Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Yunit na Pagsasanay sa Unang Markahan

Tukuyin ang mga binabanggit sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang-papel.

1. Sino ang nagwika na ang pamilya ay pangunahing institusyon sa lipunan?


2. Ano ang bumubuo sa isang pamilya?
3. Paano nabubuo ang isang pamilya?
4. Paanong nagiging isang pamilya ng pagmamahal ang isang pamilya sa kanyang kapwa?
5. Ito ay ang karapatan para sa mga bata na orihinal at pangunahing karapatan
6. Isa din itong karapatan kasama ng karapatan sa orihinal na pangunahing karapatan.
7. Sino ang pangunahing guro ng mga anak sa isang lipunan?
8. Ito ang pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak.
9. Isang simpleng turo sa mga anak upang tanggapin ang tao bilang siya.
10. Bilang tanda ng malalim na pagmamahal, isa itong paghubog sa kakayang tanggapin ang isang tao
na hindi tumingin sa kaniyang kakayahan at katangian.
11. Isa itong magandang aral sa mga anak na nagbubunsod na kilalanin at igalang ang dignidad ng isang
tao.
12. Anu-ano ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya? (7)
13. Sino ang nagwika na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang
magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa
ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
14. Ito ay bunga ng maling pagpili.
15. Ano ang anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang inisip at
pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga
gawa.
16. Ano ang pinakamalaking hamon ng modernong panahon sa isang pamilya?
17. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
18. Ang pinakamababang hatid ng diyalogo sa tao o lipunan.
19. Ano ang pinakamataas na hatid ng monologo sa lipunan?
20. Anu-ano ang mga karapatan ng pamilya?
21. Magbigay ng mga tungkuling Panlipunan ng mga pamilya sa lipunan.
22. Magbigay ng mga tungkuling Pampolitikal ng mga pamilya sa lipunan.
Basahin ang mg sumusunod na paksa at isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang mga ito.

1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao na kung saan ang hindi maayos na paraan ng pag-iral at
pamumuhay ay nakabatay hindi lamang sa ugnayan kundi kasama na ng pagmamahalan.
2. Hindi nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at
magsama nang habambuhay; ito ay nabubuo sa pagkakaroon ng anak ng mga mag-asawa.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan pero hindi ito ang pundasyon ng lipunan
na patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay- buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya,
at paghubog ng pananampalataya.
8. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak
– ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
9. Ang pagpapamilya ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o ipasa sa iba.
10. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa
kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga
pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
11. Bilang isang pamilya, mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ng
pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral.
12. Sa pagpapamilya, isa sa mga hindi mahalagang gampanin ay ang maisapuso ng pamilya ang
pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos.
13. Walang halaga ang konsensiya sa paglilingkod sa lipunang kinabibilangan. Ang mahalaga dito ay ang
pagpapakita ng pagmamahal at pag-unawa.
14. Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila
ng makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng
magandang trabaho sa hinaharap.
15. Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang
tunay na tunguhin ng tao – ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao.
16. Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig.
17. Nagpapahayag tayo hindi lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging sa
kung sino tayo at paano tayo namumuhay.
18. Sa isanag tao sa lipunan, hindi mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita
kundi sa gawa.
19. Sa pamamagitan ng Komunikasyon ,naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga
pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa.
20. Ang Komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di- pasalitang
impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito.

Ang Pamilya ang Pangunahing Yunit sa Lipunan!

You might also like