Ang Mga Alamat at Karunungang Bayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang mga karunungang-bayan ay mga salitang may nakapaloob na kaisipan na dapat

nating maisalarawan o mabigyang kahulugan upang ito ay makatulong sa pagpapatalas


ng ating isip o mapabuti ang ating mga sarili. Halimbawa ng mga karunungang-bayan
ay ang mga bugtong, palaisipan, salawikain at kasabihan.
Bugtong- ito ay ginagawang isang laro kung saan kailangang mahulaan ang
inilalarawan ng bugtong. Halimbawa: “Tungkod ni Apo, hindi mahipo.” Sagot: ningas ng
kandila
Palaisipan- ang mga ito ay isinasaad sa anyong tuluyan o kaya’y anyong patula. Ang
mga ito ay naglalahad ng mga suliranin na kailangang masolusyonan.
Halimbawa: “May apat na ibon sa sanga ng puno, binaril ang isa, ilan ang natira?”
Salawikain- ang mga ito ay matatalinghaga at puno ng pilosopiya sa buhay na
nagsisilbing gabay upang tayo ay mamuhay ng maayos at matuto ng tamang asal.
Halimbawa: :Magsisi ka man sa huli, wala nang mangyayari.”
Kasabihan/ Sawikain- ang mga salitang ito ay may taglay ding mensahe tulad ng
salawikain, ngunit ang sawikain ay mas tiyak sa kanyang mensahe.
Halimbawa: “Namamangka sa dalawang ilog.” Ang ibig sabihin ay salawahan.

Ang karunungang bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan ng Pilipinas na tumutukoy sa mga
aral na nagmula sa pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno na nagsisilbing
batayan at gabay hanggang ngayon. Ang mga sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng
karunungang-bayan. Isang tanyag na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa harap, sa likod
ay paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y sitsaron". samantalang ang mga halimbawa
ng sawikain ay " alilang kanin, balitang kutsero, at buwaya sa katihan. Ang mga halimbawa
naman ng kasabihan ay "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makakarating sa paroroonan".

Salawikain-proberbs sa wikang ingles na nagsisilbing tuntunin sa pagtataglay ng kagandahang


asal
Sawikain/kawikain-epigram sa wikang ingles ng may layong magbibigay aral sa batay sa
karanasan
Kasabihan-saying sa wikang ingles na nagpapahayag ng mga paniwala kaugnay ng pangyayari
sa buhay ng tao na dapat tanggapin o iwasan
Bugtong-riddles sa wikang ingles na matalinghagang pinahuhulaan ang napiling paksa na
maaring tao, bagay, hayop atbp.

Mga karunungang-Bayan
Palaisipan
Ang palaisipan ay karaniwang nasa anyong tuluyan bagama’t may ilan ding palaisipan na nasa anyong
patula. Ito’y larong humahamon sa isipan ng tao upang mag-isip ng kasagutan o solusyon sa suliraning
inilahad.
Bugtong

Kibit- balikat-
magwalang-bahala
Ang bugtong ay isang uri ng laro na may kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan. Ito
ay karaniwang nilalaro sa mga lamayan sa patay para magbigay-aliw at mawala ang antok habang
nagpupuyat. Nang lumaon, ginagawa na rin ito tuwing may pistahan o sa mga pagtititpon.
Tungkod ni Apo
Hindi Mahipo

(ningas ng kandila)

Namamangka sa dalawang ilog-


salawahan

Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain, at kasabihan ay itinuturing na karunungang-bayan dahil


nagpapatalas ito ng isipan upang mag-isip at bigyang-kahulugan ang mahalagang kaisipang nakapaloob
dito o ang mga salitang inilalarawan nito.
Halimbawa:

May limang ibon sa isang sanga ng puno. Binaril ang isa. Ilan ang natira?

Pag dinaan sa tyaga


Maaabot din ang nasa

Sa panahon ng kagipitan
Nakikilala ang kaibigan

Halimbawa:

Magsisi ka man sa huli


Wala nang mangyayari

Lumuluha walang mata


Lumalakad walang paa

(Pluma o Ballpen)

HALIMBAWA:
Bumubuka’y walang bibig
Ngumingiti ng tahimik

(Bulaklak)

Salawikain
Ang salawikain ay mga patalinhagang pahayag na kinapapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay.
Ginagamit ito ng matatanda noong unang panahon para akayin ang mga kabataan sa wastong pag-uugali
at pagkilos. Ito ang nagsisilbing batas ng kagandahang asal noong panahong iyon.
Sawikain
Ang sawikain, gaya ng salawikain ay nagpapahyag din ng magagandang kaisipan o mensahe sa buhay.
Ang kaibihan lamang nito, tiyak at madaling matukoy ang mensaheng nais tukuyin ng sawikain. Ito ay
tinatawag ding kawikaan o kaya’ay kasabihan.Karaniwang ipinakikita nito ang mga gawi o ugali ng isang
tao.
Halimbawa:

Anakpawis-

magsasaka; manggagawa

Mga Alamat
Mga Alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento o
tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Eto din ay
tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Isa itong kuwento na
kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba at sumasalamin sa kultura ng bayang
pinagmulan.

Alamat Ng Daigdig
AYON sa alamat, sina Kalangitan at Katubigan ay may dalawang anak. Sila ay sina Langit at
Tubigan. Si Langit ang kinilalang diyosa ng kalawakan at si Tubigan ang diyos ng katubigan.

Sina Tubigan at Langit ay nagpakasal. Dalawa rin ang kanilang naging mga anak. Sila ay sina
Dagat at Paros. Si Dagat ang naging diyosa ng karagatan at si Paros ang naging diyos ng
hangin.

Lumaon ay nagpakasal din sina Paros at Dagat.

Apat ang naging mga supling nina Dagat at Paros. Tatlo sa mga ito ang lalaki at nag-iisa ang
babae.

Ang panganay ay pinangalanan din nilang Dagat, isang makisig at malakas na lalaki. Sumunod
sa kanya si Adlaw, isang masayahing lalaki na may katawang ginto. Kulay tanso ang katawan
ng sumunod na si Bulan ngunit mahina ang kanyang katawan. Ang tanging babae, si Bitoon, ay
kulay pilak at may ma-gandang tindig.

Nang mamatay sina Paros at Dagat ay inalagaan nina Langit at Tubigan ang kanilang mga apo.

Dahil patay na ang mga magulang ay naging ambisyoso si Dagat lalo pa at na punta sa kanya
ang kapangyarihan sa hangin. Ibig niyang sakupin ang kaharian ng lolang si Langit.
Napapapayag niya ang dalawang kapatid na sina Bulan at Adlaw na sumama sa kanya.
Pinakawalan ni Dagat ang hangin upang puwersahang mabuksan ang kaharian ni Langit. Sinira
niya ito kasama sina Bulan at Adlaw.

Sa galit ni Langit ay nagpakawala siya ng tatlong kidlat laban sa suwail niyang mga apo.

Agad na natunaw sina Bulan at Adlaw. Si Dagat naman ay nahulog sa ibaba. Sa kasamaang
palad ay tinamaan din ng kidlat si Bitoon kung kaya nagkapira-piraso.

Pinagbintangan ni Langit ang asawang si Tubigan. Aniya ay ito ang nag-utos upang salakayin
siya ng kanilang mga apo. Itinanggi iyon ni Tubigan. Nagkasamaan sila ng loob ngunit napawi
rin lalo at napa-tunayan ni Langit na walang kinala-man si Tubigan sa ginawa ng mga apo.

Nagpasya ang mag—asawa na pagkalooban nalang ng liwanag ang kanilang mga apo dahil
hindi na rin nila mabubuo pa ang katawan ng mga ito na winasak ng mga kidlat.

Si Dagat ang ginawa nilang lupain. Si Bulan ay ginawa nilang buwan. si Adlaw ang naging araw
at si Bitoon ang naging mga bituin.

Ayon sa alamat ay sa ganitong paraan nabuo ang daigdig.

Alamat Ng Antipolo
Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng
Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan. Sa
kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang
patuloy na paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-
paghiganti. Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng
Katipunan at ipiniit sa madilim na karsel.

Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa
kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan ay walang
tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating.

Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa lugar na
kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang
nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas
ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.

Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa saklolong


ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus sila ay
nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita sa kapwa
nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.

"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.

"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang sagot.

Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang Tipolo?"
tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging ANTIPOLO.

Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa mataas
na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

Alamat Ng Durian
Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang
During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng
malawak niyang bakuran na naliligid ng mga puno.
Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang
malilikot na mga anak. Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.
Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at
mga anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda
na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.
Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang ng mga
mahal niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay
unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa
makukulit na mga bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang
During ay gayon parin. Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-salamuha sa mga
tao.
Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad. Hindi nila
alam kung ano ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang sumunod pang
mga araw at patindi nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng
amoy.
Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During nang ma tiyak na doon nanggagaling
ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang
pansin ila sa isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinik.
Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng
puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho
ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-
kanilang bahay.
Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang
dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang During 'yan", sabi nila.
During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at
itanong ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay during yan.
Kalaunan ay nagiging durian.
Alamat Ng Langao
Noong araw ay may isang mag-asawa na labis na kinaiinisan ng mga kakilala. Paano ay
parehong tamad ang mga ito. Ayaw nilang magtra-baho at kuntento nang umasa sa mababait
nilang mga kapitbahay para makatawid sa gutom.

Bukod sa pagiging palaasa sa ikabubuhay ay may pangit pang ugali ang dalawa. Naging
gawain na nila na kapag may handaan ay dumadalo sila kahit hindi imbitado. Ang nakaiinis pa
ay lagi silang nau-una sa pagkuha ng pagkain kaysa mga inimbitahang panauhin.

Saan man makakita ng pagkain ang mag-asawa ay tiyak na tutunga-nga sila sa harap niyon
hanggang sila nabibigyan. Kapag nakakita naman sila ng mga pagkaing naka-bilad tulad ng
daing o isdang tinutuyo ay tiyak na mangungupit sila kapag nalingat ang may-ari.

Napakalakas ng pang-amoy ng dalawa pagdating sa pagkain. Tila sila ay may


makapangyarihang pang-amoy na kung saan may pagkain ay natutunton nila.

Isang araw ay napansin ng mag-asawa na nakabihis nang maayos ang kanilang mga
kapitbahay. Lahat ay tila pahangos na papunta sa isang lugar.

Nagkaideya sila na marahil ay sa isang malaking handaan patungo ang mga ito.

Palihim na sumunod ang dalawa sa mga kapitbahay. Gayon na lang ang kanilang tuwa nang
makitang handaan nga ang kanilang pinun-tahan.

Gumawa ng paraan ang dalawa para makapasok sa bahay kahit hindi imbitado. Napakaraming
handang pagkain kaya nagpakasawa sila.

Nang inaakala nilang wala nang kakain at nakalingat ang may-ari ng handaan, nagtungo sila sa
mesang kainan at nagsimulang magbalot ng mga pagkain para iuwi. Nagkataong napalingon
ang may-ari ng handaan at kitang-kita ang ginawa ng dalawa.

Sa galit ng may-ari ay isinumpa ang mag-asawa. Sinabi nito na hindi na sila makapagdadala ng
anumang pagkain kahit kailan at hindi sila pakakainin kahit nasa handaan pa sila. Binalewala
lang iyon ng mag-asawa na napilitang umuwi.

Pagdating ng bahay ay bigla na lang nagbago ang anyo ng dalawa. Naging maliliit silang
kulisap na may mga pakpak.

Hindi na nakita pa ng mga kapitbahay ang mag-asawa. Sa halip ay dalawang insektong dapo
nang dapo sa mga pagkain ang lumitaw. Kahit bawalan at paalisin ay dadapo pa rin ang mga ito
sa pagkain basta nakalingat ang nagbabantay. Ang mga insektong iyon ay tinatawag na
langaw.

Alamat Ng Langgam
Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na kabalitaan sa sobrang sipag. Mula ama
hanggang sa ina at mga anak ay makikitang nagtatrabaho na sila pagsikat pa alng ng araw sa
silangan.

Marami ang naiinggit sa samahan ng pamilya dahil bihira ang mga mag-anak na lahat ay
nagtutulungan.

Ang kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya naman kapansin-pansin ang
tuwina ay masagana nilang ani.

Sa kabila ng maalwang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod ang mag-anak. Habang


gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo silang sumisipag.

"Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad," madalas ay payo ng matatanda sa iba.

Nagkaroon ng taggutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na baha ang mga pananim.
Karamihan sa mga tagaroon ay hindi nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang
makapagtatanim.

Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak. Inihati nila sa mga kababayan
ang mga pagkaing inipon nila.

"Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi inaasahan," anang ama ng
pamilya. "Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito."

"Napakayabang mo naman," wika ng isang lalaki na minasama ang narinig. "Nakapagbigay ka


lang ng kaunti ay ang dami mong sinabi."

"Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho tayong maging handa sa
panahon ng pagsubok,"

"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa sa inyo!" diin ng lalaki.
Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda. Sinabi nito na mas
kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-away.

Hindi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto ang lalaki na dahil makitid
ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na humantong sa
kamatayan ng mag-anak.

Nagluksa ang buong bayan.

Nanghinayang sila sa pagkawala ng ideyal na pamilyang nagbukas sa isip nila sa halaga ng


kasipagan.

Ilang buwan maraang malibing ang mag-anak, dalawang matanda ang dumalaw sa nasunog na
bahay.

Agad ay napansin nilang ang isang grupo ng maliliit na insektong namamahay sa isang bahagi
ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at bawat isa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.

Nagkatinginan ang dalawang matanda. Alam nilang ang mga insek-tong iyon ay ang masisipag
na mag-anak. Tinawag nila itong mga langgam.

Alamat Ng Luzon Visayas At Mindanao


MATAGAL bago nagkaanak si Sultana Luvimi. Nang magsilang naman ay triplet ang naging
mga anak ni Sultan Karif. Mahal na mahal ng sultan ang asawa kaya ang pangalan ng triplet ay
hinango sa mga pantig ng pangalan ng babae.

"Tatawagin natin silang Lu, Vi at Mi," ang sabi ng sultan.

"Lu, Vi at Minda," ang wika ng sultana, "Ibig ko ng pangalang Minda."


"Kung iyon ang nais mo ay masusunod," sang-ayon ng sultan.
Wala pang anim ng buwan ang mga anak nang yumao si Sultana Luvimi. Lungkot na lungkot
ang sultan. Dahil wala na ang asawa, buong panahon at yaman ay ibinuhos ng sultan sa mga
anak.

Lumipas ang panahon. Nagkaroon ng gulo sa nasasakupan ni Sultan Karif. Isang datu ang nais
sakuping ang kaharian kaya inihanda ni Sultan Karif ang mga mandirigma sa posibleng pag-
atake ng mga kaaway.

"Sasama kami sa laban, mahal na ama," sabi ni Lu kay Sultan Karif.


"Marunong kaming humawag ng armas kaya tutulong kami," ani Vi.
"Hindi kami papayag na manood lang dahil mayroon kaming magagawa," sabad ni Minda, na
pinakamatapang sa tatlo.

Gaya nang inaasahan ay lumusob ang mga mandirigma ng datu. Nang mapawi ang usok ng
labanan ay natanghal sa mga mata ng Sultan ang patay na mga anak na hawak pa ang
kanilang mga sandata.

Ipinalagay ng sultan sa malaking bangka ang bangkay ng tatlo at ipinaanod sa dagat upang
doon malibing.

Ilang buwan makaraan ay napansin ang pag sibol ng tatlong mala laking pulo sa dagat na
pinagpaanuran ng bangkay ng tatlong dalaga. Tinawag ni Sultan Karif na mga pulo ng Lu, Vi at
Minda ang mga iyon pero nang lumaon ay naging Luzon, Visayas at Mindanao.

Alamat Ng Marinduque
Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines,
Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng Batangas. Ang
namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may napakagandang anak
na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na Reyna ng Katagalugan, sapagka't
taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.

Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng Mindoro, Laguna
at Camarines. Nguni't sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang kanyang
napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay
mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda.

Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay maraming ulit
na pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa palasyo, ito ay
kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya
ang kanyang pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya
pinahintulutan ni Datu Batumbakal.

Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria.
Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot ng
tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.

"Kung sadyang ako'y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan." Hamon ni Mutya kay
Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng palasyo sa
pagsapit ng dilim.
Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang anak at
pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga
dugong maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay
nilabag nina Maria at Duke.

Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni
Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa buong barangay at
dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng
Maringduque.

You might also like