Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN III

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang
titik ng pinakatamang sagot.
1. Ano ang agham panlipunan na nakatuon sa pag-aaral ng estraktura ng daigdig, balat ng lupa, at labi ng halaman at hayop.
(Pinagmulan ng Daigdig)
a. heograpiya c. heolohiya
b. antropolohiya d. sosyolohiya
2. Anong teorya ang nagpapaliwanag na ang pinagmulan ng mundo at lahat ng mga matatagpuang nilalang dito ay nilikha ng Diyos.
(Pinagmulan ng Daigdig)
a. planetisimal c. creationism
b. solar nebula d. animism
3. Bakit tinawag na able man o handy man ang Homo Habilis? (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
a. dahil nakapaglalakad na ito ng tuwid c. dahil ito ay nakakaalam na
b. dahil may katangian na itong lumikha ng kagamitang bato d. dahil ito ay may kakayahan nang magsaka
4. Ano ang tawag sa pag-aaral ng kapaligirang pisikal ng ibabaw ng mundo? (Pinagmulan ng Daigdig)
a. globo c. mapa
b. equator d. heograpiya
5. Ang kabihasnan ng India ay umusbong sa paligid ng aling anyong tubig? (Unang Kabihasnan sa Africa)
a. Tigris River c. Indus River
b. South China Sea d. Mediterranean Sea
6. Ano ang tawag sa paliwanag sa anumang bagay, proseso, o pangyayari? (Pinagmulan ng Daigdig)
a. paniniwala c. kultura
b. teorya d. kabihasnan
7. Ano ang likhang-isip na linyang paikot sa globo na humahati sa daigdig sa Northern Hemisphere at Southern hemisphere?
(Katangiang Pisikal ng Daigdig)
a. equator b. latitud c. longhitud d. prime meridian
8. Ano ang pagbabagong naganap sa Panahong Neolitiko dahil sa paglaganp ng malawakang pagsasaka? (Panahong Neolitiko at
Paleolitiko)
a. Naging palaasa ang tao sa kalikasan. c. Gumawa na ng mga kagamitang bato ang mga tao.
b. Natuklasan din ang paggamit ng apoy. d. Permanenteng naninirahan ang mga tao sa isang lugar.
9. Ano ang tawag sa panahon ng matandang bato? (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
a. Paleolitiko b. Neolitiko c. Asia Minor d. New Age
10. Ano ang yugto ng panahon na wala pang sistematikong pagsusulat at pagtatala ng mga kaganapan ng tao? (Panahong Neolitiko
at Paleolitiko)
a. neolitiko b. paleolitiko c. prehistory d. history
11. Ano ang agham panlipunan na nangangahulugang pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan ng daigdig. (Pinagmulan ng Daigdig)
a. heograpiya b. antropolohiya c. heolohiya d. sosyolohiya
12. Ito ay isang siyentipikong pamamaraang ginagamit upang matukoy ang gulang o edad ng isang puno. (Panahong Neolitiko at
Paleolitiko)
a. radiocarbon (C14) dating c. dendrochronology
b. potassium-argon dating d. dokumentong historical
13. Sa anong yugto ng panahong paleolitiko ipinapalagay na unang gumamit ng apoy? (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
a. lower paleolithic b. middle paleolithic c. upper paleolithic d. new stone age
14. Ano ang dalawa sa pinakakilala matandang lungsod ng India? (Unang Kabihasnan sa Africa)
a. Sumer-Akkad c. Chaldea-Persia
b. Babylon-Ashur d. Mohenjo-Daro
15. Ang Mesopotamia ay napasailalim sa Imperyong Persia bunga ng pananakop ni ______________. (Kabihasnang Mesopotamia)
a. Alexander the Great b.Darius the Great c. Cyrus the Great d. Atila the Great

II. Sino o ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
______________________16. Ang mga tao o pangkat ng tao na nagpapalipat-lipat ng tirahan kung kinakailangan. (Panahong
Neolitiko at Paleolitiko)
______________________17. Ang paliwanag ng anumang bagay, proseso o pangyayari. (Pinagmulan ng Daigdig)
______________________18. Ayon sa teoryang ito, ang iba’t-ibang bahagi ng solar system ay nabuo mula sa napakalaking ulap na
kung tawagin ay solar nebula. (Pinagmulan ng Daigdig)
______________________19. Ayon sa teoryang ito, ang mga planeta ay nabuo dahilan sa pagsasalpukan ng planetisimal at
meteorite. (Pinagmulan ng Daigdig)
______________________20. Basang luwad na lapida. (Kabihasnang Mesopotamia)
______________________21. Batay sa teoryang ito, ang kalawakan ay umusbong muila sa isang napakasiksik(dense)at napakainit na
kalagayan halos 14 bilyong taon na ang nakalilipas. (Pinagmulan ng Daigdig)
______________________22. Ayon sa teoryang ito, ang solar system ay nabuo dahil sa pagdaan ng protostar sa araw na nagdulot ng
matinding epekto sa nagaganap na pag-alon at nagkaroon ng solar disruption. (Pinagmulan ng
Daigdig)
______________________23. Distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng
prime meridian. (Katangiang Pisikal ng Daigdig)
______________________24. Distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng
equator. (Katangiang Pisikal ng Daigdig)
______________________25. Kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal na
panahon. (Katangiang Pisikal ng Daigdig)
______________________26. Makaagham na teorya ni Charles Darwin. (Pinagmulan ng Tao)
______________________27. May akda ng On the Origin of Species by Means of natural Selection. (Pinagmulan ng Tao)
______________________28. Mga naiwang labi ng mga halaman at hayop. (Pinagmulan ng Tao)
______________________29. Mga paniniwala at salaysay ukol sa paglikha ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo
ng tao. (Pinagmulan ng Tao)
______________________30. Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng daigdig ayon sa pagsusuring siyentipiko.
(Pinagmulan ng Tao)
______________________31. Pangunahing kaisipan nito ang mga katagang “ang kasalukuyan ay siyang susi ng nakaraan”.
(Pinagmulan ng Daigdig)
______________________32. Pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. (Katangiang Pisikal ng Daigdig)
______________________33. Teorya na nagsasaad na Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay kasama ang tao. (Pinagmulan ng Tao)
______________________34. Naglalarawan sa isang proseso kung saan ang indibidwal na nagtataglay ng pinakaangkop na
katangian ay nabubuhay at dumarami ng mas mabilis kung ihahambing sa iba. (Pinagmulan ng
Tao)
______________________35. Tumutukoy sa kabilang sa pamilya ng bipedal primate mammal na kinabibilangan ng modernong tao.
(Pinagmulan ng Tao)

III. Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang:
A - kung ang unang pahayag ay tama at ang ikalawa naman ay mali
B - kung ang unang pahayag ay mali at ang ikalawa naman ay tama
C - kung ang dalawang pahayag ay parehong tama
D- kung ang dalawang pahayag ay parehong mali
_______36. Ang Pleistocene epoch ay tinaguriang “panahon ng sangkatauhan”
Ang Cenozoic era ay tinaguriang “ panahon ng yelo” (Pinagmulan ng Daigdig)
_______37. Ang kasaysayan ng daigdig ay nahahati sa apat na mahahabang panahon.
Ang mahahabang panahong ito ay ang Precambrian, Paleozoic, Mesozoic at Cenozoic. (Pinagmulan ng Daigdig)
_______38.Theistic Evolution ay pagtatangkang pag-ugnayin ang mga kaisipang creationism at ebolusyon
Si Charles Darwin ang tagapagtaguyod ng teoryang ebolusyon sa pamamagitan ng natural selection.(Pinagmulan ng Tao)
_______39. Ang epoch ay tumutukoy sa pagpapanahon sa kasaysayang heolohikal na mas maliit kaysa eon.
Samantalang ang period ay ang panahong nagiging batayan ng paghahati ng era. (Pinagmulan ng Daigdig)
_______40. Ang crust ay bahagi ng mundo na kung saan ito ay isang patong ng mga batong napakainit.
Ang mantle ay binubuo ng mga metal na tulad ng iron at nikel. (Katangiang Pisikal ng Daigdig)

IV. Hanapin sa Hanay B ang konseptong inilalarawan o binibigyang-kahulugan sa Hanay A. Isulat ang titik ng pinakangkop na
sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
HANAY A HANAY B
______41. Pagtataglay ng Diyos-diyosan ng katangian at pag-uugaling tao a. satrapy
______42. Kalipunan ng batas sa Babylonia b. lugal
______43. Mga lalawigan sa Imperyong Persian c. Code of Hammurabi
______44. Nangangahulugang “pagitan” sa wikang Greek d. demokrasya
______45. Pinag-usbungan ng kauna-unahang lungsod-estado sa daigdig e. Mesopotamia
______46. Pinuno ng lungsod-estado sa Sumer f. anthropomorphic
______47. Hango sa salitang casta na nangangahulugang lahi g. meso
______48. Pinakamababang antas ng tao sa lipunang Indian h. ahimsa
______49. Dulang isinulat ni Kalidasa i. Sakuntala
______50. Paggalang sa mga nilalang na may buhay j. caste
______51. Lupain sa pagitan ng mga ilog k. anthropoid at prosimians
______52. Paarkong matabang lupain l. untouchable
______53. Sub-order ng primate m. fertile crescent
______54. Dalawang pamayanang Neolitiko n. homo sapiens sapiens
______55. Modernong tao o. Jericho at Catal Huyuk
p. Mesopotamia

V. Isulat sa patlang ang S kung ang mga pahayag ay ambag/kontribusyon ng mga Sumerian; AK kung Akkadian; AS kung Assyrian;
B kung Babylonian; C kung Chaldean; at P kung Persian.
______51. Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform (Kabihasnang Mesopotamia)
______52. Hanging Gardens of Babylon (Kabihasnang Mesopotamia)
______53. Kauna-unahang imperyo sa daigdig (Kabihasnang Indus)
______54. Relihiyong Zoroastrianism (Kabihasnang Indus)
______55. Epic of Gilgamesh (Kabihasnang Mesopotamia)
______56. Wikang semitiko, arabe at Hebreo (Kabihasnang Indus)
______57. Kalipunan ng mga batas ni Hammurabi (Kabihasnang Mesopotamia)
______58. Nagpalawig ng Imperyo mula Egypt hanggang India (Kabihasnang Indus)
______59. Paggawa ng kagamitang bakal (Kabihasnang Indus)
______60. Nagpalawig ng Imperyo mula Iran hanggang Egpyt (Kabihasnang Indus)

VI. Ibigay ang hinihingi ngbawat kategorya.


A. Mga Paraang ginagamit sa Pag-aaral ng Pre-history (4) (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
B. Iba’t-ibang Agham na Nag-aaral ng Nakaraan (5) (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
C. Mga Kulturang Gumawa ng Kagamitang yari sa Bato noong Upper Paleolithic Period (5) (Panahong Neolitiko at Paleolitiko)
D. Uri ng Hominid (3) (Pinagmulan ng Tao)
E. Konsepto/Kaisipang ginamit ni Darwin sa evolution theory (2) (Pinagmulan ng Tao)
F. Ama ng Kasaysayan (1) (Pinagmulan ng Daigdig)

“Chances are not given to make things right….


but are given to prove that we could be better even after we have failed for so many times...”

You might also like