Lihim Na Pagtingin

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tula:

Lihim na Pagtingin,Lumalim

Minsan,inibig mo siya ng lihim...

Habang tumatagal ito'y lumalalim

At nagseselos ka na nang palihim.

Sa tuwing siya'y iyong nakikita,

Kaligayahan sa mukha mo'y di maitatatwa.

Kasiyahan mo'y kaniya ring nadarama.

Sa kilos mo,ikaw ay talaga ng halata,

'Di mo man ito idaan sa salita.

Palihim na pagsulyap,kanyang nakikita,

Ang mga salita mo'y kanyang napuna.

Minsan,may pasaring kang winiwika

Ito nama'y kanyang binabalewala.

Minsan,siya ay lumuha,

Nakita ito ng iyong mga mata,

Kirot sa puso niya'y iyong nadama.

Naging maalalahanin ka sa kanya

Sa mga sandali na kasama siya

At sa araw-araw nais mong makita.

Pero,nalaman pa niya sa iba

May lihim ka palang pagsinta,

Katulad ng kanyang nadarama.


Paglayo

Mama,nang ika'y nagpapaalam na,

Luhaan ang aking mga mata,

Mahigpit na yakap-yakap kita,

Ang nais ay pigilan ka.

Sa paghakbang ng iyong mga paa,

Nais kitang habulin,mama

Upang pakiusapan ka

Na wag mo na akong iwanan pa.

You might also like