Kabihasnang Summer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan

Subukin Ang pag-unlad ng agrikultura ang nagtakda ng malaking pagbabago sa buhay ng sinaunang tao.
Napagtanto ng mga sinaunang tao ang kahalagaan ng maayaos at organisadong pamayanan upang
matugunan ang kanilang mga pangangailamgan. Sila ay bumuo ng pamunuanna hindi naglaon ay naging
isang organisadong pamahalaan. Ito ang nagpasimula ng mga lungsod-estado na pinag- usbungan
naman ng mga kondisyong higit na masalimuot na buhay na kung tawagin ay kabihasnan. “Paninirahan
sa lungsod “ ang orihinal na kahulugan ng kabihasnan o sibilisasyon. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa
isang maunlad na kalagayanng nalinang ng mga taong naninirahan ng pirmuhan sa isang lugar sa loob ng
nakatakdang panahon.Ang kabihasnan ay ang unang nalinangsa mga ilog-lambak. Ang mga asyano sa
mga ilog-lambak ng tigris at Euphrates, Huang at Indus ay nagsimula nang mamuhay nang pirnihan at
linangin ang kanilang kabihasnan Ang mga pag-unlad na nagawa ng tao sa mga panahong ito ay
tinaguriang Rebolusyong Neolithic. Ang mga tao ay nagsimulang mamuhay nang pangkat- pangkat sa
maraming lupain sa daigdig.

3. Paano ginampanan ng sinaunang makasaysayang kabihasnan ang paghubog at pagpapaunlad ng


pagkakakilanlang Asyano? Tuklasin Mga Katangian ng Kabihasnan Mula nang matutuhan ng mga tao
ang pagsasaka at paghahayupan, naiangat nila ang kanilang kalagayan mula sa buhay-pangangao at pag-
iimbak ng pagkain tungo sa pagpaparami at pagpapalago ng pagkain at likas na yaman. Natutunan din ng
mga taong gumawa ng mga palayok gamit ang luwad. Sa isang pagkakataon ay natuklasan nila ang tanso
at dito nagsimulang gumawa ang mga tao ng mga kagamitan at sandata gamit ang kauna-unahang tuklas
na metal na ito. natuklasan ng nga tao ang paggamit ng higit na matibay na metal,ang bronze. Ito ay
sinundan ng bakal na matigas at mainam. Ang mga kagamitang gawa sa metal ay natuklasang gamit na
ng nga tao sa sinaunang kabihasnan ng Tigris at Euphrates, Huang, at Indus. Matatag na Pamahalaang
may Maunlad na Batas at Alituntunin Sa kabila ng masaganang kabuhayang alay ng mga ilog ng Tigris at
Euphrates, Indus, at Huang, may mga panahon din namang naging mapaminsala ang mga ito. Ang pag-
apaw ng mga itoay nagdulot ng labis na pagbaha na nakasira ng mga pananim at ikinabubuhayng tao.
Bunga nito, kinakailangan ng mga taong gumawa ng mga dike at kanal upang mapigila ang
pagbaha,magkakaroon ng patubig, at maipagpatuloy ang kanilang pagsasaka sa panahon ng tag-tuyot.

KABIHASNANG SUMER

KABIHASNANG SUMER Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong
ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag
na Fertile Crescent kung saan matatagpuan ang kambal- ilog na Tigris at Euprates.

KABIHASNANG INDUS

KABIHASNANG INDUS Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Dito umusbong ang
kabihasnang Indus.

KABIHASNANG SHANG
KABIHASNANG SHANG Ito ang kabihasnang nagsimula sa lambak ng Huang Ho sa China na tinawag ding
Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.

Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo Ayon sa mga historyador, ang Asya ang sentro ng
kaganapan sa daigdig hanggang sa ika-16 na siglo. Ito rin ang pananaw ng maraming Asyano. Sila ang
nagtatag ng mga unang kabihasnan at pinakamalaki at pinakamatatag na imperyo sa panahong ito.Sa
araling ito, tatalakayin ang mga kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon ng pagkabuo ng mga
sinaunang kabihasnan at imperyo sa mundo.ANG CHINA BILANG GITNANG KAHARIANZhongguo -
nangangahulugang middle kingdom o gitnang kaharian. Tawag sa kanilang imperyo.> Ang pundasyon ng
pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay ang mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at uri ng
pamumuno.> Para sa mga Tsino, ang kanilang imperyo ay Zhongguo o Gitnang Kaharian na
nangangahulugang sila ang sentro ng daigdig.> Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit ( Son of
Heaven ) na namumuno dahil sa Kapahintulutan o Basbas ng Langit ( Mandate of Heaven )Kowtow-
pagpugay sa kanilang emperador sa pamamagitan ng pagyuko sa emperador nang tatlong beses kung
saan ang noo ay humahalik sa semento.ANG BANAL NA PINAGMULAN NG EMPERADOR NG JAPAN AT
KOREAIzanagi- kanilang diyos izanami- kanilang diyosa amaterasu o-mi-kami diyosa ng araw ninigi-no-
mikoto- apo ni amaterasu> Para sa mga Hapones, banal o sagrado ang kanilang emperador dahil
nagmula ito kay Amaterasu, ang diyosa ng araw.> Naniniwala rin ang mga Korean na banal ang
pinagmulan ng kanilang emperador. Prinsipe Hwanung- nagmula ang kanilang pinuno. Hwanin- diyos ng
kalangitan ina ni hwanung.Si hwanung ay nakapag asawa ng isang oso na naging magandang dilag.
Danjun Wanggeom o Tangun kanilang anak.> Ang mga hari ng mga imperyo sa Timog Silangang Asya ay
nangunguna sa mga ritwal at pag-aalay sa mga diyos. Sa kanilang pagkamatay, sila naman ay nagiging
diyos.> Bundok o mga mataas na monumentong arkitektural ang kinikilalang tahanan ng mga diyos sa
Timog Silangan at Timog Asya.Mount popa - MyanmarBa Phnom - CambodiaMount Banahaw -
PilipinasBorobudur pinakadakilang monumentong Buddhist na itinatayo sa Central Java, Indonesia> Ang
mga hari o pinuno sa Timog Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga men of prowess o mga lalaking may
kakaibang angking talino, tapang, o kagalingan.> Sa India, ang mga hari ay kinikilala bilang deveraja o
haring diyos (impluwensyang Hinduism) at cakravartin (impluwensyang Buddhism) o hari ng buong
daigdig> Sa mga muslim ang kanilang caliph at sultan ay Anino ni Allah sa Kalupaan at namumuno dahil
sa atas ni Allah.> Ang mga caliph at sultan ang siyang pinunong pulitikal at panrelihiyon sa Kanlurang
Asya. May katungkulan sila na protektahan ang nasasakupan at palaganapin ang Islam.
konsepto ng tradisyon pilosopiya at relihiyon

Hinduism

Ang Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic. Ito ang
pangunahing relihiyon sa India. Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan
– it ay isinasabuhay. Ang Hinduism ay nakabatay sa pangkapaligirang puwersa tulad ng diyos ng ulan,
diyos ng kidlat, at diyos ng kasaganaan. Sila ay naniniwala sa Pantheism kung saan naniniwala lamang
sila na iisa lamang ang Diyos na may lalang ng lahat ng bagay. Naniniwala rin sila sa reincarnation na
tinatawag nilang Samsara. Sa kanila rin nagsimula ang konseptong karma. Ang Vedas ang banal na aklat
na naglalaman ng mga panalangin, awit at mga pilosopiya.

Buddhismo

Mayroong iba’t-ibang sekta ang relihiyong Buddhismo, ngunit lahat ay nagkakaisa sa pananalig sa aral ni
Buddha – ang Dharma. Ang Gulong ng Batas ang simbolo ng Buddhism. Ito ay nagsimula sa India nong
ika – 16 siglo nang lubos nang nababahala si Prinsipe Siddharta Gautama sa kawalang katuturan ng
buhay ng tao. Siya ang tinawag na “The Enlightened One.” Ipinangaral ni Buddha ang Four Noble
Truths.Sinabi niya rin na ang nirvana ay maaabot lamang sa pamamagitan ng Eight-fold path at Middle
Way.

Islam

Ang crescent moon ang pamilyar na simbolo ng Islam. “Walang ibang Diys kundi si Allah, si Muhammed
ang Propeta ng Diyos.” Ito ang pahayag ng pananalig ng mga Muslim. Ang Islam ay itinatag ni
Muhammed sa Medina. Ang Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim. Ito rin ang nagsisilbing gabay ng
mga Muslimsa kanilang pangarawaraw na buhay. Ang pagsasakatuparan ng Five Pillars ng Islam ay
katuparan ng kanilang pagsisilbi sa pamayanan. Napapalob sa Five Pillars ang mga gawi, tradisyon ,
pagpapahalaga at Batas Islamiko ng pamayanan. Kaiba sa ibang relihiyon, ang mga Muslim ay walang
kinikilalang pari o pangunahing pinuno. Gayunman, ang Islam ay mayroong mga Ulama kilalang mga
guro na nag-aaral ng mga salita at pangaral ni Muhammed. Bawal din sa mga Muslim ang kumain ng
baboy o uminom ng alak.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking relihiyon sa buong daigdig na may 1.9 bilyong tagasunod. Ang
relihiyong it ay nababatay sa buhay at panagaral ni Hesukristo. Ang mga Kritiyano ay mnotheist.
Naniniwala sila na iisa lang ang Diyos na may gawa ng sandaigdigan at sangkatauhanat may kakaibang
ugnayan sa tao. Naniniwala rin ang mga Kristiyano na si Hesus ang anak ng Diyos ay namatay upang
iligtas ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Higit sa lahat, nananalig ang mga Kristiyano naang
knailang kaligtasan ay nakasalalay sa pagsunod sa mga aral ni Hesukristo. Ang Bibliya ang banal na aklat
ng mga Kristiyano. Dit nakatala ang kabuuang buhay ni Hesukristo. Ang Sampung Utos ang batayan ng
pananalig at pagpapahalaga ng mga Kristiyano.
Judaism

Ang Star of David na kung tawagin ay Shield of David ang simblo ng Judaism. Ito ang tanda ng
pagpapahalaga kay David na namuno sa kahariang Israel nong 1000 hanggang 962 BCE. Ang relihiyong
Judaism ang unang nangaral ng pagkakaroon ng iisang Diyos. Sila ay naniniwala na ang Diyos ay gumawa
ng isang kaban ng tipan kay Abraham. Si Abraham ang itinuturing na Ama ng mga Jew. Nananalig ang
mga Jew na si Abraham ay nangakong susunod sa mga salita at batas ng Diyos na nagako namang
magkakaloob ng pagkalinga sa tao.

You might also like