Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA

HILAGANG ASYA
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng Europe at Asya.
Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska.
Ang rehiyon ng Hilagang Asya ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init hindi
kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy.
Sa ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie
at savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous bunsod ito ng
malamig na klima sa rehiyong ito.

KANLURANG ASYA
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangang bahagi
ng Africa.
Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito, maging ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas
dahil sa sobrang init at walang masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya.
Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya:
1. Ang Northern Tier na lupain ng kabundukan at talampas,
Sa kanluran ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupa,
samantalang kabaligtaran naman nito ang Iranian Plateau sa silangang bahagi ng Northern Tier na may
lupaing tuyo.
2. Ang Arabian Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig
ngunit ang loob na bahagi nito ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito, at
3. Ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig.

TIMOG ASYA
May anyong hugis tatsulok,
ang Timog Asya ay may hangganang Indian Ocean sa Timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga.
Sa kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan at India,
sa silangan ay Bangladesh,
sa dakong hilaga ay ang mga bansang Nepal at Bhutan, at
ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa Timog.
Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok.
Sa hilagang bahagi nito ay makikita ang hanay ng mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram
Range sa Pakistan at China, at ang Himalayas sa Nepal.
Sa Hindu Kush matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass. Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag
ang Indo-Gangentic Plain na katatagpuan naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan
Plateau sa bandang timog.

Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay ang kabundukan ng Ghats:

 ang Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea, at


 ang Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal.
Ang Indus, Ganges, at Brahmaputra na ilan sa malalaking ilog sa daigdig, ay matatagpuan sa Timog Asya.
Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.
TIMOG SILANGANG ASYA
Ang kahabaan ng Timog Silangang Asya ay makikita sa timog ng China at Japan.
Ang India ang nasa Hilagang-Kanluran nito at
Pacific Ocean naman sa Silangang bahagi.
Dahil sa kaaya-ayang klima dito, magubat na kabundukan ang matatagpuan sa hilaga ng rehiyon
samantalang mga lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan dito habang ang
ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.
Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya:

 Ang Pangkontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na
nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay
kabundukan at manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang
katimugang bahagi ng China. Ang mga kabundukan at talampas na ito ay ang siyang naghihiwalay
sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng
mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong, at Red River.
 Ang Pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga
kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East Timor.
Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire
dahil hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang
pagsabog.

SILANGANG ASYA
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya partikular na ang China na
sumasakop sa 20% sukat ng kontinente.
Ang mga bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya.
Ang rehiyong ito ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at
ang Himalayas.
Nasa silangan naman nito ang Pacific Ocean.
Sa pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan dito, malalalim ang mga lambak at matataas ang
mga bundok.
Bagamat malawak ang China, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa na
isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang bahagi nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas.
Ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay
ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay nahihiwalay sa
mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat na malalaking isla:

 ang Kyushu,
 Shikoku,
 Honshu, at
 Hokkaido.
Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa ang malaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain
ng Japan ay kabundukan.

You might also like