na hudyat na nakauwi na ang mga magulang niya galing sa
trabaho. Nakatanaw naman si Micco sa may bintana at pinpilit na
maging masaya. Ilang minuto pa ay naramdaman niyang may
nagbubukas na sa pintuan niya. agad siyang tumakbo pabalik sa
higaan at saka nagtalukbong nang kumot.

“Micco anak, kumain ka na nang hapunan.” sabi nang


nanay niya. Agad namang binakasan nang lungkot ang nanay ni
Micco nang makitang hindi man lang nagalaw ang pagkaing
iniwan niya dito.
183
Emmanuel R. Caleon

“Para naman sa‟yo kaya namin ginagawa ito.” wika nang


nanay niya bagot tuluyang iwanan si Micco.

“Kung talagang iniisip ninyo ako sana inintindi na ninyo


ako at sinusubukang intindihin. Ngayon lang ako naging masaya
na kagaya nito at hinahadlangan pa ninyo.” nais sanang isagot ni
Micco.

Gaya nang ginawa niya nuong agahan at tanghalian ay


hindi ginalaw ni Micco ang pagkaing dinala sa kanya.
Pinagtyagaan pa din niya ang biscuit na itinatago niya. Tulad nang
inaasahan ni Micco ay nakarating sa mga kapatid niya ang
nangyari sa tulong nang mga tsismosong kamag-anak. Isa-isa itong
pumunta sa kanila para dalawin ang mangamusta. Ngayon nga ay
sabay-sabay itong pumasok sa silid niya.

“Hoy Michael Cesar” simula ni July “ano na namang


drama ang ginagawa mo?” tanong pa nito.

“Ikaw, may kasalanan ka sa amin.” sunod naman ni


March.

“Tama! Bakit sa ibang tao pa namin dapat malaman?”


sabi pa ni Sep.

“Sis” naluluhang wika ni Micco.

“Bro, hindi ka namin pagagalitan.” tila pangangalma ni


Sep.

“Saka wala kaing balak na magalit sa‟yo.” sang-ayon


naman ni March.

“Ano na ang plano mo?” tanong pa ni July.

“Paano ninyo nalaman?” tanong ni Micco imbes na


sagutin ang mga tanong nang kapatid.

“Siyempre si Tita Eka nagtext kagabi. Pinapapunta kami


dito at tulungan ka nga daw dahil naawa na siya sa iyo.” sabi ni
July.

“Pare-pareho nga kami nang natnggap na text eh.” wika


pa ni Sep.
184
“Para i-confirm tinext ko si Jhell, LJ at Glenn.” saad
naman ni March. “I-kinofirm naman nila per okay Glenn ako mag
nagtiwala kaya tinext ko sila Ate na kausapin muna si Glenn
ngayon.”

“Sa kanya namin nalaman ang lahat nang kalokohan mo.”


wika ni Sep.

“Kalokohan ba ang magmahal?” tanong ni Micco sa mga


kapatid.

“Sira, siyempre hindi.” sabi ni July.

“Ang kalokohan eh hindi mo sinabi sa amin kaagad.”


wika naman ni Sep.

“Sana nakatulong kami sa‟yo.‟ sang-ayon ni March.

Nakaramdam nang tuwa si Micco nang maramdamang


may kakampi na siya para ipagtanggol sa mga magulang.
Palibahasa ay nakakasalamuha na ng ibang mga tao, iba‟t-ibang
klase, iba‟t-ibang ugali, iba‟t-ibang katauhan at iba‟t-ibang kwento,
lalong naging bukas ang isipan nilang tatlo sa mga bagay-bagay
kaya nauunawaan nila ang sitwasyon ni Micco. Alam nilang
walang masama sa pakikipagrelasyon nit okay Adrian at walang
masama sa ganuong uri nang pagmamahalan. Sa simula pa lang ay
tanggap na nilang maaring humantong sa ganuon si Micco kaya
bago pa man nila malaman na may karelasyong kapwa lalaki si
Micco ay natanggap na nila ito agad.

“Salamat!” tanging nasambit ni Micco na nagpapahiwatig


sa pasasalamat niya sa mga kapatid.

“Ano na ang plano mo?” tanong ulit ni July.

“Hindi iyan kakain pero mayroong nakatago sa drawer.”


pagbubuko ni March sabay kuha sa biscuit at tubig nito sa taguan.
Alam ni March ang kalokohan ni Micco na ganito. Ang taguan ng
pagkain. Palibahasa ay nagkasama nang mas matagal ang dalawa
kaya maituturing na mas close sila.

“Alam ko din iyan, kaya naman bumili ako nang iba pa.”
wika ni July sabay labas sa malaking bag nang isang lata pa nang
biscuit.
185
Emmanuel R. Caleon

“Meron din akong dala dito.” wika ni March at naglabas


ito nang mga junkfoods mula sa bag na malaki.

“Akala ninyo kayo lang ang may dala, ako din siyempre.”
wika ni Sep na naglabas naman nang dalawang kahon nang tetra
pack juices mula sa malaki ding bag.

“Bilisan mo itago mo na.” suhestiyon ni July at agad


namang kumilos si Micco para itago ang mga ito.

“Oh eto” sabi ni Sep sabay abot nang cellphone niya.


“Itext mo na si Adrian.”

“Huh!” wika ni Micco.

“Wag mong sabihing hindi mo alam number nang syota


mo?” tanong ni March.

Napakamot na lang sa ulo si Micco dahil sa totoo lang ay


hindi nag niya alam ang numero nito.

“Pandesal ni San Felipe!” wika nang Ate July niya.


“Patay kang bata ka, syota mo hindi mo alam ang number. Wala ka
ding nakasulat sa papel no!” paninigurado pa ni July.

Iling lang ang sagot ni Micco.

“Asa ka pa eh number nga niya hindi niya kabisado.” sabi


ni March.

“Sige dito na lang kami matutulog para kami na lang ang


kumausap pag naisipan nang mokong na dalawin ka.” nakangiting
wika ni Sep.

“Salamat po!” sabi ulit ni Micco.

“Sige lalabas na kami, liligawan pa namin sila nanay para


mabawasan ang parusa mo.” wika pa ni July.

“Sige bro!” paalam ni March. “Enjoy the darkness.”


pahabol pa nito.

Tuluyan nang nakalabas ang tatlo, muling naiwan si


Micco sa kwarto niya, nakakandado at nag-iisa. Nagawang
186
makatulog ni Micco dahil alam niyang may mga kapatid siyang
maasahan at magpapaliwanag sa Adrian niya nang lahat.

Nasa kahimbingan nang tulog si Micco nang may marinig


na katok mula sa bintana niya.mahihinang katok at tawag sa
pangalan niyia. Walang takot niyang nilapitan ito at sinilip. Laking
tuwa niya sa nakita –

Si Adrian, kinakatok siya sa bintana kasama ang Ate


March niya. agad din namang pumasok si March sa loob nang
bahay nang makitang gising na siya at binigyan sila nang
pribadong sandali para makapag-usap.

“Salamat Ate March.” pasasalamat ni Adrian.

“Wala iyon, basta sumaya lang ang bunso namin.” sagot


ni March bago tuluyang iwanan silang dalawa.

“I love you Micco ko!” simula ni Adrian sabay halik sa


mga labi ni Micco na bagamat may harang na bakal ay sapat na
para punuuin ang sarili nila nang kaligayahang dulot nang muli
nilang pagkikita.

“Sorry po Adrian ko.” paumanhin ni Micco kay Adrian.

“Bakit ka nagsosorry?” tanong ni Adrian.

“Kasi po alam ko nag-alala ka.” sagot ni Micco.

“Ipinaliwanag na sa akin ang lahat.” sagot ni Adrian.

“I love you!” wika ni Micco.

“I love you too!” sagot ni Adrian sabay hawak sa mukha


ni Micco.

Pumatak ang mga luha kay Micco nang sandaling iyon.


Hirap man siya sa sitwasyon ay masaya pa din siya dahil kaharap
niya ang taong minamahal at nakita nbiyang gumawa ito nang
paraan para magkita sila.

“Anong ginagawa mo di‟yan?” tanong nang isang tinig


buhat sa likuran.

187
Emmanuel R. Caleon

Sigurado si Micco na ang tatay niya ang may-ari nang


tinig na iyon. Nakaramdam nang takot si Micco sa kung ano ang
maaring magawa nang ama niya kay Adrian.

“Tumakbo ka na!” wika ni Micco.

“Hindi! Ipaglalaban kita.” sagot ni Adrian.

“Kinakausap ko lang po ang mahal kong si Micco.” sagot


ni Adrian.

Natuwa si Micco sa sinabing ito ni Adrian. Alam niyang


handa siyang ipaglaban nang binata laban sa mga magulang at
handa nitong ipaglaban ang pagmamahalan nila. Gayunpaman ay
nakaramdam nang takot si Micco para sa minamahal na katipan,
hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin niya kung
ipabugbog ito nang ama o kaya ay ipatapon sa kulungan.

“Anong mahal ang sinasabi mo?” tanong pa nito at saka


tuluyang iniluwa nang liwanag ang may-ari nang tinig.

“Kuya Glenn?” wika ni Micco at nakahinga nang


maluwag.

“Ikaw lang pala pareng Glenn.” si Adrian naman. “Anong


ginagawa mo dito?” tanong pa ni Adrian.

“Bilisan mo Adrian, nakita ko si Tito Madeng, hinarang si


Ate March sa pintuan, nahuli na kayo at papunta na ngayon dito.”
sabi ni Glenn.

“Hindi pare, kakausapin ko sila para sa Micco ko.” tutol


naman ni Adrian.

“Seryoso na si Tito Adrian!” paalala ni Glenn. “Baka


hindi mo magustuhan ang gagawin nun sa iyo, sa inyo ni Micco.”
saad pa ni Glenn.

Nakaramdam nang takot si Micco, kilala niya ang ama,


kaya nitong ipatorture si Adrian para lang layuan siya. Mabait man
ito subalit iba kung magalit.

“Adrian, sige na umalis ka na muna.” aligagang tila pag-


uutos ni Micco kay Adrian.

188
“Pero Micco ko!” tutol ni Adrian.

“Huwag ka ang tumutol. Bukas na natin pag-uspaan ang


lahat.” sagot ni Micco. “Mahal na mahal kita Adrian ko.” sabi ni
Micco.

“Pare, sa bahay ka na muna matulog.” anyaya ni Glenn.


“Bukas na lang kayo mag-usap ni Micco.” suhetiyon pa ni Glenn.

“Masaya ako at nakita na kita ulit.” wika ni Micco


bagamat nakakaramdam nang takot ay may kasiyahan naman sa
puso niya dahil muling nasilayan ang mahal na si Adrian.

“Mahal na mahal kita!” wika ni Adrian at saka siya


hinatak na ni Glenn para dumaan sa likuran nang bahay nila Micco
at nang hindi na nila makasalubong pa ang ama nito.

Ilang sandali pa at –

“Micco” bulyaw nang tatay niya sa kanya habang


kinakatok ang bintana niya “Micco nasaan na si Adrian?” galit
niton tanong.

Nakaramdam naman nang tuwa si Micco nang malamang


hindi nag-abot ang landas nang dalawa.

“Huwag kang magkunwaring tulog!” utos pa nito.

“Ano pong sinasabi ninyo?” maang na tanong ni Micco sa


ama.

“Si Adrian? Saan mo itinago?” tanong nito.

Pinilit kalmahin ni Micco ang sarili at buong giliw na


naman siyang umarte –

“Natutulog ang tao ginigising ninyo!” wika ni Micco.

“Tigilan mo ang kaartehan mo. Nakita ko si Adrian na


pumunta dito.” sagot nang ama niya.

“Hanapin ninyo kung makikita ninyo!” tila hinahamong


anas ni Micco.

189
Emmanuel R. Caleon

“Sa oras na makita ko iyon lulumpuhin ko talaga iyon


nang lubayan ka na.” wikang nagbabanta nang tatay niya.

Magdamag ngang ginalugad ni Mang Madeng ang buong


bahay nila at nang masiguradong wala nang Adrian siyang
hinahanap ay napilit na din siya ni Aling Andeng na matulog.
Tulad nang ginawa kahapon ay ikunulong ulit si Micco sa kanyang
silid at dinalan na lanbg duon na pang-agahan at tanghalian. Ang
bintanang tanging pag-asa niya para makita si Adrian ay nilagyan
nang harang. Labis na kalungkutan naman ang nadama ni Micco sa
isiping kahit sa bintana ay hindi na niya magagawang makita pa
ang mahal na si Adrian.

“Micco!” tawag sa kanya mula sa labas.

“Micco! Gising ka na ba? Si Kuya Glenn mo ito.” wika


naman nang isa pa.

“Micco ko!” sabi ni Adrian.

Agad na bumangon si Micco at nakuntento na sa madinig


ang boses nang kanyang mahal.

“Adrian ko, kamusta ka naman?” wika ni Micco na


binigyan nang sapat na lakas na loob ang sarili para huwag
bigyang nang alalahanin si Adrian.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Adrian kay Micco.

“Opo.” pagsisinungaling ni Micco. “Ikaw ba?” tanong pa


nito.

“Wag mo na akong alalahanin.” sagot naman ni Adrian.


“Mas mahalaga ay ayos ka lang.” saad pa ni Adrian.

“Ang mahal ko talaga.” tila sumayang muli ang puso ni


Micco kahit na nga ba may nakaharang sa pagitan nilang dalawa
ay hindi naikakaila ang kilig sa ganuong uri ang usapan.

“Micco ko!” pagbasag ni Adrian sa katahimikang


namagitan sa kanilang dalawa. “Kakausapin ko na mamaya ang
mga magulang mo.” wika pa ni Adrian.

“Pero!” tutol sana ni Micco subalit pinangunahan na siya


ni Adrian.
190
“Ipapakita ko sa kanila na tapat ang pagmamahal ko sa
iyo. Handa akong ipaglaban ka, na makita nilang kahit pareho
tayong lalaki, kung tunay naman ang pagmamahalan natin ay wala
silang dapat na ikahiya o ipangamba. Ipapakita ko sa kanila kung
gaano ka busilak ang hangarin ko para sa iyo. Papatunayan ko sa
kanila na handa akong mamatay para sa iyo, na walang
makakahadlang sa tunay na pagmamahal.” saad agad ni Adrian.

“Mahal ko!” naluluhang winika ni Micco. Natuwa siya


dahil lalo pa niyang natiyak kung gaano kalalim ang pagmamahal
sa kanya ni Adrian, kung gaano ito handang humarap sa panganib
alang-alang lang sa pagmamahalan nilang ayaw tanggapin nang
lipunang ginagalawan nila. Ang isang uri nang pagmamahalang,
kahit ang mga magulang nila ay nahihirapang unawain.

Kahit na hindi nakikita ni Adrian si Micco ay ramdam


naman niya ang sakit at paghihirap nito sa loob nang silid niya.
Ramdam din nito ang mga luhang pumatak mula sa mga mata nang
binatang sinisinta.

“Huwag kang mag-alala.” tila pangangalma ni Adrian.


“Sasamahan ako nang mga tyuhin mo at nang mga kapatid mo.
Pati mga pinsan mo sasamahan din ako.” wika ni Adrian.
“Tutulungan kita na ipaunawa sa kanila na walang masama sa
relasyon natin. Tutulungan natin silang maunawaan tayo.” wika pa
ni Adrian.

“Oo nga pinsan, nakausap ko na sila Jhell, LJ, Melissa


saka iyong iba pa na sasamahan namin si Adrian mamaya.” sabat
ni Glenn na bagamat nahihirapan sa sitwasyon niyang iyon ay
pinili niyang maging tulay para sa kaligayahan nang minamahal
niyang pinsan.

“Salamat po!” tanging nasabi ni Micco.

Naging mahaba pa ang usapan nilang tatlo. Gayunpaman


ay sapat nang malaman nilang kahit papaano ay may liwanag na
silang nakikita laban sa problemang dumating sa relasyon nila. Sa
gitna nang usapan ay may naisip na plano si Micco subalit hindi na
muna niya ito sinabi sa mahal na si Adrian bagkus ay nagpakuha
na lang siya nang mga maaring gamitin para maisakatuparan ang
binabalak niya. Kahit na anong tanong nila Glenn at Adrian kung
ano ang gagawin niya sa mga ito ay puro palusot na lang ang

191
Emmanuel R. Caleon

sinasabi niya. Idinaan ang lahat sa maliit na uwang na nasa


pinakataas na nang bintanang pinakuan at hinarangan nang tabla.

Dumating na nga ang oras na hinihintay niya. Nakauwi na


ang mga magulang sisimulan na niya ang kanyang plano. Agad
niyang tinalupan ang bawat butil nang bawang at saka inipit sa
kili-kili. Magpapanggap siyang magkakasakit at mawawalan nang
malay at malaking tulong ang bawang para magbago ang kanyang
temperatura. Ilang minuto din siyang naghintay na katuking nang
ina at saka niya itinago ang bawang.

“Everything runs according to my plan.” wika niya sa


sarili at pagkabukas nang pinto ay saka biglang bumagsak si
Micco. Isang hindi inaasahang pagbagsak sa sahig.

“Miccooo!” agad na naibulalas nang kanyan ina.

“Madeng!” tawag naman nito sa asawa. “Si Micco! Si


Micco! Si Micco!” sigaw nito.

“Ano ba iyang Andeng, kung makahiyaw ka.” anas ni


Madeng sabay pasok sa silid ni Micco.

“Si Micco biglang bumagsak, mataas pa ata ang lagant.”


nag-aalalang wika ni Andeng.

“Anak nang!” naibulalas ni Madeng na agad ding


nakaramdam nang pag-aalala para kay Micco. “Mataas nga ang
lagnat. Buksan mo ang kotse at isusugod natin sa ospital si Micco.”
utos ni Madeng sa asawa saka binuhat ang walang-malay na si
Micco.

Kung gising si Micco ay malamang na natutuwa ito


ngayon sa nagaganap, subalit ang planong binalak ay hindi
umayon sa nais niya dahil nagkatotoong nawalan siya nang malay.
Sa katotohanan ay matagal nang iniinda ni Micco ang pananakit
nang ulo at ang araw na iyon ang naging pinakamadalas.

Biglang nag-alala si Adrian sa nakitang kaguluhan sa


bahay nila Micco. Nanginig ang buo niyang katawan nang
makitang si Micco ang walang-malay na isinasakay sa kotse. Dali-
dali niyang hinabol ang mga ito kung saang hospital didiretso.
Labis na pag-aalala ang nasa puso niya sa isiping may nangyaring
hindi maganda kay Micco.

192
Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 19
This is True Love

“Mano po!” lakas loob na nagmano si Adrian sa nanay at


tatay ni Micco pagkadating sa ospital.

“Bakit ka nandito?” imbes na iabot ang kamay ay


malungkot na wika nang ama ni Micco na walang lugar sa puso
niya ang magalit pa, dahil mas lamang ang pag-aalala niya para sa
bunsong anak.

Tiningnan lang si Adrian ni Aling Andeng na wari bang


sinusuri ang buo niyang pagkatao. Nahiya si Adrian kaya naman
iniyuko na lang niya ang ulo at lumakad palayo. Sa totoo lang ang
hindi sigurado si Adrian kung tama ba ang gagawin niya ngayon
na pakiharapan ang mga magulang ni Micco, ngunit may bahagi sa
puso niyang iyon ang nararapat.

Hindi nagtagal ay lumabas na ang doktor na rumesponde


kay Micco.

“Kamusta na ang anak ko Doc?” agad na tanong dito ni


Mang Madeng.

Agad namang napatayo si Adrian sabay lapit din sa


doktor. Mas mahalaga sa kanya ang malaman ang kalagayan nang
minamahal. Hindi na niya halos napansin na nanduon na din pala
sila Glenn, LJ at Jhell.

“Kamusta na po si Micco?” segunda ni Adrian na


kinakabahan base sa anyo ngayon nang doktor.

“He is fine!” wika nito ng doktor. “Halo-halong stress,


exhaustion at especially depression ang naging sanhi nang
pagkaka-collapse niya.”

Nakahinga naman nang maluwag ang mga magulang ni


Micco at si Adrian sa magandang balita na ito nang doktor.

193
Emmanuel R. Caleon

“Nay! Tay!” patakbong tawag nang mga babaeng anak


nila Andeng at Madeng na sabay-sabay na nakarating sa ospital na
sa tulong ng mga tsismosang kapitbahay ay nalaman na agad nila
ang nangyari kay Micco.

“Kamusta na p si Micco?” tanong ni March.

“He is fine!” sagot ni Aling Andeng.

“Buti naman!” wika ni Sep na tila nakahinga na nang


maluwag.

“Bakit hindi ninyo kami agad sinabihan?” tanong naman


ni July.

“Alam ko namang malalaman n‟yo din agad.” sagot ni


Mang Madeng.

“Kabisado na talaga ninyo mga kamag-anak natin.” biro


ni March na tila pinapagaan ang sandali.

Habang nag-uusap ang lima ay pinasya ni Adrian na


lumayo na lang muna at kahit pansamantala ay huwag bigyan nang
alalahanin ang mga magulang nang minamahal niyang si Micco.
Nilapitan niya sina Jhell, LJ at Glenn.

“Ayo slang iyan!” tila pangangalma ni Jhell kay Adrian.

“Maayos din lahat Sir Adrian.” sabi naman ni LJ.

Hindi naman nagtatagal ay nagulat na lang sila nang si


Adrian na mismo ang lapitan nang mga magulang ni Micco. Agad
na nagpaalam ang tatlo dahil batid nilang seryosong usapan ang
nagaganap.

“Sorry anak!” sabi ni Aling Andeng sabay tapik sa likod


nang nakatalikod na si Adrian.

Kakaibang tuwa ang nadarama ni Adrian nang tawagin


siyang anak nang nanay ni Micco. – “Anak? Tinawag niya akong
anak? Totoo ba ito? Tanggap na ba niya ako? Tanggap na ba niya
kami ni Micco?” wika ni Adrian sa sarili.

“Patawarin mo kami at umabot pa tayo sa ganito.” saad pa


ni Mang Madeng.
194
Nakangiting humarap si Adrian sa dalawa. “Wala po iyon.
Alam ko namang po na iniisip n‟yo lang ang kapakanan ni Micco.”
wika ni Adrian.

“Alagaan mo ang bunso namin!” tila habilin naman ni


Aling Andeng sabay yakap kay Adrian.

“Opo! Iyon lang po ang gagawin ko habang-buhay.” sagot


naman ni Adrian.

“Ang galing talagang magplano ni Micco.” tudyo ni July


na papalapit na sa tatlo.

“Oo nga, artista talaga ang loko!” saad naman ni Sep na


kasunod na din ni July.

“Dapat talaga pinag-audition na ninyo dati pa para naman


may saysay ang kaartehan nuun.” biro din ni March na kasunod na
din nang dalawa.

“Kayo talagang mga bata kayo.” saway ni Mang Madeng.

“Halina sa loob at nang makita na namin si bunso.”


anyaya ni July.

“Mabuti pa nga.” sang-ayon ni Aling Andeng. Palakad na


sila subalit tila hindi pa din tumitinag si Adrian sa pagkakaupo.

“Adrian anak tara na!” aya sa kanya ni Mang Madeng.

“Anak daw!” tudyo nila July, Sep at March.

“Tumigil na nga kayo.” saway pa ni Mang Madeng.

Tila hindi makapaniwala si Adrian sa nangyayari ngayon.


Kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang gumising dahil
masaya siyang malamang tanggap na sila at ang relasyon nila nang
mga magulang ni Micco.

“Adrian dito ka na umupo.” aya ni Aling Andeng kay


Adrian na umupo sa tabi ni Micco. “Alam ko namang masyado
kang sabik kay Micco, kaya dito ka na.” wika pa nang ginang.

195
Emmanuel R. Caleon

“Salamat po!” walang pagdadalawang isip na umupo nga


si Adrian sa tabi ni Micco at agad na hinawakan ito sa kamay.

Ilang sandali pa at –

“Micco!” nasambit ni July nang makitang dumilat na si


Micco.

“Ate July!” sagot ni Micco.

“Micco!” mahina, ngunit punung-puno nang emosyno at


kasiyahan si Adrian sa pagsasabi nito.

“Adrian ko.” nagtataka man ay napangiti si Micco sa


nakitang si Adrian nga iyon.

“Sorry anak!” paghingi nang tawad ni Mang Madeng kay


Micco. “Kasalanan ko ito.” dugtong pa nito.

“Tay naman! Wala po kayong kasalanan.” wika ni Micco.

“Alam mo anak” simula ni Aling Andeng “naisip kong


kahit naman anong gawin namin kung talagang mahal ninyo ang
isa‟t-isa, hindi naman namin kayo mapaghihiwalay. Ayoko
namang habang-buhay na kami na lang ang pinag-bibigyan at
iniintindi mo.” saad pa ng matanda.

“Salamat po nanay, tatay.” tanging nasambit ni Micco.


Labis na kasiyahan ang nasa puso ni Micco nang mga oras na iyon.
Hindi niya alam kung papaano magpapasalamat sa Diyos dahil sa
pagpapaunawa sa mga magulang niya nang sitwasyon nila ni
Adrian. Masayang masaya siya dahil alam niyang nabawasan na
ang balkid sa relasyon nilang dalawa.

“Adrian, iingatan mo si Micco!” paalalang may pag-uutos


mula kay Mang Madeng.

“Opo naman Tay!” sagot ni Adrian.

“One big happy family na naman tayo!” sabi ni July.

“This deserve for a group hug!” suhestiyon ni Sep.

“Taralets, group hug na!” sabi pa ni March.

196
Hindi pa man nagtatagal ay biglang nag-ring ang phone ni
Adrian –

“Sandali lang po, sagutin ko lang po muna.” paalam ni


Adrian sa pamilya ni Micco.

“Sige.” sagot ni Mang Madeng.

“Micco ko, sagutin ko muna.” nakangiting wika ni Adrian


kay Micco.

“Sige po Adrian ko.” apruba naman ni Micco.

---------------------------------------------------

“Yes Ma.” simula ni Adrian sa usapan.


“As I promise, everything is okay.” sagot naman nang
knayang nanay.
“Talaga Ma?” tila hindi makapaniwala si Adrian sa
narining.
“Oo, in fact your father invites Micco for a dinner
tomorrow.” sagot ng Donya.
“I‟m not sure about that, Micco is in hospital. What about
next week?” sagot ni Adrian.
“What happened to Micco?” tila may pag-aalala na din sa
Donya.
“He collapsed, but he is fine now.” sagot ni Adrian.
“Goodness! You should be taking care of your Micco!”
tila pagsesermon nito kay Adrian.
“Ma, that‟s what I am doing right now.” malambing na
sagot ni Adrian.
“Okay, we expect you next week.” sagot ng donya.
“I love you Ma!” wika ni Adrian.
“I love you too son. Okay, I‟ll drop the call.” wika nang
donya sabay pindot sa end call.

----------------------------------------------------

Tuluyan na ngang nakarecover ang katawan ni Micco.


Nakatulong din sa kanya ang pagtanggap nang mga magulang niya
sa kanilang dalawa ni Adrian. Nakabalik na din siya sa bahy ni
Adrian sa Maynila at nagpatuloy ang pagiging music teacher niya
sa mga bata. Biyernes nang gabi, may hindi inaasahang bisita si
Adrian.

197
Emmanuel R. Caleon

“Nakauwi na ba si Adrian?” tanong nang Don sa


mayordoma ni Adrian.

“Wala pa po, mamaya pa po darating iyon.” sagot naman


nang mayordoma sa tanong na bagamat nagulat ay nagawa pa ding
ngumiti.

“Nasaan si Micco?” tanong naman nang Donya.

“Nasa taas po at tinuturuan po ang mga bata.” sagot ulit


nang mayordoma.

Umakyat ang mag-asawa sa kwartong sinabi nang


mayordoma ni Adrian – bubuksan n asana nila ang pintuan nang
marinig ang isang pamilyar na awiting matagal na din nilang hindi
nadidinig –

“Bituing marikit, sa gabi nang buhay


Ang bawat kislap mo‟y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako‟y bahaginan”

Biglang napahinto ang Donya sa pagbubukas nang pinto –

“Bakit?” tanong nang Don.

“Pakinggan mo kung ano ang itinuturo ni Micco sa mga


bata.” sagot nang Donya.

“Natanim sa puso, yaong isang pag-ibig


Na pinakasasamba, sa loob nang dibdib
Sa iyong luningning, ako‟y nasasabik
Ikaw ang pangarap ko, bituing marikit.”

Bumalik sa gunita nang dalawa ang kabataan, ang


panahon nila nang ligawan at ang panahong away-bati ang
sitwasyon nila. Ang isang pagmamahalang muntikan nang hindi
humantong sa altar, subalit sa puso nang nagmamahal, gagawin
ang lahat para lang maisakatuparan laban sa anumang hadlang.
Lalo nilang naintindihan ang sitwasyon nina Adrian at Micco at
lalo nilang naunawaan na tuna yang pagmamahalan nang dalawa.

Tuluyang binuksan nang Donya ang pinto – maingat at


dahan-dahan. Ayaw nilang magambala ang ginagawang pagkanta
nang mga bata.
198
“Lapitan mo ako, halina bituin
Ating pag-isahin, ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa‟y, huwag mong uhawin
Sa tamis nang iyong pag-ibig.”

Naalala din nang mag-asawa ang mga anak na babaeng


una nang binawi sa kanila. Ito ang unang kantang itinuro nila sa
mga anak. Ang kantang naging malaki ang bahagi sa buhay nila.
Ang panahon kung saan uso pa ang harana sa probinsya, ito ang
laging kinakanta nang Don sa tapat nang bahay nang Donya.

“Lapitan mo ako, halina bituin


Ating pag-isahin, ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa‟y, huwag mong uhawin
Sa tamis nang iyong pag-ibig.”

Matapos ang awit ay pinalakpakan nila ang mga bata,


maging si Micco. Labis na ligaya ang nadama nila an gmuling
marinig ang kantang sa buong akala nila ay nalimutan na ng
panahon. Ang kantang huli nilang narinig ay hindi na nila maalala
sa tagal.

“Lolo! Lola!” bati nang mga bata sabay na tinakbo ang


dalawang matanda.

“Ang galing ng mga apo ko!” bati nang Donya sa


kanyang mga apo.

“Galing po kasi ni Tito Micco magturo.” sabi ni James.

“Pero mas maganda po kung solo lang si Tito Micco.”


saad naman ni Melissa.

“Basta magaling kayo.” sabi naman nang Don.

Tila nakaramdam naman nang hiya si Micco sa harap


nang mga magulang ni Adrian. Hindi niya alam kung bakit biglang
bumilis ang tibok nang kanyang puso. Nangatog ang kanyang mga
tuhod at nanginig ang buo niyang katawan.

“Micco, you‟re such a great person.” bati naman nang


Donya.

199
Emmanuel R. Caleon

“Ma! Pa!” bati ni Adrian sa mga magulang. “Napasugod


ata kayo?” tanong pa nito.

“Hindi na kasi makapaghintay ang Papa mo kaya kami na


ang pumunta dito.” sagot nang Donya.

“You chooses the right person.” wika naman nang Don.

“I told you so!” tila may pagmamayabang na wika ni


Adrian.

Hindi naman maintindihan ni Micco kung ano ang pinag-


uusapan nang tatlo.

“Siguro sobrang humanga lang sa mga bata iyon kaya


nasabing right person daw ako.” wika ni Micco sa sarili.

“Pinahanda ko na po ang hapunan, tara na bumaba na


tayo.” anyaya ni Adrian sa mga magulang.

“Micco ko, halika na.” anyaya ni Adrian kay Micco sabay


lapit at akbay dito.

“Bakit?” tila lalong pagtataka ni Micco.

“You will know it later.” sagot ni Adrian kasunod ang


isang matamis na ngiti.

Maganda ang pakiramdam ni Micco sa kung ano ang


sinabi ni Adrian. Nararamdaman niyang may magandang balita na
sasabihin ito sa kanya. Isang magandang balitang matagal na
niyang inaasahan at gusto niyang mangyari.

“Before we eat, I want to welcome the newest member of


our family.” simula nang Don bago kumain.

“Let us have a toss for Micco!” sabi nang Don.

Nagulat naman si Micco sa sinabing iyon nang Don.


Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman, saya ba ang
pagtataka. Pero ang alam niya, magtaka man siya ay patuloy sa
paglundag ang puso niya sa kung ano man ang posibleng maganap.

“Adrian told us your story and we accept you to be his


lifetime partner. Even if it is hard at first, yet we realize that his
200
happiness will only depend to whom he will spend it with. As we
see, his happiness depends on you.” sabi nang Donya.

“And we don‟t want to be antagonistic in Adrian‟s life


and we don‟t want to see him suffers.” pahabol nang Don.

“Thank you!” naluluhang wika ni Micco. “I don‟t know


how can I thank you for understanding us.”

“Micco, I love you!” wika ni Adrian sabay lapit sa likod


ni Micco at niyakap niya ito.

“Tama na ang drama, kumain na tayo.” wika naman nang


Donya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing


nakahanda. Higit pa ay labis na kasiyahan ang nadarama ni Micco
at Adrian dahil batid nilang ang pinakamatinding pagsubok sa
ngayon ay nalampasan na nila. Natanggap na sila nang kanilang
mga pamilya at ngayon naman ay lalaban na sila sa mga
bumabatikos sa mga kagaya nila. Nakahanda na silang harapin ang
mas malawak na mundo at alam nilang sa tulong nang kanilang
pamilya at sa tunay na pagmamahalang mayroon silang dalawa ay
makakaya nilang labanan ang lahat nang hahadlang sa kanilang
tunay na nararamdaman.

201
Emmanuel R. Caleon

Forbidden Kiss
Isinulat ni Emmanuel delos Reyes Caleon

Chapter 20
Sa Bukas kong Ikaw ang Kasama

“Micco” wika ni Adrian “mahal na mahal kita at


nararamdaman kong mas lalo pa kitang minamahal.” wika ni
Adrian habang nakasandal sa kanyang dibdib si Micco.

“Mahal na mahal din po kita at nararamdaman kong sa


bawat araw na dumadaan ay higit pa kitang minamahal.” sagot
naman ni Micco.

Nakaupo sila sa dalampasigan at ginuhitan nila ng puso


ang lugar kung nasaan sila. Minamasdan ang papalubog na araw at
sinasariwa ang nakraan – nakaraang puno nang hirap at saya,
lungkot at ligaya, sakit at ngiti, luha at tawa. Nakasandal si Micco
sa dibdib ni Adrian habang hawak naman ni Adrian ang mga
kamay ni Micco na siyang iniyakap din niya sa katawan nito.
Malamig ang hangin at naririnig nila ang mga alon na dumadampi
din sa kanilang mga paa. Sinasabayan pa ito nang mga ibong
lumilipad sa langit na tila nakikisaya sa kanila.

“Wag mo po akong iiwan.” wika ulit ni Adrian sabay


halik sa noo nang mahal niyang si Micco.

“Hindi kailanman at ayokong nawala ang isang taong


katulad mo sa buhay ko. Ang taong bumuo sa pagkatao ko at sa
pagiging ako.” sagot ni Micco. “Ikaw din po sana hindi mo ako
iiwan.

“Hinding-hindi Micco ko!” sagot ni Adrian. “Hindi ko


hahayaang mawala ang taong nagbalik sa akin nang ngiti at
nagbigay sa akin ang tunay na ligaya. Muling kinulayang ang
mundo ko at binigyan nang buhay.”

“Salamat po sa sampung taon.” wika ni Micco.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian.

---------------------------------------------------
202
Sampung taon – sampung taon na ang nakakalipas buhat
nang malaya nilang hinarap ang mundo bilang sila at hindi na
nagkukubli pa sa kasinungalingan at anino nang takot sa lipunang
ginagalawan. Sampung taong nakikipaglaban para sa
pagmamahalang sa simula ay pangarap lamang. Sampung taon na
mula nang pigtasin ang tanikalang nakapalupot sa kanilang mga
leeg na nagpipigil para patuloy na itago ang laman nang puso.
Sampung taon mula nang maganap ang isang Forbidden Kiss na
ngayon ay pinatunayan nilang it is not forbidden but rather a
deprivation of what it actually means, the privation of what it
ought to be because of the standards that are so problematic.

Sa unang taon nila ay agad silang humarap sa biyaya nang


Companionship. Buong angkan na nga halos nilang dalawa ang
umakyat sa Baguio para lang sa seremonyang ito. Inaruga at
inalagaan ang mga pamangkin ni Adrian bilang mga tunay nilang
mga anak. Nag-ampon nang dalawang batang ulila galing sa
Fortitude. Ang plano nila ay si Cherry ang kuhanin subalit may
umampon ng nauna sa kanila. Tulad nang normal na pamilya at
mag-asawa ay may tampuhan, away at hindi pagkakaunawaan,
subalit salamat kay Kuya Glenn ni Micco, kay pinsang Alex ni
Adrian dahil tila ito ang mga anghel na nagiging katulong nila para
maayos ang gulo.

Si Glenn na minamahal din si Micco ay nahulog sa


kagandahan at kabaitan ni Michelle. Silang dalawa ang
nagkatuluyan at mayroon nang isang anak. Alam ni Michelle ang
naging pagtingin ni Glenn para kay Micco – sino ba naman siya
para hindi tanggapin ang nakaraan ni Glenn. Isa lamang siyang
hamak na nagmamahal na kahit na anong nakaraan ni Glenn ay
kaya niyang intindihin at unawain. Alam niyang kung ang
nakaraan nito ay hindi niya kayang tanggapin, hindi siya karapat-
dapat para kay Glenn sa hinaharap.

Si LJ at Jhell ay kapwa nagkaroon na din ng mga asawa.


Nagkaanak at may malaking bahagi din sa pagmamahalan nila
Micco at Adrian. Si Liz at Carl naman ay naging magkakilala dahil
kay Micco – oo walang bahid malisya ang pagkakaibigan nila Carl
at Micco. Naging sila sa bandang huli at ngayon nga ay masayang
nabubuhay sa piling nang isa‟t-isa at patuloy pa din si Liz sa
pagtulong sa Fortitude at naimpluwensiyahan niya sa Carl na
tumulong din.

203
Emmanuel R. Caleon

Ang kanilang mga pamilya naman ay tila nagkasundo-


sundo. Tinanggap ang bawat isa at naging malapit din naman. Ang
ama ni Adrian at ni Micco ay kapwa kongresista na at nagtatagpo
sa kongreso. Mahigpit na magkalaban sa plenary subalit matalik na
magkaibigan paglabas. Walang plastikan at walang siraan. Ang
nanay ni Micco ay nakapagpatayo nang sarili nitong eskwelahan,
na humuhubog sa mga estudyante para huwag magpatali sa kung
ano na ang nakasanayan. Samantalang ang ina ni Adrian ay naging
pangunahing personalidad nang ampunan – Fortitude. Ang mga
kapatid ni Micco ay lalong naging maligaya at mas naramdaman
ang ligaya nang makamit at napagtanto ang gusto nila sa buhay.
Naging mas matibay ang pamilya at ang pagmamahalan.

Limang taon na sila Adrian at Micco nang lumipad ang


mga ito sa Canada. Ang isang batas na ayaw ipatupad sa Pilipinas
na mayroon sa Canada ang pakay nila. Legal na silang mag-asawa
ngayon sa ilalim nang batas. Iyon nga lang ay may kaunting
problema dahil sa national differences, ngunit sapat na iyon sa
kanila at least may katibayan sila na kilala nang batas ang
pagmamahalan nila.

--------------------------------------------------

“Thank you for ten years of holding my heart and keeping


it with care. Thank you for teaching me the essence of love – how
it feels to love and how it feels to be love. Thank you for showing
me the sense of my existence and that is, loving you. Thank you
for the days you stood beside me – through thick and thin. Thank
you for sharing tears and laughter. Thank you for the shared stories
of happiness and sorrows. Thank you for showing me that the
world is beautiful by staying beside me. Thank you for letting me
cherish every second of my life because of your love. Thank you
for the endless encouragements and inspirations. Thank you for the
beautiful memories worth to adore.” wika ni Micco.

“Thank you for spending your life with me! I can‟t ask
anything aside from your love and from you to be mine and be my
life.” sambit ni Adrian.

“If I had to choose another life, I‟ll rather take the original
road to your arms and let my heart to choose forbiddingly. I have
no regrets to what had happened ten year ago and I must be in
great despair if I pushed that chance of loving you away. I have no
doubts about the love and my love is pure and passionate.” saad pa
ni Micco. Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni
204
Micco – mga luha nang kaligayahan dahil hanggang ngayon ay
mahal nila at mas lalong minamahal ang isa‟t-isa. Mga luhang
sanhi nang nakaraang hindi naman laging matamis ang nangyayari
ay heto sila‟t napagtagumpayan ang laban.

Ngiti lang ang sinagot ni Adrian sa sinabing iyon ni


Micco. Natutuwa ang puso niya na marinig iyon, ang mga
katagang iyon mula sa labi nang minamahal. Ang mga katagang
sapat na para pawiin ang lahat nang sakit nanadarama niya sa loob
nang smapung taon – ang mga sakit na ibinatong pilit sa kanila
nang lipunan para hadlangan ang isang tunay na pagmamahalan.
Ramdam niya kung gaano katotoo ang sinasabing iyon ni Micco at
ramdam niya ang sincerity nito. Pinunasan niya ang mga luha ni
Micco na unti-unting nalaglag mula sa mga nito at hindi naglaon
ay maging siya ay napaluha na din.

Ngayon nga ay papalubog na ang araw at sabay nilang


itong piunagmamasadan.

END

205
Emmanuel R. Caleon

Emmanuel R. Caleon

Kwentong BS

My All
Dreamer

Episteme Series
No Boundaries
Sa Bawat Sigaw ng Pagbabago
Bandehado
Retokada

206

You might also like