Ang Pabula NG Kabayo at NG Kalabaw

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
Ang Pabula ng Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain


ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa


kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa


lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.
Kaygandang Pilipinas!
ni: Avon Adarna

Sagana ang bansa sa likas na yaman,


Ang ginto at tanso ay nasa minahan, Mga mamamayan, kulay kayumanggi,
Makakakuha rin, batong kumikinang Sa tuwina’y galak, sa iyo’y babati,
Sa gilid at gitna nitong kabundukan. May halakhak pa’t luksong mga ngiti

Magandang tanawin sa mga


probinsiya,
Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga, Mga Filipino’y lagi nang mabunyi.
Pumaitaas man o dakong ibaba,
Masisilayan mo’y tanawing may sigla.

Pagudpud sa Norte’y ipagmamalaki, Kung kakain man ay aanyayahan,


Ang mga turista ay mabibighani, Ang sinumang tao sa hapag-kainan,
Itong Hundred Islands na nakawiwili, Anumang pagkain ay pagsasaluhan,
Tiyak na ang lungkot, doon May tuwang susubo asin man ang
mapapawi. ulam.

Pumunta sa Baguio sa taas ng Kahit na mahirap ang mga gawain,


bundok, Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,
Tiyak na kikilig sa lamig ng pook, Tiyak matatapos bago pa dumilim
Sagada’t Banaue huwag mong ilimot Mga Filipino’y hindi man dadaing.
Sa mga bisita ay ating itampok.
Ang bansa kong ito, bansang
Sa Boracay Island, tila paraiso, Pilipinas,
Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo Na ang katangia’y may sigla ng gilas,
At kung mapagod, huminga ng todo, Sinumang sasakop at magmamataas,
Kumain muna nga nitong halo-halo. Aking itataboy, hinga ma’y mautas.

Humakbang ng konti, sa Mindanao


naman
Itong Huluga Caves sa s’yudad
ng Cagayan,
Sa Davao naroon ang tayog ng
bayan,
Ang Bundok ng Apo na
nagmamayabang.
Sa Ngalan ng Luha
ni: Kiko Manalo

Luha ang kalsada na dinaraanan,


Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.

Ibig kaawaan, siya’y patawarin,


Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.

Sinasamantala ng taong baluktot,


Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,


Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha’y ginagamit sa buti at sama,


Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?

You might also like