Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 477

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] School Trip


[TOTALPARTS] 36
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Teaser
*******************************************
TEASER

"Lets push her classmates!"

School bullies...

"At san ka pupunta? Hindi pa kita nasasampal, right?"

PAK!

Isa ka ba sa mga estudyanteng natutuwang saktan ang mga kaklase mong walang
kalaban-laban?
O isa ka sa mga estudyanteng sinasaktan dahil wala kang kalaban-laban?

"Oh my god! Nagpakamatay pala si Olivia kagabi..."

----

"Class, magkakaroon tayo ng school tour next week..."

Paano kung ang patay na kinawawa niyo noon ay magbalik?

"I swear to God! Nakita ko si Olivia!"

"She's dead. Imposibleng makita mo pa siya!"


At ang akala niyong simpleng field trip ay magiging...

NAKAKATAKOT...

NAKAKAKABA...

NAKAKAMATAY!

"Umalis na tayo dito...Huhu..."

"Pero papaano?!"

Tumakbo ka na hangga't may lupa...

Huminga ka na hangga't may hangin...


Mula sa naghandog ng kakatakutang Inggit, Do Not Disturb at Dara Kara...

Isa na namang kwento ang magpapaikot sa inyong mga utak at lalaruin ang inyong
imahinasyon!

SCHOOL TRIP...Sasama ka ba?

*******************************************
[2] Author's Note + Video Trailer
*******************************************

AUTHOR'S NOTE:

Dedicated to AMANDA TODD. Say NO TO BULLYING!


Actually, medyo nag-worry ako ng marealize kong matatapos na ang Dara Kara. Nasabi
ko "Naku! Anong horror story ang ipapalit ko sa Dara Kara? Dapat meron! Meron
dapat! Hahaha!"

Then, it came up to my mind na gumawa ng horror story na sa school ang setting


(which is hindi ko pa nagagawa). Ayun, nabuo ko na ang plot ng School Trip at sa
magdamag na pag-iisip ay nakabuo na rin ako ng twist sa ending nito.

Hindi ko pa alam iyong news about kay Amanda Todd.

The next day, ng mag-Facebook ako may nakita akong shared photo ni Amanda at
nalaman ko iyong nangyari sa kanya. She was bullied and commit suicide.

Wew!

Kinilabutan talaga ako kasi ang School Trip ay tungkol kay Olivia na victim ng
bullying and commit suicide.

Kaya naisip ko na idedicate ang story na ito kay Amanda Todd. So, this story ay
inspired sa nangyari sa kanya.

Lets pray for her soul.


STOP BULLYING!

Hmm. Oo nga pala. Nasa tabi ang video trailer ng School Trip. Pagpasensiyahan niyo
na at di maganda ang pagkakagawa kasi...FIRST TIME kong gumawa ng trailer chorva..

TRAILER ------------------------------>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

-soju-

-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------

*******************************************
[3] LESSON 1- How to Welcome A Newbie
*******************************************
Author's Note:

Sana naman po ay walang mag silent read. Hinabaan ko talaga ang unang chapter para
mas ganahan kayo. Wag kakalimutang mag comment at vote. Promote na rin. Lets spread
this story...Nasa gilid po ang picture ni Olivia. Alam ko po maraming magsasabi ng
"Ay katulad ito ng movie or story na Blah blah blah." Naku, sasakluban talaga kita
ng panty ng matanda. Eh kasi hindi pa nga tapos ang boxing eh, dineklara mo na agad
ang panalo. Parang ganun lang. First horror story ko ito for 2013 kaya good vibes
lang...

Salamat.

-Kuya Soju

LESSON 1- How to Welcome A Newbie


"HEY! HEY! HEY!" Thea hurriedly said sa mga kaibigan niyang abala sa kanya-kanyang
mga gadget.

Itinirik ni Charina ang mga mata. "Ang O.A. naman ng entrance mo Thea! Over-over
huh! Ano bang meron?" sabi ni Charina. Ang kikay sa grupo.

"Itigil niyo muna kasi iyang mga ginagawa niyo, guys! Lend me your ears..." mala-
preacher na sabi ni Thea.

Inilapag ni Bridgette ang hawak na tablet sa lap nito at hinarap ang maingay na si
Thea. Bridgette act as the group leader dahil bukod sa stunning beauty niya ay siya
pa ang pinakamayaman sa buong Wellington High School. "Make sure na nice iyang
sasabihin mo or else..." mataray na pagbabanta ni Bridgette.

"Oo nga..Ano bang sasabihin mo Thea?" at inakbayan pa ni Jacob si Thea. Pinalis ni


Thea ang kamay ng lalaking playboy. Obvious naman na tsumatsansing lang ito sa
kanya.

"There is a new girl in our school. And guess what kung sino siya?" ani Thea.

"Pwede ba Thea, sabihin mo na kasi kung ano ang gusto mong sabihin!" sigaw ni Emma.
Ang war-freak.

"Pwedeng mag relax?" sabay irap ni Thea. "Ayon nga...May transfer sa school natin
and magugulat kayo kung sino. None other than...Olivia Penelope!"
Natigilan ang lahat. Nag-isip kung sino si Olivia Penelope...

"Olivia Penelope who?" nakataas ang kilay na tanong ni Bridgette.

Napapitik sa hangin si Ford. Isa ring playboy. "Damn! Olivia Penelope! She's oozing
hot!" at dinilaan pa nito ang labi niya.

"Yeah right, Olivia is really hot." sabat naman ni Matthew.

"Teka, teka nga! Sino ba talaga iyang Olivia whatever na iyan?" ani Emma na hindi
maka-relate sa mga sinasabi ng mga boys.

Inilabas ni Matthew ang kanyang iPhone 5 mula sa kanyang bulsa. He tap on his
phone. Then...

"Watch this guys..." ani Matthew and put his phone kung saan mapapanood ng lahat
ang video na nagpe-play doon.

Isang rated-X sex scandal ang napanood nila.


"That's Olivia!" tinuro pa niya Matthew ang babaeng may ginagawang malaswa sa
video.

"She's good huh. I want her!" sabi ni Jacob.

"Look guys...There she is," halos pabulong ni Thea. Itinuro nito sa kanila ang
isang babaeng mag-isang kumakain sa canteen na kinaroroonan nila.

Mas maganda si Olivia sa personal. Bilugan ang mga mata nito at may maliit pero
matangos na ilong. Mapupula ang labi nito. Lampas balikat ang itim na buhok.
Natural na pinkish ang pisngi nito na bumagay sa maputi at makinis nitong kutis.

"May bago na naman tayong human toy! Hahaha!" bulalas ni Bridgette.

Human toy. Iyon ang tawag nila sa mga estudyanteng pinaglalaruan nila o pinag-
titripan. Marami na silang nabiktima kaya naman ilag ang mga students ng Wellington
sa grupo nila.

Kinakawawa. Inuutos-utusan. Pinapahiya. Pinapahirapan. Sinasaktan. Iyan ang


ginagawa nilang pito sa kanilang human toy. Trip lang talaga kumbaga kahit alam
nilang nakakasakit na sila ng kapwa ay tuloy pa rin sila.

-------------------------------------------

"EVERYONE, please take your seats. Before we start our class, ipapakilala ko muna
sa inyo ang bago niyong classmate."

Pagkasabi noon ni Teacher Noah ay pumasok na ang 15-years old na si Olivia Penelope
sa loob ng kanyang bagong classroom. Nakilala na niya kanina si Teacher Noah bago
magsimula ang klase. Ito kasi ang kanyang magiging adviser ngayong fourth year high
school na siya.

She transfer again dahil sa isang dahilan. Ngayong jourth year siya ay naka-tatlong
transfer na siya ng school. Tuwing may nakakaalam sa kanyang sikreto ay wala siyang
pagpipilian kundi ang lumipat ng eskwelahan. Sawang-sawa na siyang kutyain at
husgahan ng harapan.

Yes, she admit it. May sex video siya. Her ex-boyfriend when she was 14 taped their
lovemaking. Kung lovemaking nga bang matatawag iyon. At noong maghiwalay sila ng
boyfriend niya na iyon ay na-shocked na lang siya ng ikalat nito ang private video
nilang dalawa. That boy is so proud na ito ang nakauna sa kanya.

"Hi, ako si Olivia Penelope--" Hindi pa siya tapos sa pagpapakilala ng biglang


sumingit sa pagsasalita si Jacob. "Diba may sex video ka? Meron ako nun sa phone ko
eh," at inilabas pa nito ang cellphone at pi-nlay ang naturang video.

Napayuko sa sobrang hiya si Olivia. Talaga nga palang kalat na ang sensitibo niyang
video. Gusto na niyang maglaho sa kinatatayuan niya ng oras na iyon. Pinuno ng mga
tawa ng mga kaklase niya ang buong classroom. Tumulo ang kanyang mga luhang ayaw na
sana niyang ilabas. Pinahid niya iyon ng kanyang mga palad.

"Class, tumigil na kayo!" ma-awtoridad na saway ni Teacher Noah. Lumapit pa ito kay
Jacob at hinablot ang hawak nitong cellphone.

"Teacher Noah! Akina iyang cellphone ko!"


"No Jacob. You have to learn your lesson! Matuto kang gumalang sa mga babae. Hindi
mo ito makukuha hanggang end of this month," bumalik na si Teacher Noah sa unahan.
Naiinis naman na umupo si Jacob.

"You may take your seat now, Olivia," utos sa kanya ni Teacher Noah.

"Saan po ako uupo Teacher Noah?" tanong niya.

Isang babae na maputi ang nagtaas ng kamay. "Teacher, may bakante pong seat sa tabi
ko. Pwede po bang seatmate na lang kami ng new classmate namin?"

"Wow, bakit parang ang bait Bridgette?" natatawang sabi noong isa pang babae na
nakaupo sa likuran nito.

"Will you stop Charina! Baka isipin ni Olivia na bad girl ako...Come, Olivia," yaya
sa kanya ng tinawag na Bridgette.

Nakayukong naglakad si Olivia papunta sa upuang katabi ni Bridgette. Bakit parang


lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya? Ayaw niya ng ganoong pakiramdam.

Uupo na sana siya sa upuan ng biglang hilahin ni Bridgette ang upuan dahilan para
mahulog siya at sumalampak sa sahig.
Nakakabingi ang tawanang umugong sa loob ng classroom. Nahihiyang tumayo si Olivia
at umayos na ng upo. Pakiramdam niya ay hindi siya magiging masaya sa school na
ito. Pagka-uwi na pagka-uwi niya ay sasabihin niya sa kanyang nanay na ilipat na
lang siyang muli ng school.

Kahit sa inalisan niyang school ay wala siyang naging kaibigan.

Umupo na siya...

"You're new here?" napatingin si Olivia sa bandang kaliwa niya.

Isang nakangiting babae ang kanyang nakita. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang
friendly. Nakadagdag sa ganda nito ang mapupungay nitong mga mata.

"Yes, tama ka..." nahihiya pa niyang sagot.

"Ako si Maika...And you are?"

"Olivia..."

"Nice meeting you Olivia. If you need something or help, andito lang ako..."

"Thanks..."
Natigilan si Olivia sandali ng mapagawi ang tingin niya sa bintana. May nakasilip
na lalaki roon at sa kanya nakatingin. Titig na titig ang lalaki sa kanya na tila
may nais sabihin.Matangkad ang lalaki at nakasuot ng school uniform. Napansin yata
ni Maika na may tinitingnan siya kaya naman tinignan din nito ang tinitignan niya.
Biglang umalis iyong lalaki.

"Sino iyon?" tanong niya.

"Sino?"

"Iyong lalaki sa bintana...Nakatingin siya sa akin."

Muling tumingin sa bintana si Olivia. Pero wala na roon ang lalaking nakita niya
kanina. "Wala naman ah. Hmm...Baka naman admirer mo, Olivia. Naku naman ha. Ke-
bago-bago mo palang dito, may nagkakagusto na kaagad sa iyo!" kinikilig na sabi ni
Maika. Kinurot pa siya nito sa tagiliran kaya napaigtad siya.

Napangiti na lamang siya sa sinabi ng bagong kaibigan.

-----------------------------------------------------

NAKATINGIN sa kalawakan ng school ground si Olivia. Nasa rooftop siya ng school


building. Malakas at presko ang hangin sa itaas. Dinala siya doon ni Maika. Sandali
lang itong umalis upang bumili ng makakain sa canteen. Ayon dito ay masarap kumain
sa lugar na ito.

"Masarap tumambay dito," nagulat na lamang si Olivia ng may biglang nagsalita sa


tabi niya.

"I-ikaw?" gulat na sabi niya.

Ito iyong lalaking nakita niya na nakatingin sa kanya mula sa bintana.

"Ikaw iyong lalaking nakita ko kanina. Sino ka ba?" may takot na tanong niya.

Napaka-misteryoso kasi ng dating ng lalaki para sa kanya.

"Natatakot ka ba sa akin?" napaatras si Olivia ng humakbang palapit sa kanya ang


lalaki.

"Ang tanong ko ang sagutin mo. Sino ka ba?"

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako, Olivia." Humakbang muli ang lalaki.

"Wag kang lumapit, please..." pakiusap niya. Natatakot talaga siya sa lalaki.
Hanggang sa ma-realize niyang nakalapit na ang lalaki sa kanya. Tila nanigas ang
kanyang katawan dahil hindi niya magawang makagalaw.

"Hindi ako ang dapat mong katakutan Olivia kundi sila..." anas ng lalaki.

"Sinong sila?" nahihiwagaan na tanong niya.

"Sila..." ulit ng lalaki at umalis na ito.

Ilang segundo lang pagkatapos nitong umalis aysiya namang dating ni Maika. May dala
itong burger at softdrinks. "May kausap ka ba? I heard your talking to someone"
inabot sa kanya ni Maika ang burger at softdrinks.

"W-wala..." pagsisinungaling niya.

Maya-maya ay naging sunud-sunod na ang mga kwento ni Maika pero wala roon ang
kanyang atensiyon kundi nasa misteryosong lalaking iyon. "Tapos, nadapa ako!" at
malakas na tumawa si Maika sa sarili nitong kwento.

Napansin yata nito ang kawalan niya ng interes sa mga sinasabi nito. "Hindi ka
naman yata nakikinig sa kwento ko eh!"
Napakurap siya ng mata. "Ha? Pasensiya ka na Maika. May iniisip lang ako."

"Iniisip? Kaya naman pala. Ano ba iyang iniisip mo?"

"Maika, may kilala ka bang lalaki na nag-aaral dito na matangkad, gwapo at


mysterious?"

Napahagikhik si Maika. "Maraming ganyang lalaki dito Olivia. Bakit ba?"

"Wala..." sagot na lamang niya.

-----------------------------------------

"YOU ARE OLIVIA, right?"

Isang gwapong lalaki ang nakita niyang nakalahad ang kamay sa harapan niya. Nasa
library siya noon at may ginagawang research. Nakakabighani ang ngiti ng lalaki
kaya naman tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito.

"Y-yes...Ako nga."
"Ako si Steven. Lahat ng new students dito kilala ko. Lalo na at katulad mong
maganda," umupo sa tabi niya.

Namula ang mukha niya sa sinabing iyon ng bagong kakilala. Maya-maya ay biglang
dumating si Bridgette...

"There you are! Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala!" sabi ni Bridgette
kay Steven na parang hindi siya nakikita.

Tumayo na si Steven ng di man lang nagpapaalam sa kanya. Napa-buntunghininga na


lamang siya at ipinagpatuloy ang ginagawang research.

"Parang wala naman sa book na ito ang hinahanap ko," kausap niya sa sarili. Kaya
tumayo siya upang kumuha ng panibagong aklat.

Isang aklat ang kukuhain niya sana pero may nakasabay siya sa pagkuha ng aklat.
Napamaang siya ng makilala niya iyon. Iyong misteryosong lalaki. Nagtama ang
kanilang mga mata.

"Huwag kang magtiwala sa kanila," kinuha ng lalaki iyong aklat at binigay sa kanya.

"Alam mo ang weird mo! Sino ka ba?" mahina lamang ang boses niya dahil baka
mapagalitan siya ng librarian.

"Tawagin mo na lang akong Yoseif..."


"Yoseif?"

"Mag-iingat ka Olivia sa mga nakikipagkaibigan at lumalapit sa iyo. Hindi mo sila


kilala..." napakunot ang noo niya.

"Hindi talaga kita maintindihan..."

Tinignan lang siyang muli ng lalaki at umalis dinagad ito.

------------------------------------------------------

KATATAPOS lang ng practice ng volleyball for girls. Magkasabay na naglalakad


papunta sa locker sina Maika at Olivia.

"Maika, may kakilala ka bang Yoseif? Nag-aaral siya dito," tanong niya sa kaibigan.

Nag-isip si Maika. "Yoseif? Anong year daw ba?"


"Siguro ka-year level natin siya..."

"Wala akong kilalang Yoseif na fourth year. Sino bang Yoseif na iyan?" usisa sa
kanya ng kaibigan. Sasagutin na sana niya ang tanong ni Maika ng biglang mag-ring
ang cellphone nito. Nag-excuse sandali si Maika upang sagutin ang telepono. Ilang
minuto lang ay bumalik na ito ng tila may lungkot sa mga mata.

"Oh, bakit? May problema ba?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan.

Parang maiiyak na ng sumagot si Maika. "Oo eh. Inatake na naman kasi sa puso si
Mommy. Mild lang naman pero nasa hospital siya ngayon. Okey lang ba na hindi muna
ako makakasabay sa pag-uwi Olivia? Pupuntahan ko muna si Mommy..."

"Ano ka ba Maika. Siyempre, okey lang. Teka hindi ka ba muna magpapalit ng damit?"

"Hindi na, friend...Nag-aalala na talaga ako kay Mommy..."

Matapos makapagpaalam ni Maika sa kanya ay nagmamadali na itong umalis. Siya naman


ay pumasok na sa locker room. Binuksan niya ang kanyang locker at kinuha ang
uniform niya at towel. Matapos iyon ay dinala na siya ng kanyang mga paa sa shower
area.

Hinubad niya ang mga kasuotan niya at tanging panty lang ang kanyang itinira.
Binuksan niya ang shower. Kailangan niyang magmadali sa paliligo. Napansin niya
kasi na kokonti na lamang ang mga babae sa locker room at baka maiwan siyang mag-
isa. May kumakalat pa naman na kwento na may babae daw na ni-rape sa locker room na
iyon. Hanggang ngayon daw ay patuloy na nagpaparamdam ang kaluluwa ng babaeng
ginahasa doon dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang gumahasa dito.
Nagpupunas na siya ng mukha ng maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kanya.
Tumingin siya sa kanyang likod pero wala siyang nakita. Biglang lumamig ang
kapaligiran... Pinakiramdaman niya ang paligid. Alam niya...May nakatingin sa
kanya. Nagmamadali siyang nagbihis at lumabas ng shower area. Papalabas na sana
siya nang biglang bumangga siya sa isang tao.

Muntik na siyang mapasigaw pero napigilan niya.

"Sir Gomez!" bulalas niya ng makilala ang nakabangga kanina.

"Olivia..." mahinang tawag sa kanya ng teacher nila sa P.E. Nasa edad kuwarenta na
ang guro nilang ito.

Nakahinga ng maluwag si Olivia. Ang buong akala niya ay mag-isa na siya roon.
Nakita niya kasi kanina na siya na lang ang nasa locker room. Pero teka, ano ang
ginagawa dito ni Sir Gomez. Hindi ba't pambabae ang locker room na ito?

"S-sir Gomez...A-ano pong ginagawa niyo dito?" kinakabahan niyang tanong. Napaatras
siya nang unti-unti ay lumapit sa kanya si Sir Gomez.

"Ikaw...Ikaw ang pinuntahan ko dito..."

"Sir..."

Pinigilan niya ang sumigaw nang haplusin ng guro kanyang pisngi. Nanginginig na ang
buo niyang katawan sa sobrang takot. Alam niyang hindi maganda ang mangyayari.
"Pagbigyan mo na ako Olivia. Matagal na akong gigil na gigil sa iyo eh! Napanood ko
ang video mo. Ang sarap mo!" at hinawakan pa siya ng guro sa balikat at pilit
siyang pinaghahalikan.

"Sir, wag po!" sigaw pa niya habang nagpupumiglas. Dahil sa panlalaban niya ay
malakas siyang sinampal ni Sir Gomez sa kanyang pisngi.

Sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya aynapatumba siya. Halos tumabingi pa nga


ang kanyan mukha. Naramdaman din ni Olivia ang pagdugo sa gilid ng kanyang mga
labi. Itinukod niya sa sahig ang dalawang braso. Lumuhod sa harapan niya si Sir
Gomez. Sinabunutan siya nito at iniharap ang mukha niya sa mukha nito.

"Wag ka nang pumalag Olivia!" punung-puno ng makamundong pagnanasa ang mga mata
nito. Dinilaan pa ng guro ang kanyang pisngi. Diring-diri siya ng mga oras na iyon.
Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang. Kinapa ni Sir Gomez ang kanyang
dibdib. Doon na siya naghisterikal.

"Saklolo!!! Tulungan niyo akooo!!!" sumigaw ng sumigaw si Olivia. Kailangan niyang


makahinging tulong! Pero tinawanan lang siya ni Sir Gomez."Hahahahaha!!! Kahit
anong sigaw ang gawin mo, walang tutulong sa iyo Olivia! Tayo na lang dalawa ang
nandito sa school, alam mo ba iyon? Kaya kung ako sa iyo maging mabait ka na sa
akin, pwede!"

Napailing siya. Hindi ito maaari...

Muli siyang nagsisigaw. Sa pagkakataong ito ay mas malakas. Hindi siya dapat
mawalan ng pag-asang may makakadinig sa kanya. Pero lalong nairita si Sir Gomez sa
ginagawa niyang pagsigaw kaya naman malakas siya nitong inundayan ng suntok sa
kanyang puson. Napaigik siya. Tila hindi na siya makaagsalita. Unti-unti na rin
siyang nakaramdam ng panghihina. Gumapang siya. Gusto niyang makalayo... Naramdaman
na lang niya ang paghawak ni Sir Gomez sa kanya. Itinihaya siya nito at muling
sinuntok sa puson. Doon na siya tuluyang nawalan ng lakas. Hindi na niya maigalaw
ang anumang parte ng kanyang katawan pero gisingang kanyang diwa.
Inupuan siya ni Sir Gomez sa kanyang tiyan at nagsimula na itong maghubad. Nang
wala ng saplot ang guro ay siya naman ang tinanggalan nito ng damit.

"S-ir...M-maawa po k-kayo..." pakiusap ni Olivia habang isa-isang tinatanggal ng


hayop na guro ang kanyang mga saplot. Para namang bingi na walang naririnig si Sir
Gomez.

Habang ginagawa ni Sir Gomez ang kahayupan nito sa kanya ay nakatingin lang sa
kisame si Olivia habang umiiyak. Wala siyang magawa ng mga sandaling iyon.

Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata ng biglang may lumitaw na babae sa kisame.
Nakalutang ito at tulad niya ay umiiyak ito. Ang nakakatakot lang ay dugo ang
iniluluha nito. Maputla ang balat ng babae at pulos dugo rin ang suot nitong school
uniform.

Blangko ang mukha ng babaeng nakalutang.

Hindi na nakayanan ni Olivia ang lahat at pinanawan na siya ng ulirat.

---------------------------------------------------------

NAGISING na lamang si Olivia ng makita niyang nagbibihis na si Sir Gomez.


Nakatalikod ito sa kanya. Agad niyang sinamo ang sariling damit at nag-umpisa na
ring magbihis. Napahagulhol na si Olivia ng iyak. Awang-awa siya sa kanyang sarili.

"Huwag mo ng subukang magsumbong Olivia. Alam ko kung saan ka nakatira...Kaya ng-


kaya kong gilitan ng leeg ang nanay mo!" parang wala lang na sabi ni Sir Gomez.

Napakahayop talaga ni Sir Gomez! Malamang ay ito rin ang gumahasa doon sa babaeng
nagmumulto sa shower room.

Hanggang sa may maramdaman si Olivia na humawak sa kanyang balikat. Paglingon niya


ay nakita niya si Yoseif na may hawak na baseball bat.

Magsasalita sana siya pero inilagay ni Yoseif ang hintuturo nito sa sariling bibig.
Senyales nahuwag siyang maingay. Tumango na lamang siya.

Marahan na nilapitan ni Yoseif ang nakatalikod na si Sir Gomez. Nang makalapit na


ay tinapik nito sa balikat ang guro. Pagkaharap ni Sir Gomez ay agad na hinampas ni
Yoseif ng baseball bat sa ulo ang guro!
-CLASS DISMISS!-

*******************************************
[4] LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse
*******************************************
AUTHOR's NOTE: Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga nagcomments, nagvotes at
patuloy na naghihintay sa update ng School Trip. Kaya heto na, updated na siya.
Maraming salamat po sa mainit na pag-welcome niyo sa horror story ko na ito.
Pasensiya na po talaga kung once ot twice sa isang linggo lang ako makakapag-update
kasi alam niyo naman po na nagtatrabaho ako at tatlo po ang on going stories ko...

Guys, favor naman po. May sinalihan kasi akong contest at syempre gusto kong
manalo. Hehe. Paki-LIKE naman po lahat ng photo sa Album na ito:
http://www.facebook.com/media/set/?
set=a.415688698509915.100315.124678100944311&type=3. (Ilalagay ko po sa external
link sa tabi para di na po kayo mahirapan). Maraming salamat po kung magagawa niyo
iyan :)

At para sa mga curious sa hitsura ni YOSEIF. Nasa tabi po ang kanyang pictures.
Kayo na ang humusga! Hahaha!

-------------------------------------------------------
LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse

--------------- --------------- -------------

NANG MAKALAPIT na si Yoseif kay Sir Gomez ay malakas nitong hinampas sa ulo gamit
ang baseball bat ang guro. Napaupo ang guro habang sapo ang ulo na may sumisirit na
dugo. Hahampasin pa sana ni Yoseif si Sir Gomez pero mabilis na hinawakan ni Olivia
ang braso nito.

"Tama na Yoseif!" pigil niya. Tumingin sa kanya si Yoseif. Wala na namang


ekspresiyon ang gwapo nitong mukha.

"Dapat lang sa kanya ang mamatay Olivia. Matapos ang ginawa niya sa iyo? Hayaan
mong ako ang maningil sa hayop na ito..."

"Pero..."

"Manood ka na lang Olivia..." muling hinarap ni Yoseif si Sir Gomez na hilo pa rin
sa tinanggap na palo sa ulo. Tatayo pa sana si Sir Gomez pero malakas na hinampas
agad ito ni Yoseif sa likod.

Isa, dalawa, tatlo...Hanggang sa sumuka na ng dugo ito. Nanatitiling nakatayo lang


si Olivia. Nakatulala habang unti-unting pinapatay si Sir Gomez ni Yoseif.

Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya ng mga oras na iyon.

"Patay na ito..."

Napatingin si Olivia sa katawan ni Sir Gomez.Halos hindi mo na ito makikilala.


Durog ang ulo at mukha nito. Kalat-kalat din ang utak nito at naliligo na ito sa
sarili nitong dugo. Puno na rin ng dugo ang damit ni Yoseif.
"Umalis na tayo bago pa may makakita sa atin," sabay lahad ng kamay ni Yoseif.
Inabot niya ang kamay niya dito at lumakad na sila palayo.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya dito habang naglalakad sila palabas ng school.

"Dahil masama siyang tao Olivia."

"Hindi iyon...Ang ibig kong sabihin ay bakit kailangang ikaw ang gumanti para sa
akin?"

Tumigil sa paglalakad si Yoseif. Itinapon nito sa malayo ang hawak na baseball bat.
"Dahil ako ang protector mo!"

"Protector?" naguguluhan niyang tanong.

"Oo Olivia. Andito ako para protektahan ka. Para ipagtanggol ka sa lahat! Magtiwala
ka lang sa akin..."
"Pero...Pinatay mo si Sir Gomez," sagot niya.

Malakas na humalakhak si Yoseif. Tawa na nakakapangilabot. "Hindi ako ang pumatay


kay Sir Gomez. IKAW. Ikaw ang pumatay sa kanya!"

Tila umikot ang paligid ni Olivia sa sinabing iyon ni Yoseif. Napatingala siya
sabay lingon sa kanyang likuran at pagharap niya wala na si Yoseif. Nanghihina na
napaupo si Olivia ng makita niyang puno ng dugo ang kanyang kamay at katawan!

"Hindi...H-hindiiiiii!!!!" Sigaw niya. Napahagulhol na rin siya sa gitna ng gabi.

Tama si Yoseif. Walang ibang pumatay kay Sir Gomez kundi siya...Walang Yoseif!
Gawa-gawa lang ito ng kanyang malikot na imahinasyon. Lumalabas si Yoseif sa tuwing
pakiramdam niya ay kailangan niya ito. Noong nasa rooftop at library siya, wala
siyang kausap noon kundi ang kanyang sarili lamang.

Ang totoo kasi ay namental hospital na siya dahil sa trauma at kakahiyang sinapit
niya dahil sa sex video na iyon. Ang mga peklat sa kanyang pulso ang patunay na
ilang beses na niyang pinagtangkaan ang sariling buhay...
-------------------------------------------

PAGDATING sa bahay ay agad na nilunod ni Olivia ang sarili sa shower. Pakiramdam


niya ay ang dumi-dumi na niya. Kinuha ni Sir Gomez ang puri niya. Ipinikit niya ang
kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang isipan ang napakabrutal na pagpatay niya sa
guro. Napangiti siya. Marahil ay tama lang ang ginawa niya. Dapat lang sa tulad ni
Sir Gomez ang mamatay!

Matapos maligo ay nagbihis na siya ng damit pantulog. Humiga na siya sa kanyang


kama upang matulog. Maya-maya lamang ay mahimbing na siyang natutulog.

Naalimpungatan lang siya ng may marinig siyang tumatawag sa kanyang pangalan.


"Olivia...Olivia..." mahina lamang iyon. Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Marahan niyang iminulat ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. At ganun na
lang ang pagsigaw niya ng makitang katabi niya sa hinihigaang kama ang naaagnas na
bangkay ni Sir Gomez! Napasigaw siya sa labis na takot. Agad siyang bumaling sa
kabilang side ng kanyang kama pero nandoon pa rin si Sir Gomez!
Muli ay napasigaw siya ng mahigpit siyang yakapin ng bangkay ng pinatay niyang
guro....

KRIIINNNGGG!!!

Napasinghap si Olivia ng magising siya. Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa


kabuuan ng kanyang kwarto. Wala na roon ang bangkay. Panaginip lang ang lahat...

KRIIINGGG!!!

Napapitlag siya ng muling tumunog ang kanyang alarm clock. Pinatay niya ang alarm
niyon.

6:30 A.M. Kailangan na niyang maghanda sa pagpasok sa school.


----------------------------------------------------

NAGKAKAGULO ang lahat ng pumasok na si Olivia sa school. Hindi na siya nagtataka


kung bakit nagkakaganoon ang mga ito. Alam na alam na niya ang dahilan.

"Olivia! Olivia!" humahangos na lumapit sa kanya si Maika. May mga mumunti pa itong
pawis sa noo. Hinawakan siya sa braso ng kaibigan.

"Ano iyon Maika? Bakit parang natataranta ka?" kunwari ay wala pa siyang alam pero
may hinala siya na alam na niya ang sasabihin nito.

"Hindi mo pa ba alam?"

"Ang alin?" nakakunot ang noo na tanong niya.


Inalog-alog pa ni Maika ang kanyang braso. "Si Sir Gomez, natagpuang patay sa may
girl's locker room! Nakakadiri ang pagkakapatay sa kanya, grabe!"

Maya-maya ay pinatabi sila ng mga pulis. Inilalabas na kasi ang duguang bangkay ni
Sir Gomez. Napayakap naman sa takot sa kanya si Maika. Isang pulis ang lumapit sa
kanya kinausap siya."Ikaw ba si Olivia Penelope?"

Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya alam na ng mga ito ang totoong nangyari kagabi--
kung bakit namatay si Sir Gomez? Hindi...Hindi dapat siya magpahalata. "Ako nga po.
Bakit po?" pinigilan niyang huwag kabahan sa pagsasalita.

"May nakakita daw kasi sa iyo kagabi na huli kang lumabas sa school. May nakita ka
bang kahina-hinalang tao dito sa loob ng school?"

"Wala po..." Kaswal na sagot lang ni Olivia.

"Ganun ba? Sige, iyon lang. Salamat," at umalis na ang mga pulis. Sinundan ng
tingin ni Olivia ang mga pulis. Mabuti na lamang ay hindi siya pinaghinalaan ng mga
pulis...
"Grabe talaga Olivia! Feel ko malaki ang galit ng pumatay kay Sir Gomez--"

"Tara na Maika...Mag-uum pisa na ang klase natin," putol niya sa sasabihin ni


Maika. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kay Sir Gomez.

Kumibit-balikat na lang si Maika. "Okey. Tara na nga. Baka ma-late na naman tayo."

---------------------------------------------------

NAGULAT na lang si Olivia at Maika ng biglang tumapon sa mukha ng una ang kinakaing
spaghetti niya. Napuno ng sauce ang mukha niya maging ang kanyang buhok. Pag-angat
niya ng mukha ay tatlong babae ang nakita niya. Nakangisi ang isa sa mga ito at
galit na galit.
"Sinong may sabi sa inyong kumain kayo sa pwesto namin, ha?!" naninindak na sigaw
nung isa.

Pamilyar ang mga mukha ng mga ito. Classmates niya marahil.

"Sino namang may sabi sa inyo na pagmamay-ari niyo ang lamesang ito?" matalim na
tanong ni Maika. Palaban din ito.

Ipinatong ng babae ang paa nito sa mesa."Sinasagot mo ako? Tarantada ka ba?!" sabay
sampal kay Maika.

Hindi nakaimik si Olivia ng sampalin din siya ng babaeng siga. Tinignan niya lang
ito ng masama.

Napatingin siya sa malayo at nakita niya roon ang imahe ni Yoseif...

Parang gusto siyang lapitan ni Yoseif at ipagtanggol sa mga babaeng nasa kanyang
harapan. Pero ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Hindi na pwedeng lumabas
si Yoseif. Masyadong mapanganib kung ito ang kumikilos. Pagmulat niya ng kanyang
mga mata ay tumingin siyang muli sa gawi ni Yoseif at unti-unting nanlalabo ang
imahe nito. Hanggang sa tila sumama na lang itong maglaho sa hangin.
"Whats happening in here?" Mataray na dumating sa eksena si Bridgette kasama pa ang
tatlong lalaki. "Bakit parang nanggugulo ka yata Emma. Again?" Kunwari ay
pinagsasabihan nito ang babaeng nagtapon ng spaghetti sa mukha niya.

"Eh panu ba naman. Itong scandal girl na ito at ang kaibigan niya, pumupwesto sa
table natin! Mamaya mahawaan pa tayo ng karumihan niyan!" Sagot ni Emma.

Napayuko si Olivia. Sa lakas ng boses nito ay talagang nadinig ng lahat ng nasa


canteen ang pinagsasabi nito. Nakakahiya. Hindi pa rin talaga siya sanay.

Nag-umpisa ang bulung-bulungan. Hindi man nadidinig ni Olivia ng maayos ang


bulungan ay alam niyang patungkol sa kanya ang mga iyon. Tungkol sa isang bagay na
matagal ng nangyari na napakatagal ng natapos. Bakit ganoon ang tao? Kapag
kahihiyaan ng kapwa nito, hinding-hindi nakakalimutan. Lilibakin ka hanggang sa
tabunan ka na ng lupa. Pero ang mga kabutihang ginawa mo ay agad na nawawala sa
kanilang isipan. Ibabaon sabay ng pagkalagot ng iyong hininga.

Napatingin siya kina Bridgette. Lumapit ito sa kanya. "I am so sorry Olivia. War-
freak lang talaga ang friend kong si Emma. Hmm. And oh! You are in a mess and you
need to clean up. Here, take this bottled of water..." Kukunin na sana niya ang
bottled water pero ito na mismo ang nagbukas noon sabay ibinuhos sa kanyang ulo ng
paunti-unti.
Napasinghap siya.

Nagtawanan ang lahat. Pati si Maika na matapang kanina ay wala ng nagawa. Takot din
ito. Alam niya.

"Now, your clean Olivia. But hindi malilinis ng bottled water lang ang duming
nakakabit sa pangalan mo. Maybe a muriatic acid can do. Hahaha!" Tagos sa puso.
Masakit. Mga salitang tila kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib.

Hindi maari ang ganito. Tumapang ang kanyang mukha. Tinitigan ang bawat isa na
naroon at huli niyang tinitigan ng masama si Bridgette. Punung-puno na siya. Wala
na ang kanyang pagtitimpi!

Malakas niyang itinulak si Bridgette dahilan para matumba ito. Nagsigawan ang lahat
ng bigla niyang damputin ang isang table knife. Sumampa siya sa ibabaw ng babae at
itinaas ang kanyang kamay upang saksakin ito...
-CLASS DISMISSED!-

Mapatay kaya ni Olivia si Brisgette? Mas lalong dadami ang mga rebelasyon sa
susunod nating pag-aaral...

*******************************************
[5] LESSON 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!
*******************************************
DEDICATION:
Dedicated sa kanya dahil sa comment niya na: "Yung palihim ko 'tong binabasa sa
Computer class namin kahit kahit katabi lang ng computer ko yung teacher's table,
grabe sooobrang hirap gawin wag lang mahuli pero Oks lang dahil kay Yoisef at sana
ituloy ni Olivia ang pagsaksak kay Bridgette, ang bully much (abangan na lang niya
sa labas ng school). NO TO BULLIES!"

Haha. Natuwa lang ako sa comment niya. Pero wag papabayaan ang studies ha? Good
luck! XD

AUTHOR's NOTE:

Patalastas muna tayo ha. Ayon sa malalim at mabuti kong pagreresearch (kuno) ay eto
ang kalagayan ni Olivia.
-----------------------------------------------------

Dissociative identity disorder (previously known as multiple personality disorder)


is an effect of severe trauma during early childhood, usually extreme, repetitive
physical, sexual, or emotional abuse.

What Is Dissociative Identity Disorder?

Most of us have experienced mild dissociation, which is like daydreaming or getting


lost in the moment while working on a project. However, dissociative identity
disorder is a severe form of dissociation, a mental process, which produces a lack
of connection in a person's thoughts, memories, feelings, actions, or sense of
identity. Dissociative identity disorder is thought to stem from trauma experienced
by the person with the disorder. The dissociative aspect is thought to be a coping
mechanism -- the person literally dissociates himself from a situation or
experience that's too violent, traumatic, or painful to assimilate with his
conscious self.

Is Dissociative Identity Disorder Real?

You may wonder if dissociative identity disorder is real. After all, understanding
the development of multiple personalities is difficult, even for highly trained
experts. But dissociative identity disorder does exist. It is the most severe and
chronic manifestation of the dissociative disorders that cause multiple
personalities.

Other types of dissociative disorders defined in the DSM-IV, the main psychiatry
manual used to classify mental illnesses, include dissociative amnesia,
dissociative fugue, and depersonalization disorder.

---------------------------------------------------------

OK. Kunwari binasa mo siya at inintindi kahit copy-paste lang siya sa isang
website. Hehe. Kahit ako hindi ko rin binasa. Pero promise. Binasa ko siya kahit
papaano. Tama na nga. Pinahaba ko lang ang author's note ng mga paliwanag na iyan.

Ayan. Lesson 3 na tayo. Huwag kakalimutang i-comment ang inyong natutunan sa lesson
na ito. Vote at promote na rin para masaya. 'Kay? Fan na rin. Libre lang iyan.

-Kuya Soju
-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------

Lesson 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!

"OLIVIA! Huwag Olivia!"

Nagmamadaling pinigilan ni Teacher Noah ang akmang pagsaksak ni Olivia ng kutsilyo


sa kaklase nitong si Bridgette. Nahawakan niya agad sa braso si Olivia. Hinigpitan
niya. At kinuha niya ang hawak nitong patalim sabay hagis noon sa ibabaw ng lamesa.
Inilayo niya si Olivia at tinulungang makatayo si Bridgette.
"Anong nangyari dito? Bakit mo sasaksakin si Bridgette, Olivia?!" Mataas ang boses
niya.

Lumapit sa kanya si Bridgette at kumapit pa sa kanyang braso. "Teacher Noah, hindi


ko pa alam kay Olivia pero bigla na lang niya akong sasaksakin kanina. I think
Olivia is losing her mind! Huhuhu!" At maarteng umiyak pa sa tabi niya ang kanyang
estudyante.

"Nagsisinungaling po siya Teacher Noah!" Depensa ni Maika. "Ang grupo po ni


Bridgette ang nag-umpisa ng lahat. Nananahimik po kami ni Olivia dito tapos
nanggugulo ang mga iyan!"

Alam ni Teacher Noah na nagsasabi ng totoo si Maika. Mahilig talaga sa gulo ang
grupo nina Bridgette. Ilang estudyante na ba dito ang napag-tripan ng mga ito at
nagtransfer ng school dahil sa mga ito? Marami na. Marami nang estudyante ang
nabully ng mga ito. Useless kung papagalitan niya sina Bridgette. Mas masisiyahan
pa nga ang mga ito. Ganun naman talaga ang mga bullies. Natutuwa kapag nakasakit.
Nasisiyahan kapag napansin.

Labis ang awang lumukob sa kanya ng makita niya ang hitsura ni Olivia. Basang-basa
ang buhok nito. May mantsa pa ng sauce ng spaghetti sa puti nitong blouse. "Olivia,
maari ka munang umuwi. Just fix your self, OK?"

"Salamat sir..." Nakayuko nitong sabi.


Sinundan niya ng tingin si Olivia. Kaawa-awa talaga. Siya na ang bagong laruan nina
Bridgette. Kung may magagawa lang sana siya. Pero wala. Wala talaga.

"Kayo naman, magsibalik na kayo sa mga classrooms niyo!" May awtoridad na utos ni
Teacher Noah.

-------------------------------------------

MARAHANG binuksan ni Olivia ang pinto ng kanyang kwarto. Sumalubong sa kanya ang
malamig at tahimik na loob ng kanyang kwarto. Madilim. Hindi pa rin siya
nakakapaglinis. Nakadikit pa rin sa kanya ang malagkit na sauce. Natuyo na ang mga
iyon.

Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Nakatukod sa magkabilang side niya ang kanyang
kamay habang blanko ang isip na nakatingin sa sahig. Hanggang sa makarinig siya ng
yabag ng mga paa. Iniangat niya ang ulo. Nakita niyang papalapit sa kanya si Yoseif
na galing sa madilim na sulok ng kanyang silid. Walang ekspresiyon ang mukha nito.

"Kailangan mo ba ng tulong ko?" tanong sa kanya ni Yoseif.


Umiling siya.

"Ang hirap naman kasi sa iyo Olivia. Alam mo naman ang sulosyon sa problema mo pero
hindi mo ginagawa. Heto. Kunin mo..." Inabot sa kanya ni Yoseif ang isang blade.

Umiling siya. "Ayoko na. Tama na Yoseif..." Pagsamo niya.

Ngumisi si Yoseif. "Tss. Hayaan mong ako ang gumawa sa iyo nito." Pagkasabi noon ni
Yoseif ay inililis nito ang kanyang palda. Hanggang sa nakalantad na ang kanyang
maputing hita. Ipinakita nito sa kanya ang hawak nitong blade. Sa unang tingin pa
lang niya ay alam niyang napakatalim na noon. Nakakapunit. Nakakahiwa. Nakakasugat.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naramdaman na lang niya ang pagdampi
ng blade sa hita niya. Mababaw lang pero ramdam niya ang hapdi. Isa. Dalawa. Hindi
na niya mabilang ang nilikhang hiwa ni Yoseif sa kanyang hita. Umaagos na ang dugo
doon.

Hihiwain pa sana ulit ni Yoseif ang hita niya ng biglang bumukas ang pinto ng
kanyang kwarto. "Diyos ko! Olivia!" Hiyaw ng kanyang ina na kitang-kita ang
paglalaslas niya sa kanyang sariling hita.
Tumakbo ito palapit sa kanya at mabilis na inagaw sa kanya ang hawak niyang blade.
"Akina na iyan! Ano na namang ginagawa mo sa sarili mo?!" Umiiyak na tanong ng
kanyang ina sa kanya.

Kinuha nito ang kanyang kumot at ginawang pang-ampat sa dugong lumalabas sa kanyang
sugat. "Inay...Alam na nila." Nakatulala lang si Olivia.

"Anong gusto mong gawin natin Olivia? Lumipat na naman tayo ng lugar? Aalis ka na
naman sa school mo? Olivia. Pagod na pagod na ako, anak!"

"Pero Inay. Alam na nila..." aniya. Tulala.

Umiiyak na napayakap sa kanya ang ina. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Olivia...Huhuhu..."

Nakatulala pa rin siya. Nakita niyang kumaway pa sa kanya si Yoseif bago ito
lumabas ng kanyang kwarto.

-------------------------------------------
"TEACHER NOAH! Sandali lang po!" Habol ni Charina sa guro na papalabas na ng gate.
Uwian na noon at talagang hinintay niya ang paglabas ng adviser kahit medyo pagabi
na ng oras na iyon.

Lumingon sa kanya si Teacher Noah. Kinilig na naman si Charina ng mapagmasdan ang


gwapong mukha ng 26-years old na guro na sobrang crush na crush niya. "Oh Charina.
Bakit andito ka pa? Kanina pa nag-uwian ang mga estudyante ah..."

Lalong kinilig si Charina. Pakiramdam niya ay nag-aalala ang kanyang adviser sa


sinabi nito. "Don't worry Teacher Noah. Kasama ko pa po naman si Thea. Ayun po siya
oh!" At itinuro ni Charina si Thea na nakaupo sa gilid ng stage.

Kumaway pa si Thea ng ituro niya. Nagtaka bigla si Charina dahil may kasama nang
babaeng estudyante si Thea. Kanina naman kasi ay nag-iisa ito. Binalewala na lamang
niya ang napansin. Ibinalik na lang niya ang atensiyon kay Teacher Noah.

"Ahh. Mabuti naman pala at may kasama ka. Oo nga pala. Ano nga pala ang pakay mo at
hinihintay mo ako?" Sabi ng gwapong guro sa kanya.

"Ibibigay ko lang po sana ito, teacher..." Sabay labas ng isang box ng chocolates
ni Charina na nasa loob ng bag nito. "Matagal ko na po kayong gusto Teacher Noah!
Sana tanggapin niyo po ito..."
Napansin ni Charina na natigilan si Teacher Noah. Tila na-shock ito sa sinabi niya.
"Take it Teacher Noah. Para sa inyo po ang mga chocolates na ito..."

Umiling si Teacher Noah. "No Charina. Hindi ko iyan matatanggap. Sana maintindihan
mo na mali ito. Guro mo ako at estudyante kita."

"Pero Teacher--"

"Umuwi na kayo ni Thea. Gabi na. Bye." Tumalikod na si Teacher Noah. Umalis na ito
habang nagngingitngit sa inis si Charina.

Pinuntahan na nito si Thea. Nakatawang tinanong siya ng kaibigan. "Oh ano? Kumusta?
What happen?"

"Ayaw niya. Ayaw niya sa akin!" Sigaw niya sabay bato sa box ng chocolates.

"Ay! Bakit mo binato? Kung ayaw niya sana sa chocolates, sa akin mo na lang sana
ibinigay!" Sabi pa ni Thea.
"Ewan!" Namumula na ang mukha ni Charina. "Tara na nga. May araw din ang Teacher
Noah na 'yan!" Paghihimutok pa niya.

"OK. Lets go!"

Paalis na sana sila ng biglang may maalala si Charina. "Sandali. Asan na iyong
babaeng kasama mo Thea? Hindi pa ba iyon sasabay sa pag-uwi natin?" kaswal na
tanong lang ni Charina.

Nangunot ang noo ni Thea. "Ano daw? Sinong babae?"

"Iyong babaeng katabi mo kanina sa stage noong nakaupo ka. Nasaan na siya?"

"Don't try to scare me Charina! Wala akong kasama kanina. Swear!"

"Eh s-sino iyong nakita kong kasama mo kanina dito?" Nanghihilakbot na tanong ni
Charina.
Nagkatinginan ang dalawa. Nanlalaki ang kaniang mga mata. Sabay nanlaki ang mga
mata nila. At parang sinisilihan ang mga puwet na nagtatakbo palabas ng school sina
Charina at Thea.

-------------------------------------------

HANGGANG sa MRT station ay hindi pa rin makalimutan nina Thea at Charina ang
nakakapangilabot nilang karanasan. Nanginginig pa rin sa takot ang dalawa at
talagang halos mamutla pa.

"Uy, diba si Teacher Noah iyon?" turan ni Thea ng makita nila sa isang sulok si
Teacher Noah habang may kausap itong isang may edad ng ginang. Tila nagtatalo ang
dalawa.

"Oo nga ano. Wait, sino naman iyong kausap niyang babae at parang nagtatalo sila.
God! Baka multo na naman ang babaeng iyon!" Takot na turan ni Charina.

"Gaga! Nakita mo nang kinakausap ni Teacher Noah tapos sasabihin mong multo?
Shunga lang?" ani Thea. "Tara. Lapitan natin. Parang nagtatalo sila oh."
Napailing si Charina. Inaabot na naman ng pagka-tsismosa si Thea. Wala na siyang
nagawa kundi ang sumunod dito. Nagkubli ang dalawa sa malaking poste na malapit sa
kinaroroonan nina Teacher Noah at noong babae. At nakinig na ang dalawa sa usapan
nina Teacher Noah.

"Mahal ko siya!" Iyon ang agad na narinig nila na sinabi ni Teacher Noah.

Impit na napatili si Charina. "Did you hear that Thea? Mahal daw ako ni Teacher
Noah..." Kinikilig pa talaga ito.

"Ilusyunada!" sagot sa kanya ni Thea. "Nakita mo na ngang hindi niya tinanggap


iyong chocolates mo tapos sasabihin mong mahal ka niya. Asa! Makinig na nga lang
tayo sa usapan nila at mukhang exciting!"

Napasimangot si Charina. "Chismosa!" gagad niya. Pero hindi na siya pinansin nito.
Nakinig na lang itong muli.

Iyong babae naman ang nagsalita. "Pero Noah, kapatid mo siya! Hindi kayo pwede!"

Gimbal ang dalawa sa narinig.


"Wala akong pakialam. Basta mahal ko siya!" At nang makita nila na tapos nang mag-
usap ang dalawa ay lalong nagsumiksik ang dalawa sa poste dahil papunta sa gawi
nila si Teacher Noah.

Nang wala na ito ay nagkatinginan sina Charina at Thea. Hindi makapaniwala sa


narinig. Sa pagkakaintindi nila ay may mahal na babae si Teacher Noah at ang
nakaka-shock doon ay kapatid pa nito!

Nagkatinginan ang dalawa sabay sabi ng, "Incest...Ewwww!!!"

"Kadiri pala ang Teacher Noah na iyan! Tara na nga!" At sumakay na ang dalawa sa
dumating na MRT.

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[6] LESSON 4- Meeting New Friend + Music Video OST
*******************************************
NASA GILID PO ANG MUSIC VIDEO NG SCHOOL TRIP. SANA PO AY MAGUSTUHAN NIYO :)
DEDICATION: Dedicated kay vann_dex95.

Heto kasi ang comment niya sa previous chapter...

"tuwang tuwa ang mga kumag kong kaklasi nang ipamalita ko na may bagong story si
kuya_soju. hahahaha... agad agad binasa kahit talak ng talak si sir sa discussion..
sori po sir.. XD"

Ow NO! Ganyan ang itinuturo sa inyo ni Teacher Noah? Haha! Wag papabayaan ang
studies guys.

AUTHOR's NOTE:

Maraming salamat nga pala sa tumulong sa akin na manguna sa poll sa contest ng TRE-
SB. Number one na po sa poll ang story ko. Sana manalo ang inyong lingkod. Hays,
sobrang nakakaiyak lang iyong support lalao na yung mga pini-Em ko na I know
nakulitan na sa akin. Nga pala, YOU HAVE TO READ THIS para hindi na kayo
nagtatanong kung kelan ang update ng School Trip. Once a week, every WEDNESDAY po
ang update. Wala na sanang mag-cocomment ng "Kelan ang update?" dahil sasakluban ko
kayo ng panty ni Lola!

Hala! Basa na. Comment at vote na rin para masaya. 'Kay? Fan na rin para mas happy!
Haha!

-Kuya Soju
---------------------------------------------------------------------------------

LESSON 4- Meeting New Friend

"OF COURSE naman! Dinig na dinig namin na may karelasyon si Teacher Noah at ang
nakakashock is kapatid pa niya iyon!" Nanlalaki ang mga mata ni Thea habang
nagkukwento ito kina Bridgette sa school tungkol sa nakita at narinig nila ni
Charina na usapan nina Teacher Noah at ng isang may edad na babae. "And alam ko,
nagsasama na sila!" Dugtong pa ni Thea.

Pinalo ni Charina si Thea. "Ay wala naman tayong nakinig na ganun ah!"

"Shunga ka talaga Charina. Syempre ganun na rin iyon. Baka nga lang hindi lang sila
nagsasama eh. Worst eh, baka may anak na sila, diba?" Ganoon talaga magkwento si
Thea ng mga tsismis. Karaniwan ay dagdag-bawas.
Napapalatak si Bridgette. "So, may dark secret pala si Teacher Noah na iyan. Tss.
Akala mo kung sinong saint kapag nasa school. Iyon naman pala, pumapatol sa kanyang
kapatid..."

"Pero sino naman kaya itong kapatid ni Teacher Noah?" singit ni Steven na boyfriend
ni Bridgette.

Natahimik ang lahat sa tanong na iyon ni Steven. Tama ito. Sino ang kapatid na iyon
ni Teacher? Kahit isa sa kanila ay walang ideya. Ni isa rin sa kanila ang
nakakaalam ng bahay na tinutuluyan ng kanilang adviser.

Naantala ang pag-iisip ng grupo ng humahangos na dumating si Ford. "Andiyan na


siya! Andiyan na si Olivia!"

-------------------------------------------

WALANG-IMIK. Tahimik na pumasok sa classroom sina Olivia at Maika.

Medyo nagulat pa ang dalawa ng mapansin nilang tahimik at maayos na nakaupo sa


kani-kanilang upuan ang kanilang mga classmates. Akala mo ay may misa sa simbahan.
Nakikiramdam ang dalawang magkaibigan. Nakayuko ngunit tinitignan nila ang bawat
isa. Marahan lamang ang kanilang paglakad hanggang sa marating na nila ang kanilang
upuan.

Eksaktong pagkaupo nilang dalawa ng biglang may sumigaw ng: "Fire!!!" Pagkasabi
noon ay kanya-kanya nang bato ng mga kinuyumos na papel ang lahat ng mga kaklase
nila kina Olivia at Maika.

Wala na lang nagawa ang dalawa kundi ang tanggapin ang mga papel na ibinabato sa
kanila.

-------------------------------------------

PAPALABAS na ng girl's CR si Maika ng harangin siya nina Thea, Charina at Emma sa


paglabas niya ng cubicle. Bahagya siyang napaatras sa mga nakakalokong ngiti ng mga
ito. "A-anong gagawin niyo sa akin?" May halong takot ang boses na tanong niya.
Biglang nahawi ang tatlo at pumasok si Bridgette. Naka-crossed-arms pa

"Hi Maika! Kumusta ka na?" Mataray ang mga ngiti na sumilay sa labi ni Bridgette.
Nagulat na lamang si Maika ng bigla siyang itulak ni Bridgette papasok ng cubicle
dahilan para mapaupo siya sa bowl sa loob noon. "Hawakan niyo siya!" Utos nito sa
mga kasama nito.

Mabilis na sumunod ang tatlo. Hinawakan siya sa kamay at paa nina Thea, Charina at
Emma habang nakaupo siya sa cubicle. "A-ano bang gagawin niyo sa akin?!" Tanong
muli ni Maika.

"Wala naman...Lets say na...Sabit ka lang sa paglalaro namin. And because, you are
with Olivia eh, damay ka na rin!" Sabay tawa. Hindi niya alam kung anong nakakatawa
at tumatawa si Bridgette. Masaya ba ito sa ginagawa nito?

"Bitiwan niyo nga ako! Hindi pa ba kayo nagsasawa Bridgette? Ilang estudyante na ba
ang pinagtripan niyo? Ilang estudyante na ba ang nagtransfer sa ibang school dahil
sa pambubully niyo? At ngayon si Olivia naman?! Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kailan
ba kayo titigil!" Galit na sabi ni Maika.

Napansin ni Maika na natigilan si Bridgette at napaatras ito. Mukhang tinablan ito


sa sinabi niya.
"Maika..." tawag sa kanya nito. "Alam mo, dahil sa sinabi mo...May maganda akong
regalo para sa iyo!" At isang bagay ang inilabas nito mula sa bag na dala nito.

Nanghindik si Maika ng makitang isang bote ng muriatic acid ang hawak ni Bridgette
ng oras na iyon. "Huwag! Huwag! Tulungan niyo ako! Tulong! Tu--- Hmmmp!!!" Hindi na
niya nagawang makapagsalita ng takpan ni Emma ng isa nitong kamay ang kanyang
bibig.

Nanlalaki ang kanyang mga mata ng ipinaikot-ikot ni Bridgette ang muriatic acid sa
kanyang ulunan. Alam niya ang nasa isip ni Bridgette! Ibubuhos nito ang laman noon
sa kanyang mukha!

"Pasensiya ka na Maika ha? We need to do this. Masyado ka na kasing umeeksena. Iyan


tuloy nadamay ka...Hahaha!" Pagkatapos ng tawang iyon ay binuksan na nito ang bote
at walang awa na isinaboy lahat ng laman noon sa mukha niya.

"AHHHHHHHHH!!!"

Malakas na napasigaw si Maika ng kumalat sa kanyang mukha ang likidong isinaboy sa


kanya. Itinakip niya ang kanyang dalawang palad sa mukha at walang tigil na umiyak
at tumangis. "Huhuhu...Ang mukha koooo!!! Ahhhhhhhhh!!!"
"Tumigil ka!" Tinanggal ni Bridgette ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa
kanyang mukha sabay sampal sa kanya. Hinila siya sa buhok nito palabas ng cubicle
at napaluhod siya sa harapan nito. Sinabunutan siya ni Bridgette at iniharap ang
mukha niya sa mukha nito.

Ngumiti ito. "Wag kang OA Maika. Hindi muriatic acid ang isinaboy ko sa mukha mo
kundi isang mabahong ihi lang. Hahaha! Ewww!" At talagang pinagtawanan pa siya ng
mga ito habang siya ay umiiyak at nanginginig pa sa takot.

Sa sinabing iyon ni Bridgette ay agad na pinakiramdaman ni Maika ang kanyang mukha.


Tama si Bridgette. Hindi asido ang isinaboy nito kundi isang ihi lamang. Pero hindi
napawi ng realisasyon na iyon ang panginginig sa takot ni Maika.

"Inuulit ko Maika. Kung ayaw mong madamay sa pangti-trip namin kay Olivia, layuan
mo siya! OK?" Tumayo na si Bridgette at iniwang nanginginig sa takot ang kawawang
si Maika.

-------------------------------------------
NAPANGITI si Olivia ng makita niyang papasok ng canteen ang kaibigan niyang si
Maika. Nakayuko ito kaya nilapitan ito ni Olivia at kinausap. "Maika! Kanina pa
kita hinihintay. Nabanggit mo kasi sa akin na paborito mo ang meatballs spaghetti
kaya nagluto ako. Heto oh." Sabay taas niya ng hawak na tupperware. "Share tayo!"
aniya.

"Ayoko. K-kumain na ako..." Malamig ang boses ni Maika at napansin niya iyon.
Lumabas ng canteen si Maika at sinundan niya ito.

Hinabol niya ang kaibigan. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. "Maika. Bakit
parang iniiwasan mo ako? May problema ba? May nagawa ba ako?" Nang hindi siya
lingunin nito ay hinawakan niya ito sa braso pero malakas nitong ipiniksi ang
braso. Sa lakas ay napaatras si Olivia. "M-maika?" Naguguluhang bulalas niya.

Nakayukong nagsalita si Maika. "Ayoko ng maging kaibigan ka Olivia! Huwag na huwag


mo na akong kakausapin o lalapitan. N-nakakadiri ka!" At nagtatakbo palayo si
Maika.

Naiwan siyang nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Maika. Papaanong


nasabi sa kanya iyon ng taong itinuring na niyang kapatid at tanging kakampi sa
school na iyon?
"It looks like pati ang natitira mong kaibigan ay pinandirihan ka na rin." Boses na
narinig ni Olivia mula sa likuran niya. Boses ni Bridgette. "Kawawa ka naman
Olivia. Wala ka nang kakampi!"

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Bridgette. Nagkunwari siyang walang
narinig. Lalakad na sana siya ng humarang sa kanya sina Jacob, Ford at Matthew.
Hindi niya tinignan ang mga ito.

"Gawa naman tayo ng video Olivia," nakangising sabi ni Jacob sa kanya.

"Huh! Hindi. Kami ni Olivia ang gagawa ng video!" Natatawang sabat ni Matthew.

"No way guys," singit ni Ford. "Kami ni Olivia ang gagawa ng video!"

"I have an idea. Bakit hindi na lang tayong tatlo ang gumawa ng video kasama si
Olivia? Sabay-sabay!" Tumatawang suggestion ni Ford. Nag-appear pa ang tatlong
lalaking iyon sa harapan niya. Napakawalang-modo naman ng mga ito!

"Ewww! Kadiri talaga kayong tatlo!" Maarteng sabi ni Thea. "Pinapantasya niyo ang
scandal girl na 'yan? Kadiri diba? Bridgette?"
Tumawa lang si Bridgette.

"Ano bang nakukuha niyo sa pambubully niyo? Masaya ba kayong nakakasakit kayo?"
Mahina pero may diin ang pagtatanong ni Olivia.

Muling tumawa si Bridgette. "At talagang nagtanong ka pa?" Inilapit ni Bridgette


ang mukha nito sa mukha niya. "Oo! Masaya kami na nasasaktan ka namin! Gets?"

-------------------------------------------

HUMIHINGAL si Olivia ng marating niya ang rooftop ng isa sa pinakamataas na


building sa Wellington Academy. Kumapit siya sa railings at nagsisigaw. "Ayoko
naaa!!! Pagod na pagod na ako! Sawang-sawa na akooo!!!" Gusto niyang ilabas lahat
ng nasa dibdib niya dahil tila sasabog na ito.
Napalingon siya sa kanyang likuran ng biglang may babaeng nagsalita mula sa kanyang
likuran. "Kahit magsisigaw ka dito, walang makakarinig sa iyo..." Maganda iyong
babae. Maputi tapos brown ang buhok. Bilugan ang kanyang mata na bagay sa maliit
nitong mukha. Napagtanto niyang estudyante ito ng Wellington dahil sa naka-uniform
ito.

"S-sino ka? Sasaktan mo din ba ako?" Nag-aalangan niyang tanong.

"Sasaktan? Hindi ako nananakit. Ako nga pala si Ruvina," sabay lahad ng kamay ng
babae. Nag-aalangan na nakipagkamay siya sa bagong kakilala.

"Ako si Olivia...Fourth year ka na rin ba?" Tumango ang babae bilang pagsagot.
"Bakit di kita napapansin sa room?"

Humawak din sa railings si Ruvina at tumingin sa malayo. "Sa ibang section ako
eh...Gusto mo ba akong maging kaibigan?" At isang ngiti ang pinakawalan ni Ruvina.
-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[7] LESSON 5- When The Bully Gets Bullied
*******************************************
DEDICATION: Dedicated kay LalaBeksHarhar. Dahil sa comment niya na:

"' awww na bitin ako sobra .. sana ma update na agad :D :D . habang binabasa ko to
kinakausp ako ng bf koo then sabii koo sakanya talk to your hand ang ganda ganda ng
binabasa koo ee .. so sabay nalang namin binasa :D . grabe kua ang ganda .. update
moo na please ;)"

Oh diba? So evil So Brigettish...Hahaha!

AUTHOR's NOTE:

Nakakainis ang week na ito. Sobra. As in. Kasi naman, nawala na nga ang clearance
ko sa dati kong trabaho eh na-temporarily locked pa ang Facebook ko na gamit ko pag
gumagawa ako ng drafts ng updates ko. So lahat ng future na pang-updates ko NAWALA.
Tapo inaakusahan pa ako na plinagiarize ko daw yung story ko na TAKAS. Lakas maka-
imagine ni ateh!

Anyways, with-S talaga kasi madami. Hindi ako nakapag-update ng two days kasi sa
dahilang di na gumagana ang internet ng cellphone ko. Sana maayos ko na siya.

Maraming salamat nga pala sa previous votes and comments niyo. Malamang sa title pa
lang ng Lesson na ito ay natutuwa na ang mga otaw. haha.

Nasa gilid nga pala ang kumpletong pictures ng mga kinaaasaran niyo sa story na
ito. Kayo na ang bahalang humanting sa kanila.

Bwahahahaha!!!
LESSON 05- When The Bully Gets Bullied

---

"GUYS! Guys! You have to see this! Matutuwa kayo for sure!" Hindi magkandaugagang
sabi ni Thea kina Bridgette, Charina, Emma at Steven na kasalukuyang nagpa-puff ng
sigarilyo sa likod ng isang lumang room. Nakaupo sila sa isang bench.

"Peste! Bakit naman ganyan ang entrada mo Thea?! Akala ko kung sino na!" Inis na
turan ng na-bad trip na si Emma. Sabay hithit sa hawak na sigarilyo.
Kapag vacant period nila ay talagang nagtutungo ang grupo sa lugar na iyon upang
mag-yosi. Katulad lang sila ng mga tipikal na high school students. Lahat halos ng
bawal ginagawa. Lahat ng bawal para sa kanila ay masarap!

Mataray na tumayo mula sa pagkakandong kay Steven si Bridgette. Tulad ng iba ay bad
trip din ito dahil talaga namang kinabahan siya. Akala niya kasi ay nahuli na sila
sa "bisyo" nila. "Fuck you Thea!"

"Hey...Easy. Masyado naman kayong H.B...OK. Sorry kung kinabahan kayo sa grand
entrance ko. Basta may ipapakita ako sa inyo na ikakatuwa at ikakaloka niyo!"

Lumapit si Bridgette kay Thea. "Make sure na matutuwa kami lalo na ako sa ipapakita
mo...Or else alam mo na ang mangyayari sa iyo Thea."

Kinakabahan na ngumiti si Thea. "Eh..He. Basta. C'mon. I'll show you!"

-------
"GUSTO mo ba akong maging kaibigan?" Tanong ni Ruvina kay Olivia.

For the second time, isang tao na naman ang lumapit kay Olivia para makipagkaibigan
sa kanya. Naisip ni Olivia na nasanay na siya sa pagiging mag-isa...Kakailanganin
pa ba niya ng kaibigan? Kaibigan na kasama niya sa lahat? Luha, tuwa, pasakit at
pait? Mahirap ng makahanap ng tunay na karamay sa ngayon.

Talagang bihira na ang kaibigan. Minsan akala mo kaibigan mo, iyon naman pala may
dahilan kung bakit sila mabait sa iyo. Kung bakit sa lahat ng oras ay ikaw ang
gusto niyang kasama. At sa huli, magugulat ka na lang...Sila pa iyong tao na may
dalang punyal para saksakin ka sa likod sa oras na wala ka ng pakinabang.

Tinignan niya si Ruvina. Maaliwalas ang maganda nitong mukha. Tulad din kaya ito ni
Maika na iniwan siya dahil sa pagkakamali niya noon?

"Baka iwanan mo lang ako kapag nalaman mo ang baho ko..." Malungkot ang boses niya.
Naalala niya bigla si Maika.

"Baho?" tanong ni Ruvina.

"Oo."
Sumeryoso ang mukha ni Ruvina. Tinitigan siya nito ng parang lalamunin siya.

"Hindi ako ganyang klase ng nilalang Olivia. Dahil hindi ako bulag. Alam ko. Lahat
ng tao may baho. Iyong iba, pilit itinatago kahit amoy na amoy na. Meron naman na
hindi pa nga amoy pero umaalingasaw na ang baho. May baho naman na ikinatutuwa ng
iba dahil nagagamit nila ang bahong iyon para apihin ang isang tao." Tumingin si
Ruvina sa mga estudyante na nasa ibaba. At pinagtuturo ang mga iyon. "Sila. Sila.
Sila! Lahat sila may baho! Kahit ako at ikaw meron! Kanya-kanya lang tayo ng tago,
hindi ba?"

"N-natatakot ako sa iyo..." bulalas niya. Napaatras siya ng bahagya. Takot siya sa
paraan ng pagtitig sa kanya nito.

"Huwag ako ang katakutan mo. Kakampi ako Olivia. Simula ng pumasok ka sa eskwelahan
na ito ay pinagmamasdan na kita. Gusto na kitang kaibiganin noon pa pero
naghihintay lang ako ng pagkakataon. Ngayon mo mas kailangan ang tunay na kaibigan.
Hindi ka iiwanan..." Pagkasabi noon ni Ruvina ay niyakap siya nito ng marahan.

Nakaramdam siya ng kaginhawahan sa yakap na iyon. Kelan ba siya nakaranas ng huling


yakap? Matagal na pala. Hindi na niya matandaan kung kelan.

Dati naman na masaya ang buhay niya. Katulad lang siya dati ng normal na teenager.
Nagsasaya. Gumigimik. At kung anu-ano pa. Binago lang lahat ng pangyayaring iyon
ang lahat. Nilayuan siya. Isa-isang naglaho ang mga kaibigan niya. Nilibak.
Pinandirihan at kinutya. Hinusgahan.
"Ano? Kaibigan na ba kita?" tanong ni Ruvina.

Marahan siyang tumango. "Sige. Salamat...Kaibigan ko." aniya habang nakapikit.


Nakayakap sa bagong kaibigan. Si Ruvina.

-----

"SHE is totally insane!" Pahayag ni Charina habang nakasilip sila nina Bridgette,
Charina, Emma at Thea sa kalawanging pinto papasok sa roof top. Hindi na nakasama
sa kanila si Steven dahil sa nagsimula na ang subject nito.

"Low down your voice Charina! Baka makinig ka niya." Saway dito ni Thea.

Tuwang-tuwa ang apat sa nakikita nila sa roof top ng isang lumang building.
Paano kasi ay kitang-kita nila si Olivia na mag-isang kinakausap ang sarili doon.
Para itong baliw na nag-sasalita mag-isa.

Isang ideya ang pumasok sa isip ni Bridgette. "C'mon girls. Ipapamukha natin sa
scandal girl na iyan kung gaano siya kamukhang baliw!"

Lumabas na sila sa pinagtataguang pintuan at nilapitan si Olivia. "Hello Olivia!"


Nakakalokong bati ni Bridgette. Mapang-asar. "Sinong kausap mo?"

"Si R-ruvina..." May takot sa boses ni Olivia.

Well, para kay Bridgette ay normal lang na katakutan siya. Unica iha kasi siya ng
mga makapangyarihang-tao sa lugar nila. Ang daddy niya ay isang mayor at ang mommy
niya ay congresswoman. Malakas ang loob niya na gumawa ng lahat ng gusto niya sa
school dahil alam niyang walang pwedeng magpatalsik sa kanya roon. Takot lang ng
mga ito sa magulang niya.

"Pwede mo ba kaming ipakilala kay Ruvina?" At nakakalokong naghagikhikan silang


apat.

"S-sige. Ah, Ruvina...Sila sina Bridgette, Charina, Emm--"


-------

NAPATIGIL sa pagsasalita si Olivia ng biglang magtawanan sina Bridgette. "Bakit


kayo nagtatawa?"

"Eh kasi nababaliw ka na!" Sabi sa kanya ni Bridgette. "Ganyan ba ang epekto ng
iniwan ng kaibigan?"

"Ano bang pinagsasabi niyo? Nababaliw? Hindi ako nababaliw!"

"Gaga!" Sigaw sa kanya ni Thea. "Tatanggi ka pa eh kitang-kita namin na nagsasalita


ka mag-isa. Hindi ba't baliw lang ang kinakausap ang sarili? Hahaha!"

Napatingin si Olivia kay Ruvina. Ibig sabihin hindi nakikita nina Bridgette si
Ruvina? Pero bakit? "May kausap ako. Heto siya oh. Si Ruvina!"
Naka-crossed arms na sinagot siya ni Bridgette. "Sorry. Wala kaming nakikitang
kausap mo. Luka-luka ka talaga Olivia! Hahaha!"

Bakit? Siya lang ba ang nakakakita kay Ruvina?

Pagtingin niya kay Ruvina ay natakot siya ng biglang magbago ang anyo nito. Naging
maputla ang balat nito. Nawalan ng sigla ang mukha nito at napuno ng dugo ang buong
damit nito.

"Ahhhhhh!!!" Malakas na napasigaw si Olivia sa nakitang nakakatakot na anyo ni


Ruvina. Isang multo si Ruvina!

Tatakbo sana paalis ng rooftop si Olivia pero pinigilan siya nina Bridgette. "And
where you think you're going? Hindi pa kita nasasampal, right? Para mabawasan ang
kabaliwan mo you need a slap. Don't worry. Pasasalamatan mo pa ako after this!"

Hinawakan pa siya sa baba nito. "Bridgette...Huwag. Maawa ka. Tama na please. Wala
naman akong---" At lumagapak sa kanyang pisngi ang malakas na sampal ni Bridgette.
Nang bitiwan nito ang baba niya ay nanghihina na napaupo siya habang sapo ang
nasaktan at namumulang pisngi.

"You deserve that! Baliw!" Sigaw ni Emma.


"Girls...Mas masaya siguro kung maraming audience ang makakakita sa kabaliwan ng
scandal girl na ito, diba? Mas mapapahiya siya..." Suggest ni Charina.

Sumang-ayon si Bridgette. "OK. Tawagin niyo pa ang iba pa nating classmates at


papuntahin niyo dito sa rooftop! That would be fun!" Utos pa nito.

Biglang napatingin si Olivia kina Bridgette. "Huwag...Wag naman Bridgette."


Pagmamakaawa niya.

"Sige na. Ako na ang magbabantay sa scandal girl slash luka-lukang ito. Baka
tumakas pa eh!" Pagkasabi noon ni Bridgette ay umalis na sina Thea para tawagin ang
iba pa nilang classmates. Silang dalawa na lang ang natira doon.

"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? May nagawa ba ako sa inyo na hindi niyo
nagustuhan?" Umiiyak na tanong ni Olivia.

"Tss. Too much drama! Ginawa? Actually, wala naman. TRIP ka lang namin. Ang mga
katulad mo kasi ang masarap gawing human toy!" Nakangising sagot ni Bridgette.
"Toy? Laruan ang tingin niyo sa akin?" Hindi makapaniwalang sagot niya. "Napakasama
niyo!" May gigil ang pagkakasabi niya noon.

Tinawanan lang siya ni Bridgette. "You are flattering me. Yes, masama ako. Kami! At
hindi magiging exciting ang mundo ng wala ang mga taong katulad namin."

Napatayo si Olivia. Aalis na sana siya pero hinila siya sa buhok ni Bridgette. "Wag
mo ako talikuran!"

Nanlaki ang mga mata ni Olivia ng makita niyang lumitaw sa harapan ni Bridgette ang
duguang katawan ni Ruvina. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay
Bridgette. Malakas na napasigaw si Bridgette. Marahas niyang binitiwan si Olivia at
nagtatakbo ito papunta sa nakabukas na pinto para makalabas sa rooftop. Pero tila
may isang malakas na hangin na nagtulak upang magsara ng kusa ang pinto.

Paglingon ni Bridgette sa kanyang likod ay muli siyang napasigaw ng makitang


papalapit na sa kanya ang isang duguang babae!

"Bridgette. Andito na ang mga classmates natin!" Narinig ni Bridgette.

Kinalampag ni Bridgette ang pinto. "Help me! Tulungan niyo ako!"


Papalapit na ang nakakatakot na babae. Tumutulo sa katawan nito ang malapot na
dugo.

"What's happening Bridgette?!"

"M-may babae! She's freaking me out! Help me!!!"

"Buksan mo ang pinto!"

"I can't! Help me! Fuck!" Nagpapanic at takot na si Bridgette.

Muling nilingon ni Bridgette ang babae at ngayon ay talagang nakatayo na ito sa


likuran na. Sa sobrang takot ay nabuwal si Bridgette. Para itong nababaliw na
nagsisigaw ng mula sa bibig ni Ruvina ay may lumabas na mga ipis at nagsipag-
gapangan sa semento papunta sa binti ni Bridgette. "Tulungan niyo ako! Parang awa
niyo na!" Umiiyak na sa takot si Bridgette. Napapalahaw na siya ng iyak ng malakas
na tumawa si Ruvina. "Mommy! Daddy!" Atungal pa nito.
Doon na biglang bumukas ang pintuan. Biglang nawala si Ruvina sa paningin ni
Olivia.

Naabutan na lamang ng mga classmates nila ang nakatulalang si Bridgette habang


nakasalampak sa sahig at gulo-gulo ang buhok...

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[8] LESSON 6- The Suspension
*******************************************
DEDICATED
Sa mga taong at mga kaibigan ko dito sa Wattpad na nagbigay,
nagpakita at nagparamdam ng kanilang suporta. Napakabuti niyo po kasi hindi niyo
ako iniwan sa "darkest hour" ko. Actually, natakot talaga ako na baka may maniwala
sa sinabi ng isang Wattpaders na may plinagiarize akong story. Hindi ko po gawain
iyon dahil; ayaw kong sirain ang pangalan ko.

AUTHOR's NOTE:

Makulit. At sobrang kulet. Iyan iyong ibang panay ang sabi ng UPDATE. Inuulit ko
po, magbasa naman kayo ng author's note. WEDNESDAY po ang update ng School Trip.
Salamat sa mga nakakaintindi na hindi ako robot na pag sinusian niyo ay gagalaw na
lang kapag gusto niyo. Nakakairita na. Hays..Pasensiya na kung medyo rude today.
Not in a mood lang. Choz! Mahal na mahal ko kayong lahat. Salamat! Hindi ko kayo
matiis kaya heto na...

Nagreview ba kayong mabuti for our lesson today?


Lesson 6- The Suspension

"OH MY GOD! Bridgette! My daughter! What happen to you?!" Maarteng turan ni Mrs.
Luviera, ang mapagmataas na ina ni Bridgette.

Nasa guidance room sila. Si Olivia, Bridgette, Teacher Noah, si Mrs. Luviera at ang
guidance counselor na si Mrs. De Leon. At kasama na rin ang mga classmates nila na
mga nakasilip sa bintana.

Nakatulala lang si Bridgette. Parang walang nakikita. May takot sa mata nito.
Nanginginig na akala mo ay may nakikita...

"Ipagpaumanhin niyo po Mrs. Luviera. Hindi po namin kagustuhan ang nangyari kay
Bridgette." Paghingi ng paumanhin ni Teacher Noah.
"Paumanhin?" Nakataas ang kilay na singhal ni Mrs. Luviera. "Kailangang managot ang
kung sino man ang may kagagawan nito sa aking Bridgette!"

Biglang itinaas ni Bridgette ang daliri nito at itinuro si Olivia. Nanlaki ang mga
mata niya. "S-siya...M-may...G-gawa..." Putol-putol na nagsalita ito.

"B-bridgette!" Naibulalas ni Olivia. Tumingin siya kay Teacher Noah. "Teacher,


hindi po ako!"

Tinignan siya ni Teacher Noah na may disappointment sa mga mata nito. "Teacher,
wala po akong kasala- "

Hindi na niya naipagpatuloy ng bigla siyang sabunutan ni Mrs. Luviera. "Ingrata


kang bata ka! Mal-edukada!"

"Mrs. Luviera...Calm down!" Magkapanabay na umawat si Teacher Noah at Mrs. De Leon.

Doon na dumating ang nanay ni Olivia. Humahangos na itinulak nito palayo ang
babaeng nananakit sa anak nito. Niyakap siya ng kanyang inay. Doon na siya
napaiyak. Humagulhol si Olivia sa dibdib nito. "Bakit niyo sinasaktan ang anak ko?"

"Umayos muna tayo. Pag-usapan natin ito ng mahinahon, OK?" singit ni Mrs. De Leon.

"Ayoko nang magtagal pa dito! Gusto kong parusahan ang walanghiyang babaeng iyan na
gumawa sa Bridgette ko!"

Nakatulala pa rin si Bridgette. Umiiyak pa rin siya.

"Olivia...Ikwento mo nga sa amin what really happens sa roof top at naabutang


nakatulala ng mga classmates niyo si Bridgette. Maaari ba?" ani Mrs. De Leon.

Sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi ay nagsalita si Olivia. "Tinakot po ni R-ruvina


si Bridgette..."

"R-ruvina?"
"M-multo po s-siya..."

"Hah! This is insane. Tama na. Marami akong important appointments today at ayokong
ma-cancell isa man dun. Gusto kong maparusahan ang Olivia na iyan!" sabay duro sa
kanya. Pinagduldulan ni Mrs. Luviera ang daliri nito sa noo niya. "Kilala niyo ako
Mrs. De Leon...Kaya kong ipasara ang eskwelahang ito." Nananakot ang boses nito.

Namutla si Mrs. De Leon. "Wag naman po Mrs. Luviera. Hayaan niyo po...Bibigyan ko
po ng one-week suspension si Olivia!"

-------------------------------------------

"MRS. DE LEON, hindi po kaya nagsasabi ng totoo si Olivia?" turan ni Teacher Noah
ng sila na lang ang matira sa guidance room.

Napatingin ito sa kanya. "Ganoon na nga rin ang aking sapantaha. Mukhang nagbabalik
nang muli si Ruvina. Matagal na rin siyang hindi nagpaparamdam. Natatakot ako para
sa mga estudyante natin."

Tumango siya. "Sana lang ay huling pagpaparamdam na iyon ni Ruvina kung totoo man
na siya ang may kagagawan ng pagkakaganun ni Bridgette...

---------------------------------------------------------------

PAGKAPASOK ni Teacher Noah sa classroom nila ay kanya-kanya ng pulusan ang kanyang


mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan. Inilapag niya ang mga dalang aklat sa
ibabaw ng kanyang mesa at tumingin sa lampas tatlumpung teenagers na nasa harapan
niya. Tatlong taon na siya sa napiling propesyon at ang Wellington Highschool ang
unang school na pinagturuan niya.

"Class, may sasabihin ako sa inyo. Three days na hindi makakapasok ang kakalase
niyo na si Bridgette. She will undergo psychological medication dahil sa shock na
nangyari sa kanya. While Olivia...One-week niyo siyang hindi makakasama dahil
binigyan siya ng one-week suspension. Class...Sana wag nang maulit ang ganung
pangyayari. OK?" aniya.
"Teacher Noah...Dahil sinabi niyo. Gagawin ko!" Madamdaming sagot ni Charina.

Biglang tumayo si Thea. "Olivia deserve that Teacher Noah! Dapat nga pinapatalsik
at dina-drop na sa school natin ang scandal girl na iyon. Dinudumihan lang niya ang
magandang pangalan ng school natin. Diba mga classmates?"

Hiyawan ang lahat ng estudyante niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Thea. Hindi
nagustuhan ni Teacher Noah ang mga narinig. "Class! Silence! Ano ba?!" Tumahimik ng
bahagya sa ginawa niyang pagsigaw. "Hindi niyo pwedeng husgahan ang isang tao dahil
lang sa nagkamali siya. Lahat ng tao ay may kabutihan sa puso...Ang kailangan lang
ay hanapin natin sa pagkatao niya ang kabutihang iyon..."

"Are you talking to your self, teacher?" turan ni Thea.

"What do you mean Thea?"

"Nothing Teacher..." at may narinig pa siyang binulong ni Thea bago ito umupo.
"Incest!"
Incest? Namutla siya. Hindi kaya alam na ng mga ito ang sikreto niya?

--------------------------------------------------------------------

"MAGPAYONG ka nga Olivia! Lumalakas na ang ulan..." Sabi sa kanya ng kanyang Inay.
Papauwi na sila ng mga sandaling iyon sa kanilang bahay.

Umiwas siya. "Ayoko po Inay..."

"Ewan ko sa iyo Olivia! Kawawa na nga ikaw mas lalo mo pang kinakawawa ang sarili
mo!"

Hindi napansin ng mag-ina ang isang humahagibis na van na dumaan. Tumalsik ang
tubig-ulan na naipon sa gilid ng kalye sa kanila. Basang-basa silang mag-ina.
Huminto ang sasakyan ilang dipa sa kinatatayuan nila. Sumilip ang sakay ng van. Si
Mrs. Luviera pala. Nakataas ang kilay nito ng tignan sila. Nakakapanliit ang titig
nito. Maya-maya ay umalis na ito.

Pagkauwi ng bahay ay nagluto ng sopas ang Inay ni Olivia. Tahimik na kumakain ang
dalawa sa hapag-kainan.

"Anong balak mo ngayong isang linggo kang hindi makakapasok?" Basag ng kanyang ina
sa katahimikan. Hindi siya sumagot. Nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang Inay.
"Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka muna sa probinsiya sa Quezon. Doon ka muna. Sa
Tiyang Magda mo...Tulungan mo muna ang pinsan mong si Ysabelle sa pag-aalaga sa
Tiyang Magda mo. Wala kang makakasama dito, may trabaho ako."

Tumayo na ang inay niya at iniligpit ang mangkok na ginamit nito.

Ang Tiyang Magda niya ay ang panganay na kapatid ng kanyang inay. Medyo nasiraan
ito ng ulo sa hindi nila siguradong dahilan. Pero ang sabi ay iniwan ito ng nobyo
nito at dahil doon ay naisipan ng kanyang Tiyang Magda na sumali sa isang samahan
na sumasamba sa ibang Diyos...Simula noon ay naging kakaiba na ang pagkilos nito.
Nagsasalita mag-isa. Iniwan din ito ng asawa nito. Naiwan na kasama ng Tiyang Magda
niya sa bahay ang kasing-edad niya na anak nito. Si Ysabelle.

Humigop muli ng sabaw si Olivia. "Ang mabuti pa nga Inay ay luluwas na ako mamaya.
Ayokong mag-isa dito..."
----------------------------------------------------------------

"TITA, OK na po ba si Bridgette?" tanong ni Thea kay Mrs. Luviera. Nasa mansion


sila ng mga Luviera upang kumustahin ang lagay ng kanilang kaibigan. Kumpleto
silang naroon. Siya, si Charina, Emma, Jacob, Matthew, Ford at siyempre ang
boyfriend nitong si Steven.

"She is now in our pool area. Puntahan niyo na lang siya doon..." anito at
tinalikuran na sila.

Nagtataka silang lahat. Anong ginagawa ni Bridgette sa pool area? Hindi ba at shock
pa rin ito sa kung anuman ang nangyari dito sa rooftop? Kahit sila ay walang ideya
sa totoong nangyari. Sina Olivia at Bridgette lang ang nakakaalam at iyon ang
aalamin nila kay Bridgette ngayon.

"Bakit nasa pool si Bridgette?" takang-tanong ni Steven.


"Baka iyon ang advice ng psychologist sa kanya. Dapat medyo malapit siya sa
nature..." turan ni Charina.

"Nature tapos pool? Shunga ka talaga!" si Thea.

Papalapit na sila sa pool ng makita nilang nakahiga sa water bed na palutang-lutang


sa gitna ng swimming pool si Bridgette. Nakasuot ito ng sexy na black two piece
bikini. Sixteen years old pa lang ito pero nasa ayos na ang kurba ng katawan nito
bilang babae.

--------------------------------------------------------------

TINANGGAL ni Bridgette ang suot na shades ng maramdaman niyang may mga taong
papalapit sa pool area nila. Napangiti siya ng makita ang mga kabarkada niya ang
mga iyon. Kumaway pa siya sa mga ito.
"Hi guys! Did you miss me?" aniya.

"Bridgette akala namin--- "

"Akala niyo baliw na rin ako katulad ng Olivia na iyon? Nah!" Lumangoy ito papunta
sa gilid ng pool at umahon. "That'll never happen!" At nagsuot ito ng robe.

Amaze na nagtanong si Charina. "You mean, drama lang ang shock-effect ka?"

"Thats right...Ginawa ko lang iyon para makuha ang sympathy ng lahat. Para kaawaan
ako. Besides, wala namang maniniwala sa akin kung sasabihin kong isang multo ang
nanakot talaga sa akin not that Olivia."

Natigilan ang lahat sa sinabi niya. "Hell no! You need to see a doctor Bridgette,"
nanlalaki ang mga mata ni Ford. "Multo? Nahawa ka na yata kay Olivia baby ah.
Hahaha!"

"Tigilan mo nga ako Ford!" aniya. Sumeryoso siya upang paniwalaan siya ng mga ito.
"Totoo. Isang nakakatakot na multo ang dahilan ng pagsigaw ko kanina. Isinisi ko
lang lahat kay Olivia ang lahat para di ako magmukhang baliw. Kung sasabihin kong
nakakita ako ng multo, do you think may maniniwala sa akin?"
Natahimik ang lahat.

Lumapit sa kanya si Steven at niyakap siya. "I believe you Bridgette hunnie." Sabay
kiss sa labi niya.

"Thanks hunnie!" sagot niya.

"Well, ano na ang plano mo Bridgette?" tanong ni Emma.

"Ano pa? I will enjoy my three day vacation!" At isa-isa niyang pinagtutulak ang
mga kabarkada sa pool.

Masaya silang naglangoy. Nauwi ang pangyayaring iyon sa paglalasing nilang walo.
-----------------------------------------------------------

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[9] LESSON 7- Where is Ysabelle?
*******************************************
DEDICATION: Kay jurisan, dahil sa comment niya na:

"sobra kong kinakabahan! hindi dahil sa kwentong to kundi dahil kinakabahan akong
mahuli ng teacher namin dahil nagbabasa ako nito habang nag didiscuss sya....yung
feeling na pasimple kong i uunat ung braso ko sa likod ng katabi ko, at pasimpleng
babasahin tong kwento na to habang nagsususlat si ma'am sa board at ang malupit pa,
nasa unahan pa ko! partida no? nag iisip na nga ko ng pwede kong idahilan kpag
nahuli ako eh ^^ help naman po.......:D"

Tulungan po natin siya sa pag-iisip ng alibi sa teacher niya kapag nahuli siya.
HAHAHA!!!
-------------------------------------------------------------------------

✞AUTHOR's NOTE✞

Maraming salamat po sa patuloy na overwhelming na suporta niyo sa akin dito sa


School Trip kahit na once a week lang ang update. Maglalambing na rin po ako kung
pwede niyo po sanang basahin ang isa ko pang story na "Girl.Boy.Bakla.Tomboy" na
isang chapter na lang ay ending na at ang newest story ko na "The Only Girl in the
WORLD". Abangan niyo rin po ang last installment ng Almost A Cinderella Story at
ng My Scary Girl. Maraming salamat po.

Enjoy reading! Wag kakalimutang mag-comment tungkol sa natutunan niyong lesson sa


Lesson 7 na ito at mag vote na rin para masaya!

Idi-dedicate ko ang next Lesson sa magugustuhan kong comment. Promise!

---------------------------------------------------------------------

LESSON 7- Where is Ysabelle?


"AND that's our lesson for today. Class dismissed!" Nagsigawan sa tuwa ang mga
estudyante ni Teacher Noah ng sabihin niya ang mga ito.

Class dismissed. Para sa mga estudyante niya ay parang sinabihan mo ang mga ito na
walang pasok. Ang salitang iyon ang senyales na makakatakas na sila sa apat na
sulok ng classroom na pero para sa kanya ay iba. Class dismissed. Ibig sabihin ay
babalik na siya sa tunay na siya. Hindi na siya si Teacher Noah na parang santo.
Siya na si Noah. Isang lalaking puno ng kasalanan.

Nagsimula ng maglabasan ang kaniyang mga estudyante. Maiingay pa rin ang mga ito.
Akala mo ay mga baboy na pinakawalan sa kural. Inilabas niya ang cellphone at
tinignan ang isang litrato ng babaeng naka-save doon. Napangiti siya. Napakaganda
talaga ng kapatid niyang babae...Hindi nakakapagtaka na pati siya ay iibig dito...

Muli niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Lalabas na sana siya ng room ng
mapansin niya na nakaupo pa rin sa upuan nito si Maika.

Nilapitan niya ito at napansin niyang namumugto ang mga mata nito. "Maika...Bakit
nag-iisa ka?"
"Teacher Noah! K-kayo po pala..." Halata agad niya ang pagkagulat sa reaksyon nito
ng makita siya. "Sige po teacher, aalis na rin po ako."

Aalis na sana si Maika ng tawagin niya ito. Natigilan ito sa paghakbang.


"Maika...Hindi ba at ikaw ang kaisa-isang kaibigan ni Olivia? Napansin ko lang na
hindi ko na kayo nakikitang magkasama nitong mga huling araw? May hindi ba kayo
pagkakaintindihang dalawa?"

Humarap sa kanya si Maika at pilit na ngumiti. "Kailangan ko pong umuwi ng maaga


Teacher Noah. Buh-bye po..." At tumalikod na itong muli. Alam niya na umiiwas ito
na pag-usapan iyon.

Dalawang dipa na ang layo sa kanya ni Maika ng tawagin niya itong muli. Tumigil
naman ito sa paglalakad. "Maika, hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyayari sa mga
estudyante ko lalong-lalo na ang ginagawa ng grupo ni Bridgette kay Olivia. Ikaw na
lang ang meron si Olivia...Sana manindigan ka." Aniya at mas nauna pa siyang
lisanin ang room kesa sa nakatulalang si Maika.

Sana ay mai-apply niya sa sarili ang sinabi niya kay Maika. "Sana manindigan ka."
Sana nga ay kaya niya rin iyon.

-----------------------------------------------------------

"TALAGA bang iiwan na kita dito?" Napailing si Olivia. Kanina pa kasi siya
tinatanong ng tricycle driver na nasakyan niya. Ito ang naghatid sa kanya sa bahay
ng kanyang Tiyang Magda.

Nasa harapan na siya ng bahay ng tiyang niya. "Sigurado po ako manong. Tiyahin ko
po ang nakatira diyan...Sige na po." aniya at bumaba na siya sa tricycle bitbit ang
bag na naglalaman ng ilang damit at personal na gamit.

Umalis na ang tricycle matapos niyang makapagbayad. Medyo nakaramdam siya ng takot
ng mag-isa na lang siya. Ala-sais na ng hapon pasado at may kadiliman na rin ang
paligid. Medyo liblib rin ang kinatitirikan ng bahay ng tiyang niya. Halos layo-
layo ang mga bahay.
Malaki ang bahay ng tiyang niya. Yari iyon sa pawid at kawayan at may ilang bahagi
na konkreto rin kaya masasabing matibay din at may panlaban din sa bagyo.

Alam ni Olivia na makakapag-relax siya sa lugar na ito dahil sa hindi alam ng


kanyang Tiyang Magda at ni Ysabelle ang tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya.
Balak na rin nila ng kanyang nanay na dito na lamang sa Quezon manirahan dahil
paniguradong magiging tahimik ang buhay nila. Hindi pa nga lang ngayon dahil sa
nag-iipon pa ng pera ang kanyang nanay. Ang gusto kasi nito ay may pera sila para
sa pagsisimula nila.

Kumatok si Olivia sa gate na yari sa kalawanging bakal. Nabakbak na rin ang kulay
green nitong pintura sa tagal ng panahon. "Tiyang Magda! Tiyang Magda? Ysabelle!"
tawag niya.

Walang sumagot.

Luminga-linga siya. Wala naman siyang mapagtatanungan dahil walang kapitbahay ang
tiyang niya. Tumawag pa siya. Mas malakas pero wala pa ring sumasagot. Nagdesisyon
na siyang buksan ang gate. Inabot niya mula sa labas ang pangkalang at tinanggal
iyon. Umingit ang gate ng dahan-dahan niyang buksan iyon. Parang matagal ng hindi
ginagalaw iyon.
Pagkapasok niya ay napansin niyang bukas ang main door. Hindi na siya nag-atubiling
pumasok dahil kilala naman siya ng Tiyang Magda at ni Ysabelle. Naitakip niya ang
kanyang kamay ng makaamoy siya ng masangsang na amoy. Amoy ng isang kwarto na
matagal nang hindi nalilinis. Bukas ang ilaw sa buong kabahayan kaya naman kitang-
kita ni Olivia kung gaano kagulo doon. Napailing siya.

"Tiyang?" Tawag niyang muli. Hindi siya gumagalaw sa kanyang kinakatayuan.

Tatawagin niya sanang muli ito ng makarinig siya ng malakas na kalabog na nagmumula
sa isang kwarto roon na ikinagulat niya. Nakarinig siya ng pag-ungol...Parang
humihingi ng tulong.

"Uhh...Uhhh..." Biglang gumapang ang kaba sa dibdib ni Olivia ng mapagtanto niyang


boses iyon ng kanyang Tiyang Magda.

---------------------------------------------------------
"PARANG walang buhay pala kapag wala si Bridgette ano?" Nakahalum-babang turan ni
Carina habang marahan niyang nilalaro ang carbonara na inorder nito sa canteen.

"OK nga eh. Walang masyadong nagdidikta..." Makahulugang sagot ni Emma.

Tumingin kay Emma ang lahat. "Why? Did I say something wrong?" ani nito habang
sumisipsip sa orange juice nito.

"You just told na parang dinidiktahan tayo ni Bridgette. You just said it..." sabi
ni Thea.

"Nah! I don't mean that. Anyway, asan ba ang mga boys?" tanong na lamang ni Emma.
"Puffing. Sa likod ng old building."

"OK. After we eat, punta tayo dun..." pagtatapos pa ni Emma.

Pagkatapos nga noon ay nagtungo na sila sa likod ng naturang lumang building.


Malayo pa lamang sila ay napansin na agad nila na parang nagkakagulo na sina Ford,
Jacob, Steven at Matthew. "Oh my God! Anong nangyayari doon?!" Sabi ni Thea at
nagtatakbo silang tatlo papunta sa kinaroroonan ng mga lalaki.

Pagpunta nila doon ay nakita nilang halos nakahiga na si Matthew sa lupa at tila
nahihirapang huminga.

"God! Bakit tinitignan niyo lang si Matthew?!" sita ni Emma. "Inaatake siya ng
asthma niya! Hanapin niyo iyong gamot niya sa bag niya!"

Niluwagan ni Emma ang suot na vest at polo ni Matthew para makahinga ito ng maayos.
"Here!" Sabay abot ni Carina kay Emma ng isang bote na may laman na mga capsules ng
gamot. Kumuha ng tatlo si Emma at ipinainom iyon kay Matthew...

------------------------------------------------------------

"TIYANG MAGDA!" Malakas na sigaw ni Olivia ng makita niyang nakabulagta sa sahig


ang kanyang tiyang. Nakatirik ang mga mata nito at nanlalaki. Bumubula din ang
bibig nito. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa magkabilang kili-kili.
Hinigit niya ito at dinala sa kama nito. Inihiga at pinaypayan.

"Ano pong nangyari sa inyo Tiyang?" Nag-aalala niyang tanong. Medyo natataranta na
rin siya. "Ysabelle! Ysabelle!" Tawag niya sa pinsan.

Maya-maya ay dahan-dahang sumara ang mga mata ni Tiyang Magda. Pinakiramdaman ni


Olivia ito. Salamat sa Diyos at buhay pa ito...
Napansin niya na parang mabaho ang tiyang niya. Tila matagal ng panahon ang
nakalipas bago ito huling naligo. Malagkit na rin at gulo-gulo ang mahaba nitong
buhok. May awa na hinaplos niya ang mukha nito...

Hinayaan niya muna itong matulog.

Gabi na pala at kailangan na niyang magluto para sa hapunan nila. Medyo nababahala
na rin siya dahil hindi pa niya nasusumpungan sa bahay ang anak ng Tiyang Magda
niya na si Ysabelle.

Nagtungo na siya sa kusina. Mabuti na lamang ay may bigas pa doon at puno ng


pagkain tulad ng gulay, karne at isda ang refrigerator na naroon. Habang nakasalang
ang sinaing ay nag-iisip na siya kung ano ang uulamin nila. Binuksan niya ang ref
at napangiti siya. Paborito ng Tiyang Magda niya ang adobong baboy. Kumuha siyang
karne na nakalagay sa malaking tupperware at hinugasan iyon. Sabay niyang niluto
ang adobo at ang kanin.

Matapos makapagluto ay pinuntahan na niya ang kanyang Tiyang Magda sa kwarto nito.
Gising na ito. Nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala. Blangko ang ekspresiyon ng
mukha nito.

Nilapitan niya ito. "Kakain na po tayo Tiyang..." Yaya niya. Tumayo ito pero hindi
nagsalita. "Tiyang, asan nga po pala si Ysabelle?"

Matalim na tumingin ito sa kanya pero hindi nagsalita.

"Ah sige po. Tara na po tiyang sa hapag...Alam niyo po ba na masaya po ako at


nakita ko kayong muli. Gusto rin po sana na sumama ng nanay kaya lang may trabaho
po siya," kwento ni Olivia habang papunta sila sa komedor. Pagdating doon ay
sinilbihan niya ito ng pagkain. Napansin lang ni Olivia ang pagiging walang kibo at
tamilmil kumain ng Tiyang Magda niya. Nakapagtataka naman...

Gusto niyang itanong muli kung nasaan si Ysabelle pero baka magalit ito. "Masarap
po ba ang luto kong adobo?" Bagkus ay tanong na lang niya.

Wala pa ring sagot.


Hindi na siya makatiis. "Tiyang...S-si Ysabelle po ba nasaan?"

Natigilan ang tiyang niya sa pagsubo at tumingin sa kanya. Sabay itinuro nito ang
refrigerator. Napapitlag si Olivia. "T-tubig? Gusto niyo po ng tubig?" Tumayo agad
siya at kumuha ng pitsel na may lamang tubig sa ref. Nagsalin siya sa baso at
ibinigay iyon sa Tiyang Mada. "Heto po Tiyang..." At ininom nito iyon pero wala
siyang nakuhang sagot dito kung nasaan si Ysabelle kahit hanggang matapos na silang
kumain.

----------------------------------------------------------

"DAPAT po tiyang maliligo kayo araw-araw ha? Wag po kayong mag-alala, hanggang
andito ako, ako muna ang mag-aasikaso sa inyo Tiyang Magda..." Nakangiting sabi ni
Olivia habang pinapaliguan niya ang Tiyang Magda niya sa banyo. Nakalublob sa
lumang bath tub ang Tiyang Magda niya habang siya ay nakaupo sa gilid ng tub.
Nakatalikod ang tiyang niya habang kinukuskos ng bimpo ang likod nito.
"Magiging presko na ang pakiramdam niyo bago matulog dahil nakaligo na po kayo..."
aniya pa.

Nakatulala pa rin ang tiyang niya. Walang ekspresiyon ang mukha.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung nasaan ba talaga si Ysabelle?
Umalis na ba ito ng Quezon o nilayasan na nito ang ina? Wala talaga siyang
alam...Pero sana ay nasa mabuti itong kalagayan.

Bago matulog ay masuyo niyang sinuklayan ang mahabang buhok ng kanyang Tiyang Magda
hanggang sa ito ay matuyo. Bago siya lumabas ng kwarto nito ay sinigurado niyang
mahimbing na itong natutulog.

---------------------------------------------------------
SA kwarto ni Ysabelle napagdesisyunan na matulog ni Olivia. Kapag bumibisita siya
noon dito ay talaga naman na magkasama silang natutulog dito ng kanyang pinsan.
Pero ngayon ay nakakapanibago. Dati bago sila matulog ay naghaharutan pa sila at
kapag pagod na ay nagkukwentuhan na lang sila ni Ysabelle hanggang sa kapwa na sila
antukin at makatulog.

Nakakapagtaka rin ang kinikilos ng Tiyang Magda niya. Oo nga at mahilig itong mag-
isa pero hindi tulad ngayon. Hindi na ito nagsasalita at parang wala ng pakialam sa
sarili. Maraming katanungan ang naglalaro sa utak ni Olivia...

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sana sa paggising niya bukas ay makita na niya
ang kanyang pinsan na si Ysabelle...

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[10] LESSON 8- The Visitors in Red
*******************************************
DEDICATED kay: enremochi101
Eto sabi niya: 'habang binabasa ko ang chapter na ito.. ang dami kong pinagdaanan..
nakakainis kasi ang mga epal kong mga kaibigan.. sabihin ba namang alis na tayo??..
alam nilang nagbabasa pa ako... kaya.. pinagtutulak ko nalang sila.. (pero
nagpapasalamat parin ako sa kanila dahil sila ang nagrecommend ng story na ito..)
Nice story!! hintay na naman kami sa next chapter.. ^^ FIGHTING!!"

AUTHOR's NOTE:

Hello mga "SCHOOLMATES"! Schoolmates na ang tawag ko sa mga avid readers ng School
Trip. Schoolmates ka na ba? Haha!

Oo nga pala, nasa gilid ang lumang litrato ni TIYANG MAGDA..Hahah!

LESSON 8- The Visitors in Red


MAAGANG nagising si Olivia kinabukasan. Ala-singko pa lang ng umaga ay nasa kusina
na siya. Napansin niya na marami pang adobo na natira kagabi kaya naman iniinit na
lang niya iyon habang sinasangag niya ang kanin.

Naisipan niya na magluto pa ng itlog kaya nilapitan niya ang ref.

-----------------------------------------------

PAPALAPIT na siya sa refrigerator para humanap ng makakain sa loob noon. Pagbukas


niya ay naramdaman niya ang lamig na nagmumula sa loob noon. Nagtataka siya kung
bakit gumagalaw ang mga laman noon. Napaatras siya.

Nagulat na lang siya ng may malaking galamay ng isang halimaw na nagmula sa ref ang
pumulupot sa kanyang beywang at pilit siyang pinapasok sa loob ng pridyeder.
Malakas siyang tumili. "Eeeeeehhhh!!!"
Naibato ni Bridgette ang isag popcorn sa screen ng TV sa sobrang bored na niya sa
pinapanood. "Ang corny naman ng horror na iyan. Ang panget pang tumili ni Andi!"
Tumayo na siya at iniwan ang mga kaibigan na nasa salas nila habang nanonood ng
Pridyeder.

Pumunta siya sa kusina upang kumuha ng maiinom. Pagbalik niya ay patay na ang TV.
"Oh, bakit naka-off na iyan?" tanong ni Bridgette.

"Eh, nakakatamad naman talagang manood na..." ani Thea. "Si Charina lang naman ang
may gustong manood niyan!"

"Somehow, namimiss ko na si Olivia!" Himutok pa ni Bridgette. Nagtinginan sa kanya


ang lahat na akala mo ay inuusig siya. "Don't give me with that look na parang I
care with that scandal girl. Namimiss ko naman talaga siya eh...Nai-bully! I miss
seeing Olivia cry!" At lumabas sa bibig niya ang isang matining na pagtawa.

Tumayo bigla si Charina. "Well, since nawalan na kayo ng gana na manuod...Ano kaya
kung mag-shopping na lang tayo?"

"Thats boring..." Tila tinatamad na turan ni Emma. "I have an idea. Lets try
something new."

"New?"
"Yes! Shoplifting..." Pabulong na sabi ni Emma.

Natigilan ang lahat at wari ay nag-iisip. "But...Thats pagnanakaw, diba?" basag ni


Charina.

"Gaga! Kelan ka pa naging conyo Charina?" Pansin ni Thea sa pananalita ng


kabarkada. Si Emma naman ang kinausap ni Thea. "What if mahuli tayo?"

"Thats the exciting part! Chasing. Getting attention! Diba iyon ang gusto natin?"
Nakangisi pa nitong sagot sabay tingin kay Bridgette na parang humihingi ng
pagpayag.

"OK. Lets do it!" Nakangising pagsang-ayon ni Bridgette.

--------------------------------------------------------
NAGHUHUGAS ng mga pinggan si Olivia ng makarinig siya ng pagkatok sa pintuan.
Mukhang may tao. Pinunas muna niya ang basang mga kamay sa gilid ng kanyang suot na
palda. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang limang lalaki. Pulos
nakakulay pula ang suot nito na parang pang-pari. May dalang makapal na aklat ang
nasa gitna. "S-sino po sila?" Medyo kinakabahan siya dahil parang mga kulto ang
hitsura ng mga lalaking nasa harapan niya.

"Hinahanap namin ang kapanalig namin na si Magdalena..." Mababaw ang tono ng boses
ng lalaki sa gitna.

"Si Tiyang Magda po ba? Nasa itaas po siya. Tatawagin ko po ba?" Nilakihan niya ang
bukas ng pinto bilang paggalang.

"Huwag na. Kami na lamang ang aakyat. Maaari ba?"

Hindi na hinintay ng limang lalaki ang pagsagot niya. Dire-diretso nang pumasok ang
mga ito. Naiiling na lamang na sinundan niya ng tingin ang limang lalaki hanggang
sa umakyat ito sa itaas ng kwarto ng Tiyang Magda niya.
-----------------------------------------------------------

HALOS dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin nakikita ni Olivia na
lumabas ng kwarto ng Tiyang Magda niya ang limang lalaki. Kanina ay natatandaan
niya na tinawag ng mga ito na "kapanalig" ang tiya niya kaya napaghinuha niya na
ang mga ito ay kasamahan ng Tiyang Magda niya sa bago nitong relihiyon.

Mag-aalas-tres na pala ng hapon kaya naman naisipan ni Olivia na magluto ng


kakainin ng mga bisita nila. Nagtungo siya sa kusina at binuksan ang refrigerator.
Walang ibang laman iyon kundi pitsel lang ng tubig. Ang freezer naman ang tinignan
niya. Punung-puno pa rin iyon ng karne. Kumuha siya ng ilang piraso at inilagay
iyon sa tupperware. Binabad muna niya sa tubig upang tuluyang lumambot iyon.

Habang pinapalambot ang mga karne ay naisipan ni Olivia na manuod na lamang sa


telebisyon. Nagtungo siya sa salas at umupo sa sopang gawa sa kawayan.
Pinagtiyagaan niya ang malabong palabas sa maliit na telebisyon.

Naantala lang ang kanyang panonood ng bigla siyang makarinig ng malakas na kalabog
sa itaas. Sigurado si Olivia...Nanggaling iyon sa silid ni Ysabelle. Hindi na sana
niya papansinin iyon pero muli niya iyong narinig. Mas malakas. Sunud-sunod!

Bigla siyang nakaramdam ng pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Walang tao sa


kwartong iyon ni Ysabelle...Hindi kaya...

"Y-ysabelle?" Mahina niyang turan.

Mabilis siyang nagtungo sa taas at pagbukas niya ng pintuan ng silid ni Ysabelle ay


nanlaki ang mga mata niya ng makita roon ang nawawalang pinsan. Nakaupo sa kama.
Walang ekspresiyon ang mukha.

"Ysabelle!" Masayang-masaya si Olivia. Nakangiti niyang sinugod ng yakap ang pinsan


niya.

Pero ganoon na lamang ang pagkagimbal ni Olivia ng pagyakap niya kay Ysabelle ay
nagkapira-piraso ang katawan nito. Sumabog ang lamang-loob nito sa sahig. Naduwal
siya ng makita ang putol-putol na bahagi ng katawan nito. Kamay, braso, binti, paa,
daliri at iba pa. Nagkalat. Nakakasulasok ang amoy!

"Ahhhhh!!!" Malakas siyang napatili sa nakakahindik na senaryo na kanyang nakita.


--------------------------------------------------------

"HAAA!!!" Habol ang hininga ni Olivia ng magising siya. Bumangon siya sa


pagkakahiga sa sofa. Nakatulog pala siya.

Panaginip lang ang lahat.

Nagtungo siya sa kusina upang tignan ang nakababad na karne. Malambot na iyon.
Inalis niya ang tubig at tinadtad ng pinung-pino ang karne. Balak niyang gumawa ng
meatballs spaghetti...

-------------------------------------------------------
"F*CK! Muntik na tayong mahuli ah!" Pawisan ang mukha ni Emma habang nakasakay sila
sa kotse ni Bridgette.

Ngumiti si Bridgette. "New jeans for free!" Nagmamalaki pa ito sa nanakaw na


mamahaling pantalon.

"Ay. Sayang naman...I did'nt got any!" Himutok ni Charina.

"Better luck next time girl!" Pang-aasar dito ni Thea habang winawagayway ang kulay
pink na blouse.

-----------------------------------------------------
KAKATOK pa sana si Olivia para ihatid ang merienda sa kwarto ng kanyang Tiyang
Magda pero hindi na niya nagawa dahil sa nakaawang ang pinto noon.

Hindi naituloy ni Olivia ang tuluyang pagbukas niya ng pinto dahil sa nakitang
eksena sa loob ng kwarto ng kanyang Tiyang Magda. Isang rebulto ng tila halimaw ang
nasa gitna ng kwarto. Nakakatakot ang hitsura nito. Sa tantiya ay anim na
talampakan ang taas nito. Nakalabas ang dila nitong mahaba na sa dulo ay may ulo ng
ahas. Nakakatakot ang matatalas nitong pangil at ang nanlilisik nitong mata. May
sungay din ito na mahaba. Nakaluhod dito ang limang lalaki at ang Tiyang Magda
naman niya ay nasa gilid ng rebulto. Nakatingala habang nakapikit. Nakadipa.
Umuusal ang mga ito ng lenggwahe na sa pagkakaalam niya ay latin. Napaatras si
Olivia...Satanista ba ang sinalihang relihiyon ng tiya niya?

Dahil sa panginginig ng kanyang kamay ay nabitawan niya ang pinggan na naglalaman


ng spaghetti. Nabasag ang plato at gumawa ng nakakangilong ingay. Nagulantang si
Olivia ng sabay-sabay na lumingon sa kanya ang anim na tao na nasa silid na iyon.
Isa pang nakadagdag ng kilabot sa kanya ay ang puro puti nitong mga mata!

Sa labis na pagkalito ni Olivia ay agad niyang isinara ang pintuan. Nanginginig pa


rin siya sa takot sa nakita. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Siya ba ang birhen?" Narinig ni Olivia. Boses ng isang lalaki.


"Oo. Siya na nga...Ang sunod na alay!" Boses ng isang babae. Ang Tiyang Magda niya?

"Paano kung hindi na siya birhen?"

"Matutulad lang siya sa mga nauna! Isasalin natin siya sa katawan natin tulad ng
iba! Malinis na babae ang nais ng ating Panginoon." Boses ulit ng babae.

Sa narinig ay nagmamadali siyang nagkulong sa kwarto ng pinsan na si Ysabelle. Wala


siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito...Birhen? Panginoon? Alay? Ano ang
mga iyon? Satanista nga ba ang tiyang niya? Si Ysabelle? Nasaan nga ba talaga ito?
Hindi kaya lumayas na nga talaga ito dahil sa hindi na nito kayang masaksihan ang
kakaibang relihiyon ng ina?

"Diyos ko...Tulungan niyo po ako...Ano po ba ang nangyayari dito?" Pipi niyang


dalangin.

Bigla niyang naalala si Ysabelle.


-FLASHBACK-

Close na close silang dalawa noon ni Ysabelle...Dahil parehas na mag-isang anak ay


silang dalawa ang talagang naging malapit.

"Bilang tanda ng ating officially na pagiging magkapatid!" At pinakita pa nila ang


pinagawa nilang tattoo sa kanilang beywang. Isa iyong itim na paru-paru. Kakapagawa
lamang nila noon.

"Hindi kaya mapagalitan tayo nina Inay at Tiyang Magda?" Nag-aalalang tanong ni
Olivia.

Umirap sa kanya si Ysabelle. "Hmp! Kaya nga sa tagong parte ng katawan natin tayo
nagpa-tattoo eh para di nila makita!" At sabay silang nagkatawanan na mag-pinsan.

-END OF FLASHBACK-

NAPALUHA si Olivia ng maalala ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay nasa


beywang pa rin niya ang naturarang tattoo.

Ilang sandali pa ay naramdaman ni Olivia na nagsialisan na ang mga bisita ng Tiyang


Magda niya. Saka lang siya lumabas ng kwartong iyon. Sa paglabas niya ay nakasabay
niya ang Tiyang Magda niya. Suot pa rin nito ang kulay pula nitong kasuotan.

"Tiyang Magda, sino po sila? Bakit kayo sumasamba sa diablo?" tanong agad ni
Olivia. Pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagbaba sa hagdan.
"Tiyang!" Sigaw niya sabay hawak sa braso nito.
Nilingon siya nito at sa kauna-unahang pagkakataon ay kinausap siya ng tiya niya.
"Huwag mo ng alamin! Matuto kang ipikit ang iyong mga mata kahit ikaw ay
nakadilat..." Naguguluhan siya sa sinabi nito. Parang palaisipan. Tumalikod na ulit
ito.

"Eh si Ysabelle...Asan po siya?" Dumagundong ang kanyang boses.

Natigilan sa paghakbang ang Tiyang Magda niya. "Si Ysabelle...Andiyan siya.


Nandiyan na siya sa iyo. Sa loob mo." At tuluyan na siya nitong iniwan.

Matapos iyon ay muling nagkulong sa kwarto ni Ysabelle si Olivia.

--------------------------------------------------------
NAG-INAT si Olivia ng magising siya. Nang tignan niya ang orasang-pambisig niya ay
ala-siete na ng gabi. Medyo napatagal pala ang pag-idlip niya. Bumangon na siya
para magluto pero nagulat siya ng may nakahain ng pagkain sa lamesa.

Binuksan niya ang malaking mangkok at nanuot sa kanyang ilong ang masarap na amoy
ng nilagang karne. Nakakaengganyo din kumain ang umuusok na kanin sa harapan niya.
Kumuha na siya ng mga pinggan at kubyertos sa palamingganan. Napangiti siya. Kahit
pala papaano ay nagluluto pa rin ang tiyang niya.

"Tiyang! Kain na po tayo!" Tawag niya para sabay na sila. Nakailang tawag na si
Olivia pero walang dumating na Tiyang Magda. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.
Gutom na talaga siya.

Kumuha siya ng kanin at sinabawan iyon. Kumuha rin siya ng isang tipak ng karne at
kinagat iyon. Medyo makunat pero ayos na rin. Masarap at malinamnam ang karne.
Hindi lang masyadong napakuluan. Naubos agad ni Olivia ang isang tipak ng karne.

Inilapit niya sa kanya ang malaking mangkok. Hinalo niya iyon upang makapili ng mas
malaman na karne at labis ang pagkagimbal ni Olivia ng lumutang sa sabaw ang tipak
ng karne na may tattoo na itim na paru-paru sa balat nito!
-CLASS DISMISSED-

*******************************************
[11] LESSON 9- Run Devil, Run
*******************************************
DEDICATION:

Para kay NakaHaru9090 ang lesson na ito dahil sa comment niya na:

"Masarap pala kumain ng tao ano??? Ehh!!! Hindi ko kayang ma-imagine!!! >O< Hate ko
na ang mga karne!! Bka makakain ako ng karne ng isang tao.. Vegetarian na ako
nito... Nakakaderder naman ng chapter na ito!! Kuya Soju, dahil sa iyo hate ko na
ang karne.. Ayoko pa naman ng veggies.. Ahetchu >3< *pout* Joke lang..."

LESSON 9- Run Devil, Run

"GWAAARK!!!"
Pakiramdam ni Olivia ay naisuka na niya lahat pati bituka niya pero parang ayaw
maalis lahat ng kinain niya. Maluha-luha na siya dahil kanina pa siya sumusuka.

Nanghihina na naitukod ni Olivia ang dalawa niyang kamay sa gilid ng lababo.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakakain siya ng karne ng
isang tao at ang pinsan pa niyanh si Ysabelle!

Ngayon lang niya naisip ang lahat. Kaya pala ng itanong niya sa Tiyang Magda niya
kung nasaan si Ysabelle ay itinuro nito ang refriherator dahil nandoon pala talaga
si Ysabelle.

At naalala pa niya ang sinabi sa kanya ni Tiyang Magda ukol sa kinaroroonan ng


pinsan niya: "Andiyan siya. Nandiyn siya sa iyo. Sa loob mo!" Kaya pala ganun dahil
ang karne na matagal na niyang kinakain ay si Ysabelle pala!

Pagharap niya ay nagulat siya ng makita niyang nasa bungad ng pintuan ng kusina ang
Tiyang Magda niya. Suot pa rin nito ang kulay pula nitong damit. "T-tiyang!" Bigla
niyang bulalas.

Umupo ito sa upuan para kumain. Butil-butil ang pawis niya. Sigurado si
Olivia...Ang Tiyang Magda niya ang pumatay kay Ysabelle pero bakit nito ginawa iyon
sa sariling anak?

Kailangan niyang alamin ang lahat. Magpapakatatag siya. Malakas din ang kutob ni
Olivia na may kinalaman ang relihiyong sinalihan ng Tiyang Magda niya. Kailangan
niyang kumilos.

"K-kumain na po kayo Tiyang...Aakyat lang po ako sa itaas dahil parang sumama ang
pakiramdam ko..." At nag-uunahan ang mga paa na tinungo niya ang kwarto ni
Ysabelle.

Lahat ng aparador sa kwarto ay pinagbubuksan niya. Umaasa siya na makakakita siya


ng kahit anong bagay na magbibigay linaw sa lahat pero bigo siya. Biglang naantala
ang paghahanap ni Olivia ng makarinig siya ng malakas na kalabog na nagmula sa
kusina. Nagmamadali siyang bumaba roon dahil nag-aalala siya dahil baka kung ano na
ang nangyari sa Tiyang Magda niya.
"Tiyang?" Bakit wala sa kusina ang tiyang niya.

Tinawag niya itong muli pero walang sumagot pero bigla siyang natakot ng makita
niyang nasa itaas ng hagdan si Tiyang Magda. Galit na galit ang mukha nito.
Nanlalaki ang mga mata at may hawak pa itong matalim na kutsilyo!

"T-tiyang..." Napaatras si Olivia.

Biglang nagsalita ang Tiyang Magda niya. Medyo mabilis ang pagsasalita nito.
"Matagal ko ng pinagsabihan si Ysabelle na lisanin na niya ang bahay na ito pero
matigas ang ulo niya. Siya ang napiling alay dahil isa siyang birhen. Siya ang
pinili ng mga kapanalig namin. Pero nagkamali kami dahil nang iharap na namin siya
sa Diablo ay tumangis ang rebulto! Maduming babae si Ysabelle at hindi siya
karapat-dapat na alay! Inutos ng Diablo na patayin siya at sinunod namin iyon!
Halos masira ang utak ko bilang ina niya. Gusto kong ibalik si Ysabelle sa kung
saan siya nanggaling...Sa aking sinapupunan. Unti-unti...Unti-unti ay naibabalik ko
na siya!"

Ngayon ay malinaw na kay Olivia ang lahat. "Tiyang...Paano niyo naaatim na kainin
ang sarili niyong anak?"
Nakakatakot na tumangis si Tiyang Magda. "Masakit para sa akin ang ginawa nila sa
aking anak pero ako ay isang taga-sunod lamang at kanina...May iniutos na naman
sila."

Mukhang alam na ni Olivia ang susunod na sasabihin nito. Iyong narinig niya na
pinag-uusapan ng mga lalaking naka-pula. Alay. Birhen. Panginoon. Ang susunod na
alay ay walang iba kundi...

"IKAW! Ikaw Olivia ang iaalay namin mamayang hatinggabi!" Sigaw nito na may
kasamang panggigigil.

"M-maawa po kayo tiyang...Wag niyo pong gawin iyan. Tumiwalag ka na lang po sa


relihiyon na iyan..." Naiiyak na pakiusap niya.

"Hindi maari! Dahil nakasangla na sa Diablo ang kaluluwa namin. At makakatanggap ng


isang malaking kaparusahan ang susuway sa kanya!"
"Tatakas tayo!" Giit niya.

"Walang nakakapagtago sa kanya!" Napaatras siyang muli ng dahang-dahan nang bumaba


ang Tiyang Magda sa hagdan papalapit sa kanya. Dinig niya ang pag-ingit ng hagdan.
"Wag ka na lang manlaban Olivia nang hindi mo maramdaman ang sakit..."

"Tiyang, huwag po..." Samo niya pero bingi na ito.

Halos limang dipa na lamang ang layo nito. Nanginginig na sa takot si Olivia lalo
na at may dala pa itong patalim.

Apat na dipa...Gustong-gusto na ni Olivia na tumakbo pero hindi niya magawa dahil


tila napako na ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya.

Tatlong dipa. Iwinasiwas ni Tiyang Magda ang hawak nitong kutsilyo. "Ang Diablo ang
may gusto nito! Siya lamang ang magliligtas sa sanlibutan!"
Dalawang dipa. "Tiyang...Wag po. Magbalik loob po kayo sa Diyos..." Nakita ni
Olivia ang isang malaking pigurin. Agad niya iyong dinampot.

Isang dipa. Malakas na sumigaw si Olivia sabay bato ng pigurin sa ulo ng kanyang
Tiyang Magda. Nawalan ito ng malay at agad na bumagsak sa sahig. Doon lang siya
nakahinga ng maluwag. Nanghihina na napaupo si Olivia habang umiiyak at takot na
takot na nakatingin sa walang malay niyang tiya.

Halos pagapang na nilapitan ni Olivia ang tiya. Agad kasi siyang nakaramdam ng awa
ng bumagsak ito at baka napatay pa niya ito. "Tiyang? Tiyang...Hindi ko po
sinasadya...Pasensiya na po." Aniya habang hinahaplos ito sa likod.

"Eeeehhh!!!" Malakas na napasigaw si Olivia ng biglang magkamalay si Tiyang Magda


at mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay. Maraming umaagos na dugo mula sa sugat
nito sa ulo pero parang balewala lang dito iyon.

"Ilang saglit na lang at darating na ang mga kapanalig ko...Sisimulan na ang ritwal
para sa pag-aalay!"
"T-tiyang!!!" Malakas na sigaw ni Olivia nang makita niyang itinaas ni Tiyang Magda
ang kamay na may hawak na patalim upang itarak sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang
kanyang mga mata.

Pero agad siyang napamulat ng muling bumagsak sa sahig ang kanyang tiya. May isang
lalaki na nakatayo sa likod nito at may hawak na kahoy na sa hula niya ay
pinangpukpok iyon sa ulo ni Tiyang Magda. Natatandaan niya ang lalaking ito...Ito
iyong tricycle driver na naghatid sa kanya dito.

"Tara na! Kailangang makaalis kana dito bago sila dumating!" Sabay lahad ng lalaki
ng kamay nito.

"S-sino ka?" Naguguluhan pa niyang tanong.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Ang importante ay makaalis na tayo dito!"


Agad na tumayo si Olivia at inabot ang kamay ng lalaki. Lumabas agad sila ng
pintuan. "Sandali ang mga gamit ko!" aniya ng palabas na sila ng gate.

"Wag mo nang intindihin iyon, ang importante ay makatakas na tayo dito!" giit ng
lalaki.

Umiling siya. "Saglit lang ako..." At hindi na niya pinakinggan ang lalaki. Pumasok
siyang muli sa bahay at nakita pa rin niya sa salas ang walang malay na si Tiyang
Magda. Nagmamadali ang mga hakbang na tinungo niya ang kwarto ni Ysabelle at kinuha
doon ang bag niya. Bumaba agad siya pero bigla siyang natigilan ng may mapansin
siya...

Wala na sa salas ang katawan ng tiyang niya!

Pagbukas niya ng pinto ay malakas siyang napasigaw ng makitang nakatayo sa pintuan


si Tiyang Magda at duguan ang mukha nito. Lumuluha ito. "Papatayin nila ako kapag
wala akong naibigay na alay!"
"Tiyang!" Hindi na ito nagsalita. Tila wala sa sarili na pumasok ito sa loob ng
bahay.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Wala siyang ideya.

"Halika kana! Paparating na sila!" Sigaw ng lalaki sa kanya. Nakasakay na ito sa


tricycle.

Doon lang bumalik sa huwisyo si Olivia. Mula nga sa kalayuan ay kita niya ang mga
taong may dalang sulo. Sumakay na agad siya sa tricycle at agad na nilisan ang
lugar na iyon.

---------------------------------------------------
"BOYFRIEND ako ni Ysabelle," Pagkukwento ng lalaki na nagligtas sa kanya. Gener ang
pangalan nito. Nasa bus terminal na sila. Pabalik na kasi siya ng Laguna. "Hindi
lingid sa akin ang pagiging satanista ni Aling Magda...Ilang beses ko nang
sinabihan si Ysabelle na umalis na sa bahay nila pero ayaw niya. Mahal na mahal
niya kasi ang nanay niya..."

Napangiti si Olivia."Mapagmahal talaga ang pinsan ko...Sayang nga lang at hindi


siya nabigyan ng magandang libing..." Malungkot niyang sabi. Pilit niyang
winawaglit sa isipan niya na nakain niya ang karne ng pinsan niya. Kapag iniisip
niya kasi iyon ay parang babaligtad talaga ang kanyang sikmura.

"Tama ka..." Pagsang-ayon ni Gener. Tila naubusan na ito ng sasabihin.

Tinapik ni Olivia ang braso ng lalaki. "Maraming salamat Gener...Utang ko sa iyo


ang aking buhay! Paano...Aalis na ako. Salamat ulit Gener!"

Sumakay na siya ng bus at kumaway pa sa lalaki bago tuluyang umandar ang sasakyan.
Habang kumakaway si Olivia kay Gener ay ganun na lang ang takot at kilabot ng
lalaki....Dahil sa kanyang paningin ay pugot ang ulo ni Olivia!

-----------------------------------------------------

IKALAWANG araw na simula ng makauwi si Olivia mula sa Quezon. Hindi na muna niya
ikwenento sa nanay niya ang nangyari roon dahil dagdag alalahanin lang nito iyon.
Linggo noon at matatapos na ang suspensiyon niya sa klase. Bukas, Lunes ay maaari
na siyang makabalik sa school.

"Inihanda mo na ba ang gamit mo Olivia?" Malamig ang boses ng kanyang nanay habang
kumakain sila ng hapunan.

"Oo..." tipid niyang sagot. "Teka, Nanay...Akala ko ba wala kayong pera? Saan kayo
kumuha ng pera na pambili ng karne? Akala ko ba nagtitipid tayo ngayon?"
"Ah ito bang inadobo ko? Galing ito doon sa bag..." sagot ng kanyang nanay.

Nangunot ang kanyang noo. "Bag? Aling bag?"

"Iyong bag na ginamit mo ng pumunta ka sa Quezon. Pagbukas ko kasi ng dumating ka


may karne doon. Nilagay ko muna sa ref. Baka kako pabalot ng Tiyang Magda mo sa
iyo..."

Hindi na narinig pa ni Olivia ang iba pang sinasabi ng kanyang nanay. Nagmamadali
siyang tumayo at agad na hinanap ang lababo...

-CLASS DISMISSED-
*******************************************
[12] Surprise Quiz
*******************************************

May surprise quiz tayo ngayon.

Ang mechanics ay ganito:

Meron kasing character sa next lesson natin ang mamamatay. Kaya niyo kayang hulaan
kung sino?

Ang clue?

Tignan ang picture sa gilid.

Kung sino ang FIRST na magcocomment ng tama ay sa kanya ko idedicate ang next
lesson...Plus may fansign pa galing sa akin. (Kahit ayaw niyo. Hehe!) At may bonus
na "KISS" kapag nasabi niyo ang paraan ng pagkakamatay ng character na ito. :-*

Isang answer lang per account ha. Bawal madaya. Kung anong una niyong sagot, YUN NA
IYON!

Okey mga schoolmates. One-seat apart and no cheating please!

*******************************************
[13] LESSON 10- Hell Again
*******************************************
LESSON 10- Hell Again
"MALIGAYANG pagbabalik Olivia!" Nakangiting bati ni Ruvina sa kanya ng papasok na
siya sa gate. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita."

Hindi pinansin ni Olivia ang babae. Alam niyang isa itong multo at tanging siya
lamang ang nakakakita rito. Magiging sentro na naman siya ng panunukso kung
kakausapin pa niya si Ruvina. Iisipin n naman ng iba na nababaliw na siyang talaga.

"Olivia? Bakit hindi mo ako pinapansin? Magsalita ka naman!" Pangungulit pa sa


kanya ni Ruvina.

Nagtungo si Olivia sa gilid ng isang classroom kung saan walang masyadong


estudyante ang nagpupunta. Doon niya kakausapin si Ruvina. "Ruvina, hindi na kita
pwedeng kausapin. Inaakala nilang baliw na ako dahil kinakausap ko ang isang tao na
hindi nila nakikita. Magkaiba ang mundo nating dalawa Ruvina...Patay ka na!"

Ngumiti lang si Ruvina. "Pero ang sabi mo kaibigan na kita at sagrado ang kasunduan
na iyon..."

"Bakit ka ba andito? Bakit hindi ka pa umaalis sa lupa?"

"Hindi ko alam. Siguro, sa lugar na ito ako namatay. Napatunayan ko rin na walang
langit. Walang impyerno! Kung meron man, bakit hanggang ngayon andito pa rin ako?!"

"Dito ka namatay?"

"Oo!" Mabilis na sagot ni Ruvina. "Halos limang taon na rin ang nakakaraan. Tulad
mo, biktima rin ako ni Sir Gomez. Ang pinagkaiba nga lang natin, nilabanan mo siya.
Pinatay mo siya, hindi ba?"
Nahihintakutan na napaatras si Olivia. "H-hindi ko ginawa iyon. Si Y-yoseif!"

Biglang tumawa si Ruvina. "Nakita ko ang lahat Olivia. Ako iyong duguang babaeng
nakita mo ng gahasain ka ni Sir Gomez. At Yoseif, alam ko din na ikaw at siya ay
iisa lamang, hindi ba?"

Pinagpapawisan na nilisan ni Olivia ng lugar na iyon. Nakayuko ang kanyang ulo at


nagmamadaling tinahak ang daan patungo sa kanilang classroom. Dahil sa pagmamadali
at hindi naka-pokus sa dinadaanan ay nakabangga siya ng isang estudyante.
Nagkatinginan silang dalawa ng nabangga niya. Si Maika!

"S-sorry..." aniya at akmang aalis na sana siya pero tinawag siya ni Maika.

"Olivia..." Natigilan siya. Hindi siya makapaniwalang papansinin pa siya ng dating


kaibigan na itinakwil siya. "Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa iyo..."
"M-maika..." Naluluha niyang sabi.

"Gusto kong ipagtapat sa iyo ang lahat Olivia. Mag-usap tayo, pero wag dito.
Sumunod ka sa akin..." Sinundan lang ni Olivia si Maika hanggang sa makarating sila
sa rooftop ng isang building sa eskwelahan na iyon.

"Mas OK na mag-usap tayo dito. Walang masyadong makakakita sa atin..." turan sa


kanya ni Maika.

Nagtatakang nagtanong si Olivia. "Ha? Bakit kailangang dito pa natin mag-usap?"

"Dahil kina Bridgette!" Sabay hawak ni Maika sa dalawa kong kamay. "Olivia, sorry.
Ang totoo niyan tinakot lang nila ako. Ang sabi nila, ibubully rin nila ako kapag
kinaibigan pa kita. Sorry Olivia! Hindi ako naging mabuting kaibigan sa iyo!" At
niyakap siya ni Maika.
Napaluha si Olivia. "Dapat sinabi mo na agad ng nalaman ko. Hindi sana kung anu-ano
ang iniisip ko...Ang akala ko kasi katulad ka rin nina Bridgette na hinusgahan agad
ang pagkatao ko dahil sa scandal video ko. Kahit pala kailan,hindi ako nawalan ng
kaibigan. Salamat Maika!"

"P-pero natatakot ako Olivia..." sabay kalas nito ng yakap. "Papaano kung malaman
nina Bridgette na nagkaayos na tayo?"

"Hmm...Oo nga ano. Alam ko na. Pwede naman nating ilihim sa kanila ang lahat! Pwede
naman tayong maging secret friends!" Masigla niyang turan.

"Secret friends?! At talagang pinaglilihiman niyo pa ako!" Isang galit na boses ng


babae ang narinig ni Olivia. Pagtingin ni Olivia sa bandang kanan niya ay nakita
niyang nakaupo sa railings si Ruvina. Tumatawa ito. "Ayos ba ang panggagaya ko kay
Bridgette?" Patuloy ito sa pagtawa.

"Ruvina..." bulong niya. Ang akala niya ay si Bridgette ang nakarinig sa kanila.
"Ayos ka lang Olivia? May problema ba? Para kang nakakita ng multo," sabi sa kanya
ni Maika.

Umiling siya. "W-wala. Halika, umalis na tayo dito."

----------------------------------------------------

"WELCOMEEE!!!" Ang sigawan ng mga classmates niya ang sumalubong sa kanya


pagkapasok ni Olivia sa classroom.

Mataray na lumapit sa kanya si Bridgette at nasa likuran nito sina Charina, Emma at
Thea. "Welcome back scandal girl slash human toy of the year!" Hagalpakan ng tawa
ang lahat. "Bilang pagbabalik, here may regalo kami sa iyo." At nagulat siya ng
bigla siyang sabitan sa leeg nina Charina ng korona ng patay. Palakpakan ang lahat.
Akmang aalisin niya ang korona pero pinigilan siya ni Bridgette. Nanlalaki ang mga
mata nito habang nagsasalita. "Oops! Tatanggalin mo? Wag. It suits you! Isa pa,
aren't you happy sa warm welcome namin sa iyo?"

"Andiyan na si Teacher Noah!!!" Sigaw ng isa nilang classmate.

Dagsaan ang mga nagsipasukan na kaklase nila sa loob.Pinagdaan-daanan lang siya.


Tinanggal niya ang korona ng patay. Gusto niyang umiyak pero alam niya na kapag
ginawa niya iyon ay bibigyan lang niya ng kasiyahan sina Bridgette.

Dumating na si Teacher Noah. Nakita niyang nagulat ito ng makita siyang wala pa sa
upuan niya. "Oh, Olivia? Bakit wala ka pa sa upuan mo?"

"Teacher, lalabas daw si Olivia. Kakausapin niya ulit si Ruvina sa rooftop!" Sigaw
ni Ford. Tawanan.

"Stop it Ford! Daig pa ng bibig mo ang isang babae!" Sita ni Teacher Noah.
Kinantiyawan ng lahat si Ford. "Go back to your seat now Olivia. Magkaklase na
ako."
"Opo Teacher Noah..." at bagsak ang balikat na pumunta siya sa kanyang upuan.

Nagkatinginan silang dalawa ni Maika. Matipid siya nitong nginitian at ginantihan


din niya ito ng isang tipid na ngiti.

-------------------------------------------------

"AUGUST na pero hindi pa rin natin alam kung sino ba ang lover ng Teacher Noah na
iyan!" gigil na hinahalo ni Charina ang halo-halo sa kanyang harapan.

"Bakit, anong gagawin mo Charina pag nakilala mo? Kakalbuhin mo?" Natatawang turan
ni Thea.
Umirap dito si Charina. "Siyempre hindi no! Hindi naman ako war-freak. Basta,
curious lang ako kasi diba, kapatid niya iyong girl na iyon?"

Biglang nakisali sa usapan si Bridgette. "Charina is right. Even me, curious na rin
ako sa babaeng iyan na girlfriend ni Teacher Noah. Alam niyo naman na mainit ang
dugo ng teacher na iyan sa grupo natin. Gusto ko naman na kahit papaano ay
makaganti sa pamamahiya niya sa atin infront of the class!"

"Oo nga. Tignan niyo ang ginawa niya kay Ford kanina!" si Thea.

"Sooner or later, sisingaw din ang baho ng Teacher Noah na 'yan!" At mataray na
ngumiti si Bridgette.

--------------------------------------------------
"NOAH!" Nagulat si Teacher Noah nang may biglang yumakap na babae sa kanyang
likuran. Humarap siya dito at kaylapad ng kanyang ngiti ng makilala niya ang babae.
Ang kanyang pinakamamahal na babae. Ang kanyang kapatid.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

Hindi ito sumagot. Naipikit niya ang mga mata ng bigla siyang halikan nito. "Namiss
kita. Iyong ganito..." bagkus ay sagot ng babae.

Napailing si Teacher Noah. "Miss na rin kita!" Sabay ngiti.

Hindi alam ng babaeng ito ang pagiging magkapatid nila. Tanging siya at ang kanyang
nanay lamang ang nakakaalam ng lihim na iyon. Magkasintahan na kasi sila ng malaman
niyang kapatid pala niya ito. Wala na siyang magagawa dahil mahal na mahal na niya
ito. Hindi na niya kayang kalimutan ang tulad nito.
Agad niyang kinabig ang babae at mahigpit na niyakap. "Sige na, bumalik ka na sa
room mo..."

"Pero gusto pa kitang makasama Noah!" Giit nito.

"Baka may makakita pa sa atin eh. Hayaan mo, mamaya pagkauwian, dumiretso ka s
bahay ha?"

Naging masaya ang mukha ng babae. "Talaga? Sige, aalis na ako." At bago ito umalis
ay hinalikan pa siya nito sa kanyang pisngi.

Pagkaalis ng babae ay natigilan bigla si Teacher Noah...

-----------------------------------------------------------
KALALABAS lang ni Olivia mula sa canteen. Bumili kasi siya ng dalawang waffle. Tig-
isa sila ni Maika. Kapwa nila paborito ang naturang pagkain.

Masaya na rin kahit papaano si Olivia dahil sa magkaibigan nang muli sila ni Maika
kahit palihim nga lang.

Sa kanyang paglalakad sa pabalik sa kanilang classroom ay nalaglag ang baryang


sampung piso mula sa kanyang kamay. Nasa tapat siya noon ng lumang building. Iyon
ang building kung saan naroon ang rooftop na madalas nilang pagtambayan.

Agad siyang yumukod upang kuhain ang nahulog na barya. Saktong pag-unat niya ng
katawan niya ay may isang bagay na nalaglag sa kanyang harapan mula sa rooftop.

"Eeeehhhhh!!!" Malakas na napasigaw sa sobrang takot si Olivia nang malaman niyang


katawan pala ng tao ang nalaglag mula sa rooftop.
At nang makita niya kung sino ito ay...

"MAIKAAA!!!" Tangis niya nang malaman na si Maika ang nahulog mula sa rooftop.

Bali-bali ang braso at binti nito sanhi ng pagkakalaglag. Umaagos ang maraming dugo
mula sa katawan nito. Nakadilat ang mata nito na parang nakatingin sa kanya...

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[14] LESSON 11- When Everything Falls Apart
*******************************************
NOTE: Nagulat kayo no. May update agad. Hehe! Hindi ko alam kung matutuwa kayo o
hindi sa ANNOUNCEMENT ko na ito. Bale hindi na po every Wednesday ang update ng
School trip. Wala na pong particular day ang update. Pwedeng twice a week or once
lang.

Yun lang!

DEDICATED kay Clato_Fever dahil sa comment niya : "Hayyy naku buti nga syo Ford at
eto nmng mga 4 na Demonyita n to eh masyadong inshecure masyadong chismowsa pwe!
tpos si ruvina npaka sma arggghhhh buti nagkaayos n sila maika hayyyy and What!
Maika is dead Ruvina is jealous i swear arghhhh ano b nmn yan noon si Ysabelle ang
namatay dhil sa nanay niya ngyon nmn si Maika dhil kay Ruvina mas mabait pala tlga
si Maika kesa sa impaktang Ruvina" (galit na galit..hehe!)

LESSON 11- When Everything Falls Apart

--------------------------------------------------------
HINDI matinag si Olivia sa kakaiyak habang dahan-dahan na inilalagay sa stretcher
ang wala ng buhay na katawan ng kanyang kaibigan na si Maika.

"Maika!" Tawag niya kahit alam niyang hindi na ito sasagot.

Maraming estudyante ang nakapalibot sa lugar na pinangyarihan ng karumal-dumal na


pangyayari. Nakita niyang nagtatawanan ang grupo nina Bridgette. Parang natutuwa pa
ito sa nangyari kay Maika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos-maisip ni Olivia
kung bakit nagawang magpakamatay ni Maika. O kung nagpakamatay nga itong talaga.

"Maika!" At nakipagsiksikan talaga siya sa mga bumubuhat sa stretcher na


kinalalagyan ng kaibigan.

Pinigilan siya ng isang pulis. "Miss, lumayo na lang kayo ng maging mabilis ang
pagdadala sa punerarya ng biktima!" Napagalitan pa siya.

Wala na siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang papalayong ambulansiyang


kinalululanan ni Maika.

Pagkaalis ng ambulansiya ay kanya-kanya nang alisan ang mga estudyanteng nakiusyoso


lamang. Kanya-kanyang teorya sa pangyayaring naganap.

Nadaanan ni Olivia sa corridor ang grupo nina Bridgette na nagkukwentuhan.


Napatigil siya sa paglalakad nang malamang si Maika ang topic ng mga ito.

"Grabe ano? Bakit kaya tumalon si Maika from the rooftop? Baka naman akala niya
ibon siya...Ayan, hindi tuloy bumukas pakpak niya. Lagapak!" Narinig niyang sabi ni
Charina na ikinatawa ng mga ito.

"Or maybe, hindi na niya masikmura na minsan ay naging kaibigan niya ang isang
dirty girl...Tulad ng isa diyan!" Pagpaparinig sa kanya ni Bridgette. Tumingin sa
kanya si Bridgette at nag gulat-gulatan pa ito ng makita siya. "Ay! Andiyan ka pala
Olivia. Uy, wag kang masasaktan ha...Hindi naman ikaw ang sinasabi kong dirty.
Hahaha!"

Tinignan niya ito ng masama. "Hindi pa ba kayo masaya? Patay na si Maika!" Galit na
sigaw niya sa mga ito. "Ang akala niyo siguro hindi ko alam ang ginawa niyong
pananakot sa kanya kaya niya ako nilayuan?!"

Lumapit sa kanya si Emma at malakas siyang sinampal. "Ang lakas ng loob mo ah!
Matapang kana ngayon?

Sinundan pa iyon ng pagtulak ni Bridgette. Natumba siya at bumagsak siya sa


basurahan. Sumabog ang laman noon at ang ibang basura ay tumapon sa kanyang damit.
Tuwang-tuwa ang grupo ni Bridgette. Humulagpos nang tuluyan ang emosyon niya.
"Napakasama niyo...Huhuhu!" Umiiyak na sabi niya. "Ano bang naging kasalanan ko sa
inyo?!"

"Nakakatawa ka talaga Olivia!" Hirit pa ni Bridgette.

Tumalikod na ang mga ito. Nakita niyang nasa tabi niya si Yoseif. Nakangisi ito.
Napailing siya ng damputin nito ang basurahan at ibinato iyon kay Bridgette. Sapol
na sapol ito sa batok.

"Bitchhh!!!" Gigil na sigaw ni Brisgette. Nanlilisik ang mga mata na lumapit ito sa
kanya. Sinabunutan siya nito. "Ang lakas na talaga ng loob mo scandal-girl ka! How
could you!"

Hindi pa sana maaawat si Bridgette kundi pa dumating si Teacher Noah. Inawat sila
nito. "Ano na naman ito Bridgette, ha?"

"Bakit ako ang parang pinapagalitan niyo Teacher Noah? Iyang scandal-girl na iyan
ang sisihin niyo!" Humihingal na sumbong ni Bridgette.

Tinignan siya ng kanilang guro. "Olivia, ano na naman ba talaga ang totoong
nanyari?"

"Teacher Noah, pinagtatawanan--"

Hindi na naipagpatuloy ni Olivia ang pagsasalita dahil biglang umiyak na lamang si


Bridgette. "Teacher, nananahimik po kami dito ng bigla na lang akong batuhin ng
basurahan ni Olivia! Hindi na po namin maintindihan si Olivia. Kung anu-ano na lang
po ang ginagawa niya..."
Muling tumingin sa kanya ang guro. "Ayoko nang mauulit ito Olivia! Hindi ba't
sinabi kong kapwa kayo mag-iwasan?"

"O-opo..." Tanging sagot niya.

Nang tignan niya sa Bridgette ay isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa
kanya.

----------------------------------------------

NASA rooftop ng hapon na iyon si Olivia. Doon niya iniiyak lahat. Wala na siyang
kakampi. Si Maika na nga lamang ang kaibigan niya, nawala pa. Hanggang ngayon ay
isang malaking palaisipan pa rin ang pagtalon nito mula roon. Ayon sa imbestigasyon
ay wala namang nangyaring foul play kaya isang kaso iyon ng suicide.
Pero tila may bahagi ng kanyang isip na ayaw maniwala na nagpakamatay ang kanyang
kaibigan. Wala itong malaking rason para gawin ang ganuong bagay. Wala talaga.

Nanghihina na napaupo si Olivia sa sahig. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang


tuhod.

"Kanina ka pa umiiyak? Heto ang panyo..." Isang boses ng lalaki ang nagpaangat sa
kanyang ulo.

Bigla siyang napatayo ng makilala kung sino iyon. Si Steven! Ang nobyo ni
Bridgette. May inaabot itong isang kulay puting panyo.

Napaatras si Olivia. "A-anong ginagawa mo dito?! Sasaktan mo din ba ako?" Natatakot


na tanong niya.
"Olivia hindi!" Mabilis nitong sagot. Akmang hahawakan siya nito pero umiwas siya.
"Wala akong gagawing masama sa iyo Olivia, believe me..."

Nananatiya ang mga tingin ni Olivia. Wala siyang tiwala rito dahil kabilang ito sa
grupo ni Bridgette. "Umalis ka na." aniya.

"Andito ako para humingi sa iyo ng tawad." Natigilan siya sa narinig. "Pasensiya
kana sa lahat ng ginagawa ng grupo namin sa iyo, lalo na ni Bridgette."

Hindi makapaniwala si Olivia sa nangyayari. Nasa harapan niya ang isa sa taong
nagpapahirapa sa kanya at humihingi ng tawad. Napatingin siya dito at nakita niya
ang sinseridad sa mukha nito.

"Napipilitan lang naman akong gawin ang lahat ng iyon Olivia dahil girlfriend ko si
Bridgette kaya sana mapatawad mo ako."

Lumalambot na agad ang puso ni Olivia. "W-wala na iyon Steven. Sino ba naman ako
para hindi ka patawarin? Teka, alam ba ito ni Bridgette."
Mariing umiling si Steven. "Hindi. Hindi niya alam. Kilala mo naman si Bridgette,
diba?"

"Ganun ba? Sa totoo lang Steven nahihirapan na ako sa ginagawa nina Bridgette sa
akin. Gusto ko na ngang sumuko minsan pero ayoko...Gusto kong patunayan sa lahat na
matatag ako." Matagal na rin pala ng huling may ibang tao na napagsabihan niya ng
kanyang nararamdaman.

"Ganun ba? Wag mo sanang ipapaalam kay Bridgette na kinausap kita. Basta, kakampi
mo ako Olivia." Hinawakan pa nito ang kanyang kamay at pinisil iyon.

Naramdaman ni Olivia ang paggapang ng tila maliliit na boltahe ng hawakan ni Steven


ang kanyang mga kamay. Napasinghap siya. "Sige Steven. Walang problema." aniya.

"Sige, aalis na ako Olivia baka may makakita pa sa atin eh. Kaibigan mo na ako,
okey."
Nakangiti siyang sumagot.

Pinagmamasdan niya si Steven habang papalayo ito. Nawala na si Maika pero may
kapalit na agad ito sa katauhan ni Steven. Nakakatuwang isipin na sa tuwing bagsak
na bagsak na siya ay may isang taong dumarating para kahit papaano ay damayan at
samahan siya.

"Wag kang magtitiwala sa kanila Olivia..." boses iyon ni Ruvina. Nasa likuran pala
niya ito.

Hindi na niya ito pinansin. Nang pababa na siya ng rooftop ay narinig niya ang
malakas na pagtawa ni Ruvina.

-------------------------------------------------------
NANG gabing iyon ay nagpunta si Olivia sa huling gabi ng burol ni Maika. Bukas kasi
ay ililibing na ito. Hindi niya naiwasan ang pag-iyak nang silipin niya ito sa loob
ng kabaong nito.

"Maika..." Humahagulhol na tawag niya sa namayapang kaibigan.

Nagulat na lamang si Olivia ng biglang nagmulat ng mata ang bangkay ni Maika.


Sumisigaw na napaatras siya. Agad naman siyang nilapitan ng nanay ni Maika. "Iha,
bakit?"

Nanginginig ang mga kamay na itinuro niya ang kabaong ng kaibigan. Takot na takot
siya. "N-nagmulat po ng mata si M-maika!"

"Ha?" Nagtatakang sambit ng ina ni Maika. Tinignan nito ang anak. "Hindi naman iha
ah. Marahil ay namalik-mata ka lang."

May kaba sa dibdib niya ng muli niyang silipin ang kaibigan. Nakapikit pa rin ito.
Takot na takot na nagpaalam si Olivia sa nanay ni Maika para umuwi na ng bahay.

-------------------------------------------------------

MABILIS na lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang pambubully nina Bridgette kay
Olivia. Mabuti na lamang at andiyan si Steven para damayan siya sa paghihirap.
Bagaman at lihim sa lahat na magkaibigan sila ay ayos na rin iyon sa kanya.

Hanggang isang araw ay hindi inaasahan ni Olivia ang maririnig mula kay Steven.

"Olivia, may sasabihin sana ako sa iyo pero huwag kang magagalit, ha?" turan ni
Steven ng nasa rooftop sila.

"Ano iyon Steven?" aniya.


"I love you Olivia!"

Labis siyang nagulat sa sinabing iyon ni Steven. "Steven! A-alam mo ba ang sinasabi
mo?"

"Oo naman Olivia at sigurado ako sa mga sinasabi ko. Mahal kita. Matagal ko na
itong itinatago pero ngayon ay hindi ko na kaya pang pigilin ito! Mahal mo rin ba
ako Olivia?"

Natigilan si Olivia. Sa totoo lang ay unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito
dahil sa mga kabutihang pinapakita nito sa kanya. "A-ang totoo niyan Steven, may
nararamdaman din naman ako sa iyo."

Pagkasabi noon ni Olivia ay mabilis siyang hinalikan sa labi ni Steven. Halik na


tila nagpatigil sa pag-inog ng kanyang mundo. Halik na pansamantala ay pumawi sa
kanyang mga pasakit...
-CLASS DISMISSED-

*******************************************
[15] LESSON 12- Fooled
*******************************************
DEDICATED kay MistySnow6. Heto ang comment niya: "Waah! Kuya soju! Utang na loob!
Mag director kana. Hihihi! Horror pero kinikilig ako kay yoseif at steven sa di
malamang kadahilanan, kambal ata ako ni ruvina eh :/ ME IS KILIG! ME IS TAKOT!
Emeged! Nag dDay dream tuloy ako na ako si olivia, ayy bongga! :"> Hintayin ko po
Update moooooo! ^_^v"

NOTE: Nagtataka siguro kayo kung bakit halos everyday ay nag-uupdate ako sa ST.
Kasi naman more or less hanggang 24 chapters lang po ang School Trip. Kailangan ko
na siyang tapusin bago mag June 1, magtatrabaho na naman kasi ako.

Pabasa na rin po pala ng ALMOST A CINDERELLA STORY Book 3. Sa mga di pa nakakaalam,


may pagka-humor-romance writer din ako. Salamat!
LESSON 12- Fooled

"S-STEVEN...Bakit dito tayo pupunta?" Labis ang pagtataka ni Olivia sa lugar kung
saan tumigil ang sinasakyang kotse nila ni Steven. Student-license lang ang meron
ito pero malakas ang loob na magdrive sa mga national highways.

Sa harap ng isang motel sila humantong.

"Olivia...Gusto kong patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal." Masuyong sagot sa
kanya ni Steven.
Mariin siyang umiling. "Hindi tama ito Steven. Kung mahal mo ako irerespeto mo ang
kagustuhan ko na ayaw ko nito. May tamang panahon para sa ganitong bagay."

"Pero kung mahal mo ako ibibigay mo ang gusto ko!" giit nito.

Natigilan si Olivia. Minsan na siyang nagtiwala sa isang lalaki. Ibinigay niya ang
lahat noon pero sa huli ay siya pa rin ang kawawa.

"Ano? Bumaba na tayo Olivia..." Untag sa kanya ni Steven ng hindi siya


nakapagsalita.

Tinignan niya ito sa mata. "Ipangako mo Steven na papanindigan mo anuman ang


kahahantungan pagkatapos ng lahat ng ito..."
Mabini siyang hinalikan ni Steven. "Oo Olivia...Pangako. Hindi ako gagawa ng bagay
na ikakasama mo dahil mahal na mahal kita!" Tugon nito.

Matapos iyon ay magkasabay na silang pumasok sa loob ng motel. At makalipas ang


halos tatlong oras ay magkasabay din na lumabas ang dalawa.

-----------------------------------------------

PAGKAPASOK ni Olivia kinabukasan ay nagtataka siya kung bakit halos lahat ng


estudyante ay hawak ang kani-kanilang cellphones at tila may pinapanood doon. Hindi
na niya masyadong pinansin ang mga iyon.

Nang nasa hallway na siya ay natigilan siya ng mapansin niyang tila pinagtitinginan
siya at pinagbubulungan.
"Siya iyon diba?" bulong ng isa.

"Oo nga. Kadiri naman niya!"

Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Hindi niya maintindihan!

Binilisan na lamang niya ang paglalakad. Sa pagmamadali niya ay nabangga niya ang
isang tao. "Pasensiya na!" Paghingi niya agad ng paumanhin.

"Good morning Olivia!" Si Bridgette pala at ang grupo nito. Nakakainsulto ang mga
ngiti nito. Iiwas na sana si Olivia pero mariin siyang hinawakan sa braso ng
kaeskwelang bully. "Wait a second! Nagmamadali ka? Hmm, may ibabalita pa ako sa iyo
eh. Baka kasi magtampo ka kasi di ka namin ina-update sa latest news sa Wellington
Highschool!"

"Ano na naman ba ito Bridgette?" aniya.


"Don't be rude Olivia! Ayaw mo noon? Concern lang ako sa iyo kasi may kumakalat na
namang video scandal mo!"

Nangunot ang noo ni Olivia. "V-video scandal? Kung ang tinutukoy mo ay iyong luma
kong scandal, please. Sawang-sawa na ako Bridgette!"

"No. This is new!"

"Bago? Umalis ka na sa daraanan ko dahil hindi ko alam ang sinasabi mo!"

"Don't tell me na hindi mo ito alam!" At iniharap ni Brisgette ang screen ng


kanyang cellphone sa mukha niya. Kitang-kita niya ang isang malaswang video na
nagpe-play roon.
Nanlamig si Olivia at parang gustong sumabog ng ulo niya. Iyon ay kuha sa loob ng
motel room na pinuntahan nila ni Steven kahapon!

Palihim na kinunan ni Steven ang ginawa nila roon?

"Wag mong sabihing hindi ikaw iyan?" Tama si Bridgette. Hindi maitatanggi na siya
ang babaeng nasa video dahil maganda ang pagkakakuha noon. Hindi nga lang kita ang
mukha ni Steven dahil sa nakatalikod ito sa camera.

"Done!" At mabilis na binawi ni Bridgette ang cellphone.

Nakisabat na rin sa usapan nila sina Charina. "Grabe! Once a pokpok, always a
pokpok!" Mataray na sabi ni Charina.

"Hindi ako pokpok!" Mariin niyang sabi.


"Hindi daw pokpok? Eh anong tawag mo sa tulad mo santa?" Natatawang sabi ni Thea.

"DEMONYO!" May diin ang pagkakabigkas noon ni Olivia. Masama ang tingin niya sa mga
ito. "Bakit kayo? Ano ba kayo? Hindi ba't mga demonyo kayong lahaaaaat!!!" Malakas
niyang sigaw.

Napaatras si Bridgette sa sinabi niya. Malakas niya itong itinulak at natumba ito
kasama sina Thea, Charina at Emma. Dinambahan niya ang mga ito at kinagat niya sa
braso si Bridgette. Malakas na napaiyak si Bridgette sa sakit. Ramdam ni Olivia ang
pagbaon ng kanyang ngipin sa balat nito...

------------------------------------------

"Eh anong tawag mo sa tulad mo? Santa?" Napapitlag si Olivia sa sinabing iyon ni
Thea. Imahinasyon lang pala niya ang ginawa niyang paglaban kay Bridgette.
Doon niya nakitang dumating si Steven. "Steven!" Tawag niya dito.

Akmang lalapit siya dito pero itinulak siya nito palayo. "Lumayo ka nga sa akin!"
Turan nito.

Nangilid ang luha ni Olivia sa ginawang iyon ni Steven. "B-bakit? Ang akala ko m-
mahal mo ako?"

"Iyon ang akala mo! Kung alam mo lang na sukang-suka ako kapag kasama ka!"

"Huwag kang ilusyunada Olivia!" Hayag ni Bridgette. "Pakana ko lang naman ang
lahat. Ang paglapit sa iyo ni Steven. Hindi ka niya mahal Olivia! Nakakatawa ka!"

Hindi pinansin ni Olivia ang mga narinig. Naniniwala siyang mahal siya ni Steven
katulad ng pagmamahal niya rito. "Steven sabihin mong hindi totoo ang lahat ng
iyon. Mahal mo ako! Diba?"
"Face the truth Olivia! Pinaglaruan ka lang namin!" Natatawang sagot ni Steven.

"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin?!" Sigaw ni Olivia. "Ano bang kasalanan ko sa
inyo. Kung gusto niyong makitang nahihirapan ako...Heto! Hirap na hirap na ako!
Tama na! Tama na, nakikiusap ako sa inyo...Hindi ko na kaya. Ayoko na...Ayoko
na...."

Malakas na pumalakpak sina Bridgette. "And the ward for best actress goes
to...Olivia Pokpok!" Umugong ang napakalakas na tawanan sa paligid niya.

Gusto niyang takpan ang kanyang tenga. Gusto niyang ipikit ang kanyang mga mata.
Gusto na niyang maglaho. Gusto na niyang mamatay!

"Ano bang dapat kong gawin para tigilan niyo na ako!" Umiiyak pa rin siya.
Sumagot si Bridgette. "Halikan mo ang sapatos ko!"

"Wow! Donya Angelika ang peg!" Hirit ni Charina.

Gumapang si Olivia habang inaabot ang paanan ni Bridgette. Gagawin niya ang sinabi
nito tigilan lang siya ng mga ito. Hinalikan niya ang sapatos nito.

"Tumayo ka nga!" Utos ni Bridgette. Dahan-dahan siyang tumayo. "Uto-uto!" sigaw


nito sa kanya. "Hindi ka namin titigilan Olivia hanggat hindi ka umaalis sa school
na ito. Ang katulad mo ay hindi nararapat sa eskwelahang ito. And besides,
mawawalan na kami ng laruan kapag tinigilan ka namin! Intiendes?!"

"Ay Donya Angelika nga!" Kunwari ay manghang-mangha na sabat ni Charina.


"Lets go girls!" At iniwan na siyang umiiyak ng mga ito.

Hindi pa rin makapaniwala si Olivia na magagawa sa kanya iyon. Ang buong akala niya
ay totoo ito, hindi pala. Wala na talaga siyang kakampi. Nag-iisa na lang siya...

--------------------------------------------------

BAGSAK ang balikat ng umuwi si Olivia ng hapon na iyon mula sa eskwela at napansin
iyon ng kanyang ina. Tinawag siya nito pero parang wala siyang narinig na nagtuloy-
tuloy na pumasok sa kanyang kwarto.

Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Lumapit sa kanya si Yoseif. Tulad ng dati ay
galing ito sa madilim na bahagi ng kanyang kwarto.

"Patayin mo silang lahat Olivia!" sabi nito sa kanya.


"Hindi ko na kaya Yoseif. Napakasakit ng ginawa nila. Pisikal na nga nila akong
sinasaktan pati ba naman emosyonal? Ayoko na..." sabi niya na sinamahan niya ng
pag-iyak.

Nakarinig siya ng mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto. "Anak? Olivia?" Ang
kanyang nanay pala. "Lumabas ka muna diyan. Mag-usap tayo."

Hindi siya sumagot.

"Anak, alam kong may problema ka. Nanay mo ako. Sabihin mo sa akin kung anong
nangyayari sa iyo..." Pakiramdam niya ay umiiyak na ang kanyang nanay.

Hindi pa rin siya nagsalita.


Humiga na lang siya sa kanyang kama at ipinikit ang mga mata.

----------------------------------------------------------

LABIS na nagulat sina Bridgette kinabukasan ng makita nilang papasok sa gate ng


Wellington Highschool si Olivia. Ang akala niya ay hindi na ito makakapasok dahil
sa kahihiyaang pinaranas nila rito kahapon.

"At talagang may gana pa siyang pumasok!" Ani Emma.

-----------------------------------------------------
PAGKAPASOK ni Olivia ay madumi at gusot ang uniporme na kanyang suot. Hindi na niya
iyong suot niya kahapon.

Dire-diretso siya. Nadidinig niya ang bulung-bulungan. Siya na naman ang topic ng
mga ito. Nakatingin sa kanya ang mga pares ng mga matang mapanghusga. Mga bibig na
ang tanging ginagawa ay ang pag-usapan siya. Pero wala na siyang pakialam roon.
Isang bagay lang ang nasa isipan niya- ang tapusin na ang lahat.

Tuloy-tuloy siya sa paglalakad patungo sa lumang building. Pakiramdam niya ay lahat


ng mata ay nakatingin sa kanya...

Umakyat siya sa pinakataas ng gusaling iyon. Sa rooftop. Nagtungo siya sa


pinakagilid at humawak sa railings. Tinignan niya ang ibaba. Nakakalula ang taas.
Parang hangganga ngayon ay nakikita pa rin niya ang durog na katawan roon ni Maika.

Ipinikit ni Olivia ang kanyang mga mata at isa-isang nagbalik sa kanyang isip ang
mga ginawang pambubully nina Bridgette sa kanya. Pakiramdam niya ay wasak na wasak
na siya...Pati puso niya.
Ngayong araw na ito at sa lugar na ito tatapusin na niya ang lahat!

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[16] LESSON 13- Jump! Jump! Jump!
*******************************************
DEDICATED kay LadyMystery dahil sa comment niya na: "

Awwww.. Magpapakamatay na si Olivia.. Leche naman kasi yang si Steven! Nagpramis ka


dba?! Langya.. Tapos to namang si Bridgette ang sama-sama.. Dapat hindi na lang
imagination ni Olivia yung tinulak niya si Bridgette tapos kinagat.. Naku! Pag ako
yun at naimagine ko yun, gagawin ko talaga un.. Pero ito na magpapakamatay na si
Olivia.. REVENGE! Bwahaha!.. Let's kill them all, hahaha! >:)) .."

NOTE: Pasensiya na nga pala kung hindi ako nakakapag-reply sa mga comments niyo.
Don't worry guys I read them all. Kaya lang hindi talaga ako nagrereply kasi baka
may makaligtaan akong replayan eh magtampo. Pero lahat ng nagPPM sa akin at
nagpopost sa message board ko, nirereplayan ko. Salamat!
LESSON 13- Jump! Jump! Jump!

NANGINGILID na ang luha ni Olivia pero hindi niya hahayaang pumatak iyon. Tinanggal
niya ang kanyang backpack sa kanyang likuran at binuksan niya iyon. Inilabas niya
roon ang isang matibay na lubid.

Tinignan niya ang mga estudyante sa ibaba. Walang nakakapansin sa kanya. Itinali
niya sa railings ang isang dulo ng lubid. Siniguro niyang napakahigpit noon.
"Aaaaahhh!!!" Sumigaw siya upang makuha ang atensiyon ng lahat ng nasa ibaba.

Hindi naman siya nabigo dahil sa isa-isang tumingala ang lahat upang makita siya.
Ang gusto ni Olivia ay makita ng lahat kung ano ang magiging resulta ng pang-aapi
nito sa kanya.

------------------------------------------------

"BRIDGETTE! You got to see this!" Halos di maintindihan na sabi ni Thea dahil sa
sobrang hinihingal ito.

Natigilan sa ginagawang paghahalikan sa loob ng classroom sina Bridgette at Steven.


"What tha eff Thea?! You're disturbing us!" bulyaw dito ni Bridgette.
"You have to see this! Magpapakamatay si Olivia!"

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Bridgette.

Napatayo silang dalawa ni Steven at sumunod sila kay Thea hanggang sa makarating
sila sa tapat ng lumang building. Pagtingala ni Bridgette ay nakita niyang nasa
gilid nga si Olivia at mukhang tatalon nga ito.

"Tawagin niyo si Teacher Noah! Bilis!" sigaw ng ilan nilang kaklase.

Sari-sari ang reaksyon ng mga naroroon.

May natatakot, may naaamaze at may mga ilan na pinagtatawanan si Olivia.


Ilang sandali lang ay dumating na si Teacher Noah. "Olivia! Bumaba ka diyan!" Sigaw
nito.

Nakita nila na umiling si Olivia. "Ngayon, matutuwa na kayo dahil mawawala na ako!"
Narinig nilang sigaw ni Olivia.

"This is gonna be fun!" Turan ni Matthew at inilabas ang iPhone nito upang kunan ng
video si Olivia.

"Tss. Ang drama talaga ng scandal girl na ito!" Nakairap na bulong ni Bridgette at
sumilay ang isang pilyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kausapin niyo si Olivia, okey?" Nagpapanic na sabi ni Teacher Noah. "Aakyatin ko


lang siya. Basta wag niyo siyang hahayaang tumalon.
-------------------------------------------------

"NGAYON, matutuwa na kayo dahil mawawala na ako!" Malakas na sigaw ni Olivia.

Nang mga sandaling iyon ay blangko na ang utak ni Olivia. Meron palang laman
iyon...Isang bagay lang at iyon ay ang wakasan na ang kanyang paghihirap!

"Bakit hindi ka pa tumalon?!" Narinig ni Olivia na sigaw ng isang estudyante.


Tumingin siya sa ibaba. Si Bridgette!

Nanlilisik ang mga mata na tinignan niya si Bridgette. Si Bridgette ang dahilan ng
lahat. Si Bridgette, Thea, Emma, Charina, Ford, Matthew, Jacob at si Steven.

Sinagot niya si Bridgette. "Hindi dito natatapos ang lahat! Babalikan ko kayong
lahat. Iisa-isahin ko kayo! Wala akong ititira! Babalikan ko kayooo! Isinusumpa ko!
Babalikan ko kayong lahat!" Malakas na sigaw ni Olivia. Punung-puno ng poot.

"Tumalon ka na!" Sigaw ng grupo ni Bridgette.

"Jump! Jump! Jump!" Sigaw ni Bridgette habang sinasabayan pa nito ng pagpalakpak.

Demonyo. Ganun ang tingin ni Olivia sa mga ito. Kahit sa kanyang kamatayan ay
natutuwa pa rin sila!

"Jump! Jump! Jump!" Halos lahat ng mga estudyante na nasa ibaba ay nakisabay na rin
sa ginagawang "chant" ni Bridgette.

Hindi na kaya ni Olivia! Kinuha na niya ang lubid at mahigpit niyang itinali sa
kanyang leeg. Iyong halos hindi na siya makahinga. Tumingin siya sa malayo at
tumuntong sa gilid ng railings...
"Jump! Jump! Jump! Jump!"

Pagtingin niya sa kanyang kaliwa ay nakita niyang nakaupo sa railings si Ruvina.


Umiiling ito at umiiyak.

"Gawin mo na iyan Olivia..." Nasa kanan naman niya si Yoseif. Nakasandal lang sa
railings. "At pagkatapos nito, ipatikim mo sa kanila ang pagpapahirap na dinanas mo
sa kanila. Tripleng sakit! Tripleng hapdi! Tripleng hirap!"

"Jump! Jump! Jump! Jump!"

Tumingin si Olivia sa ibaba. Napakahigpit ng pagkakatali ng lubid sa kanyang leeg.

Jump! Jump! Jump! Jump!"


Ipinikit ni Olivia ang kanyang mga mata at tumalon na siya mula sa rooftop!

------------------------------------------------------

"JUMP! Jump! Jump-"

Napatigil sina Bridgette ng pagsigaw kay Olivia ng bigla na lamang itong tumalon.
Napasigaw silang lahat sa ginawa nito.

Nakatali pa talaga ang leeg nito ng tumalon. Parang magbibigti lang tapos tatalon
sa building.
Hindi inaasahan ng lahat ang sunod na nangyari dahil nang kapusin na sa haba ang
lubid ay biglang naputol ang ulo ni Olivia. Sa lakas siguro ng impact ng pagtalon
ni Olivia kasama na ang bigat ng katawan nito kaya nangyari iyon.

Lahat ay takot na takot sa ginawa ni Olivia. Unang bumagsak ang katawan ni Olivia
at sumunod ang pugot na ulo ni Olivia at sa di maipaliwanag na dahilan ay sa
harapan pa talaga ito ni Bridgette bumagsak. Dilat ang mga mata at parang
nakatingin sa kanya.

"Eeeehhh!!!" Sigaw ni Bridgette. At dahil sa sobrang takot ni Bridgette ay sinipa


niya palayo ang pugot na ulo ni Olivia!

-------------------------------------------------------

NILAPITAN ni Teacher Noah ang ina ni Olivia na umiiyak sa harap ng kabaong ng anak
nito. Nakasarado ang kabaong nito dahil sa kalunos-lunos na hitsura ni Olivia.
Mabibilang sa daliri niya ang nakikipaglamay sa burol na iyon ng kanyang
estudyante.

"Nakikiramay po ako..." Pinalis ng nanay ni Olivia ang kanyang kamay ng haplusin


niya ang likod nito.

Umiiyak na hinarap siya nito. "Bakit hindi mo iniligtas si Olivia?! Bakit? Wala
kang kwenta?" At pinagbabayo pa nito ang kanyang dibdib.

"Patawarin niyo ako. Huli na ng makaakyat ako sa rooftop..." Puno ng pagsisisi na


sambit ni Teacher Noah.

Hindi madali para kay Teacher Noah dahil siya ang tumatayong magulang ng lahat ng
kanyang estudyante pero wala siyang nagawa para iligtas si Olivia. Nalulungkot siya
sa nangyari dito dahil sa biktima ito ng bullying. Hindi na nito marahil nakayanan
ang lahat.
Pag-uwi niya ng kanyang bahay ay nakita niyang tahimik na nakaupo ang kanyang nobya
sa sofa. Nilapitan niya ito at malakas na sinampal.

"Walanghiya ka! Bakit nakikipag-boyfriend ka pa sa iba bukod sa akin?!" Galit na


galit na sabi niya rito.

-------------------------------------------------

MATAPOS ang taimtim na panalangin pagkatapos ng flag ceremony para kina Maika at
Olivia na kapwa nagpakamatay ay nagsibalikan na ang bawat estudyante ng Wellington
Highschool sa kani-kanilang silid-aralan.

Maingay ang mga estudyante niya ng pumasok si Teacher Noah pero agad din namang
umayos ang mga ito ng makitang nasa unahan siya.
"Class, una sa lahat gusto kong tigilan niyo na ang pambubully sa iba niyong kamag-
aaral. Lalo na ang grupo niyo Bridgette!"

Biglang tumayo si Bridgette para magprotesta. "But Teacher-"

"Sit down Bridgette! Hindi kita binigyan ng karapatan na magsalita. Ngayon, nakita
niyo na ang resulta ng pambubully niyo. Isang kaklase niyo ang nawala!" Natahimik
ang lahat. "Bukas ang libing ni Olivia at ang gusto ko ay makikipaglibing tayong
lahat."

Umugong ang bulungan sa loob ng naturang silid. "Ang hindi sasama ay mahihirapang
makakuha ng diploma! OK. Lets start our lesson for today!"

---------------------------------------------------
"NAKAKABWISIT na talaga ang Teacher Noah na iyan!" Inis na sabi ni Bridgette sa mga
kabarkada niya. Kumpleto silang walo noon na nakatambay sa likod ng lumang
building. "Grabe na talaga siya! Pinahiya niya talaga infront of our class dahil sa
Olivia na iyan!"

"Pupunta ba tayo Bridgette sa libing ni Olivia?" Singit na tanong ni Emma.

Humalukipkip siya. "Yes, pupunta tayo dahil may gagawin tayo doon na something
memorable..."

Biglang naexcite ang lahat sa sinabi niya. "Ano naman iyon?"

"Basta bukas niyo malalaman!" turan pa ni Bridgette.

----------------------------------------------------
BUONG klase ni Teacher Noah ay nakipaglibing kay Olivia pero parang mga napilitan
lang halos lahat. Nagsigawan pa nga ang mga bastos na estudyante sa sementeryo ng
sabihin ni Teacher Noah na pwede na silang umuwi.

--------------------------------------------------------

"PAALAM anak..." Pagkatapos mag-alay ng panalangin para sa namayapang anak ay


tumayo na sa pagkakaluhod si Aling Olga, ang nanay ni Olivia.

Naglakad na siya palabas ng sementeryo. Nasa terminal na siya ng tricycle ng makita


niyang wala sa kanyang bulsa ang wallet niya. "Naku, naiwan ko yata sa sementeryo!"
bulalas niya.
Nagmamadali na bumalik si Aling Olga sa naturang sementeryo. Pero ganun na lamang
ang gulat niya ng makita niyang basag-basag ang lapida ng kanyang anak. Parang
pinukpok iyon ng maso. May nagkalat pang poster ng edited pictures ng kanyang anak
na nakahubo't hubad.

Umiiyak na pinagtatanggal niya ang mga poster at pinagpupunit iyon. Pilit niyang
binubuo ang durog na lapida kahit imposibleng maayos pa iyon.

Tumingin siya sa paligid at sumigaw. "Mga hayop kayooo! Napakawalang puso niyo!
Hindi pa ba kayo masaya na namatay na ang anak ko?!"

Mula naman sa di-kalayuan ay hindi mapigilan nina Bridgette ang paghagikhik...


-CLASS DISMISSED!-

---------------------------------------------------------------

Goodbye OLIVIA PENELOPE (February 17, 1998- March 17, 2013)

MAY YOU REST IN PEACE...AND KILL THEM ALL!

*******************************************
[17] Assignment #001
*******************************************

Olivia is dead now at siyempre its time for her revenge!

Ang inyong assignment ay hulaan kung sino ang UNANG mamamatay sa mga BULLIES (if
you are a real reader ng School Trip, kilala mo na sila).

Siyempre ang premyo ay DEDICATION (Lesson 15) sa FIRST na makakahula ng tamang


kasagutan. At may FANSIGN ulet kapag nahulaan na nga kung sino at kung papaano siya
mamamatay!

Sa LESSON 15 pa ang revelation ng kasagutan ha so may enough time pa kayo to think.


XD

OK mga Schoolmates. Ready na ba kayo.


Sa one-fourth sheet of paper ilalagay ang sagot.

Pwede kang humula ng 3 BESES!

CLUE: Back read din pag may time sa Lesson 7- 9...PAK!

NO ERASURE!

*******************************************
[18] LESSON 14- Behind Those Evil Smiles
*******************************************
DEDICATED kaysjmcarmenta dahil sa komento niya na:

Uwaaaaaahhhh!!! Bwisit ka Bridgette! Hindi na aq makapaghintay sa pinaka huling


chapter... Alam q naman kcng sa pinaka huling chapter mamamatay c Bridgette.
Humanda kang devil ka, dyablo, demonyo, lucifer, lahat na ng tawag sa isang walang
pusong nilalang, dahil iisa-isahin na kau ni Olivia! Tutulungan xa ni Ruvina. Pero
grabe lng ah? Grabe ung nangyaring pagkamatay ni Olivia! Pugot ulo nia! Huhuhu...
Kawawa naman sya... :( P.S.: Bakit may pakiramdam aq na isa sa mga nabanggit na na
character ang girlfriend/kafatid ni teacher noah? I just wonder kung sino...
Hmmm... Hindi naman kaya isa sa grupo nina Bridgette? Uhm, pero mukhang hindi
naman... Anyway, antay-antay na lang aq ng update... Pls Soju, isa-isahin mu n
clang patayin!!! Hahaha... *evil laugh*

NOTE: Salamat nga pala sa nag-comment sa Lesson 13. Talagang bumaha ang inis, galit
at poot niyo kina Bridgette ah. Nakakatawa iyong iba kasi parang totoong tao sina
Bridgette na kinaiinisan niyo. Sabi pa noong iba, sila na lang daw ang papatay sa
mga bullies for Olivia. Heheh! Salamat talaga mula sa kaibuturan ng aking puso!
Marami ring nagtatanong at iyong iba nagrereklamo na "Masyado daw mababait ang
mukha ng mga bullies ng ST." Ang sagot ko lang diyan ay ganito: "HINDI SA HITSURA O
MUKHA NG ISANG TAO MAKIKITA ANG UGALI NITO." Pak! Iyon na. Hehe!

Sa mga sumagot sa ASSIGNMENTS, may tumama na. At medyo nakuha niya kung paano
mamamatay iyong pinahuhulaan ko. Sa Next lesson ko na lang iaannounce kung sino.

LESSON 14- Behind Those Evil Smiles


"MOMMY, I'm home..." Pagod na umupo si Bridgette sa sofa. Napagod siya dahil
kakagaling lang nila sa libing ni Olivia.

Napangiti siya ng maalalang muli ang pag-iyak ng nanay ni Olivia kanina dahil sa
ginawa nila sa puntod ng anak nito. Ginawa naman nila iyon dahil sa pagpapahiya sa
kaniya ng kanyang teacher.

Inulit ni Bridgette ang pagtawag sa kanyang mommy pero isang katulong ang lumapit
sa kanya. "Asan ang mommy?" tanong niya.

"Senyorita, nasa library po kasama ang kanyang mga amiga." sagot sa kanya ng
katulong.
Tumayo na siya. "OK. Ihanda mo na ang aking pampaligo. Gusto kong mag hot bath
ngayon. And pupuntahan ko lang si mommy sa library..."

Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ng kanilang katulong. "Pero senyorita
ang bilin po ng senyora ay bawal po silang maistorbo-"

"Huwag mo nga akong hawakan! Ang baho ng kamay mo. Gross!" Sabay piksi niya ng
kanyang braso. "At ano ito? Dinidiktahan mo ako, ha?" At sinampal-sampal niya ang
katulong. Iyong mahihina lang pero sunod-sunod.

Napayuko ang kawawang katulong. "H-hindi po..."

"Walang pwedeng magdikta sa akin. Itatak mo yan sa utak mo!" Sigaw pa niya sabay
talikod at tinahak na ni Bridgette ang papuntang library.
Pabukas niya ay sumalubong sa kanya ang matitinis na halakhakan ng mga sosyal na
amiga ng kanyang mommy.

Lahat ng limang babae na naroon kabilang ang kanyang mommy ay sabay-sabay na


napatingin sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang mommy ng makita siya.
Ngumiti lang itong muli ng kausapin ito ng mga ka-majhong nito.

"Siya ba ang anak niyo Mrs. Luviera? Napakagandang dalagita!" puri sa kanya ng isa
sa mga amiga ng kanyang mommy. "Pero parang hindi mo siya kamukha kumare kahit na
ng iyong asawa."

Pilit na ngumiti si Mrs. Luviera sabay lihim na pinandilatan siya. "Ah yes! She is
Bridgette. Excuse me lang mga amiga!"

At nagmamadaling lumapit sa kanya ang kanyang mommy. Mahigpit siyang hinawakan nito
sa braso at dinala sa kanyang silid. "Aww...Mommy you are hurting me!"
"Talagang masasaktan kang ingrata ka! Bakit ka nagpakita sa mga amiga ko?!" Pigil
ang paglakas nito ng boses.

"M-may sasabihin lang sana ako mommy."

Kinuha ng kanyang mommy ang purse nito at naglabas ng lilibuhing pera. Nagbilang
ito at isiniksik sa kanyang palad ang makapal na pera.

"Ayan! Twenty thousand! Iyan lang naman ang kailangan mo diba? Go outside at huwag
kang babalik hangga't hindi umaalis ang mga amigas ko!" Matapos iyon ay iniwan na
agad siya ng kanyang mommy.

Napaupo siya sa kanyang kama. Nakita niya ang kanyang sarili sa malaking salamin na
nasa kanyang harapan. Hindi maitatanggi na tama ang komento ng kaibigan ng kanyang
mommy at daddy. Ang totoo niyan ay bunga siya ng panggagahasa sa kanyang mommy ng
dating hardinero ng mga Luviera. Kamukha daw siya ng rapist na nambaboy sa kanyang
mommy.
Dahil sa realidad na iyon ay walang amor sa kanya ang kanyang mga magulang. Kapag
may kaharap lang silang ibang tao ay saka nagiging mabait ang mga ito. Oo,
naibibigay ng mga ito ang lahat lalo na sa pera pero hindi lang naman iyon ang
kailangan niya...Kailangan niya ng atensiyon ng mga ito.

Naisipan na lamang niya na tawagan si Thea ng mga oras na iyon.

--------------------------------------------------------------

NAPABUGA ng hangin si Thea matapos niyang makausap sa cellphone si Bridgette. Nag-


aaya itong gumimik ngayon.

Nag-aalangan siya sa pagsama sa mga ito dahil halos ubos na ang kanyang ipon.

Bumungad ang kanyang ina sa kanyang maliit na kwarto. "Hoy Thea! Asan na ang kinita
mo kagabi sa club? Wala kang ibinigay na gaga ka!"

Agad siyang lumapit sa kanyang ina na mainit na naman ang ulo at inabot ang
dalawang libo. "Ito na po.Nakalimutan ko lang pong ibigay kasi lasing na lasing
kayo kagabi..."

"Punyeta! Bakit ito lang?"

"Matumal po kagabi inay..."

"Hala! Papalampasin ko ito ngayon at may tong-its ako kila kumare. Pakainin mo ang
mga kapatid mong palamon, ha?!" At umalis na ang kanyang inay.

Ito ang totoong Thea. Sa school ay kilala siyang mayaman at sosyal pero lingid sa
lahat na isa siyang mahirap at sa squatter nakatira. Sumasayaw sa club pagkagabi
para kumita lang...
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Bridgette.

"Hello?" aniya. "Bridgette?"

"Yes? Hmm. Ano? Sa Padi's Point tayo later?" Excited na tanong nito sa kanya.

"I am sorry but hindi ako pinayagan Bridgette."

"Eh wala ka naman palang kwenta eh! Sige na!" Iritadong sabi nito sa kanya.

"Try mo sina Matthew..."


---------------------------------------------------

"MATTHEW, baby? Lagyan mo nga ng towel iyang likod mo. Pinapawisan ka na sa kaka-
computer mo." Humahangos na lumapit kay Matthew ang kanyang Mama.

Malalim na huminga si Matthew. "Ma, I'm OK. Don't worry!"

"Pero Matthew Baby-"

"Stop calling me baby Ma! Nakakahiya kapag may ibang nakadinig sa inyo..."
"OK Matthew...Did you take your medicine na ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Yup. Wait..." aniya ng biglag mag-ring ang kanyang cellphone. Si Bridgette pala.

"Ow Bridge? Sup?" bungad niya.

"I'm bored. Padi's tayo."

"Sure! Kumpleto ba tayo?"

"No. Thea can't go."


"That's OK. Nasabihan mo na ba iyong iba?"

"Hindi pa. Ikaw na lang magsabi, pwede?"

"Sure thing. OK. Buh-bye!"

Pagkababa niya ng kanyang cellphone ay agad siyang kinausap ng kanyang Mama. "Aalis
ka ba Matthew Ba- I mean Matthew?"

"Yes!" Iritadong sabi ni Matthew. Sa totoo lang ay masyado na siyang nasasakal sa


pag-aalaga ng kanyang Mama. "Pupunta kaming Padi's mamaya."

Napahawak sa noo ang kanyang Mama. "Padi's? Iinom kayo? Baka malasing ka anak ko?"
Gigil na nagsalita si Matthew. "Ma! For once,pwede bang tumigil kayo sa pagiging
overprotected niyo?! I'm so sick with it!" At padabog na iniwan niya ito.

Ipapaalam niya sa iba ang lakad nila. Tatawagan niya muna si Emma.

----------------------------------------------------

NAPAPIKIT si Emma ng ibato ng kanyang daddy ang lahat ng test papers niya sa
kanyang mukha.

"Is that all you can do Emma?! Ten out of 60?! Twenty-one out of one hundred? Saang
tanga at bobo ka ba nagmana ng kabobohan mo?!" bulyaw sa kanya nito.
Hindi siya makapagsalita. Nakita niyang papalapit sa kanyang daddy ang kanyang Ate
Eva. Humalik pa ito sa pisngi ng kanyang daddy. "Hey Dad! Guess what? Exempted ako
sa exams sa all subjects namin dahil mataas ang nakuha ko sa past exams namin!"

"Really? Iyan ang anak ko, matalino! Kaya ikaw Emma, gayahin mo si Eva. Pursigido
sa pag-aaral hindi katulad mo na barkada ang inaatupag! Naiintindihan mo ba?"

"Y-yes Dad." Mabilis niyang sagot.

Muling kinausap ng kanyang dad si Eva. "So, anong gusto mong reward Eva?"

"Hmm. Gusto ko sana ng new phone dad. OK lang ba?" At tinignan pa siya ng kanyang
Ate Eva na parang iniinggit siya nito.
Palagi na lang siyang pangalawa. Kahit sa grupo nila. Noong wala pa si Bridgette ay
siya ang itinuturing na reyna ng Wellington Highschool pero simula ng mag-transfer
ito doon ay pumangalawa na lamang siya nito at nanatiling anino...

------------------------------------------------------------

"EMMA can't go kasi pinagalitan na naman siya ng kanyang dad." Iyon ang sagot na
narinig ni Steven ng tanungin niya kay Matthew kung bakit hindi makakasama si Emma.

Matapos nilang mag-usap ay lumabas na siya ng kanyang kwarto. Eksaktong paglabas


niya ay nakarinig siya ng mga nababasag na pinggan at baso sa kanilang kitchen.

Nag-aaway na naman ang kanyang mommy at daddy.

Nagtungo siya sa living room. Kinuha ang remote ng TV, umupo sa sofa habang
nakapatong ang dalawang paa sa lamesang nasa gitna ng salas. Binuhay niya ang
telebisyon at nilakasan ang volume noon.

"Sino ang babae mo?!" Dinig pa rin niya ang boses ng kanyang mommy.

"Wala akong babae?!" sigaw naman ng kanyang daddy.

"May nakakita sa inyo! Wag mo na akong lokohin!"

"Ang nagsabi sa iyo ang sinungaling!"

"Wag lang ako mismo ang makakahuli sa inyo dahil papatayin ko kayo!!!" Galit na
galit na talaga ang kanyang mommy.
Halos araw-araw ay ganoon ang eksena sa kanilang bahay.

Napailing si Steven. Tumayo siya at bumalik sa kanyang kwarto upang tawaga si Ford
tungkol sa lakad nila mamaya.

Iniwan niyang bukas ang TV sa salas.

------------------------------------------------------

IBINABA ni Ford ang kanyang cellphone matapos makausap si Steven. Paglabas niya ng
kanyang kwarto ay nakasalubong niya ang kanyang Kuya Francis. Dalawa na lang silang
nakatira sa mansion nila dahil kakamatay lang ng kanilang mga magulang dalawang
taon na ang nakakaraan dahil sa isang car-accident.
Ang Kuya Francis niya ang mag-isang nagpapatakbo ng negosyong iniwan ng kanilang
mga magulang.

"Kuya, pahingi naman akong ten thousand. Gigimik lang kami ng barkada," pabalewala
lang niyang sabi.

Hindi yata nagustuhan ng kanyang kapatid ang kanyang sinabi kaya medyo pinagtaasan
siya nito ng boses. "What?! Ten thousand pesos para lang sa gimik? Naririnig mo ba
ang sinasabi mo Ford? Sobra ka na yata!"

"Hays! Ang dami mo namang sinasabi! Bibigyan mo ba ako o hindi?!"

"Hindi?!"

"What?! Pero-"
"Ako ang nagtatrabaho sa bahay na ito at ako ang magbubudget ng pera! Ayokong
masira ang ipinangako ko kina Mama at Papa na hindi ko sila bibiguin!"

"Ewan ko sa iyo. Hindi naman ganyan sa akin sina Mama at Papa noon!"

"Iyon na nga eh. Nasanay ka masyado Ford."

"Madamot ka!" At walang galang na tinalikuran ni Ford ang kapatid.

Muli siyang nagkulong sa kanyang kwarto at tinawagan na lamang si Jacob. Baka


sakaling may pera ito. Hihiram muna siya.
-------------------------------------------------------

"TEN thousand?! Wala akong ganyang kalaking pera Ford. I'm sorry. Isa pa hindi rin
ako makakasama dahil may pupuntahan ang family namin mamaya..."

Ibinaba agad ni Jacob ang kanyang cellphone ng biglang pumasok sa loob ng kanyang
kwarto ang kanyang daddy. Galit na galit ito at napaatras siya ng makita ang galit
na iyon.

Isang malakas na suntok sa kanyang mukha ang natanggap niya mula dito. "B-bakit po
dad?" Nagtataka niyang tanong habang sapo ang pumutok na nguso.

"Napakawalanghiya mo talaga Jacob! Whats this?" At ipinakita ng kanyang daddy ang


isang pakete ng marijuana. "Nakita ito ni Manang Sally sa pantalon mo ng maglalaba
siya. Kailan ka pa natutong gumamit nito?!"
"Dad hindi po sa akin-"

"Tatanggi ka pa!" Sabay pasok ng kanyang stepbrother na si Hero. "Dapat diyan dad
nirerehab na eh!"

Tinignan niya ng masama si Hero. Gagawin talaga ng stepbrother niya ang lahat
makuha lang ang tiwala ng kanyang daddy. At gagawin din nito ang lahat para masira
siya.

Minsan nga ay nagseselos na siya sa closeness nina Hero at ng daddy niya gayung
siya ng totoong anak nito.

-------------------------------------------------------

"WHAT? Ten thousand?! OK. Papahiramin kita..." Matapos makipag-usap ni Charina kay
Ford ay pinuntahan niya sa garden ang kanyang mommy na nasa garden kasama ang
kaniyang Ate Belinda.
"Mommy!" Sabay yakap niya sa mommy niya.

Nakita niya ang pagsimangot ng kanyang ate sa pagdating niya iyon. Hindi niya ito
kasundo kasi naiirita ito sa pagiging spoiled niya sa kanyang mommy. Lahat ng nais
niya ay bigay agad ng kanyang mommy.

"Mommy, pahingi akong ten thousand..."

"Saan mo naman gagamitin baby?" Malambing na tanong sa kanya ng kanyang mommy.

"May project po kami sa school."

Sumabat si Belinda. "Don't fool us Charina! Ten thousand para sa project ng isang
highschool student? Nagpapatawa ka ba?"

"Mommy si ate oh!"


"Stop Belinda!" Saway ng kanyang mommy sa kapatid. "OK. I will give you ten
thousand!"

"Thank you mommy!" At matunog niyang hinalikan sa pisngi ang ina.

-CLASS DISMISSED-

*******************************************
[19] LESSON 15- Smoking Kills!
*******************************************
DEDICATION:

@acoustic_girl19

Saktong-sakto kasi iyong sagot niya tapos siya pa iyong nauna...Hehe! Yung fansign,
sa Lesson 16 na lang ha. Salamat!
NOTE: Panoorin niyo rin po iyong ginawang FanVid ni @Ayesha27 para sa School Trip.
Ang ganda po. Salamat! Nasa gilid po iyong video.

LESSON 15- Smoking Kills!

AFTER ONE MONTH...

"BOOORIIINGGG!" Bulalas ni Bridgette sabay hilig sa balikat ng nobyong si Steven.


Nasa rooftop silang walong magbabarkada noon. Nandoon sila kahit na may klase sila
ng mga oras na iyon.
Iritadong tumayo si Bridgette. "Ghad! So boring! Bwiset na Olivia iyan. Dapat kasi
hindi muna siya nagpakamatay wala tuloy tayong mapaglaruan."

"Yah right!" sabat ni Charina na abala sa paglalagay ng make-up sa mukha.

"Kailangan natin ng new human toy!" Giit ni Bridgette.

Pero bigla siyang natigilan ng may makita siyang babaeng nakatayo sa kabilang
rooftop sa kabilang building. Parang kumakaway ito sa kanya. Hindi niya mawari pero
parang pamilyar sa kanya kung sino iyon!

"O-olivia!" Bulalas niya. Hindi siya maaaring magkamali. Si Olivia ang nasa
kabilang rooftop.
Nilapitan siya nina Thea. "Anong sabi mo Bridgette? What Olivia?"

Nanginginig ang mga kamay na itinuro ni Bridgette ang babaeng nakikita. "There...Si
Olivia!"

"Ha?" Sinundan ng tingin ng kanyang mga kabarkada ang itinuturo niya. "Olivia? Wala
naman ah!"

Nanlalaki ang mga mata na kinausap ni Bridgette ang mga kasama. "I swear to God!
Nakita ko si Olivia! Andun siya-" Natigilan si Bridgette ng muli niyang pagtingin
sa kinaroroonan ng babae ay wala na ito. "P-pero nakita k-ko-"

Hinawakan siya ni Steven sa magkabilang balikat. "She's dead. Imposibleng makita mo


pa siya!"

"I knew what I saw! Bitiwan mo nga ako!" At galit na iniwan ni Bridgette ang
kaniyang mga barkada.
--------------------------------------------------------

INILABAS ni Steven ang tatlong pack ng sigarilyo mula sa kanyang bag. "Ayan,
magsawa kayo. Haha!"

"The best ka talaga Pareng Steven!" At nakipag-high five pa sa kanya si Matthew.

Agad naman na biniro ni Ford ang kaibigan. "Asus! Yabang ng Matthew na ito eh
hikain naman! Haha!"

Natahimik si Matthew. Kumuha agad ito ng isang sigarilyo at sinindihan. Hinithit


iyon sabay buga ng usok.
"Sayang, wala si Bridgette..." Komento naman ni Thea.

"Hayaan mo nga siya. Walk-out queen kasi. Nakokonsensiya yata sa pagkamatay ni


Olivia..." sabi naman ni Emma.

Lahat sila ay natigilan sa sinabi ni Emma. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"
Nagtatakang tanong ni Emma. "May sinabi ba akong masama?"

"Just..." si Charina. "Nothing!"

Tumayo si Steven at nag-inat.

"Oh, san punta mo?" tanong sa kanya ni Jacob.


"Restroom lang. Iihi..." Natatawa niyang tugon at bumaba na siya ng rooftop.

Habang pababa ng rooftop ay biglang naalala ni Steven ang girlfriend na si


Bridgette dahil sa inasal nito kanina. Kilala niya si Bridgette. Sa hitsura pa lang
nito kanina ay alam niyang hindi ito nagbibiro pero napakahirap naman kasing
paniwalaan ng sinasabi nito na nakita nito si Olivia.

Marahil ay masyado lang stress si Bridgette kaya ganoon.

Narating na rin niya ang CR para sa mga lalaki. Walang katao-tao doon dahil oras pa
ng klase.

Naghuhugas na siya ng kamay sa lababo ng magulat si Steven dahil biglang may


yumakap sa kanya mula sa likuran. Pagharap niya ay nakita niya kung sino ito.
Si Emma.

"Anong ginagawa mo dito Emma?" Nagtatakang tanong niya.

"Sssshhh..." At pilyang ngumiti si Emma. "Huwag kang maingay." anito.

Luminga-linga si Steven. "Baka may makahuli sa atin dito..." aniya habang abala si
Emma sa paghalik sa kanyang leeg.

"Miss na kita Steven. Hmm...Alam mo naman na bihira na tayong makakuha ng ganitong


pagkakataon dahil laging nakabantay sa iyo si Bridgette!"

"Ikaw talaga Emma. Masyado kang aggresive!" Natatawang turan niya sa babae.
------------------------------------------------------

"OLIVIA! Olivia!"

Napalingon si Olivia sa tumatawag sa kanya. Si Ruvina. Papalapit ito sa


kinaroroonan niya. Nasa loob siya ng abandonadong building habang pinagmamasdan ang
kabuunan ng Wellington Highschool sa basag-basag na salaming bintana.

"Nakita ko ang ginawa mo kay Bridgette kanina! Tinakot mo siya! Hihihi..."


Humagikhik pa ito.

Nilingon ni Olivia si Ruvina na nanlilisik ang kanyang mga mata. "Kulang pa ang
ginawa kong iyon Ruvina! Nagpakamatay ako dahil sa kanila at kahit patay na ako ay
hindi pa rin nila ako iginalang! Napaka-demonyo nila."
"Ibig sabihin...Maghihiganti ka?"

"Higit pa sa impyerno ang ibibigay ko sa kanila. Triple sa hirap na binigay nila sa


akin! At uumpisahan ko na ang impyernong lilikhain ko ngayon!" At agad na nilisan
ni Olivia ang lugar na iyon.

"Hoy Olivia! Hintay!" Habol na sigaw sa kanya ni Ruvina.

--------------------------------------------------------------

SABAY na bumalik sina Steven at Emma sa rooftop. Kumpleto pa rin ang grupo dahil
andun na rin si Bridgette. Tanging si Matthew na lang ang naninigarilyo. Kanya-
kanya na lamang silang kwentuhan.
Lingid sa kanilang kaalaman nila ay papalapit na sa kanilang kinaroroonan ang multo
ni Olivia na balot ng poot at galit.

Biglang natigilan si Matthew ng makaramdam siya ng tila malamig na hangin na


dumampi sa kanyang batok. Nagpalingon-lingon ito na napansin naman ni Charina. "Oh
Matthew, something's wrong?"

"Naramdaman niyo ba iyon? Parang lumamig?" Nagtatakang-tanong nito.

"Gago! Talagang malamig dito kasi nasa rooftop tayo!" Sagot dito ni Jacob.

Tumayo na si Matthew habang naninigarilyo. Napaatras na lamang siya ng biglang


lumitaw sa kanyang harapan ang duguang katawan ni Olivia!
"Hah!" Napasigaw siya at napatumba. Nanlalaki ang mga mata ni Matthew sa takot.
Nanlilisik ang mga mata nito habang papalapit sa kanya.

"Hoy Matthew, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Bridgette.

Napahawak si Matthew sa kanyang dibdib ng makita niyang nasa harapan na niya ang
multo ni Olivia. Parang kakapusin siya ng hininga. May hawak si Olivia na matalim
na kutsilyo. Hindi niya alam pero siya lang yata ang nakakakita dito!

Umupo sa kanyang dibdib si Olivia. Tila isa itong demonyo sa pagkakangiti nito.
Mukha sa mukha! Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya.

"Shit! Inaatake na naman yata ng asthma si Matthew!" sigaw ni Emma. "Kunin niyo
iyong gamot niya sa bag niya. Bilis!" Halata sa boses ni Emma na nagpapanic na rin
ito.

Walang sumunod sa utos na iyon ni Emma. Tila nagpapakiramdaman pa kung sino ang
gagawa. "What?! Ano ba? Kunin niyo na!"

Si Charina ang sumagot. "Nasaan ba ang bag niya?!" Nagpapanic na rin ito.

"Nasa gilid! Ayun, nakasabit sa railings!" si Ford.

Agad na nilapitan ni Charina ang bag ni Matthew. Binulatlat niya ang laman noon.
Nanginginig na rin ang kamay nito dahil marahil kinakabahan na rin ito sa maaaring
mangyari kay Matthew.

Pero dahil sa nanginginig ang kamay at kinakabahan ay biglang nabitawan ni Charina


ang bag at nalaglag iyon pababa ng rooftop. "Effin' shit! Nahulog iyong bag?!"

"What?! Stupid! Go down at kunin mo!"


"OK. OK!" At natatarantang umalis si Charina para kunin iyong bag ni Matthew.

Tuluyan ng napahiga si Matthew. Kitang-kita pa rin niya si Olivia. Hindi siya


makapagsalita dahil sa nahihirapan na talaga siyang huminga. Nagpapanic na ang
lahat pero wala naman silang magawa dahil nahulog ni Charina ang bag nito na
naglalaman ng gamot nito.

"Kilala mo pa ba ako Matthew?" Nakakatakot ang boses ni Olivia. Sumisiksik sa


kaibuturan ng tenga ni Matthew.

Hindi inaasahan ni Matthew ang sunod na ginawa ni Olivia. Dahan-dahan nitong


dinilaan ang talim ng kutsilyo! Dahan-dahan ding nahati sa dalawa ang dila ni
Olivia. Umagos ang dugo doon pero tila hindi ito nasasaktan dahil tumatawa pa ito.

Nanlilisik ang mga mata ni Olivia. Nagbabaga!


"Simula pa lamang ito Matthew! Iisa-isahin ko kayo at ikaw ang uunahin ko!!!"

Pagkasabi noon ni Olivia ay bigla siya nitong sinakal. "Ugh...Ugh...Ugh!" Hirapang


ungol ni Matthew. Sobrang namumula na ang kanyang mukha. Hindi na talaga siya
makahinga!

"Oh my God! Anong nangyayari sa kanya?!" Natatarantang turan ni Thea.

Nakapalibot na ang mga ito sa nahihirapang si Matthew.

Humalakhak si Olivia. "Mamatay ka na!" Kitang-kita ang gigil at poot. "Anong


pakiramdam ng hindi makahinga? Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing pumapasok ako
noon sa eskwelahang ito! Tinanggalan niyo ako ng karapatang maging masaya sa huling
taon ko sa highschool!"

"Ugh...Ugh!"
"Asan na ba si Charina? Bakit ang tagal niya?!" Sigaw ni Steven na hindi na rin
alam ang gagawin.

"I think Matthew needs a CPR!" Suhestiyon ni Bridgette.

"Then do it bitch! Ikaw ang nakaisip!" Sigaw ni Emma.

Nagpanting ang tenga ni Bridgette sa sinabi ni Emma. "What?! You called me bitch?!"

"Hindi ko sinasadya! What I mean is ikaw na ang gumawa!" ani Emma.

"OK. OK. I'll do it!"


Lumuhod na si Bridgette sa tabi ng nahihirapang huminga na si Matthew. Marahan
niyang inilalapit ang kanyang labi sa labi nito upang bigyan ng CPR ang kaibigan.
Eksaktong magkalapat na ang kanilang mga bibig ng biglang bumulwak mula sa bunganga
ni Matthew ang napakaraming dugo. Nakainom tuloy si Bridgette.

Diring-diri na nagsisigaw si Bridgette. "Eeeehhhh!!!!" Hindi nito alam kung papaano


isusuka ang nainom na dugo ni Matthew.

Doon na kumilos si Steven. Pinump niya ng dalawa niyang kamay ang dibdib ng
kaibigan pero tila mas lalo lang noong pinalala ang sitwasyon. Sa bawat pag-pump ni
Steven ay may bumubulwak na dugo sa bibig ni Matthew. Halos puro puti na lang din
ang kulay ng mata nito.

Sa paningin naman ni Matthew ay mahigpit pa rin siyang sinasakal ni Olivia. "Anong


pakiramdam ng hindi makahinga Matthew? Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing pumapasok
ako sa eskwelahang ito dahil sa inyo!" At malakas pa itong humalakhak.

Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ni Matthew. Hindi na talaga siya makahinga.


"O...Ugh...Li...Vi...Yaaa..." Pagkasabi noon ni Matthew ay tuluyan na itong
nalagutan ng hininga.

"Matthew? Matthew?! Matthew?!!!" Tawag ni Steven sa kaibigan pero hindi na ito


sumagot.

Doon lang dumating si Charina dala ang bag kung saan naroon ang gamot ni Matthew sa
asthma.

---------------------------------------------------

"OLIVIA! Pinatay mo na agad si Matthew? Dapat pinahirapan mo pa siya..."


Pangungulit ni Ruvina sa kanya. Nasa rooftop sila noong dalawa at tinitignan niya
sa ibaba ang ginagawang pagsasakay ng bangkay ni Matthew sa ambulansiya.
"Hindi pa ako tapos Ruvina. Nag-uumpisa pa lang ako!" At biglang nanlisik ang mga
mata ni Olivia!

-CLASS DISMISSED!-

-----------PATALASTAS-----------

RUVINA: Olivia! Olivia! Sino na ba ang sunod mong papatayin?

OLIVIA: Si- Teka! Amoy sigarilyo ka? Naninigarilyo kaba? Masama iyan!

RUVINA: Hindi ah! Gawa ito ng mga estudyanteng palihim na naninigarilyo.


OLIVIA: Ganon ba? Grabe na talaga ang kabataan ngayon. Hindi ba nila alam na masama
ang paninigarilyo?

RUVINA: Masama? Papaanong masama? Sing sama ba ni Bridgetter?

OLIVIA: Tumpak! (Iikot then change outfit into teacher.) Alam niyo ba na..

Cigarette smoke contains over 4,800 chemicals, 69 of which are known to cause
cancer. Smoking is directly responsible for approximately 90 percent of lung cancer
deaths and approximately 80-90 percent of COPD (emphysema and chronic bronchitis)
deaths. About 8.6 million people in the U.S. have at least one serious illness
caused by smoking. That means that for every person who dies of a smoking-related
disease, there are 20 more people who suffer from at least one serious illness
associated with smoking. Among current smokers, chronic lung disease accounts for
73 percent of smoking-related conditions. Even among smokers who have quit chronic
lung disease accounts for 50 percent of smoking-related conditions. The list of
diseases caused by smoking includes chronic obstructive pulmonary disease (COPD,
including chronic bronchitis and emphysema), coronary heart disease, stroke,
abdominal aortic aneurysm, acute myeloid leukemia, cataract, pneumonia,
periodontitis, and bladder, esophageal, laryngeal, lung, oral, throat, cervical,
kidney, stomach, and pancreatic cancers. Smoking is also a major factor in a
variety of other conditions and disorders, including slowed healing of wounds,
infertility, and peptic ulcer disease. Smokers die significantly earlier than
nonsmokers: 13.2 years for men and 14.5 years for women.

RUVINA: (Amaze na amaze na papalakpak.) Wow ang galing mo talaga Olivia!

OLIVIA: (Thumbs up.) Source...http://www.lung.org/stop-smoking/about-smoking/facts-


figures/general-smoking-facts.html

OLIVIA and RUVINA: (Sabay na titingn sa camera.) Kaya mga eschudents! Quit smoking
na! At kung hindi ka pa nagtatry, wag mo na talagang itry...Dahil kung itatry mo...
DADALAWIN KA NAMIN SA PANAGINIP MO!!! Awooooooo...

*******************************************
[20] LESSON 16- I Saw Her
*******************************************
DEDICATED kay DiaryNiJane dahil sa comment niya na :

"WAHAHAHAHA! Grabe yung patalastas xD May change outfit pa si Olivia XD. Nakakatuwa
sila Ruvina at Olivia :D Dapat tinakot muna ni Olivia si Matthew ng ilang beses!
Pero aba ah? HAVEY NA HAVEY ANG PAG PATAY NYA ! XD Sana pag oras na nk Bridgette
Bonggang bongga naman! Promise mag papafiesta ako buong town XD"

NOTE: Nasa gilid na rin ang fansign sa nakasagot ng tama sa Assignment...Si


Acoustic_Girl19. Salamat sa iyo. Ayun, napansin niyo siguro na may PATALASTAS sa
previous lesson. Maglalagay na po ako ng mga ganun pero hindi sa lahat ng lessons.
Baka kasi puro kamalditahan na lang ni Bridgette natututunan niyo eh. Hehe!
LESSON 16- I Saw Her
"HINDI ko nagustuhan ang nadiskubre ko tungkol sa grupo niyo Bridgette." Seryoso
ang mukha ni Teacher Noah ng harapin niya ang klase niya ng araw na ito. "Inatake
ng grabeng asthma si Matthew dahil sa paninigarilyo! At anong ginagawa niyo sa
rooftop sa oras ng klase?"

Natahimik ang lahat. Walang nais sumagot sa tanong niya na iyon.

"Kung sino man sa inyo ang mahuli kong naninigarilyo lalo na sa loob ng
school...Pasensiyahan tayo pero hindi ko kayo papayagang maka-graduate sa March!"
Pagtatapos ni Teacher Noah.

----------------------------------------------------

KALALABAS lang ni Bridgette sa banyo. Katatapos lang kasi niyang magshower dahil sa
papatulog na siya. Nakita niya ang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng kanyang
kama. Papatayin na sana niya iyon ng biglang may nagsend ng video call request sa
kanya. Si Charina.
Inaccept niya iyon.

"Bakit Charina?" Tinatamad niyang bungad.

"Wala lang. You know. Girls chat muna tayo before matulog."

Bumuntung-hininga si Bridgette. "I don't have time for this!"

"K.J. mo talaga!"

Magpapaalam na sana siya kay Charina ng may mapansin si Bridgette sa video ng


kanyang kaibigan. "Charina...May kasama kaba sa kwarto mo?" Paano kasi ay may
nakikita siyang anino ng isang tao sa likuran ni Charina.
"Wala ah. Why?"

"M-may...Oh! Never mind. Sige na...I have to go na!" Pagtataboy niya.

"Wait Bridgette..."

"Ano na naman?" Iritado na siya.

"S-sino iyong babaeng nasa likuran mo?"


Nakaramdam siya ng kilabot sa sinabi ni Charina. Mag-isa lang siya sa kwartong iyon
kaya papaanong magkakaroon ng babae roon?

"A-anong hitsura niya?" Takot na tanong niya. Ayaw niyang tumingin sa likuran niya
o makita ang sarili sa computer kaya mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Nakakatakot siya Bridgette. Puro dugo ang kanyang katawan at..."

"Oh my God!" Sigaw niya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod na
sasabihin ni Charina. Natigilan lamang siya ng marinig niya ang pagtawa ni Charina.
Iminulat niya ang mga mata. "Why are you laughing?"

"I'm just joking Bridgette! You are such a scardey-cat!"

Tila umakyat lahat ng dugo ni Bridgette sa kanyang ulo ng malaman na niloloko lang
siya ni Charina. "Fuck you!" Sabay nag dirty finger siya. Sabay sign-out at inis na
inis na natulog.
---------------------------------------------------------

"SHOCKS!" Kitang-kita ni Bridgette ang pagkagulat sa mukha ni Charina ng bigla na


lamang niya itong sabuyan ng pineapple juice sa mukha. Nagtatakang tinignan siya
nito. "Bakit mo ako binasa?!"

"Dapat lang iyan sa iyo bitch! Tinakot mo ako kagabi!" At parang wala lang na naupo
si Bridgette. Nasa canteen sila noon at kumakain.

Ganoon ang katayuan ni Bridgette sa grupo nila. Kahit anong gawin niya sa mga ito
ay hindi pumapalag ang mga ito. Takot lang ng mga ito sa kanya!

"Oo nga pala, nakapunta na ba kayo sa burol ni Matthew?" tanong ni Ford.


"Nope! Galit na galit sa atin ang mother niya. Ang tanga! Tayo ang sinisisi sa
pagkamatay ng anak niya." turan ni Bridgette sabay subo ng french fries. "Kasalanan
ba natin na maging hikain ang anak niya?" Dugtong pa niya.

"Nakakapanibago...Pito na lang tayo." Sabat ni Steven. "I just remember...May


sinabi si Matthew bago siya mamatay..." At matamang inisip ni Steven ang sinabi mg
kaibigan. "O...Li...Via. Right. Its Olivia!"

"Oo nga. Nakakapagtaka naman na he called Olivia before he died..." ani Charina na
nagpupunas ng mukha gamit ang kanyang panyo.

Natahimik ang lahat.

Tumayo na si Bridgette.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Steven.

"Bibili ulit ng pineapple juice!" aniya at nagtuloy-tuloy na siya sa counter ng


canteen. "One glass of pineapple juice nga."

"Twenty pesos..." sabi nung attendant na nandoon.

Pagkuha niya sa baso ay nagulat siya ng makitang kulay pula na parang dugo ang
laman noon. At pagtingin niya sa attendant ay nanlaki ang mga mata niya ng makitang
si Olivia pala iyon. Nakangiti sa kanya. Nakakatakot na mga ngiti.

Tinignan niyang muli ang baso. Pineapple juice na ulit iyon at wala na sa harapan
niya si Olivia.

Binitawan na lang niya ang baso at nagmamadaling bumalik sa mga kasamahan niya.
Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang mga gamit sa upuan. "Asan na iyong juice mo?"
tanong sa kanya ni Steven.
"Uuwi na ako!" mabilis niyang sagot.

Nilapitan siya ni Thea. "Ha? Bakit? Something's wrong?"

"Nakita ko si Olivia!" Bigla niyang sabi na ikinatigil ng lahat.

"What? Are you insane?" Hindi makapaniwalang turan ni Thea.

"Nagsasabi ako ng totoo! Wala na akong pakialam kung maniniwala kayo o hindi!" At
lumakad na siya papalabas ng canteen.
Isang estudyante ang kanyang nabangga palabas at napasigaw siya ng makitang si
Olivia iyon. Pero ng mahimasmasan siya ay hindi pala. "OK ka lang?" Tanong ng
babaeng nakabangga niya.

Itinulak ito ni Bridgette at nagtatakbo palabas ng school.

------------------------------------------------------

"ANO kayang nangyari kay Bridgette? Para siyang nababaliw na!" sabi ni Thea habang
nasa canteen pa rin sila.

Sinang-ayunan naman ito ni Jacob. "Oo nga. Pero alam naman natin na hindi palabiro
si Bridge, diba? It seems that nagpapakita talaga sa kanya si Olivia..."
"Tigilan niyo na nga iyan. Pinag-uusapan niyo ang taong wala dito!" saway ni
Steven.

"Palibhasa girlfriend mo ang pinag-uusapan eh!" si Charina.

Hindi na nakaimik si Steven. Kinakabahan siya para kay Bridgette. Ah, hindi pala.
Kinakabahan siya para sa kanila.

-------------------------------------------------------

KANINA pa hindi mapakali si Bridgette sa kanyang kuwarto. Paroo't parito siya.


Malalim ang kanyang iniisip. Hindi siya maaaring magkamali, si Olivia ang nakita
niya noon sa rooftop at sa canteen kanina!

Hindi naman kaya...


"Hindi! Hindi maaaring buhay pa si Olivia. Kitang-kita ko mismo sa harapan ko na
nagpakamatay siya! Walang chance na buhay pa ang scandal girl na iyon." aniya sa
kanyang sarili. "Pero sino iyong nakita ko? Multo?"

Isang ideya ang kanyang naisip. Kailangan niyang makasigurado!

-----------------------------------------------

DALA ang sariling kotse ay hinintay talaga ni Bridgette ang paglabas ng school ng
mga kaibigan niya. Nakaisip kasi siya ng paraan kung paano makakasiguro kung buhay
ba talaga si Oliva. Hindi niya alam pero paranoid na yata siya kahit na nakita niya
kung paano nito winakasan ang buhay nito ay malakas pa rin ang loob niya na buhay
pa rin ito at tinatakot siya.

Napaunat siya ng pagkakaupo ng makita na niya ang anim na kaibigan.


Lumabas siya sa kanyang kotse at kumaway sa mga ito. Nagulat naman ang mga ito kung
bakit naroon siya.

"I thought umuwi ka na?" tanong ni Thea.

"I do. May lakad tayo ngayon. Sakay na kayo..." aniya.

"Gigimik ba tayo?" tuwang-tuwang tanong ni Charina.

"No. May bagay tayong aalamin." Makahulugan niyang sabi at nagsipagsakay na sa


kotse ang mga ito.

"Saan ba tayo pupunta? Gabi na oh!" tanong ni Emma.


"Sa sementeryo!" sagot ni Bridgette.

"What? Anong gagawin natin doon?" takang-tanong ni Steven.

Iniliko ni Bridgette ang kotse papasok sa sementeryo. "Aalamin natin kung buhay pa
ba talaga si Olivia. I saw her everywhere! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Hinawakan ni Steven ang kanyang balikat. "Baby, Olivia is dead. Nakita naman natin
na patay na siya diba? Maybe, stress ka lang. How about a vacation? Mag Boracay
tayo-"

"Shut up Steven! Alam ko ang sinasabi ko. I just want to make sure na patay na ang
scandal girl na 'yun!" At itinigil na niya ang kotse.
Bumaba na sila at pinabuksan ni Bridgette sa mga lalaki ang trunk ng kotse at
pinakuha ang mga pala doon.

"Para saan ang mga ito?" tanong ni Jacob.

"Huhukayin natin ang bangkay ni Olivia!" Naka-crossed arm na sagot niya. "Bilisan
niyo na!" utos pa niya.

"Ha? Seryoso ka Bridgette?" Hindi makapaniwalang tanong ni Emma.

"Yes! I am dead serious. Bilisan niyo na!"

Agad naman na kumilos ang mga ito pagkasabi niya noon. Halos tatlong oras din ang
inabot bago tuluyang nahukay nila ang kabaong ni Olivia. Napatakip ng ilong si
Charina. "Nakakadiri!" turan pa nito.
"Ang arte mo! Hindi pa nga nabubuksan eh." irap dito ni Thea.

Nilapitan nina Steven, Ford at Jacob ang kabaong. "Handa ka na bang makita ang
inaagnas na bangkay ni Olivia sa loob ng kabaong na ito?" Nakangising tanong ni
Steven sa kanya.

Napalunok si Bridgette bago sumagot. "Yes. Open it."

"On the count of three, bubuksan na natin..." ani Steven kina Ford at Jacob.

"Okey." Sagot ng dalawa.

"One..."
Hindi na makapaghintay si Bridgette. Mabibigyan na rin ng kasagutan ang lahat. Kung
buhay ba o hindi si Olivia.

"Two..."

Hindi maalis-alis ang mata niya sa kabaong ni Olivia...

"Three!"

Pagkabigkas ni Steven noon ay mabilis nilang binuksan ang takip ng kabaong at


ganoon na lang ang shock nila sa kanilang nakita...
Walang laman ang loob ng kabaong!

"H-hindi...This can't be!" Nanginginig na bulalas ni Olivia.

-CLASS DISMISSED-

ON OUR NEXT LESSON!


"Buhay si Olivia? Pero papaano?!"

"Class, magkakaroon tayo ng school tour next week..."

Magsisimula na ang field trip na NAKAKATAKOT, NAKAKAKABA at NAKAKAMATAY!

ABANGAN!

*******************************************
[21] Teacher Noah's Announcement About the School Tour
*******************************************

TEACHER NOAH's POV

(NOTE: Nasa gilid po ang oh-so hot picture ko.)

Class! Makinig!
May pera ka ba? Five thousand pesos?

Joke lang.

Mabilis ka ba?

Lagi ka bang nakaabang sa update ng School Trip?

Pwes, kung OO. Maaaring isa ka sa unang makakabasa ng announcement na ito at may
chance na makasama sa nalalapit na school tour ng Wellington Highschool!

Kung sino man ang unang SAMPU na magcocomment sa ibaba ng:

CERTIFIED SCHOOLMATE SI _____________. (insert your name sa blank)

ay makakasama sa school tour at magiging bahagi ng kwentong ito.

Goodluck!

Arms forward and fall in line!


CERTIFIED KASAMA NA SA SCHOOL TOUR SINA:

(Pls. follow the right format para makasama. Matuto pong sumunod sa simpleng
instructions...)

(NO SLOTS AVAILABLE)

1. ALYZA DELEON

2. JANINE SATUITO

3. RAKKEL TOMINEZ

4. AIRAA

5. MARIA ISABELA GALERIA

6. DELANCY DEVIN

7. YNA DEL ROSARIO

8. HANNAH KOHARA

9. JOY-MEE

10. MIA ANGELES


Abangan niyo po sila sa School Trip!

*******************************************
[22] LESSON 17- School Trip
*******************************************
DEDICATED po kay miNxGed dahil sa comment niya na:

"O. M. G!!!! ayan na ayan na!! skul Trip na rin s wakas. I just can't stop grinning
sickly (wut? napunta nmn aq s game of life XD share) anyway, nahahawa n ata aq s
kaartehan nila bridgette. bsta! GO OLIVIA!!! naku po, mukhang hndi aq mkaka2log sa
sobrang xcitement. pls ud soon! (kht n halos everyday n ung ud)"

NOTE: Kung gusto niyo ng sneak peak sa mga mangyayari sa susunod na chapters. WATCH
NIYO IYONG VIDEO SA GILID. Salamat!

LESSON 17- School Trip


"ONE, two, three!" Bilang ni Steven at iniangat na nila ang takip ng kabaong ni
Olivia.

Hindi sila makapaniwala na walang laman ang kabaong na iyon!

"Hindi ito maaari..." Hindi makapaniwalang bulalas ni Bridgette. "Tamang puntod ba


ang hinukay niyo? Baka naman nagkamali lang kayo!" aniya.

"No. Eto pa nga iyong binasag nating lapida oh," sabay turo ni Ford sa lapida.
Nakagat ni Bridgette ang kanyang mga daliri sa sobrang tense. Bakit nawala roon ang
bangkay ni Olivia? Buhay pa ba ito? Pero imposibleng mangyari iyon!

--------------------------------------------------------

NAPANGITI si Teacher Noah ng makita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang nobya. Umupo
siya sa tabi nito at pinagmasdan ang mukha nito. "Mahal na mahal kita," puno ng
pagmamahal na sabi niya dito at ginawaran niya ng halik ang pisngi nito.

----------------------------------------------------------

"B-BUHAY si Olivia? Pero papaano?" Tanong ni Emma.

"Bakit wala ng laman iyong coffin niya? Naging zombie kaya siya?" Naka-pout pa na
singit ni Charina.
"Umalis na tayo dito!" Yakag ni Bridgette.

"Hindi naman kaya babalikan tayo ni Olivia dahil sa ginawa natin sa kanya?"
Natigilan si Bridgette sa pagpasok sa kotse sa sinabing iyon ni Steven. "Hindi kaya
iniisa-isa na niya tayo?"

Naniningkit na tumingin siya sa nobyo. "Hindi...Patay na siya! Paano niya tayo


maiisa-isa?"

"Iyong nangyari kay Matthew! Hindi kaya multo ni Olivia ang may gawa noon?"

"Hindi ako naniniwala sa multo!" giit niya.

Lumapit sa kanya si Steven. "Kahit ako Bridgette, hindi ako naniniwala! Pero sa mga
nangyayari ngayon parang gusto ko ng maniwala."

"This insane..." Umiiling na turan ni Bridgette. Pero parang gusto na niyang


maniwala sa sinasabi ni Steven. Hindi nga kaya naghihiganti sa kanila si Olivia?

Hanggang sa makauwi sila ay palaisipan pa rin sa kanila ang pagkawala ng bangkay ni


Olivia.

--------------------------------------------------------

NAPAKAINGAY ng klase ni Teacher Noah ng pumasok siya. Inilapag niya ang mga dalang
gamit sa lamesa niya sa unahan. "Class, good morning!" Malakas niyang bati.

"Good morning Teacher Noah!" Sabay-sabay na ganting bati ng mga estudyante niya
habang umaayos ang mga ito ng upo.
Nang naging tahimik na ang lahat ay saka lang siya muling nagsalita. "May ibabalita
nga pala ako sa inyo. Magkakaroon tayo ng school trip next week."

Masayang nagsigawan ang lahat sa sinabi niyang iyon. "Class quiet! Hindi tayo
magkakaintindihan kung ganyan kayo kaingay." Bahagya naman na tumahimik ang lahat
at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ayun nga, next week ay magkakaroon tayo ng
school tour pero kakaiba ang tour na ito sa mga nakaraang school tour dahil
magiging makabuluhan ang gagawin natin dito."

"Teacher, saan po ba tayo magfifield trip?" tanong ng isang estudyante.

"Sa Quezon Province. Marami tayong activities na gagawin doon like tree planting,
coastal cleaning at kung anu-ano pang makakatulong sa kalikasan-"

Agad naman na nagprotesta si Bridgette. "Did you mean magbabayad kami for that
field tapos pagtatanimin lang kami ng puno? Thats ridiculous! Diba classmates?"
Humanap pa talaga ito ng kakampi.
"Oo nga Teacher Noah!" segunda ng isa.

At kanya-kanya na ng ingay ang lahat.

"Class! Pwede ba patapusin niyo muna ako? Two days ang field trip na ito." aniya.

"Ahhh..." sabay-sabay na turan ng lahat.

"On the first day, magkakaroon tayo ng enviromental activities and camping sa gabi.
Sa second day naman ay pupunta tayo ng Enchanted Kingdom at whole day tayo doon!"

"Wow! Whole day sa EK? Yes!!!" sigaw ng lahat.


-----------------------------------------------------

MULA naman sa hindi kalayuan ay tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Olivia ang dati


niyang mga kaklase. Masaya ang mga ito dahil sa nalalapit na field trip ng mga ito
sa susunod na linggo.

"Mga hangal! Sige lang, magpakasaya kayong lahat dahil nalalapit na kayo sa inyong
sari-sariling mga hukay! Gagawin kong kakaiba ang school tour na iyan! Hahaha!"
Tila nababaliw na tumawa pa ang multo ni Olivia.

Nanlilisik ang kanyang mga mata!

"Olivia! Olivia! Bakit nagsasalita ka mag-isa?" biglang lumitaw sa kung saan si


Ruvina.
Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Nalalapit na ang paghihiganti ko Ruvina!"

"Hihihi! Hindi ka makakapunta sa paroroonan mo kung puno ng poot ang puso mo


Olivia."

Napatingin siya kay Ruvina. "Anong ibig mong sabihin?"

"Tulad ko, naghahari ang galit sa puso ko. Galit na hindi ko maalis dahil sa kahit
napatay mo na ang may kagagawan nito sa akin ay hindi pa rin ako nabibigyan ng
magandang libing. Hanggang ngayon nasa school pa rin na ito ang katawan ko!
Hihihi!" Humagikhik pa ito.

"Iyon naman talaga ang gusto ko Ruvina. Hindi ako pupunta ng impyerno hangga't
hindi kasama ang dahilan ng paghihirap ko. Teka, ibig bang sabihin kaya hindi ko na
nakikita ang multo dito ni Maika sa eskwelahan ay naroon na siya sa langit o kaya
sa impyerno?" tanong pa niya.
"Maaari! Maaari ring hindi."

"Anong ibig mong sabihin na maaaring hindi?"

"Sa tingin mo ba kung nagpakamatay o pinatay man si Maika ay hindi mapupuno ng poot
ang puso niya? Isa lamang ang dahilan kaya wala dito ang kaluluwa niya..." at
misteryosong tinitigan siya ni Ruvina.

"A-anong dahilan?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo naman!"
"Sikreto! Ikaw mismo ang tumuklas Olivia. Masarap kapag ikaw mismo ang nakakatuklas
sa mga bagay na dati ay hindi mo alam!" Makahulugan nitong turan sa kanya.

-----------------------------------------------------

TATLONG araw na ang nakakalipas at medyo nagkaroon ng kapayapaan ng pag-iisip si


Bridgette dahil sa hindi na niya nakikita pa si Olivia. Bagaman at palaisipan pa
rin kung nasaan ang bangkay nito.

Naalala niya ang announcement ni Teacher Noah noong nakaraang araw. Magkakaroon
pala ulit sila ng field trip. Yearly naman ay sumasama siya kaya lang medyo kakaiba
yata ngayon ang gagawin nila sa field trip ngayong taon.

Bahala na. Sasama na lamag siya. Pwede namang hindi niya gawin ang ilang activities
na ayaw niyang gawin doon.
---------------------------------------------------

NATIGILAN si Teacher Noah sa pagpasok sa kanyang bahay ng makita niya ang kanyang
nanay na nasa bungad ng pintuan. Tila hinhintay siya nito.

"Nanay..." tawag niya rito.

"Noah! Ilabas mo ang kapatid mo!" umiiyak na salubong nito sa kanya.

"Wala siya sa akin. Wala siya dito!" mabilis niyang sagot habang binubuksan ang
pintuan ng kanyang bahay.
Pilit siyang iniharap nito. "Huwag kang magsinungaling Noah! Kilala kita. Ilabas mo
ang kapatid mo!"

"Sinabing wala siya dito!" At agad siyang pumasok sa loob ng bahay at ini-lock
iyon.

Dinig pa rin niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang nanay. Pinapalabas


siya...Hinahanap sa kanya ang kanyang kapatid. Ilang minuto pa ay tumahimik na ito.
Napagod na marahil.

Naisuklay ni Teacher Noah ang sariling daliri sa kanyang buhok. Nagtungo siya sa
kanyang kwarto. Nakita niya roon ang kanyang kapatid na nakahiga sa kanyang kama.
Natutulog ito. Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang braso nito. Hinagkan
niya ito sa pisngi.

"Hindi na tayo magkakahiwalay. Pangako ko iyan sayo! Mahal na mahal kita..." At


humiga na rin siya at tumabi sa pagtulog niya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang lupigin ng kanyang
pagod at antok.

------------------------------------------------------------

PALINGON-LINGON si Bridgette, Thea at Emma sa loob ng bus. Paano kasi ay wala ng


available seat sa loob. Alas-nueve pa lang noon ng gabi. Maaga kasi mahaba pa ang
kanilang biyahe papuntang Quezon Province.

"Shocks! Wala na yata tayong seat!" turan ni Emma.

"Akala ko ba tinext mo si Charina na ipagreserve tayo ng upuan?" inis na tanong ni


Thea. "Ang gagang iyon, hindi talaga maaasahan kahit kailan!"

"Tinext ko na nga siya kanina kasi nauna siyang dumating dito. Namumuro na talaga
ang Charina na iyan sa akin!" inis na rin si Bridgette.

Hanggang sa makita nilang kumakaway si Charina sa medyo pahuling seat ng bus. "Hey!
Dito! Andito ang upuan niyong tatlo!" sigaw nito.

Napatirik ang mata ni Bridgette. Paglapit nila rito ay napataas siya ng kilay.
"Nasaan ang sinasabi mong reserved seat Charina? Niloloko mo ba kami?"

Luminga-linga si Charina sabay turo ng pangtatluhang upuan na nasa unahan nito.


"Ito iyong reserved seats niyo!"

Biglang umapela ang tatlong classmates nila na sina Alyzza, Janine at Rakkel na
nakaupo sa upuang itinuro ni Charina sa kanila. "Hoy! Anong reserved seat? Nakita
niyong nakaupo na kami dito ano!" Mataray na apela Rakkel.

"Ano ba Charina? May reserved seats ba kami o wala?" galit na tanong ni Thea.
"Meron! Wait lang." at kinausap ng muli nito sina Rakkel. "Umalis na nga kayo
diyan!"

"Never in our dreams and yours too na aalis kami dito dahil kami ang nauna sa seat
na ito, diba?" Nakataas pa ng kilay na sabi ni Alyza.

"Yah right! Iyan ang napapala ng pahulihin...Nauubusan ng upuan!" tatawa-tawa pa si


Janine.

Kanina pa napipikon si Bridgette kaya kinuha niya sa bag ng mga pagkain niya ang
isang bote ng diet coke at ibinuhos niya ang laman noon kina Alyza, Janine at
Rakkel.

"Aaaayyyy!!!" tili ng tatlo. "Bakit mo kami binuhusan?"


"Aalis ba kayo o kukunin ko sa bag ko ang one liter na Coke na dala ko?!" Mataray
niyang sabi.

"Tara na nga!" At padabog na umalis ang tatlong babae.

Matapos papunasan nina Bridgette sa dalawang lalaki na nasa unahan nila ang
kanilang upuan ay umupo na silang tatlo roon. "Wait, where is the boys?" tanong
niya pagkuwan.

Nakangiting itinuro ni Charina ang pinakahuling seat at napangiti siya ng makita


roon sina Steven, Ford at Jacob.

"This is gonna be fun!" Excited na turan ni Bridgette.


-CLASS DISMISSED!-

PATALASTAS!!!

"Bridgette-ish Way: How to Pack Like a Popular Teen for a School Trip!

Bridgette: Hello mga schoolmates! Andito ako para bigyan kayo ng tips para maging
sosyalin kayo sa inyong field trip. Anyone ever made fun of you for packing like a
so-called "loser?" With a brown-paper-bag lunch, a "nerdy" book? Here's how to
change that.

Number ONE: Get the right bag. It should be durable, but it should still be from a
good quality brand. It must also be made with a good quality material. If possible
try buying a bag that is made from posh-ish materials. Also, choose a bag with a
deep and sophisticated color like royal purple or simply choose one with your
favorite color.

Number TWO: Pack trendy clothes that says YOU. It doesn't always have to be from
expensive brands, some brands like H&M sells trendy and fabulous clothes at
affordable prices. Also, prepare for the weather. Bring a jacket if it's cold,
shorts if it's warm, etc. NOTE: You should ALWAYS bring a light jacket even in the
summer, just in case. Also,bring clothing and gear that is meant for physical
activity. It's no fun when everyone else can go to the beach and you can't because
you left your bathing suit at home!
Number THREE: Never forget to bring accessories. Something as simple as a beautiful
printed scarf or a gold cuff bracelets can instantly spice up a plain tee.

Number FOUR: Also bring a sufficient amount of cosmetics and skincare. You don't
want all of your make-up and lotion to spill in your bag and leaving you with a
mess. Also, don't forget to bring personal grooming essentials such as tooth brush,
deodorant, hand and body lotion, etc.

Number FIVE: Bring bug spray and sunscreen in the summer. You may want to get 'the
perfect tan', but trust me, it probably won't happen in the short amount of time a
class trip takes. They're usually no longer than a week. Sunbathe before the big
trip. NOTE:If you still want to get a tan, bring a spray tan or a self-tan body
lotion.

Number SIX: Also, don't forget to bring something entertaining for the road such as
your iPod, phone or a good book and couple of fashion or teen magazines to keep you
occupied. Also, don't forget to bring lip balm, hand cream, a few hair pins and
bands, oil absorbing paper,and compact mirror to keep chapped lips and hands at bay
and keeping you looking gorgeous.

And Number SEVEN: If the trip is longer than 3 days, remember to bring extra stuff
that might not be available. Ask yourself if there is there anything that is really
essential that may not be there.

Oh sige. Seeyah! Paalis na ang bus eh, baka maiwanan ang diyosah!

(SOURCE: http://www.wikihow.com/Pack-Like-a-Popular-Kid-for-a-School-Trip)

*******************************************
[23] LESSON 18- Big Bang Bus
*******************************************
DEDICATED kay IashiViiBii

"** hahhaha DYOSA daw si BRIDGETTE oh hahahaa 2 lang KILALA kong DYOSA EH < c ate
naiden at AKO > hmm hindi ku nman tlga masyadong binasa yung TIP ng BRUHA hahaha...
kaka TRiLL yung SNEAKPEAK oh gosh KAKATAKOT :p ANSARAP TLGA MAG BASA NETO PAG LATE
MiDNiGHT na HAHAHA :D AMF wala parin akong clue KUNG SINO YUNG MAHAL/SISTARET ni T-
CHER NOAH oh GOSH ... BAKA TAMA SILA ,,, Hahahaha lemme THiNK !! ok NiGHT po <3
MORE POWER KUYA _ SOJU !! AJA !"
(haha! Nagbigay na nga ng TIPS si Bridge, galit pa rin kayo? HAHAHA! XD)

LESSON 18- Big Bang Bus


HALOS alas-dose na ng gabi noon at tulog na rin ang mga estudyante na lulan ng bus
na papuntang Plaridel, Quezon Province. Tahimik ang gabi at maayos naman ang takbo
nila. Naalimpungatan si Bridgette dahil sa lamig na hatid ng hangin na panggabi.
Tinanggal niya ang takip niya sa mata at tumingin sa bintana.

At namangha siya sa nakita. Sa Lumang Zigzag pala sila naroon. Pababa ang bus sa
Quezon kaya kahit na gabi ay kitang-kita niya ang magandang tanawin sa ibaba.
Nakakatuwa ding tignan ang daan na talagang pa-zigzag.

Natigilan lang siya ng may mapansin siya sa unahan ng bus. Parang may umuusok doon.
Mabilis siyang tumayo para puntahan ang driver.

"Eeeeehhhh!!!" Malakas na sigaw ni Bridgette ng makita niyang may saksak ng


kutsilyo sa leeg iyong driver at tila patay na ito. Nagising ang mga nasa bus sa
sigaw na iyon ni Bridgette.
Si Teacher Noah ang agad niyang nilapitan. "Teacher Noah! I-iyong driver ng
bus...P-patay na po!" aniya.

Pupuntahan na sana ni Teacher Noah iyong driver ng biglang gumewang ang bus at may
malakas na sumabog sa unahan.

Kadiliman...

----------------------------------------------------------

HIRAPAN na iminulat ni Bridgette ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang
kadiliman ng paligid. Nakarinig siya ng mga ungol at humihingi ng tulong. Ang huli
niyang naalala ay iyong may sumabog sa unahan ng bus at pagkatapos ay nagpagulong-
gulong ang bus pababa ng bangin.
"T-tulong..." sinubukan niyang sumigaw pero kulang sa lakas ang kanyang boses.
Gumapang siya. Doon lang niya naramdaman ang pananakit ng kanyang ulo.

Hinawakan niya ang kanyang ulo at may nakapa siya doong malagkit at parang basa na
bagay. Dugo! Napapikit siya dahil tila hihimatayin siya sa realisasyong may sugat
siya.

"Uughh..." May narinig siyang tila boses ng babae na umuungol.

Kahit nahihirapan ay tumayo siya. Tumingin siya sa labas at saktong lumabas na ang
bilog na buwan mula sa pinagtataguan nitong ulap. Nagkaroon ng liwanag sa loob ng
bus at malakas na napasigaw si Bridgette ng makita niya ang mga kaklase niya na
duguan at sugatan. May mga bali ang iba't-ibang parte ng katawan. May basag ang
bungo at naipit sa mga nayuping mga upuan at bakal.

"T-tulong..." Iyon na naman ang boses!

Hanggang sa makita niya ang pinagmumulan ng boses na iyon. Ang kaklase niya pala na
si Airra. Gumagapang ito papalapit sa kanya...
"A-airra?" Lalapitan na sana niya ito ng matigilan siya.

"T-tu...L-long...B-bridgette...Ugh..." Papalapit ito ng papalapit sa kanya.

"Lumayo ka...Layo!" sigaw niya.

Papalapit pa rin si Airra sa kanya. Gumagapang...

Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagiging putol ng katawan ni Airra ay


nakakagapang pa rin ito. Napaatras siya at bigla siyang natumba ng may matapakan
siyang tao. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang kanyang natapakan.
"T-teacher Noah?" bulalas niya.

Puro dugo ang katawan nito at tila hindi na gumagalaw. Nilapitan niya ito.
Hinawakan at niyugyog ng bahagya. "Teacher?" Hindi pa rin ito sumasagot. Patay na
yata ito.

Tumayo na siya. Hindi niya alam kung papaano makakalabas ng naturang bus.
Nagpalinga-linga siya at sumigaw. "Help! Somebody help me!"

Hanggang sa makarinig siya ng tila tunog ng ingit ng pintuan na binubuksan.


Paglingon niya sa unahan ay may nakita siyang isang babae na nakatayo at nakasuot
ng uniform na katulad ng sa kanya. Nakayuko ito kaya natatakpan ng buhok nito ang
mukha nito.

"Sino ka? A-alam mo kung paano ang paglabas dito?" Hindi niya alam pero
nangingilabot siya na tignan ang babaeng iyon.
Humakbang papalapit sa kanya ang babae...

Napasiksik siya malapit sa bintana ng bus.

"S-sino ka?" Medyo takot na tanong niya.

Habang papalapit ito ay nabasa niya ang name tag nito na nakalagay sa bandan
kaliwang dibdib nito... OLIVIA PENELOPE!

Doon na siya nagsisigaw. "Patay ka na! Patay ka na! Don't you dare to get near to
me! Scandal girl!"

Isang nakakatakot na halakhak lang ang isinagot nito sa kanya. Titig na titig sa
kanya si Olivia. May dugong tumutulo sa bibig nito. Habang papalapit si Olivia sa
kanya si Olivia ay biglang naputol ang ulo nito at gumulong papunta sa kanya.
Huminto iyon sa kanyang paanan.
Nakatalikod ang ulo nito sa kanya. Hinihingal na tinitigan niya ito. Sandaling
katahimikan ang namayani. Ayaw gumalaw ni Bridgette dahil pakiramdam niya gagalaw
iyon anumang oras.

Malakas na napasigaw si Olivia ng biglang may humila sa kanya mula sa labas ng


bintana. "Eeeeeehhhhh!!!"

Nagpapalag siya hanggang sa tuluyan na siyang mailabas ng humila sa kanya sa bus.


"Help! Tulungan niyo ako!!!" Paghingi niya ng saklolo.

"Hey! Bridgette! Ako ito!"

"Steven?" Natigilan siya sa pagwawala. Bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan ng


malaman niyang si Steven ang humila sa kanya mula sa loob. Agad niyang niyakap ang
nobyo. "Steven! Mabuti na lamang at dumating ka. Si Olivia...Nasa loob siya ng
bus!"
"Stop it Bridgette. Patay na si Olivia...Tama na."

Kumalas siya ng pagkakayakap kay Steven. "Wait. Where are the others?"

May itinuro ni Steven sa di-kalayuan. "Andun sila...Nakaligtas sila."

"Sinong sila?"

"Mga classmates natin...Pati sina Charina, Ford, Jacob, Thea at Emma ay


nakaligtas."

Magsasalita pa sana si Bridgette ng biglang magliyab ang bus na nasa likuran nila.
Naglalagablab iyon at nagngangalit!
"Tara na Bridgette! Baka sumabog pa iyan!" sigaw sa kanya Steven.

Nagmamadaling tumakbo ang dalawa palayo ng bus.

Hindi nga nagkabulaan ang sinabi ni Steven dahil nakakailang hakbang pa lang sila
ay malakas na sumabog na ang bus. Takot na takot na napayakap siya kay Steven.
Inalalayan siya nito na makalakad papalapit sa grupo ng mga nakaligtas sa
aksidenteng na-engkwentro nila.

Labing-tatlo na lamang pala silang natira. Siya, si Steven, Jacob, Ford, Thea,
Emma, Charina at anim pa nilang classmate na puro babae pa. Nakikilala niya ang mga
ito. Ito ay sina Maria Isabela, Delancy, Yna, Hannah, Joy-Mee at Mia. Hindi siya
makapaniwala na sa tatlumpong estudyante ay labintatlo na lamang silang buhay.

"Nasaan nga pala si Teacher Noah? May nakakita ba sa inyo sa kanya?" Nag-aalalang
tanong ni Charina.
"Nakita ko siya..." sagot niya. Lumapit sa kanya si Charina. "He's dead now. Naiwan
siya sa sumabog na bus."

"No! Hindi totoo iyan! Hindi pa patay si Teacher Noah ko!" Palahaw pa ni Charina.

Malakas itong sinampal ni Thea. "Tumigil ka nga Charina! Mabuti nga sa teacher na
iyon at natusta na siya!"

Tila baliw naman na tumawa si Bridgette. "Hahaha! P-patay na si Teacher Noah...P-


patay na s-si...Hahaha! Malaya na tayo!!!"

Patuloy naman sa paghagulhol si Charina habang nakatingin ito kay Thea. "Oh, bakit
ang sama ng tingin mo sa akin? Palibhasa namatay na ang gurong pinagpapantasyahan
mo!"
"Waaah!!! Bitch!" at sinugod ni Charina ng sabunot si Thea.

Nagpambuno ang dalawa. "Bitiwan mo ako! Isusunod na kita sa pakialamerong teacher


na iyon!" Gigil na sigaw ni Thea kay Charina.

Mabilis naman na umawat sa kanila si Steven pero galit na galit ito. "Hindi ba kayo
titigil?! Sige! Magpatayan na kayo! Ano ha? Bakit kayo tumigil? Kill each other!"

Humihingal na tumigil sina Thea at Charina. Matalim ang titig sa bawat isa.

"So, ano na ang plano natin?" singit na tanong ni Emma.

"Its better kung mananatili tayo dito hanggang sa mag-umaga," suhestiyon ni Jacob
na sinang-ayunan ni Steven.
"No!" tutol naman ni Bridgette. "Ang baho sa lugar na ito. I don't think na tatagal
pa ako dito!"

"Pwede ba tigil-tigilan mo na iyang kaartehan mo!" Nanlalaki ang mata na napatingin


si Bridgette kay Emma ng magsalita ito.

"What? Anong sabi mo?" Hindi makapaniwala si Bridgette sa sinabing iyon sa kanya ni
Emma.

Lumapit pa sa kanya si Emma at sinabi iti ng harap-harapan sa kanya. "Ang sabi ko,
tigilan mo na ang kaartehan mo! Dito, hindi na ikaw ang reyna!"

"Ha? Bawiin mo ang sinabi mo Emma!"


"Bakit ko babawiin? Eh matagal ko nang gustong sabihin sa iyo lahat ng iyon! Na
asar na asar na ako sa pagrereyna-reynahan mo!"

Napangisi si Bridgette. Hindi niya akalain na meron palang ahas sa mga barkada
niya. "Ahas ka pala! Matagal ka na palang may inggit sa akin bitch!"

"You are right Bridgette. I am a snake dahil magaling akong pumulupot..." At hindi
niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Emma. Bigla itong yumakap kay Steven at
hinalikan iyon sa labi.

"Bitch!!!" Nanlilisik ang mga mata na susugurin niya sana si Emma pero agad siya
nitong itinulak.

Natumba siya at napaupo sa maduming lupa. Napatingala siya at nakita niya ang nang-
uuyam na ngiti ni Emma. "Simula ngayon Bridgette, hindi na ikaw ang reyna. AKO NA!
Hahaha! Dahil ako naman talaga ang reyna noon inagaw mo lang ang trono ko!"
Tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan niya pero umiiwas lang ito ng tingin sa
kanya. Pati si Steven...Mukhang lahat ng mga ito ay magkakakampi. Hindi niya sukat
akalain na tatraydurin siya ng mga ito...

Pakiramdam niya ay mag-isa na lamang siya.

-CLASS DISMISSED!-

PATALASTAS:
Makikita ni Ruvina si Olivia na nagdro-drawing ng plano sa pag-torture kay
Bridgette...

RUVINA: Olivia! Olivia! Papatayin mo na ba si Bridgette?

OLIVIA: Wag kang magulo.

RUVINA: May nakita akong asong binubully ng kapwa niya aso. May paraan ba para
makaiwas sa mga bully bukod sa pagtalon sa building?

OLIVIA: Meron naman Ruvina. (iikot then change outfit into teacher.)

OLIVIA: (Ngingti ng bonnga.) Welcome sa OLIVIA'S TIPS AND ADVICE! Paano nga ba
natin maiiwasan na mabully? Five tips ang ibibigay ko sa inyo...

UNA: Note that body language is extremely important. Do not look at your feet when
you walk. Do not bite your nails (it is an animal instinct of nervousness). Do not
walk with your hands in your pockets. Examine your current habits: do any of them
make you seem smaller, weaker or less physically capable? If so, change them to
something that will make you appear larger and more confident.

PANGALAWA: You should always tell a parent, teacher or principal if you are
bullied. Remember, it is NOT YOUR FAULT. Your school has a legal right to provide
you with a safe and fair education. If you are being bullied, your legal rights are
being violated. Do not keep quiet.

PANGATLO: If they make fun of something you do or something you wear, do not change
your habits. This will only show them they have power over you.

PANG-APAT: The first time someone you don't know offends you, insults you or hits
you this is your chance to stop them before it gets bad. If you stand up for
yourself straight away, it sends a message that they should leave you alone. If you
let them get away with it by looking away or ignoring it, it may continue and
others may join in. Look a bully straight in the eye. Give him a death stare.
Bullies often back down with this. Watch your body language. Don't look at the
floor. Don't slouch and wish you could disappear, even though you feel that way.
Stand strong and tall and face your bully. Bullies usually pick victims who won't
stand up to them.

AT PANGLIMA: Most importantly, remember that IT IS NOT YOUR FAULT. Tell your school
counselor, parents, teacher, and continue to tell them if it does not stop. Schools
are breaking the law if they allow bullying to continue within their walls. They
MUST provide you with a safe education.

RUVINA at OLIVIA: (Sabay na titingin at magpapa-cute sa camera.) Tandaan, walang


bully kung walang nagpapa-bully!

(SOURCE: http://www.wikihow.com/Avoid-Being-Bullied-in-Middle-School)
*******************************************
[24] LESSON 19- Go With The Flow
*******************************************
DEDICATED kay YourBlackButterfly dahil sa napakagandang FanVid na ginawa niya.
SALAMAT!!!! Panuorin niyo po ang video sa gilid. Nakakaiyak po...

NOTE: Pasensiya na po sa mga typos. Sana maintindihan niyo na everyday akong nag-
uupdate at no time to edit na. OK lang naman na sabihin niyo na may mali ako or
typos lalo na sa names na nagkakapalit-palit pero sana IN A NICE WAY naman. Huwag
yung parang galit kayo at pinaparamdam niyo sa sinadya ko iyon o bunga ng
katangahan ko. Medyo naasar lang ako dun sa nag-comment na parang galit pa. Iyon
lang....Salamat po!
LESSON 19- Go With The Flow

"BRIDGETTE. Bridgette? Gising na."

Agad na nagmulat si Bridgette ng kanyang mga mata at nagpalinga-linga. Nasa loob pa


rin siya ng bus at nakita niyang nagbababaan na ang ilan niyang classmates sa bus.
"Huh? Panaginip lang? Its just a dream! Thank God!"
"Ano bang pinagsasabi mo?" Nakakunot ang noo na usisa sa kanya ni Emma.

"Ah wala. Where are we?"

"Unfortunately, andito na tayo sa Quezon. Tree planting daw. Yuck! Anyway,


tinatawag na tayo ni Teacher Noah sa labas ng bus."

Napatayo siyang bigla. "Buhay si Teacher Noah?"

"Oo naman. Ano bang pinagsasabi mo ha? Are you sick?" Natatawang tanong sa kanya ni
Emma.

Umiling siya. "W-wal. Don't mind me."


"OK. By the way, sumunod ka na lang sa ibaba. Nandoon na rin ang iba eh," at nauna
ng bumaba ng bus si Emma.

Pagkaalis ni Emma ay napasandal si Bridgette sa upuan ng bus. Huminga siya ng


malalim sabay pikit. Parang totoo lahat ng napanaginipan niya. Iyong sumabog na bus
at noong makita niyang patay na si Teacher Noah. Pati na rin ang pagtraydor sa
kanya ng mga kabarkada niya.

Pagmulat niya ng mata ay nanlaki ang mata niya ng makita niyang nasa harapan niya
ang mukha ni Charina.

"Natutulog ka ba?" tanong ni Charina.

"Go away!" singhal niya.


"Pinapatawag ka na kaya ni Teacher Noah."

"OK!" At tumayo na siya at lumabas na ng bus.

------------------------------------------------

PAGKALABAS ng lahat ng estudyante sa bus ay saka lang lumitaw sa loob noon sina
Olivia at Ruvina.

"Olivia! Olivia! Papatayin mo na ba silang lahat?" tanong sa kanya ni Ruvina.

"Hindi ako nagmamadali Ruvina. Dadahan-dahanin ko ang lahat. Isa-isa...Gusto iyong


sila na mismo ang magmamakaawa para sa kamatayan nila!"
"Mukhang maganda iyang naiisip mo."

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Olivia sa mga estudyanteng nasa labas ng
bus.

--------------------------------------------------------

MATAPOS bilangin ni Teacher Noah ang kanyang estudyante at macheck na kumpleto ang
mga ito ay agad niyang hinarap ang mga ito. "OK class. Bago tayo magsimula ng tree
planting ay isang bagay ang dapat niyong malaman. Napansin niyo siguro na ang
section lang natin ang nagfield trip ngayon. Dahil iyan sa hindi lang ito basta-
basta school tour...Isa rin itong retreat!" umugong ang bulung-bulungan.

"Teka lang, akala ba namin school tour ito?" mabilis na apela ni Bridgette.
"Retreat? Nagbayad kami for this para mag-enjoy! Like, duh! Niloloko mo ba kami?"
"Masyado ng nakakaalarma ang behavior niyo kaya mismong ang principal na ang nag-
utos sa akin!" Agad na sagot ni Teacher Noah. "One day lang naman ang retreat kahit
kung pwede nga lang ay isang linggo."

"Ano pa nga bang magagawa namin? You already fooled us!" Parang hindi teacher ang
kausap na sagot ni Emma.

Hindi na lang pinansin ni Teacher Noah ang pagsagot na iyon ni Emma. "After our
tree planting ay kakain na tayo. Lahat ng kakainin natin ay paghihirapan nating
lahat. Tulong-tulong. Sama-sama. About naman sa mga baon niyo na dinala niyo?
Habang nag-uusap-usap tayo dito ay may mga kumuha na ng mga ito."

Paglingon ng kanyang mga estudyante sa kinaroroonan ng bus ay nagulat ang mga ito
dahil papaalis na ito.

Inis na hinarap ni Bridgette si Teacher Noah. "This is crazy! You can't do this to
us. Irereklamo kita!"
"You can do whatever you want Bridgette pero hindi kayo aalis ng lugar na ito ng
hindi kayo matitino. May permission kami from your parents at pumayag naman sila
since para rin naman sa inyo ang lahat ng ito. Sige na. Kumuha na kayo ng inyong
mga itatanim na puno sa loob ng kubo na nasa likuran ko." utos pa niya sa mga ito.

------------------------------------------------

"TALAGANG binubwisit ako ng Noah na iyan! Nananadya na eh!" iritadong pakli ni


Bridgette habang naghuhukay sa lupa para sa itatanim niyang puno.

Gigil na gigil siya dahil ayaw niya talagang madudumihan siya.

"Ano ba naman kayo? This is fun nga eh. Planting tress...I think, I am starting to
like nature na!" turan ni Charina.
"Gaga! Ang sabihin mo, palibhasa crush mo lang ang nag-utos!" ani Thea na inirapan
lang ni Charina.

Inilagay na ni Bridgette ang itatanim niya sa hukay at tinabunan iyon ng lupa sa


pamamagitan ng hawak na kawayan. "Finally, i'm done!" at sa biglang pagtayo niya ay
nakaharap niya si Teacher Noah.

Biglang nagsalita si Teacher Noah. "Ang pagtatanim ng puno ay parang pagbuo ng


pagkakaibigan. Matiyaga ka dapat sa paghuhukay dahil ang lalim ang magsisilbing
pundasyon kung gaano magiging katibay ang puno. Parang sa pakikipagkaibigan, dapat
matiyaga ka sa pagkilala sa isang tao bago mo tuluyang ibigay ang buo mong tiwala.
Trust- iyan ang magiging pundasyon ng inyong pakikipagkaibigan. Huwag niyo rin na
kakalimutan na diligan ang puno na inyong itinanim dahil ang pakikipagkaibigan ay
bigayan..." at matapos iyon ay naglakad-lakad na si Teacher Noah upang tignan isa-
isa ang mga itinanim nilang puno.

Umupong muli si Brigette. "Bullshit! This is fucking bullshit! Ang daming arte ng
Noah na iyan!"
"Chill lang Bridge..." natatawang sabat ni Ford.

Si Thea naman ang biglang tumayo at nagpaalam sa kanila. "Wait lang ha. Hahanap
lang ako ng water. Didiligan ko na itong bwisit na tree na ito para matapos na
ako!"

"Ikuha mo na rin kami!" ani Bridgette.

"OK." at umalis na si Thea para maghanap ng tubig.

----------------------------------------------------------

TUMIGIL saglit si Thea sa paglalakad at inilibot ang paningin sa kanyang paligid.


Marahil ay kapansin-pansin ang palagiang pambabara at pagkainis niya kay Charina.
Ito ay dahil sa inggit niya dito. Mahal na mahal kasi ito ng nanay nito at sunod pa
lahat ng gusto nito. Hindi tulad niya na kahit anong gawin niya ay hindi pa rin
niya maramdaman ang pgmamahal nito. Kinakailangan pa niyang magpagod para lang
makabili ng mga bagay na gusto niya.

Sa wakas ay nakakita rin siya ng isang ilog. Nakakatuwa kasi napakalinis ng tubig
doon. Lumapit siya at naghilamos. Ang lamig ng tubig!

"Mas OK siguro kung papupuntahin ko dito sina Bridgette..." sabi niya sa kanyang
sarili.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang nilalang na papalapit sa kanyang


kinaroroonan.

Biglang nakuha ang atensiyon ni Thea ng biglang gumalaw sa tubig. Parang may kung
ano sa ilalim ng tubig dahil bumubula iyon.

Sa wari niya ay isda o kung anong hayop...


Pinakatitigan ni Thea iyong parte ng tubig na gumagalaw. At nanlaki ang mata niya
sa takot ng unti-unti ay may isang ulo na lumilitaw mula sa ilalim ng tubig. Unti-
unti itong umaangat hanggang sa lumitaw na ang buong katawan nito. Isang katawan ng
babae at nakasuot ng school uniform na katulad ng sa kanila. Maputla ang balat at
may ngiting nakakatakot!

"O-olivia?!" Hindi makapaniwala niyang bulalas ng makilala niya ang kaharap niya.

"Ako nga Thea..." Pati pagsasalita nito ay nakakapanindig-balahibo.

Napasigaw sa sobrang takot si Thea.

-----------------------------------------------
"DID you heard that?" Malikot ang mga mata na turan ni Bridgette.

"Ang alin?" tanong ni Jacob.

"Parang may sumigaw..."

"Wala naman ah." ani Steven.

"Baka mga unggoy lang sa gubat!" Natatawang sabi ni Charina.

"Never mind!" pabalewalang sagot na lang ni Bridgette.


------------------------------------------------------

"LUMAYO ka!!!" sigaw ni Thea sa multo ni Olivia sabay takbo. Dahil sa sobrang takot
ay bigla siyang nadapa. Tumama sa matulis na bato ang kanyang tuhod at natuklap ang
kanyang balat.

Umagos mula roon ang napakaraming dugo. Napaiyak na siya sa sobrang sakit at hapdi
ng kanyang sugat. Pagtingala niya ay biglang may malakas na pumalo ng isang bato sa
kanyang ulo.

Napalugmok siya. Naramdaman niya na may humihila sa kanya papunta sa ilog. Nang
nasa ilog na siya ay bigla inilublob nito ang kanyang ulo sa tubig. Hindi niya
makita kung sino ang gumagawa noon sa kanya. Halos dalawang minuto siyang
nakalublob sa tubig. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib.

Habol ang paghinga ni Thea ng iangat nito ang kanyang ulo. Hindi pa ito nasiyahan
at malakas na inihampas pa ang kanyang ulo sa isang malaking bato.

Doon na nanlabo ang kanyang paningin. Naramdaman ni Thea ang sakit at ang pag-agos
ng dugo sa ulo niya. "T-tama na..." Pagmamakaawa niya.

Nakita niya sa harapan niya ang nakakatakot na anyo ni Olivia. Tumatawa ito.
"Kulang pa yan Thea! Kulang pa iyan sa hirap na pinaranas niyo noon sa akin!
Hahahaha!"

Muling may sumabunot sa kanya at inilublob ulit ang kanyang ulo sa tubig. Iaangat
at ihahampas sa bato. Ilulublob. Iaangat. Ihahampas.

Paulit-ulit. Tila walang katapusan hanggang sa basag-basag na ang kanyang ulo.


Inaanod na rin ng tubig sa ilog ang kanyang dugo at durog-durog na utak!

---------------------------------------------------
"WOW! Refreshing!" Masayang turan ni Bridgette habang umiinom ng tubig mula sa
ilog.

"Ang sarap ng tubig! Manamis-namis!" dugtong pa ni Emma.

Biglang dumating si Steven. "Guys! Tawag na tayo ni Teacher Noah!"

Inis na tumayo si Bridgette. "Panira talaga ang Noah na 'yan! Tara na nga at baka
pagdiskitahan na naman tayo!"

Pagkaalis nina Bridgette sa ilog ay eksaktong umagos sa ilog ang dugo at durog na
utak ni Thea.
-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[25] LESSON 20- Handcuffed
*******************************************
DEDICATED kay Aubritney XD

"Grabe Naman Si Olivia At Ruvina Pasulpot-Sulpot sa Bawat Eksena XD,GO Emma~!


Enjoyin mo ANg Manamis Namis na Refreshing And Clean, Oh, Mali, Refreshing And
Unclean na tubig sa Ilog ,Ikaw Kaya uminom ng Tubig na may kasamang Durog na
Utak,Y-A-C-K, Baka Sa Susunod Makain ni Emma ang katawan ni Thea, Si Thea Na Ang
Bagong Ysabelle!! HOHO Sana Director Ang Trabaho ni kuya Soju sa June mwahahahaha!!
Next UD Na Po! :D"
LESSON 20- Handcuffed

"TWENTY-SEVEN!" Iyon ang huling bilang na narinig ni Teacher Noah mula sa kanyang
mga estudyante. Tapos na kasi ang tree planting at binibilang na niya ang kanyang
mga estudyante.

"Hindi ba't twenty-eight kayong lahat? Sino ang wala?" tanong niya.

Tatlumpo talaga lahat ng orihinal na estudyante ni Teacher Noah pero dahil sa


namatay na sina Maika at Olivia ay nabawasan ang mga ito.
"Teacher, wala pa po si Thea," turan sa kanya ni Charina.

"What?! May nakakita ba sa inyo kung saan pumunta si Charina?"

"Ang sabi niya hahanap at kukuha lang daw siya ng tubig then hindi na siya
bumalik." si Bridgette ang sumagot.

"OK. Magluto na kayo ng kakainin. Nasa kubo lahat ng kailangan niyo. After our
lunch at wala pa si Thea, saka natin siya hahanapin. Mamayang ten o'clock ng gabi
ay darating na iyong bus at babyahe na tayo sa Laguna. Pupunta tayo ng Enchanted
Kingdom." aniya at nagsimula ng kumilos ang kanyang mga estudyante.

----------------------------------------------------
"YEAH right!" Lihim na sabi ni Bridgette matapos magsalita ni Teacher Noah.

Umupo muna siya sa isang malaking ugat ng puno at nangalumbaba habang pinapanood
ang pagkilos ng kanyang mga classmate. Sa totoo lang ay gusto na niyang umalis sa
mabahong lugar na ito.

"Sa tingin mo, nasaan na kaya si Thea?" napatingala si Bridgette sa nagtanong sa


kanya. Si Steven pala. "Hindi kaya umalis na siya dito?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Wala akong idea. Bahala siya sa buhay niya." Walang
gana na sagot ni Bridgette.

Makalipas lang ang halos kalahating oras ay natapos na ang kanilang pagluluto ng
kanin. Pinagtagpi-tagpi lang nila sa lupa ang mga kinuha nilang dahon ng saging at
doon inilagay ang lahat ng kanin.
Inilabas ni Teacher Noah ang isang tray ng itlog na maalat. Napangiwi si Bridgette
dahil alam niyang iyon ang magiging ulam nila. "After nating kumain ay hahanapin na
natin si Thea then mamayang one o'clock we'll proceed to our next activity."
Paliwanag ni Teacher Noah.

"Yes Teacher!" Sabay-sabay na turan ng lahat ng naroon.

Nagsipagkainan na sa dahon ng saging ang mga kaklase niya pero nanatili siyang
nakatayo lang at nakasimangot na pinapanood lamang ang mga ito. Napansin yata ni
Steven ang pagmumukmok niya kaya lumapit ito sa kanya.

"Hey, baby. Whats wrong?" tanong nito sa kanya.

"Nakakainis na talaga! I don't think na makakakain ako with our piggy classmates.
Look at them, para silang baboy!"
"Kumain ka na baby, please. Just today. Hayaan mo na." Hindi siya sumagot. Nanatili
lang siyang nakasimangot. "Please..."

Nakita ni Bridgette ang nagmamakaawa na mukha ng kanyang boyfriend kaya naman


napangiti na siya. "OK baby. Ngayon lang ha?"

"Yes baby!" At hinalikan siya nito sa labi. Magkahawak-kamay silang lumapit sa mga
kaklase nila at nagsimulang kumain.

--------------------------------------------------------

"THEA! Thea! Thea?!"


"I think umalis na talaga si Thea..." turan ni Charina sabay upo sa nakitang bato
sa dinaraanan nila. "Ang daya naman niya, di man lang ako isinama!"

Maya-maya ay humahangos na lumapit sa kanila si Steven. "We should tell Teacher


Noah na itigil na ang paghahanap kay Thea. Look, she just texted me." At ibinigay
ni Steven kay Bridgette ang phone nito.

"Gosh! Akala ko ba kinuha ni Teacher Noah ang mga phones natin?"

"Remember, dalawa ang phones ko? Luckily, naitago ko iyan. Basahin mo ang text ni
Thea."

At binasa nga ni Bridgette ang text message na galing kay Thea. "Guys, sorry but
umalis na ako sa retreat. I'm on my way home na." Pagkabasa niya ay inis na
ibinalik niya kay Steven cellphone nito. "That selfish brat! Humanda siya pag
nagkita ulit kami sa school. She'll see! Hmp!"
--------------------------------------------------------

AGAD naman na ipinaalam nila Bridgette kay Teacher Noah ang ginawang pagtakas ni
Thea sa retreat. As usual ay nagalit ang kanilang guro at ipinangakong
mapaparusahan ito pagkabalik nila sa Wellington Highschool.

Sumapit na ang ala-una ng hapon at gaya ng sinabi ni Teacher Noah ay kailangan na


nilang isagawa ang susunod nilang activity. "Ang tawag natin sa activity na ito ay
TWO HEADS ARE BETTER THAN ONE. Bubunot kayo sa bowl na hawak ko at kung parehas
kayi ng number na mabubunot ay kayong dalawa ang magiging magka-pareha..."
Ipinakita ni Teacher Noah ang hawak na bowl. "Bumunot na kayo ngayon dito."

Humanay na sila. Para kay Bridgette ay napaka-corny ng gagawin nila.

Number six ang nabunot niya. "Number six sa akin!" Malakas niyang sabi.
"Wow! Partner tayo Bridgette!" Masayang sabi sa kanyan ni Charina.

Nakita niyang isang kaklaseng lalaki nila ang partner ni Steven. Si Emma naman ay
isa ring lalaki ang kapartner nito. Habang sina Ford at Jacob naman ang
magkapareha.

Isang classmate nila na babae ang maswerteng hindi makakasali dahil sa wala itong
partner. Kulang na kasi sila since wala na si Thea.

Maya-maya ay isa-isa silang binigyan ni Teacher Noah ng posas.

"Anong gagawin namin dito sa posas?" siya agad ang nagtanong.

"Ipoposas ko kayo sa mga kapartner niyo," sagot nito habang isa-isa silang
pinoposas ng guro nila ang kanilang isang kamay sa kani-kanilang mga kapartner.
"Dalawa kayo pero kikilos kayo bilang isa."
"Teacher, ano po bang mechanics and objective ng activity na ito?" tanong ng isa
nilang classmate.

"Simple lang, may mga flags with different colors ang ikinalat ko dito sa gubat.
Ang gagawin niyo lang ay kunin ang mga flags na makikita niyo. Red is one point,
yellow is three points at black five points. Magagamit niyo ang makukuha niyong
points para makabili ng items sa akin. Food, water or maaari niyong makuha ang own
gadgets niyo sa akin."

"Like you said,this is a retreat. Ano naman ang matututunan namin sa pagkuha sa mga
flags?" Mataray na tanong ni Bridgette.

"Team-work at kung paano kayo kikilos na isa ng partner mo. Iyan ang wala sa inyo.
Kung sino lang ang kakilala o kalevel niyo sa klase, iyon lang ang kinakaibigan
niyo. Dapat matuto kayong makisama sa lahat ng uri ng tao. OK class. Bibigyan ko
kayo ng two hours na mangolekta ng flags!"

Matapos magbigay ni Teacher Noah ay kumilos na sila para maghanap ng mga flags.
----------------------------------------------------

"ANO kayang item ang ireredeem natin Bridgette? Pwede kayang ipagpalit sa points si
Teacher Noah?" Kinikilig na tanong ni Charina kay Bridgette.

Naitirik ni Bridgette ang kanyang mga mata. "Ewww ka talaga Charina! Paano mo nate-
take na pagpantasyahan ang bwisit na Teacher Noah na iyon?"

"Stop! He is not bwisit...He is awesome! Look may flag sa itaas ng puno oh!" bigla
nitong sabi.

"Then climb to get it!" utos niya.


Napangiti si Charina sabay taas ng kamay nila na nakaposas.

"Psh! OK! OK! We'll climb it together!" Napipilitan niyang sabi.

----------------------------------------------------

"NOAH! Mabuti na lang nakipagkita ka sa akin..." sabi ng isang misteryosang babae


na kausap ni Teacher Noah.

Nasa parte sila ng gubat na walang nagpupunta.


"Namiss kita, sobra!" At mabilis na kinabig niya ang babae at ginawaran ito ng
isang halik.

"Namiss din kita..." sagot nito matapos ang halik na iyon. "Baka may makakita sa
atin dito."

Luminga-linga muna siya sa paligid. "Huwag kang mag-alala, walang masyadong


nagtutungo dito."

"Sana nga..." sagot na lamang ng babae.

------------------------------------------------------

MABILIS ang bawat hakbang nina Ford at Jacob. Kulang na lamang ay tumakbo sila.
"Kailangan nating makita sina Bridgette!"

"Tama ka diyan-"

Napatigil sa pagtakbo ang dalawa ng makarinig sila ng boses ng isang babaeng


umiiyak.

"Huuu...Huuuhuuu..."

Napalinga sa paligid sina Jacob at Ford. "N-narinig mo ba iyon Jacob?"


"Oo. Parang may umiiyak! Parang...Doon nanggagaling! Sa likod noon." Sabay turo ni
Jacob sa isang malaking puno.

Akamang lalapitan ni Jacob ang puno ng pigilan siya ni Ford. "Teka lang pare,
umalis na lang tayo dito. Baka kung ano iyan eh." Halatang medyo tinatablan din ito
ng takot.

"Duwag! Para umiiyak na babae natatakot ka. Duwag! Tara na!"

Walang choice si Ford kundi sumama kay Jacob dahil sa nakaposas sila sa isa't-isa.

"Huuhuuu...Huuhuu..." Palakas ng palakas ang iyak habang papalapit sila sa puno.

Nang marating nila ang puno ay may nakita silang babaeng naka-uniform at
nakatalikod sa kanila.
"Miss, sino ka?" tanong ni Jacob sa nakatalikod na babae.

"Huuhuuu..." Pag-iyak lang ang isinagot ng babae sa kanila.

"Bakit ka naiyak? May maitutulong ba kami?" tanong ni Ford.

"Huuu...Huuu...Maaari niyo ba akong tulungan?" sagot ng babaeng umiiyak.

"Anong tulong?"

Nagkatinginan sina Jacob at Ford at nagkindatan. Iisa ang nasa isip nilang
marurumi!
"Pwede niyo ba akong tulungang hanapin?"

"Hanapin ang alin?"

"Tulungan niyo akong hanapin ang nawawalang kong mata!" At napasigaw sina Ford at
Jacob ng biglang humarap ang babae sa kanila dahil wala talaga itong mata at puro
dugo pa ang mukha.

Tumawa pa ng nakakatakot ang babae. "Hahahahaha!" Halos magkandarapa sa pagtakbo


sina Jacob at Ford.

Sa pagmamadali nila ay hindi nila napansin ang isang hukay. Sabay silang nahulog sa
hukay na gamit yata sa panghuli ng mga hayop. Merong mga matutulis na kawayan roon
kaya naman napatusok silang dalawa sa mga kawayan! Sa braso at binti sila kapwa
napuruhan. At mula sa nanlalabo nilang paningin ay isang tao ang nakita nilang
sumilip sa kanila mula sa itaas ng hukay.
-CLASS DISMISSED!-

PATALASTAS!

BRIDGETTE's POV
Hello pretty people like me! Welcome sa aking segment na...

*drum rolls

BRIDGETTE-ish WAY!

Our lesson for today is....HOW TO LOOK RICH AND SOSSY IN YOUR SCHOOL UNIFORM!

FIRST. Pick out your clothing: f your school has a uniform, wear it. Try to buy all
of the various tops and bottoms that you are allowed to wear to school. If your
school does not require a uniform, try shopping at Target, J.C. Penny, or Sears.
Also, look through clearance racks at Aeropostale, A&F, American Eagle, and
Hollister.

SECOND. Buy jewelry that is very classy. Add a small piece of jewelry to your
outfit: a silver locket or a charm bracelet can both look sophisticated and rich.

THIRD. Use three different bags: a small hobo bag that can function as a purse, a
backpack for your books, and a tote bag to carry any loose papers and notebooks.
Always keep your backpack with you-lugging around too much stuff with only your
hands doesn't look classy. Switch out your other two bags depending on what stuff
you need to haul around.

FOURTH. Don't wear sneakers unless you are in P.E. class. Always try to wear ballet
flats or Mary Jane's.

AND FIFTH. Wear minimal amounts of makeup. Use only cover up, mascara, and lip
gloss.

Ayan ha, may nalaman na naman kayo sa akin. Till next week mga ka-Schoolmates. And
I am Bridgette Luviera na nag-iiwan ng mga salitang... "If being sexy and beautiful
is a sin. Then, I apologized!"

Source: http://www.wikihow.com/Attend-Private-School-and-Look-Rich

*******************************************
[26] LESSON 21- Knitted Together
*******************************************
DEDICATED kay

ClarissaMaeDimafelix

"wooohh kakabitin ahh.. first time kong mag cocomment sa story na to :) anyway sa
lahat ng nabasa kong lesson dito mula sa pagkainis, etc. basta halo halong emosyon
nararamdaman ko pag binabasa ko nangyayare ehh haha kuya Soju. nice story astig :)
sana ma update na agad yung sunod na lesson nakakabitin kase talaga ehh gusto ko
nang malaman yung susunod na mangyayare sa mga hayoop na yun (mga nambubully) XD
anyway, i'll wait . for this story hanggang sa matapos ko to haha ganda talaga ..
Bye (; God bless ^____^"

LESSON 21- Knitted Together


"GOT it! Now may fifty points na tayo. Yay!" Tuwang-tuwa na sabi ni Charina ng
makuha nito ang kulay black na flag sa gitna ng ilog.

Napasimangot si Bridgette. "I don't think na makakaya ko pang maglakad para


maghanap ng mga stupid flags na iyan. My feet hurts as hell! Ilang oras pa ba ang
natitira?"

"Hmm. One and a half hours pa. C'mon, parang mas maraming flags sa banda roon!"
sabay turo ni Charina sa parte ng gubat na maraming puno.

Para matapos na ay naglakad na lamang si Bridgette papunta sa itinuro ni Charina.

Sa paglalakad nila ay marami nga silang nakuhang mga flags. "Wow! Ang daming flags!
Kaya lang puro yellow naman! But that's OK, we should be thank-"
"Shut up!!!" iritadong sigaw ni Bridgette kay Charina. "Pwede ba Charina itigil mo
iyang bibig mo? Nakakairita kana! Lahat na lang ng makita at gawin mo may comment
ka!"

Tumahimik naman si Charina. Tila napahiya rin ito sa sinabi niya.

---------------------------------------------------------

NAGKAROON ng malay si Ford na nakatali siya sa isang armchair. Hindi niya alam kung
nasaan siya pero mukhang nasa isang lumang bodega siya. Sinubukan niyang magsalita
pero walang lumabas sa kanyang bibig.

Namamanhid ang kanyang bibig. Hindi niya iyon maibuka. Ramdam niya ang kirot ng mga
sugat sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Ang huli niyang natatandaan ay ng
may makita silang nakakatakot na babae tapos tumakbo sila at nahulog sa isang hukay
na may matutulis na kawayan.
Napakadilim ng paligid niya. Kulong na kulong ang kaniyang kinaroroonan kaya walang
liwanag na pumapasok roon.

Nagulat siya ng biglang bumukas at bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Doon
niya napagtanto na kaharap lang niya pala si Jacob! Tulad niya ay nakaupo at
nakatali rin ito sa armchair. At ang nagpatindig ng kanyang balahibo ay ng makita
niyang tinahi gamit ang isang makapal na tali ang bibig nito para hindi ito
makasigaw o makapagsalita!

Pilit niyang ibinaba ang kanyang tingin sa kanyang bibig at napapikit siya ng
makitang tinahi rin ang kanyang bibig.

"Hmm! Hmm!" Pilit siyang nagsalita upang magising ang kaharap na si Jacob.

Unti-unti ay nagmulat ng mata si Jacob. Nanlaki din ang mga mata nito sa nakita.
Tulad niya ay wala rin itong ideya kung bakit sila nandoon, kung bakit ganoon ang
ayos nila at kung sino ang may gawa sa kanila noon.
Nag-usap ang kanilang mga mata.

Maya-maya ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Takot na nagpalinga-linga sina Ford


at Jacob. Kasabay noon ay nakadinig sila ng isang malakas na halakhak ng isang
babae. Tila nanggagaling iyon sa kailaliman ng lupa. Kulang na lamang ay umulwa ang
mga mata nila sa takot ng lumitaw ang duguang si Olivia sa gitna nila. Nakatawa.
May poot sa mga mata.

Sa bawat pagsindi ng ilaw ay nakikita nila ang nakakatakot nitong anyo.

Hanggang sa tuluyang namatay ang ilaw.

Kadiliman at katahimikan ang lumukob.

Halos maligo na si Ford sa pawis.Nilakasan niya ang pakiramdam niya dahil mukhang
nandoon pa rin si Olivia.

Napapikit siya. Takot na takot. Nagbalik si Olivia. Nagbalik ito upang maghiganti
sa kanila.

Naghihiganti ito sa kaapihang pinaranas ng grupo nila ni Bridgette dito.

Napamulat muli ng mata si Ford ng makadinig siya ng mga yabag ng paa na papalapit
sa kanilang kinaroroonan. Bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso. Alam niya,
kalapit na nila ni Jacob ang nagmamay-ari ng mga yabag na iyon!

Labis-labis ang pagkagimbal ni Ford ng marinig niya ang pag-ungol ni Jacob. Ungol
na tila nasasaktan ito at parang nagmamakaawa. Dinig niya ang pagkapunit ng laman
at tila pagsaksak ng isang bagay sa katawan ng tao.

Mangiyak-ngiyak na si Ford sa sobrang takot. Gusto niyang sumigaw pero paano?


Hanggang sa muling tumahimik ang kapaligiran.

Nakiramdam siyang muli.

Hanggang sa maramdaman siyang meron siyang kalapit. Ah hindi, alam niya. Sigurado
siya, nasa harapan niya ito!

Walang anu-ano ay may kamay na biglang humawak sa kanyang mukha. Nagpupumiglas siya
pero hindi niya nagawang makawala sa pagkakahawak ng kamay na iyon sa kanyang
mukha.

Impit na napasigaw na lamang sa sakit si Ford ng biglang dukutin noon ang kaliwa
niyang mata. Dinahan-dahan pa kaya ramdam na ramdam niya ang sakit. Pumulandit ang
dugo mula roon. Gusto niyang sumigaw! Napakasakit. Hanggang sa nakabaon na ang
isang daliri nito sa kanyang mata. Ginalaw-galaw pa nito ang daliri at dahan-dahang
dinukot ang kanyang mata. Sumama pa ang litid doon at may naputol pa yatang ugat.
Parang isda lang na tinatanggalan ng bituka.
Pinisa ng kung sinuman na iyon ang mata niyang hawak nito.

Walang tigil ang pag-agos ng dugo. Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang isang malakas na paghampas ng kung anong
bagay sa kanyang ulo.

Kadiliman.

------------------------------------------------------
HALOS magkandarapa sa pagtakbo sina Bridgette at Charina sa gubat.

"Yaaaaa!!!" Sigaw pa ni Bridgette.

Paano kasi ay isang kulumpon ng bubuyog ang humahabol sa kanilang dalawa.


Napakatanga kasi ni Charina. Sungkitin ba naman iyong flag na malapit sa bahay ng
mga bubuyog!

Ayun, at ng magambala ang bahay ng mga ito ay hinabol silang dalawa.

"Papatayin talaga kita Charina once we get through with this!" Pagbabanta niya sa
kaibigan.

"Mamaya ka na lang magbanta, please. Tumakbo na lang tayo ng mabilis!" sabay tili
ni Charina.
Takbo pa rin sila ng takbo. Wala yatang balak ang mga bubuyog at mga putakte na
iyon na tantanan silang dalawa.

"There! May ilog!" ani Charina.

"So?"

"Tatalon tayo sa ilog at mag stay under the water para tigilan na tayo ng mga
bees!"

"OK! OK!" Wala ng nagawa si Bridgette kundi ang sumang-ayon. Wala na siyang choice
eh.
Nang sapitin nila ang gilid ng ilog ay hindi na nagdalawang isip ang dalawa ng
tumalon roon.

Halos kalahating minuto rin na nanatili sa ilalim ng tubig sina Bridgette at


Charina bago sila umahon. Nakahinga sila ng malaman na wala na ang mga pesteng
bubuyog na humahabol sa kanila kanina lang.

"We're safe now...Holy cow!" Nakangiting turan ni Charina kay Bridgette.

"Holy shit!" sagot naman ni Bridgette sabay sabunot kay Charina at inilublob ito sa
tubig at agad din naman niyang binitawan. "Napaka-stupid mo talaga! Boba! Grrr!!!"

"Sorry..." sabi na lang ni Charina.


Maya-maya ay nakarinig sila ng malakas na tunog na mula sa isang whistle o pito.
Hudyat na tapos na ang kanilang activity at pinababalik na sila ni Teacher Noah.

------------------------------------------------------------

"WE are super galing talaga Bridge. Ang dami nating nakuhang points. Now, may food
na tayo and nakuha na natin ang cellphones natin!" Masayang turan ni Charina.

Tinanggal na rin ni Teacher Noah ang kanilang mga posas pagkatapos ng activity
nila.

"Yeah right. We have foods and nakuha na natin ang cellphones natin. Pero wala
itong silbi! Lowbat! Fuck that!"

"Atleast..." Pagkikibit-balikat lang ni Charina.


"Wait, where is Ford and Jacob?" aniya.

"Hindi pa yata sila bumabalik."

Narinig yata ni Teacher Noah ang usapan nila kaya tinanong nito kung may nakakita
kina Ford at Jacob.

Lahat sila ay hindi nakasagot.

"OK. Hahatiin ko kayo in four groups sa paghahanap kina Ford at Jacob," turan ni
Teacher Noah.
"Pass muna ako diyan. My feet hurts na talaga!" Apela agad ni Bridgette.

Ilang sandali pa ay handa na ang mga kaklase niya sa paghahanap sa dalawang wala pa
roon. Umalis na ang mga ito at naiwang mag-isa roon si Bridgette. Kinuha niya ang
kanyang cellphone at binuhay iyon. Umilaw lang iyon pero agad din namang namatay.

"Shit!" mahinang mura niya.

Binuksan na lamang niya ang natirang potato chips nila ni Charina at kinain niya
iyon.

Napakatahimik ng kapaligiran.

Natigilan siya ng biglang gumalaw ang talahiban na nasa gawing kaliwa niya.
Napaatras siya dahil mukhang may taong papalapit sa kanya...

Patuloy sa paggalaw ang mga talahib. "May tao ba diyan?" tanong niya.

Walang sumagot.

"May tao ba diyan?" ulit niya.

Napasigaw siya ng malakas ng mula sa talahiban ay lumabas sina Ford at Jacob na


duguan!

Labis siyang nagimbal sa hitsura ng dalawa dahil tinahi ang mga bibig ng mga ito at
magkadikit ang mga dibdib hanggang tiyan. Magkadikit kasi tinahi rin ang mga balat
nina Ford at Jacob mula dibdib pababa sa tiyan kaya nagmukhang kambal-tuko ang
dalawa.

Dumudugo pa ang isang mata ng mga ito at napasigaw siyang muli ng mapagtanto niyang
papalapit sa kanya sina Ford at Jacob!

-CLASS DISMISSED!-

"PREPARE FOR YOUR FINAL EXAM! Soon!"

*******************************************
[27] LESSON 22- One By One
*******************************************
DEDICATED kay

InsaaaaneGEL

"Yan! Dapat lang yan sa mga taong mashadong bully -.-" kainis, di ako makapag
hintay sa scene na mamamatay na si Bridge! Btw,@Kuya_Soju Mag Update kana po! Di na
talaga makapag hintay ang nerve cells ko, ayy teka? nasabi ko na ba yung di
makapaghintay? eh basta, di talaga ko makapag hintay kung pede nga lang, ako na
pumatay kay Bridge. Pero dahil kathang isip mo lamang ito, Ayun na yun! Weee ~! UD
na, UD na, UD-UD-UD naa :)"

LESSON 22- One By One


TATAKBO sana palayo si Bridgette ng marinig niya ang nagmamakaawang pag-ungol ni
Ford at Jacob kaya naman natigilan siya sa kanyang paghakbang. Inisip niya ang
kalunos-lunos na anyo ng dalawa niyang kaibigan.

Humarap siya sa mga ito. "S-sino may gawa niyan sa inyo?" Isang tangang tanong,
naisip niya. Paano nga pala makakapagsalita sina Jacob kung tinahi ang mga bibig
nito

Nanginginig ang buo niyang katawan ng lapitan niya ang mga ito. Hindi niya maisip
na may taong makakagawa ng ganitong kabrutal na bagay, kung tao nga ba ang may
kagagawan noon.

Mukhang kailangan niyang tanggalin ang pagkakatahi ng bibig nina Ford at Jacob para
makapagsalita ang mga ito.

"OK. Tatanggalin ko ang tahi sa inyong mouth. All you have to do is endure the
pain, OK?" aniya.
Mahihinang tango lang ang isinagot ng dalawa. Muntik na siyang masuka ng makita
niya ang nakalaylay na mata ni Jacob. Pisak na pisak iyon at nilalangan na ang
litid o ugat na nag-uugnay doon. Lumunok siya. Kailangan niyang tibayan ang kanyang
sikmura!

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang papalapit ito sa bibig ni Ford. Si Ford
ang inuna niya dahil mukhang nanghihina na ito.

Una ay tinanggal niya ang pagkakabuhol sa dulo ng taling ginamit sa pagtahi sa


bibig ng mga ito. Nang matanggal na niya ay dahan-dahan niyang hinila iyon.

"Hmmmp!!!" Nanlalaki ang mga mata ni Ford sa sakit.

"Sorry!" sabi na lang niya.


Hinilang muli ni Bridgette ang tali palabas ng butas. Medyo sumasabit na ang tali
kasi dumikit na iyon sa laman ni Ford. Manaka-naka ay may mga dugo na lumalabas
doon.

"Shit!" sabay layo ni Bridgette. "I don't think I can do this!"

Nagmamadali siyang pumunta sa kubo na naroon. Kailangan niyang maghanap ng gunting


o kutsilyo o kahit anong bagay na maaari niyang ipangputol sa tali. Naghalungkat
siya at swerte naman dahil nakakita siya ng gunting. Paglabas niya ng kubo ay agad
siyang lumapit kina Ford at Jacob.

"Nakakita na ako ng scissor!" Pilit ang ngiti na turan niya.

Gugupitin na sana niya ang tali sa bibig ni Ford ng matigilan siya. "Mas OK siguro
kung itong tahi niyo sa katawan niyo ang tatanggalin ko para magkahiwalay na kayo."
suhestiyon niya.
Umiling-iling sina Ford at Jacob sa sinabi niya. "Hmm! Hmm! Hmm!" Wala siyang
maintindihan sa mga sinasabi ng dalawa.

"Don't worry. I'll be gentle..." ani Bridgette.

Patuloy sa pag-iling sina Ford at Jacob.

Kumilos na si Bridgette. Mas lumapit pa siya sa nakatayo na sina Ford. Ginupit niya
isa-isa ang pagkakatahi sa balat ng dalawa niyang kaibigan. Hindi niya alam pero
tila bukal na umaagos ang dugo sa pinagtahian. Patuloy siya sa paggupit hanggang sa
lahat ay magupit na niya.

Si Bridgette na mismo ang naghiwalay sa dalawa at labis siyang nagimbal ng malamang


tinanggal ang buong balat nina Ford at Jacob sa dibdib hanggang tiyan ng mga ito.
Tapos ay tinahi ang gilid ng balat upang maging magkadikit ang dalawa.

Tuluyan ng sumuka si Bridgette ng makita ang ribs at iba't-ibang lamang loob ng


dalawa. Dahil sa wala ng sumusuporta ay naglaglagan sa lupa ang bituka nina Ford at
Jacob kasama na ang pugot at basag na ulo ni Thea na pinagsiksikan sa bandang tiyan
ng dalawa!

"Ugh!" Halos sabay na napaluhod sa lupa sina Ford. Namumuti na ang mga mata nito.

"Oh my God! Oh my God! Somebody help uuuusssss!!!" Nagpapanic na sigaw ni


Bridgette. Taranta na nilapitan ni Bridgette sina Ford at Jacob. Hindi na niya alam
ang gagawin kaya napaiyak na siya sa sobrang takot. "Sorry..." Pilit niyang
dinampot ang mga bituka nina Ford at ibinalik iyon sa butas na tiyan ng mga ito
pero nalalaglag lang ang mga ito.

Doon na dumating sina Steven kasama ang iba pa niyang classmates. "Bridgette? What
happen?!" Agad na siyang nilapitan ni Steven.

Umiiyak na napayakap si Bridgette sa kanyang nobyo. Kitang-kita niya na bumagsak sa


lupa ang wala ng buhay na katawan nina Ford at Jacob. "Baby...Huhuhu...Sina
Jacob...Si Ford at T-thea..P-patay na sila!"
Mahigpit siyang ginantihan ng yakap ni Steven. "Hush baby...Shhh." Pag-aalo nito sa
kanya.

Hindi akalain ni Bridgette na pati si Thea ay patay na rin. Ang buong akala niya
kasi ay umuwi na ito.

May iba silang kaklase na nasuka rin pagkakita sa karumal-dumal na senaryo na nasa
kanilang harapan.

"Sinong may gawa nito Bridgette kina Ford?" Agad na tanong ni Teacher Noah sa
kanya.

Umiiling na sumagot si Bridgette. "I don't have any freaking idea! Nakita ko na
lang na magkadikit sila ang then...Shocks!" At muli siyang yumakap kay Steven.

Pumasok agad sa kubo si Teacher Noah at paglabas nito ay may dala na itong kumot.
Itinakip nito iyon sa dalawang bangkay na naroon at sa pugot na ulo ni Thea.
"Lahat kayo, walang aalis dito, naiintindihan niyo ba?"

"Yes Teacher Noah..." Nanghihinang sagot ng mga classmate niya rito.

May kinuha na cellphone si Teacher Noah sa bulsa nito at nag-dial. "Walang signal!"
inis na sabi nito. Nilapitan ni Teacher Noah si Steven. "Steven, kuhain mo nga sa
kubo iyong cellphones niyo. Heto ang susi. Nandoon sa drawer! Bilis!"

Pagkaabot ng susi ay agad na nagtungo si Steven sa kubo. Nanghihina na napaupo si


Bridgette. Biglang nagulo ang utak niya sa mga nangyayari. Sino ang may gawa noon
sa mga kabarkada niya?

Maya-maya ay humahangos na bumalik si Steven dala marahil ang bag na may laman na
mga cellphones. "Teacher! Bad news po!"
"Bakit?"

"Basag-basag po lahat ng cellphones sa loob ng bag. Parang sinadya eh!" tugon ni


Steven.

Agad na kinuha ni Teacher Noah ang bag. Nagsilapitan ang lahat ng estudyante kay
Teacher Noah at nakitingin sa laman ng bag. Tama nga si Steven dahil sira lahat ng
cellphones na naroon.

Nagulat na lamang sila ng makarinig sila ng tila putok ng baril at kasunod noon ang
biglang pagsigaw ng isa nilang kaklase "Eeeeehhhh!!!"

Isa pang putok ng baril!

Paglingon ni Bridgette ay nakita niya ang dalawa niyang kaklase na nakabulagta at


parehas na may tama ng bala sa ulo.
Sunud-sunod ang sumunod na putok ng baril.

Isa-isang tinamaan ang kanyang mga kaklase.

Isa-isa ay tumutumba.

Isa-isa ay namamatay!

Hindi nila alam kung saan at sino ang pinanggagalingan ng pamamaril na iyon!
Malakas na sumigaw si Teacher Noah. "Dumapa kayooo! Dapaaa!!!"

Nagsisigawan at nagpapanic na dumapa silang lahat. May umiiyak at may takot na


takot. Lahat sila ay hindi alam ang gagawin. Itinakip ni Bridgette ang dalawa
niyang kamay sa kanyang magkabilang tenga.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpapaputok ng baril.

Nakiramdam sila.

Halos ilang minuto rin silang nakadapa.

Si Teacher Noah ang unang tumayo. Malikot ang mga mata nito na tila nakikiramdam
din sa paligid. Nagsipagsunuran na rin ang iba niyang kaklase.
Dahan-dahan ay tumayo na rin sina Bridgette at Steven. Hindi makapaniwala si
Bridgette sa nakita. Madaming kaklase niya ang tinamaan ng baril at karamihan ay
patay dahil kung hindi sa dibdib ay sa ulo ang tama ng mga ito.

Medyo nakaramdam rin ng tuwa si Bridgette ng makita niyang ligtas din na tulad niya
sina Emma at Charina. Nanginginig sa takot si Charina habang yakap ito ni Emma.

Binilang niya ang mga naroon. Sampu na lang silang nakatayo kasama na rin si
Teacher Noah.

"Lumabas kaaa! Kung sino ka man magpakita kaaa!" sigaw ni Teacher Noah habang
palingon-lingon sa paligid. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito.

"Teacher, sino pong may gawa noon? Bakit pinatay ang mga classmates namin?" Umiiyak
na tanong ni Charina.
"Hindi ko alam kung sino man siya. Basta wag kayong hihiwalay. Mas OK kung sama-
sama tayo, OK? Hindi tayo makakahingi ng tulong dahil sira lahat ng cellphones
natin. Mamayang alas-diyes pa ng gabi babalik iyong bus kaya kailangan nating
maghintay..."

"M-may cellphone ako dito!" biglang sabi ni Steven. Kumunot ang noo ni Teacher
Noah. Parang nagtatanong kung paano nagkaroon ng cellphone si Steven. "T-tinago ko
ito kanina. Hindi ko ibinigay sa inyo," sagot ni Steven para mawala ang pagtataka
ng kanilang guro.

Kinuha ni Teacher Noah ang cellphone. Nagdial ito. "Hello? Hello? Hell- Lowbat!"
sabay balik ng cellphone.

Doon na nagsimulang mag-iyakan ang iba niyang kaklase.

"Teacher, natatakot po kami!"

"Mamamatay na rin po ba kami?"


Lahat sila ay hindi na alam ang gagawin. Takot na takot.

Sa pagtingin ni Bridgette sa kalayuan ay isang pamilyar na bulto ng tao ang kanyang


nakita.

Si Olivia!

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[28] LESSON 23- Caught!
*******************************************
NO DEDICATIONS.

LESSON 23- Caught!


"TAPOS ka na?" Napatingala mula sa pagkakayuko si Bridgette ng marinig niya ang
tanong na iyon ni Steven.

Nasa ilog siya noon at hinuhugasan ang kamay na puno ng dugo dahil sa ginawa niya
kanina kina Ford at Jacob.

Tinapos na ni Bridgette ang paghuhugas sa kanyang kamay. Tumayo na siya at ipinunas


ang basang kamay sa gilid ng kanyang suot na school uniform. "Steven, hindi kaya si
Olivia ang may kagagawan nito? Totoo kaya iyong sinabi niya bago siya mamatay na
babalikan niya tayo at iisa-isahin?"

"Iyan din ang hula ko noong una pero naisip mo ba? Walang multo na kayang gumamit
ng baril! Walang multo na kayang gumawa ng ganoong ka-brutal na pagpatay!"

Natigilan si Bridgette sa sinabing iyon ni Steven. Nag-isip siya. "Do you mean that
hindi si Olivia ang pumatay kina Thea?"
"Oo. Tao. Tao ang may gawa noon kina Thea. Siguro, gumaganti siya para kay Olivia."
Halos pabulong na ang pagsasalita ni Steven.

"P-pero bakit? Anong purpose niya at gumaganti siya sa ating lahat?"

"That's a stupid question Bridgette! Aminin na natin, ang grupo natin ang nagtulak
kay Olivia para magsuicide! Ang section natin ang nagsabi kay Olivia na tumalon
siya sa rooftop! Alam ko, may kasama tayo dito na may malaking koneksiyon kay
Olivia."

"At ang taong iyon ang pumatay sa mga kaklase natin? Pero sino?"

Tumingin sa malayo si Steven. "Hindi ko alam pero kailangan mas lakasan natin ang
pakiramdam natin. Kailangan nating malaman kung sino ang taong tumutulong kay
Olivia. Limang oras pa bago dumating iyong bus na magliligtas sa atin. Maraming
pwedeng mangyari sa loob ng limang oras. Mag-iingat na lang tayo, OK?"
Tumango na lang si Bridgette.

--------------------------------------------------------

NAKAMASID lang sa kawalan ang multo ni Olivia. Nasa katabi lang niya si Ruvina.
Napangiti siya ng maalala niya ang mukha ng mga kaklase niya habang isa-isang
tumutumba ang mga ito.

Takot na takot sila.

Minsan na niyang naramdaman ang takot na iyon at gusto niyang iparamdam ang ganoong
pakiramdam sa mga ito lalo na kay Bridgette.

"Kikilos ka na ba Olivia?" untag sa kanya ni Ruvina.


Isang misteryosong ngiti lang ang isinagot niya. Naglakad siya palayo at naglaho sa
dilim.

Iiling-iling na lang na sinundan siya ni Ruvina sa kanyang pupuntahan.

------------------------------------------------------

"CHARINA, nakita mo ba si Steven? Kanina ko pa siya hinahanap eh."

"Hmm. Hindi eh. Pati nga si Emma nawawala eh. Bridgette, may itatanong ako. Lahat
ng nangyayaring ito...Hindi kaya..."
"What? Si Olivia?! She is bullshit!" galit na sabi ni Bridgette. "Kung totoo ngang
nagbalik siya to get revenge...Well, i am not afraid of her! Ibabalik ko siya sa
impyernong pinanggalingan niya!"

Pagkasabi niya noon ay iniwan na niya si Charina para hanapin si Steven.

Papunta na sana si Bridgette sa kakahuyan ng tawagin siya ni Teacher Noah.


"Bridgette! Saan ka pupunta?"

"Do you even care? Wala ka ngang nagawa ng pagbabarilin ang mga estudyante mo!"
Tatalikod na sana siya pero humarang sa daraanan niya si Teacher Noah. Tinapunan
niya ito ng matalim na tingin. "Out of my way!"

"Hindi ka pwedeng umalis. Di ba ang sabi ko bawal ang maghiwa-hiwalay?"

"Wala kang pakialam! Umalis ka sa daraanan ko!"


"Bridgette! Igalang mo ako. Teacher mo ako!" Namumula na si Teacher Noah.

"Paano kita igagalang kung hindi ka naman kagalang-galang?!" Walang habas na


pagsagot ni Bridgette.

Natigilan at nangunot ang noo ni Teacher Noah sa sinabi niya. "A-anong ibig mong
sabihin?"

"You have a secret affair with your sister!" Walang gatol na sabi ni Bridgette.
"Nakakadiri ka!" At nilampasan na niya ang kanilang guro na hindi makapaniwala sa
sinabi niya.

--------------------------------------------------------
NAKATULALANG iniwan siya ni Bridgette. Hindi siya makapaniwala kung papaanong
nalaman ng kanyang estudyante na si Bridgette ang pinakatatago niyang sikreto.

Bumalik siya sa loob ng kubo.

Nasa loob noon ang lahat ng kanyang estudyante na nabuhay sa naganap na pamamaril
kanina maliban lang kay Bridgette na umalis. Napansin din niya na wala sina Emma at
Steven. Hindi na niya iyon masyadong binigyang pansin.

Naupo siya sa isang sulok.

Pinagmasdan niya ang kanyang mga estudyante.


Parang kahapon lang at ang sasaya ng mga ito. Ngunit ngayon punung-puno ng takot
ang mga mata ng bawat isa.

Nakita niyang papalapit sa kanya si Charina. Namumugto ang mga mata nito. "Teacher
Noah, gusto ko na pong umuwi. Natatakot po ako dito!" Pinipigil nito ang pag-iyak,
alam niya.

Tumayo siya. "Charina, 'wag kang mag-alala. Three hours na lang at darating na
iyong bus. Makakauwi na rin tayo."

"P-papaano kung matulad tayo kina Ford?"

"Hindi mangyayari iyon. Sige na, bumalik ka na sa mga classmates mo." utos niya.

Nagulat na lamang si Teacher Noah ng mabilis na lapitan siya ni Charina at


hinalikan siya sa labi. Mabilis lang ang halik pero nagulat talaga siya. "I love
you po Teacher Noah!" sabi pa nito sabay talikod.
Napapailing na umupong muli si Teacher Noah.

-------------------------------------------------------------

PALAKA-LAKAD si Bridgette sa kakahuyan ng makarinig siya ng mahihinang ungol.


Nagpalinga-linga siya hanggang sa mapadako ang tingin niya sa parte ng gubat na may
makakapal na halaman. Sigurado siyang doon nanggagaling ang ungol.

Hindi niya alam pero masama ang kutob ni Bridgette.

Patuloy ang ungol.


Papalapit na si Bridgette.

At nanlaki ang mga mata ni Bidgette sa nakita sa likod ng makapal na halaman na


iyon.

"Mga hayoooop!!!" Malakas niyang sigaw ng makita niya na kapwa walang saplot sa
katawan sina Steven at Emma. At talagang si Emma pa ang nasa ibabaw ni Steven at
makikita sa mukha ng mga ito na sarap na sarap ang dalawa sa ginagawa.

Agad naman na naghiwalay ang dalawa at kitang-kita ni Bridgette ang pagkagulat sa


dalawa. Nagmamadaling nagbihis sina Steven at Emma habang namumula ang mukha ni
Bridgette sa sobrang galit sa nakita.

Agad na nilapitan ni Steven si Bridgette pero mabilis na umatras ang huli. "Baby,
let me explain..."
"You have nothing to explain to me Steven! I knew what I saw! Nakakadiri kayo!"
galit na galit na sigaw niya at si Emma naman ang hinarap niya. "And you! Slut! Ang
kapal ng mukha mong agawin ang boyfriend ko! I thought you are my friend!"

"Hindi ako nang-agaw Bridgette! Ikaw! Ikaw ang mang-aagaw!" ganting sigaw sa kanya
ni Emma.

"Ha! Ako pa talaga ang nang-agaw? Ang kapal mo Emma! Hindi mo ba alam, sa lahat
ikaw ang pinagkakatiwalaan ko. Napakawalang utang na loob mo! You betrayed me!
After all what I have done to you? Ganito lang?! Fuck you! Bacause of me
kinakatakutan kayo sa school. I gave you powers to rule!" mahabang litanya ni
Bridgette.

"Do you think gusto namin iyon? Ang katakutan kami? Bridgette, nung wala ka we're
just ordinary students. Nang nagtransfer ka, nagbago na kami at nahihirapan na
kaming magbago dahil sinanay mo kami!" ganting sagot sa kanya ni Emma.

"So, ayaw niyo sa akin matagal na? Dapat nilayuan niyo na lang ako!"
"Sana nga! Sana iyon na lang ang ginawa namin pero mahirap dahil ayaw naming gawin
mo sa amin ang ginagawa mo sa ibang estudyante na binully mo!"

Hindi na napigilan ni Bridgette ang sarili. Malakas niyang sinampal si Emma.


Sasampalin niya sana itong muli pero mabilis na sinalag ni Steven ang kanyang
kamay.

"S-steven?" hindi makapaniwalang sabi ni Bridgette.

"Wag mong sasaktan si Emma!" mahina ngunit may diin ang pagkakasabi noon ni Steven.

Hindi makapaniwalang napaatras si Bridgette. "Don't tell me mas kinakampihan mo ang


ahas na iyan?!"

"Emma is right. Hindi niya ako inagaw sa iyo. Matagal na kaming may relasyon ni
Emma bago ka pa lang dumating. I just used you Bridgette!"
Nangilid ang luha niya. Bahagyang sumikip ang kanyang dibdib. Parang nagkakatotoo
na iyong napanaginipan niya! "How dare you!" Umangat ang kamay niya para sampalin
si Steven pero si Emma naman ang humawak sa kanyang kamay kaya hindi natuloy ang
akmang pagsampal niya.

"You can't hurt us anymore Bridgette! Wala ka ng kakampi. You are all alone!"
Nanlilisik ang mga mata ni Emma pero hindi siya nagpatalo.

Nakipagtagisan siya ng tingin dito.

Bumalik sa kanyang balintataw ang kanyang panaginip. Iyong itinulak siya ni Emma at
sinabing ito na ang reyna at hindi na siya. Hindi siya papayag na mangyari iyon.
Siya lang ang dapat na nasa itaas kahit wala na siyang kakampi!

Malakas niyang itinulak si Emma dahilan para matumba ito sa lupa. Tinignan niya ito
na animo ay isa itong napakaliit at walang kwentang nilalang. "Walang kahit na sino
ang makakatalo sa akin! Kahit na ikaw Emma! Ako si Bridgette Luviera!" At matalim
niyang tinapunan ng tingin sina Steven at Emma.
Lumakad na siya palayo.

Wala siyang pakialam kahit wala na siyang kakampi at kahit trinaydor na siya ng
itinuturing niyang mga kaibigan.

-CLASS DISMISED!-

*******************************************
[29] LESSON 24- A Mother's Tears
*******************************************
DEDICATED TO:

@MaryRoseCabigting

"Kuyaaaa! Update po agad Pleaaaase? Araw araw ako nag bubukas Watty just to check
kung may Update na.. Haaay! Excited nakooo sa next Chappy :D Pero Feeling ko nga
may kasamang TAO si Olivia sa Pagpatay. Nakakapagtaka nga naman kung kayang humawak
ng baril ng isang multo dba? Great Steven! Haha. May utak din pala kahit manloloko.
Sayo padin ako Galit. Ajeje. Niloko mo si Olivia eh, ginamit mo pa. Psh :| Go
Olivia. Khit bad ka kase gumagante at pumapatay ka. Kampi padin ako sayoo. :D Worth
it naman kase eh :))) Masama kase sila. Bagay nila yan! Bwahahaha :DD Osyaaa!
Kuyaaaa. Pakiusap lang pooo.. Update napo agad ne? Masyadong Pabitin effect eh!
Daig pa ang teleserye. yun araw araw may update. Eto wolaa. Haha! Osyaaa. Babaaay!
#First Time kong Comment ng Ganito kahaba XD. May twist kase eh.. Iloveit! <3 Ganda
ng Story. Napapaisip ako.. Ajeje"

NOTE: Fixed na po. Hanggang Lesson 30 na lang po ang School Trip at may isang
chapter akong ipa-private. Hehe! Pasensiya na kung di ako nakakareply sa comments
at messages niyo sobraaaaaang busy lang talaga pero wag kayong mag-alala kasi
nababasa ko pong lahat iyan at talagang napapangiti niyo ako! Salamat!

LESSON 24- A Mother's Tears


MABILIS na nagsilabasan sa kubo ang lahat ng makarinig sila ng ugong ng sasakyan.

"Dumating na iyong bus!" sigaw ng isa nilang classmates.

Dumungaw sa bintana si Bridgette. Tama, andun na nga ang bus. Agad din siyang
lumabas ng kubo.

Lumabas na rin ng kubo pati na si Bridgette.


Paglabas niya ay nakita niya sina Emma, Steven at Charina na nag-uusap-usap.

Napansin niya na tumigil ang mga ito sa pag-uusap ng makita ng mga ito na papalapit
siya.

"Oh, bakit tinigil niyo ang pag-uusap niyo. Obvious na obvious naman kayo na ako
ang topic niyo. Sige lang, ituloy niyo lang. Wag na kayong mahiya sa akin!"
sarcastic na sabi niya sa mga ito.

"Pwede ba Bridgette, ayaw namin ng gulo!" sabi ni Emma.

"Ayaw niyo ng gulo? Gusto ko kasi eh." pang-aasar pa niya.

"Stop acting like a child Bridgette!"


"Ikaw ang tumigil Steven! Kayong lahat!" Hinarap naman ni Bridgette si Charina.
"And you! Don't tell me na kumakampi ka sa dalawang snake-skin na iyan!"

Nagkibit-balikat lang si Charina. "Majority wins Bridgette. Mag-isa ka lang, dalawa


sila."

Naningkit ang mga mata niya. "Pagsisisihan niyong tatlo ang pagtraydor niyo sa
akin. I swear to God!" at tumalikod na siya at iniwan ang mga ito.

Bago siya sumakay ng bus ay tinapunan niya ng matalim na tingin sina Emma.

Humanda sa kanya ang mga ito dahil hindi pa sila tapos!

Sa pinakahuling upuan ng bus umupo si Bridgette habang lahat ng classmates niya


kabilang na sina Emma ay mas piniling sa unahan pumwesto.

Pumanhik na rin sa bus si Teacher Noah. Kinausap nito ang driver ng bus.
Ipinapaliwanag nito marahil ang nangyari doon. Matapos kausapin ni Teacher Noah
iyong bus driver ay hinarap naman sila nito.

"Kumpleto na ba kayo?" tanong ni Teacher Noah habang isa-isang tinitignan lahat ng


estudyante nito. Tumigil ang mata nito sa kanya. "Oh Bridgette, bakit nag-iisa ka
diyan? Dito ka sa unahan para sama-sama na tayong lahat dito."

Inirapan lang niya ito at tumingin na lang siya sa labas ng bintana.

Hanggang sa umandar na ang bus.

----------------------------------------------------------
PINAGMAMASDAN lang ni Olivia ang papaalis na bus habang may ngiti sa kanyang mga
labi.

"Wala ka bang gagawin Olivia? Papaalis na sila!" untag sa kanya ni Ruvina.

"Hayaan mo sila. Hindi ko na kailangang kumilos. Paglalaruan ko na lang sila sa


aking mga kamay!" Makahulugan niyang turan.

------------------------------------------------

MATALIM ang tingin ni Bridgette sa mga classmates niya lalo na kina Steven, Emma at
Charina na nasa unahang upuan ng bus. Nag-uusap-usap na naman ang mga ito pero
hindi niya marinig dahil malayo siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na iniwan na siya ng kanyang
itinuring na mga kaibigan. Ganito kaya ang naramdaman ni Olivia ng takutin nila
noon si Maika na layuan si Olivia?

Kitang-kita niya kung paano humilig si Emma sa balikat ni Steven. Pakiramdam niya
ay unti-unting dinudurog ang kanyang puso. Marahil ay ganito rin ang naramdaman ni
Olivia noong pinaglaruan nila ito sa pamamagitan ni Steven.

Ganito pala ang pakiramdam ng nag-iisa. Malungkot at naaawa siya sa kanyang sarili.

Hindi na napigilan ni Bridgette ang kusang pagpatak ng kanyang mga luha. Sunod-
sunod.

Isinubsob niya ang kanyang mga mukha. Doon niya ibinuhos ang lahat ng kalungkutang
kanyang nararamdaman. Mabuti na lamang at madilim sa pwesto niya kaya hindi
napapansin ng nasa unahan ang pagluha niya.
Bigla siyang napaangat ng mukha ng biglang tumigil sa pag-andar iyong bus. Pinahid
niya ang kanyang mga luha at tumingin sa unahan.

"Anong nangyari?" nakita ni Bridgette na tinatanong ni Teacher Noah iyong driver.

"Wala na pong gas eh."

"Hindi ka ba nagpa-gas bago mo kami sunduin?"

"Nagpa-gas po. Saglit lang po at ichecheck ko sa labas," pagkasabi noon ng driver


ay bumaba na ito.

Tumingin sa labas si Bridgette. Talahiban ang magkabilang panig ng kalsadang


kinaroroonan nila. Tila wala pang mga sasakyan na nagdaraan doon dahil liblib ang
lugar na iyon.
Ilang sandali lang ay sumigaw na ang driver mula sa labas. "Eh butas po pala iyong
tangke ng gas kaya tumagas!"

"Anong gagawin natin?" sigaw na tanong ni Teacher Noah.

Walang sumagot.

"Manong?" tawag muli ni Teacher Noah pero wala pa ring sumagot.

Dahil doon ay bumaba si Teacher Noah ng bus. Nakita nila na natigilan ito
pagkababa. Parang nakakita ng multo. Nagsibabaan na rin sila at ganoon na lang ang
pagkabigla nila ng makita ang nagdulot ng ganuong reaksiyon kay Teacher Noah.
Isang babaeng nakasuot ng puting duster ang nakatayo sa kanilang harapan. Gulo-gulo
ang buhok nito. Hawak nito ang pugot na ulo ng kanilang driver habang sa kabilang
kamay naman ay may hawak itong palakol na tumutulo pa ang dugo sa talim nito.

Sabay-sabay silang nagsigawan sa sobrang takot at gimbal sa nakita. Habang si


Teacher Noah ay nanatiling kalmado kahit na may takot sa mga mata nito. "S-sino
ka?" tanong ni Teacher Noah sa babae.

Itinapon ng babae sa malayo iyong pugot na ulo at nagsisigaw ito. "Pinatay niyo ang
anak ko! Pinatay niyo siya! Pinatay niyo si Oliviaaa!!!" galit na galit na sabi
nito sa kanila.

------------------------------------------------------------

"PINATAY niyo ang anak ko mga wala kayong puso!"


Siya si Aling Olga. Ang nanay ni Olivia...

Bata pa lamang si Olivia ng mamatay ang kanyang asawa. Sa pamamagitan ng


paglalabada at pangangatulong sa iba't-ibang bahay ay napalaki niya ang kanyang
nag-iisang anak.

Hanggang sa dumating na ang isang dagok sa kanyang buhay.

"Olga, may kumakalat palang video ang anak mo ah!" sitsit sa kanya ng kanilang
kapitbahay na numero unong tsismosa.

Napangiti siya. "Video? Iyong parang kay Zendee Rose? Navideohan ba siya habang
kumakanta sa isang videoke bar?"

"Buti nga sana kung ganun! Heto...Saglit ha! Benjo! Benjo! Dalhin mo nga dito ang
cellphone mo at ipapanood mo kay Olga iyong video ni Olivia!" tawag nito sa anak
nitong binata.
Lumabas naman si Benjo. Dala ang cellphone.

Halos hindi gumagalaw si Aling Olga habang pinapanood ang sensitibong video na iyon
ni Olivia. Bata pa ang anak niya noon. Katorse pa lang. Oo, mabarkada ang anak niya
pero mabait itong bata. Hindi niya akalaing magagawa nito agad ang ganoon.

Pag-uwi ni Olivia ng bahay ay agad niyang sinabi dito ang nalaman pero itinanggi
ito ng kanyang anak.

"Wag ka ng tumanggi anak! Kitang-kita ko. Umamin ka na Olivia..." Umiiyak na sabi


niya.

Mahinang tango ang isinagot ni Olivia sa kanya.


Malakas siyang napahagulhol. "Walanghiya ka! Bakit mo iyon ginawa! Anong kahihiyaan
itong dinala mo sa atin anak? Huhuhu..."

Umiiyak na rin noon si Olivia. "Ang tanga-tanga ko po nanay...Nagtiwala po ako sa


kanya. Patawarin niyo po ako...Huhuhu..."

At sino pa ba ang iintindi sa kanyang anak kundi ang ina nito at siya iyon.

Minsan, uuwing umiiyak si Olivia.

"Nay, alam na po nila. Tinutukso po nila ako. Huhuhu!"

Doon na nag-umpisa ang palipat-lipat ng bahay nilang mag-ina. Bilang ina ay gusto
niya lamang protektahan ang kanyang anak. Oo nagkamali ito pero hindi sapat na
dahilan iyon para itakwil niy ito.
Mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Olivia.

Hanggang sa may napapansin siyang pagbabago sa kanyang anak.

Minsan ay nahuhuli niya si Olivia na kinakausap nito ang sarili. Marahil ay


naapektuhan na rin ang utak nito dahil sa bukod sa nilayuan na ito ng kanyang mga
kaibigan ay wala ring gustong makipagkaibigan dito.

Lumipat ito sa Wellington Highschool. Tulad ng huling school na pinasukan ni Olivia


ay nalaman din ang sikreto nito. Doon na siya napagod. Hindi na niya kaya pang
magpalipat-lipat.

Hindi lingid sa kanya ang pagpapahirap na ginagawa kay Olivia ng mga classmate nito
sa naturang paaralan. Tiniis niyang huwag lumaban dahil alam niyang malalaking tao
ang kakalabanin nila. Isa pa may tiwala siya sa kanyang anak. Kaya nito...Matatag
ito.
Pero doon siya nagkamali. Nagpakamatay si Olivia sa udyok na rin ng mga kamag-aaral
nito. Anong klaseng demonyo ang uudyukan ang isang kawawang tao na wakasan ang
buhay nito?! Mga walang puso ang gagawa ng ganoong bagay! At ginawa iyon ng lahat
ng kaklase ng kanyang mahal na anak.

Hindi pa nasiyahan ang mga ito at binastos pa ang puntod ng kanyang anak!

Kaya dapat lang sa mga ito ang sumunod kay Olivia sa impyerno. Kanina ay walang
pagsidlan ang kanyang kasiyahan habang pinagbababaril niya ang mga ito. Kakaibang
saya ang kanyang nakamtam habang nakikita niya na isa-isang natutumba at namamatay
ang mga taong dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak!

At ngayon ay kaharap na niya ang natitirang tao na pumatay sa kanyang anak.

Igaganti niya si Olivia- ang pinakamamahal niyang anak!


-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[30] LESSON 25- Unveiled
*******************************************
DEDICATED kay:

@LalalalovingCharDawn

"HINDEEEEEE. ISANG MAGALING NA AUTHOR LANG ANG MAKAKALOKO SAKEN! WAHAHAHAHA XD CLAP
CLAP KUYA SOJU!!!! Kala ko si Teacher Noah ang kakampi ni Olivia eh! hahaah nawala
kasi sa story yung nanay nya! GRABEH DI AKO MAKA GET OVER! GALING XDDDD"

NOTE: GUYS, read niyo po ang horror story na ginawa ni@JMBautista21. Try neo po :)
http://www.wattpad.com/12641214-ang-sikreto

Salamat!
LESSON 25- Unveiled

"ANONG klase kayong demonyo para gawin niyo sa anak ko ang ganun?! Anong naging
kasalanan niya sa inyo?!"

Nanlaki ang mga mata ni Bridgette ng makita niyang unti-unting lumalapit si Steven
kay Aling Olga mula sa likuran nito. Hindi nila namalayan na umikot sa likod ng bus
ang lalaki papunta kay Aling Olga.

Mabilis ang naging pagkilos ni Steven. Sinunggaban agad nito ang kamay ni Aling
Olga na may hawak na palakol.
Nagpambuno ang dalawa. Nagpagulong-gulong...

Hanggang sa maagaw na ni Steven ang palakol. Makikipag-agawan pa sana si Aling Olga


pero agad na hinataw ni Steven ng palakol ang daliri ng kawawang ginang.

"Aaaahhhhh!!!" sigaw ni Aling Olga sa labi na sakit habang tinitignan ang


nagkaputol-putol na daliri.

"Tulungan niyo ako! Bilis!" turan naman ni Steven.

Agad naman na naglapitan ang mga kaklase nila kay Aling Olga. May sumuntok, sumipa
at tumadyak.
Alam ni Bridgette, lahat sila ay iisa ang nasa isip at iyon ay ang makaganti sa
taong pumatay sa kanyang mga kaklase.

Bugbog-sarado na si Aling Olga sa kanila. Putok na ang bibig nito at lamog na ang
katawan. Hirapan itong gumapang. Kinuha ni Steven iyong palakol at itinihaya ang
gumagapang na si Aling Olga.

"Para sa mga kaklase kong pinatay mo!!!" sigaw ni Steven at malakas nitong
pinalakol ang leeg ng nanay ni Olivia.

Pumulandit ang dugo sa leeg nito. Nagkikisay pa na parang manok na ginilitan ng


leeg. Nakadilat ang mga mata na binawian ito ng buhay!

"N-nanay...Nanay!!!" isang malakas na sigaw ang narinig nila mula kay Teacher Noah.

Umiiyak na hinawi sila ni Teacher Noah at agad na niyakap ang patay na si Aling
Olga. "Nanay!!! Bakit niyo pinatay ang nanay kooo?!" umiiyak na turan ng guro nila.
May galit sa mga mata nito.
Napaatras si Bridgette...

Nanay din ni Teacher Noah ang nanay ni Olivia?

Ibig sabihin...

Si Olivia ang kapatid ni Teacher Noah na girlfriend nito!

--------------------------------------------------------
NANGINIG ang buong kalamnan ni Teacher Noah ng makita niyang palakulin ni Steven si
Aling Olga sa leeg.

Oo, nanay niya si Aling Olga.

Bata pa lamang siya ng iwanan siya nito para sa lalaki nito.

Ilang taon na ang lumipas ay nagkita muli sila. Isa na siyang guro sa sekondarya.
Tuwang-tuwa ito sa naabot niya pero nasa puso pa rin niya ang galit dahil iniwan
siya nito.

Nakilala rin niya si Olivia. Binihag siya ng kainosentehan nito. Minahal niya ito
sa kabila ng eskandalong nakakabit sa pangalan nito.

"Ipapakilala kita sa nanay ko," minsan ay sabi sa kanya ni Olivia.


"Sige ba. Matagal ko na ring gustong makilala siya..." sagot niya.

Kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat ni Noah ng makilala niya ang nanay ni
Olivia na si Aling Olga.

Iisa sila ng nanay ng kanyang nobya!

"Layuan mo siya Noah! Layuan mo si Olivia!" minsan ay sabi sa kanya ni Aling Olga
ng magkita sila sa MRT station.

"Ayoko! Mahal ko siya!"


"Pero Noah, kapatid mo siya. Hindi kayo pwede!"

Siya rin ang dahilan kung bakit nag-aral sa Wellington Highschool si Olivia.

"Doon ka na lang mag-aral sa school na pinagtuturuan ko. Pangako, walang


makakapanakit sa iyo doon..." Pangako niya kay Olivia.

Pero pakiramdam niya ay napakawala niyang kwenta dahil hindi niya natupad ang
pangakong iyon dito.

Walang siyang magawa sa tuwing inaapi at binabastos ito ng grupo ni Bridgette dahil
ayaw niyang pagdudahan siya at malaman ng iba na magkapatid sila ni Olivia. Isa na
namang eskandalo iyon kung sakali.

Wala rin siyang nagawa ng magpakamatay si Olivia...


Halos mabaliw siya sa pagkamatay ni Olivia. Mahal na mahal niya ito. Ang plano niya
sana ay pagkagraduate ni Olivia sa highschool ay magre-resign na siya sa pagtuturo
at lalayo silang dalawa. Pupunta sila ng ibang bansa kung saan walang nakakakilala
sa kanila.

Hindi niya rin pinansin ang sex scandal ni Olivia sa kaklase nitong si Steven dahil
sa pagmamahal niya dito.

Nagawa rin niyang hukayin ang bangkay ni Olivia mula sa libingan nito. Dinala niya
iyon sa kanyang bahay upang palagi niya itong kasama kahit na isa na lang itong
inaagnas at malamig na bangkay!

At ngayon, matapos mamatay ni Olivia ay ang nanay naman niya ang pinatay ng kanyang
mga estudyante.

Nanlilisik ang mga mata na tinignan niya isa-isa ang kanyang mga mag-aaral.
"S-si Olivia. Siya ang girlfriend mo...At kapatid mo siya!" sabi sa kanya ni
Bridgette. "Isa ka rin ba sa gumaganti para sa kanya?"

Tila baliw at wala na sa sarili na tumawa si Teacher Noah. Patuloy siya sa pagtawa
habang tumatayo. "Kahit papaano pala Bridgette, gumagana rin 'yang utak mo! Tama
ka. Ako nga. Ako ang gumawa noon kina Jacob at Ford!"

At tumawa pa siya ng malakas.

Tama. Siya ang gumawa noon kina Ford at Jacob.

Naglalakad siya noon sa kakahuyan ng biglang magpakita sa kanya ang multo ni


Olivia.

Imbes na makaramdam ng takot ay kasiyahan ang lumukob sa kanya. Matagal na niyang


nais makausap ang kasintahan. "O-olivia...Ikaw nga!"

"Iganti mo ako sa kanila Noah! Ipaghiganti mo ang kamatayan ko. Patayin mo sila
katulad ng ginawa ko kay Matthew!" galit na galit ang boses ni Olivia.

"Oo Olivia! Gagawin ko!"

Mula naman sa di-kalayuan ay kitang-kita nina Ford at Jacob kung paano kausapin ni
Teacher Noah ang sarili nito. Hindi kasi nakikita ng mga ito si Olivia.

"Grabe. Pati pala si Teacher Noah, baliw na rin. Nahawaan yata ni Olivia," umiiling
na sabi ni Jacob.

"Oo nga. Tara na. Sabihin natin ito kay Bridgette!" sabi naman ni Ford at umalis na
tumatakbo ang dalawa.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakita sila ni Teacher Noah.

Hinabol niya ang mga ito hanggang sa mahulog ang dalawa sa isang hukay. Sinilip pa
nga niya sina Ford at Jacob sa butas...

At doon na niya isinagawa ang napakasakit at napakamadugong parusa sa dalawa.

"Killer! Mamamatay-tao ka!" sigaw sa kanya ni Bridgette pero patuloy lang si


Teacher Noah sa pagtawa. Pakiwari niya ay nawawala na siya sa katinuan.

"Oo! Inaamin ko! Pumatay ako! Pero kung hindi niyo itinulak si Olivia sa kamatayan
hindi ko gagawin iyon!" sigaw ni Teacher Noah.

Muli siyang tumawa ng malakas habang umiiyak.


---------------------------------------------------------

BALIW na ang kanilang guro. Iyon ang palagay ni Bridgette. Hindi siya makapaniwala
sa mga nalaman niyang mga katotohanan.

Ang nanay ni Olivia ang namaril sa kanila. Tapos si Teacher Noah naman ang pumatay
kina Jacob at Ford. Si Matthew naman, kitang-kita nila kung paano ito atakihin ng
hika nito. At si Thea...Natigilan siya sa pag-iisip. Sinong pumatay kay Thea? Si
Teacher Noah rin kaya?

Kailangan niyang malaman!

"How about Thea? I-ikaw din ba ang pumatay sa kanya?!" tanong niya.
Tumigil sa kakatawa si Teacher Noah. Umiling ito at nakakatakot na ngumiti. "Hindi
ko alam. Wala akong alam sa pagkamatay niya. Basta nakita ko na lang sa ilog ang
bangkay ni Thea. Pinugutan ko siya ng ulo at inilagay sa tiyan ng dalawang
walanghiyang iyon!"

Biglang sumigaw si Steven. "Napakahayop mo Noah! Hindi ka na dapat igalang!


Mamamatay-tao kang putang-ina ka!"

"Kung hindi niyo pinatay si Olivia hindi sabi mangyayari itooo!!!" gigil na na
sagot ni Teacher Noah.

"Hindi na namin kasalanan kung tanga si Olivia at nagpakamatay siya! Tanga siya!
Tanga!" sabi naman ni Emma.

Sa sinabing iyon ni Emma ay tila biglang sinapian ng demonyo si Teacher Noah.


Lalong nanlisik ang mga mata nito. Galit na galit ang mukha at namumula na rin.
"Hindi tanga si Olivia! Huwag niyo siyang tatawaging tangaaa!!!" Mabilis na kinuha
ni Teacher Noah ang palakol at agad na nakalapit sa kanila.

Pinagpapalakol nito ang iba pa nilang kaklase. Sa leeg, ulo, dibdib at iba't-iba
pang parte ng katawan. Punung-puno na ng dugo ang kulay puting long-sleeves na polo
ng kanilang guro.

Doon lang napagtanto ni Bridgette na apat na lamang silang natitira doon. Siya, si
Charina, Emma at Steven.

"Ngayon, kayo namang apat ang isusunod ko!"

Akmang lalapit ito sa kanila pero naging mabilis si Steven. Pinasalubungan nito ng
suntok sa mukha si Teacher Noah dahilan para mapatumba ito.
"Takbooo!!!" Malakas na utos ni Steven.

Natataranta na tumakbo sila.

Habang papalayo silang apat ay narinig pa nila ang malakas na paghalakhak ni


Teacher Noah.

Sumigaw pa ito na sobrang ikinatakot niya. "Tumakbo na kayo hangga't may lupa pero
mahahabol at mahahabol ko pa rin kayo!"

Tumakbo sila ng tumakbo.

Walang direksiyong patutunguhan.


"Doon tayo!" ani Steven sabay turo sa isang tila abandonadong pabrika.

Sabay-sabay silang pumasok roon. Walang katiyakan ang kanilang kaligtasan.

Lahat sila takot.

Lahat sila gusto ng makauwi.

Ito na nga yata ang kapalit ng kanilang pambubully.


-CLASS DISMISSED!-

PATALASTAS

RUVINA: Ang init grabe! Pawisan ako galing sa labas!

OLIVIA: Syempre summer na kaya ganyan!

RUVINA: Ganoon ba? Hmm...Wala na namang pasok. Wala na namang gagawin ang mga
estudyante...

OLIVIA: I know right! Pero alam mo ba na pwedeng makabuluhan ang summer mo kung
magnenegosyo ka?

RUVINA: Ha? Talaga?!

OLIVIA: (Iikot at mache-change outfit into bathing suit...) Magtitinda tayo ng


halo-halo!

RUVINA: Hindi naman ako marunong gumawa noon eh.

OLIVIA: Kaya nga ako nag-change outfit ako para maturuan ka eh!

RUVINA: Anong konek?

OLIVIA: Makinig ka na lang kasi. Here it goes....

Ingredients:
- sweetened banana (saba or plantain)
- sweetened pineapple
- sweetened jackfruit
- sweetend red beans
- shredded young coconut
- shredded cantaloupe (melon)
- boiled sweet potato (kamote)
- pinipig (pounded crushed young rice)
- cooked sago
- ube haleya - for toppings
- Leche flan - for toppings
- ice cream - for toppings
- evaporated milk
- white sugar
- shaved or crushed ice

Procedure How to make Halo-Halo:

In a tall clear glass, fill tablespoons of any sweetend fruits of your choice then
add sugar. Fill with shaved or crushed ice until the tip of the glass then add milk
and your favorite toppings. Enjoy!

Note:
Natural ingredients are the best choice, and they taste excellent. For example,
the young coconut that is fresh and you open and shred is superior, and so with
other hand-prepared fruits and ingredients. However, in countries such as USA,
Canada, and other non-tropical countries, these tropical fruits are available
mostly in containers such as glass jars imported from mostly Asian countries such
as Philippines, China, Thailand, and Vietnam.

RUVINA: (Aabutin ang halo-halo na ibinibigay ni Olivia.) Wow! Ang galing!

OLIVIA at RUVINA: (Sabay na titingin sa camera at titikman ang halo-halo.) YUM!


YUM! YUM!

*******************************************
[31] LESSON 26- The Hell They Made
*******************************************
DEDICATED:

@GayumaGirl

"HAHAHAHA//.... sabi ko na may kinalaman si aling Olga dito. pero di ko na malayan


na kasabwat si teacher noah. crush ko pa naman sana siya... aissshhhhhh... hayy
sayang pano na yan inagawa na ni olivia si teacher noah at ngayon siya na ang
serial killer... akin nalang si kuya soju... RUN DEVIL RUN BRIDGETTE, EMMA, STEVEN
AND CHARINA... TUMAKBO KAU HABANG MAY LUPA PA... BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
nkakaloka to.. nagbabsa ako ng dis oras ng gabi.. impit na sigaw lng ako kc
sumasabay ung aswang sa amin hbang nagbabasa ako nito.. th best ka kuya... bagay
tayoooool..... hhahahaha lels"
NOTE: Pasensiya na kung medyo natagalan ang update. May inasikaso lang kasi ako sa
Laguna. Pero don't worry balik in action na ulit ako....Hahah! Last 4 lesson na
lang!

LESSON 26- The Hell They Made


NAPATINGIN si Bridgette kay Charina ng bigla na lamang itong humagulhol ng iyak.

"Huhuhu...Ayoko na! Uuwi na ako! Mommy kooo...Huhuhu!"

"Whats our plan?" tanong ni Steven sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. "The hell! Wala akong pakialam sa inyo. I have my own
plans! Kung mapapatay kayo ng baliw na Noah na iyon, mas mabuti! Makaganti man lang
ako sa pagtatraydor niyo sa akin!"

Galit na galit na sabi ni Bridgette.


-------------------------------------------------

HINDI makapaniwala ang multo ni Olivia sa nakita nito.

Yakap-yakap ni Teacher Noah ang wala ng buhay na katawan ng kanyang inay.

"I-inay...Inaaayyy!!!" Naglalagablab sa galit si Olivia.

Tumingin sa kanya si Teacher Noah. "Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko


silaaa!!!" sigaw din nito.
Nagkatinginan sina Olivia at Teacher Noah. Kailangan nilang maging isa. Ibubuhos na
nilang dalawa lahat ng galit nila kina Bridgette, Steven, Emma at Charina. Dadalhin
nila ang mga ito sa impyernong ang mga ito rin ang lumikha!

---------------------------------------------------------

LALAKAD na sana palayo si Bridgette ng tawagin siya ni Charina. Umiiyak pa rin ito.

"Bridgette...P-pwede bang...Sa iyo na lang ako sumama? N-natatakot ako..."

Inirapan lang niya ito at iniwan na niya ang mga ito. Patuloy sa pagsunod sa kanya
si Charina.
Kailangan niyang magtago. Alam niya na anumang oras ay mahahanap din ni Teacher
Noah ang kinaroroonan nila.

"Pwede ba Charina, dun ka na lang kina Steven!" bulyaw niya dito.

"Ayoko. Natatakot ako!"

"The hell I care!"

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Ewan! Magtatago. Kahit saan!" litong sagot niya.


"Sasama ako!"

Tumigil sa paglalakad si Bridgette at hinarap ang makulit na si Charina. "Gusto mo


talagang sumama?"

"Oo. Siyempre!" mabilis nitong sagot.

"Pwes, halika!" at mahigpit na hinawakan ni Bridgette sa braso si Charina at


hinigit ito.

Wala namang magawa si Charina kundi ang sumunod na lamang sa kanya. "Bridgette ano
ba? N-nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka sa akin Charina! How dare you to betray me! Ang lakas ng
loob niyo." Gigil na si Bridgette.

Nang makakita si Bridgette ng isang malaking drum ay lumapit sila doon ni Charina.
"Pumasok ka sa loob niyan!" utos niya.

"Diyan ba tayo magtatago?"

"Stupid! This is what a traitor like you deserve! Pumasok ka sa loob ng drum!"

Umiling si Charina. "Dapat pala di na lang ako sumama sa iyo! I hate you Bridgette.
I hate you!"

Malakas itong sinampal ni Bridgette. Kanina pa niya gustong ilabas ang galit na
kinikimkim niya. Ah hindi pala-- galit na matagal na niyang gustong ilabas. Galit
sa kanyang pamilya. Sa kanyang mommy na walang amor sa kanya dahil bunga siya ng
panghahalay dito. At sa kanyang ama na wala ring pagmamahal sa kanya dahil hindi
naman siya tunay na anak nito. Galit siya sa lahat higit sa kanyang sarili.
"Matagal mo na akong kilala Charina. I am evil!" At ngumisi siya.

"Whatever! Like...Duh?!" At tinalikuran na siya ni Charina.

Hindi pa man nakakalayo si Charina ng makakita ng tubo na bakal si Bridgette.


Madali niya iyong kinuha at hinampas sa ulo si Charina. Walang itong malay na
bumagsak sa sahig.

"Iyan ang nararapat sa mga taong kumakalaban sa akin!" aniya pa at hinila na niya
ang katawan ni Charina sa loob ng drum.

-----------------------------------------------
"WHERE is Charina? Anong ginagawa mo dito?" Iyon agad ang tanong ni Emma pagbalik
niya sa kinaroroonan ng mga ito.

Nakahalukipkip lang ang kanyang dalawang braso na lumapit siya sa mga ito.
"Inilagay ko siya sa dapat niyang kalagyan."

Lumapit sa kanya si Steven at mariin siyang hinawakan nito sa braso. Nasasaktan


siya sa hawak nito pero hindi niya ipinakitang nasasaktan siya. "Anong ginawa mo
kay Charina?!"

"Wow! Pati rin ba kay Charina concern ka Steven? Lahat ba kaming magkakaibigan ay
tinuhog mo?" nang-uuyam niyang sagot na sinuklian nito ng isang malutong na sampal.
"Brute! How dare you!" galit na sigaw niya habang sapo ang pisnging nasaktan.

Tumalikod na sa kanya sina Emma at Steven.


"Saan kayo pupunta?!" aniya.

"Aalis na kami dito. We better have parted ways Bridgette. Besides your on your own
now!" Nakakalokong sabi ni Emma.

Pagbukas nina Steven at Emma ng pinto ng warehouse ay napaatras sila ng makita nila
na nakatayo sa harapan nila si Teacher Noah. Nakakapangilabot ang anyo nito. Madumi
ang damit at nakayuko habang may hawak na palakol.

"T-teacher Noah!" gulat na bulalas nilang tatlo.

Hinarap sila nito. "Saan kayo pupunta?" May nakakatakot na ngisi sa mukha nito.
"Uuwi na agad kayo? Hindi pa tapos ang klase! Walang pwedeng umuwi!" Tila baliw na
talaga ito.

Napaatras muli sila ng pumasok na sa loob ang kanilang guro. Madilim ang kanilang
kinaroroonan pero dahil sa sinag ng bilog na buwan sa labas ay kitang-kita nila na
may babaeng kasabay na pumasok si Teacher Noah. Si Olivia! Nakasampa ito sa likuran
ng kanilang guro.

"Mag-uumpisa pa lang tayo sa ating klase! At ang una kong ituturo sa inyo ay kung
paano tumakbo ng mabilis!!!" Napatakbo silang tatlo ng biglang ihampas ni Teacher
Noah ang hawak na palakol sa nakita nitong kahoy.

Agad na nagtago si Bridgette sa isang kwartong kanysng nakita. Inilock niya iyon at
hinarangan pa ng mga lamesa na nakita niya.Takot na takot na umupo siya sa isang
sulok. Malikot ang kanyang mga mata. Nanginginig siya. Ipinikit niya ang kanyang
mga mata. Sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Hiling niya.

----------------------------------------------------

KADILIMAN ang sumalubong kay Charina ng imulat niya ang kanyang mata. Ang huli
niyang naaalala ay ng hampasin siya ng kung ano ni Bridgette sa ulo. Igagalaw niya
sana ang kanyang katawan pero hindi niya nagawa. Masyadong masikip ang kinaroroonan
niya.
Oo nga pala. Isinilid siya ng walanghiyang si Bridgette sa drum. Mabuti na lamang
at may mga butas ang drum kung hindi ay baka namatay na siya sanhi ng suffocation.

Kailangan niyang humingi ng saklolo.

"May tao ba diyan? Emma? Steven?!" aniya.

Pagsilip niya sa butas ay malakas siyang napasigaw ng makita niya na papalapit sa


kinaroroonan niya ang multo ni Olivia! Nakangiti ito at puro kulay puti ang mata.
Maputla ang balat at may malaking sugat sa leeg nito. Duguan ang suot nitong school
uniform.

Inilayo niya ang paningin sa butas. Itinakip ang mga kamay sa bibig para hindi siya
makasigaw.
Ilang sandali pa ay sumilip siyang muli. Wala na si Olivia.

Nakahinga si Charina ng maluwag. Nakakatakot talaga si Olivia!

Bigla na naman siyang natigilan ng makadinig na naman siya ng mga yabag ng paa.
Pawisan na si Charina. Konting-konti na lang ay baka maihi na siya sa sobrang
takot. Muli siyang sumilip sa butas at ngayon ay mas nakakatakot ang kanyang
nakita. Sobrang lapit na sa kanya ni Olivia pero ang mas nakakagimbal ay pugot na
ang ulo nito. Bitbit ng katawan nitong pugot ang ulo ang ulo nito!

"Eeeeeeeeee!!!!" Nagwawala na sa loob ng drum si Charina. Pilit siyang nagsisipa.


"Help meee!!! Somebody!!!"

Pakiramdam niya ay malapit na sa kanya si Olivia. Sumilip siyang muli. Wala na si


Olivia pero nakita niyang papalapit sa kanya si Teacher Noah na may dalang galon na
hindi niya alam ang laman.

Hindi siya gumalaw sa loob ng drum. Nakiramdam muli si Charina. Hanggang sa may
maramdaman siyang parang tubig na pumapatak sa kanyang ulunan. Inamoy niya ang
tubig na pumapatak.

Gasolina!

Pagsilip niya ay nakita niyang may hawak na posporo na may sindi si Teacher Noah.

Binuhusan pala nito ng gasolina ang drum!

"Teacher Noah! No! Wag po....Pleaseee!!!" sigaw na pakiusap niya.

Hanggang sa makita niyang itinapon nito ang may sinding posporo sa drum. Agad na
nagliyab ang labas ng drum ng madilaan iyon ng apoy.
Mabilis na uminit ang kinaroroonan ni Charina. Parang impyerno. Nakakaluto ng
balat! Nakakapaso ng laman!

Sobrang init! Para siyang iniihaw na baboy!

"Aaaahhhhhrrgg!!!" Hindi maintindihan ni Charina kung anong sakit ang kanyang


nararamdaman.

Dumikit na sa gilid ng drum ang balat niya dahil sa sobrang init. Para siyang nasa
loob ng kaldero habang pinapakuluan sa tubig!

Sa sobrang init ay lumubo ang eyeballs ni Charina hanggang sa pumutok iyon at


lumabas ang mayapot at kumukulong dugo.

Bago tuluyang mawalan ng buhay ay narinig pa ni Charina ang sabay na paghalakhak


nina Teacher Noah at Olivia!
-----------------------------------------------------

WALA namang pagsidlan ng kasiyahan sina Teacher Noah at Olivia habang pinapanood
nila ang naglalagablab na drum.

Tila isang magandang musika sa kanila ang pagsigaw sa sakit ni Charina. Sa wakas ay
nakakahanti na rin sila sa mga ito.

"Malapit ng matapos Olivia!" turan ni Teacher Noah.

"Alam ko Noah! Tatlo na lang sila..."


Naglakad silang dalawa. Nakakangilo ang tunog ng hinihilang palakol ni Teacher
Noah.

Sino nga ba ang isusunod nila ni Olivia?

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[32] LESSON 27- Chasing Death
*******************************************
DEDICATED kay:

@ MelanieSantos773

"ang init ng pagmamahal ni charina for papa NOAH , ayun .. bumalik :)) ewan ko lang
kung makapagreklamo pa xa jan, SAGAD na yan ah. hehe parang me pinaghuhugutan ang
author ah.. idol much! Godbless :)"
LESSON 27- Chasing Death

"ANONG gagawin natin Steven?"

"May naiisip akong plano pero mapanganib ito." Kinuha ni Steven ang kanyang bag na
nakasukbit sa kanyang likod at may hinalughog sa loob noon.

Nagtataka naman na pinanood siya ni Emma. "Anong hinahanap mo diyan?"


"Eto," sabay labas niya ng kuwarenta y singko na baril.

"Oh my God...Paano ka nagkaroon ng ganyan?" gulat na tanong ni Emma.

"Wag ka ng maraming tanong Emma. Ito ang magliligtas sa ating dalawa laban kay
Teacher Noah!"

"Eh pano si Olivia? Hindi ba't di naman tinatablan ng baril ang multo."

"Alam ko iyon. Don't bother Olivia. Wala siyang magagawa kundi ang takutin lang
tayo. Si Teacher Noah...Siya lang ang kalaban natin dito. Isipin mo, imagination
lang natin si Olivia. Huwag tayong magpapatakot sa kanya! OK?" Mabilis na tango ang
isinagot sa kanya ni Emma. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Don't worry Emma, we will
get through with this."
"I know. Makakabalik pa tayo sa Wellington. At pagkatapos noon, magbabago na tayo.
Hindi na tayo mambubully, diba?" ani Emma.

Mariin niyang hinalikan sa noo si Emma. "Oo naman." Pagkasabi niya noon ay tumayo
na siya.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Emma.

"Hahanapin ko si Teacher Noah. Tayo naman ang hahabol sa kanya. We'll chase him
katulad ng ginagawa niya sa atin!" matapang na sagot niya.

"Pero--"

"Emma, ito lang ang paraan, OK?"


Tumingin sa kanya si Emma at tumango. "Mag-iingat ka Steven. Huwag mong sayangin
ang effort ko sa pag-agaw ko sa iyo kay Bridgette."

Ngiti lamang ang isinagot niya. Lumabas na siya ng naturang silid hawak ang baril
na magliligtas sa kanilang buhay.

------------------------------------------------------

PAGKAALIS ni Steven ay hindi mapakali si Emma. Paroo't parito siya habang


pinagkikiskis ang dalawang palad. Sa grupo nila siya ang tinaguriang war-freak pero
nawala yatang lahat ng tapang niya ng mga oras na iyon. Takot na takot siya lalo na
at maaaring anumang oras ay matulad na siya sa mga kaibigan niya.

Natigilan siya ng makita niya ang bag ni Steven na naroon sa isang sulok.
Pinakatitigan niya iyon. Naalala niyang bigla ang naipuslit na cellphone nito sa
field trip. Naroon pa kaya sa loob ng bag na iyon ang cellphone?

Nilapitan niya ang bag at binuksan iyon. Doon niya nakita ang school vest ni Steven
na punung-puno ng dugo. Nangunot ang kanyang noo. Bakit may dugo ang vest nito?
Wala siyang maalala na pangyayari na maaaring naging dahilan ng pagkakaroon ng dugo
doon.

Ipinagpawalang bahala na lamang niya iyon.

Sa pinakailaliman ng bag ay nakita niya ang hinahanap. Kinuha niya iyon.

Nag-dial pero wala na iyong load. Nanlulumo na napaupo siya. Paano na sila
makakaalis dito? Tinignan niya ang cellphone at naisipan ni Emma na kalikutin na
lamang iyon habang hinihintay ang pagdating ni Steven.

Napangiti si Emma ng makita ang ilang pictures ni Steven. Meron ding ilang pictures
nilang magkakabarkada na masayang-masaya silang lahat roon. Awtomatikong lumaglag
ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya nag-abalang pahirin pa iyon. Alam
niyang kahit kailang ay hindi na mabubuong muli ang grupo nila. Isa pa, nagsama-
sama lang naman sila dahil sa mga pansarili nilang interes.

Muli siyang nagbrowse ng mga pictures at natigilan siya ng may nakita siyng
pictures doon ni Thea habang sweet na sweet ito sa isang may edad ng lalaki. Stolen
shots ang mga iyon. Zinoom niya ang litrato. Tama, si Thea nga at kung hindi siya
nagkakamali ay ang daddy ni Steven ang kasama nito!

Gumana agad ang isip ni Emma.

May relasyon si Thea at ang daddy ni Steven?

Muli niyang tinignan ang duguang vest ni Steven at natigilan siya.

Hindi kaya...
Hindi!

Biglang bumalik sa alaala niya iyong usapan nina Bridgette at Teacher Noah kanina
lamang...

"How about Thea? Ikaw din ba ang pumatay sa kanya?"

"Hindi ko alam. Wala akong alam sa pagkamatay niya. Basta nakita ko na lang sa ilog
ang bangkay ni Thea..."

Ipinilig ni Emma ang ulo matapos.

Imposible naman na itanggi pa ni Teacher Noah ang pagpatay nito kay Thea kung ito
nga ang pumatay dito dahil inamin na rin nitong hindi siya ang pumatay kay Thea.
Sigurado siya. Hindi si Teacher Noah ang pumatay kay Thea.

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat.

Ang duguang vest ni Steven.

Ang ebidensiyang litrato sa cellphone ni Steven na may relasyon ang daddy nito at
si Thea.

Si Steven...Ito ang pumatay kay Thea!


Biglang naputol ang kanyang pag-iisip ng makadinig siya ng isang putok ng baril!

--------------------------------------------------------

"NOAH!" sigaw ni Steven ng makita niya si Teacher Noah na nakatayo at nakatalikod


habang pinapanood nito ang isang naglalagablab na drum.

Humarap ito sa kanya. Ngumisi pa ito. Sa hitsura nito ay sa tingin niya ay wala na
talaga ito sa katinuan.

"Nakikita mo ba ang drum na iyan Steven? Si Charina ang nasa loob niyan!"

"Hayop ka Noah!" galit na sigaw ni Steven sabay labas niya ng baril at itinutok
iyon sa kanilang guro. "Papatayin kita! Pagsasamahin ko na kayo sa impyerno ni
Olivia at ng siraulo mong nanay!"
Humakbang si Teacher Noah. "Kayo ang dadalhin ko sa impyerno Steven! Hahahaha!!!"

"Huwag kang lalapit dahil papuputukin ko ito!" aniya.

Pero hindi nakinig sa kanya si Teacher Noah. Bagkus ay patakbo pa itong lumapit sa
kanya. Napaatras si Steven at agad na pinaputok ang baril.

Napatigil sa paglapit sa kanya si Teacher Noah.

Tinignan nito ang tiyan nito na tinamaan ng bala ng baril na kanyang pinakawalan.
Tumingin itong muli sa kanya at tuluyan na itong lumugmok at walang malay na
humalik sa sahig.
Nakahinga ng maluwag si Steven.

Pagharap niya sa kanyang likod ay nakita niyang nakatayo roon si Emma. Ngumiti siya
rito. "Wala na si Noah, Emma. Ligtas na tayo! Makakaalis na tayo dito."

Lumapit sa kanya si Emma at yumakap. Hindi ito nagsasalita.

"May problema ba Emma?"

"Ikaw ba ang pumatay kay Thea?" diretsong tanong nito na labis niyang ikinabigla.

--------------------------------------------------------
"ANO bang pinagsasasabi mo Emma? Siyempre hindi ko gagawin iyon kay Thea!" Iyon ang
narinig ni Emma na sagot sa kanya ni Steven.

Umiling si Emma. "May relasyon si Thea ang daddy mo diba?"

"Hindi ko alam-- "

"You killed her kasi si Thea ang reason kung bakit wasak ang pamilya mo at kung
bakit laging nag-aaway ang parents mo, right? Alam ko na ang lahat Steven. Iyong
duguan mong vest at iyong pictures nina Thea at daddy mo sa cellphone mo. Sila ang
nagsabi sa akin. At secretly ay tiniktikan mo sila and take stolen shots of them
together, diba?!"

Masamang tinignan siya ni Steven at mariin siyang sinakal nito. "Masyado kang
maraming sinasabi Emma! Ngayong alam mo na ang lahat, isusunod na kita kay Thea!"
At lalo pa nitong diniinan ang pagkakasakal sa kanya.
"S...te...v-ven...N-nasasaktan ak...ko..." hirapang sabi ni Emma.

"Papatayin kita Emma! Papatayin kita!!!" gigil na sabi pa ni Steven.

Hinawakan ni Emma ang kamay ni Steven na nakapulupot sa kanyang leeg. Pilit niya
itong inaalis pero masyadong mahigpit ang pagkakasakal nito. Parang sa isang
kisapmata ay biglang nagbago si Steven.

Nanlaki bigla ang mata ni Emma ng makita niyang mula sa likod ni Steven ay bumangon
ang nakalugmok na si Teacher Noah!

"S...te...ven...S-si...Ugh!" Mas lalo pang hinigpitan ni Steven ang pagpiga sa


kanyang leeg.
Kitang-kita ni Emma ang nakakatakot na ngiti ni Teacher Noah. Walang kaalam-alam si
Steven na hindi pala talaga nito napatay ang kanilang guro. Tuluyan ng nakatayo si
Teacher Noah. Tahimik nitong kinuha ang palakol sa paanan nito at dahan-dahan na
lumapit sa kinaroroonan nila.

Itinaas nito ang hawak na palakol at malakas na pinalakol sa balikat si Steven.

"Ahhhhhh!!!" sigaw ni Steven ng maukab ang kanyang balikat at makita nito ang
pagsirit ng dugo mula roon.

Nabitawan siya nito. Kaya naman agad siyang nakawala. Uubo-ubo si Emma.

Kailangan niyang makaalis agad doon pero nanghihina pa siya.

"Akala mo siguro mapapatay mo ako Steven? Kayo ang papatayin ko! Hahaha!"
Nakita ni Emma na gumapang si Steven para abutin ang baril nito na nabitiwan nito
kanina pero inunahan na agad ito ni Teacher Noah. Ito na ang umunang kumuha ng
baril at inihagis iyon sa malayo.

Tumingin sa kanya si Teacher Noah. Parang nakikini-kinita ni Emma si Olivia sa


mukha nito. Kahit na wala pang lakas ay agad na tumayo si Emma at tumakbo palayo.

Paglingon niya ay nakita niyang hinihila ni Teacher Noah si Steven.

Kung saan nito iyon dadalhin at kung anong gagawin nito kay Steven ay wala siyang
alam.
-CLASS DISMISSED!-

PATALASTAS

BRIDGETTE: Hello mga Schoolmates! Namiss niyo siguro ang Queen of Classy and
Sosyness diba? I am back! Dito sa Bridgette-ish Way...

*drum rolls

Ayan, bago matapos ang School Trip ay sasabihin ko na sa inyo ang SEVEN secret ko
kung bakit ako super sosy!

Heto iyon..

Seven Easy Steps to Becoming a Classy Girl


1. A classy girl is fashionable. The shortcut to becoming one is to read more
magazines to learn everything about fashion. On the other hand, don't copy a style
from a celebrity. Look for a fashion style that truly fits your personality. Stick
to that style and you are one step to becoming sophisticated.

Since fashion is the first step to becoming a one, then it follows that you have a
good taste when it comes to choosing clothes. Clothes that reveal too much skin
does not go well for a classy girl. Sophisticated women are not dying to get
attention.

2. The next thing that a sophisticated girl should do is to have a good hygiene.
What is the point of owning a bunch of fashionable clothes if you do not comb you
hair nor bathe? Too much use of perfume is not going to make you look good nor does
it improve your hygiene.

3. Once you have improved your appearance, it is then time to improve your
personality. When trying to speak, do it calmly. Being confident is the key to
become a one so when trying to communicate, a classy girl always makes an eye
contact.

4. A sophisticated girl is not obnoxious at all and is considerate enough to what


other people would feel. This character is true especially in most social events.
Even if in a party, she always behaves properly but still is able to socialize and
communicate properly.

5. A good communication skill is the next important thing for a classy girl to
have. Not only should a sophisticated girl be able to talk about fashion and
jewelries, she should also be able to talk about intellectual topics like politics,
art and current events. In order to achieve this, you need to increase your word
bank. Being a good communicator allows you to properly convey your message to a lot
of people.

6. Sophisticated girls always smile sincerely to other people and perhaps this is
the only tool that classy girls can rely on. Having a smiling face also gives the
impression that you are nice. A smile and a nice personality are also infectious.

7. A sophisticated girl is not only a good communicator, she is also a woman full
of virtues and talents. A classy girl hones herself to become a refined person.
Since a classy girl is full of virtues, she respects her body more than anyone else
does. A classy girl does not do body piercing and tattoos.

Ayan ha, may natutunan na naman kayo sa akin at utang na loob niyo iyan sa akin.
Buh-byeee!!!!

*******************************************
[33] LESSON 28- Killing Spree
*******************************************
LESSON 28- Killing Spree
HINDI alam ni Steven kung saan siya dadalhin ni Teacher Noah. Hila pa rin siya nito
sa dalawa niyang kamay. Hanggang sa ipasok siya nito sa isang abandonadong silid.

Pabalya nitong isinara ang pinto.

Nanatiling nakahiga si Steven. Wala na siyang lakas na makagalaw. Nanghihina na


siya dahil sa patuloy na dami ng dugo na nawawala sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo Noah? Patayin mo na rin ako." aniya.

Nilapitan siya ni Teacher Noah. Tinignan siya at pagkatapos ay mariing tinapakan


ang sugat niya sa balikat. Napangiwi siya sa sobrang sakit.

"Huwag kang magmadali Steven. Malapit na kayong magkita-kita ng mga kaklase mong
demonyo!"

"Ano ka ba sa tingin mo? Demonyo ka rin naman diba?" aniya. "Patayin mo na ako. Ano
pang hinihintay mo? Gusto mo pa bang sabihin ko sa iyo ang ginawang pagpatol ng
pinakamamahal mong si Olivia sa akin?!" dugtong pa niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Mas lalo pang diniinan ni Teacher Noah ang pagkakatapak nito sa sugat niya.

"Putangina mo Noah!" hindi na napigilan ni Steven ang mapamura.

"Alam ko ang ginawang iyon ni Olivia at naiintindihan ko kung bakit siya pumatol sa
iyo. Walang mahanap na kakampi si Olivia, natural na mahulog agad ang loob niya sa
taong magpapakita ng kabutihan at malasakit sa kaniya. Ako ang dapat na
nagtatanggol sa kanya noon pero wala akong magawa dahil takot ako...Takot akong may
makaalam ng relasyon namin! Hindi niyo alam na sa bawat pananakit niyo kay Olivia
ay dobleng sakit ang balik noon sa akin! At naipon na iyon dito," sabay turo nito
sa parteng dibdib nito.

"Ang sabihin mo, sadyang makati lang si Olivia!" pang-aasar pa ni Steven.

Biglang naging tila halimaw sa labis na galit ang mukha ni Teacher Noah. "Hindi
totoo iyan!!!" sabay kuha nito ng palakol at pinalakol nito ang kamay niya.

"Ahhh!!!" sigaw ni Steven. Labis ang takot niya ng makita niyang humiwalay ang
kanyang kamay sa braso niya. Gumalaw-galaw pa iyon. "Putangina mooo!!! Hayop
kaaa!!!"

Itinaas muli ni Teacher Noah ang palakol at pinatamaan noon ang isa pa niyang
kamay. Tulad ng isa ay naputol din iyon. Napasigaw siyang muli sa sobrang sakit.

"Ganyan ang naramdaman noon ni Olivia! Mas masakit pa diyan!!! At ngayon, ipapakita
ko sa inyo ang resulta ng lahat ng kasamaan niyo noon sa kanya!"

Tila isang hayok na hayok na hayop na pinagpapalakol ni Teacher Noah si Steven.


Wala na itong pakialam kung saan ito tamaan. Sa dibdib, braso, sa tiyan at kung
saan-saan pa.

Bawat tamaan ng talim ng palakol ay lumilikha ng malalim at madugong sugat!

Hanggang sa sumuka na ng dugo si Steven.

---

WALANG pagsidlan ang nararamdaman saya ni Teacher Noah habang walang awa niyang
pinapalakol ang walang kalaban-laban na si Steven. Bawat hataw niya sa katawan nito
ng palakol ay siya ring pagtalsik ng dugo nito sa katawan niya.

Halos lasog-lasog na ang katawan nito ng tumigil siya. Humihingal na napatingala


siya.

"Oliviaaaa!!!" malakas niyang sigaw.

Oo, nababaliw na siya.

Sari-saring emosyon na ang lumulukob sa kanya. Galit, poot, lungkot at kung anu-ano
pa.

Nawawala na siya sa katinuan.

"Oliviaaa!!! Mahal na mahal kitaaa!!! Para sa iyo lahat ng ito! Papatayin ko silang
lahat! Papatayin ko sila!!!" malakas pa niyang sigaw.

---

WALANG magawa si Bridgette kundi ang takpan ang kanyang tenga. Nanunuot sa
kaibuturan ng kanyang ulo ang pagsigaw ni Teacher Noah.

Nakakatakot ito.

Lalo pa siyang napasiksik sa sulok ng silid na iyon ng sumigaw muli ito.

Hindi na niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Gusto na niyang umuwi...

Natigilan siya ng makita niyang umiikot ang seradura ng pintuan. Ibig sabihin ay
may papasok roon. Napatayo si Bridgette at kinuha niya ang bakal na tubo na may
tulis sa dulo. Hinigpitan niya ang pagkakahawak roon. Dumadagundong sa kaba ang
kanyang dibdib.

"S-sino iyan? M-may tao ba diyan?" Nanginginig ang kanyang boses.

Pigil ang hininga ni Bridgette ng unti-unti ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon
ang multo ni Olivia.

Tila buhay na buhay ito sa hitsura nito. Maayos ang suot nitong school uniform
hindi tulad ng una niyang nakita na puro ito dugo.

"O-olivia!" bulalas niya. Ayaw niyang ipakita kay Olivia na natatakot siya dito.
"Hindi ako natatakot sa iyo! Umalis ka na dito! Alis!"

Itinutok niya ang hawak na tubo kay Olivia.

"Mamamatay ka rin Bridgette. Matutulad ka din sa kanila!" sabi nito sa kanya.

Pasigaw siyang sumagot. "No! Hindi ako mamamatay! Not here! Not today! I swear!
Hindi ako mamamatay!"

"Susunod ka na sa akin Bridgette..." at humalakhak pa ito sa kanya na parang


nakakaloko.

"Hindi! That'll never happen!"

"Mangyayari iyon Bridgette. Ito na ang kinalabasan ng lahat ng pang-aapi niyo sa


akin noon! Hahaha!"
Mariing umiling si Bridgette. "Hindi!!!" at sinugod niya ang multo ni Olivia.

Sinaksak niya ito sa tiyan gamit ang hawak niyang tubo.

"Ugh!" igik ni Olivia. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasaktan ito.

Umagos na nilikha nitong sugat ang masaganang dugo. Lalo pang diniinan ni Bridgette
ang pagkakasaksak ng tubo sa tiyan ni Olivia. "Akala ko ba multo ka? Bakit
nasasaktan ka?! Hahaha!" tila baliw na turan ni Bridgette.

Hinugot niya ang tubo at inundayan niyang muli ng saksak si Olivia sa dibdib naman
nito. "You can't kill me Olivia. Not a ghost and not even a crazy teacher!"

Makailang ulit pa niya itong sinaksak hanggang sa padapa nang bumagsak ito sa
sahig. Naliligo sa sariling dugo.

Gumalaw-galaw ang mga daliri ni Olivia. Sasaksakin niyang muli sana ito ng bigla
itong magsalita...

"B-bridgette... "

Natigilan si Bridgette ng marinig ang boses nito. Biglang nag-iba iyon. Parang
naging boses na ni...Emma?!

Biglang kinabahan si Bridgette sa realisasyon na iyon.

"Emma?!" aniya at agad na itinihaya ang taong pinagsasaksak niya kanina. At ganoon
na lamang ang hilakbot niya ng makumpirma niyang si Emma nga ang nasaksak niya.

"Oh my God! Emma! Hindi ko sinasadya..." Hindi makapaniwalang sabi ni Bridgette.

Pinulsuhan niya ito at doon niya napagtanto na patay na ito.

Itinapon niya sa malayo ang tubo at nanginginig na tinignan ang dalawang kamay na
puno ng dugo ni Emma. Papaanong nangyari iyon? Ang tingin niya ay si Olivia ang
sinasaksak niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari!

"Hi hi hi hi..." Nagpalinga-linga si Bridgette ng makarinig siya ng mga hagikhikan.

"S-sino ka? Show your self!"

"Hihihihi..."

"Magpakita ka. Hindi ako natatakot sa iyo!"

Pagharap niya sa likod ay napasigaw siya ng makita niya ang nakakatakot na si


Olivia. At may kasama pa itong babaeng multo! Natatandaan niya na ito iyong multo
na nagpakita sa kanya noon sa rooftop. Nanlilisik kapwa ang mga mata ng dalawa.
Maputla ang balat at puro dugo ang kasuotan.

"Hello Bridgette! Natatandaan mo pa ba ako? Ako si Ruvina!" pagpapakilala noong


multo na kasama ni Olivia.

Napaatras siya. "Lumayo kayo! Wag kayong lalapit!"

Nagsalita si Olivia. "Anong pakiramdam na ikaw mismo ang pumatay sa kaibigan mo


Bridgette?"
"Hindi ko pinatay si Emma! Pinaglaruan niyo lang ang imahinasyon ko! Mga hayop
kayo!" sinugod niya sina Olivia pero agad itong naglaho.

Lumitaw itong muli sa may bandang pintuan. "Masarap bang pumatay Bridgette?"

"Hindi ako mamamatay tao Olivia! Kayo! Kayo ni Teacher Noah ang killer!"

"Wag kang magmalinis Bridgette. Pinatay niyo ako. Kayo ang nagtulak sa akin para
kitilin ang sarili kong buhay!"

"Bakit kami ang sinisisi mo? Desisyun mo ang magpakamatay kasi tanga ka!"

"Pinatay niyo ako. Kayo ang nagsindi ng mitsa! Pinatay niyo ako!" galit na galit na
sagot sa kanya ni Olivia.

"Bitchhhh!!!" gigil na sinugod niyang muli si Olivia pero tumagos lang siya sa
katawan nito.

Bigla niyang natapakan ang bangkay ni Emma dahilan para madapa siya.

Nanlaki ang mga mata ni Bridgette ng pagkadapa niya ay bumukas ang pinto at
nakakita siya ng isang pares ng paa na nakasuot ng black shoes.

Dahan-dahan siyang tumingala upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng sapatos na
iyon. At nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang mukha ni Teacher Noah na may
nakakatakot na ngiti!

"Teacher No--"

Hindi na naituloy ni Bridgette ang sasabihin dahil marahas siyang sinabunutan agad
ni Teacher Noah. "Ikaw na ang susunod!"

At kinaladkad siya nito palabas ng silid na iyon.

"Eeeeeeehhhh!!!!" Walang nagawa si Bridgette kundi ang sumigaw ng sumigaw.

-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[34] LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned
*******************************************
DEDICATED sa isa pang tao na lagi kong kachikahan sa Facebook at parang nagsilbing
auto-liker sa lahat ng post ko dun. Salamat sa iyo!
NOTE: Pabasa naman po ng poem na ginawa ni @Nylenej018 para sa School Trip. Click
niyo na lang po iyong External Link sa gilid ;)

LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned

DINALA si Bridgette ni Teacher Noah sa isa na namang silid. Lahat na yata ng paraan
para makawala ay nagawa na ni Bridgette pero sadyang malakas si Teacher Noah.

Marahas siya nitong inihiga sa isang mahabang mesa. At doon ay itinali siya.
"Pinaghandaan ko talaga ito Bridgette dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat!" at may
kinuha pa itong bag.

Mula sa kadiliman ay lumitaw si Olivia. Kitang-kita niya kung paano ito sumanib kay
Teacher Noah. Nagkikisay ito sa sahig at matapos ang ilang segundo ay bumangong
muli si Teacher Noah. "Kumusta ka na Bridgette?" tila dalawang tao ang nagsasalita
sa katawan ni Teacher Noah.

Ang pinagsalong boses ni Teacher Noah at Olivia!

"Pakawalan niyo ako dito mga hayop kayo!" galit na sigaw niya.

Tumawa lang ito. "Mamamatay ka muna bago ka makawala dito Bridgette!" boses ni
Teacher Noah.
"Humanda kayo oras na makawala ako dito! Bitch!"

"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa niyo sa akin noon!"
boses naman iyon ni Olivia.

"Hindi niyo alam kung anong pakiramdam ng nag-iisa, ng walang kakampi! Hindi niyo
alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing pinamumukha niyo ang isang pagkakamaling
nagawa ko! Masakit pagtawanan, masakit ang iwasan. Hindi mo alam ang ganoong
pakiramdam Bridgette! Kaya hindi mo alam kung gaano iyon kasakit!"

"Nagkakamali ka! Alam kong lahat iyan! Buong buhay ko binabalewala ako sa bahay.
Oo, sikat ako sa school pero pag-uwi ko, para akong basahang walang pumapansin!"
aniya.

Tinawanan lang siya ni Teacher Noah. "Huli na ang lahat...Dahil ipapalasap ko na sa


iyo ang impyerno mo!"
May kinuhang plastic si Teacher Noah sa bag na dala nito at inilagay ang laman noon
sa palad nito. Mga thumbtacks!

"A-anong gagawin mo diyan?" Nahihintakutang tanong ni Bridgette habang unti-unti na


papalapit sa kanya si Teacher Noah. "Tulong! Tulungan niyo akooo!!!" Malakas niyang
sigaw.

Pagsigaw pa niya ay biglang isinalampak lahat ni Teacher Noah ang mga thumtacks sa
kanyang bibig.

"Hmmp! Uhmmp!" aniya at pinagdiinan pa ni Teacher Noah ang kamay nito sa kanyang
bibig para hindi niya mailuwa ang mga thumbtacks.

Naramdaman niya ang pagtusok noon sa kanyang gilagid at maging sa kanyang dila.

"Tinanggalan niyo ng karapatang magsalita noon si Olivia, hindi ba? Hindi ba?!"
gigil at galit na sigaw nito at doon lang nito tinanggal ang kamay na nakatakip sa
kanyang bibig.

Maluha-luha si Bridgette. Itinagilid niya ng bahagya ang ulo upang iluwa ang mga
thumbtacks sa kanyang bibig. May kasama na rin iyong mga dugo. Napaubo pa siya
dahil pakiramdam niya ay may nalunok pa siya na ilang piraso.

"H-hayop kaaa! Wala kang kasing-sama!!!" mura pa ni Bridgette pero hindi siya nito
sinagot.

May kinuha ulit ito sa bag na isang martilyo at walang sabi-sabi na pinukpok nito
ang kanyang mga daliri.

"Ahhhhhrrrggggh!!! Tama na!!! Hayop kaaa!" sigaw ni Bridgette. Halos madurog ang
kanyang hinlalaki sa ginawang iyon ni Teacher Noah.

Isa pang pukpok sa daliri niya at naramdaman ni Bridgette ang tuluyang pagkadurog
ng daliri niya. Halos paos na siya kakasigaw.

"Para niyo na ring tinanggalan ng kamay si Olivia noon! Hindi siya pwedeng gumamit
ng mga bagay na sa tingin niyo ay kayo ang nagmamay-ari!" ani pa ni Teacher Noah.

Biglang nagbago ang boses nito at naging boses na ni Olivia. "Wala akong kalaban-
laban noon sa inyo. Ilang beses akong nakiusap...Ilang beses akong lumuhod at
umiyak pero nanatili kayong bingi!!!" sabay kuha ni Teacher Noah ng ice pick at
bigla nitong itinusok iyon sa kaliwang tenga ni Bridgette.

"Aaaaaahhhhh!!!" halos mamuti na ang mata ni Bridgette.

Nagkikiskisan na rin ang mga paa niya dahil sa labis na sakit.

Hinugot ni Teacher Noah ang icepick. Hindi naman niya iyon masyadong ibinaon. Sapat
lamang upang mabasag ang eardrum nito.
"Tama naaahhh!!! Ayoko na..." pakiusap niya.

Parang ng mga oras na iyon ay mas nanaisin pa niyang mamatay na lang.

Ngayon lang unti-unting nabibigyan ng linaw sa kanya ang lahat. Ang lahat ng
pambubully niya hindi lang kay Olivia kundi sa iba pang tao na pinakitaan niya ng
kanyang kasamaan ng ugali.

Nanlaki ang mata ni Bridgette ng kumuha ng isang plais (pliers) si Teacher Noah sa
bag nito. Hindi niya alam kung saan nito gagamitin iyon at ayaw na niyang malaman
pa.

Mariin siyang hinawakan ni Teacher Noah sa kaniyang magkabilang panga. "Hindi niyo
binigyan ng karapatang magsalita noon si Olivia! Wala kayong puso. Ang alam niyo
lang ay ang laitin at pagtawanan siya!"
Hindi na nakapalag si Bridgette ng biglang ipasok ni Teacher Noah ang plais sa loob
ng bibig niya. Madiin nitong inipit ang kanyang dila at hinila iyon palabas!

"Eeeeehhhh!!! Eeeeehhh...." hindi masyadong makasigaw si Bridgette dahil hinihila


ni Teacher Noah ang kanyang dila gamit ang isang plais. Pakiramdam niya ay
mapuputol na iyon sa sobrang pwersa nito sa paghigit.

Kumuha pa ito ng isang plais at isa-isang pinagbubunot ang ngipin niya sa unahan.
Dahan-dahang isinagawa ni Teacher Noah ang pagbunot sa ngipin kaya mas dama niya
ang sakit!

Halos lumawit na ang dila ni Bridgette ng bitiwan siya nito. Duguan na siya at
hindi niya alam kung mabubuhay pa siya pagkatapos ng ginagawa sa kanya ni Teacher
Noah.

"Patayin mo na a-ako..." Hindi inaasahan ni Bridgette na masasabi niya iyon.


"Kulang pa iyan Bridgette!" sagot ni Teacher Noah sabay hampas nito ng kung anong
bagay sa kanyang ulo.

Unti-unti ay nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa lukubin siyang tuluyan ng


kadiliman.

--------------------------------------------------------

PAGMULAT ni Bridgette ng kanyang mata ay sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na


liwanag. Bumangon siya at luminga. Wala siyang makita kundi puro kulay puti. Parang
walang hanggan.

Naglakad siya. Hindi niya alam kung saan siya tutungo.

Hanggang sa may nadinig siyang naghahalakhakan.


Pamilyar sa kanya ang mga tawang iyon. Parang nanggagaling sa likuran niya kaya
agad siyang lumingon.

Nakita niyang nagtatawanan ang mga kabarkada niya. Si Steven, Emma, Jacob, Ford,
Charina, Matthew at Thea. Hindi niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito pero parang
ang sasaya nila.

"Guys! B-buhay kayo?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

Tila hindi siya narinig ng mga ito.

Lalapitan na lang sana niya ang mga ito ng biglang dumilim ang kapaligiran at
nawala ang kanyang mga kaibigan.
"Bridgette...Bridgette..." may tumatawag sa kanyang pangalan. Boses ni Olivia.

"Lubayan mo ako!" Sigaw niya at nagtatakbo siya.

Hanggang sa makasalubong niya si Teacher Noah. Nakangisi ito at may hawak na


kutsilyo. Nagsisigaw siya hanggang sa gilitan siya nito gamit ang kutsilyo!

---------------------------------------------------

NAPASINGHAP si Bridgette ng magising siya mula sa panaginip na iyon. Pinakiramdaman


niya ang kanyang sarili. Nakatali pa rin siya.

Napaiyak siya sa sobrang awa sa kanyang sarili.


Nakita niyang nakatayo sa paanan niya si Teacher Noah. Walang ekspresiyon ang mukha
nito.

Wala siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Kitang-kita niya na umalis na sa katawan ni Teacher Noah si Olivia at nagpunta ito


sa gilid niya. Tinignan siya nito ng may galit sa mata nito. "Masakit ba
Bridgette?"

"Tama na Olivia...M-maawa ka..." umiiyak niyang pakiusap.

"Minsan ko na ring hiniling sa iyo iyan Bridgette. Sabi ko 'tama na. Pero hindi mo
ako pinakinggan dahil tuwang-tuwa kang nasasaktan ako! Bakit? Dahil ba sa mahina
ako?!"
Umubo si Bridgette at nagtalsikan ang mga dugo sa kanyang bibig. Ngumiti siya sa
kawalan. "Hindi ko alam pero ngayon ko lang narealize kung gaano ako kasama..."
aniya.

Sumabat si Teacher Noah. "Nagpapatawa ka?! Ngayon mo lang ba nalaman kung anong
klase kang demonyo, ha? Bridgette!!!" at pagkasabi nito noon ay hinampas siya nito
ng martilyo sa tuhod.

"Aaaaahhhh!!! Tama na!!!" halos umulwa na ang mata niya sa naramdaman na sakit.

Nanatiling nakatingin lang sa kanya si Olivia.

Nakita na lang niya na may hawak na isang bote si Teacher Noah at may laman iyong
likido.

"Alam mo ba ang laman nito Bridgette, ha? Malalaman mo kapag ibinuhos ko ito sa
mukha mo! Hahaha!"
"Huwag...Maawa ka! Huwag!" Nagsisigaw na si Bridgette ng papalapit na ito sa kanya.
Alam niyang muriatic acid ang laman noon at balak sirain ni Teacher Noah ang
kanyang mukha.

"Wala ng magagawa ang pagsisigaw-sigaw mo Bridgette!"

Tinanggal na ni Teacher Noah ang takip ng bote at walang awa na ibinuhos ang lahat
ng laman noon sa kanyang mukha.

Malakas na napasigaw si Bridgette. Pakiramdam niya ay nilalamon ng apoy ang kanyang


mukha. Sobrang sakit at hapdi ng kanyang mukha! "Ayoko naaa..."

"Isa lang naman ang gusto kong gawin mo Bridgette..." sabi ni Olivia. "Palayain mo
na ako. Gusto ko ng matahimik. Palayain mo na ang galit sa puso ko..."
Patuloy sa pag-iyak si Bridgette.

Alam niya ang ibig sabihin ni Olivia. Nais nitong humingi siya ng tawad dito sa
lahat ng kasamaang nagawa niya. Napagtanto niya na ito na ang tamang oras para
gawin niya iyon.

"PATAWARIN MO AKO OLIVIA..." Umiiyak niyang sabi.

"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sa iyo...Huhuhuh..." Bukal sa puso na sabi


ni Bridgette.

Nakita niyang ngumiti si Olivia. Paulit-ulit niyang sinambit ang paghingi niya ng
kapatawaran kay Olivia.

Tinanggal ni Teacher Noah ang pagkakatali sa kanya. "Tapos na ang leksiyon natin
Bridgette. Class...Dismissed!" at pagkasabi nito noon ay lumabas na si Teacher
Noah.

Lalong lumakas ang iyak ni Bridgette.

"Salamat Bridgette..." at unti-unting naglaho sa paningin niya si Olivia.

Hindi makapaniwala si Bridgette sa bilis ng pangyayari...

Sa huli, ay pagpapatawad pa rin ang nanaig sa puso ni Olivia.

"Patawarin mo ako Olivia!" at nawalan na ng malay si Bridgette.


-CLASS DISMISSED!-

*******************************************
[35] Last Author's Note
*******************************************
LAST AUTHOR'S NOTE

Hello mga Schoolmates!

Hiniwalay ko talaga ang author's note para naman mabasa niyo. Don't worry bukas ko
iuupdate ang last chapter. Gusto ko lang ishare sa inyo ang nararamdaman ko ngayon.

Alam niyo iyon, sobrang saya ko kasi another "achievement" na naman ito para sa
akin kasi nakatapos na naman ako ng isang story. After more or less three months
matatawag ko ng finished story ang School Trip.

Nakakatuwa lang kasi seriously nag-doubt ako noong una kung itutuloy ko siya kasi
baka mapaghambing siya sa Class 3-C Has A Secret ni Ate Cha (naki-ate?! Haha). Kasi
same siya na about sa mga students. Pero luckily, di naman nangyari iyon. Gusto ko
sanang idedicate kay Cha iyong last chapter ng ST kaya lang i remember na
ideddedicate ko nga pala siya dun sa winner sa pa-contest ko sa FB, so ito na lang
na A.N.

Dedicated kay charotera101 kasi gusto kong mag-sorry kasi di matuloy-tuloy ang
collaboration namin kasi kasalanan ko. Sorry Cha. Matutuloy din yan, sana kasi its
an honor talaga na maka-collab kita.

Back to School Trip...

Ang School Trip ay talagang record-breaking sa lahat ng Wattpad stories ko dahil


ito na ang pinakamahaba kong nagawang kwento tapos natapos ko lang siya ng more or
less 3 months lang.
Sobrang thankful din ako kasi never akong binigo ng mga readers sa votes lalo na sa
comments. Salamat sa inyo lalo na sa mga nobelang mag-comment. Hindi niyo alam kung
gaano niyo ako napapasaya. Kayo ang nagsisilbing gasolina ko para patuloy na umusad
at magtype ng updates.

SALAMAT SA INYO MGA SCHOOLMATES!

Hindi ko kayang iexpress yung tuwa at saya na nararamdaman ko sa suportang ibinigay


niyo. Mahahalikan ko kayo isa-isa eh! Haha!

Nakakalungkot din siyempre kasi mamamaalam na ako or tayo kina Olivia, Bridgette,
Teacher Noah, Steven, Emma, Charina, Jacob, Ford, Thea, Matthew, Aling Olga,
Yoseif, Ruvina, Tiyang Magda at kay Ysabelle.

Kahit sa maikling panahon ay nakasama natin sila.


Ayun, sana eh may natutunan kayong LESSON sa School Trip kahit puro patayan at
kamalditahan ni Bridgette ang nabasa niyo dito. Hehe...

About naman sa nagtatanong sa next horror story ko: as of now, talagang WALA pa
akong upcoming horror story. Na-drained yata talaga ang utak ko kasi after Dara
Kara eh sumabak agad ako sa School Trip. Kailangan ko munang mag-unwind to refresh
my mind and ideas. At saka by June and July eh magiging inactive muna ako sa
Wattpad kasi magtatrabaho na ulet ako. Sa ngayon ay pagtiyagaan niyo muna ang
dalawang ongoing stories ko na Battlefield of Love at Patayin sa Kilig si Barbara!

Ayan, hala. Masyado ng mahaba baka nakatulog na kayo.

Ibaba na ang telon at sabay-sabay nating tunghayan ang pagtatapos ng SCHOOL TRIP!

-Soju
*******************************************
[36] LESSON 30- Final Exam
*******************************************
DEDICATED kay ZHARINE C. GAB ng Facebook dahil siya po ang nanalo sa pa-contest ko
na School Trip's Poster Making Contest. Salamat sa mga nag-effort na sumali.

LESSON 30- Final Exam


"WALA na po kaming nakita na bangkay o buhay sa loob at sa paligid ng pinangyarihan
ngpagpatay Mrs. Luviera," ani ng pulis kay Mrs. Luviera.

"Hindi maaari! Ang anak ko. Nasaan siya?! Nasaan si Bridgette?!" Umiiyak na turan
nito.

Isang linggo na ang lumipas matapos malaman ng lahat ang pagpatay sa lahat ng
estudyante niTeacher Noah.

"Sinalakay kami ng mga bandido. Parang mga NPA sila...Isa-isa nilang pinatay ang
aking mga estudyante! Napakawala nilang puso. Mabuti nalang at nakatakas ako bago
pa nila ako mapatay!" Iyon ang pahayag ni Teacher Noah sa nangyari.

Pinaalis na ng mga pulis si Mrs. Luviera.

"Ayoko! Hanapin niyo si Bridgette!" giit pa nito.


"Hon, umuwi na tayo. Hayaan na nating gawin ng mga alagad ng batas ang kanilang
trabaho." At inakay na ni Mr. Luviera ang esposa nito papasok sa kanilang van.

Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw ni Bridgette ang lahat. Isang kulay itim na
tela ang nakabalot sa kanyang mukha.

Kung may makakakita lang sa kanya ngayon ay hindi na nila makikilala na siya si
Bridgette dahil sirang-sira na ang mukha niya dahil sa sobrang tapang ng asidong
ibinuhos sa kanya niTeacher Noah.

Kitang-kita niya sa kinaroroonan niya ang pagtangis at pag-iyak ng mga magulang at


kamag-anak ng kanyang mga kaklase na namatay. Nakahanay sa gilid ng kalsada ang
napakaraming bangkay. "Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari anglahat ng
ito..." umiiyak at tahimik niyang turan.

Labis ang pagsisising kanyang nararamdaman.


Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi at huli na rin para sa kanyang pagbabago.
Marami ng buhay ang nawala dahil sa pambubully niya.

Tumalikod na si Bridgette. Hindi na niya kaya ang kalunos-lunos na senaryong


kanyang nakikita. Gamit ang isang kahoy na tungkod ay paika-ikang naglakad palayo
si Bridgette. Bahalana kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa...

----------------------------------------------------------

MABILIS na lumipas ang isa pang buwan at isang programa ang dinaraos sa Wellington
Highschool.

Isang seremonya makalipas ang eksaktong isang buwan matapos ang karumal-dumal na
pagpatay sa lahat ng estudyante ni Teacher Noah. Bilang panimula matapos ang
mataimtim na panalangin ay nagsalita muna ang principal ng naturang eskwelahan.
"Nakakalungkot isipin na halos dalawang buwan na lang sana ay makakatapos na sa
highschool ang mga batang ito na naging biktima ng mga walang pusong mga bandido.
Sana ay hindi na ulit maulit ang ganitong pangyayari. Bilang pag-alala sa ika-unang
buwan ng pagkamatay ng mga estudyanteng ito ay inaanyayahan ko ang nag-iisang
survivor sa insidenteng iyon...Mr. Noah Veracruz!"

Nagpalakpakan ang mga naroon ng pumanhik sa entablado si Teacher Noah. Nasa mata
niya ang lungkot. "Magandang umaga po sa inyong lahat," panimula niya. "Bilang guro
ng tatlumpung estudyante na lahat ay namatay, masakit para sa akin ang nangyari.
Wala akong nagawa habang isa-isa silang namamatay sa harapan ko!" tumulo na ang
kanyang luha.

Nagsimula na ring mag-iyakan ang mga audience na naroon lalo na ang mga ilang
magulang.

Nagpatuloy si Teacher Noah. "Gusto ko lang na magkwento sa inyo. May isa akong
estudyante na naunang namatay na. Siya si Olivia. Simpleng estudyante na may lihim.
Hanggang sa malaman ng mga kaklase niya ang lihim niyang iyon. Doon na nagsimula
ang pambubully sa kanya hanggang sa hindi na niyakinaya ang lahat...Nagpakamatay
siya. Magsilbing aral na sana sa ating lahat ang pangyayaring ito. Wag ninyong
hahayaang mangyari sa mga anak niyo ito. Pinakaimportant e ang komunikasyon.
Kausapin niyo sila pagkauwi nila galing sa school. Unawain niyo sila dahil marami
pa silang bagay na hindi pa nila alam...Maging magulang kayo sa kanila." Nag-crack
na ang boses ni Teacher Noah. Sa wari niya ay hindi na niya kayang magsalita pa.
"Marami pa sana akong nais sabihin pero sa tingin ko ay hindi ko na kaya.
Nakikiramay po ako sa inyong lahat...Salamat po."

Habang pababa si Teacher Noah sa stage ay nakita niya si Olivia na nakaupo sa


pinakahuling upuan para sa mga audience. Nakangiti ito sa kanya at nakatingin.
Ginantihan niya rin ito ng pagngiti.

-------------------------------------------------------

"ATE, pahingi naman po ng tinapay. Kahit isa lang...Sige na po." Pakiusap ni


Bridgette sa isang may-ari ng bakery.

Tinignan siya ng tindera at pinaalis siya nito."Anong pahingi? Hindi pwede! Saka
tignan mo nga ang mukha mo, nakakadiri! Umalis ka nga dito baka malasin ako at
walang bumili sa mga tinapay ko!"

"Panget! Panget!" sabi ng mga bata sabay bato ng maliliit na bato sa kanya.
Lalong nagalit iyong tindera. "Kita mo na! Umalis ka na! Shoo!"

Napapaiyak na umalis si Bridgette. Totoong panget na siya at masasabing pulubi


dahil sa sobrang dumi niya. Nilalangaw pa ang sugat niya sa kamay na nabubulok na
rin.

Awang-awa siya sa sarili niya.

Pero anong magagawa niya? Ito na marahil ang karma niya. Mas nanaisin na niyang
mamatay ngayon kesa habang buhay na pasanin ang panlalait ng tao.

Kung tutuusin ay pwede naman siyang bumalik sa mansion nila pero mas pinili niyang
huwag na lang. Alam niya sa sarili niya na peke ang iyak ng mga magulang niya na
nakita niya kamakailan. Alam niya na masayang-masaya ang mga ito dahil wala na
siya. Iyon naman talaga ang gusto ng mga ito-- ang mawala siya sa buhay ng mga ito.
Naglakad-lakad siya.

Alam niya na nasa Quezon pa rin siya. Umupo siya sa gilid ng tulay ng makaramdam
siya ng pagod at pagkalam ng sikmura. Nakakita siya ng basurahan sa kabilang
kalsada. Hindi na siya nagdalawang isip na tumawid pakabila at naghalughog siya sa
basurahan.

Nakakita siya ng isang styro na lalagyan ng pagkain.

Pagbukas niya ay may laman pa iyong kanin at buto-butong hita ng manok. Wala na
siyang pagpipilian. Gutom na gutom na si Bridgette. Wala namang tao na magbibigay
ng pagkain sa kaanyuan niyang iyon.

Inamoy niya ang pagkain na nasa styro. Hindi pa panis at mukhang kakatapon lamang
noon sa naturang basurahan.
Pikit-mata niyang kinamay ang kanin at sinubo iyon. Sinimot din niya sa mga buto ng
manok ang mga laman na natitira doon. Ginawa niyang mabilis ang pagkain. Napaiyak
na siya...Walang tigil ang pagbalong ng kanyang luha sa bawat subo niya...

"May baliw! May baliw! Pulubi!" naririnig niyang sinasabi ng nakakakita sa kanya.

Nagbingi-bingihan na lang si Bridgette.

Ito na ang sinasabing impyerno niya nina Teacher Noah at Olivia...

----------------------------------------------------------
MAAGANG nagising si Teacher Noah ng umagang iyon. Naligo siya at nagbihis ng husto.
Sinigurado niyang gwapo siya sa suot niyang black tuxedo.

Binuksan niya ang isang silid sa kanyang bahay at umalingasaw mula roon ang isang
nakakasulasok na amoy.

Napangiti siya.

Lumapit siya sa kama kung saan naroon ang naaagnas na bangkay ni Olivia. Umupo siya
sa gilid na kama at pinagpag ang matatabang uod na pinagpipiyestahan ang katawan ni
Olivia. Wala siyang pakialam kung mabaho ang amoy ng bangkay na nasa harapan niya.

Dahil hindi isang nabubulok na bangkay ang tingin niya dito kundi ang babaeng
pinakamamahal niya.

Hinalikan niya ang parteng noo nito at kinausap ito na parang nakikinig siya nito.
"Olivia, mahal ko...Tuluyan ka ng matatahimik. Ililibing na kita ulit...Doon sa
paborito nating lugar..." bulong niya.
Inilagay niya sa isang kahon ang bangkay ni Olivia. Sakay ng kanyang kotse ay
nagtungo siya sa isang napakagandang lugar. Isang burol na sa tuktok ay tanaw ang
napakagandang tanawin.

Umakyat sa itaas ng burol si Teacher Noah dala ang kahon na naglalaman ng labi ni
Olivia.

May nakahanda na doon na hukay na kahapon pa niya ginawa. Walang masyadong


nagpupunta roon. Noong nabubuhay pa si Olivia ay doon sila madalas magtagpo.

Maayos niyang inilibing si Olivia at napaluha siya habang tinatabunan ng lupa ang
kahon.

Nagsindi siya ng kandila at nag-alay ng mga rosas sa puntod.


"Mahal na mahal kita Olivia. Balang-araw ay magkakasama din tayo..." pipi niyang
panalangin.

Nagbukas ng isang wine si Teacher Noah at nagsalin sa kopita na dala niya. "Miss na
kita Olivia!" Umiiyak niyang turan sabay lagok ng alak.

Halos isang oras din siyang nakaupo sa gilid ng libingan ni Olivia. Umiiyak.
Tumatawa. Nangingiti habang inaalala ang mga alaala nilang dalawa ni Olivia.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na niyang umalis.

"Paalam Olivia...Mahal ko." aniya.

Pagharap niya ay nagulat si Teacher Noah ng biglang may babaeng sumaksak sa tiyan
niya.
Sunod-sunod ang pagsaksak ng babae sa kanyang tiyan at sa kanyang dibdib. Hanggang
sa sumuka na siya ng dugo.

Kilala niya ang babaeng sumasaksak sa kanya. "M-maika..." halos kinakapos na ang
hininga niya.

"Dapat lang sa iyo ang mamatay Teacher Noah!" galit na galit na turan ni Maika sa
kanya.

Habang sinasaksak siya ni Maika ay bumalik sa alaala ni Teacher Noah ang ginawa
niyang paghulog kay Maika mula sa rooftop.

Oo, siya ang pumatay kay Maika dahil nakita niyang nahuli sila nito na nag-uusap ni
Olivia sa rooftop. Nalaman ni Maika ang sikreto nila kaya napilitan siyang patayin
ito.
Ang buong akala niya ay patay na ito.

Bakit ba hindi niya naisip na maaaring buhay pa ito dahil matapos nitong dalhin sa
ospital ay wala na siyang natandaang balita na inilibing si Maika.

"Talagang binuhay pa ako ng Diyos Teacher Noah para patayin ka lang!" sabay gilit
ni Maika sa kanyang leeg.

Wala ng buhay na bumagsak sa lupa si Teacher Noah...

Sa wakas...Magkakasama na sila ni Olivia...

-------------------------------------------------------------
"BALIW! Baliw!" sigaw ng mga bata kay Bridgette sabay bato ng mga bato sa kanya.

Tinamaan siya sa noo at dumugo iyon.

"Hoy! Anong ginagawa niyo! Lubayan niyo siya! Mga salbaheng bata!" isang may edad
na babae ang dumating para ipagtanggol siya.

Agad naman na nagpulasan paalis iyong mga bata.

"S-salamat po..." aniya.


"Walang anuman. Bakit kasi palaboy-laboy ka?" may pag-aalalang tanong ng babae kay
Bridgette.

Namamangha na tinignan ni Bridgette ang babae. "H-hindi po kayo natatakot o


nandidiri sa akin?" Hindi siya makapaniwala na may taobg magpapakita ng malasakit
sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi basehan ang hitsura ng isang tao para apihin
siya!"

Sa labis na tuwa ni Bridgette ay napaiyak siya at niyakap niya ang babae. "Salamat
po! Maraming salamat!"

"Siya, tama na iyan. Mukhang wala kang matutuluyan, tama ba ako?"


"Opo."

"Ang mabuti pa ay sa bahay ka na lang tumuloy. Tutal naman ay nag-iisa na ako


doon..."

Masayang-masaya si Bridgette na sumama sa babae.

Pagkadating nila sa bahay ng babae ay agad siya nitong pinaglinis ng katawan.


Binigyan din siya nito ng malinis na damit. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay
lumapit sa kanya iyong babae. Nagsusuklay siya sa harap ng salamin.

Kinuha ng babae ang suklay at ito na ang nagsuklay sa kanyang buhok. "Ano bang
nangyari sa mukha mo, ineng?" tanong ng babae sa kanya.

"S-saka ko na lang po ikukwento sa iyo..."


"May itatanong lang sana ako ineng...Wag ka sanang mabibigla."

"Sige po. Ano po iyon?" aniya.

Nakita niyang huminga muna ng malalim iyong babae bago ito nagsalita. "Birhen ka pa
ba?"

Medyo nagulat siya pero sinagot na rin niya ang katanungan nito. "Oo naman po.
Bakit niyo naitanong?"

"Ah wala..." tugon ng babae at ipinagpatuloy nito ang pagsusuklay sa kanya. "Ano
nga pala ang pangalan mo ineng?"
"Bridgette po. Eh kayo po?"

"Tawagin mo na lang ako na Tiyang Magda! Halika, kumain na tayo...Nagluto ako ng


nilagang karne..." At kitang-kita ni Bridgette ang pagsilay ng misteryosong ngiti
sa labi ni Tiyang Magda.

-CLASS DIDMISSED!-

***THE END***
Salamat po! God bless us all.

SCHOOL TRIP

written by: Soju

All Rights Reserved.

Do not PLAGIARIZE or else Olivia will haunt you!

Please support PATAYIN SA KILIG SI BARBARA!

Thank you.. <3

You might also like