Balagtas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAKATARUNGAN BA ANG PROSIYA NG KORTE SUPREMA TUNGKOL SA WIKA AT PANITIKANG FILIPINO

SA KOLEHIYO

Lakandiwa :
Minamahan naming guro at kamag-aral
Magandang umaga ang bating marangal
Ako`y nandito upang ating alamin
Pakinggan natin ang mga saloobin
ng mga makata sa ating usapin

Ako po muna ay magpakilala


Lakandiwang naatasan
Hilton Omambac ang pangalan
Handang tumimbang ng palitan ng katuwiran

Para naman inspirado , ang kaba ko ay malabanan


Maaari bang makahiling ng palakpakan
Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap
Ang tagisan ng talino ngayong umaagay magaganap

Paksang pagtatalunan
Makatarungan ba ang pasiya
ng korte suprema tungkol sa wika
At panitikang Pilipino sa Kolehiyo ?
Bago ko simulan ang ating paligsahan

Ating munang kilalanin ang dalawang makata


Na tiyak kayo ay hahanga
Dahil ito ang labanan ,gamit ang sandata ng katalinohan
Halina`t pakinggan ang kanilang pangalan
Maging ang kanilang mga katuwiran

*Di Sang Ayon ( Kimberly )– Pagkakilanlan

*Sang Ayon ( Menjel ) – Pagkakilanlan


MAMBALAGTAS 1
Kimberly Rata ang aking pangalan
ang prinsesa ng balagtasan ,
na may dalang katapangan.
sa bawat katwiran koy tagos sa puso
kahit sino pa ang kalaban tiyak magdurugo ang puso.
Akoy hindi naparito upang makipagtalaktakan,
gusto ko lang ipaglaban ang aking panindigan.

MAMBALAGTAS 2
Menjel Cabuenas ang aking pangalan
Ang reyna ng balagtasan
Sa talino’t kagandahan tiyak taob ang aking kalaban
Ako’y may salitang kasabihan
Bago ako sumilang sa balagtasan
Ako’y hindi pa nakasubok ng pagkatalo
Pagka’t lahat ng kalaban ko
Lagging umuuwing hindi nanalo.

Lakandiwa
Ngayong narinig ang pagkakilanlan
Dumating na ang oras para simulan
Halina`t itutok ang inyung pandinig
Para sa tunggalian ng dalawang panig
Itutok na natin ang buong atensyon
Para makinig sa kanilang diskusyon
Ang panig ng hindi sang-ayon ating pakinggan
Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan
*Di Sang –Ayon
*Sang – Ayon
*Di Sang – Ayon
* Sang – Ayon

MAMBALAGTAS 1
Hindi ako sang ayon sa pasiya ng korte suprema
sapagkat ang iniisip nilay ang kanilang ligaya.
Bat ba natin papalitan ang sariling wika
kung ito man lang ang ating sandata.
Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig
kung hindi natin pag aralan ang sarili nating wika at kultura?
Ang Wikang Filipino ang minimithi
upang ang bawat Pilipino ay magkaisa lagi
lahat ng hangarin ng mga damdaming ,sumisidhi.

MAMBALAGTAS 2
Korte Suprema ay nag decisyong maganda
Mapaunlad ang pilipinas mula ulo hanggang paa
Ayaw mo ba non, tayong mga Pilipino ay marunong ng magsalita ng iba’t ibang wika?
O baka naman kaya ayaw mong sumang-ayon
Kasi hindi mo kayang makipagsabayan sa ibat ibang hamon
Kaya nga tayo’y hindi umuunlad.
Kasi iniisip natin pag ibang wika mahirap
Nakakabuti sating mga Pilipino
Ang decision ng korte
Upang tayoy mapunlad kahit kaunti.

MAMBALAGTAS 1
Ang pagtanggal ba ng wikat panitikang Filipino
ay nakatutulong sa ating bansa,
O dikayay itoy paraan para tayoy mapahiya.
Wikang Filipino,nararapat na maging wikang panlahat.
Ang Wikang Filipino ginagamit sa Luzon, Visayas at Mindanao
kaya itoy kilala ng lahat,
ginagamit araw araw kahit saan ka magpunta,ang wikat kultura ay nagsisilbing tanglaw ng bawat isa.

MAMBALAGTAS 2
Maraming oppurtunidad ang naghihintay para sa mga nakakarami
Dahil sa mabuting decision ng korte
Kaya aking katunggali, mag isip ka nang Mabuti
Pagbabago ang kailangan para sa bansa
Hindi puro Abacada lang
Kundi dapat may iba’t ibang wika naman
Para sa panahong kagipitan
Ang decision ng korte ang ating masasandalan.

MAMBALAGTAS 1
Dahan dahan sa pagsasalita katunggaling maganda,
sapagkat nasasaktan mo mga taong maralita.
Matuwid na landas, handog ng Wika at Panitikang Filipino
gamit ng guro bilang kanilang panturo
sa simbahan man upang batas ay mawasto.
Kaya hindi parin ako sang ayon sa pasiya ng korte suprema
dahil hindi marangal ang pagtakwil ng sariling wika at ibaon sa limot ang ating kultura.

MAMBALAGTAS 2
Hindi naman sinabing tinakwil ang ating wika at kultura
Pinapaunlad lang naman ng korte suprema ang ating bansa
Marami mang hindi nakaintindi
Peru sa daloy ng panahon tiyak hindi tayo magsisi
Wikang Filipino at panitikan ay hindi maalisPagka’t ito’y ating sinasapuso at sinasaisip
Kaya aking katunggaliIyong pag-isipan
Ang decision ng korte
Ay para rin sa ating ikakabuti.

Lakandiwa :
Humayo kayo at tumigil na kayo
Sapat na ang ipinakita ninyo
Palamigin na ninyu ang inyung mga ulo
Sapagkat tapos na itong pagtatalo

Pagtatalo na kung tawagin ay balagtasan


Kayo ay magkamayan
Dahil ito ay isa lamang paligsahan
At walang seryusohan

Kaming tatlo ay naririto


Sa inyoy nag papasalamat ng totoo
Tapos napo ang aming balagtasan
Ang hiling lang po namin ay masigabong palakpakan.

You might also like