Wisyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BSCS 1-1N

Shania Twain I. Asuncion October 22, 2018

WISYO

Sa mga daan taong pananakop, nakalaya ang Pilipinas. Sa edukasyon na

hinatid ng ibang bansa, natuto ang Pilipinas. Sa kalayaan at kaalamang

natamasa, umunlad ba ang Pilipinas?

Talamak na kalakalan ng illegal na droga, patayan, pagtaas ng bilihin,

kontraktwalisasyon, at kurapsyon sa gobyerno, ilan lamang sa mga indikasyon

na ang lipunang Pilipino sa kasalukuyang panahon ay hindi ang Pilipinas na

ipinaglaban hanggang kamatayan ng ating mga ninuno.

Kung susuriin ang sanhi ng kapalaran ng bansa, mababatid na hindi

lamang pulitikal o ekonomikal ang nagdulot nitong kinasapitan kundi tumatagos

din ito sa problemang kultural ng ating pagka-Pilipino.

Ipinaliwanag ni Bayani S. Abadilla sa Wisyo ng Konseptong Filipino, isang

bahagi ng kanyang aklat na pinamagatang Ganda sa Buhay Pinoy, na tiwalag

sa reyalidad ng lipunan ang mga Pilipino dulot ng pagkalason ng kanilang bait o

katinuan o ang tinatawag na wisyo. Naitanim sa katauhan ng mga Pilipino ang

isang kulturang nilikha ng mga mapagsamantala upang paikutin at pakinabangan

sila. Kung kaya, ang mga simulain at karunungang bayang ipinamana ng mga

sinauna ay unti-unting naparam at napalitan ng mga katangiang hindi makatao.


“Walang Taong Iisang Pulo”

Ang tao ay isang nilalang ng lipunan, hindi ito maaaring umiral nang mag-

isa. Kailangan nitong makihalubilo sa sosyedad hindi lamang upang makinabang

kundi magbahagi at makibahagi rin.

Gayunpaman, sa kasalukuyan ay wala ng pakealam ang karamihan ng

mga Pilipino hanggang hindi sila direktang naaapektuhan ng sitwasyon.

Halimbawa na lamang sa usapin ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin

sa pamilihan na higit na nakapipinsala sa mga mahihirap kaysa sa mga

mayayaman.

Hindi dahil makauuwi ka nang hindi mo kailangang maglaan ng mas

mataas na halaga ng pamasahe dahil may sarili kang sasakyan, hindi dahil sa

kaya mong bumili ng kape sa Starbucks araw-araw nang hindi nag-aalala sa

ipapakain sa iyong pamilya at hindi dahil nabibili mo ang iyong gusto nang hindi

tinitipid ang iyong sarili nang ilang buwan ay tatahimik ka na lamang at mag-

aastang bingi at bulag sa mga nangyayari sa iyong paligid. Mamamayan ka ng

Pilipinas, kapwa mo Pilipino ang mga nagdurusa. Hanggang mas maraming

naghihirap at walang tumurulong, maghihirap ang Pilipinas na kanilang bansa at

iyo ring bansa.

Isa ring punto ang hindi maalis-alis na rehiyonalismo, isang konseptong

pumipigil sa pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa dahil ang bawat rehiyon

ay iniisip na mas dakila sila sa iba. Datapwat iba-iba ang etnisidad ng mga tao sa

Pilipinas, ang Pilipino ay Pilipino, tuldok.


Sa paglimot sa karunungang bayang “walang taong iisang pulo”, ano pang

silbi ng lipunan kung ang bawat isa ay nais lamang paglingkuran ang

kapakinabangan? Ano pang saysay ng bansa kung wala namang tunay na

mamamayang makabayan? Saan hahanapin ang pambansang kaunlaran kung

ang nais lang naman ng mga tao ay pansariling kaunlaran?

“Walang Pilipinas na Iisang Pulo”

Ang Pilipinas ay binubuo ng higit pitong-libong mga pulo, pira-piraso man

ang teritoryo ito parin ay iisang bansa. Walang Pilipinas na iisang pulo subalit

may iisang pinagkaisang identidad ang mga Pilipino.

Pinakamabisang panggapi sa apatya ay ang makabayang edukasyon.

Kailangang mamulat ang bawat isa sa diwang maka-Pilipino. Sa dulo ng araw,

pare-pareho lamang tayong alipin ng kapitalismo, bakit hindi tayo magsama-

sama upang makalaya rito?

Sa pamamagitan ng makabayang edukasyon, mababatid ng bawat

Pilipinong nilason ng kulturang maksarili na higit sa pansariling interes ay mas

nakalulugod na masaksihan ang iyong bayang tuwirang malaya, ang iyong mga

kababayan, kabilang ka, ay tandisang malaya. Kanilang mababatid na ang

sistemang kapitalismo ay mapanira kung kaya’t marapat nang mawasak.

Sa isyu naman ng rehiyonalismo, isang epektibong paraan upang

masolusyonan iro ay ang pagtangkilik sa wikang Fiolipino. Ito ang sagisag ng

aring pagiging iisang lahi. Sa pamamagitan nito ay maari tayong

makipagkaugnayan sa kapwa natin Pilipino sa iba’t-ibang rehiyon ay magtatag


ng mga pangmatagalang relasyon. Kubg lahat ay nagkakaintindihan ay hindi

malayong lahat ay magkakaisa. Kung lahat ay magkakaisa ay hindi talaga

malayong makakamit ang pambansang kaunlaran.

“Ang sakit ng Kalingkingan ay Iniinda ng Buong Kaawan”

You might also like