Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

KABANATA I

ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAANG NAG-AARAL

Sa paglipas ng mga panahon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago lalo na sa mga


kabataang ngayon na gumagamit ng mga cellphone, laptop, kompyuter, tablet at iba pang
kagamitan na may kaugnayan sa teknolohiya. Hindi nila kinakailangang maghanap sa mga
silid-aklatan upang makahanap ng mga sagot bagkus nakikita na lamang ang mga ito sa
google, ita-type na lang ito at mayroong posibleng mga sagot ukol dito. Ang teknolohiya ay
malaki ang naitutulong nito sa atin lalo na sa paggawa ng mga takdang-aralin at
pangangalap ng mga datos at iba pang pamamaraan pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay
puro mabuti lang ang nasa teknolohiya at mayroon ding mga hindi mabuting epekto ito na
nakakaapekto sa atin.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng teknolohiya? Ayon kay (Cruz, 2008), Ang teknolohiya
ay ginagamit sa pagbuo ng mga kagamitan, makina, kasangkapan na makakatulong sa
paglutas ng mga suliranin na nagaganap sa panahong ito. Sinasabi din na ang teknolohiya
ay nagiging high tech na rin sapagkat kilala na ang teknolohiya sa buong mundo na
nakagagawa ng mga imbensyon na kalimitang iniuugnay ito sa mga gadgets.

Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan nakadepende na sa


teknolohiya ang mga gawain ng tao. Maraming pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa
kadahilanang nagbibigay ito ng magandang dulot sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ngunit
minsan ay nasosobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa
hapag-kainan ang buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone kaya
kailangan nating malaman ang iilang mabuti at di-mabuting epekto ng teknolohiya. May mga
epekto ang teknolohiya maaaring makasira sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa offline
at online games. Nagiging tamad ang mga tao, pagkalulong sa gadgets ay nagiging
addiction, nakakasira ng kalusugan ang madalas na paggamit ng teknolohiya, dahil sa
radiation, maaaring sumakit ang ulo sa matagal na pagkababad sa kompyuter.

Ang mga kabataan ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto ng


teknolohiya. Ang iba ay napababayaan na ang kanilang pag-aaral dahil naaadik sa paglalaro
ng mga games sa kompyuter.
B. LAYUNIN

1.) Mapaunawa sa mga kabataan kung ano ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral.

2.) Malaman ang kahalagahan ng teknolohiya sa buhay ng mga mag-aaral na nag-aaral.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

 Institusyon
 Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman natin ang
kahalagahan ng teknolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya.
 Mga Guro
 Sa kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makakatulong ito sa mga guro
upang gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya.
 Mga Mag-aaral
 Makakatulong ito sa mga mag-aaral ng BNAHS upang malaman nila
ang epekto at kahalagahan ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral.
 Mga Mananaliksik
 Bilang mag-aaral na nanaliksik, ang pag-aaral sa paksang ito ay na
nakakatulong na malaman ang mga epekto at kahalagahan ng
teknolohiya sa mga kabataang katulad naming nag-aaral.

D. SAKOP O LIMITASYON

 Ang pag-aaral na ito ay nakapukos sa epekto ng teknolohiya sa mga


mag-aaral ng grade-11 B HUMSS.
 Limangpu’t isang (51) mag-aaral sa BNAHS Grade-11 B HUMSS. Sa
HUMSS seksyon B kami ay kumuha ng dalawangpu’t anim na babae
at dalawangpu’t limang lalaki sa mga katugon sa aming pagsisiyasat.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o


nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may epekto sa ating lipunan
pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng
magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga panananaw na ito ay tama.
Subalit, kailangan nating poag-aralan ng mabutikung ang teknolohiya nga ba ay
nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino
kung paano natin ito gagamitin.

Ayon kay Miel Torres ng Tanauan Institute Inc. Na may kursong Business
Administration, sa kasalukuyang panahon ang Computer ay isang bagay na nagpapadali sa
ating pangangalap ng impormasyon. Bagay na nagpapadali ng buhay ng mga mag-aaral na
katulad namin.

Ayon naman sa mga nakakatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng maghapon sa


library ng paaralan upang hanapinang kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay nariyan sa
bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban maging sa rural ang mga
“Internet Cafe”. Sa isang pindot lang , nasa harap mona agad ang hinahanap mo. Maliban
pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ma leksyon nariyan pa ang printer upang
solusyonan ang problema sa matagal na pagsulat ng mga takdang aralin.

Ayon kay DepEd Asst. Secretary Teresita Inciong, kinakailangan na pagsabihan lang
ang mga guro ang kanilang mga estudyante na patayin o itago ang mga cellphones ng mga
ito habang nasa klase para makaiwas sa anumang reklamo mula sa mga magulang laban
sa kanila.

Saumiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number
70-1999, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellular phone at iba pang gadgets sa
mga estudyante habang nasa loob ng klase. Pinakiusapan din ni Inciong ang mga
estudyante na maging responsible sa paggamit ng mga teknolohiya. Hinikayat rin ni Inciong
ang mga guro na gabayan ang mga estudyante sa tamang paraan sa paggamit ng naturang
teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag ang mga ito sa maling gawain tulad ng
pakikipagtext sa mga estranghero na may masasamang intensiyon, bagkus ay gamitin ito
lalo na sa paghingi ng saklolo.
KABANATA III

PRESENTASYON ANALYSIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabataang ito ay presentasyon, analysis at interpretasyon ng datos tungkol sa


Epekto ng Teknolohiya sa kabataang mag-aaral.

PROPAYL NG MGA MAG-AARAL

Ang unang suliranin sa pag-aaral ay ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa


kasarian, edad, lugar na tinitirhan at teknolohiyang ginagamit. Makikita sa talahanayan I ang
nakalap na datos tungkol sa propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian.

TALAHANAYAN I

PROPAYL NG MGA MAG-AARAL AYON SA KASARIAN

Bilang NG MAG-AARAL BAHAGDAN(%)


Babae 26 26%
Lalaki 25 25%
KABUUAN 51 51%

Inilahad sa talahanayan I ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian. Ang


bilang ng babae ay may dalawampu’t anim (26) na may bahagdan (26%) at ang bilang
naman ng lalaki ay may dalawampu’t lima (25) na may bahagdan na (25%) batay sa
ipinapakita ay di pantay na dami ng bahagdan ang mga respondent. Ayon sa nalikom na
datos mas nakalalamang ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga taga
sagot ay may kabuuang bilang na (51) na may kabuuang limampu’t isang porsiyento (51%).

Ayon sa pag-aaral ni Linnt (1980) mas maraming babae ang nakapag-aral kaysa sa lalaki.
TALAHANAYAN II

PROPAYL NG MGA MAG-AARAL AYON SA EDAD

EDAD BILANG NG MAG-AARAL BAHAGDAN(%)


16 9 9%
17 22 22%
18 8 8%
19 6 6%
20 2 2%
21 1 1%
22 1 1%
23 1 1%
24 0 0
25 1 1%
KABUUAN 51 51%

Inilahad sa talahanayan II ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad. Ang edad
na (17) ang may pinakamataas na bilang na may dalawampu’t dalawa (22) na may
bahagdan na (22%). Kasunod nito edad na (16) na may bilang na siyam (9) at ang may
pinakamababang bilang ay ang edad na (24) na walang bilang kahit isa.
TALAHANAYAN III

PROPAYL NG MGA MAG-AARAL AYON SA LUGAR NA TINITIRAHAN.

LUGAR NA TINITIRAHAN BILANG NG MAG-AARAL BAHAGDAN (%)


San Isidro 17 17%
Burabod 10 10%
Kawayan 8 8%
San Roque 3 3%
Bachao 3 3%
Bato 2 2%
Tinocdugan 2 2%
Busali 1 1%
Hugpa 1 1%
Julita 1 1%
Villa Enage 1 1%
Basud 1 1%
Culasi 1 1%
Canila 1 1%
KABUUAN 51 51%

Ipinakita sa talahanayan 3 ang propayl ng mga mag- aaral ayon sa lugar na


tinitirahan. Ang San Isidro ay may pinakamalaking bilang na may may labing pito (17) na
may bahagdan (17%) ,kasunod nito ay ang Burabod na may bilang na sampu (10) na may
bahagdan (10%) at ang may pinakamababang bilang naman ay ang
Busali,Hugpa,Julita,Villa Enage,Basud at Culasi na may tig-iisa (1) na may bahagdan (1%).

Makikita sa talahanayan 4 ang propayl ng nga mag-aaralayon sa teknolohiyang ginagamit.


TALAHANAYAN IV

PROPAYL NG MGA MAG-AARAL AYON SA TEKNOLOHIYANG GINAGAMIT

TEKNOLOHIYANG BILANG NG MAG-AARAL BAHAGDAN (%)


GINAGAMIT

Cellphone 45 45%

Kompyuter 4 4%

Telebisyon 2 2%

KABUUAN 51 51%

Inilalahad sa talahanayan 4 ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa teknolohiyang


ginagamit ng mga mag-aaral .Ang Cellphone ay may bilang apatnaput lima (45) na may
bahagdan (45%) ,kasunod nito ay ang kompyuter na apat (4) na may bahagdan na (4%) at
may pinakamababang bilang ay ang telebisyon na may dalawang bilang (2) na may
bahagdan na (2%).Ayon sa nalikom na datos inilahad lamang sa talahanayan na ito na mas
maraming mag-aaral ang gumagamit ng cellphone samantala ang telebisyon naman ang
may pinakamababang bilang.

Ayon kay James (1953) ang cellphone ay maraming kahalagahan tulad ng


magandang komunikasyon sa bawat isa.
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA

PAMAGATING PAHINA I

DAHONG PAGPAPATIBAY II

PASASALAMAT III

TALAAN NG NILALAMAN IV

TALAAN NG TALAHANAYAN V

TALAAN NG APENDIKS VI

KABANATA I

1. PANIMULA

 Layunin sa Pag-aaral
 Kahalagahan ng Pag-aaral
 Saklaw at limitasyon
 Depinisyon ng mga Terminolohiya

KABANATA II

2. KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA

3. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KABANATA III

 Kaugnayan na Literatura
 Propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian
 Propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad

KABANATA IV

 Lagom
 Konklusyon

MGA PANGHULING PAHINA

 Sanggunian
 Apendiks
KONKLUSYON

Lubos ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon ngunit lagi nating tandaan na hindi
puro mabuti ang nadudulot nito kaya dapat huwag nating abusuhin ang paggamit ng
teknolohiya, dahil ang makabagong mga teknolohiya ngayong panahon ay mas nagiging
“High Tech” na at ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa tao.

Ang teknolohiya ay ang mga imbensiyon at mga bagay na nagpapadali sa ating mga
gawain katulad ng mga gadgets. Ito ay nakakatulong sa epekto na maaaring mapabuti o
mapasama. Mapapadali ang lahat ng bagay sa tulong ng teknolohiya, ang mga researches,
assignments, proyekto at iba pa na nakakatulong upang mapadali ang buhay ng mga
estudyante ngunit napapansin nyo ba na sa bawat mabuting epekto ay may kaakibat na
masama tulad ng pagkalulong nila sa kompyuter games, mobile games na nagdudulot ng
pagliban sa klase o kawalan ng ganang mag-aral, pagkakaroon ng maraming kaibigan na
makasama sa kanila. Hindi palaging masama ang epekto ng teknolohiya nasa paggamit at
pag-unawa ito.
TALAAN NG TALAHANAYAN

TALAHANAYAN PAHINA

I. Propayl ng mga Mag-aaral ayon sa Kasarian


II. Propayl ng mga Mag-aaral ayon sa Edad
III. Propayl ng mga Mag-aaral ayon sa lugar na tinitirahan
IV. Propayl ng mga Mag-aaral ayon sa Teknolohiyang Ginagamit
TALAHANAYAN VI

MGA TEKNOLOHIYA MEAN DESKRIPSYON

Telebisyon 3.90 Di-gaanong mababa

Cellphone 3.43 Di-gaanong mababa

Kompyuter 3.06 Di-gaanong mababa

Inilahad sa talahanayan 6 ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng nga mag-aaral.Ang


Telebisyon ay may mean na (3.90) na nasa di-gaanong mababa,ang Cellphone ay may
mean na (3.43) na nasa di-gaanong mababa at ang panghuli ay ang Kompyuter na may
mean na (3.06) na nasa di-gaanong mababa. Nangangahulugan na ang epekto ng
teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay di-gaanong mababa.

Nangangahulugan na ang pag-aaral na ito ay di-gaanong mababa ang hindi naniniwala sa


kultura ng Pilipino sa panahon ngayon.
ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAANG NAG-AARAL

PANGALAN:_________________________________ EDAD: _________________

KASARIAN:__________________ BAITANG/SEKSYON:____________________

PANUTO: Lagyan ng () kung ang sagot mo ay Oo, lagyan ng () kung ang sagot
mo naman ay HINDI.

MGA TANONG Oo HINDI


1.) Ang Internet ay nagbibigay ng
maraming impormasyon sa
pamamagitan ng kompyuter.
2.) Tumutulong ang kompyuter para
magkaroon tayo ng komunikasyon.
3.) Ginagamit ang cellphone sa hindi
mabuting paraan.
4.) Ginagamit ang cellphone sa
pagtetext sa iyong mahal sa buhay.
5.) Ginagamit ang cellphone para
mag-nternet
6.) Ang telebisyon ang pangunahing
medium ng paghahatid ng
impormasyon.
7.) Maraming palabas sa telebisyon
ang hindi nakapagbibigay ng
magandang-asal.
8.) Nakakatulong ang kompyuter sa
pag-unlad ng bansa.
9.) Gumagamit ng internet kapag
naghahanap ng impormasyon.

10.) Naglalaro ng video games sa


kompyuter.
11.) Ang cellphone ay ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon.
12.) Napapadali ang komunikasyon
sa pamamagitan ng cellphone
13.) Makakakuha tayo ng
impormasyon sa telebisyon sa mga
pangyayari sa mundo.

14.) Ang telebisyon ay ginagamit sa


telekomunikasyon na sistema para sa
broadcasting.
15.) Ang telebisyon ay libangan.
TALAHANAYAN V

MGA TANONG Oo HINDI


1.) Ang Internet ay nagbibigay ng
maraming impormasyon sa 51 0
pamamagitan ng kompyuter.
2.) Tumutulong ang kompyuter para
magkaroon tayo ng komunikasyon. 51 0
3.) Ginagamit ang cellphone sa hindi
mabuting paraan. 17 34
4.) Ginagamit ang cellphone sa
pagtetext sa iyong mahal sa buhay. 51 0
5.) Ginagamit ang cellphone para
mag-nternet 48 3
6.) Ang telebisyon ang pangunahing
medium ng paghahatid ng 44 7
impormasyon.
7.) Maraming palabas sa telebisyon
ang hindi nakapagbibigay ng 35 16
magandang-asal.
8.) Nakakatulong ang kompyuter sa
pag-unlad ng bansa. 44 7
9.) Gumagamit ng internet kapag
naghahanap ng impormasyon. 49 2

10.) Naglalaro ng video games sa 34 17


kompyuter.
11.) Ang cellphone ay ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon. 49 2

12.) Napapadali ang komunikasyon 50 1


sa pamamagitan ng cellphone
13.) Makakakuha tayo ng
impormasyon sa telebisyon sa mga 51 0
pangyayari sa mundo.
14.) Ang telebisyon ay ginagamit sa
telekomunikasyon na sistema para sa 50 1
broadcasting.
15.) Ang telebisyon ay libangan.
47 4

Inilalahad sa talahanayan 5 na ang cellphone ay may pinakamaraming bilang na


sumagot sa Oo na may bilang na (215) at sa hindi naman ay may (40) at sa telebesiyon
naman ay may (227) sa Oo at sa Hindi ay may (28) at ang panghuli ay ang kompyuter na
may kabuuang bilang na (180) sa Oo at sa hindi ay may (24).Nangangahulugan lamang ito
na mas maraming mag-aaral ang gumagamit ng telebisyon ayon sa nakalap na mga datos.
PASASALAMAT

Sa pananaliksik na ito hindi mabubuo kung wala ang tulong ng mga sumusunod na
tao na puno ng karunungan at pagkamabukas-palad

Una sa lahat ay ang Guro ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik na ito na si Bb. Melissa Balloso na siyang tumulong at nag
bigay ng kaalaman tungkol sa pananaliksik na ito.

Mga katugon ng paaralan ng Biliran National Agricultural High School na


nabigyan ng pangangailangan ng datos sa pannaliksik na ito.

Sa tagapayo na siyang nagmalasakit at gumabay sa pananaliksik na ito.

Mga magulang Nanay, Tatay, mga kapatid, kaklase, at mga kaibigan na walang
sawang sumuporta at nag bigay ng inspirasyon, lakas at pag-asa.

Higit sa lahat sa panginoon na pumatnubay at kalakasan sa lahat ng bagay na


posible.
DAHON NG PAGPAPATIBAY

“Ang Epekto ng Teknolohiya sa mga Kabataang Nag-aaral” handa at ipinasa


nina Ma. Nirreza Rosendal, Melcha Gelizon, Jeralyn Cobacha, Karen Claire Jabilgas,
Mary Katherine Remitera, Eugene Sevillano, Liezel Lagera, Krishia Mae Vacio, Nestor
Fuentes, Andie Nierras, Ronil Andaya, at Gerlyn Garonia. Sakatuparang pinapanigan sa
antas na kumuha ng Track na Humanities and Social Sciences na naisuri at inirerekomenda
para sa eksaminasyong pasalita.

Melissa Balloso, SHT


Research Adviser
LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita tungkol sa propayl ng mga mag-aaral sa


BNAHS na ayon sa mga Kasarian, Edad, Lugar na tinitirhan, Sarbey-kwestyoner at
teknolohiyang ginagamit. Base sa sarbey-kwestyoner tungkol sa epekto ng teknolohiya sa
mga kabataang nag-aaral, upang malaman din ng mga mananaliksik ang resulta ng
paggamit ng teknolohiya.

KONKLUSYON

Lubos ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon ngunit lagi nating tandaan na hindi
puro mabuti ang nadudulot nito kaya dapat huwag nating abusuhin ang paggamit ng
teknolohiya, dahil ang makabagong mga teknolohiya ngayong panahon ay mas nagiging
“High Tech” na at ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa tao.

Ang teknolohiya ay ang mga imbensiyon at mga bagay na nagpapadali sa ating mga
gawain katulad ng mga gadgets. Ito ay nakakatulong sa epekto na maaaring mapabuti o
mapasama. Mapapadali ang lahat ng bagay sa tulong ng teknolohiya, ang mga researches,
assignments, proyekto at iba pa na nakakatulong upang mapadali ang buhay ng mga
estudyante ngunit napapansin nyo ba na sa bawat mabuting epekto ay may kaakibat na
masama tulad ng pagkalulong nila sa kompyuter games, mobile games na nagdudulot ng
pagliban sa klase o kawalan ng ganang mag-aral, pagkakaroon ng maraming kaibigan na
makasama sa kanila. Hindi palaging masama ang epekto ng teknolohiya nasa paggamit at
pag-unawa ito.
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Upang maintindihan ng mabuti ang particular na paksa ay hinahanap naming ang


konseptong teknolohiya.

TEKNOLOHIYA – ito ay mga makinarya o kagamitan na ginagamit upang mapadali ang


produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan. Ito ay naglalayong
mapadali ang buhay ng tao.

CELLPHONE – ay isa sa mga maraming bagay napapabilis ang mga gawaing lalong lalo na
sa komunikasyon.

INTERNET – ay medium na nakikipagtalastasan at nakikipag palitan ng impormasyon.

KOMPYUTER – uri ng teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng


internet.

TELEBISYON – isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap


ng mga larawan at tunog sa kalayuan.
ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA MGA KABATAANG NAG-AARAL

Isang Pananaliksik na Iniharap kay

Bb. Melissa Balloso

Sa

Biliran National Agricultural High School

Bilang pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Komunikasyon At


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Mga Mananaliksik:

Ma. Nirreza Rosendal Liezel Lagera

Melcha Gelizon Nestor Fuentes Jr.

Jeralyn Cobacha Krishia Mae Vacio

Karen Claire Jabilgas Andie Nierras

Mary Katherine Remitera Ronil Andaya

Eugene Sevillano Jr. Gerlyn Garonia

You might also like