DLP Ap9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

GRADE 1 to School Grade Level 10

12 Teacher Subject ARALING PANLIPUNAN


DAILY LESSON Teaching Dates 2 araw Quarter UNANG MARKAHAN
PLAN
LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran
upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
C. Mga Kasanayan sa 1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan (AP10MHP-Ih-11)
Pagkatuto (Learning
Competencies) Isulat ang 2. Natatalakay ang mga yugto o hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan
code ng bawat kasanayan 3. Nasusuri ang sitwasyon ng sariling komunidad upang makapagsagawa ng CBDRRM Plan

II.NILALAMAN
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Kontemporaryong Isyu, Patnubay ng Guro, pp. 106; 112; 115; 118
Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Kontemporaryong Isyu, Modyul ng mag-aaral pp. 103; 118-120; 121-124; 124-126
Pang-mag-aaral
Mga Kontemporaryong Isyu, Batayang Aklat nina Francisco et. al (The Libarary Publishing House Inc.)
3. Mga pahina sa Teksbuk 2015 pp. 9-12

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 1
5. Iba pang Kagamitang Metacards, video
Pangturo https://www.youtube.com/watch?v=9Mj--fUtDO8
http://www.philstar.com/psnopinyon/2015/10/24/1514168/editoryal-kulang-pa-sa-paghahanda

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang Bilang balik-aral, ipapagawa ng guro ang isang gawain upang mataya ng mga mag-aaral ang
aralin at Pagsisimula ng natutunang konsepto sa nakaraang aralin.
bagong aralin
Gawain 1: Learning Stations: Ilalagay ng mga mag-aaral sa angkop na station ang mga konsepto na
ipapakita ng guro kaugnay sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Maaring ipaskel sa iba’t ibang bahagi
ng silid-aralan ang apat na pangunahing konsepto ng aralin, samantalang ang mga salitang kaugnay
nito ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng LCD projector o sa pamamagitan ng mga metacards.

Mga pangunahing konsepto: Hazard Assessment, Vulnerability and Capacity Assessment, Capacity
Assessment, Risk Assessment

Mga salitang kaugnay ng konsepto:


1. Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard (Hazard Assessment)
2. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard (Hazard Assessment)
3. Pagkakaroon ng utang (Vulnerability and Capacity Assessment)
4. Kawalan ng interes sa mga programa ng pamahalaan (Vulnerability and Capacity Assessment)
5. Pagtala ang mga kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng
pagtama ng hazard o kalamidad.(Capacity Assessment)
6. Kapasidad ng komunidad na harapin ang hazard sa pamamagitan ng pagtutulungan upang
ibangon mula sa pinsala ng mga sakuna (Capacity Assessment)
7. Pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang pagbaha (Risk Assessment)
8. Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon (Risk Assessment)
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

Pagkatapos ng balik-aral, magpapakita ang guro ng isang video upang simulan ang bagong aralin.

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 2
Gawain 2: Video-kita! Ipapanood ng guro ang video na magpapakita ng katangian ng Project Noah na
inilunsad ng pamahalaan upang matukoy ang mga kalamidad.

https://www.youtube.com/watch?v=9Mj--fUtDO8

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang tawag sa proyektong inilunsad ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya?
2. Ano ang mahalagang katangian ng proyektong ito?
3. Paano makakatulong ang proyektong ito sa paghahanda sa sakuna?
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

Gamit ang objective board, babasahin at ipaliliwanag ng guro ang mga layunin ng aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng 1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan


aralin 2. Natatalakay ang mga yugto o hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

3. Nasusuri ang sitwasyon ng sariling komunidad upang makapagsagawa ng CBDRRM Plan

Isasagawa ang isang pangkatang gawain ng mga mag-aaral upang simulan ang aralin. (Gawin sa loob
ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

Gawain 3: Give me a scene!


Ipapakita ng mga mag-aaral ang mga senaryo na bubunutin nila mula sa mga piraso ng papel na
inihanda ng guro na naglalaman ng mga halimbawa ng sakuna.
a. Bagyo
b. Lindol
c. Pagbaha
d. Pagguho ng lupa

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 3
A. Pag-uugnay ng halimbawa Ipakilala ang bagong aralin sa pamamagitan ng balita na nagmula sa isang pahayagan.
sa bagong aralin

Kulang pa sa paghahanda

Kulang pa sa kahandaan ang pamahalaan kapag may tumatama na


bagyo. Sa kabila na sinabi na handang-handa na, hindi rin iyon nangyari
sapagkat mayroon pa ring casualties. Hindi rin naiwasang may mamatay kahit
ang target ng gobyerno ay “zero casualties”. At hindi pa rin sapat ang mga
kagamitan para lubusang makapag-rescue sa mga na-trap sa baha at
makapagdala ng relief goods. Kulang na kulang pa sa paghahanda at maaaring
marami pang bagyo ang tatama bago lubusang maging bihasa sa pagharap sa
mga mabibigat na kalamidad.

Ang Bagyong Lando ang pinaka-distructive typhoon- na tumama sa bansa


ngayong 2015. Nag-iwan ng 60 patay at nagwasak sa maraming ari-arian,
pananim, at mga bahay na nagkakahalaga ng bilyong piso. Pinakamatinding
tinamaan ang Baler, Nueva Ecija, Pangasinan, Pampanga, Isabela at Benguet. .
Maraming palay sa Nueva Ecija at Pampanga ang nalubog sa putik at hindi na
mapapakinabangan. Pinaka-marami naman ang namatay sa Benguet na umabot
sa 11 ang namatay dahilan para sibakin ang hepe ng pulisya roon. Hindi umano
nakahanda ang pulisya sa Benguet gayung mayroong standard procedures ang
PNP kung may tumatamang disaster o kalamidad.

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 4
Nang tumama ang Bagyong Yolanda sa Eastern Visayas noong Nobyembre 8,
2013 na ikinamatay ng 6,000 katao, inaasahang may malaking aral nang
makukuha ang pamahalaan at maski ang mamamayan, subalit hindi pa rin pala
sapat ang delubyong iyon para magtanda. Sa kabila na may panawagan ang local
na pamahalaan sa mga residente para lumikas sa lugar, marami pa rin ang
matitigas ang ulo at ayaw umalis sa kani-kanilang mga bahay hanggang may
tangayin ng baha at nalunod. Mayroong nabagsakan ng kahoy sa Baler- habang
nananalasa ang bagyo.

Ginawa ng pamahalaan ang lahat pero kulang pa rin. Maaaring sa sunod


na pagtama ng bagyo ay magkakaroon na ng katuparan na wala nang
mamamatay sapagkat handang-handa na. Uma-asa namang magkakaroon pa ng
mga modernong gamit ang PAGASA upang makapagbigay nang mas malinaw na
babala ukol sa bagyo.
Sanggunian: Pilipino Star Ngayon-http://www.philstar.com/psnopinyon/2015/10/24/1514168/editoryal-kulang-pa-sa-
paghahanda

B. Pagtatalakay ng bagong Pag-usapan ang balitang nabasa o narinig. Gamitin ang mga gabay na tanong.
konsepto at paglalahad ng (gawin sa loob ng 15 minuto) (Inquiry Approach) (STRAND 9.1 )
bagong kasanayan #1
Mga pamprosesong tanong:
1. Ano ang kalamidad na tumama sa bansa noong 2015?
2. Ano ang epekto ng kalamidad na ito sa buhay at ari-arian?
3. Naging handa ba ang bansa sa pagdating ng nasabing kalamidad? Patunayan ang sagot.
4. Ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang epekto ng nasabing
kalamidad?

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 5
Sa pagkakataong ito ay tatalakayin ng guro ang mga hakbang/yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan.
Tingnan ang mga pahina 103; 118-120; 121-124; 124-126 sa manwal ng mga mag-aaral para sa mga
teksto.

C. Pagtatalakay ng bagong Gawain 4: Concept map (Constructivist Approach)


konsepto at paglalahad ng Isusulat ng mga mag-aaral ang apat na yugto o hakbang ng CBDRRM Plan at ang mga konseptong
bagong kasanayan #2 kaugnay nito. (gawin sa loob ng 15 minuto) (Inquiry Approach) (STRAND 9.2 )

Hakbang o
yugto ng
CBDRRM
Plan

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano- ano ang mga paghahandang dapat gawin sa bawat yugto o hakbang ng pagsasagawa ng
CBDRRM Plan?
2. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation?
3. Paano nakakatulong ang mga anunsyo sa disaster preparedness?
4. Ano-ano ang tatlong uri ng pagtataya sa disaster response?
5. Ano ang pinagtutuunan ng pansin sa ika-apat na yugto?

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 6
D. Paglinang sa Kabihasaan Pasasagutan ang mga sumusunod na tanong. Isusulat ng mga mag-aaral ang salitang *LAGING
(Tungo sa Formative HANDA kung ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng kahandaan sa sakuna at mga kalamidad.
Assessment) (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Pagbalangkas sa mga hazard, risk at maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad. *


2. Pagwawalang-bahala sa mga pagtitipon sa barangay ukol sa paghahanda sa sakuna at
kalamidad.
3. Pakikiisa sa pagtukoy sa mga lugar na maaaring masalanta.*
4. Pagkakaloob ng psychosocial services upang malampasan ang naranasang trahedya.*
5. Pagpunta sa mga lugar na natukoy bilang isa sa maaaring maging sanhi ng sakuna.

E. Paglalapat ng aralin sa Gawain 5: Hagdan-hagdang Paghahanda


pang araw-araw na buhay Pipili ang mga mag-aaral ng isa sa mga sakuna at kalamidad. Isusulat nila ang mga gagawin
nilang paghahanda para sa positibong pagharap dito. Maari itong maging pangkatang Gawain.

a. Bagyo
b. Baha
c. Lindol
d. Pagsabog ng bulkan
e. Tsunami
f. Sunog
g. Pagguho ng lupa
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective & Collaborative Approach) (Strand 9.3)

F. Paglalahat ng aralin Gamit ang iba’t ibang graphic organizers, ilalapat ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto
ukol sa aralin. Maaring pumili sa mga sumusunod:
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 7
a. Matrix
MGA HAKBANG/YUGTO KAHULUGAN MGA PAGHAHANDANG GAGAWIN

b. Horizontal Block List

Isusulat ng mga mag-aaral ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel.


G. Pagtataya ng aralin (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Tukuyin ang tamang sagot.


1. Ang ahensya ng pamahalaan na bumuo ng Project Noah. (DOST)
2. Ang yugto na nakatuon sa pagsasayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura sa nasalantang
lugar. (Ika-apat na yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery)
3. Tinataya sa yugtong ito kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. (Ikatlong
Yugto: Disaster Response)
4. Tumutukoy ito sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad,
Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 8
sakuna o hazard. (Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness)
5. Tinataya sa yugtong ito ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran. (Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation)

H. Karagdagang gawain para Sa tulong at gabay ng opisyal ng barangay suriin ang sitwasyon ng sariling komunidad upang
sa takdang aralin makapagsagawa ng CBDRRM Plan. Gagawing gabay ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto
na natutunan sa aralin.
at remediation
IV. MGA TALA (Remarks)
V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.

E. Alin sa mga estratehiyang


pagtuturo ang nakatulong

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 9
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro/ superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Lesson Exemplars on Delivery of Learners –Araling Panlipunan 10, Unang Kwarter, LORELIE AYAP-JASUL, Division of Lucena City Page 10

You might also like