Hemsly Filipinooooo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ROME

Ang kulturang Romano o ng mga taga-Roma ay napakalaki ng impluwensiya


sa iba't ibang kultura at patuloy pa ring pinapahalagahan ng maraming bansa sa kasalukuyan.
Ang kanilang kultura ay pinagsamang kultura ng mga Griyego at Romano dahil sinasabing
napakataas ng pagtingin ng mga Romano sa mga Griyego. Ipinapakita sa sining ng mga
Romano ang bawat katangian ng mga tao sa pamamagitan ng paglililok at pagpipinta kung
kaya't hindi nito pinapalampas ang detalye ng mukha ng tao gaya ng mga kulubot nito.
Mahuhusay ding mga arkitekto at inhinyero ang mga Romano na patuloy na makikita sa mga
sinaunang gusali na buhay na buhay pa hanggang ngayon. Sinasabing ang sistema ng
pagbabatas at karunungan ang isa sa pinakamalaking kontribusyon ng mga Romano sa
kultura ng mga taga-kanluran. Chariot race at gladiator ang ilan sa mga tanyag na libangan
ng mga taga-Roma.

Pagdating sa paraan ng pamumuhay ng karaniwang tao sa ibang bahagi ng mundo, na


kung saan ang pagkita para sa pamilya ang pangunahing prioridad ang Roma ay walang
pinagkaiba. Ang mga mamamayan ay maagang gumising para maghanapbuhay. Ang marami
sa taga Roma ay nakasuot ng Tunic na isang maiksing uri ng damit, ito ay simple at
maginhawa sa katawan. Ang mga nakakaangat naman sa komunidad ay may suot na puting
Toga sa ibabaw ng kanilang Tunic. Ang mga may pinakamatataas na katayuan sa buhay ay
may malinaw na guhit sa ladlaran ng kanilang suot na Toga.

Kung gaano karami ang wika at kultura sa buong Imperyo ng Roma, ganoon din
karami ang diyos na sinasamba rito. Bagaman kakatwa ang Judaismo para sa mga Romano,
pinoproteksiyunan pa rin nila ito bilang religio licita, o kinikilalang relihiyon. Dalawang
beses sa isang araw sa templo ng Jerusalem, dalawang tupa at isang barakong baka ang
inihahain para kay Cesar at sa bansang Roma. Kung ito man ay nakapagpapalugod sa isang
diyos o sa maraming diyos, hindi na iyon importante sa mga Romano. Ang importante sa
kanila ay na pinatutunayan ng paghahaing iyon ang katapatan ng mga Judio sa Roma.
EGYPT

Pagsamba sa iisang diyos at diyos; Amn re,diyosa ng araw; Osiris diyos ng nile; Isis
asaw nito at marami pa. May apat a uri ng tao sa lipunan; ang mga maharlika; pari at pantas;
mga sundalo; mga karaniwang mamamayan at alipin. Naniniwala sa buhay pagkatapos ng
kamatayan na pinagmulan ng dalawa sa dakilang pamana nila sa kabihasnan; ang pag
eembalsamo at ang mga piramide.

Mahigit 90% ng populasyon ay mga paisano ang mag komunidad sa Egypt ay may
makakatulad na kaayusan o pattern at pamumuhay sa pang-araw-araw. Labis na
napapahalaga ang kanilang itsuraat kasuotan. Karaniwang yari ang kanilang damit sa linen o
telang gawa naman sa makapal na balahibo ng hayop tulad ng tupa. Maraming nabibilang sa
nakatataas na uri na mula sa magkaparehong kasarian ang nagpapakalbo at gumagamit ng
peluka (wig), na ng layon ay bilang pamporma at bilang proteksiyon na rin sa ulo at mukha
mula sa sikat ng araw. Mahilig ang mga sinaunang Egyptian sa sports tulad ng: wrestling,
boating, javelin throwing, at pangangaso. Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng
mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay
nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o
nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek.

Paniniwala ng mga Sinaunang Egypt na nasa humigit-kumulang 3000


magkakahiwalay na pangalan ng mga diyos ang natukoy na sa mga sulating Egyptian. Sila’y
nagtatayo ng mga templo bilang pagdakila at pagpaparungal sa kanilang mga diyos. Maliban
dito, naniniwala ang mga sinaunang Egyptian sa kabilang buhay (afterlife) matapos ang
kamatayan. Sila’y naniniwala na matapos mamatay ang tao, ang kanyang kaluluwa ay
maninirahan at mamumuhay sa daigdig ng mga patay. Dahil dito, nakabuo ng detalyadong
ritwal ng kamatayan at paglilibing ang mga Egyptians. Sila’y naniniwala na ang ating mga
kaluluwa ay hindi namamatay kahit sa kabilang buhay (eternal soul or spirits).
GREECE

Ang kultura ng Greece ay nagbago sa paglipas ng libu-libong taon, simula sa


Mycenaean Greece, ito ay patuloy na kapansin-pansin sa Classical Greece, sa pamamagitan
ng impluwensiya ng Roman Empire at Griyegong Eastern, ang Eastern Roman o Byzantine
Empire. Ang iba pang mga kultura at bansa, tulad ng Latin at estadong Frankish, ang
Ottoman Empire, ang Venetian Republic, ang Genoese Republic, at ang British Empire ay
nag-iwan ng kanilang impluwensiya sa modernong kultura ng Griyego.

Ang karamihan ng mga sinaunang tao sa bansang ito na ginawa ng kanilang


pamumuhay mula sa pagsasaka. Ang mamamayan madalas ay nagkaroon ng lupa sa labas ng
lungsod na ibinigay ng kanilang kita.

Nagkaroon sila ng isang kultura, pananalita at mga mahahalagang pagdiriwang gaya


ng Olympic Games. Naniniwala sila sa mga mga diyos at diyosa. Kinukunsulta nila ang mga
oracles dahil sa kanilang paniniwala na matututuhan nila ang kalooban at ninanais ng mga
ito sa pamamagitan ng Oracle.

You might also like