Banghay Aralin Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino VI- IKA-ANIM NA LINGGO

I. LAYUNIN
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto. (F6PS-If-6.1)
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento. (F6PB-If-3.2.1)

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalikasan

PAKSANG ARALIN
A. Kasanayan: Pagsasalaysay muli ang napakinggang teksto
Pagsagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento
B. Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, RBEC Ika-Anim na Baitang Aralin 45 ph. 156-157, Landas
sa Pagbasa 6 ph. 9-12
C. Mga Kagamitan: cartolina, pentel pen, manila paper

PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o
magkasalungat.
a. hangal: matalino f. lumubog: lumutang
b. nagdaralita: naghihirap g. umuusok: umaaso
c. matagal: sandal h. lihim: sekreto
d. namangha: nagulat i. dahop: sagana
e. intindihin: unawain j. nabatid: nalaman
Balik-Aral
Sa pisara, ipagawa ang sumusunod na may tamang pagsunod sa panuto.
Gumuhit ng isang parisukat.
Sa loob ng parisukat, gumuhit ng bilog.
Sa loob ng bilog, gumuhit ng parisukat.
Kulayan ng iba-iba ang bawat espasyo.
2. Pagganyak
Tanungin ang mga bata kung sino sa kanila ang mahilig manuod ng Encantadia.
Pumili ng isang sitwasyon na palabas na kinahumalingan nila at ipasalaysay sa 4-5 pangungusap
lamang.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Kunin ang aklat na Landas sa Pagbasa 6 at buksan sa pahina 9-11. Ipabasa ng malakas,
malinaw at sabay-sabay ang kuwentong “ Oo Nga’t Pagong”. Gabayan ang mga bata sa
paggawa nito. Siguraduhin na naintindihan nila ang bawat talata.
Tanungin ang mga bata pagkatapos ukol sa nabasang kuwento. Pagtuunan ang mga
tanong na “bakit” at “paano”.
2. Gawin Natin
Ipagawa ang sumusunod.
A. Kung pabibigyan sa iyo ng bagong pamagat ang kuwento, anong pamagat ang ibibigay
mo? Bakit? Ipaliwanag.
B. Kung ipababago sa iyo ang wakas ng kuwento, paano mo ito babaguhin?
Gawin mo.
3. Gawin Ninyo
Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Ang bawat pangkat ay may nakatakdang bahagi ng kuwento na
isasalaysay muli.
Unang Pangkat: Ang pinakamasayang bahagi ng kuwento
Ikalawang Pangkat: Ang pinakamalungkot na bahagi ng kuwento
Ikatlong Kuwento: Ang bahaging may mapupulot na aral sa buhay
4. Gawin Mo
Ipabasa ang talata ukol sa likas na yaman.

LIKAS NA YAMAN
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang yamang kagubatan na
matatagpuan ng iba’t-ibang pununkahoy, ibon at hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga
likas na yamang ito’y unti-unti nang naglaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa
ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop
na naninirahan ditto. Wala na ang mga ugat na mga punungkahoy na sumisipsipng tubig kaya’t madalas
nag pagbaha. Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang Pilipino,
paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang kababayan
natin?

Sagutin ang sumusunod:


a. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan ang ating likas na yaman na
mapanitili ang kagandahan nito?
b. Bakit umabot sa punto na nawala ang mga ibon at hayop sa kagubatan?
c. Paano mo maliligtas ang mga hayop sa kagubatan sa kapahamakan na naghihintay sa kanila?

d. Bakit nagging pabaya ang mga Pilipino sa ating likas na yaman?

5. Paglalahat
Ano ang mga dapat isaalang-alang kung isasalaysay muli ang napakinggang teksto?
Paano mo ito gagawin? Bakit kailangang bigyan ng pansin sa pagsasalaysay ang mga
mahahalagang bahagi ng teksto na binasa?

6. Paglalapat
Isaad kung paano naging isang magandang kuwento ang “Oo Nga’t Pagong”?
Anu-ano ang mga natatanging katangian ng mga karakter sa kwento?

IV. PAGTATAYA
Isalaysay kung paano maging mabuting mamamayang Pilipino para sa ikauunlad ng ating bansa.
Bakit kinakailangan maging mapagmasid sa mga nangyayari sa ating kumonidad?

V. TAKDANG-ARALIN
Manood ng balita ngayong gabie at maghanda sa pagsasalaysay nito bukas.

Inihanda ni:
Gng. Ma. Theresa G. Gimeno
Guro
Itinama ni :

Gng. Gina I. Cagang


Punong Guro

You might also like