Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MUNTING

PAGSINTA
Mga tauhan:

Temujin: Cosicol
Yesugei: Sandigan
Borte: Magdasal
Mga kaibigan ni Temujin: Vestal & Eronico

Mga kaibigan ni Borte: Missiona, Escalona, Salabao & Rein


Babaeng mula sa Tribong Merit: Pabia
Tagapagsalaysay: Maraunay


Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magitig na
mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakalungko sa
isang sulook ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Cosicol: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama…
Sandigan: Temujin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmamadali.

Cosicol: Bakit Ama?


Sandigan: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay-
patay. Mahalaga ang ating sasadyain.

Cosicol: Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing


mahalaga an gating sadya sa ating pupuntan? Ano ba iyon?

Sandigan: Ika’y kinse na taong gulang na, sa edad mong iyan Temujin ay dapat ka
nang pumili ng iyong mapapangasawa.

Cosicol: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa
matatanda lamang.
Sandigan: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na
ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng
pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong
pakakasalan.

Cosicol: Ganoon po ba iyon?


Sandigan: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.

Cosicol: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang
ating tribo.
Sandigan: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t s ganitong paraan ako’y
makababawi sa kanila.
Cosicol: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalimutan na nila ‘yon nang
ganoon na lamang?
Sandigan: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting
may gawin akong paraan kaysa sa wala.

Cosicol: Kung iyan po ang sa tingin niyo’y tama.


Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Sandigan: Temujin, magpahinga muna tayo.

Cosicol: Mabuti ‘yan Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang
paligid.
Tagpo: Mapapadpad si Temujin sa isang gubat kung saan nakatira ang
dalaginding na si Borte. Mabibigla siya na di inaasahang pagbagsak ng pinto ng
kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.
Magdasal: Aaay! May magnanakaw!
Cosicol: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala akong
gagawing masama.
Magdasal: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Cosicol: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako kang
hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama (Habang
dahan-dahang inaalis ang kamay sa bibig ni Borte.)
Magdasal: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Cosicol: Kahit hindi mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Magdasal: (Mariing pagmamasdan si Temujin) Aber paano mo patutunayan
‘yang sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo)
Cosicol: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Magdasal: Tingnan natin.

Cosicol: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi)


Magdasal: Anong ngingingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang
pala ang tatawa.
Cosicol: Heto na, handa ka na ba?
Magdasal: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Cosicol: Nais ko sanaaangg (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng
mapapangasawa ko. (Mababa ang tono)
Magdasal: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Cosicol: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Magdasal: Ganon-ganon lamang ba iyon?

Cosicol: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa


iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang
pumili ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang
pinipili ko.
Magdasal: Hoy lalake, anong akala mo madali akong makuha? Kailangan mo pang
maging masipag para makuha ang aking puso at matiyaga para
sunkutin ang aking matamis na Oo. (Biglang tumakbo pauwi)
Maraunay: Umuwi si Temujin nang tamlay sa kanila dahil sa narinig galing sa
dalaga.
Vestal: (Nakasalubong si Temujin) Uy Temujin anong nangyari sayo? Bakit
malungkot ka?
Cosicol: (Umupo) Kasi nakita ko na yata ang babaeng pakakasalan ko,ang..

Eronico: (Biglang sumulpot sa usapan) Oh..eh bakit malungkot ka?


Cosicol: Eh ang problema tila’y ayaw niya sa akin, eh gwapo naman ako, prinsepe
pa diba?

Vestal: Alam ko na! Siguro’y dapat mo siyang haranahin (Sabay bigay ng gitara)
Eronico: At bigyan ng bulaklak (Sabay bigay ng bulaklak)
Cosicol: Teka lang parang may kulang dapat kasama kayo.

Vestal: Ha..ah..eh may gagawin pa kasi ako.


Eronico: Hoy Brynn diba magkakaubigan tayo dapat tulungan natin si Temujin
Vestal: Sige na nga!
Maraunay: Pumunta ang tatlo sa lugar nina Borte. Pagdating doon ay makikita
niyang masayang nagkukwentuhan sina Borte.
Cosicol:(Sumigaw) Iniibig kong Borte nais kong malaman mo na ang kantang ito
ay para sa iyo. (Kumanta)
(Sa banda ng mga babae)
Escalona: Uy Borte ang gwapo naman ng manliligaw mo

Missiona: Oo nga isa pang prinsipe ayieee


Magdasal: Tumahimik nga kayo, pinaglaruan ako niyan
Rein: Uy parang hindi naman, mukhang seryoso naman si prinsepe Temujin sayo.

Magdasal: Tingnan mo nga hinaharanahan ka pa niya.


Escalona: At ito pa mabait yan alam mo ba
(Silang tatlo): Sige na Borte sagutin mo na siya.
Magdasal: (Di parin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman
kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige na
nga.
Cosicol: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Aasahan mong hindi ka
magsisi sa iyong desisyon.
Magdasal: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?
Cosicol: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin kay
Borte). Pero darating ang panahon na tayo’y mamumhay sa iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang ating mabuting anak.

Magdasal: Matagal pa iyon.


Cosicol: Oo panagako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika puntahan
natin si Ama.(Kukunin ang kamay ni Borte)
Cosicol: Ama!
Sandigan: Anak, nais ko’ng maipakilala sa iyo ang iyong mapapangasawa Siya si
Lara nagmula sa tribong Merit.
Pabia: Magandang araw, sa iyo Temujin.

Sandigan: At sino nga siya?

Cosicol: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.


Borte: Magandang hapon po.
Sandigan: Pero, mayroon na akong nakitang mapapangasawa mo anak..
Lara: Wag po kayong mag-alala, mahal ko po ang iyong anak at kung saan siya
masaya, masaya na din ako para sa kanya..
Cosicol: Salamat Lara..

Cosicol: Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di nagpapaalam sa inyo pero


buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sanay maunawaan ny’o po ako.

Sandigan: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong


kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. Okay lang ba
sayo?(Tanong kay Borte).
Borte: Opo!
Cosicol: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang
mo Borte.
Maraunay: Matapos makipagsundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay
naglakbay pauwi sa kanilang gubat sa malayong nayon ng Mongolia.

You might also like