Professional Documents
Culture Documents
GenEd FILIPINO
GenEd FILIPINO
PANDIWA
Ang Pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay sa isang lipon ng mga salita.Ito
ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Halimbawa: *Ang bata ay tumatakbo. *Si Maria ay naglalakad sa daan. *Ang mga bata ay
sumasayaw.
1. PERPEKTIBO – tumakbo
Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga salitang kahapon,noon,kanina,nakaraang buwan/araw.
Halimbawa: *Kanina lang umalis ang mga dayuhang negosyante sa kanilang opisina.
2. IMPERPEKTIBO – tumatakbo
Nagsasaad ng kilos na hindi pa nagtatagal na nagawa
Ginagamitan ito ng mga salitang kauupo,kalilingon,kaliligo,atbp.
Halimbawa: *Kauupo mo lang aalis kana agad?
3. KONTEMPLATIBO – tatakbo
Nagsasaad ng kilos na naganap,patuloy na gaganap at nagaganap parin
Ginagamitan ng mga salitang nagwawalis,naliligo,naglalaro at iba pa.
Halimbawa: *Hanggang ngayon ay naglalaro pa ang mga bata.
PAGBABAGONG MORPONEMIKO
1. ASIMILASYON – Parsyal (pangsukli), Ganap (panukli)
2. MAY ANGKOP – wikain mo – “kamo”
3. MAYSUDLONG/PAGDARAGDAG NG PONEMA - muntik – muntikan, pagmuntikan, pagmuntikanan
4. METATESIS – linipad – nilipad
5. PAGKAKALTAS NG PONEMO – takipan – takpan
6. PAGLILIPAT-DIIN – laRUan (playground) - laruAN (toy)
7. PAGPAPALIT NG PONEMA – madapat – marapat
WALANG PAKSA:
1. EKSISTENSYAL – mayroong isa o higit pang tao - Halimbawa: Mayroon daw puno sa
bakuran.
2. MODAL – nais/pwede/maari (Gusto ko matulog.)
3. PANLIPUNAN – pagbati, pagbigay galang atbp.
4. SAGOT LAMANG – “Talaga?”, “Oo”
5. SAMBITLA – masidhing damdamin (Aray!)
6. TEMPORAL – panandaliang kalagayan o panahon
KAYARIAN:
1. PAYAK – iisang kaisipan
2. TAMBALAN – dalawang sugnay na ‘di makapag-iisa
3. HUGNAYAN – madalas nagsisimula sa kung, dahil sa
4. LANGKAPAN – mahabang pangungusap
TEORYANG SING-SONG
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas- emosyunal. 7. Iminungkahi pa
niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal,
at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
TORE NG BABEL
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon kungsaan ang
wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-
watak at nang mahigitan ang Panginoon.
TORE NG BABEL Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore. Nang
nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang
binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
TEORYANG YOO HE YO
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
TEORYANG TA -TA
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye
sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay
nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang salitang ta-ta.
Teoryang Mama
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother
ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang
nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
Teoryang Eureka!
Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree, 2003). Maaari
raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.