Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
SCHOOLS DIVISION OF CAUAYAN CITY
Turayong, Cauayan City
CAUAYAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL MARABULIG EXTENSION
Marabulig I, Cauayan City, Isabela

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa ika-Pitong Baitang

Setyembre 20, 2018

I. Mga Layunin

A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.

Pamantayan sa Pagganap:Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang


upang baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan.

Mga Kakayahan:Nakapagpapakita ng tamang hakbang tungo sa paggamit ng kalayaan.

B. Mga Layunin:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan

b. Nakapagpapakita ng malayang pagpili ng mabuti o sa masama tungo sa paggamit


ng kalayaan.

c. Pinapahalagahan ang tungkulin tungo sa paggamit ng kalayan.

C. Paksang Aralin: Kalayaan

D. Mga Kagamitan: Laptop, LCD, Cartolina

E. Sanggunian: ESP 7 Learning Module


II. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga, Klas! Magandang umaga rin po, ma’am!

Maaari bang manatiling nakatayo ang lahat at


tayo’y manalangin.
Francis, maaari mo bang pangunahan ng (Ang mga estudyante ay mananalangin)
panalangin?

Maraming salamat, Francis, sa napakaganda


mong panalangin.
Bago kayo umupo maaari bang pakipulot ang
mga kalat at paki-ayos na rin ang inyong (Sumunod ang mga estudyante)
upuan.

May lumiban ba sa klase? Wala po Ma’am!

Maganda kung ganun.

Pagbalik tanaw ng Aralin

Ano ang huling tinalakay natin sa araling ito?


Yes, Angel. Ang huling tinalakay po natin sa araling ito ay
tungkol po sa ugnayan ng konsensiya sa likas
na batas moral.
Magaling!
Bakit kailangan ng tao ang batas moral?
Yes, Miles. Kailangan po ng tao ang batas moral upang
malaman ang dapat at di dapat gawin bilang
isang tao.
Tumpak!
At papaano naman umiiral ang iyong
konsensiya?
Yes, Waren. Umiiral po ang aking konsensiya sa
pamamagitan ng tamang panghuhusga.
Magaling!
Dahil ang batas moral at konsensiya
nakaugnay ito sa ating pagkatao upang gawin
natin ang mabuti sa mata ng tao at sa mata ng
Diyos.

Batid kong naunawaan niyo ang ating


tinalakay sa araling ito.

Pagganyak

Ngayon, igrupo ko kayo sa tatlong pangkat.


Ang unang hanay ay unang grupo,
pangalawang hanay ay pangalawang grupo,
pangatlong hanay ay ang pangatlong grupo.
May tatlong envelop akong hawak dito, ito’y
isang puzzle na kung saan ang gagawin niyo
ngayon ay bubuuhin niyo ito, pagkatapos ang
bawat grupo ay maaari niyo itong idikit sa
pisara. Bibigyan ko kayo ng isang minuto
upang gawin niyo ito.

Malinaw na ba ang panuto? Opo!

Maaari niyo na umpihasan ito.


(Pagkalipas ng isang minuto aalamin ng mga
mag-aaral kung sino-sino ang mga nakadikit
sa pisara.)

Maaari na kayo umupo.

Unang grupo, sino sa inyo ang maaaring


magpahayag kung sino ang nasa larawan na
inyong dinikit at ano ang kanyang nagawa? Siya po si Dr. Jose Rizal, isang magiting na
Yes, Rondel manunulat kung saan para sa kanya ito ang
paraan na iparamdam ang kaniyang
nararamdaman.

Mahusay!
Salamat unang grupo.
Punta naman tayo sa pangalawang grupo, sino
sa inyo ang maaaring magpahayag kung sino
ang nasa larawan na inyong dinikit at ano ang
kanyang nagawa? Siya si Lapu lapu, nakipaglaban siya upang
Yes, Jasmine makamit natin ang ating kalayaan.

Tama!
Dahil si Lapu lapu siya ang unang bayani na
nakipaglaban sa Mactan.

Ngayon ang pangatlong grupo naman ang


ating pakinggan. Sino ang nasa larawan na
inyong dinikit sa pisara at ano ang kanyang
nagawa? Siya po si Andres Bonifacio, na nakipaglaban
Yes, Christian ng buong tapang sa mga dayuhan.

Tama!
Dahil siya ang ama ng katipunan, pinaglaban
nila ang ating bansa upang makamit ang ating
kalayaan.

Pagtatanghal sa Aralin

Mula sa aktibidad na ating ginagawa kanina,


Ano sa tingin niyo ang tatalakayin natin Maaari po na ang tatalakayin natin ngayon ay
ngayon? tungkol sa kalayaan.
Yes, Joy

Tumpak!
Yan ang ating tatalakayin ngayong umaga
tungkol sa kalayaan.

B. Pagtatalakay
Bago tayo dumako sa ating tatalakayin ngayon
alamin muna natin, kung ano nga ba ang Para po sa akin ang kalayaan ito ay ang
kalayaan para sa’yong sariling pananaw? malaya mong magagawa ang ninanais mong
Yes, Darrel. gawin.
Tama! Kasama na po sa ating pagkatao ang gawin ang
Sino pa? tama upang maging Malaya.
Yes, Jennifer.

Tama!
Dahil ang kalayaan ay may salitang ugat na
Malaya o laya. Na kung saan malaya natin
magagawa ang mga ninanais natin.

May dalawang uri ang kalayaan:


Una, panloob na kalayaan. Ito’y nakasalalay sa
kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.

Tinutukoy ng panloob na kalayaan ng kilos-


loob ang:

a. Kalayaang gumusto (freedom of exercise) Ito ang kalayaang magnais o hindi magnais.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito pakibasa,
Yes, Nicko.

Salamat Nicko.
Halimbawa

“Smoking cause mouth and throat cancer.”


Mula sa paalala o warning masamang dulot sa
kalusugan ang paninigarilyo , Papaano mo
malalaman ang kalayaang gumusto o freedom Malalaman sa pamamagitan po ng sariling
of exercise? desisyon kung gagawin ko po ba o hindi.
Yes, Myra.

Tama!
Dahil ang kalayaang gumusto ito ay malaya
mong sundin o balewalain ang babala.

b. Kalayaang tumutukoy (freedom of Ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung
specification) alin ang nanaisin.
Ano naman ang ibig sabihin nito pakibasa,
Yes, May ann.

Salamat May ann.


Mula sa unang halimbawa natin na ang
paninigarilyo ay masama sa kalusugan,
papaano niyo maipapakita ang kalayaang
tumutukoy? Maaari pong pumili, halimbawa dahil sa mga
Yes, Chrisha. kaibigan pinipilit nila ako na manigarilyo, pero
dahil sa masamang epekto sa kalusugan,
minarapat ko nalang po na lumayo sa kanila.
Tama!
Dahil sa paninigarilyo unti-unting sinisira ang
ating baga, at ito narin ang sanhi na mahirap
sa paghinga.
Ang kalayaang tumutukoy dito, makikita natin
ang tamang desisyon para sa iyong kabutihan.

Sa panloob na kalayaan ng tao hindi natin ito


maipagkait, makukuha o maaalis sa atin.

Pangalawang uri ng kalayaan ay ang panlabas


na kalayaan.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng panlabas na
kalayaan? Pakibasa. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang
Yes, Jay Mark. gawain na ninais ng kilos-loob.

Salamat Jay mark.


Halimbawa

Pang-akademikong kalayaan , papaano niyo


mai-uugnay dito ang panlabas na kalayaan? Sa pagpili ng kursong nanaisin.
Yes, Lerma.

Magaling!
Maaari rin sa pagpili ng paaralan kung saan
nanaisin. Papaano naman ng kalayaang
political? Sa potilikal maaari ka rin pumili kung sino ang
Yes, Ruth. gusto mong iboto.

Magaling!
Maaari rin samahan kung saan mo gusto
sumali.
Dito sa panlabas na kalayaan maaari itong
mabawasan o maalis dahil sa impluwensiya ng
tao.

Ano nga ba ang magiging bunga sa paggawa


ng kabutihan tungo sa kalayaan? Ang pagkakaroon ng pagkakaisa, katahimikan
Yes, Ramon. at masayang lipunan .

Tama!
Ano pa? Ma’am handang tanggapin sa nagawang
Yes, Francis. kamalian.

Tama!
Dahil ang tunay na kalayaan ay dapat
mapanagutan kaya ito ay inaasahan na
gamitin sa paggawa ng kabutihan.
Wala na po Ma’am.
May katanungan pa ba tungkol sa ating
tinalakay ngayon?

Paglinang ng Gawain

Ngayon I-grupo ko kayo sa tatlong pangkat.


Sino sa inyo ang mahilig kumanta? Dito kayo
sa unang hanay. Sino naman ang mahilig
gumuhit? Dito naman kayo sa pangalawang
hanay. At ang pang huli sino naman ang
mahilig sa tula? Dito kayo sa pangatlong
hanay. Ang gagawin niyo “papaano niyo
maipamamalas ang tunay na kalayaan?” Sa
pamamagitan ng pag-awit, guhit o tula.
Bibigyan ko lamang kayo ng 20 minuto upang
mapaghandaan niyo ito, at dalawang minuto
para sa inyong presentasyon. Kailangan ko ng
isang miyembro sa bawat grupo para bumunot
ng numero kung sino ang una, pangalawa, at
pangatlo.
1. Kinakailangan maipakita niyo ang
Narito ang mga alituntunin na dapat niyo mensahe ng kahalagahan ng kalayaan.
sundin: maaari bang basahin nating lahat. 2. Nararapat na makiisa ang lahat ng
miyembro sa presentasyon ng grupo.
3. Kinakailangan may disiplina ang bawat
grupo sa presentasyon.
4. Kinakailangan na sundin ang tamang
oras na inilaan. Kung hindi ito’y
ibabawas sa inyong puntos.

Opo Ma’am.

Malinaw na ba ang gagawin?

Narito ang ating kraytirya

1. May malinaw na paglalahad ng


sitwasyon. -------------------------30%
2. May pagkakaisa sa grupo --------25%
3. Orihinalidad------------------------25%
4. Disiplina sa pagsasadula ---------20%
Kabuuan 100%
Para sa ating komento sa bawat grupo maaari
niyo ito isulat sa ¼ na papel at ihulog niyo dito
sa kahon. At malalaman niyo ito sa muli nating
pagkikita.

Ngayon, maaari niyo ng simulan.


(Pagkalipas ng 20 minuto ang mga mag-aaral
ay handa na para sa presentasyon.)

Ngayon maaari na natin simulan, tatawagin na


natin ang unang grupo para sa kanilang
presentasyon na kung saan sila ngayon ay
kakanta.
(magbibigay ng fire work clap ang mga mag-
Wow! Magaling aaral.)
May natatagong talento pala ang unang
grupo. Bigyan natin sila ng fire work clap.

Ngayon maaari na natin tawagin ang


pangalawang grupo. Ang gagawin naman nila
ay tutula.
(magbibigay ng Dionisia clap ang mga mag-
Wow! Magaling aaral.)
Mga gifted child nga talaga kayo. Bigyan
naman natin sila ng mami Dionisia clap.

Tawagin naman natin ang huling grupo, sila


naman ay ipapakita nila sa atin ang kanilang
iginuhit.

Wow! Amazing (magbibigay ng black eyed peas clap ang mga


Iba’t ibang kakayahan ang inyong ipinamalas mag-aaral.)
ngayon. Bigyan natin ang ikatlong grupo ng
black eyed peas clap.

Ang sarap maging malaya magagawa mo ang


ninanais mo.

Paglalahat
Kalayaan po na pumili ng ninanais, para po
Mula sa ating tinalakay ngayon anong aral ang maiwasan ang mapahamak at gawin ang
maaari mong isabuhay tungkol sa kalayaan? nararapat.
Yes, Patricia

Tama! Sa pamamagitan po ng paggawa ng tama at


Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo hindi abusuhin.
sa kalayaang taglay mo?
Yes, Jessabel
Ma’am, ang kalayaan na binigay sa atin dapat
Tama! lang po pahalagaan, dahil iyan po ang
Ano pa? magdadala sa atin tungo sa kabutihan ng
Yes, Ramon lahat.

Magaling!
Dahil tulad ng sinabi niyo Malaya natin
magagawa ang ninanais natin sa buhay kung
gagamitin natin ito ng tama para sa kabutihan
ng lahat.

“Kayo ay malaya, subalit ang kalayaan ay


Pagpapahalaga huwag gagawing dahilan sa paggawa ng
masama.”
Ayon kay San Pedro maaari bang basahin ng (1 Pedro 2:16)
lahat.

Ma’am, malaya po nating gawin ang gusto


Sino ang maaaring makapagbigay ng kanyang natin, pero ito po ay hindi dapat natin gawin
sariling ideya o pananaw ukol dito? para sa masama.
Yes, Justine

Dapat lang pong gamitin natin ang ating


Tama! kalayaan sa tama o sa kabutihan.
Sino pa?
Yes, Erika

Tama!
Dahil minahal tayo ng Diyos na walang
anumang kapalit, kundi gawin natin bilang
anak ng Diyos ang dapat at nararapat . Wala po Ma’am.
May katanungan pa ba tungkol sa tinalakay
natin ngayong araw?

Takdang Aralin

Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon,


masasabi mo bang may kalayaan sa mga ito?
sa bawat situwasyon sa unang hanay, sabihin
kung may kalayaan o wala sa pamamagitan ng
paglalagay ng (/) kung mayroon o ekis (x) sa
ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa
iyong sagot, isulat sa ikatlong kolum. Gawin
niyo ito sa inyong kuwaderno.

Tanong:
Ano ang nahinuha mong kahulugan ng
kalayaan mula sa gawaing ito?
Goodbye Ma’am!
Kung wala na kayong katanungan, hanggang
sa susunod nating talakayan,
Goodbye klas!

Inihanda ni

Guro

Binigyang pansin ni

Head Teacher I / Teacher-in-charge

You might also like