Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

" Buod ng maikling kwentong "Ang Kalupi" ni Benjamin Pascual Mataas na ang araw nang lumabas si

Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa
panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang
batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa
kanyang kaliwang dibdib. "Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa
kung lumabas!" "Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-
bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo
sinasadya. Nag mamadali ho ako, e." "PASENSYA!" sabi ni Aling Marta. Agad siyang tumalikod at tuloy-
tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika.
Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi!
Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. "Bakit ho?" anito. "E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka," "Ku, e
magkano ho naman ang laman?" "E, sandaan at sampung piso ho." Mayamaya ay parang kidlat na
gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas
niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig. "Nakita ring kita!" ang sabi niyang
humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang
sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka" May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at
ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit
ang isang pulis, na tanod. "Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata. "Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis. Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng
nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala
ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag
hihintay. "Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos
napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. "Napahiyaw ang bata sa sakit." Halos mabali ang
kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap
ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa
isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino
ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng
paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa
maputlang muka ni Aling Marta. "Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing
pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!" Ilang pang sandali pa
ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na"
Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na
nagsabi ang pulis sa kanya. "Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na.
Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay? "E. . . e," Hindi magkantuntong
sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama. "Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa "Ang
pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng
pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?" Biglang-bigla
anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan
ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay.

You might also like