Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nakikilala at naipaliliwanag mo ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika (Biblikal at
Pansiyentipiko);
 natutukoy mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba't ibang teorya sa pinagmulan ng wika;
 natitimbang at kritikal na nasusuri mo nang may katalinuhan sa katotohanan ang iba’t ibang
teorya ng pinagmulan ng wika;
 nasusubok mo na manaliksik at makagawa o makalikha ng personal na teorya ukol sa
pinagmulan ng wika ng tao sa mundo.

 Ano-ano ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika?


 Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang teorya na pinagmulan ng wika?

Alamin ang mga sagot araling ito!

Sa pag-aaral ng iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika, mahalagang maunawaan natin ang
kahulugan ng wika at teorya.

Kahulugan ng Wika
 Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at
Pagkakapantay-pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika ay ayon
sa pagpapakahulugan ng Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay
isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng kaisipang ito na ang wika ay isang elementong
nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng wika, ang tao ay nakauugnay sa
daigdig.
 Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit
sa komunikasyon ng mga tao sa isang tiyak na kultura. Samakatuwid, ang wika ay isang
prosesong nagsisimula sa pagbuo ng kaisipang tinutumbasan ng makabuluhang mga tunog.

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

 Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit pang
penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
 Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
 Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-aralan
ang pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
 Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1)
ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.

Ang Teoryang Biblikal


May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa panig
ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan, at ikalawa
ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na sinasabing
noon ay may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa
kapatagan ng Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at magiging
tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika (Carpio
2012).

Pentecostes

 Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may narinig na
ugong na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa bawat isa, at sila
ay napuspos ng Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham


Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo.
Narito ang mga sumusunod na teorya:

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao sa


mga tunog na nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa:
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon

Teoryang Ding-dong

 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.


 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa mga
bagay batay sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia na maikakabit
sa bagay.

Halimbawa:
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan

Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog, na
natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang emosyon.

Halimbawa:

Sakit: Aray! Paghanga: Wow!


Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama
sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang
puwersang pisikal.

Halimbawa:
Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon,
sa kanilang mga ritwal at dasal.
Halimbawa:
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan

Mga Paalala

 Mahalagang maunawaan na ang mga teorya ay pangkaraniwang nakabatay rin sa personal na


pagpapalagay ng mga indibidwal na nagsusulong o nagtataguyod nito.
 Maraming iskolar sa larangan ng wika ang nagtangkang ipaliwanag ang kahulugan at katuturan
ng wika gaya nina Asenjo, Marx, at Gleason.

Mahahalagang Kaalaman
 Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng wika
ng tao sa daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
 Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.
 Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain ng mga
tao na magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
 Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig nang
nilukuban ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila ng iba't ibang wika.
 Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-dong,
Pooh-pooh, Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.

PAGTATAYA

1. Alin sa sumusunod na ideolohiya ang itinuturing ni Marx at sinang-ayunan ni Asenjo na isang


kamalayang praktika?
a. Komunikasyon b. pampublikong pagbigkas c. retorika d. wika

2. Ano ang kahulugan ng kamalayang praktika?


a. kamalayang panlipunan gaya ng politika, ekonomiya, at siyensiya.
b. puwersa at elementong nagtutulak sa tao upang lumikha at makipag-ugnayan.
c. kaisipang naisakongkreto matapos ang mga pag-aaral.
d. kaalamang nailathala sa mga primarya at sekondaryang sanggunian.

3. Alin sa sumusunod na ideyang nakalahad sa ibaba ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa


teorya?
a. Ang teorya ay tumatalakay sa puro na katotohanan tungkol sa isang tiyak na paksa.
b. Ang mga teorya ay batay sa haka-haka ng mga indibidwal na nagtangkang magpaliwanag
sa anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
c. Ang anumang teorya ay hindi maaaring baguhin at isailalim sa bagong mga pag-aaral.
d. Ang mga teorya ay naglalantad ng purong pananaliksik at hindi nahahaluan ng personal
na haka-haka ng sinomang indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag sa anomang
bagay na naitala sa kasaysayan.

4. Sang-ayon sa pagpapaliwanag ni Gleason, paano nagkakaroon ng relasyon/ugnayan ang


kaisipan ng tao at ang wika?
a. Pangkaraniwang nagsisimula sa wika ang anumang kaisipan ng tao.
b. Ito ay isang prosesong nagsisimula sa pagbuo ng kaisipan na tinutumbasan ng
makabuluhang mga tunog o wika.
c. Magkasabay na nalilikha ang anumang kaisipan ng tao at anumang uri ng tunog.
d. Ito ay isang proseso na ang anumang ideya ng tao ay tinutumbasan ng anumang uri ng
tunog, makabuluhan man ito o hindi.

5. Batay sa pagpapaliwanag ng Teoryang Ding-dong na kilala rin na Teoryang Natibistiko, paano


nagkaroon ng wika ang tao sa mundo?
a. Ipinaliliwanag sa teoryang ito na nagsimulang magkaroon ng wika ang tao mula sa
nalilikha niyang mga tunog dahil sa matinding puwersa.
b. Ipinaliliwanag ng teoryang ito na nagsimulang magkaroon ng wika ang tao sa pagbigay
ngalan sa mga bagay batay sa tunog na maririnig mula rito.
c. Ipinaliliwanag sa teoryang ito na nagmula ang wika ng tao mula sa mga tunog na nalilikha
niya mula sa matinding emosyon.
d. Ipinaliliwanag ng teroyang ito na nagkaroon ng wika ang mga tao dahil sa panggagaya
sa mga tunog sa kalikasan.

6. Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang


tunog na nalilikha ng isang babae o ginang kapag siya ay nagsisilang ng sanggol?
a. Yo-he-ho b. Ta-ra-ram-boom-de-ay c. Pooh-pooh d. La-la

7. Ibigay ang angkop na pagkakatulad sang-ayon sa unang nakasaad na analohiya:


Boom ganda! (Tagalog Rizal): Teoryang Pooh-Pooh
Bangui, ritwal ng mga Mangyan. (Mangyan Iplaongan) : _
a. Ta-ra-ram-boom-de-ay b. La-la c. Pooh-pooh d. Ta-ta

8. Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika nabibilang ang


tunog na nalilikha ng reaksiyon sa buhos ng ulan, kulog, at hangin?
a. Ding-dong b. Pooh-pooh c. Yo-he-ho d. Ta-ra-ram-boom-de-ay

9. Alin sa sumusunod ang hindi konkretong halimbawa ng Teoryang Bow-wow?


a. tunog ng relo/orasan
b. unog ng pagpatak ng ulan
c. ingay na nalilikha ng lagasgas ng tubig sa ilog
d. tunog ng kulog

10. Batay sa binabanggit sa Bibliya, bakit hindi nagustuhan ng Diyos ang pagtatatag ng tore na
nagbunsod ng pag-iiba-iba ng wika ng tao sa daigdig noon?

a. sapagkat nagpapakita ito ng labis na kapangahasan ng tao


b. sapagkat ipinagpapalagay na nainggit ang Diyos sa ginawa na pagtatatag ng tore
c. sa kadahilanang iilan lamang ang higit na makikinabang kung sakali mang matapos ang
pagtatatag ng nasbaing tore
d. sa kadahilanang maaari itong magbunsod ng hindi pagkakaunawaan sa hinaharap at susunod
na salinlahi

You might also like