Professional Documents
Culture Documents
mAHAbANG pAGSUSULIT
mAHAbANG pAGSUSULIT
mAHAbANG pAGSUSULIT
II. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____6. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may Lakandiwa na
namamagitan.
A. Balagtasan B. Duplo C. Karagatan D. Debate
_____7. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na Balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar.
A. Bilang alaala sa kaniyang kadakilaan.
B. Bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
C. Upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata.
D. Sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan.
_____8. Ito ay biglaang debate ng mga lalaki at babae na mula sa Cebu at Aklanon.
A. Balitao B. Batutian C. Duplero D. Siday
_____9. Itinuturing na pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
A. Jose Rizal at Andres Bonifacio C. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
B. Juan Luna at Antonio Luna D. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
_____10. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de Jesus.
A. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas.
B. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal.
C. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan.
D. Pagbibigay-galang ito kay Jose Corazon de Jesus.
_____11. Ito ay ang pangunahing gampanin ng isang Lakadiwa sa isang Balagtasan.
A. tagatutol B. tagapamagitan C. tagabuklod D. tagatapos
_____12. Ito naman ay tumutukoy sa gampanin ng isang Mambabalagtas sa isang Balagtasan.
A. tagapagpahayag B. tagapagtapos C. nangangatwiran D. naghahatol
_____13. Ito ay gampaning ginagampanan ng mga manonood sa isang Balagtasan.
A. tagahusga B. tagagulo C. tagabulyaw C. tagahiyaw
_____14. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog?
A. Dahil sa ang paborito nila ay kulay puti noon pa man.
B. Dahil sa magaling silang mambabalagtas noon pa man.
C. Dahil sa ito ang kanilang iniibig na bulaklak noon pa man.
D. Dahil sa mabango ang bulaklak noon pa man.
_____15. Paano binigyan ng pagwawakas o paghatol ng Lakandiwa ang Balagtasang “Bulaklak ng Lahing Kalinis-
linisan?
A. Pinarusahan ang dalawang mambabalagtas C. Nanalo si Paruparo.
B. Nanalo si Bubuyog D. Pinaawit ang dalawang mambabalagtas
III. Katotohanan at Opinyon
Panuto: Suriin ang mga sumusunod ayon sa pagkakagamit ng mga hudyat kung ito ay katotohanan o opinyon.
Isulat ang A- kung ito ay Katotohanan at B- naman kung Opinyon.
_____16. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na
loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.
_____17. Sa aking palagay likas na mapagmahal ang pamilyang kanyang kinagisnan kaya naging mabuti siyang tao.
_____18. Ayon kay Sen. Escudero, dapat magkaroon ng price ceiling sa bigas dahil overpriced ito ng nasa P 4.00
hanggang P13.00.
_____19. Para sa akin, hindi tayo dapat umangkat ng galunggong mula sa ibang bansa dahil mawawalan ng ikabubuhay
ang mga kababayan nating mangingisda.
_____20. Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, sakit sa puso at stroke pa rin ang pangunahing dahilan ng
pagkamatay ng maraming tao sa mundo.
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na Opinyon o katuwiran sa mga sumusunod na paksa sa isang balagtasan.
_____21. Kung sa paksang, “Sino nga ba ang dapat sisihin sa pagkakaroon ng mababang marka ng mga mag-aaral?”
titser ba o ang mag-aaral?
A. Sa aking palagay, ang mga guro sapagkat ito ang katotohanan.
B. Sa aking pananaw, ang mga mag-aaral dahil ito ang nararapat.
C. Kung ako ang tatanungin, mahalaga ang mag-aral ng mabuti at magsumikap.
D Kung ako ang tatanungin, walang dapat sisihin kung kapwa di sila nagpabaya.
_____22. Kung sa paksang, “Sa pag-ibig, ano nga ba ang dapat mamayani?” Mahal ko o Mahal ako.
A. Sa aking pananaw, ang “mahal ko” dahil sabi nga nila bulag ang pag-ibig.
B. Para sa akin, ang “mahal ko” dahil sa pag-ibig di dapat niloloko ang sarili.
C. Para sa akin, ang “mahal ako” dahil ito ang mas masaya at tunay.
D. Sa aking pananaw, ang “mahal ako” dahil ito ang pinakamapalad sa pag-ibig.
_____23. Kung sa paksang, “Dapat bang mangibang-bansa ng mga Pilipino upang umasenso sa buhay?”
A. Para sa akin, hindi na dahil mayaman naman na ang mga manggagawang Pilipino.
B. Sa aking palagay, oo dahil may mas maraming opurtunidad sa ibang bansa.
C. Para sa akin, hindi na dahil nag-uumapaw naman ang suporta sa bansa
D. Sa aking palagay, oo dahil libre lang ang mangarap sa buhay
_____24. Sa paksang, “Sino nga ba ang mas matalino?” ang mga mag-aaral na lalaki o ang mga mag-aaral na babae.
A. Sa palagay ko, ang mga lalaki dahil sila ang mas masipag gumawa.
B. Sa palagay ko, ang mga lalaki dahil sila ang mas malakas.
C. Sa palagay ko, ang mga babae dahil sa kanilang angking kapinuhan at kasipagan.
D. Sa palagay ko, ang mga babae dahil sa kanilang galing magsalita
_____25. Sa paksang, “Dapat bang mayroong pagtitiwala sa isang pagkakaibigan?”
A. Para sa akin, oo dahil ito ang magpapatibay sa relasyon ng magkaibigan.
B. Para sa akin, hindi dahil basta mahal mo ayos na iyon.
C. Para sa akin, oo dahil mahalaga ang mabuhay ng may kaibigan.
D. Para sa akin, hindi dahil kung masaya sila doon sila liligaya.