Professional Documents
Culture Documents
Sustainable
Sustainable
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
• ang pag-unlad kung saan natutugunan ang kasalukuyang
pangangailangan habang hindi naisasakripisyo ang
pangangailangan ng mga susunod na henerasyon
(pinakatanggap na kahulugan mula sa ulat ng World
Commission on Environment and Development, Brundtland
Commission 1987)
• sistematikong pamamaraan tungo sa paglago at pag-unlad
kasabay ng pamamahala sa mga likas na yaman.
• pagtugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan na hindi
naisasawalang-bahala ang pangangailangan ng mga
susunod na henerasyon
MGA PARTIKULAR NA LAYUNIN NG
PATULOY NA PAG-UNLAD
1. Wakasan ang taggutom, tamuhin ang seguridad sa pagkain at pinabuting
nutrisyon, at itaguyod ang sustenibleng agrikultura
2. Itaguyod ang tuluy-tuloy, ingklusibo, at sustenibleng paglago sa ekonomiya,
lubos at produktibong empleyo at disenteng trabaho para sa lahat
3. Magtayo ng matibay na imprastruktura, magtaguyod ng ingklusibo at
sustenibleng industriyalsiasyon; at manghikayat ng inobasyon
4. Tiyakin ang sustenibleng pagkonsumo at mga padron (pattern) sa
produksyon
5. Palakasin ang pamamaraan ng implementasyon at pasiglahin ang
pagtutulungang global para sa sustenibleng pag-unlad
ANG KASAYSAYAN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT
17th-18th siglo
Nag-ugat ang kaisipan ng sustainable development sa ideya ng
sustainable forest management na nagsimula sa Europa sa
pagtugon sa pagtaas ng kamalayan sa pagkaaubos ng mga puno
sa England dahil sa pagtotroso
Itinaguyod ni Jean Baptiste Colbert, isang politikong Pranses,
ang konsepto ng pangangalaga sa mga kagubatan upang higit na
mapakinabangan ang mga ito.
Unang ginamit ang salitang sustainability ng mga Aleman na
nagbabantay at nagsusuri sa mga kakahuyan sa Germany noong
1713.
Isinaad ni Hans Carl von Carlowitz (Father of Sustainable Yield Forestry)
sa aklat na Sylvicultura Oeconomica (unang aklat na nailathala na may
konsepto ng sustainable development) ang kahalagahan ng wastong
pagtotroso at sustainability sa mga kagubatan at kakahuyan at itinuro niya
ang pagpapanatili ng balanse sa pamumutol ng mga puno at muling
pagtatanim ng mga ito.
Inilathala noong 1798 ang Essay on the Principle of Population as it Affects
the Future Improvement of Society ni Thomas Robert Malthus at
itinuturing ang kanyang sanaysay na isa sa mga naunang bumalangkas ng
pangangailangan sa sustainability. Ayon sa kanya, nanganganib na hindi
matustusan ang pangangailangan sa pagkain kung darami ang mga taong
nangangailangan nito.
19th siglo
• Inilathala ang aklat ni WIlliam Stanley Jevons na
pinamagatang The Coal Question: An Inquiry Concerning
the Progress of the Nation, and the Probable Exhaustion of
Our Coal Mines. Isinasaad sa aklat na maaaring maapektuhan
ang pag-unlad ng bansang Britanya kung mauubos ang suplay
ng coal nito at babagsak ang kapangyarihan ng bansa kung
mauubos ang suplay ng coal dahil higit na nakasalalay ang
maraming industriya ng Britanya sa panggatong na iyon.
1962
• Ang paglimbag sa akda ni Rachel Carson na
pinamagatang Silent Spring noong 1962 ang nagbigay-
pansin sa ugnayan ng pag-unlad ng ekonomiya at ang
pagkasira ng kapaligiran
1966
• Isinulat ni Kenneth E. Boulding ang isang sanaysay na
pinamagatang "The Economics of the Coming Spaceship Earth"
na inilahad ang pangangailangan sa mga sistemang pangkabuhayan
na makiayon sa mga ekolohikal na sistemang may limitadong
pinagkukunang-yaman
1969
• itinatag ang National Environmental Policy Act (NEPA)
sa US kung saan nakatuon ito sa pangangalaga sa
kapakanan ng mga mamamayan at sa paglikha at
pagpapanatili ng mga kondisyon kung saan
makakapamuhay nang matiwasay ang lahat ng tao at
matupad ang mga pang-ekonomiya at iba pang mga
pangangailangan ng kasalukuyan at susunod pang
henerasyon
1970
• ipinasa sa Kongreso ni Pangulong Nixon ng US ang isang
plano para sa muling pagsasaayos at pagtatatag ng US
Environmental Protection Agency (EPA) bilang isang
malayang ahensiya sa sangay tagapag-paganap ng
kanilang pamahalaan at sinimulan ang operasyon nito
noong Disyembre 2, 1970 upang mapabuti at
mapangalagaan ang kapaligiran, sa pambansa at sa
pandaigdigang antas, gayundin ang kalusugan ng tao at ng
mga likas na yaman kung saan nakasalalay ang lahat ng
mga gawain ng tao
1972
• Nagkaroon ng Stockholm Meeting- isang pagpupulong ng United Nations
sa Stockholm, Sweden kung saan inihain ng mga mauunlad na bansa ang
kanilang alalahanin tungkol sa mga implikasyon sa kalikasan ng pag-unlad ng
mundo at gayundin ang mga papaunlad at hindi pa umuunlad na bansa ang
kanilang pangangailangang palaguin ang kanilang mga industriya
• Nabuo ang konsepto ng likas-kayang kaunlaran bilang resulta ng
pagpupursiging matugunan ang pagpapaunlad ng mga bansa sa Katimugang
bahagi ng mundo at pati na rin ang pangangalaga sa likas na yaman ng mga
mauunlad na bansa sa hilaga.
• Nabuo ang UN Environmental Program (UNEP) bunsod ng pulong sa
Stockholm. Ang UNEP na nakabase sa Nairobi, Kenya ay ang ahensiyang
sumusuri sa mga umuusbong na isyung pangkapaligiran at pangkaunlaran sa
buong mundo at nagbibigay ng mga mungkahing solusyon para sa mga
isyung ito. Kabilang sa mga programang World Environment Academic
Programme noong 1975 at ang World Conservation Technique noong
1980.
1980
Ang International Union for the Conservation of
Nature ay naglathala ng pangkalahatang estratehiya
para sa unang pamantayan ng sustainable development.
..
1982
1992
inilathala ng UN Conference on Environment and
Development ang Earth Charter. Ito ang nagbalangkas para sa
pagtataguyod ng isang tuwid, mapayapa, at sustainable na
lipunan sa ika-21 siglo.
2012
ang United Nations Conference on Sustainable
Development na kilala rin bilang Rio+20 ay
bumalangkas ng isang framework na naglalayong
mapagtagpo ang mga pangkabuhayan at
pangkapaligirang layunin ng pandaigdigang komunidad.
Nabuo sa pagpupulong na ito ang Sustainable
Development Goals na naglalayong makamit ang
sustainable na pagbabago hanggang sa taong 2030 .
KAUGNAYAN NG MGA GAWAIN AT DESISYON NG TAO
SA PAGBABAGONG PANGKAPALIGIRAN
• AGRIKULTURA
• PAGKONSUMO NG
FOSSIL FUEL
• PANGINGISDA
AGRIKULTURA
Land conversion
Pagkawala ng likas na paninirahan ng mga hayop
Soil Erosion
Pagkaubos ng suplay ng tubig
CONSUMERISM
Ito ay kultura ng labis na pagkonsumo ng mga materyal na bagay
at serbisyo na hindi tunay na pangangailangan
•Nakabatay dito ang maraming sistema ng ekonomiya sa mundo,
mahirap mapalitan ang kulturang ito lalo na dahil nakasalalay ang
GDP ng mga bansa sa dami ng binibiling produkto at serbisyo ng
mga tao.
Mga Epekto nito sa Kapaligiran:
• pag-aaksaya ng pagkain
• pagdami ng basura
KAHIRAPAN
• Ito ang pangunahing hamon na kinakaharap ng mundo
ngayon ayon sa United Nations
• Ang kawalan ng katarungan sa pagkakabahagi ng
yaman ng ekonomiya ay humahantong sa pagkasira ng
kapaligiran ayon sa International Institute for Sustainable
Development
• Higit na naaapektuhan ang mga mahihirap ng di-
wastong pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan dahil
higit silang nakasalalay sa kalikasan upang mabuhay .
Ang mga Kailangang Makamit upang Mabawasan ang
kahirapan sa Pilipinas (Philippine Agenda 21):
1. kailangang malutas ang suliranin ng kawalan ng trabaho
2. dapat pataasin ang kita ng mamamayan
3. dapat makamit ang food security o sapat na suplay ng
pagkain sa bansa
4. dapat magkaroon ng inclusive growth rate habang lumalago
ang ekonomiya
NON-SUSTAINABLE ENERGY SOURCES