Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lektyur Blg.

2
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw
1. Mga ekspresyong nagpapahayag ng pagsunod o pakikiisa sa ibig o sinabi ng iba.
ayon
batay
sang-ayon
alinsunod
Sa paningin ko
Sa tingin ko
Sa palagay ko
2. Mga ekspresyong nagpapahayag ng palagay na nasa isip bunga ng pagkaunawa o pagkaalam.
Sa ganang akin
Iniisip kong
Sa isang banda
Sa kabilang dako
3. Mga ekspresyong nagpapahayag ng alternatibo o kontrang paniniwala at paggawa ng ibang
bagay.
Sa isang banda
Sa kabilang dako
Samantala
Plato
- isinilang sa taong 428 BCE sa Athens, Greece. Siya ay isang pilosopong Griyego at estudyante
ni Socrates. Natuklasan niya ang “Academy,” ang kauna-unahang pormal na institusyon ng mas
mataas na pagkatuto sa kanluran. Sumulat din siya ng mahigit 30 diyalogo, kilalang Socratic
dialogues dahil sa paggamit niya kay Socrates bilang pangunahing tauhan sa mga akda, na
naglalaman ng kaniyang mga kaisipan tungkol sa pilosopiya, lohika, etika, retorika, relihiyon, at
matematika. Ang ” Parabula ng Kuweba” ay isa sa mga laman ng Socratic dialogues na “The
Republic”.
- Pangunahin sa mga turo ni Plato ang ideya na ang tao ay may imortal na kaluluwa na
nananatiling buháy pagkamatay ng katawan.
- Itinuturing na isa sapinakamaimpluwensiyang intelektuwal sa kasaysayan ng kulturang
Kanluranin.
- Naging interesado siya sa pulitika noong kabataan niya pero nadismaya siya sa sistema ng
gobyerno.
- Sumulat siya ng mga akda sa mga paksang gaya ng etika, katarungan, karunungan, pagiging
katamtaman, debosyon, kaluluwa, at kagitingan.

Alegorya
- Ginagamit ang mga tauhan, aksyon, at tagpuan bilang mga simbolo na dapat bigyang
kahulugan upang makuha ang kahulugang alegorikal.
- Ang mga simbolong ito ay kumakatawan sa buhay ng tao para sa isang sitwasyong political o
historikal.
Mga Halimbawa buhat sa Banal na Aklat.
Tauhan
Ligaw na Tupa- napahamak o napariwarang tao tao
Alibughang anak- anak na nagbibigay ng hinanakit sa magulang.
Tagpuan
Golgota- paghihirap o kamatayan
Bundok-pakikipagtagpo sa Diyos
Disyerto-pagkauhaw sa Diyos
Mga Halimbawa buhat sa Banal na Aklat.
Bagay
Krus- pasyon at pagkaamatay ni Jesus
Prutas- tukso o panlilinlang
Pangyayari
Kasalan: isang paanyaya sa kaharian ng Diyos.
Sanaysay
-isang tuluyang akda na nakatuon sa isang paksa ang pagtalakay.
-maaaring magbigay kahulugan, nag-uuri, naghahambing, naglalarawan, naglalahad,
nagpapaliwanag, nangungumbinsi, nagbibigay ng ebalwasyon, nagsasalaysay, nag-aanalisa o
nagpapaliwanag ng proseso.
Uri ng Sanaysay
1. Pormal o Maanyo
- nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari.
- Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-
sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
- nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.
- Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na
kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
2. Di-Pormal o Impormal
- nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring
nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot
ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.
Mga Simbolismo sa Alegorya ng Yungib
Yungib - Daigdig ng kamangmangan
Bilanggo- Mangmang na tao
Anino - Pilosopo na naghahanap ng kaalaman
Madilim na yungib- Daigdig ng guniguni at pang-unawang pandama
Mataas na pader- Naglilimita sa maaaring malaman ng tao
Kadena- Limitasyon ng pag-iisip
Araw - Katotohanan at kaalaman
Nakatakas na bilanggo- Walang muwang na pag-iisip
Paglalakbay papalabas ng bilanggo- Paglalakbay ng pilosopo sa paghahanap ng katotohanan at
karunungan.
Unang pagkasilaw ng mata- Kahirapan sa pag-unawa ng mga bagay na unang Nakita
Pangalawang pagkasilaw ng mata- Kahirapan sa pagtanggap ng kamangmangan matapos
malaman ang katotohanan.

You might also like