Professional Documents
Culture Documents
Ang Dating Pangulong
Ang Dating Pangulong
Ang dating pangulong Corazon Aquino ang syang nag patalsik kay dating pangulong Ferdinand
Marcos sa pamamagitan ng People Powee Revolution na nangyari nuong Pebrero 25, 1986.
Sa pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino, na balik ang Demokrasya, binigyan nya ng diin ang
"Human Rights" o "Karapatang pangtao".
Natatandaan ng mga Pilipino ang Administrasyong Estrada sa pagdedeklara niya ng all-out war
labang sa grupong Moro Islamic Liberation Front o MILF kung saan matapos ang tatlong buwan
mula nang idineklara ang giyera laban sa naturang grupo ay muling napasakamay ng militar ang
Camp Abubakar na nagsisilbing headquarters ng MILF. Kabilang din sa napasakamay ng mga
sundalo ang 13 malalaking kampo 43 maliliit pang kampo ng MILF, na noo’y kinikilala pa bilang
isang teroristang grupo.
Hindi pa man nangangalahati ang termino ni Estrada, kabi-kabilang kontrobersya na ang kaniyang
kinaharap. Humantong ito sa paghahain ng impeachment complaint laban sa popular na pangulo.
Nagtagumpay ang panig na laban kay Pangulong Erap na maiharap siya sa isang impeachment
court.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naging saksi ang buong sambayanang Pilipino sa pagdinig sa kaso
laban sa isang punong ehekutibo.
Sa kasagsagan ng pagdinig ng kaso laban kay Estrada, isang insidente ang nagsilbing ningas sa
mitsa na nagpaliyab sa damdamin ng mga Pilipino, ang naging boto ng mga hukom sa impeachment
trial na pumigil sa pagbukas ng ikalawang envelope na naglalaman daw ng mga ebidensya laban
kay Estrada.
Nag-walk out noon ang panig ng prosekusyon, habang sa EDSA ay nagkakaroon na ng lumalaking
bilang ng mga nagpo-protesta.
Sa pagtatapos ng Administrasyong Estrada, umabot sa mahigit dalawang trilyong piso ang utang ng
Pilipinas sa loob at labas ng bansa at nasa isang daang bilyong piso naman ang financial deficit ng
pamahalaan.
Subalit sa kabila ng negatibong sinapit ng Estrada Presidency, lumago ang Gross Domestic Product
ng mahigit tatlong porsyento (3%) mula sa negative zero point five percent (-0.5%) noong 1998.
Lumago rin ang sector ng kalakalan dahil sa pagtaas ng antas ng pamumuhunan sa katapusan ng
taong 2000.
- Programang Oplan Alis Disease na nagkaloob ng mga libreng bakuna upang mapigipan ang mga
sakit gaya ng tuberculosis (TB), diphtheria, at tetanus.
- Pinaayos ang Smokey Mountain mula sa pagiging malawak na tambakan ng basura sa pagiging
isang komersyal at residensyal na lugar.
Si Benigno Aquino ay naihalal bilang presidente ng Pilipinas
noong June 30, 2010 kung saan siya ang panglabinlimang
presidente ng bansa. Bilang presidents kailangang may
mapatunayan at may magawa para sa bansa. Ang isa sa
nagawa niya ay ang pagsasabatas ng reproductive health bill
kung saan ito ay patakaran tungkol sa Responsibilidad ng
Pagiging Magulang, Reproduktibong Kalusugan, at
Populasyon at Pag-unlad at ang Sin Tax Bill, ang patakarang
ito ay pagsasaayos ng mga ipinapataw na buwis sa mga
produktong alak at tabako. Ang makokolektang buwis sa
mga produktong ito ay maaaring mapagkuhanan ng
karagdagang tulong-pinansiyal sa Universal Health Care
Program ng administrasyon.